1. Home
  2. Stories
  3. Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Tatlumpu't Apat na Pahina
Lagablab

Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Tatlumpu't Apat na Pahina

Written by supertoyantz on

Ika Tatlumpu't Apat na Pahina

Tulad ng napag usapan, naglakad lakad sina Valerie at Coleen paikot sa subdivision.

Kwentuhan lang sila ng kwentuhan.

Hanggang sa matigilan sa pagsasalita si Coleen ng may mapansin.

Kinalabit nya ang kaibigan.

"Bebs, what is that ? " turo nya.

Napatingin si Valerie sa tinuro ng dalaga.

Bigla syang napangiti.

"Ah, fishball. " sagot nya.

Nanlaki ang mga mata ni Coleen.

"R-really ? GUSTO KO NYAN ! " bulalas nya.

Nagulat si Valerie.

"H-ha? T-teka teka. Sure ka ? " tanong nya.

"YES ! " determinadong sagot ni Coleen.

Natawa na lang si Valerie at napailing.

Magkahawak kamay nilang nilapitan ang nagtitinda ng fishball

"Manong pabili po. " sambit ni Valerie.

Lumingon ang tindero at ngumiti.

"Sige, tusok lang kayo. " sagot nito.

Natulala nag magkaibigan.

Dahan dahan silang napatingin sa isa't isa.

Kumunot ang noo ng tindero.

Pasimple nitong pinahid ang mukha.

"M-may dumi ba ako ? " tanong nya.

Napalunok si Coleen sabay iling.

"W-wala po. " sagot nya.

Ngumiti ang tindero.

"Wala naman pala. Sige na tusok na kayo. " wika nya.

Siniko ni Coleen ang dalaga.

"V-val. Paano ba ? " bulong nya.

Tila natauhan si Valerie.

Taranta syang kumuha ng stick at tumusok ng tumusok.

"Ganyan lang. " sabi nya.

Napangiti si Coleen.

Hinipan nya ang fishballs at diretsong kinain.

"Hmm, wala palang lasa to. " sambit nya.

Natawa ang tindero.

"Try mo din kasing isawsaw ineng. " sabi nito sabay alis ng takip sa garapon.

Namula ang mga pisngi ni Coleen at pasimpleng sumimangot.

"Malay ko ba. " bulong nya sabay sawsaw ng pagkain.

Napangiti ang tindero at binalingan si Valerie.

"Oh ? Anyare ? Bibili ka ba ? " tanong nya.

Napakurap kurap si Valerie.

Tarantang kumuha din sya ng sariling stick at nagtusok ng fishballs.

..

Ilang saglit lang, nawala na sa isip ng dalawa ang tindero.

Parang kanin na tumusok lang sila ng tumusok.

"Masarap pala to Bebs. " sabi ni Coleen.

Nilunok ni Valerie ang kinakain at muling tumusok.

"Oo nga eh. Pero parang sobrang sarap naman ata nito. " wika nya.

Binalingan ni Coleen ang tindero na tahimik na nagluluto.

"Kuya, bakit ang sarap ng tinda mo ? " tanong nya.

Napangiti ang tindero.

"Syempre, tinda ko ata yan. " sagot nito.

Ngumiti din si Valerie.

"Tama na yan Coleen, baka masobrahan tayo. " awat nya.

"Last one. " hirit ni Coleen.

Natawa si Valerie.

"Kuya, magkano lahat ? " tanong nya.

"Ilan nakuha nyo ? " tanong ng tindero.

Natigilan si Valerie.

"H-ha ? Di ko nabilang. " sabi nya.

"Ngek. Alangan namang bantayan ko kayo. " wika ng tindero.

Kumunot ang noo ni Coleen.

"Why ? " tanong nya.

"Di ko kasi nabilang kung ilan na ang nakain ko. Ikaw ba ? " tanong ni Valerie.

Napailing si Coleen.

"I didn't count it. Parang ang weird naman kasi kung bibilangin ko yung kinakain ko. " sagot nya.

"Oo nga eh. " wika ni Valerie.

Napangiti si Coleen.

"Saka sa sarap nito, magagawa ko pa bang bigyang pansin ang pagbibilang. Oh come on Bebs. Just eat. " wika nya.

Napangiti na lang din si Valerie at binalingan ang tindero.

"Paano yan kuya ? Paano kami magbabayad ? " tanong nya.

Napailing na lang ang lalake sabay buntong hininga.

"Hayyy. Oh sya sya, libre na lang yung kinain nyo. " sagot nya.

Natigilan ang dalawa.

"Really ? " tanong ni Coleen.

"Weee ? " tanong din ni Valerie.

Ngumiti ang tindero at napakamot sa batok.

"Ano pa bang magagawa ko ? Okay na yan, tutal paubos na rin eh. " sagot nya.

Napatingin ang dalawa sa kawali.

Sabay pa silang natawa ng makitang dalawang piraso na lang ang natira.

"Hala, wala ng kinita si kuya. " natatawang puna ni Valerie.

Bumungisngis si Coleen at tinusok ang natitirang dalawang fishballs.

"Eh sya ang may gusto nyan eh. " wika nya.

"Oy Coleen, andami mo ng nakain. " saway ni Valerie.

"Eh ang sarap eh. " katwiran ni Coleen.

Ngumiti ang tindero.

"Hayaan mo na Bebang. Tutal ubos na nya eh. Ano pang magagawa mo ? " biro nya.

Natawa si Valerie at tumango.

"Yeah. Ano pa nga ba. Salamat kuya ha? " sabi nya.

Tumango ang tindero sabay saludo.

"No problem. " sambit nya.

Biglang nasamid si Coleen.

"W-wait. Wala ka bang tubig kuya ? " tanong nya.

"Oh sorry. Wala eh. " sagot ng tindero.

Binalingan ni Coleen si Valerie.

"Bebs. Bibili lang ako ng water. " wika nya.

Tumango ang dalaga.

"Bilisan mo ha. Hintayin na lang kita dito. " sagot nya.

Tumango tango si Coleen at tumakbo sa clubhouse para bumili ng tubig.

Naiwan ang tindero ng fishball at si Valerie.

..

Habang naghihintay binalingan ng dalaga ang tindero.

"Salamat ulit sa libre kuya. " nakangiting sabi nya.

"Wala yon. Kumita na naman ako eh. " wika nito.

Napatingin si Valerie sa mukha ng tindero.

Di talaga sya makapaniwala.

Napakagwapo nito para magtinda lamang.

Bagay dito ang mag artista o di kaya ay maging modelo.

Biglang napatingin sa kanya ang tindero.

Kumunot ang noo nito na tila nagtataka kung bakit sya nakatitig.

"Baket ? " tanong nito.

Nataranta si Valerie.

"W-wala. " sagot nya.

"Okay. " maiksing wika ng tindero.

Nagkunwaring tumingin sa malayo si Valerie.

Pero sa gilid ng mga mata nya'y nakatingin pa rin sa binata.

Hanggang sa biglang natawa ang tindero.

"Alam mo, nakakailang ka na ah. Sabihin mo na kase kung anong gusto mong sabihin. " sabi nito.

Natawa na rin si Valerie.

"Uhm, nakakahiya kasi eh. Pero sige na nga. Bakit pagtitinda ng fishballs ang napili mo ? " tanong nya.

Kumunot ang noo ng tindero.

"Baket ? Anong masama sa ginagawa ko ? " tanong nya.

Umiling si Valerie.

"No, no. Don't get me wrong. Pero nakakapagtaka lang kase. I m-mean. Paano ba to. Uhm, kasi ano. " nabulol na sya.

Napangiti ang tindero at tumango.

"Ah. You mean itong itsura ko ? " tanong nya.

Namula ang mga pisngi ni Valerie.

Pero marahan syang tumango bilang pagsang ayon.

Nagkibit balikat lang ang tindero.

"Marami na ring nagsasabi nyan. Pero anong magagawa ko ? Sa masaya ako sa pagtitinda eh. " sambit nya.

Ngumiti si Valerie.

"Ah, siguro mayaman ka no ? " tanong nya.

"Baket mo naman nasabe ? " tanong din ng tindero.

"Wala lang. Parang di kasi kapani paniwala na sa gwapo mong yan, yan ang napili mong gawin. I mean, pwede kang mag artista o kaya maging commercial model kung gusto mo. " sagot ni Valerie.

"Anong pagkakaiba ng pagtitinda ng fishball sa pagiging artista ? " tanong ng tindero.

Natigilan si Valerie.

Nais sana nyang tumawa dahil sa akala nya ay nagbibiro lamang ito, pero sa nakikita nyang kaseryosohan ng mukha ng binata, pinigilan nya ang sarili.

"Malaki kaya ! " sagot nya.

"Tulad ng ? " tanong ng tindero.

Mabilis na nag isip si Valerie.

"Unang una, yung kita. " sagot nya.

"Kumikita din ako sa pagtitinda. " wika ng tindero.

"Pero di ganun kalaki di tulad ng pag aartista. Aarte ka lang, limpak na pera na ang kikitain mo. " sambit ni Valerie.

"Aanhin ko ang pera ? " tanong ng tindero.

Napanganga si Valerie.

"H-ha ? Seryoso ka ? " tanong nya.

Tumango ang tindero.

"Mukha ba akong nagbibiro ? " tanong din nito.

Napangiwi si Valerie.

"May sayad ata. Sayang, gwapo pa naman. " bulong nya.

"Ano yon ? " tanong ng tindero.

Napailing si Valerie.

"Wala. Ano nga ulit yung tanong mo ? " tanong nya.

"Aanhin ko kako ang pera ? " tanong ulit ng tindero.

"Sino bang di kailangan ng pera ? Mahalaga ang pera no. Kung wala ka nito, wala kang mararating. " sagot ni Valerie.

Napatango tango ang tindero.

"Ahhh. Pero aanhin mo ang pera kung di ka naman masaya ? " tanong nya.

Natigilan si Valerie.

"Y-yeah. May point ka. Pero teka, may kaibigan ka ba ? " tanong nya.

Natawa ang tindero.

"Of course I have friends. " sagot nya.

Kumunot ang noo ni Valerie.

"Kita mo, ang galing mong mag english ! Mas magaling ka pa nga ata saken. Siguro mayaman ka talaga no ? Trip mo lang magbenta ng fishballs. " bintang nya.

Muling natawa ang tindero.

"Nag english lang ng konti, mayaman na agad ? Eh kung mag english pala ako ng buong araw, bilyonaryo na ako ? " pamimilosopo nya.

"Ay nako. Di nga ? Ano ba tong trip mo ? " pangungulit ni Valerie.

Napailing ang tindero at pinunasan ang kariton.

"Ikaw ata itong nantitrip eh. " sambit nya.

Natawa si Valerie.

"Yung tanong ko kanina, may friends ka ba ? " tanong nya.

"Sinagot ko na yan di ba? Syempre naman may mga kaibigan ako no. And take note, di lang basta kaibigan, kundi pamilya. " pagmamalaki ng tindero.

Napatango tango si Valerie.

"M-mahirap din ba silang tulad mo ? " tanong nya.

Tila nag isip ang tindero.

"Uhm, halos lahat sila mayayaman. " pag amin nya.

Napapitik sa ere si Valerie.

"See ? Di ka ba naiinggit sa kanila ? " tanong nya.

Kumunot ang noo ng tindero.

"Saan ako maiinggit ? " tanong nya.

"Sa yaman nila ! Pwede ka namang maging tulad nila pero pinili mong magtinda ng fishballs. " giit ni Valerie.

"Huh ? Bakit ako mainggit sa yaman nila ? Di talaga kita maintindihan. " sabi ng tindero.

Napahinga ng malalim si Valerie tanda ng pagsuko.

"Ah ewan ko sayo. Ang tagal naman ni Coleen. " sabi nya at nilingon ang direksyon na tinakbo ng dalaga.

Napailing ang tindero.

"Alam mo Valerie. Wag mong tingnan ang isang tao base sa materyal na pag aari nito. Ginawa ang lahat na pantay pantay at matatapos ang lahat na pantay pantay pa rin sa mata ng Lumikha. Janitor man o Senador. Driver ng tricycle o negosyante. Lahat yan pantay pantay. " sabi nya.

Natahimik si Valerie at napasimangot.

"Alam ko naman yon no. Nag susuggest lang. " sambit nya.

Napangiti ang tindero.

"Alam ko rin yon. Naiintindihan naman kita. Eh sa masaya ako sa ginagawa ko eh. Ikaw ba, kapag nawala ang bagay na nagpapasaya sayo, anong mararamdaman mo ? " tanong nito.

"Syempre magagalit ako. Saka malulungkot. " sagot ni Valerie.

"Kita mo. Ipagpapalit mo ba ang karangyaan sa kasiyahan ? " tanong ng tindero.

Umiling si Valerie.

"Di no. " mabilis na sagot nya.

"Kitams. Yan ang kanina ko pa sinasabi sayo. " wika ng tindero.

Muling napasimangot si Valerie.

"Oo na, oo na. Mali na ako. " sambit nya.

Ngumiti ang tindero.

"Di ka mali no. Alam ko namang yun mismo ang paniniwala mo. Sabi mo nga, nag susuggest ka lang di ba? " tanong niya.

Napangiti si Valerie at tumango.

Muling nagsalita ang tindero.

"Sa panahon ngayon, marami sa atin ang nabubulagan sa kung ano ang totoong mahalaga. Unti unti itong natatabunan ng pinansyal at materyal na aspeto hanggang sa makalimutan na natin kung ano ang totoong nagpapasaya sa atin. Meron ibang mga magulang, trabaho na lang ng trabaho, nakalimutan na nilang may anak sila na nangangailangan din ng kanilang atensyon. Merong iba na ginagawang negosyo ang anak nila, o di kaya'y apo. Basta gagawin nila ang lahat para sa sariling interes. Mali yon. " sabi nya.

Natigilan si Valerie ng maalala ang pamilya ni Caleb.

Muling nagpatuloy ang tindero.

"Pero ang nakakatuwa nito, darating yung araw na may magpapa alala sa kanila na mali ang kanilang ginagawa. Dun papasok ang pagbabago. At pagmamahal na syang mahalaga sa kahit anu pa mang bagay dito sa mundo. " sambit nya.

Napangiti si Valerie.

"Ibang klase ka rin. Kasama ba yan sa tinitinda mo ? " tanong nya.

"Alin ? " tanong ng tindero.

"Itong mga payo mo. " sabi ng dalaga.

Napakamot sa batok ang tindero.

"Wala yon no. Oy Val, alis na ako. May raket pa ako eh. Di ko na siguro mahihintay si Coleen. " sabi nya.

Napatango tango si Valerie.

"Uy thanks ulit ha ? Sana magkita pa tayo. Ay anong name mo ? " tanong nya.

Ngumiti ang tindero.

"Totoy. " sagot nya.

Natigilan si Valerie.

Napailing ang tindero.

"Go ahead. Tumawa ka na. Alam ko namang nakakatawa ang name ko. " sambit nya.

Natatawang napailing si Valerie.

"S-sorry ha. Nagulat lang ako. Pero di naman nakakatawa yung name mo. Cute nga eh. Totoy. Haha. Paano na yan pag matanda ka na ? Totoy pa rin ang itatawag sayo ? " tanong nya.

Nagkibit balikat ang tindero.

"Anong magagawa ko ? Yan ang pinangalan sakin ni Ama. " sambit nya.

Napangiti si Valerie.

"Yeah yeah. Lahat tayo may problema sa nicknames. Like me. Di ka maniniwala sa palayaw ko. " wika nya.

"Bebang " sambit ni Totoy.

Natigilan si Valerie.

"P-paano mong ? " tanong nya.

"Binanggit ni Nicoleen kanina. " sagot ng tindero.

Natawa si Valerie at tumango tango.

"Hay nako. Oo nga pala. Sya sige, nakakaabala na ata ako sayo. Sunduin ko na lang si Coleen at mukhang nalunod na sa tubig. " sambit nya.

Natawa ang tindero at tumango.

Pero ilang saglit lang ay bigla itong sumeryoso.

"Val. " tawag nito.

"Yap ? " tanong ni Valerie.

Saglit na tinitigan ng tindero ang dalaga bago nagsalita.

"Sa lahat ng relasyon, may dumarating na pagsubok. Nakakainis minsan pero may good side din naman ito kahit papaano. " wika nya.

"At ano naman daw? " tanong ni Valerie.

Ngumiti si Totoy.

"Lahat ng relasyon dumadaan sa pagsubok. Pero kaya nga ito tinawag na pagsubok ay para subukan ang dalawang taong nagmamahalan. At ang good side nito ay kapag nalamapasan ninyong dalawa ang mga challenges na nakatakdang humarang sa relasyon nyo. Magbibigay ito sa inyo ng lakas at experience para lalo pang pangalagaan ang isa't isa. Yan ang good side. " sagot nya.

Napangiti din si Valerie.

"Galing mo talaga. Dapat sayo maging pari. " sambit nya.

Natawa si Totoy.

"Wag na. Di naman ako ganun kabait tulad ng iniisip mo. Basta lagi mo lang tatandaan ang sinabi ko kanina. " paalala nya.

"Alin don ? Andami eh. " biro ni Valerie.

Muling natawa si Totoy.

"Una, alamin mo kung ano ang totoong nagpapasaya sayo. At kung makita mo na ito, gawin mo ang lahat para mapangalagaan. Pangalawa, lahat ng relasyon ay dumadaan sa pagsubok. Manatili lamang kayong nagmamahalang dalawa, siguradong malalampasan nyo ito gaano man kahirap. Tiwala at pagmamahal ang susi sa matagumpay na relasyon. " sambit nya.

Napangiti ng maluwang si Valerie.

Nag thumbs up sya sa gwapong binata bilang pag sang ayon sa sinabi nito.

"Yes boss " biro nya.

Ngumiti si Totoy at kumaway.

Sinimulan na nyang itulak ang kariton.

Pinagmasdan ni Valerie ang binata habang papalayo ito.

Pero kumunot ang kanyang noo ng bigla itong tumigil at lumingon.

"Oh ? " tanong nya.

"Pakisabi kay Romeo na mas gwapo pa rin ako sa kanya. " sabi ni Totoy sabay nangingiting tinulak na ang kariton.

Natigilan si Valerie.

Akmang magtatanong pa sana sya ng marinig ang tawag ni Coleen mula sa likod.

"Bebs ! " sigaw ng dalaga.

Napatingin si Valerie.

"Oh ? Bakit ngayon ka lang ? " tanong nya.

"Anong ngayon lang ? Wala pa akong 5 minutes nawala ah ? " nagtatakang tanong ni Coleen.

Kumunot ang noo ni Valerie.

"Wag nga ako Coleen. " sabi nya.

"Hala. Nabaliw ka na sa fishball ni pogi ? Teka nasan na nga pala sya ? " tanong ni Coleen.

Natigilan si Valerie ng maalala si Totoy.

Nilingon nya ang direksyong tinahak nito at wala sa sarili na tinakbo.

Pero pagliko sa kanto ay napanganga ang dalaga.

Dead End.

"Oy Bebs. Anong nangyayari sayo ? Bakit bigla ka na lang tumatakbo ? " tanong ni Coleen.

Tulalang tinuro ni Valerie ang direksyong tinahak ni Totoy.

"D-dito. Dito lumiko si Totoy. " mahinang sagot nya.

Kumunot ang noo ni Coleen.

"Totoy ? Sino yon ? " tanong nya.

"Y-yung tindero ng fishballs. " sagot ni Valerie.

Napanganga si Coleen at tiningnan ang direksyong tinuturo ng dalaga.

"Paanong nangyari yon ? Eh dead end na to eh. " sambit nya.

Wala sa loob na napatango si Valerie.

Gumapang ang takot sa kanyang katawan.

"P-promise. Dyan talaga sya lumiko. " sabi nya.

"Naku Bebang. Nasobrahan ka na ata ng fishballs. Tara na nga at baka hinahanap na tayo sa bahay. " aya ni Coleen.

Wala sa sariling sumunod si Valerie.

Muli nyang nilingon ang tinahak ni Totoy pero talagan dead end ito.

"Hayyy, sayang ang gwapo pa naman. Come to think of it. Hawig sya ni Kuya Rom. " wika ni Coleen.

Muling natigilan si Valerie.

"O-oo nga. " bulong nya.

"Hawig sila di ba ? Kung di ko lang alam na solong anak si kuya Rom, malamang na iisipin kong kambal sila. " wika ni Coleen.

Lalong natigilan si Valerie ng may maalala.

"C-coleen. " tawag nya.

"Yep ? " tanong ng dalaga.

"B-binanggit ko ba yung pangalan mo kanina sa tindero ? " tanong ni Valerie.

Napaisip si Coleen.

Maya maya ay umiling.

"Di ata ? Why ? " tanong nya.

Napalunok si Valerie.

"A-alam nya kasi ang pangalan mo. " sagot nya.

"Uhm, maybe nasabi mo nga. Eh ano naman ? " tanong ni Coleen.

"Y-yung buo mong pangalan. " wika ni Valerie.

Natigilan si Coleen.

"A-anong buong pangalan ? " tanong nya.

"N-nicoleen. " sagot ni Valerie.

Napanganga si Coleen.

"Weee ? " tanong nya.

Tumango tango si Valerie.

"O-oo nga. Promise talaga. P-pati yung name ko alam nya. " kwento nya.

Napatingin si Coleen sa paligid.

"U-uhm Bebs. Uwi na tayo. " mahinang sabi nya.

Yumakap si Valerie sa braso ng dalaga.

"T-tara. " bulong nya.

Yumakap din si Coleen.

Walang lingun lingon na naglakad pabalik sa bahay.

More from supertoyantz

PSErotica

Call Center

supertoyantz

Call Center Prologue Ako si Tom, di ko tunay na pangalan. 28 years old at kasalukuyang nasa BPO Industry or in...

6 minutes Read Time

Related Stories

PSErotica

College Girl Ivy Part 13

YesMan

CollegeGirl Ivy Part 13 By Yes Man Iniwan nina Joyce at Diego ang agaw antok na si Willie sa lamesa. Tinungo...

26 minutes Read Time
PSErotica

Paaaralin Kita Foundation

emachine

NOTE: Mejo romantic drama ang story na to. Experiment lang kung effective since karamihan ay mejo comedy ang gusto. hehehe...

6 minutes Read Time
PSErotica

X Diary 01

missbianca

This story is based on a diary of my elder cousin. She is currently in Manila working. Last year, noong...

18 minutes Read Time