1. Home
  2. Stories
  3. Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Limampu't Apat na Pahina
Lagablab

Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Limampu't Apat na Pahina

By supertoyantz ·

Ika Limampu't Apat na Pahina

Mahigpit na niyakap ni Valerie ang nobyo.

Mangiyak ngiyak na sinubsob nya ang mukha sa dibdib nito.

Umugong ang malakas na palakpakan na may kasamang hiyawan mula sa mga kapwa estudyante.

Ramdam nya ang mabilis na paggapang ng hiya sa katawan dahil sa atensyon na nakuha nila, ngunit wala syang pakialam.

Nagawa ni Caleb na harapin ang kahihiyan at lakas loob na hinarana sya sa harap ng madlang pipol.

Sya pa ba ang mahihiya ?

..

Napangiti si Caleb at malugod na ginantihan ng mas mahigpit na yakap ang katipan.

Sabay nilang ninamnam ang kilig.

Walang pakialam sa paligid.

Miss na miss na nila ang isa't isa kaya di kataka takang mabilis na naitsapwera ang lahat at pakiramdam nila ay sila na lamang ang tao sa mundo.

Pero kahit anong sarap ng pakiramdam, lahat ng ito ay pansamantala lamang.

Naramdaman ni Valerie ang pagkalabit ng kung sino sa kanyang balikat.

Di nya ito pinansin pero muli nya itong naramdaman hanggang sa napilitan syang lumingon.

"Ano ba yon ? " asik ng dalaga.

Nakangising nginuso ni Cheska ang paligid.

"Alam kong na miss nyo ang isa't isa. Pero please lang, wag kayong gumawa ng dahilan para maipatawag ang mga magulang nyo. " turo nya.

Natigilan ang magkasintahan at napatingin sa isa't isa.

Pagkuwa'y dahan dahan nilang ginala ang paningin sa paligid.

Saglit silang nabigla ng makita ang makapal na bilang ng tao.

Mga estudyante at guro. Mangilan ngilan ding tricycle at jeep ang huminto sa harap ng ekwelahan.

Pati mga naglalakad lamang sa harap ng eskwelahan ay huminto na rin sa tapat at nakiusyoso na lamang.

Dahil sa nakita, pakiramdam ni Valerie ay umakyat lahat ng dugo nya sa katawan.

Agad syang kumalas sa pagkakayakap ng nobyo at tinitigan ito.

"C-caleb. " bulong nya.

Ngumiti si Caleb.

Mahigpit na hinawakan ang kamay ng kasintahan at hinatak palapit sa Kwadro Alas.

Akmang lalapit sila ng biglang bumwelta si Darius.

"Hoy, Caleb. San ang Canteen dito ? " tanong nya.

Napanganga si Caleb sabay turo sa direksyon ng canteen.

"B-bakit ? " tanong nya.

"Aba, sa ginawa namin kanina. The least you can do is to feed us. So gora na kami. Sumunod na lang kayo. Tara na mga sisters." sagot ni Darius sabay nagmartsa patungo sa canteen.

Natatawang sumunod na lang sina Aldrin at Rhoi.

Habang si Romeo ay biglang pinagitnaan ni Cheska at Coleen.

"Aba't, teka naman. Ang laki laki ng daanan eh. " reklamo nya.

Natawa lang ang dalawang dalaga.

Napakamot na lang sa ulo si Romeo at nagpatangay na lang sa agos.

Pero bago sya nakalayo ay hinablot nya ang kamay ni Britney.

Nagulat ang dalaga.

"W-wait. " pigil nya.

Tumaas ang isang kilay ni Romeo.

"Oh baket ? Wag mong sabihing di ka nagugutom ? Kanina ka pa kuha ng kuha ng video dyan. " tanong nya.

Natigilan si Britney at napatitig sa mga mata ng binata.

Unti unti syang napangiti sabay tango.

"You're right. I'm starving." wika nya at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Romeo.

Kunot noong nagkatinginan na lang sina Cheska at Coleen.

Pero pinili nilang balewalain ang sitwasyon dahil sa tawag ng kagutuman.

..

Naiwan ang magkasintahan.

Hinaplos ni Caleb ang pisngi ng nobya.

"Di ko kayang sabihin sa salita kung gaano kita namiss. Grabe. " bulong nya.

Ngumiti ng matamis si Valerie.

"Parang wala pang 3 days nung huli tayong nagkita. " wika nya.

Hinawakan ni Caleb ang kamay ng kasintahan at dinala sa mga labi.

Buong pagmamahal nya itong hinagkan.

Pagkatapos ay tinitigan sa mga mata ang dalaga.

"Araw, oras, minuto o segundo. Pakiramdam ko, kapag hindi kita nakita ng isang oras, katumbas na nuon ay isang araw. Kapag 1 araw naman, isang linggo. Kaya kung bibilangin natin, parang 3 weeks na kitang di nakikita. At sobra sorang miss na talaga kita. " wika nya.

Yumuko si Valerie para itago ang kilig na mabilis lumukod sa kanyang katawan.

Pero hinawakan ni Caleb ang baba ng nobya at dahan dahan itong inangat.

Nagtama ang kanilang mga mata.

Umawang ang bibig ni Valerie.

Napalunok si Caleb.

"H-hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis dahil nasa public place tayo. Naiinis ako dahil kanina pa kita gustong halikan. I want to kiss you hanggang sa kapusin na tayo ng hangin. Gustong gusto kong gawin yon. Pero nagpapasalamat din ako dahil nasa public place tayo. In a way, nasabi ko na sa lahat ng mga nagbabalak na manligaw sayo na akin ka na at wala nang makakaagaw pa. " sabi nya.

Nakagat ni Valerie ang ibabang labi.

Tulad ng kasintahan, nais nya rin itong hagkan kanina pa. Ngunit dala ng kagandahang asal, pinigilan nya ang sarili.

Sinikap na lamang nyang magbiro.

"Para namang may kaagaw ka. Eh ni hindi nga ako kilala dito sa school. Pero mukhang makikilala na ako dahil sa ginawa mo. " biro nya.

Ngumiti si Caleb.

"I don't care about them. " wika nya at muling hinagkan ang kamay ng dalaga.

Maya maya ay nakarinig sila ng pag ungol.

Nilingon ng dalawa ang pinaggalingan ng tunog at nakita nila ang mga kasama di kalayuan.

"Ano ? PDA na lang kayo dyan maghapon ? Grabe, kanina pa na-cut ng direktor yung eksena pero sige rin kayo sa lambingan. Tsk tsk. Direk, san nyo ba nakuha itong mga artista nyo ? " biro ni Cheska.

Napatampal sa noo ni Coleen.

"Hayaan mo na, mura lang ang bayad ko sa kanila. Sulit naman oh, andaming manunuod. " turo nya.

Natawa si Cheska at sinenyasan ang mga kaibigan na sumunod.

Napailing na lang ang magkasintahan at di naiwasang matawa sa kaibigan.

Magkawahak kamay silang sumunod sa canteen.

..

Pagdating sa kainan ay agad na hinanap ng mga mata ni Caleb si Romeo.

Ng makita nyang tila hari itong nakaupo sa pinakasulok ay agad syang lumapit upang magpasalamat.

"Kuya Rom. " tawag nya.

Tumaas ang isang ni Romeo na sinabayan ng pagngisi.

"Hmm, mukhang okay na kayo. " puna nya sabay nguso sa magkahugpong na kamay ng dalawa.

Nahihiyang napangiti si Valerie.

"S-salamat kuya. " taos pusong sambit nya.

Ngumiti si Romeo sabay tinuro ang mga kapatid na alas.

"They also did their part. Itong mataba, si Darius. Itong bansot, si Aldrin. Itong kulot, si Rhoi. Sila ang mga personal kong alalay. Siguro naman nakikilala mo sila ? " pakilala nya.

Tumango si Valerie at akmang magpapasalamat ng biglang dumugin ng tatlong alas si Romeo.

Pinagpipingot nila ang tenga ng kaibigan.

Pero imbes na masaktan, tawa lang ito ng tawa.

"Joke lang. Ito namang tatlong to, masyadong sensitive. Ayaw ding maagawan ng spotlight eh. " biro ni Romeo.

Natatawang inabot ni Rhoi ang kamay sa dalaga.

"We haven't formally introduced to each other right? . I'm Rhoi. Kilala mo ba ang Kwadro Alas ? " tanong nya.

Bumuka ang bibig ni Valerie para sana sumagot.

Pero natigilan sya ng may magsalita sa likod.

"S-syempre, may hindi ba nakakakilala sa inyo ? Kung ikaw si Rhoi, ikaw ang Ace of Clubs di ba ? " bulalas ni Cheska.

Napangiti si Rhoi sabay marahang tumango.

"Tama ka. Mga tol, pakilala na kayo. " tawag nya sa iba pa.

Magkaholding hands namang lumapit sina Aldrin at Darius.

Inabot ni Potpot ang kanyang kamay sa dalaga.

"Aldrin. Ace of Hearts. " nakangiting wika nya.

"Darius, Dyamante. Marami akong pera. " sunod ni Darius.

Napanganga si Cheska ng isa isa syang kamayan ng tatlo pang alas.

Tumayo si Romeo at lumapit kay Cheska.

Ganun din ang ginawa ni Rhoi, hanggang sa mapalibutan na nila ang dalaga.

Natulala si Cheska sa nangyari.

Paikut ikot sya sa apat na binata.

Wala talagang itulak kabigin sa mga ito.

Gusto nyang himatayin.

Presensya palang ni Romeo nuon ay lunod na lunod na sya. Kamusta naman itong apat na ang nakapalibot sa kanya.

Pakiramdam nya ay biglang sumikip ang kanyang daluyan ng hangin.

"C-coleen, h-helppp. " hinging saklolo nya sa kaibigan.

..

Napailing na lang si Caleb pagkuwa'y binalingan ang Kwadro Alas.

Muli syang nagsalita at isa isang tinapunan ng tingin ang apat na binata.

"Maraming salamat talaga mga kuya. Pero teka, paano mo nalaman na nandito ako ? " tanong nya.

Ngumisi si Romeo sabay kindat kay Coleen.

Natulala ang dalaga.

Bago pa makareact si Cheska ay nakagat na nya ito sa balikat.

"ARAY ! " hiyaw nya.

Nagtawanan ang lahat.

Nagets naman ni Caleb ang nais iparating ni Romeo.

Ang kapatid nya ang dahilan kung bakit nandito ang Kwadro Alas.

Nginitian nya ang dalaga.

"Thank you sis. " bulong nya.

Tumango si Coleen.

"Anything for you kuya. " ganting bulong nya.
..

Muling binalingan ni Caleb si Romeo.

"Just the same kuya Rom, thank you talaga sa pag back up. Malamang na kung wala kayo, palpak itong gimik ko. For sure, di ko man lang matatapos yung kanta. " sabi nya.

Ngumisi si Romeo.

"That's our job. To make things worse. " sambit nya.

Napakunot ang noo ni Valerie.

"Worse ? Pero tinulungan nyo si Caleb. Bakit worse ? " tanong nya.

Natawa si Aldrin.

"Sa ginawa ni Caleb na syempre sa tulong namin, siguradong simula ngayon, dadami ang kalaban mo sa kanya. Nakita na nila ang kayang gawin ni Caleb para taong mahal nya. Natural na may iba dyan na maglalakas loob na agawin sya sayo. " imporma nya.

Napanganga si Valerie sabay tingin sa paligid.

Tama si Aldrin, marami rami na ring babae ang nagpapabalik balik sa paligid nila.

Partida, nasa canteen pa sila.

Hindi lunch break ng mga oras na iyon pero kataka takang napakaraming tao sa loob.

Wala namang bumibili.

Palakad lakad lang ang mga ito.

Di naman sya tanga para di malaman ang pakay ng mga ito.

Alam nya ang karakas ng Kwadro Alas.

Matitinik ang mga ito sa chix at kalat sa maraming schools ang karisma ng mga ito.

Kaya di kataka taka ang nagaganap.

Sa naisip ay pumayapa ang kanyang kalooban.

"Tama, nandito yang mga babaeng yan dahil nandito rin ang Kwadro Alas. Nothing more. " bulong nya sa sarili.

Pero sya ng dumako ang paningin sa tatlong babaeng nagbubulungan sa isang tabi.

Nakatitig ang mga ito sa kanyang nobyo.

Napalunok si Valerie.

Mabilis na gumapang ang takot sa kanyang katawan.

Paano kung dumating ang oras na matukso si Caleb sa isa sa mga ito ?

Kakayanin pa ba nya ang isa na namang Britney sa relasyon nila ?

..

Abala sa pagkukukot sa damdamin si Valerie ng biglang may magsalita sa kanyang gilid.

"You never changed Valerie. " wika ng boses.

Mabilis na lumingon si Valerie at nakita nyang nakatayo sa gilid nya si Romeo.

"K-kuya. " tanging nasabi nya.

Nilingon ni Romeo ang tatlong babae na tinitingnan ni Valerie.

"Mukhang agad silang nagka crush kay Caleb. Hmm, infairness, sexy at may itsura sila. " wika nya.

Lalong nakaramdam ng takot si Valerie sa narinig.

"K-kuya naman eh. " angal nya.

Napangiti si Romeo.

"Di ako nabigyan ng pagkakataong magkaroon ng kapatid. Naging maselan ang panganganak sakin ni Mommy kaya ako lang ang naging supling nila. I must admit, minsan, nagtatanong ako kung ano bang pakiramdam ng may nakababatang kapatid. Yung nangungulit sayo. Yung gigisingin ka na lang kapag tulog ka para magpatulong sa assignment. Yung susunduin ko sa school. Grabe. Tumatanda na ata ako. " wika nya.

Bagama't problemado, napangiti si Valerie sa narinig.

"Maiksi lang ang panahon na nakilala kita kuya Rom, pero masasabi kong magiging mabuti kang kuya. Base sa nakikita ko sa mga kaibigan mo. I mean, yung kapwa mo alas, masasabi kong mapagmahal kang kapatid sa kanila. Tama ba ko kuya ? " tanong nya.

Nagkibit balikat si Romeo sabay tumawa.

"Kung ako ang tatanungin mo, syempre puro papuri ang sasabihin ko sayo tungkol sa sarili ko. Pero kung sila, puro panlalait yan malamang. Haha. " sagot nya.

"Alam ko, pero habang nilalait ka nila, lahat sila tumatawa at masaya. Kung talagang nilalait ka nila, dapat strong yung pagkakasabi nila. Dapat may conviction. Tulad nito, masama kang tao! Madamot at makasarili! Dapat seryoso tapos salubong ang kilay. Pero sa tingin ko, kahit di ko na sila tanungin, pwedeng ganun din ang isagot nila, pero sigurado akong magkukulitan pa sila. Meaning, hindi sila seryoso. Paraan lang nila yon para masabi ang nararamdaman nila sayo na hindi nagiging korni o lumalabas na mahina sila. Alam ko namang ganun ka rin sa kanila eh. " puna ni Valerie.

Tumaas ang isang kilay ni Romeo sabay ngisi.

Pero iniba nya ang usapan at di na nagkomento pa.

Muli nyang nilingon ang tatlong babae na abala sa pagpapacute kay Caleb.

Kahit na busy ang binata sa pakikipag kwentuhan sa iba pang alas.

"Look at your Caleb. He's so happy. Kanina lang, bago sya magsimula, para syang bibitayin. I don't understand how he feels pero hindi ko na kailangan pang malaman ang dahilan kung bakit sya gumawa ng ganyang mga bagay. Kahit ipaliwanag mo, hindi rin yan tatanggapin ng kapirasong laman dito sa kukote ko. So don't bother to explain. Gusto ko lang sabihin sayo na hindi nya ilalagay ang sarili nya sa ganap na kahihiyan para lamang mapasaya ka, tapos magpapa landi lang sya sa iba. Gets mo ? " tanong nya.

Napalunok si Valerie at dahan dahang napangiti.

"Y-yeah. " sagot nya.

Tumango tango si Romeo.

"So bakit ka natatakot ? Sayang ang oras para alalahanin pa ang mga ganyang bagay. Ang gawin nyo ay maging masaya sa piling ng isa't isa. Sa nakikita ko, sa kasalan din naman ang tuloy nyo. " sabi nya.

Impit na napangiti si Valerie at pilit na kinontrol ang kilig na nararamdaman sa sinabi ng katabi.

Akmang magsasalita pa sya ngunit pinigilan na sya ni Romeo.

"Sshh, don't waste your time to me. Go to Caleb. Mukhang maraming oras na kayong nasasayang dahil sa letseng tampuhan na yan. " nakangiting sabi nya.

Napangiti din si Valerie.

"Maraming maraming maraming salamat kuya. Sobra sobrang swerte ko at nakilala ko kayo. Lalo ka na. " taos pusong pasasalamat nya.

Muling nawala ang ngiti sa mukha ni Romeo.

Bumalik na ito sa poker face.

Humakbang na pabalik sa upuan ang binata pero muli itong bumwelta at dumukot sa bulsa.

Palihim nyang inabot kay Valerie ang kontrabando.

"Advance gift ko. " bulong nya.

Natigilan si Valerie.

Na touch sya sa regalong natanggap mula sa binata.

Akmang titingnan nya ito ngunit pinigilan sya ni Romeo.

"Sshh, it's my gift. Hindi ako mahilig magbigay ng kung ano sa kung sino except sa mga magulang ko at mga alas. You see, nahihiya ako kapag sinasabihan nila ng kung anu anong papuri. Ewan ko ba. Kaya please lang, wag mo na munang silipin kung ano yan. Saka na lang kapag kayo na lang dalawa ni Caleb. " wika nya.

Napangiti si Valerie at mabilis na binulsa ang binigay ng binata.

"Sure. Thanks talaga kuya. " wika nya at walang sabi sabi itong niyakap.

Nanlaki ang mga mata ni Cheska at Coleen.

"Hoy ! Amin yan ! " sigaw ng dalawa.

Maging si Britney at natigilan pero di sya nakapag salita.

Natawa si Valerie.

Pero di sya nagpaawat at lalo pang niyakap si Romeo.

"Ano kayo ngayon ? Puro kayo pacute. Boom paness ! " pang aasar nya.

Napasimangot lang sina Cheska at Coleen. Nagbaling naman ng tingin si Britney.

Pero tumawa lang si Caleb at iba pang alas.

..

Mabilis na lumipas ang mga oras.

Dahil sa nalalapit na event sa eskwelahan, puspusan ang naging ensayo nina Valerie kasama ang mga kaklase.

Nagpaalam na ang Kwadro Alas.

Ilang saglit lang ay nagpasya na ring umuwi sina Coleen at Britney.

Ngunit nagpaiwan si Caleb at pinanuod ang ginagawa ng kasintahan.

Mahigpit din nyang binabantayan ang mga kilos ni Yohan na halatang kanina pa mainit ang ulo.

Konting pagkakamali ng kahit sino ay sinisinghalan nito at inuulit sa simula.

Mabuti na lamang ay magaling magkabisa sina Valerie at Cheska kaya naiwasan ang ganuong tagpo.

..

Papadilim na ng matapos ang ensayo.

Pagod ang lahat at gigil ng makauwi.

Maging si Cheska na kadalasan ay puno ng enerhiya ay tila lantang gulay.

Katatapos lamang nilang maghapunan sa paborito nilang fast food resto.

"Papara na ko ha. " sabi nya.

Napangiti si Valerie.

"Lakad na lang tayo. " suhestyon nya.

"Oo nga naman. Para naman bumaba yung kinain natin. " pag sang ayon ni Caleb.

Napanganga si Cheska.

"Ha ? Ayos ka lang ? Hoy Bebang, alam kong unlimited yang energy nyo ni Caleb. Pero ibahin nyo ko. Di ako imortal na tulad nyo. Napapagod din ang sexy kong katawan. Di ako sasama sa trip nyo. Kung gusto nyong maglakad pauwi, maglakad kayo. Labas na ko dyan. Next time na lang mga repa. " sabi nya.

Natawa na lang ang dalawa.

"Are you sure ? " tanong ni Caleb.

"Sure na sure. Fact na fact . " sagot ni Cheska.

"Ingat ka sa pag uwi sis ha ? " niyakap ni Valerie ang kaibigan.

"Kayo rin. Lagi nyong tatandaan, ang matalinong pagpaplano ay susi sa maginhawang pamumuhay. Wag liliko. Laging diretso. " biro ni Cheska.

Natatawang kinurot ni Valerie ang kaibigan.

Pinasakay muna nila si Cheska bago magkahawak kamay na naglakad ang dalawa.

Nadaanan nila ang park kung saan sila dating tumambay.

Nagkatinginan ang dalawa at automatikong napangiti sa isa't isa.

Di na sila nag usap.

Sabay na silang naglakad patungo sa bench ng isang park at naupo.

Tahimik at matiwasay na pinagmasdan ang nagdadaanang mga sasakyan.

Di na nagpakipot pa si Valerie, sinandal nya ang ulo sa balikat ng binata.

Napangiti si Caleb at hinawakan ng mahigpit ang kamay ng kasintahan.

"I miss this. " bulong nya.

"Yeah. " sagot ni Valerie.

Muli, matagal na katahimikan ang namayami sa pagitan ng dalawa.

Pakiramdam nila ay di na nila kailangan pang mag usap.

Bahala na ang kanilang mga puso.

Nanamnamin na lamang nila ang kapirasong oras na magkasama silang dalawa.

Maya maya ay nagsalita si Caleb.

"Alam mo babe, nung makilala kita, dumami yung mga taong pinagkaka utangan ko. " biro nya.

Kumunot ang noo ni Valerie.

"Bakit naman ? " tanong nya.

"First, yung parents mo. Syempre utang ko sa kanila yung Tiwala at Acceptance na binibigay nila sa akin. Syempre, pinagkatiwala ka nila sa akin tapos tinanggap nila ako ng buong pagkatao at pinatuloy pa sa bahay nyo ng walang alinlangan. Dun pa lang lubos na akong nagpapasalamat. Kaya malaki ang utang ko sa kanila. " sagot ni Caleb.

Napangiti si Valerie.

"Ako rin, nagpapasalamat din ako sa parents mo. Pati kay Coleen kasi tulad mo, tanggap din nila ako kahit na di ako mayaman tulad nyo. " wika nya.

"Wala silang pakialam kung mayaman ka man o mahirap. Ang mahalaga mahal kita at magkasundo tayo. " sambit ni Caleb.

Natangu tango si Valerie.

"Yeah. So sino pa yung pinagkakauntangan mo ? " tanong nya.

Ngumiting muli si Caleb.

"Si Kuya Rom pati na yung tatlo pa. Sina Kuya Rhoi, Kuya Darius at Kuya Aldrin. Grabe. Sikat na sikat sila sa subdivision. Pati sa mga katabing subs. Tapos halos lahat ng campus, kilala rin sila. I don't know kung paano nila nagawa yon pero sobrang astig di ba ? Kala ko mayayabang sila. Pero nakita naman natin na hindi. Yeah, maangas sila, pero alam nating pareho na sa kabila non, mababait sila at maaasahan. At, may nadiscover akong kahinaan ng apat na yon. " natatawang sabi nya.

Nacurious si Valerie.

"Ano ? " tanong nya.

"Lahat sila, takot sa mga nanay nila. Nakita ko minsan, Gagala ata silang apat non. Kuntodo porma na sila tapos biglang may sumitsit na babae dun sa bahay nila kuya Aldrin. Akala ko elder sister nya kasi medyo pretty at bata pa. Pero mommy nya pala yon. Ayun, nagdilig muna sila ng halaman bago nakaalis. Tapos remember yung kwento ko kay Kuya Rom ? Nung tinulungan nya kaming makapasok sa hospital ? Bago yon, tulog na sya. Pero ginising sya ng Mommy nya. " kwento ni Caleb.

Namangha si Valerie at di maiwasang humagikgik.

"Ang yayabang, takot pala sa mga nanay. Now I know. " bungisngis nya.

Maging si Caleb ay natawa.

"Pero kahit siguro ako, kapag sinisitan ni Mom o kaya ng Nanay mo, sigurado susunod agad ako. Takot ko lang sa kanila. " sabi nya.

Sabay silang nagtawanan.

Ilang saglit ay muling nagsalita si Caleb.

"Tapos si Coleen. Malaki ang dapat kong ipagpasalamat sa kanya. Tulad ko, naghirap din sya. Kapag malungkot ako, malungkot yon. Kambal kami eh. Tapos kinontak nya pala si Kuya Rom para tulungan ako. Na touch ako sa ginawa nyang yon. Mamaya talaga lagot sakin yung babaeng yon. " nakangiting sabi nya.

Napangiti si Valerie.

"Nakalimutan kong pasalamat si Coleen kanina. Di kasi ako makahanap ng tyempo na kaming dalawa lang. Lagi silang magkasama ni Britney at Cheska. " sabi nya.

"Magbestfriends na silang tatlo. " wika ni Caleb.

Natawa si Valerie.

"Oo nga eh. Dati ako ang bestfriend ni Kakay. Pero ngayon, parang gusto ko ng magselos sa kanila ni Coleen. Pero okay lang siguro, napalitan naman sya eh. " sabi nya sabay haplos sa pisngi ng binata.

Napangiti din si Caleb.

"Hayaan mo na sila, Talagang nagkasundo agad sila eh. Dapat din pala kong magpasalamat kay Kakay. Di ka nya pinabayaan. Di sya umalis sa tabi mo habang nagkakatampuhan tayo. " paalala nya.

Napangiti ng maluwang si Valerie sabay tango.

"Matagal ko ng kilala si Kakay. Mapang asar sya, malikot at kung anu anong pinupuna. Pero aside from that, talagang maaasahan sya. Never nya kong iniwan sa tuwing kailangan ko sya. At desidido akong gawin din yon sa kanya. " seryosong sabi nya.

Niyakap ni Caleb ang dalaga.

"You got yourself one hell of a friend. " bulong nya.

Ngumiti lang si Valerie.

Pagkuwa'y natahimik ng maalala ang partikular na tao.

"T-totoo bang mabait na sya ? " tanong nya.

Kumunot ang noo ni Caleb.

"Who ? " tanong nya.

Ngunit di nagsalita si Valerie.

Ilang saglit lang ay nakuha ni Caleb ang nais iparating ng nobya.

Saglit syang natahimik bago nagsalita.

"Bago umalis kanina sina Coleen, tinanong ko sya kung bakit nya sinama si Britney. Sabi nya, si Britney daw ang nagplano ng orchestra. Nung una biro lang daw, tapos sinabi ni Coleen kina Kuya Rom yung plano nila. Nagulat sila ng talagang magdala ng orchestra yung apat. Well, ngayon ko lang napapag isip isip na kung gusto nila, talagang mangyayari. Pero alis muna tayo sa apat na alas. Ang pag usapan natin ay kung talagang seryoso ba si Britney na makipag bati. Ayaw ko kasing mag isip ka ng masama kaya pinipili ko yung mga salitang gagamitin ko. Pero kung ako ang tatanungin, sigurado akong hindi na magiging problema si Britney sa relasyon natin. " sabi nya.

Bumangon si Valerie at tumitig sa mga mata ng nobyo.

Pilit inaarok kung may natitira pa ba itong feelings para sa dating nobya.

Tila nahulaan naman ni Caleb ang nais ng kasintahan kaya ngumiti sya at hinawi ang buhok na tumatabing sa mukha ng dalaga.

"I can't blame you for not easily trusting me. But I'm begging you that at least give me a chance to prove my worth. " sambit nya.

Matagal bago nakapagsalita si Valerie.

Hanggang sa unti unti syang napangiti.

Di na sya nagsalita pa.

Dahan dahan nyang nilapit ang mukha sa mukha ng binata hanggang sa unti unting naglapat ang kanilang mga labi.

Napapikit sila pareho.

Kapwa nagulat sa tindi ng intensidad na bumalot sa kanilang sistema.

Parang may bulkang bilang sumabog sa kanilang kaloob looban.

Tila huminto ang paligid at tanging sila na lamang ang patuloy na humihinga.

"M-mahal kita Caleb. Ikaw ang una at ikaw na rin ang huli. Alam kong masyado pa kong bata para sabihin ito pero gagawin ko ang lahat para patunayan sayo na karapat dapat ako sa pagmamahal mo. " sabi ni Valerie.

"Ssshh, ako ang dapat na nagsasabi nyan. Ilang beses na kitang nasaktan. At di ako nangangakong di ka na masasaktan sa mga susunod na araw pero gusto kong sabihin sayo at wag kang matakot. Nandito lang ako lagi sa tabi mo. Kung ako ang dahilan kung bakit ka malungkot, sisiguraduhin kong ako rin ang dahilan ng pagngiti mo. Mahal na mahal kita baby. " naiiyak na sagot ni Caleb.

Napakagat labi si Valerie para pigilan ang emosyon.

Pero bigo pa rin sya dahil may mga luhang mabibilis na umalpas sa kanyang mga mata pababa sa pisngi.

Mabuti na lamang ay maagap si Caleb na pinasan ang mga ito.

"I love you Bebang. " bulong ni Caleb.

Natawa si Valerie kahit naiiyak.

"Mahal na mahal kita Calebrador. " ganti nya.

Napangiti din si Caleb at buong kasabikang sinakop ang maliit na labi ng kasintahan.

Saglit lang tumagal ang halik.

Ayaw nilang magpadala sa emosyon dahil baka kung saan sila damputin.

Nagkasya na lamang silang yakapin ang isa't isa at pagmasdan ang mga bituin na tila nagkasundo na magcamping sa harap nila dahil sa dami ng mga ito.

Maya maya ay may nakapa si Valerie sa bulsa.

Kumunot ang kanyang noo at hinugot ito.

"Ay babe, look mo. Gift ni kuya Rom oh. " masayang sabi nya.

Natuwa si Caleb sa narinig.

"May I see ? Ano to ? " tanong nya.

Napakunot noo ang dalawa at pinagkatitigan ang regalo ng Ace of Spades sa kanila.

Ngunit talagang wala silang ideya kung ano ang laman nito.

"Tanong kaya natin si kuya Rom. May number nya ko. Di ko alam gamitin yan eh. " sabi ni Caleb.

"Wag na no, nakakahiya. Sa iba ka na lang magtanong. O kaya ako na lang mamaya sa bahay. " sagot ni Valerie.

"Sige, ano nga ulit yung basa dyan ? " tanong ni Caleb.

Muling dinutdot ni Valerie ang maliit na mamasa masang pakete.

"Di ko mabasa babe, ilawan mo nga ng flashlight sa cp mo. " utos nya.

Dali dali namang sinunod ni Caleb ang sinabi ng nobya.

Dahil nga sa dilim sa kanilang pwesto, hirap silang basahin ang nakasulat.

Matapos nyang makuha ang cellphone ay agad nyang binuksan ang ilaw.

Pero tulad ng kanina, bigo silang malaman kung ano ang silbi ng regalo ni Romeo.

"Anong basa dyan ? " tanong ni Caleb.

Pinakatitigan ni Valerie ang nakasulat.

"ROBUST ? " tanong nya.

ITUTULOY !!!