1. Home
  2. Stories
  3. Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Limampu't Pitong Pahina
Lagablab

Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Limampu't Pitong Pahina

By supertoyantz ·

Ika Limampu't Pitong Pahina

Napakunot ang noo ni Caleb ng saglit na igala nya ang paningin sa paligid.

Saglit nyang pinutol ang pakikipag usap sa ina.

"W-wait Mom. Have yo seen Val ?" tanong nya.

Nagkibit balikat ang ina.

"She's just right there. Kanina. I don't know. Mahal, lumabas ba si Val ? " tanong nya.

Pero napahinto sya ng mapansin nakapikit ang kabiyak.

Sinenyesan ni Harriet ang mga anak.

"Sshhh, wag kayong maingay. Nag rerest si Daddy. " bilin nya.

Tumango si Caleb at binalingan ang abuela na natutulog rin.

Pagkuwa'y napatingin sya sa kapatid na abala sa paglalaro ng PSP.

"Nicoleen. " tawag nya.

Ngunit hindi tumugon ang dalaga.

Napasimangot si Caleb.

Dinampot nya ang unan at binato sa kapatid.

Tumama ito eksakto sa mukha.

..

Napahiyaw si Coleen.

Hindi sa sakit kundi sa gulat.

Muntik na nyang maihulog ang hawak na PSP.

"Aw ! " tili nya.

Agad na sinaway ni Harriet ang dalaga.

"Coleen ! I said, be quiet ! You're dad and Lola are sleeping ! " mahina ngunit madiin na sabi nya.

Napasimangot si Coleen at tinuro ang kuya.

"Mommy, si Kuya kasi ! Nambabato ng pillow ! " sumbong nya.

Sumagot naman si Caleb.

"Eh pano, kanina ka pa tinatawag. " wika nya.

"Kanina ka pa tinatawag " panggagaya ni Coleen.

Akmang magsasalita pa si Caleb pero naunahan sya ina.

"Don't let me repeat what I just said. Sinabi ng tumahimik kayo ! " mahinang sabi nya.

Natameme ang dalawa.

Pero patuloy pa rin si Coleen sa pagma-make face.

Imbes na maasar, napailing na lang si Caleb.

Nilapitan nya ang kapatid at kinurot sa pisngi.

Ngunit winaksi lamang ni Coleen ang kanyang kamay.

"Ano ba ! Napagalitan tuloy ako sayo !" bulong nya.

Natawa si Caleb.

"Eh bingi ka eh. Nasan si Val ? " tanong nya.

Nagkibit balikat si Coleen.

"Ewan ko no. Baka lumabas. " sabi nya.

Kumunot ang noo ni Caleb.

"Pero di man lang sya nagsabi. Saka san sya pupunta ? " tanong nyang muli.

Napaismid si Coleen.

"Wag mo ngang itali yung tao. " payo nya.

"Di naman ah. " sabi ni Caleb.

"Hindi, eh kita mo nga yang sarili mo. Saglit lang nawala si Val, di ka na mapakali. Baka bumili lang. Di naman siguro uuwi yon ng walang paalam no. " wika ni Coleen.

Sumandal si Caleb sa upuan.

Tama ang kapatid, di naman siguro uuwi si Valerie ng walang pasabi.

Marahil nga ay may ginawa lamang ito sa labas.

..

Maya maya ay nakarinig sila ng mahinang katok.

Napatayo si Caleb para sana pagbuksan ang pinto, pero kusa na itong bumukas at bumungad sa kanya si Valerie na tumatawa.

"Sabi ko naman sayo, nakatingin sya sa legs mo eh. " wika ng dalaga.

Kumunot ang noo ni Caleb.

Nagtaka kung sino ang kausap ng kasintahan.

Magtatanong sana sya pero kasunod ni Valerie na pumasok si Britney.

Tulad ni Valerie, may dala rin itong supot mula.

Napaatras si Caleb para bigyang daan ang dalawa.

"Hi babe. " bati ni Val.

Napangiti na lang ang binata.

Sumunod na dumaan si Britney.

Ngumiti din ito sa kanya at dire diretsong pumasok sa loob.

Matapos batiin ng dalawa ang kanyang ina at kapatid, nilapag ng mga ito ang pinamili sa mesa pagkuwa'y magkatabing naupo sa gilid ni Coleen.

..

Nagtatakang sinara ni Caleb ang pinto.

Pasimple nyang tinitigan ang dalawa.

May bago.

Tila matagal na itong magkaibigan kung magtawanan.

Hanggang sa mapatingin sa kanya si Coleen.

"Oh kuya ? Starstruck ? " tanong nya.

Napatingin din sa kanya sina Valerie at Britney.

"Anyare babe ? "tanong ni Val.

Napailing si Caleb.

"W-wala. " sagot nya.

Nagkibit balikat lang ang dalaga at pagkatapos ay muli ng nakipag kwentuhan kay Britney.

..

Lumipas ang mga oras.

Mulling pumasok ang doktor na si Zack sa silid.

"Good evening. " bati nya.

Agad na tumayo si Gabriel para salubungin ang butuhing doktor.

"Dok. " wika nya.

Ngumiti si Zack at isa isang tinanguan ang mga naruon.

Pagkuwa'y dumiretso na sa sya pasyente.

"Hmm, kamusta kayo Tita ? " tanong nya.

Ngumiti si Constance.

"Kung ganito kapogi ang doktor ko, aba'y talagang gagaling ako. " biro nya.

Natawa ang lahat.

"Di ako makikipagtalo sa inyo sa bagay na yan. " ganting biro ni Zack.

Muli silang nagtawanan.

Pinasadahan ni Zack ang resulta ng kalagayan ng pasyente.

Pagkatapos ay nakangiting binalingan si Harriet.

"Hmm. Ayos na ang vitals ni Tita Constance. Just take these vitamins na lang. Please, try to relax and get a lot of rest. Inuulit ko po, hindi na kayo bata. " wika nya sabay baling muli sa matanda.

Nagkibit balikat lang si Constance.

"I have a company to run iho. I can't relax for a long time. " sabi nya.

Pero umawat si Harriet.

"Napag usapan na natin ito mama di ba ? " tanong nya.

Sinulyapan ni Constance ang mga apo.

"Papayag ba sila ? " tanong nya rin.

Natigilan sina Caleb at Coleen.

Nagkatinginan pa sila.

Pero pinili na lamang nilang manahimik at antayin na masolo ang ina.

Muling nagsalita si Zack.

"So, ayos na ba ang bills ? " tanong nya.

Tumango si Harriet.

"Kanina pa Dok. " nakangiting sagot nya.

"Well, ano pang masasabi ko. See you later ? Sa bahay na. " natatawang sabi ni Zack.

Nagpaalam na ang butihing doktor sa lahat.

Matapos kamayan ang mag asawa ay lumabas na sya ng silid.

..

Gabi na ng makauwi ang pamilya nina Caleb.

Agad na pinaasikaso ni Harriet ang silid ng ina habang si Coleen ay dumiretso sa kusina para magbilin sa mga kasambahay na maghanda ng makakakain para sa lahat.

Si Gabriel at Caleb naman ay nagtulong sa pagbaba kay Constance at pinasok ito sa loob.

Sina Valerie at Britney naman ay nagtulong sa pagbubuhat ng kakaunting gamit na dinala nila mula sa ospital tulad ng mga kumot at unan.

Diretso silang pumasok sa loob at tinungo ang sala kung saan nagtipon ang lahat.

"Anak, naghain na raw ba sila ? " tanong ni Harriet habang bumababa ng hagdan.

Tumango si Coleen.

"Opo. " sagot nya.

Ngumiti si Harriet.

"Kain na tayo. " aya nya.

Agad namang nagtungo ang lahat sa komedor para kumain.

..

Masayang lumipas ang hapunan.

Napuno ito ng tawanan at tuksuhan.

Ilang saglit pa, matapos ang masaganang pagkain ay dumiretso sila sa salas para duon ituloy ang kwentuhan.

Duon nasagot ang katanungan sa isip ng magkapatid.

"Itanong mo muna sa mga bata Harrieta. Ayaw kong maulit na naman ang pagkakamali ko. " malumanay na bungad ni Constance.

Nanigas ang likod ng dalawa.

Hinanda ang sarili sa maririnig.

..

Sinulyapan ni Harriet ang mga anak at ngumiti ng kimi.

"Mga anak. " bungad nya.

Tahimik lamang na nakinig ang dalawa.

Maging sina Britney at Valerie at natahimik din at nakinig na lang.

Nagpatuloy si Harriet.

"Di naman siguro lingid sa inyo na kailangang magpahinga ng Lola. " sabi nya.

Ngumiti si Caleb.

"Syempre naman Mom. Uhm, diretsahin nyo na po kami. " wika nya.

Hinawakan ni Gabriel ang kamay ng kabiyak.

Sya na ang nagpatuloy.

"Ganito kasi yon nak, syempre, may kumpanya ang Lola sa states. Eh kailangan nyang magpahinga at magrelax. So kailangang bumalik ng Mommy nyo para sya ang mag asikaso. " sabi nya.

Natigilan si Caleb.

Tila nahuhulaan na nya ang nais tumbukin ng mga magulang.

Napatingin sya sa kapatid.

Batid nyang tulad nya, ayaw na rin nitong bumalik sa ibang bansa.

Madali nilang tinanggap na nandito sa Pinas ang kanilang buhay.

Pero mukhang kailangan nilang muling mag adjust.

Ngumiti sya ng kimi.

Pagkatapos ay binalingan ang katabing si Valerie.

Napatingin din sa kanya ang dalaga.

Ngumiti.

Bumilis ang tibok ng puso ni Caleb.

Ginantihan nya ng ngiti ang kasintahan at hinawakan ng mahigpit ang kamay nito.

Muli syang tumingin sa mga magulang.

..

"H-hindi ko alam kung paano ipaliliwanag sa inyo ito. " tila atubiling sabi ni Harriet.

Sumingit ang kanina pa nananahimik na si Coleen.

"Kailangan nating bumalik ng states. Lahat tayo. Tama ba ko Mom ? " tanong nya.

Natigilan si Harriet.

Napatingin sa ina.

Pero nag iwas ng tingin si Constance.

Ayaw na nyang pahirapan pa ang mga apo at pasunurin sa kanyang kagustuhan.

Hahayaan nyang gumawa ang mga ito ng sariling desisyon.

Tama ng pangingialam.

..

Huminga ng malalim si Coleen.

Pagkuwa'y ngumiti ng tipid.

"Kung ako ang tatanungin, ayaw ko ng bumalik ng texas Mommy. Pero I know na kailangan. Isa pa, nandun ang school ko. Hindi pa naman ako nakakatransfer dito eh. " wika nya.

Napatingin si Constance sa apo.

"Madali lamang gawan ng paraan yan apo. " sabi nya.

Ngumiti si Coleen.

"Eh sinong makakasama nyo Lola sa paglalamyerda ? Sinong mag aalaga sa inyo ? Syempre nasa office sina Mom at Dad. Saka ayaw kong ipaubaya kayo sa mga katulong don. Ako na lang mag aalaga sayo. " sagot nya.

Natigilan ang matanda.

Pagkuwa'y napangiti at tumingala para pigilan ang pagbabanta ng mga luha.

..

Napangiti si Harriet.

Nilapitan nya ang anak na dalaga at niyakap.

"Ambait ng baby ko ah. " puri nya.

Ngumiti lang si Coleen.

Pero napatingin sya sa kapatid.

Nakatingin din ito sa kanya.

Nagsimulang maalarma si Coleen.

Paano na ang kuya nya at si Val.

..

Tila nahulaan ni Harriet ang nasa isip ng dalaga.

Kumalas sya ng yakap sa anak at binalingan ang panganay.

"A-anak." tawag nya.

Ngumiti ng tipid si Caleb.

Akmang sasagot sya ng magsalita ang kanyang Lola.

"Caleb apo. Ihatid mo nga ako sa silid ko. Nais ko ng magpahinga. " sabi nya.

Agad namang kumilos si Caleb.

Akmang tatayo si Gabriel para tulungan ang anak ngunit sinaway sya ng matanda.

"Alam kong galing ka rin sa sakit Gabriel. Salamat anak pero baka parehas pa tayong tumimbuwang sa hagdan. " biro nya.

Napakamot na lang sa batok si Gabriel.

"Ingatan mong Lola mo, Caleb. " bilin nya.

Tumango si Caleb.

"Baby wait lang ha. " sabi nya.

Nakangiting tumango si Valerie.

Tumayo rin si Coleen para alalayan ang abuela.

Sabay nilang hinatid ito sa sariling silid.

..

Matapos maihatid ang Lola sa kwarto, bumabang muli si Caleb at nilapitan ang kasintahan.

"Hey, late na. Baka hinahanap ka na sa inyo. " sabi nya.

Ngumiti si Valerie.

"Uhm, sige. Tita, Tito. Uwi na po muna ako. " wika nya.

Agad na tumayo si Gabriel.

"Ihatid natin sya anak. " sabi nya.

"Naku di na po Tito. " tanggi ni Valerie.

Umiling si Harriet.

"Wag ka ng tumanggi. We want to meet your parents. We have to thank them sa pagpayag na samahan kami sa hospital. Baka kagalitan ka rin kasi late na oh. It's past nine na. " sabi nya.

"Wag ka ng tumanggi iha. " nakangiting wika ni Gabriel.

Napangiti na lang si Valerie at sinulyapan ang nobyo.

Pero ngumiti lang din to.

"Mamamanhikan na kami. " biro nya.

Natawa ang mag asawa.

Kinilig naman si Valerie sa narinig pero pasimple nyang kinurot sa braso ang nobyo.

"So, shall we. Ikaw Brit, sama kaba ?" tanong ni Gabriel.

Umiling ang dalaga.

"Nope Tito. Medyo tired na rin ako. I'll just check Lola Constance then mag sleep na rin po ako. " sagot ni Britney.

"Okay iha. Sweet dreams. " hinalikan ni Harriet sa pisngi ang dalaga.

Ngumiti si Britney at binalingan si Valerie.

"Ingat sa byahe sis. Text text na lang. " sabi nya.

"Sure. Sige. " nakangiting sagot ni Valerie.

Matapos magpaalamanan ay sabay sabay na silang nagtungo sa van.

..

Dahil sa gabi na, hindi na sila nahirapan sa pagbyahe.

Wala pang bente minutos, hininto na ni Caleb ang sasakyan sa tapat mismo ng bahay nina Valerie.

"Pasensya na po kayo, maliit lang itong bahay namin. " sabi ng dalaga.

"Nakakatampo ka naman iha, ganun ba tingin mo sa amin ng Tito Gab mo ?" tanong ni Harriet.

Nagkandailing si Valerie.

"Hindi po Tita. Di po talaga. " sagot nya.

Ngumiti lang si Harriet.

"I told you, call me Mommy. " biro nya.

Napangiti na lang si Valerie.

Natawa lang si Gabriel.

"Masasanay ka rin iha. Tara na at baka nag aalala na yung mga magulang mo." aya nya.

Isa isa silang bumaba.

Binuksan ni Valerie ang maliit nilang gate at pumasok.

"Nay ! Tay ! " tawag nya.

Di nagtagal, lumabas si Mang Valerio.

"Ginabi na kayo anak ah. Kamustang Lola ni Caleb ?" tanong nya.

Pero natigilan sya ng makita ang mga kasama ng anak.

"Putris ! HOY ! " sigaw nya.

Nagulat si Valerie at Caleb.

Ngunit mas nagulat sila ng sumigaw rin si Gabriel.

"HOY ! Anong ginagawa mo dyan ! " sigaw nya.

"Anong anong ginagawa ko ? Ikaw ! Anong ginagawa mo dito ? Buhay ka pa pala ! " gating sigaw ni Valerio.

"Ikaw nga itong masamang damo ! Putris ! Anong gusto mo ? Gusto mo kong subukan ? " galit na tanong ni Gabriel.

Dahil sa palitan ng sigaw, napalabas ng bahay si Aling Vicky para alamin ang nangyayari.

Pero tulad ng asawa, natulala sya ng makita ang mga bisita kasama ang anak.

"HOY ! " sigaw nya.

Napangangag sina Caleb at Valerie.

Kinabahan.

Agad nyang inawat ang ama ng akmang susugurin nito ang tatay ni Valerie.

"D-dad ! Anong nangyayari sayo ? " tanong nya.

Pati si Harriet at natakot sa mangyayari. Niyakap nya ang asawa.

"Gabriel ano ka ba ? Nakakahiya ! " saway nya.

Sinugod naman ni Valerie ang ama para awatin ito.

"Ano ka ba Itay ! Bakit ba kayo sumisigaw ? " tanong nya.

Dinuro ni Mang Valerio si Gabriel.

"Eh ito eh ! Gugulpihin ko yan ! Malaki atraso sakin nyan ! " sigaw nya.

"ABa't ako pa ! Ikaw nga itong ! Putris talaga, bitawan nyo ko ! Bibigyan ko lang itong matandang to ! " wika ni Gabriel.

Lalong nakaramdam ng takot ang lahat ng magpang abot ang mga kamay ng dalawang lalaki.

Niyakap na lamang ni Valerie ang ama tulad ng ginawang pagyakap ni Caleb sa Daddy nya.

Hinanda ang sarili sa sakit na mararamdaman.

Kahit na hindi nila nauunawaan ang pangyayari, sinisikap nilang payapain ang dalawa.

Pero natigilan sila ng tumawa ng malakas ang mga ito.

"Valerio ! " sigaw ni Gabriel.

"Gibo ! " wika ni Valerio.

Lumapit din Aling Vicky at tumatawang hinatak ang anak.

"Hayaan nyo sila. Di yan mag aaway. " natatawang sabi nya.

Nagtataka man, kumalas si Valerie at pinagmasdan ang dalawang ama.

Hanggang sa matigilan sya ng maalala ang tinawag na pangalan ng tatay nya sa Daddy ni Caleb.

"G-gibo ? Nay ! Di ba yun yong. " wika nya.

Hindi pa man natatapos sabihin, ngumiti na si Aling Vicky.

"Sya ang kinukwento kong kaibigang matalik ng iyong ama. Leka't na Gibo to. " naiiyak na wika nya.

Napanganga na lang sina Valerie, Caleb at Harriet sa narinig habang pinagmamasdan ang dalawang barakong parang batang magkayakap.