1. Home
  2. Stories
  3. Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Limampu't Limang Pahina
Lagablab

Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Limampu't Limang Pahina

By supertoyantz ·

Ika Limampu't Limang Pahina

"So paano baby? Di na ko papasok sa inyo ha ? Pakisabi na lang kay Nanay Vicky na next time na lang. " nakangiting paalam ni Caleb.

Kasalukuyan silang nasa harap ng bakuran nina Valerie.

"Sure. Mag ingat ka sa daan ha ? " malambing na sagot ng dalaga.

Napangiti ng kimi si Caleb at hinaplos ang pisngi ng kasintahan.

"I will, for you. Kitakits na lang tomorrow. I'll fetch you after school. " sabi nya.

Tumango tango si Valerie.

"Sige. Text ka pag nasa inyo ka na ha ? " tanging nasabi nya.

Tumango si Caleb.

Saglit pa silang nagtitigan bago marahang kinurot ng binata ang ilong ng nobya.

Pagkuwa'y tuluyan na syang tumalikod at naglakad palayo.

..

Hinintay munang mawala ni Valerie sa paningin ang kasintahan bago nagpasyang pumasok sa loob.

Nadatnan nya ang mga magulang na nanunuod ng TV.

Agad syang nagmano sa dalawa.

"Oh, bakit ngayon ka lang? Si Kakay kanina pa nakauwi ah. " puna ng ina na di nag abalang alisin ang mga mata sa telebisyon.

Naupo si Valerie sa katapat na silya at binaba ang bag.

"Pinauna na po talaga namin sya Nay. Nagmamadali eh." sagot nya.

Napatingin si Mang Valerio sa anak.

"Namin ? Bakit ? Sinong kasama mo ?" tanong nya.

Hinubad naman ni Valerie ang satapos.

"Si Caleb po." sagot nya.

Natigilan si Aling Vicky at napatingin sa asawa pagkuwa'y binaling ang tingin sa anak.

"Caleb ? Di ba." putol nya.

Napangiti si Valerie.

Batid nyang ang pagkakatampuhan nila ng kasintahan ang tinutukoy ng ina.

Kahit kailan talaga ay updated ito.

"Bati na po kami." wika nya.

Tumaas ang isang kilay ni Mang Valerio.

"Baka naman mag away ulit kayo. Hindi maganda sa relasyon ang away ng away anak. Mapagsabihan nga si Caleb pag napunta dito." naiiling na sabi nya.

Natawa si Valerie at sumandal.

"Okay naman po kami Tatay. Siguro nag a-adjust lang. Saka andami kasing papansin eh. " wika nya.

"Papansin ? Ibig mo bang sabihin ay maraming nagpapapansin kay Caleb ?" tanong ni Aling Vicky.

Tumango si Valerie.

Natawa si Mang Valerio.

"Mahirap talaga pag ganyan ka gwapo ang nobyo mo. Ako nga, nuong kabataan ko, sakit din ako sa ulo nitong nanay mo. " pabida nya.

Napaismid si Aling Vicky.

"Sakit ka sa ulo oo, pero hindi dahil maraming babaeng nagpapapansin sayo, kundi marami kang pinapansing babae. Magkaiba yon Valerio. " taray nya.

Natawang muli si Mang Valerio sabay yakap sa kabiyak.

"Ikaw naman ang nakasungkit ng puso kong pihikan." biro nya.

"Pihikan ? Eh bakit pati yung anak ni Aling Gorya, niligawan mo ? Dyuskong mahabagin, ni hindi ata naliligo yon ! " bulalas ni Aling Vicky.

Tila nahindik si Mang Valerio sa narinig.

"Ano ba't, ano bang sinasabi mong niligawan ? Mandiri ka nga. Saka walang anak na babae si Aling Gorya ! Dalawang lalaki ang anak nya !" sindak na sabi nya.

Sukat duon ay humalakhak si Aling Vicky.

"Alam ko. Pero yun yung pinagkakalat nya. " sabi nya sabay muling tumawa.

Napasimangot si Mang Valerio ng maalala ang nakaraan na tila isang bangungot.

Magrereklamo sana sya pero ng makita nya ang malutong na pagtawa ng kabiyak, natawa na rin sya at sumabay dito.

..

Ilang sandali ang lumipas bago tuluyang humupa ang tawanan.

Nakangiting sumandal si Aling Vicky kabiyak.

"Buti na lang at nauntog ka. Nagising ka sa sumpa. " biro pa nya.

Nakangiting pinilig ni Mang Valerio ang ulo.

"Magtigil ka na nga Victoria. Hala at hainan mo na yang anak mo." utos nya.

Ng maalala ang anak ay sabay pa silang napatingin kay Valerie.

Pero natigilan sila ng makitang nakasandal ito sa upuan at nakatingin sa kawalan.

Pangiti ngiti ang dalaga na tila nag iimagine ng kung anong masaya.

Nagkatinginan ang mag-asawa.

"Dalawa lang yan. Kung hindi masaya dahil may nangyaring maganda, baliw na yang anak mo. " biro ni Mang Valerio.

Pasimpleng siniko ni Aling Vicky ang asawa.

"Magtigil ka nga ! Baka naman may magandang nangyari. Siguro nga may nangyaring maganda kanina. Di ba sabi nya nagka-ayos na raw sila ni Caleb ? " paalala nya.

Tumango si Mang Valerio.

"Siguro nga, at mukhang matindi ang ginawa nung isang yon. Tingnan mo yang anak mo, parang nakalutang sa alapaap eh. " biro nya.

Natawa si Aling Vicky pero di na sya nagkomento.

Nakangiti nyang pinagmasdan ang pagngiti ngiti ng anak na tila isang baliw.

Batid nyang masaya ito at marahil ay ang pagkakabati nito at ni Caleb ang dahilan.

..

Unti unting bumalik sa reyalidad si Valerie ng maramdaman ang pagtitig ng kung sino.

Pagtingin nya sa harap ay natigilan sya ng makita ang mga magulang.

Nakangiti ang mga ito at nakatitig sa kanya.

"B-bakit po ?" tanong nya.

Sabay na umiling ang mag asawa.

Pareho pa ring nakangiti.

Nag init ang mga pisngi ni Valerie.

"E-ewan ko sa inyo. Pinagtitripan nyo na naman ako. " reklamo nya sabay dinampot ang mga gamit.

"Kumain ka na ba anak ?" tanong ni Aling Vicky.

Tumango si Valerie.

"Opo Nay. Tapos na po kami nina Caleb kanina. " sagot nya.

"Ngapala, hanggang san ka hinatid ni Caleb ? " singit ni Mang Valerio.

Napangiti si Valerie.

"Dyan sa harap Tay. Di ko na pinapasok kasi gagabihin na sa daan. " wika nya.

Tumango tango ang dalawa pagkuwa'y muling ngumiti.

Muling nag init ang mga pisngi ni Valerie.

"Ewan ko sa inyo. Bakit ba kasi ? " reklamo nya.

Natawa ang dalawa.

"Wala. " sabay nitong sagot.

Napasimangot si Valerie.

"Bahala nga kayo dyan. " sabi nya sabay akmang papasok sa kwarto.

Napangiti si ALing Vicky.

"Kwento ka na kasi. " pang eenganyo nya.

Natigil sa pagpasok sa silid si Valerie pagkatapos ay tinitigan ang ina.

Di na sya nakatiis, binagsak nya ang bag at tumitiling niyakap ito.

"Ayeeee !!! Nanay ! Hinarana nya koooooooooooooo ! " sigaw nya.

..

Abala si Caleb sa pagtipa sa cellphone habang hinihintay na magbukas ang kanilang gate.

Ilang saglit lang ay lumabas si Lisa at agad syang pinagbuksan.

"Good Evening ate. " bati nya.

Kiming napangiti ang kasambahay.

"Magandang gabi naman Caleb." wika nito.

Kumunot ang noo ng binata.

"Oh bakit parang malungkot ka ate? " puna nya.

Pero iba ang sinagot ng babae.

"S-sakto ang pagdating mo. N-nandyan na ang Lola mo. " sabi nya.

Natigilan si Caleb sa narinig.

Pagkuwa'y napatingin sa di pamilyar na kotse sa garahe.

Pinilit nya ang sariling ngumiti.

"S-sina Mommy ? " tanong nya.

"Nasa salas sila. " sagot ni Lisa.

Nakangiting tumango si Caleb.

Pagkatapos ay naglakad patungo sa pinto.

Saglit syang bumuntong hininga bago tuluyang pumasok sa loob.

..

Tama ang kasambahay.

Nasa salas na ang kanyang mga magulang, ngunit hindi lamang ito ang naruon.

Maging sina Coleen at Britney pati ang ama nitong si James ay nakaupo.

Agad na napatingin sa kanya ang lahat.

Ngumiti si Caleb at agad na lumapit sa ama para magmano.

"Evening Dad. " bati nya.

Ngumiti si Gabriel.

"Kaawaan ka anak. Mukhang good news ah. " nakangiting puna nya.

Napangiti si Caleb pagkatapos ay binalingan ang ina at nagmano din dito.

"Kumain ka na ba anak ? " tanong ni Harriet.

Tumango ang binata.

"Opo Mom. Katatapos lang namin ni Val." sabi nya.

Napangiti si Harriet.

"Bati na kayo? Yabang. " tukso nya.

Natawa si Caleb.

"Syempre. Di nya ko natiis." pagyayabang nya.

Nagtawanan sila.

Pero natigil ito ng tumikhim si Constance.

Natigilan si Caleb at napatingin sa ama.

Ngumiti lamang ito at pasimpleng pinilig ang ulo.

..

Pasimpleng huminga ng malalim si Caleb bago hinarap ang abuela.

Dahan dahan syang lumapit dito at inumang ang kamay.

"M-mano po Lola. " bati nya.

Walang emosyong inangat ng matanda ang kamay.

"Kaawaan ka. Bakit ngayon ka lang ?" tanong nya.

Natigilan si Caleb.

"P-po ? " tanong nya.

Umangat ang tingin ni Constance sa apo.

"Bingi ka na ba ? Ang sabi ko, bakit nayon ka lang ?" tanong nya.

Napangiti ng kimi si Caleb.

"H-hinatid ko pa po kasi si Val. G-girlfriend ko po. " pag amin nya.

Natahimik ang matanda.

Pagkuwa'y tumango tango ito.

"Pero nandito ang girlfriend mo iho. Ayan si Britney. " turo nya.

Natigilan si Caleb at napatingin kay Britney.

Pero napayuko lang ang dalaga.

Napangiti ng kimi ang binata at marahang umiling.

"W-wala na po kami ni Britney Lola. M-matagal na po. " katwiran nya.

Natahimik ang matanda.

Maya maya ay marahan itong tumayo at iinot inot na naglakad patungo sa kung saan.

Agad na umalalay si Caleb.

"L-lola, ihahatid ko na po kayo sa kwarto nyo. " bulong nya.

Tumango si Constance at nilingon si Harriet.

"Harrieta, asikasuhin mo si James. " utos nito.

Agad namang tumalima si Harriet.

Pero tumayo si Coleen.

"Ako na Mommy. " sabi nya.

Nagkibit balikat lang si Constance at muling nagpatuloy sa paglakad habang nakaalalay si Caleb sa siko nito.

..

Ilang sandali lamang ay narating na nila ang silid ng matanda.

Inalalayan ni Caleb na mahiga ang kanyang Lola.

Ng masigurong maayos na ito ay ngumiti sya.

"W-wala na po ba kayong kailangan Lola ? " tanong nya.

Tinapik ng matanda ang espasyo sa kanyang gilid.

"Maupo ka apo. " wika nya.

Atubiling sumunod si Caleb.

Matapos maupo ay saglit syang nakiramdam.

Hinanda ang sarili kung sakaling pagagalitan sya nito.

Kahit ano pa ang sabihin ng matanda ay di sya sasagot.

Pero kung sakaling ipilit nito na magbalikan sila ni Britney, talagang kokontra sya.

Handa na syang ipaglaban si Valerie.

..

"Kamusta ka na apo ? " tanong bigla ni Constance.

Nabigla si Caleb.

Handa na sya para pagalitan ng abuela.

Handa sya sa mataas na tono na may kasamang utos.

Pero hindi ang malumanay na boses.

Naguluhan sya.

Napilitan syang sumagot.

"A-ayos lang po Lola. " wika nya.

Ngumiti ang matanda.

"Mabuti naman. Mukhang masaya ka dito sa Pilipinas ha. " puna nito.

Di alam ni Caleb ang sasabihin.

Kapag inamin nyang masaya sya, baka magtampo ito at isipin na ayaw na nya itong makasama sa ibang bansa.

Pero ayaw nyang magsinungaling.

Kaya pinili nya ang totoo.

"Opo Lola. Nagkaroon na rin po ako ng mga kaibigan. " pag amin nya.

Ngumiting muli ang matanda.

Taliwas sa inaasahan ni Caleb.

"Mabuti naman kung ganuon. Hindi na pala ako aasahang sasama ka sa akin pabalik. " sabi nito.

Nag iwas ng tingin si Caleb.

Nais nyang magsalita pero batid nyang taliwas ito sa inaasahan ng kanyang Lola.

Ayaw nyang magsinungaling pero ayaw din nyang sabihin ang totoo dahil sigurado syang masasaktan ito.

Kaya pinili na lamang nyang umiwas.

"H-hindi naman po ganon La. " mahinang sagot nya.

..

Lumipas ang ilang sandali, tumawa ng mahina si Constance.

"Malaki na ang pinagbago mo apo. Dati ay para kang kuting kapag tinatawag ko. Ni hindi ka nga agad lumalapit sa akin kung hindi pa ipagtulakan ng mommy mo. Siguro ay kasalanan ko rin. Naging mahigpit ako sa inyong magkapatid. Lalo na sa iyong ina. Patawarin mo ako apo sa nagawa ko. " mahinang sabi nito.

Natigilan si Caleb.

Hindi nya inaasahan ang ganitong klaseng pag uusap.

Nakaramdam sya ng tuwa, pero para paring iba.

"W-wala po yun Lola. " tanging nasabi nya dala ng pagkailang.

Hindi pa sya nakaranas ng ganitong eksena kasama ang kanyang Lola.

Madalas ay lagi itong nakasinghal sa kanilang magkapatid o di kaya'y puro utos at sermon.

Ngayon lang.

Talagang may kakaiba.

Diyata't hindi ito si Donya Constance na kilala nya ?

..

Sa naisip ay pinilig ni Caleb ang ulo.

Palihim nyang pinagalitan ang sarili sa pag iisip ng masama sa mismong Lola nya.

Pinilit nya ang sariling ngumiti.

"M-magpahinga na po kayo Lola. Gabi na po. " bulong nya.

Ngumiti si Constance at pinikit ang mga mata.

Ng muli nya itong idilat ay inangat nya ang kamay at hinaplos ang pisngi ng apo.

"Lumaki kang gwapo apo, at mabait na anak. Mabuti na lang at di ka nagmana kay Lola. " mahinang bulong nito.

Umiling si Caleb.

Tila may kakaiba talaga.

Di lang nya matukoy kung ano.

"S-syempre mana ako sa inyo La. " pang uuto nya.

Ngumiti si Constance.

"Sa itsura marahil, pero sa pagiging mabait, malabo. Masama ang Lola. " wika nito.

Napakunot noo si Caleb at tinitigan ang abuela.

Napansin nyang tila mabilis at malalim ang paghinga nito.

"Lola ? N-nahihirapan po ba kayong huminga ? " tanong nya.

Pero di sumagot ang matanda.

Tanging pagngiti ang naging tugon nito.

Duon na nagsimulang kabahan si Caleb.

"T-teka La, T-tatawagin ko lang sina Mommy. " sabi nya.

Umiling si Constance.

"Just stay here a little longer. Wag mong intindihin si Lola. Matanda na kasi ako. " nakangiting bulong nito.

Pero umiling si Caleb.

"No Lola. Wait here. Don't sleep Lola. Relax lang po. " tarantang sabi nya.

Natawa ng mahina ang matanda.

"Relax ? Eh ikaw itong natatanta. Relax will you ? Malakas pa si Lola. Di pa sya mamamatay. " biro nito.

Pero nagalit ang binata.

"Don't you say that thing again Lola. " galit na sabi nya.

Ngunit tumawa lang ang matanda pero natigil ito ng bigla itong umubo ng sunod sunod.

Nanlaki ang mga mata ni Caleb.

Maingat nyang inangat ang ulo ng abuela at nilagyan ng isa pang unan.

"This will help Lola. Tatawagin ko na talaga si Mommy. " sabi nya at nagmamadaling tinungo ang pinto.

Pagkabukas pa lamang ay sumigaw na sya.

"Mom ! Dad ! Si Lola ! " sigaw nya.

Di nagtagal ay humahangos na dumating si Harriet.

Kasunod na nya ang kabiyak habang nakaalalay si Coleen.

"What happened ? " tanong nito.

Agad na nilapitan nina Caleb ang matanda at hinawakan ang kamay nito.

Pero wala na itong malay.

"Lola ? Lola ! " untag nya.

"Mama ! " tarantang sigaw ni Harriet.

ITUTULOY !!!