1. Home
  2. Stories
  3. Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Tatlumpu't Isang Pahina
Lagablab

Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Tatlumpu't Isang Pahina

By supertoyantz ·

Ika Tatlumpu't Isang Pahina

"Dito ka na mananghalian iho. " aya ni Mang Valerio kay Caleb.

Nangiti ang binata.

"Sige po. " masiglang sagot nya.

Binalingan ng lalaki ang anak nito.

"Hoy Bebang. Aba'y tulungan mo ngang Nanay mo sa kusina. Wag mong bantayan yan si Caleb at di yan tatakas. " utos nito.

Napasimangot si Valerie.

"Tatay naman. " reklamo nya.

"Anong Tatay naman ? Eh totoo namang kanina mo pa binabakuran yan si Caleb. Hala at pumasok ka nga. " taboy ng ama.

Pasimpleng tinapunan ng ngiti ni Valerie ang kasintahan.

"P-pasok daw muna ako. " sabi nya.

Tumango si Caleb.

"Sige lang. Dito muna ako. " sagot nya.

Binalingan ni Valerie ang ama.

"Tay, baka kung anu anong sabihin nyo kay Caleb ha. " paalala nya.

Natawa ng mahina si Mang Valerio.

"Ano bang sasabihin ko sa kanya ? " balik tanong nya.

Sumimangot lang si Valerie.

"I'm watching you. " banta nya at pumasok na sa loob.

Lalo lang natawa si Mang Valerio.

Naupo sya sa tabi ni Caleb at pinagmasdan ang mga dumadaang tao.

Kasalukuyan silang nasa harap ng kanilang bahay.

"Kamusta po ang byahe ? " tanong ng binata.

Ngumiti si Mang Valerio.

"Eto, naghahabol sa boundary. " sagot nya.

Kumunot ang noo ni Caleb.

"Boundary ? Ano po yun ? " tanong nya.

"Boundary, yun yung kailangan mong kitain kapag di sayo yung sasakyang ginagamit mo sa pagpasada. Halimbawa, yang tricycle na ginagamit ko. Di sakin yan. Pinapasada ko lang yan. At bilang bayad sa pagpapahiram nila sa akin ng tricycle, kailangan ko silang bigyan ng parte sa kila ko. Parang tong sa sugal. Naiintindihan mo ba ? " paliwanag ni Mang Valerio.

Tumango tango si Caleb.

"Pero bakit di po kayo kumuha ng sarili nyong tricycle ? Para naman wala na kayong binibigyan ng boundary. " sabi nya.

Napangiti ng kimi si Mang Valerio.

Sumandal sya sa sandalan ng upuan at natahimik.

Tila nakahalata naman si Caleb kaya nakaramdam sya ng kahihiyan.

"A-ah. Pasensya na po Tay. " wika nya.

Ngumiti si Mang Valerio at tinapik ang balikat ng binata.

"Wag kang humingi ng pasensya anak. Ganyan talaga ang buhay. Minsan, isang kayod isang tuka lang tayo. Pero isa lang naman ang pinaglalaban ko dito sa pamilya ko. Ang mamuhay ang marangal at may dignidad. Yung hindi kami nanghihingi sa ibang tao o nananapak ng iba. Kahit papaano, nakakapag - ipon ipon din naman pero para na iyon sa pag aaral ng mga bata. " sambit nya.

Tumango tango si Caleb.

Saglit syang nag isip at pagkuwa'y tinitigan ang ama ni Valerie.

"Tay. " tawag nya.

Napatingin si Mang Valerio sa binata.

"Oh ? " tanong nya.

"Eh kung ganito na lang po. Bumili kayo ng isang tricycle para may sarili na kayo. " suhestyon ni Caleb.

Natawa ng marahan ang lalake.

"Gutom ka na ata eh. " sabi nya.

Napangiti din si Caleb sabay himas ng tyan.

"Ewan ko ba, kakakain ko lang pero sa naaamoy ko, mukhang mapaparami na naman po ang kakainin ko. Tataba ako dito sa inyo. " wika nya.

Natawa ng malakas si Mang Valerio.

"Yan ang isa sa katangian ng Nanay Vicky mo na talaga namang ipinagmamalaki ko. " sabi nya.

Napangiti ulit si Caleb.

Pagkuwa'y tinitigan sa mga mata ang katabi.

"Tay. " tawag nya.

"Oh ? " tanong ni Mang Valerio.

Huminga ng malalim si Caleb.

"Seryoso po ako. Bumili po kayo ng tricycle na sarili. " sabi nya.

Natigilan si Mang Valerio.

"W-wala pa kaming pera. Pero nag iipon na naman ako. Siguro sa susunod na taon. " wika nya.

Umiling si Caleb.

"Pahihiramin ko po kayo ng puhunan. " sambit nya.

Kumunot ang noo ni Mang Valerio.

Pinilit nya ang sariling ngumiti dahil nasaling ang kanyang pride.

"W-wag na iho. Hindi pa naman kami namamalimos eh. " sabi nya sabay pinilit ang sariling tumawa.

Hinawakan ni Caleb ang kamay ng lalaki.

"Tay. Hindi ko ho minamaliit ang kakayahan ninyo. Sa katunayan, hangang hanga ako sa inyo. Kanina habang pinapakain namin si Ria, nalaman kong hindi sya pihikan o pasaway tulad ng ibang bata. Duon pa lang, kitang kita na kung paano nyo napalaki ang mga anak ninyo. Di po ito pang uuto o pagpapalakas lang, pero masasabi kong maswerte sina Valerie dahil kayo ang mga magulang nila. " seryosong sabi nya.

Natigilan si Mang Valerio.

Tinitigan nya ang binata at inarok ang sinasabi nito.

Di nya napigilan pangiliran ng luha.

Pilit nya itong tinago at ngumiti ng bahagya.

"H-hindi naman sa ganun. Ginagawa lang namin ng Nanay Vicky mo sa tingin namin ay nararapat para sa kanila. " bulong nya.

Ngumiti si Caleb.

"Alam ko po. Parehas lang po kayo ni Mommy at Daddy. Kaya nga po nag offer ako ng tulong, hindi dahil sa tingin ko ay wala kayong kakayahan. Sabi ni Mommy, masarap daw tulungan yung mga taong nagpupursige at talagang kakikitaan mo ng pagsisikap. Kesa dun sa puro salita lang na wala namang gawa. Wag nyo po sanang masamain ang sinabi ko Tay. Pwede nyo pong pag isipan ang sinasabi ko. " wika nya.

Natahimik si Mang Valerio at pinagmasdan ang nakaparang tricycle sa kanyang harap.

Naalala nya ang anak na si Valerie ng magtalo sila tungkol sa pagkakaroon nito ng trabaho.

Akala nya ay nakakabawas sa pagkalalaki ang ganuon, pero kinapa nya ang sarili at pinag isipan ang sinabi ng anak.

Tama ito, pinalakai nyang matulungin at responsable ang kanyang mga anak kaya natural lamang na tumulong ito sa kanilang mag asawa sa pagkayod.

Napahinga ng malalim si Mang Valerio at pagkuwa'y ngumiti ng kimi.

Tinapik nya ang balikat ng binatang katabi.

"Ganito na lang iho. Uutangin ko ang ipangbibili mo ng tricycle. Pagkatapos, sayo na lang ako mag ba-boundary. " wika nya.

Ngumiti si Caleb.

"Ganito na lang po Tay. Bibigyan ko kayo ng puhunan. Pang negosyo. Bayaran nyo ko kapag kumikita na kayo. " sambit nya.

Napaisip si Mang Valerio.

Pagkatapos ay dahan dahan napangiti ng tipid.

"S-sige. " pag sang ayon nya.

"Kung ganon Tay, mabuti pa hong tumingin tingin na kayo ng bagong tricycle ngayon pa lang. Ay saglit lang po. " tila may naalala si Caleb.

"Ano yon ? " tanong ni Mang Valerio.

"Yung tricycle na po bang yan, kapag pinapasada nyo sa iba, kikita pa rin ? " tanong ni Caleb.

Tumango si Mang Valerio.

"Oo naman. Kikita na yung may ari, kikita pa rin yung namamasada. Balikatan lang. Mabait kasi yung may ari nyan kaya mababa lang yung boundary na hinihingi sa akin. " sagot nya.

Tumango tango si Caleb.

"Eh kung bumili tayo ng limang ganyan, tapos ipapasada nyo yung apat sa iba. Para maibalik natin yung ginawa nung may ari na pagtulong sa inyo. Kikita na kayo, may matutulungan pa kayo. Ano po sa tingin nyo ? " tanong nya.

Nalula si Mang Valerio sa narinig.

"L-lima ? " tanong nya.

Tumango si Caleb.

"Opo, at kayo ang may ari. Bale, kayo na ang , ano nga po uling tawag dun sa ganon ? " tanong nya.

"O-operator. " sagot ni Mang Valerio.

"Yun, kayo na po ang magiging operator ng limang tricycle. " sambit ni Caleb.

Napanganga si Mang Valerio.

"A-ako ? O-operator ? " gulat na tanong nya.

"Opo. Tapos si Nanay Vicky, tumigil na sa paglalabada. Magpatayo na lang kayo ng sari sari store dito. " suhestyon ni Caleb.

Lalong nalula si Mang Valerio sa ideya.

"T-teka. Mabuti pa atang isali natin sa usapan ang Nanay mo. P-parang nahihirapan akong huminga nak eh. " sabi nya.

Natawa si Caleb at tumango.

"Sige po. Nahihiya nga akong sabihin ito sa inyo eh, pero luto na po kaya yung niluluto nila ? " tanong nya.

Natawa rin si Mang Valerio at inakbayan ang binata.

"Tara at ng makakain na. Naku, maraming maraming salamat talaga ha ? Hayaan mo't di namin sasayangin ang ibinibigay mong pagkakataon. " bulong nya.

"Alam ko po. Tanong lang po Tay. " sambit ni Caleb.

"Ano yon ? " tanong ni Mang Valerio.

"Bakit di namana ni Valerie ang galing ni Nanay sa pagluluto ? " biro ni Caleb.

Natawa ng malakas si Mang Valerio.

"Wag mong sasabihin yan sa kanya, kung ayaw mong maconfine sa ICU. " bulong nya.

Natawa din ng malakas si Caleb.

Sabay na silang pumasok sa loob ng bahay para manghalian.

..

"Grabeee, busog much ! " natatawang hinimas ni Valerie ang tyan.

Natatawang binatukan ni Aling Vicky ang anak.

"Hoy, mahiya ka naman kay Caleb. " sabi nya.

Napangiti si Caleb at isa isang pinag patong patong ang mga maruruming plato.

Pero agad syang sinaway ni Mang Valerio.

"Nak kami na dyan. Dun na lang kayo sa labas. " taboy nya.

"Nakakahiya naman po. " wika ni Caleb.

"Sige na iho. Di ba may lakad pa kamo kayo ? " paalala ni Aling Vicky.

Napapitik sa ere si Valerie.

"Ay oo nga pala. Si Coleen ! " bulalas nya.

"Oo nga pala. Maliligo ka pa ba ? " tanong ni Caleb.

"Oo naman ! " sagot ni Valerie.

"Naligo ka na kahapon Bebang di ba ? " tanong ni Mang Valerio.

Napasimangot si Valerie.

"Opo naman Tay ! " sagot nya.

"Oh, himala. Maliligo ka ulit ngayon. Di ba every other day ka ? " biro ni Aling Vicky.

Natawa si Caleb.

"Wag ka ng magpanggap baby. " pagsakay nya.

Lalong napasimangot si Valerie.

Mariin nyang kinurot sa braso ang kasintahan bago padabog na lumabas ng kusina.

"I hate you all. Ang hard nyo lage saken. " sabi nya.

Nagtawanan lang ang tatlo.

..

"Mag ingat kayo mga anak. Caleb iho, salamat ulit ha ? " paalala ni Mang Valerio.

Ngumisi si Caleb.

"Opo Tay. Pag usapan nyo na lang po ni Nanay ha ? Tapos babalik na lang po ulit ako dito kapag may desisyon na kayo. " bulong nya.

Tumango tango si Mang Valerio.

"Sige sige. Salamat ulit. " ganting bulong nya.

Kumunot ang noo ni Valerie at lumapit sa dalawa.

"Anung pinag uusapan nyo ? " tanong nya.

Napangiti sina Mang Valerio at Caleb.

"Ekonomiya ng Pilipinas. " sagot ng ama.

"Global warming. " sagot ng binata.

Natawa si Aling Vicky at tinaboy na ang magkasintahan.

"Hala at lumakad na kayo. Nakakahiya na kay Coleen. Sa susunod iho, dalhin mo sya dito ha? Nakakatuwa yung batang yon eh. " bilin nya.

Tumango si Caleb.

"Opo Nay, Tay alis na po kami. " paalam nya.

"Sya sige, mag ingat sa daan. " sagot ni Mang Valerio.

Naglakad na palayo ang dalawa.

Biglang kinalawit ni Valerie ang kasintahan.

"Anong pinag uusapan nyo ni Tatay ? " tanong nya.

Natatawang umiwas si Caleb.

"Global warming nga. " sagot nya.

"Gusto mong mapaalis dito sa globe ? " nakasimangot na tanong ni Valerie.

Lalong natawa si Caleb.

"Basta, trust me baby. I'm sure na matutuwa ka. " bulong nya.

Natigilan si Valerie at pasimpleng kinilig.

"Siguro, magpo-propose na sya. Sheett, hinihingi na nya ang mga kamay ko kay Tatay. Omaygad ! " tili nya sa isip.

Kumunot ang noo ni Caleb ng makitang nanlalaki ang butas ng ilong ng nobya.

"Baby ? Anyare ? " untag nya.

Tila natauhan si Valerie at kumapit sa braso ng binata.

"Wala baby, uhm, gusto mo bang daanan si Kakay ? " tanong nya.

Tumango si Caleb.

"Sure sure. Saan ba ? " balik tanong nya.

Lumiko sila.

Naglakad sila patungo sa karinderya na pag mamay ari nina Cheska.

Di pa man sila nakakalayo, may tumawag na pangalan ni Valerie.

"Bebang ! " sabi ng boses.

Agad na napalingon ang dalawa.

Napangiti si Valerie at inakay palapit si Caleb.

"Uy kamusta ? " tanong nya.

"Okay lang. Ikaw ? " balik tanong nito.

"Ah, ganun pa rin. Nakabalik ka na pala ? Kelan pa ? " tanong ni Valerie.

Ngumiti ang babae.

"Kakauwi ko lang. " sabi nito sabay ngiti ng may kahulugan.

Kumunot ang noo ni Valerie.

Pagkuwa'y naalala nya ang nobyo.

"Ay shucks. Nakalimutan ko. Babe, Bianca. Bianca, si Caleb, boyfriend ko. " pakilala nya.

Ngumiti si Caleb at inabot ang kamay.

"Hi. You look pretty sa headband mo. " puri nya.

Ngumiti si Bianca.

"Really ? You look more handsome kapag wala yang kamay sa braso mo. " biro nya.

Naningkit ang mga mata ni Valerie.

"Gago. " sabi nya.

Natawa si Bianca.

"Haha, joke lang no. " wika nya.

Ngumiti si Caleb.

"Mas gugustuhin ko ng maging panget, basta wag lang mawala sakin itong may ari ng kamay na nakakapit sa braso ko. " sabi nya.

Natigilan sina Bianca at Valerie.

"Wow. Eh di itali mo na yan. Haha. Sige alis na ako, may bibisitahin pa ako dyan eh. " paalam nya.

Ngumiti lang si Caleb.

"Take care. " sagot nya.

Nilapitan ni Bianca si Valerie.

"Wag mo ng pakawalan yan gaga. " bulong nya.

Napalunok ang dalaga at pagkatapos ay ngumisi.

"Sino bang nagsabing papakawalan ko to ? " ganting bulong nya.

Natawa si Bianca at hinalikan sa pisngi ang dalaga.

"See yah. Humayo kayo at magpakarami. " sabi nya at naglakad na palayo.

Napailing na lang si Valerie.

"Siraulo. " sabi nya.

"Sino ba yon baby ? " tanong ni Caleb.

"Ah, si Bianca. Friend ko sya pero ahead sya sa akin ng 1 year. Nagbakasyon kasi sya sa province. " sagot ni Valerie.

"Ahh, close kayo ? " tanong ni Caleb.

Nagkibit balikat si Valerie.

"Uhm, di naman masyado. Tara na nga at baka kanina pa tayo hinihintay ni Coleen. Next time na lang tayo dumaan kina Kakay." aya nya.

Ngumiti si Caleb at tumango.

..

Kalahating oras ang lumipas.

Naglalakad na ang magkasintahan sa loob ng subdivision ng biglang huminto si Valerie.

Nagtaka si Caleb.

"Why ? " tanong nya.

Napakagat labi ang dalaga.

"Di ba sabi mo, dyan muna titira yung ex mo ? " balik tanong nya.

Natigilan si Caleb.

"O-oo nga pala. Nawala na sa isip ko. P-paano yan ? Gusto mo bang wag ng tumuloy ? " tanong din nya.

"P-paano si Coleen ? " ganting tanong ni Valerie.

Hinawakan ni Caleb ang kamay ng nobya.

"Kung ayaw mo, wag na lang. I-Text na lang natin si Coleen. Mamasyal na lang tayo. " bulong nya.

"Pero nangako ako kay Mommy na babalik ako ngayon. " sambit ni Valerie.

Natahimik si Caleb.

"Upo muna tayo. " aya nya.

Naupo ang dalawa sa gutter.

"Kung ayaw mo, itetext ko na lang din si Mom. " sambit ng binata.

Umiling si Valerie.

"Wag na. Basta wag mo na lang akong iwan. " wika nya.

"Of course. Saka kailangan ko ring maka cope-up sa mga lessons. Para naman updated ako bukas. " sabi ni Caleb.

Tumango tango si Valerie.

Tumayo na sya at pinagpag ang pwet.

"Tara na baby. " aya nya.

"Sure ka ? " paniniguro ni Caleb.

Nagkibit balikat lang ang dalaga.

"No choice, ganun din naman eh. Magkikita at magkikita kame. Baket di pa ngayon ? " tanong nya.

Ngumiti si Caleb at inakbayan ang kasintahan.

"That's my girl. Hey look, si Kuya Rom o. " turo nya.

Napatingin si Valerie sa binatang naglalakad.

May hawak itong isang baunan.

"Oy, ang aga aga gumagawa kayo ng scandal. " bungad ni Romeo.

Natawa ang dalawa.

"Ano yan kuya Rom ? " tanong ni Caleb.

Inangat ni Romeo ang hawak.

"Champurado. Pinabili ni Mother Earth. " sagot nya.

"Champurado sa tanghali ? Azteeg. " sabi ni Caleb.

"Yeah. Medyo nagiging weird si Mommy lately. Minsan pinabili nya ako ng seedless grapes. " naiiling na kwento ni Romeo.

Kumunot ang noo ni Valerie.

"Oh di ba may ganun naman talaga ? " tanong nya.

"Meron nga, kaso alas tres ng madaling araw ? Try mo rin. Minsan, pinipingot nya itong ilong ko ng walang dahilan. " sagot ni Romeo.

Natawa si Caleb.

"Baka trip ka ni Tita. " biro nya.

"Baka nga. " maasim na sabi ni Romeo.

"Baka naglilihi si Tita Alexa. " wika ni Valerie.

Natigilan ang dalawa.

Nanlaki ang mga mata ni Romeo sabay tango.

"Oo nga ! Shit, sinong ama ? " sigaw nya.

Nagtawanan ang magkasintahan.

"Gago, syempre yung Tatay mo. " sabi ni Caleb.

"Ay oo nga no. " nakangising sagot ni Romeo.

Nagtawanan ang tatlo.

"Oy, san ang punta nyo ? " tanong ulit ni Romeo.

"Sa bahay. " sagot ni Caleb.

"Ahh, kayo ah. Tanghaling tapat, gagawa kayo ng milagro. Padilimin nyo naman ng konti. " pang aasar ni Romeo.

Natawa si Caleb.

Namula ang mga pisngi ni Valerie.

"Baliw ka talaga. Tara na nga baby. Iuwi mo na yang Champurado kuya Rom at baka gulpihin ka na ng Mommy mo. " paalala nya.

"Oo nga eh. Sige gora na ako. Ay teka, Keyleb. " tawag ni Romeo.

Lumingon si Caleb.

"Oh ? " tanong nya.

"Yung PSP ko ba, naiwan ko sa inyo ? " tanong ni Romeo.

Natigilan si Caleb.

"Oo ata, na kay Coleen. " pag amin nya.

Tumango tango si Romeo.

"Aahhh, pakisoli kamo ha ? Tinatamad akong pumunta sa inyo eh. " sabi nya.

Tumango si Caleb.

"Sige kuya. " sagot nya.

"O sya, sama akong bente. " biro ni Romeo at naglakad na palayo.

Napailing na lang ang dalawa at nagpatuloy na sa paglalakad.