1. Home
  2. Stories
  3. Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Limampu't Anim na Pahina
Lagablab

Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Limampu't Anim na Pahina

By supertoyantz ·

Ika Limampu't Anim na Pahina

"Mom, lipat ka po dito sa sofa. " untag ni Coleen.

Unti unting nagmulat ang mga mata ni Harriet.

Pilit nyang inaninag ang pinagmula ng boses hanggang sa muli syang makarinig ng pagtawag.

"Mahal o, lipat ka na dito sa sofa para makahiga ka ng maayos. " dagdag pa ng isa.

Marahang inangat ni Harriet ang ulo at nilingon ang pinagmulan ng boses.

Hanggang sa magtama ang mga mata nila ng kabiyak.

"G-gabriel ? " bulong nya.

Ngumiti si Gabriel at hinaplos ang pisngi ng asawa.

"Ako nga, sige na. Dito ka na sa sofa. Baka mangalay ka eh. " wika nya.

Kumunot ang noo ni Harriet.

"H-ha ?" tanong nya dito.

Sumingit si Coleen.

"Mommy, dito ka na po. Naayos ko na itong higaan mo. Kasya kayo ni Dad dito. " sabi nya.

Napatingin si Harriet sa dalaga.

Tama ito, may maayos higaan sa tabi nito.

Pero muli syang nagtaka.

Bakit gumagawa ng higaan ang anak nya ?

Eh may kama naman sila ?

..

Nasa kalagitnaan ng pag iisip si Harriet ng may masagi ang kanyang kamay.

Pagtingin nya ay lalong napakunot ang kanyang noo ng makitang may babaeng nakahiga sa kanyang harap.

Kumunot ang kanyang noo at pinakatitigan ito.

Hanggang sa unti unting manlaki ang kanyang mga mata ng makilala ang nakaratay.

"M-mama ? " tanong nya.

Napangiwi si Harriet sa mabilis na paggapang ng sakit mula sa kanyang batok patungo sa sentido.

Napasandal sya sa upuan.

Agad namang sumaklolo si Gabriel sa kabiyak.

"Dahan dahan. " bulong nya.

Mabilis na nangilid ang luha sa mga mata ni Harriet.

Unti unti na nyang naalala ang sitwasyon.

Akala nya ay nananaginip lamang sya.

Hindi pala.

Totoo pala ang narinig nyang pagsigaw ng anak.

..

"A-anong nangyari sa Mama ? " hysterical na tanong nya.

Imbes na sagutin, dahan dahang pinangko ni Gabriel ang kabiyak at inilipat sa sofa.

Namangha si Coleen.

Hindi na sya nakapagsalita para pigilan ang ama.

Batid nyang mahina pa ang katawan nito dala ng sakit ngunit nagawa pa rin nitong buhatin ang ina at ilipat sa mas maayos na posisyon.

Napailing na lamang sya at naglagay ng malinis na tubig sa baso.

Pagkuwa'y inabot ito sa ama para ito na ang magbigay sa ina.

..

Napangiti naman si Gabriel sa ginawa ng anak.

"Salamat anak. " bulong nya.

Pagkatapos ay masuyo itong inabot sa asawa.

Di na nagsalita si Harriet.

Tinanggap na lamang nya ang tubig at inisang lagok ito.

Pakiramdam nya ay tuyong tuyo ang kanyang lalamunan.

..

Matapos makainom, nakaramdam ng kaunting ginhawa si Harriet.

Binigay nya sa anak ang baso at binalingan ang asawa.

"K-kamusta na si Mama ? " tanong nya.

Natatandaan na nya ang lahat.

Matapos mawalan ng malay ang ina ay agad nila itong isinugod sa ospital.

The rest was history.

Hindi na malinaw sa kanya ang mga detalye.

Maging ang sinasabi ng doktor ay hindi na rin pumapasok sa kanyang utak.

Ang pinakalaman ng kanyang isipan ay may sakit ang kanyang mama at kailangan sya nito.

..

Napabuntong hininga si Gabriel at ngumiti ng kimi.

"So far, okay naman daw si Mama. Sabi ni Doctor Hidalgo. Stressed lang daw sya masyado. " wika nya.

Napatingin si Harriet sa nakaratay na ina.

May mga nakakabit na tubo sa kamay nito.

"M-magiging okay ba sya ? N-nasan na yung doktor ? I want to talk to him. I want to clear things. I want to know if Mama's going to be fine. " sunod sunod na wika nya.

Pinayapa ni Gabriel ang kabiyak.

"Sshh, nakausap na namin sya ng anak mo. Mamaya, mag ra-rounds ulit si Dok, then saka mo sya kausapin. Pabalik na rin siguro yung anak mo. " sabi nya.

Kumunot ang noo ni Harriet.

"Nasan si Caleb ? " tanong nya.

Ngumiti si Gabriel.

"Bumili lang sila ng food ni Val. " sagot nya.

Natigilan si Harriet sa narinig.

"Val ? Bakit nandito si Val ? " tanong nya.

"Of course. Alam mo naman yung batang yon. " nangingiting sagot ni Gabriel.

Akmang magsasalita pa si Harriet ng biglang bumukas ang pinto.

Magkasunod na pumasok sina Valerie at Caleb dala ang kung anu anong pinamili.

Diretso itong lumapit sa kanila at nagmano.

"Mano po Tito, Tita. " nakangiting wika ni Valerie.

Wala sa loob na napangiti si Harriet.

"S-salamat naman anak. " tanging nasabi nya.

Ngumiti lang ng matamis si Valerie at pagkatapos ay nilapag na ang mga pinamili sa gilid.

Si Coleen naman ang nag abala sa pag aayos ng mga ito.

..

"Anak, paghainan mong mama mo. Hindi pa to kumakain. " utos ni Gabriel.

Mabilis namang kumilos si Caleb.

Agad syang nagsalin ng mag pagkain sa malinis na plato.

Matapos nito ay nilapit nya ang maliit na mesa sa harap ng sofa kung saan nakaupo ang ina.

"Kain na Mommy. " wika ng binata.

Tiningnan ni Harriet ang nakahaing pagkain.

Tatanggi sana sya ngunit biglang kumalam ang kanyang sikmura.

"T-teka, anong oras na ba ? " tanong nya.

"It's past 1pm Mommy. " si Coleen ang sumagot.

Napanganga si Harriet.

"H-ha ? Anong oras ako nakatulog ? " tanong nya.

Natawa si Gabriel.

"Kaninang alas kwatro ka pa nakatulog. Iyak ka kasi ng iyak. Yan tuloy di ka na nakakain ng breakfast pati lunch. " wika nya.

Napaismid si Harriet.

"Syempre, si Mama yan eh. " sabi nya.

Napangiti si Gabriel at niyakap ang kabiyak.

"I know, kahit naman ako, nag panic din. Pero walang mangyayari kung lahat tayo magpapanic. Pati nga itong anak mo, umiiyak kanina. " pang aasar nya.

Natawa si Caleb.

"Syempre Dad. Love namin si Lola eh. " sabi nya.

Kinalabit ni Coleen si Valerie.

"Mga iyakin no ? " pang aasar nya.

Binalingan ni Gabriel si Caleb.

"Sino kayang naglupasay ? " tanong nya.

Natawa ang binata at nginuso ang kapatid.

"Sino kaya yung muntik ng maiwan kakangawa sa gilid ? " tanong nya.

Natawa si Gabriel at inapiran ang anak.

Sumimangot si Coleen.

Nilapitan nya ang dalawa at piningot sa tenga.

"Syempre, Lola ko ata yan. Natural lang na umiyak ako. " sabi nya.

Nagtawanan ang lahat.

Napangiti lang si Valerie at pinagmasdan ang natutulog na matanda.

Kung pagbabasehan ang mga nalalaman nya nuon, kataka takang ganito pa rin ang reaksyon ng pamilya ni Caleb.

Batid nya ang mga ginawa ng matanda sa pamilya.

Pero kapag pinagmamasdan nya sina Caleb, talagang masasabi nyang mabuting pamilya ang pinagmulan ng nobyo.

..

Muling napangiti si Valerie.

Pagkuwa'y naupo sa tabi ng matanda at hinaplos ang kamay nito.

"Lola, sorry po. Tatawagin ko na po kayong Lola ha ? Sana po nakikita nyo kung anong nakikita ko. Lahat po sila sobrang nag aalala sa inyo. Kahit po ako. Bakit nyo naman po kasi pinapagod ng ganuon ang sarili nyo ? Bakit nyo po sinosolo ang mga problema ? Eh may pamilya naman po kayo. " mahinang bulong nya

Napangiti ng kimi si Valerie at pinakatitigan si Caleb.

Masaya itong nakikipag kwentuhan sa mga magulang.

"Mahal na mahal ko po ang apo nyo Lola. Hindi po dahil sa yaman nyo, kundi dahil po sa pambihirang ugali nya. Alam ko pong mahal nya rin ako. Hindi po sya nagsasawang patunayan yon hangga't may pagkakataon sya. Ganun din po ako sa kanya. Mahal nya ang pamilya ko at tanggap nyang mahirap lang po kami. Mahal ko rin po ang pamilya nyo, kasama kana kahit na tutol po kayo sa amin. Pero hindi po ito dahil sa yaman nyo, kundi dahil sa tinanggap din po ako nina Tita Harriet at Tito Gab. " bulong nya pa.

Dahan dahang nagmulat ng mga mata si Constance.

Kanina pa gising ang kanyang diwa.

Ngunit pakiramdam nya ay may kung anong pwersa ang nakadagan sa kanyang mga mata para pigilan itong dumilat.

Dahil sa kagustuhang makita ang pinagmumulan ng masuyong tinig, dahan dahan nyang nagawa ang nais.

Pinakatitigan nya ang pinanggagalingan ng boses sa kanyang tabi.

Pati ang marahang paghaplos nito sa kanyang kamay.

..

Nagpatuloy si Valerie.

"Sana po Lola, paggising nyo, matanggap nyo na po ako. Kami ni Caleb. Masakit po sa amin ang ginagawa nyo. Pero di po ako nagagalit sa inyo. Gusto ko lang po sanang maintindihan nyo na wala po akong masamang intensyon sa apo nyo. Hindi po ang yaman nyo ang habol ko, kundi yung mismong apo nyo. Kasi mahal na mahal ko po sya. " bulong pa nya.

Umawang ang bibig ni Constance.

Nais nyang magsalita ngunit pinili nyang manahimik at pakinggan pa ang dalaga.

Tulad ng inaasahan, nagpatuloy pa si Valerie.

Nakatitig lamang sya kay Caleb habang wala sa sariling nagsasalita.

"Labas na dun yung sobrang gwapo nya. Makulit sya at mahilig mang asar. Masyado syang mabait. Di ko po alam kung maganda yon o pangit. About naman po kay Britney, di pa po kami nagkakausap pero darating din po yung time na yon. Nauunawaan ko na rin po sya. Pero sorry na lang sya, di ko papakawalan si Caleb. " humagikgik pa ang dalaga.

Di na nakatiis si Constance.

"Bakit naman ? " mahinang tanong nya.

Wala sa sariling sumagot si Valerie.

"Kasi nga po, mahal ko si Caleb. Parang sira Lola, di ka nakikinig sa kwento ko. " napalakas na sambit nya.

Napatingin ang lahat sa dalaga.

Nanlaki ang mga mata nito ng makita na nakadilat na ang matanda.

Kita rin nilang halos humahagikgik mag isa si Valerie habang hawak ang kamay ng kanilan abuela.

"B-baby. " tawag ni Caleb.

Napangiti si Valerie.

"Oh baket ? " tanong nya.

Natulala ang lahat.

"A-anong ginagawa mo ? " tanong ni Caleb.

Nagkibit balikat si Valerie.

"Ay , nakikipag kwentuhan lang kay Lola. Don't worry, di ko naman sya iniistorbo no. Tulog na tulog pa rin sya. " wika nya.

"Mama ! " hiyaw ni Harriet at nilapitan ang ina.

Napanganga si Valerie at unti unting nilingon ang katabi.

Nanlaki ang kanyang mga mata ng makitang nakatitig ito sa kanya.

"L-lola, ay este, D-donya Constance. " usal nya.

Tinitigan ni Constance ang kamay nilang magkahugpong.

Nanliit sa hiya si Valerie at dali daling kinalas ang kanilang kamay.

Pero nagulat ang lahat ng ngumiti ang matanda at hinawakan din ang kamay ni Valerie.

..

"So yun na lang po ang gagawin natin Ma'am. Try to relax a bit po. Hindi na po tayo tumatanda. Mabuti na lang po at healthy living tayo. " sabi ni Zackarias.

Pinilit ni Constance ang ngumiti.

Binalingan ni Zack si Gabriel.

"So pare, rounds muna ko. If masettle nyo na yung bills, pwede na kayong lumabas. Basta yung binilin ko ha ? Wag nyo na munang pagtatrabahuhin si Ma'am. " sabi nya.

Tumango si Gabriel.

"Salamat pare. Buti malapit ka lang. Salamat talaga. " wika nya.

"Sus, sino pa bang magtutulungan, syempre tayong magkakapitbahay di ba ? " sabi ni Zack.

Lumapit si Harriet sa dalawa at kinamayan ng mahigpit ang doktor.

"Salamat talaga dok. " taos pusong wika nya.

Ngumiti si Zack.

"Zack na lang. That's nothing really. Sige ikot muna ko, akin na lang itong apple ha. " biro nya sabay dinampot ang mansanas.

"Oh sure sure, milk pare? " alok ni Gabriel.

Natawa si Zack at umiling.

"Mamaya na, baka mapagalitan ako pag nakita nilang kumakain ako sa food nyo. Haha. " biro nya.

Nagtawanan din sila at pinagmasdan ang paglabas ng gwapong doktor.

Inakbayan ni Gabriel ang kabiyak.

"Napakabait talaga ng taong yon. Humble pa. " puna nya.

"At pogi. " dugtong ni Harriet.

Napasimangot si Gabriel at akmang aalisin ang pagkakaakbay sa asawa ng tumatawang yakapin ng babae.

"Ito naman, di mabiro. Syempre mas gwapo ka pa rin don. " wika ni Harriet.

Napangiti na lang si Gabriel at sinara na nila ang pinto.

..

Di nagtagal ay may muling kumatok.

Dahil sa malapit lang si Valerie, sya na ang nagbukas.

Pero natigilan sya ng makita si Britney sa labas.

Kasama nito ang ama.

Pinilit ni Valerie ang ngumiti at niluwagan ang bukas ng pinto.

"P-pasok kayo. " sabi nya.

Ngumiti si Britney.

Sabay silang pumasok ng ama habang muling sinara ni Valerie ang pinto.

Naupo sya sa gilid.

Pinagmasdan ang dalaga.

Diretso namang kinamayan ng ama ni Britney si Gabriel at tinapik si Caleb.

Pagkuwa'y binalingan ang nakaratay na matanda.

"I guess, you're not going back yet. But what about our deal ? " wika nito.

Umalma si Harriet.

Pero inawat sya ng kabiyak.

"Hayaan natin sila. " bulong nya.

Unti unting ngumiti si Constance.

"Cancel it." wika nya.

Napakunot ang noo ni James Smith.

"Huh ? Come again ? " tanong nya.

"I said, cancel it. Cancel our deal. " mahinang sagot ng matanda.

Napangiti si James.

"I think you're out of your mind. Let's talk about it again some other time. And I prefer it, private. " wika nya.

Pero umiling ang matanda.

"No, we're not talking about it again. And my family has the right to know it. So no more private talks James. " sabi nya.

Napatiim bagang ang lalaki.

"Fine then. If you want to cancel our deal, then I'll pull all my shares in your company. No more merging. " sambit nya.

Umalma si Britney.

"James stop it ! " saway nya.

Nagulat ang lahat sa tinawag ng dalaga.

Nanigas si James at tinitigan si Britney.

"Stay the hell out of here. " wika nya.

Pero nagmatigas si Britney.

"No ! I'll do what I want. And don't you dare withdraw my shares to their company. I'll sue you if you do that ! " madiing sabi nya.

Natulala si James.

Lahat ng tao sa kwarto ay nabigla sa narinig.

Maging si Constance ay hindi na maintindihan ang tinatakbo ng usapan.

Hanggang sa muling magsalita si Britney.

"You may go now. " wika nya.

Napatiim bagang si James.

"You're mother will not let you do this. " sabi nya.

Ngumiti si Britney.

"You don't know her. " wika nya.

Padabog na tumayo si James at walang sabi sabing lumabas ng silid.

..

Gulantang ang lahat.

Matagal silang nakarekober hanggang sa magsalita ang matanda.

"Iha, sa tingin ko may kailangan kang ipaliwanag. " mahinang sabi nya.

Napangiti ng kimi si Britney.

Isa isa nyang tiningnan ang mga tao sa kwarto.

"Si James, hindi ko sya totoong ama. " simula nya.

Nagulantang ang lahat.

Pero nanatiling kalmado si Constance.

"Go ahead iha. Treat us like your family. " sabi nya.

Nangilid ang luha sa mata ni Britney at naupo sa silya.

"Fixed marriage si Mommy at James. Ayaw ni Mom sa kanya kaya pinaglaban nya ito kina Lolo at Lola. Pero nagtagumpay pa rin silang maipakasal. Lately ko lang to nalaman. Sa maid namin na Pinay din. Sya na kasi yung yaya ni Mommy nung bata pa. May boyfriend daw si Mommy non kaya ayaw nyang makasal kay James. Pero namatay sa plane crash yung real dad ko. 1 month na daw na buntis si Mom ng maikasal sila ni James. " kwento nya.

Nagkatinginan sina Gabriel at Harriet.

Mabilis na hinaplos ng awa ang kanilang puso para sa dalaga.

Wala sa loob na nilapitan ni Harriet si Britney at niyakap ito.

Sukat duon ay naiyak ang dalaga at nagpatuloy.

"May letter iniwan si Mommy saken. Nakalagay lahat. Pati yung name at picture ng dad ko. " wika nya.

Lumapit din si Coleen at tinabihan si Britney.

Nagpatuloy ang dalaga.

"I confronted James for hiding the truth. Wala naman syang pinaliwanag. Kaya nag imbestiga ako. Bago ako pumunta dito, alam ko na ang lahat. Pati yung shares ni James sa company nyo Lola Constance. Sakin po yon. Pinangalan lang sa kanya kasi minor pa ko. Pero kapag naging 17 na ko, maililipat na sa name ko lahat. " sambit nya.

Nabigla si Constance.

Pero unti unti syang napangiti.

"So, walang makakanselang kasunduan. " wika nya.

Nabigla ang lahat.

Maging sina Valerie at Caleb ay nagulat.

Akala nila ay ayos na.

"Mama. " tawag ni Harriet.

Natawa si Constance.

"Baket anak ? " tanong nya.

"Ang mga bata. " sagot ni Harriet.

"Anong problema sa mga bata ? " tanong Constance.

Nakaramdam ng inis si Harriet.

"Mama ! Akala ko ayos na sa inyo si Valerie ? " tanong nya.

"Aba'y oo naman. Mabait pala itong batang ito at maloko. Gusto ko na sya. " sagot ni Constance.

Napakunot ang noo ng lahat.

"Pero paano si Britney ? " tanong ni Coleen.

"Bakit iha ? Ayaw mo ba syang maging kapamilya ?" tanong ni Constance.

Umiling si Coleen.

"Gusto po Lola, pero paano sina Kuya ? "tanong nya.

Natawa lang ang matanda.

"Kailangan ba, magkatuluyan sila para maging kapamilya natin si Britney ? Hindi ba pwedeng, ituring natin syang pamilya natin ? " tanong nya.

Napanganga ang lahat.

Pero unti unting nakahinga ng maluwang.

"Sus si Lola, you're making us nerbyos ah. " bulalas ni Coleen.

Natawa lang ang matanda.

Napangiti ng matamis ang magkasintahan.

Niyakap ni Harriet si Britney.

"Salamat anak sa ginawa mo ha ? " bulong nya.

Gumanti ng yakap ang dalaga.

"Salamat din po. Patawarin nyo po sana ako sa mga sakit ng ulo. " naiiyak na sabi nya.

Ngumiti lang si Harriet at hinaplos ang buhok ni Britney.

Niyakap din ni Coleen ang dalaga.

Pero umangal si Constance.

"Ano ba ? Mag dadramahan na lang ba tayo ? Aba Harrieta, asikasuhin mo ng bayarin dito sa ospital. Gusto ko ng umuwi ! Manunuod pa ako ng The Voice ! " singhal nya.

Natatawang nagpunas ng luha si Harriet.

"Tapos na yung The Voice, mama. " sabi nya.

Nanlaki ang mga mata ni Constance.

"Ha ? Sinong nanalo ? " tanong nya.

Imbes sumagot, natatawang sinugod ni Harriet ang ina at niyakap.

"Ewan ko sa inyo Mama. " sabi nya.

..

"Hey. " untag ni Britney.

Natigilan si Valerie ng marinig ang pagtawag ng dalaga.

Ngumiti lang sya.

"Oy. " wika nya.

"Samahan mo naman ako. May bibilhin lang ako dyan sa baba. " masuyong sabi ni Britney.

Napatingin si Valerie sa nobyo.

Pero abala ito sa pakikipag usap sa abuela.

Kaya kahit na naiilang sya sa dalaga, tumango na lang sya.

Binilinan na lang nila si Coleen na abala sa paglalaro ng PSP.

Pasimple silang lumabas ng silid.

Tahimik na sumakay sa elevator hanggang sa marating ang pinakamalapit na convenient store.

Pagpasok nila ay hinawakan ni Britney si Valerie sa kamay at hinatak sa isang tabi.

Nabigla si Valerie.

Pero di sya nagsalita.

"Anong gusto mo ? " tanong ni Britney.

Umiling si Valerie.

"Oh okay lang ako. Di naman ako gutom." sabi nya.

"Come on, kahit ano." wika ni Britney.

Para walang away, dumampot na lang ng c2 si Valerie.

Matapo bayaran, akmang lalabas na si Valerie sa store ng muli syang hatakin ni Britney sa isang tabi.

Naupo ito sa mahabang silya na may lamesa sa harap.

No choice si Val, naupo na rin sya sa tabi ng dalaga.

Pinagmasdan nya ito habang binubuksan ang biniling chips.

"Alam mo, masarap itong clover no ? " tanong nya.

Napangiti si Valerie.

"Oo. " tipid na sabi nya.

Napangiti si Britney at inalok ang pagkain sa katabi.

Kumuha naman si Valerie.

Tahimik silang kumain habang pinagmamasdan ang mga taong dumadaan sa labas.

Hanggang sa magsalita si Britney.

"Val. " tawag nya.

Napalingon si Valerie sa katabi.

"Oh ?" tanong nya.

Ngumiti si Britney.

Pagkuwa'y nilingon ang dalaga.

"Mahal ko si Caleb. " bungad nya.

Nagulat si Valerie.

Pinilit nya ang sariling ngumiti.

"P-pero akala ko okay na ? " tanong nya.

Tumango si Britney.

"Alam ko. Sinasabi ko lang sayo. Na mahal ko yung boyfriend mo ko nagawa yung mga nagawa ko. " sagot nya.

Napayuko lang si Valerie.

Wala syang maapuhap na salita para isagot sa katabi kaya pinili na lamang nyang manahimik.

Pero nagulat sya ng hawakan ng dalaga ang kanyang kamay.

"I know, malaki ang kasalanan ko sa inyo. Lalo na sayo. Mapapatawad mo pa ba ko ?" tanong nya.

Matagal bago nakasagot si Valerie.

Kinapa nya ang damdamin at tiniyak may galit ba syang nararamdaman sa dalaga.

Pero sa huli, naisip nyang tulad ng sinabi nito, nagmamahal lamang ito.

Kaya pinili nyang ngumiti at gantihan ng pisil ang kamay nito.

"Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nagagalit sayo. Gusto kitang kalmutin, sabunutan, ingudngod sa sahig. Gusto kong galusan yang maganda mong mukha. Pero alam kong magagalit lang sakin si Caleb. Saka naisip ko rin, tulad ko, nagmamahal ka. Pero sana, maisip mo na mahal namin ni Caleb ang isa't isa. Kaya nakikiusap ako, na pagbigyan mo na kami. " mahinang sabi nya.

Ngumiti si Britney.

"Hindi mo na kailangang makiusap Val. Ako nga ang dapat na humingi ng pabor sayo. Dahil sa dami kong ginawa, maswerte na ako't hindi mo tinuloy yung mga plano mo. " biro nya.

Natawa si Valerie.

"Hindi ko rin kaya yon. Di naman ako bayolenteng tao. " sabi nya.

Ngumiting muli si Britney.

"So okay na tayo ? Can we be friends ? " tanong nya.

Tumango tango si Valerie.

"Sure. Pero, mahal mo pa ba talaga si Caleb ?" paniniyak nya.

Natawa si Britney.

"Mahal ko pa rin sya, di naman yon agad agad mawawala. Pero syempre, I know my limits na. Kayo ni Caleb ang nababagay. Maswerte ka sa kanya at maswerte sya sayo. Alagaan nyo ang isa't isa. " sabi nya.

Napangiti rin si Valerie.

"Oo. Akong bahala sa unggoy na yon. Salamat talaga. Makikita mo rin ang para sayo. " sabi nya.

Napangisi si Britney.

"Don't worry about me. Nakita ko na sya. Haha. Well anyway, friends ? " tanong nya sabay inalok ang kamay para sa shakehands.

Pero ngumiti lang si Valerie at binigyan ng mahigpit na yakap ang dalaga.

Natulala si Britney.

Hanggang sa unti unti syang mapapikit at gumanti na rin ng mahigpit na yakap.

"T-thank you. " bulong nya.

ITUTULOY !!!