1. Home
  2. Stories
  3. Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Tatlumpu't Dalawang Pahina
Lagablab

Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Tatlumpu't Dalawang Pahina

By supertoyantz ·

Ika Tatlumpu't Dalawang Pahina

"Okay ka lang ? " tanong ni Caleb.

Ngumiti si Valerie sabay tango.

"Y-yeah. " mahinang sagot nya.

Hinarap ni Caleb ang kasintahan.

"You know, you don't have to this naman. Di naman sya kawalan kung sakaling di kayo magkita right ? And about Coleen, pwede tayong mag tutorial sa bahay ni Tyang. Walang tao don ngayon. " suhestyon nya.

Umiling lang ang dalaga.

"Okay lang no. Saka sayang naman itong get up ko. " biro nya.

Ngumiti si Caleb at pasimpleng lumayo sa kasintahan..

"Well, kanina ko pa gustong sabihin to. Pero parang di ko gusto yang suot mo. " sabi nya.

Natigilan si Valerie.

"H-ha ? Di mo gusto ? " tanong nya.

"Yeah. Baka kasi dumami ang kaagaw ko sayo. Napakaganda mo baby. " sagot ng binata.

Napanganga si Valerie.

Namula ang kanyang mga pisngi.

Pasimple nyang tinago ang hiya sa pamamagitan ng pagsimangot.

"Ewan ko sayo. Mag doorbell ka na. " utos nya.

Napapangiting pinindot ni Caleb ang doorbell.

Di naman nagtagal ay agad na nabuksan ang gate.

"Senyorito ! " bulalas ni Lisa.

Ngumiti lang ang binata at inakbayan ang nobya.

"Si Mommy ? " tanong nya.

Napatingin si Lisa kay Valerie.

"A-ah. Nasa taas po kasama ng Daddy nyo. " sagot nito.

Tumango si Caleb.

Nginitian ni Valerie ang babae.

"Hi Ate. " bati nya.

Ngumiti din si Lisa.

"K-kamusta ? " tanong nya.

"Okay lang naman po. Ikaw po ? " tanong ng dalaga.

"A-ayos lang naman. " sagot nito sabay iwas ng tingin.

Nagtaka si Valerie sa kinikilos ng katulong.

Dati rati naman ay madaldal ito ngunit tila may nagbago.

Nagkibit balikat na lang ang dalaga.

Sabay silang naglakad patungo sa main door ng makarinig ng tilamsik ng tubig.

Parang may isang mabigat na bagay ang tumilapon.

Kumunot ang noo ni Caleb at niyuko ang nobya.

"Malamang si Coleen. " wika nya.

Ngumiti si Valerie at tumango.

"Gulatin natin. " sabi nya.

Napangisi si Caleb.

"Tara. " pag sang ayon nya.

..

Dahan dahang naglakad ang magkasintahan patungo sa pool area.

Di pa man ay nangingiti na ang dalawa dahil parang nakikinita na nila ang reaksyon ni Coleen kapag nagulat ito.

Napangiti si Caleb at nginuso ang pool.

"Ayun sya. " bulong nya.

Sumilip si Valerie.

Kita nyang may isang babaeng lumalangoy pabalik balik.

Bungisngis syang kumapit sa braso ng nobyo.

"Tara. " bulong nya.

Tumango si Caleb.

Inakay nya ang nobya patungo sa likod ng reclining chair.

Sabay silang nagtago at hinintay ang pag ahon ni Coleen.

..

Di naman nagtagal ang kanilang paghihintay.

Matapos ang ilang laps, ay huminto ito sa paglangoy at dahan dahang umahon.

Akmang lalabas na sana si Valerie para gulatin ang dalaga ng bigla syang pigilan ng nobyo.

Nagtatakang napatingin sya sa binata.

"Baket ? " tanong nya.

Napalunok si Caleb at umiling.

"W-wag. " sagot nya.

Kumunot ang noo ng dalaga.

"Baket ba ? " tanong nyang muli.

Natahimik ang nobyo.

Nagtatakang napatingin si Valerie kay Coleen pero bigla syang natigilan ng may mapansing kakaiba.

"B-blonde ? " tanong nya.

Tumango si Caleb.

"T-that's not Coleen. " sagot nya.

Napakagat labi si Valerie.

Bagama't nakatalikod ang babae, kitang kita nya ang makurbang katawan nito.

"B-britney. " sambit nya.

Marahang tumango si Caleb.

"Let's get out of here. " bulong nya.

Tumango din si Valerie.

Muli nyang tinapunan ng tingin ang nakatalikod ng dalaga bago dahan dahang sumunod sa nobyo.

Pero sumabit ang laylayan ng kanyang damit sa upuan kaya nahatak nya ito sa kanyang pagtayo.

Gumawa ng ingay ang pag galaw ng nasabing upuan.

Dahil dito, mabilis na lumingon si Britney.

"Who's there? " tanong nito.

Napalunok si Valerie.

Di sya nakagalaw dahil sa gulat at kaba.

Mabilis na lumapit si Caleb sa kasintahan at inalis ang pagkakasabit ng damit nito.

"Are you okay ? " tanong nya.

Tumango si Valerie.

"O-oo. Sumabit lang yung damit ko. " sagot nya.

Ngumiti si Caleb at hinawi ang buhok na humarang sa mukha ng kasintahan.

"Tara pasok na tayo. " sabi nya.

"S-sige. " tanging nasabi ni Valerie.

Inakay ni Caleb ang dalaga papasok sa bahay ngunit napahinto sila ng marinig ang pagtawag ni Britney.

"Hey ! " sigaw nito.

Natigilan ang dalawa.

Saglit muna silang nagkatinginan bago dahan dahang lumingon.

Napanganga si Valerie.

Kitang kita nya ang marahang paglakad ni Britney sa gilid ng pool.

Tumutulo ang tubig sa perpekto nitong katawan.

Maalasang dibdib at maliit na beywang.

"Sexy. " bulong nya.

Mabilis na nag iwas ng tingin si Valerie.

Tiningala nya ang nobyo at nagulat sya ng makitang nakatitig din ito sa dalaga.

Ayaw man nya, ngunit di nya maiwasang makaramdam ng selos.

Nanatili na lamang syang tahimik.

..

"Caleb ! " tawag ni Britney.

"Britney. " balik ni Caleb.

Lumapit ang dalaga at akmang hahalik ngunit naging mabilis ang binata.

Agad syang umiwas.

Sumimangot si Britney.

"Bakit ba ang harsh mo saken ? " tanong nito.

Ngumiti si Caleb.

"I told you, may girlfriend na ko. " sagot nya.

"Who cares ? " tanong ni Britney.

"Me. Ayaw kong magtaksil sa kanya. " sagot ng binata.

Ngumisi si Britney.

"How romantic. Anyway, bakit ngayon ka lang ? " tanong nya.

Kumunot ang noo ni Caleb.

"Why ? " balik tanong nya.

Ngumuso si Britney.

"Why ? Syempre bored ako dito no. Iniwan mo ko kagabi tapos late ka ng pumunta dito ! San ka ba galing ? " tanong nya.

Ngumiti si Caleb.

"Sa girlfriend ko. " sagot nya.

Lalong napasimangot si Britney.

"Caleb ha. Nagseselos na talaga ako. Puro ka na lang girlfriend ! " sumbat nya.

Natawa si Caleb.

"May masama ba sa ginawa ko ? " tanong nya.

"Of course meron ! Dapat ako ang asikasuhin mo hindi yung kung sinong pangit na babae lang. " singhal ni Britney.

Nawala ang ngiti Caleb.

"Don't you dare talk like that to my girl. Or else, ako mismo ang magpapaalis sayo sa bahay na ito. " banta nya.

Napaatras si Britney.

"Y-you can't do that. Si Lola lang ang makakapag paalis sa akin dito. " sambit nya.

Inakbayan ni Caleb si Valerie.

"Wala si Lola sa bahay kaya wala kang kakampi dito. And one more thing, sa akin at kay Coleen nakapangalan ang bahay na ito, kaya kung meron mang may huling salita dito, kami ni Coleen yon. And knowing my sister, for sure parehas kaming magkakasundo na paalisin ka kapag gumawa ka ng di maganda sa girlfriend ko. " mahinahong sabi nya.

Naningkit ang mga mata ni Britney.

Pero kumunot ang kanyang noo ng mapansin ang ginawang pag akbay ni Caleb sa katabi nitong babae.

"Who is she ? " tanong nya.

Ngumiti si Caleb at lalong hinapit si Valerie.

"This is my girl. " sagot nya.

Napanganga si Britney sa narinig.

Inabot ni Valerie ang kamay.

"H-hi, I'm Valerie. " sabi nya.

Wala sa loob na inabot ni Britney ang kamay ng dalaga.

Pinilit nya ang sariling ngumiti.

"H-hello. My name is Britney. " wika nya.

Ngumiti si Caleb.

"Good. Pasok muna kami Britney. May gagawin pa kasi kami eh. " paalam nya.

Di na nila hinintay na makapagsalita ang dalaga.

Magkaakbay na pumasok ang magkasintahan sa loob ng bahay.

..

Pagpasok sa bahay, nadatnan nilang pababa ng hagdan si Coleen.

Automatiko itong napangiti ng makita ang dalawa.

"Bakit ngayon lang kayo ? " tanong nya.

Ngumiti si Caleb.

"Magstart na kayo para maaga kayong matapos. " sabi nya.

"Sige. Manangggg. " sigaw ni Coleen.

Agad namang lumapit ang isang katiwala.

"Ano po yun senyorita ? " tanong nito.

"Paki prepare po kami ng food ha ? " malambing na utos ni Coleen.

Tumango ang katiwala.

"Sige po. " sabi nito at muling pumasok sa kusina.

Nilingon ni Caleb ang nobya.

"Check ko lang sina Mommy ha ? Susunod na lang ako sa inyo. " wika nya.

"Okay. " tanging nasabi ni Valerie.

Hinawakan ni Coleen ang kamay ng dalaga at inakay patungo sa library.

Pagpasok sa loob ay agad na naupo si Coleen sa upuan at inayos ang mga gamit.

"Anong gagawin natin ngayon ? " tanong nya.

Ngumiti si Valerie.

"Uhm, siguro mag aadvance reading na lang tayo. Wala na akong maituro sayo eh. " sabi nya.

Natawa si Coleen.

"Wala na ba ? Sorry ha ? " nahihiyang sabi nya.

"Bakit ka nag so-sorry, dapat nga maging proud ka pa eh. " nakangiting tanong ni Valerie.

"Wala lang. Minsan kasi, kapag wala akong magawa dito, nag babasa basa lang ako. Kaya ayun. " sambit ni Coleen.

Tumango tango si Valerie.

"Dahil sa ginagawa mong yan, di na ako magugulat kung mas marami ka ng alam kesa sakin. " nakangiting sabi nya.

Nahihiyang napangiti si Coleen.

"H-hindi naman. Uhm, ay Val. May bisita kami. " sabi nya.

"S-sino ? " tanong ni Valerie.

Tila tinantya ni Coleen ang reaksyon ng dalaga bago muling nagsalita.

"Ex ni kuya. " sagot nya.

Napahinga ng malalim si Valerie.

"Ahh, si Britney. " sabi nya.

Nagulat si Coleen.

"Huh ? Kilala mo sya? Ahh, nakwento na sayo ni kuya ? " tanong nya.

Ngumiti si Valerie.

"Yeah. Kagabi pa. " sagot nya.

"Ohh, anong sabi mo ? " tanong ni Coleen.

Nagkibit balikat lang si Valerie.

"W-wala. Wala akong masabi eh. " pag amin nya.

Tumango tango si Coleen.

"Ayaw ko don eh. Masyadong maarte, kung makita mo lang yon. Halos lahat ng parte, retokada ! " inis na sabi nya.

"Retokada ? Parang di naman. " sabi ni Valerie.

Nabigla si Coleen.

"N-nakita mo na ? " tanong nya.

Tumango si Valerie.

"Yeah. Kanina pagdating namin ng kuya mo, akala namin ikaw yung nasa pool. Gugulatin sana namin pero mukhang kami ang nagulat. " biro nya.

Natahimik si Coleen.

"A-anong sabi nya sayo ? " tanong nya.

Ngumiti si Valerie.

"Wala lang. Nag hi / hello lang naman kami. Tapos pumasok na rin kami ni kuya mo. " sagot nya.

"W-wala syang sinabing di maganda ? " tanong ni Coleen.

Ngumiting muli si Valerie.

"Wala naman syang sinabing totoo. Sabi nya panget daw ako. " tumatawang sabi nya.

Napatayo si Coleen at kumunot ang noo.

"Sinabi nya yon ? " tanong nya.

Tumango si Valerie.

"Eh di naman nya kasi alam na nandun ako. Di pa kasi kami magkakilala nung sinabi nya yon. " sagot nya.

Sumimangot si Coleen at akmang lalabas ng pigilan ng dalaga.

"Saan ka pupunta ? " tanong nya.

"Hahanapin ko si retokada. Di ka nya pwedeng lait laitin. " inis na sagot ni Coleen.

Natatawang hinabol ni Valerie ang dalaga at hinawakan sa braso.

"Tumigil ka nga. Ano ka ba, biro lang yon no. " sabi nya.

Kumunot ang noo ni Coleen.

"Anong biro ? " tanong nya.

Ngumiti si Valerie.

Ayaw nyang gumawa ng issue kaya pinagtakpan nya ang sinabi ni Britney.

"Imbento ko lang yung sinabi ko. Wala syang sinabing panget. " sabi nya.

Tinitigan ni Coleen sa mga mata ang dalaga.

Tila di naniniwala sa sinasabi nito.

"Wee ? " tanong nya.

Natawa si Valerie at hinatak si Coleen.

"Oo nga. Tara at magkwentuhan na lang tayo. Tutal wala na akong maituro sayo. " sabi nya.

Ngumiti si Coleen at tumango.

"Sige sige. Ay, eh kung sa room na lang tayo ? " tanong nya.

"Saang room ? " tanong ni Valerie.

"Sa room ko. " sagot ni Coleen.

"Nakakahiya naman. " sambit ni Valerie.

Umiling si Coleen.

"Ano bang sinasabi mong nakakahiya ? Eh girlfriend ka ni kuya. Tara. " aya nya.

Ngumiti na lang si Valerie at nagpahatak na sa dalaga.

..

Ilang sandali lang, nasa loob na ng silid ni Coleen si Valerie.

Humahangang nilibot nya ang tingin sa buong kwarto.

"Wow. " sabi nya.

Naglakad si Coleen patungo sa kama at tumalon.

"Tara dito sis. " tawag nya.

Lumapit si Valerie at naupo sa kama.

Pasimple nyang dinama ang kalambutan nito.

"Grabee, sinlaki na ng bahay namin itong room mo. " biro nya.

Humagikgik si Coleen.

"Grabe ka naman. " sabi nya.

"Pahiga ah. " paalam ni Valerie.

Natawa si Coleen.

"Gaga, gawin mo kung anong gusto mo. Ituring mong taga rito ka. " sabi nya.

Ngumiti si Valerie at humiga.

Pero muli syang napatayo ng tila may mahigaang matigas na bagay.

"Ano to ? " tanong nya at dinukot ang matigas na bagay sa ilalim ng unan.

Napangiti si Coleen.

"Ay akina yan. " agaw nya.

"PSP ? Naglalaro ka pala nyan ? " tanong ni Valerie.

Ngumiti si Coleen.

"Kay kuya Rom to. " pag amin nya.

Natigilan si Valerie.

"Ay oo nga. Nakasalubong namin si Kuya Rom kanina. Hinahanap nya yang PSP nya. " sabi nya.

Humagikgik si Coleen at niyakap ang PSP.

"Bahala sya, di ko na babalik to sa kanya. " wika nya.

Natawa si Valerie.

"Baket naman ? " tanong nya.

"Wala lang. Remembrance ko. Kasalanan nya yon, iniwan iwan nya sa table eh. " sagot ni Coleen.

Napailing si Valerie at humiga.

Saglit syang natahimik.

"Coleen. " tawag nya.

"Yep ? " tanong ni Coleen.

Huminga ng malalim si Valerie.

"H-hanggang ilang araw si Britney dito ? " tanong nya.

Natigilan si Coleen at tinitigan ang dalaga.

Pagkuwa'y nagkibit balikat sya.

"Ewan ko nga eh. Kung ako ang masusunod, ayaw ko syang patuluyin dito. " sagot nya.

"Bakit parang hate na hate mo sya ? Eh sa nakikita ko, parang mabait naman sya at sobrang ganda pa. " tanong ni Valerie.

Napangiwi ang dalaga sa nabitawang salita.

Nahihiya sya dahil sa mga sinabi pero di nya napigilan ang bibig.

Ayaw man nya, pero ng makita nya kanina si Britney, tila natabunan ang kanyang pag iisip ng katakut takot na insecurities.

Para syang yagit kung itatabi sa dalaga.

..

Tumayo si Coleen at lumapit sa side table.

Binuksan nya ang drawer at pinasok ang PSP sa loob.

Matapos nito ay tumabi sya ng higa sa dalaga at niyakap ito.

"Mas maganda ka sa kanya Val. " sabi nya.

Natawa si Valerie.

"Wag mo na akong utuin. " wika nya.

Umiling si Coleen.

"Nope, di kita inuuto. Nakita mo naman siguro ang pruweba, baliw na baliw si kuya sayo eh. " biro nya.

Napangiti na lang si Valerie.

"Ewan ko sayo, sagutin mo na yung tanong ko. Bakit hate na hate mo si Britney ? " tanong nya.

Huminga ng malalim si Coleen.

"Sinaktan nya si kuya e. " sagot nya.

Nabigla si Valerie.

"H-ha? " tanong nya.

Tumango si Coleen.

"Yeah. Nahuli ni Kuya si Britney na may kahalikang ibang lalake. " sagot nya.

Napanganga si Valerie.

"H-ha ? S-sino yon ? " tanong nya.

"Ewan ko. Syempre nagalit si kuya, pero di nya pinahiya si Britney ng araw na yon. Basta na lang syang umalis tapos nagmukmok sa bahay. " kwento ni Coleen.

Nakaramdam ng awa si Valerie sa kasintahan kasabay ng galit na unti unting umuusbong sa kanyang puso para kay Britney.

"A-anong ginawa ni Britney ? " tanong nya.

"Pumunta sya sa bahay. Tapos sinusuyo nya si kuya. Syempre, ayaw na ni kuya kasi niloko na nga sya. Pero nakialam si Lola. " sagot ni Coleen.

Natigilan si Valerie.

"A-anong nangyari ? " tanong nya.

Huminga ng malalim si Coleen.

"Pinilit nyang magkabalikan yung dalawa. For the sake of business. Partner kasi ni Lola sa isang negosyo yung parents ni Britney. Lalabo daw yung merging oras na magkahiwalay yung dalawa. " sagot nya.

"E-eh si Mommy Harriet ? Anong ginawa nya? " tanong ni Valerie.

"Syempre tumutol si Mom. Kaso talagang takot sya kay Lola kay pinakiusapan nya si Kuya na sakyan na lang ang hiling nito. Eh alam mo naman si kuya, mapagbigay kay Mom. Kaya ayun, nagpatuloy yung relasyon Nya at nung Bruha. " sagot ni Coleen.

Napakagat labi si Valerie.

Kung di sya nagkakamali, ang Lola ni Caleb ang nagpapunta kay Britney patungo dito sa Pilipinas.

Pero ano ang dahilan ?

..

Di na pala kailangang magtanong ni Valerie.

Kusa ng nagbigay ng impormasyon si Coleen.

"Sa tingin ko, kaya nandito yang si Britney, pinapunta na naman yan ni Lola. Para suyuin si Kuya na bumalik na sa states at ipagpatuloy ang business doon kasama si Mommy. " wika nya.

"E-eh paano si Daddy Gab ? " tanong ni Valerie.

Tumango si Coleen.

"Sabi ni Kuya dati, di daw sya aalis ng Pinas hangga't di nya nakikita si Dad. Ngayong nakita nya na, di ko alam kung anong susunod nyang plano. " sagot nya.

Natigilan si Valerie.

Wala syang maisip ng mga oras na iyon dahil halu halo ang kanyang inaalala.

Biglang nagsalita si Coleen.

"Mukhang alam na ni Lola na natagpuan na ni Kuya si Dad. Di ko alam kung paano pero may duda ako na may alagad si Lola dito sa bahay. Kaya pinadala nya si Bruha para kumbinsihin si Kuya na bumalik na sa states. Pero mukhang mahihirapan lalo sila ngayon. " sabi nya.

Nagtaka si Valerie.

"B-bakit naman ? " tanong nya.

Ngumisi si Coleen.

"Kasi may dahilan na si Kuya na magstay dito sa Philippines. " sabi nya sabay titig sa mga mata ng katabi.