1. Home
  2. Stories
  3. Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Tatlumpu't Limang Pahina
Lagablab

Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Tatlumpu't Limang Pahina

By supertoyantz ·

Ika Tatlumpu't Limang Pahina

Halos mag unahan sa paglakad sina ang dalawang dalaga pabalik sa mansyon.

Malapit na sila sa gate ng biglang matapilok si Coleen.

"Ouch ! T-teka Bebs. " daing nya.

Nagitla si Valerie ng makitang nakangiwi ang kaibigan.

Dali dali syang bumalik at hinawakan ito sa braso.

"Anong nangyari ? " tanong nya.

Impit na napangiti si Coleen.

"N-natapilok ako. " sagot nya.

"Patingin nga ? Saan ba ? " tanong ni Valerie.

Naupo si Coleen sa gutter at inunat ang paang nasaktan.

Umupo naman si Valerie at hinaplos ang binti ng dalaga.

"Dito ? " tanong nya.

Tumango si Coleen.

"M-masakit Bebs. Mamamatay na ata ako. " hysterical na sabi nya.

Napanganga si Valerie.

"Natapilok ka lang, mamamatay ka na ? Bakit ka naman kasi naka heels ? Eh nandito ka lang naman sa inyo. " puna nya.

Pacute na ngumiti si Coleen.

"Wala lang. " sagot nya.

Napangiti na lang din si Valerie.

"Ang sabihin mo, nagbabaka sakali kang masalubong natin si Kuya Rom. ? " tanong nya.

Nagkandailing ang dalaga.

"Oy di ah. Nasanay lang talaga akong nakaheels. " palusot nya.

Natawa si Valerie.

"Asus, tingnan mong kaartehan mo. Natapilok ka tuloy. Tiis ganda ka kasi eh. " pang aasar nya.

Napangiti si Coleen.

"Okay lang. May nakita naman tayong poging tindero ng fishballs. " paalala nya.

Natigilan si Valerie.

"W-wag mo na ngang banggitin yan. Sya ang dahilan kung bakit ka natapilok no. " wika nya.

Bumungisngis si Coleen.

"Ano kayang sasabihin ni Kuya kapag kinwento natin sa kanya ang experience natin ? Grabe, I can't imagine na makaka encounter tayo ng ganuon. To think na nasa subdivision pa tayo ha ! " wika nya.

Napailing na lang si Valerie.

Pasimple nyang niyakap ang sarili para pigilan ang pagtayo ng balahibo.

"Kaya mo bang maglakad ? " tanong nya.

Nagkibit balikat ang dalaga.

"I don't know. Maybe. " sagot nya.

"Sige try mo ngang tumayo. " sambit ni Valerie.

Tumango si Coleen at humawak sa balikat ng kaibigan.

Nag ipon sya ng lakas at sinubukang tumayo.

Napangiti si Valerie.

"Kaya mo naman pala eh. " wika nya.

Pero napangiwi si Coleen at muling napaupo.

"M-masakit Bebs. " sambit nya.

"Ganun ba ? Eh kung alalayan na lang kita ? " suhestyon ni Valerie.

Nagkibit balikat si Coleen.

"Kaya mo ba ko ? " tanong nya.

Ngumisi si Valerie at pinakita ang muscle.

"Sisiw. " sagot nya.

Bumungisngis si Coleen at tumango.

Inakbayan nya si Valerie at sinubukang tumayo.

"One, Two, Go !" sambit ni Valerie.

"Hmmp. " pigil ang hininga ni Coleen.

Tagumpay na nakatayo ang dalaga.

Nagkatinginan sila at nagngitian sa isa't isa.

"Lakad tayo. " sambit ni Valerie.

Tumango si Coleen.

"Okay. " wika nya.

Dahan dahan silang naglakad pabalik ng bahay.

Pagtapat nila sa gate ay agad na nag - doorbell si Valerie.

Maya maya ay lumabas ang kasambahay na si Lisa.

Napakunot ang noo nito ng makita ang itsura ng dalawa.

"Anong nangyari sa inyo ? " tanong nya.

"Natapilok po sya ate. " sagot ni Valerie.

Nanlaki ang mga mata ni Lisa at agad na pumwesto sa kabilang panig ni Coleen.

Kinuha nya ang isang kamay nito at nilagay sa balikat.

"Tara. Dahan dahan senyorita. " sambit nya.

Dahil sa dalawa na ang umaalalay kay Coleen, naging madali na sa kanya ang paglalakad.

Magkaagapay nilang pinasok ang dalaga sa loob ng malaking bahay.

..

Unti unting nagmulat ang mga mata ni Caleb ng maramdaman ang marahang paghaplos ng daliri sa kanyang batok.

Saglit syang nag isip at sinino kung sino ang maaaring gumawa nito.

Tatlo lamang ang naiisip nya.

Ang ina.

Ang kapatid.

At ang kasintahan.

Pinili nya ang pang huli.

Napangiti si Caleb.

"Baby ? " tanong nya.

Ngunit di sumagot ang dalaga.

Kumunot ang noo ni Caleb.

Akmang lilingon sya ng takpan ng babae ang kanyang mga mata.

Napangiting muli ang binata.

"Ano to baby ? Bakit ka pumasok dito sa room ko ? Baka makita tayo ni Mommy. Unless of course kasama mo ang bruha kong kapatid. " sabi nya.

Ngunit muli, walang sumagot.

Napailing na lang si Caleb.

"Okay okay. You both want to play ? Game ako dyan ! Uhm anong gagawin ko ? " tanong nya.

Walang nagsalita.

Talagang nagtataka na si Caleb.

Marahil ay sinesenyasan ito ng kapatid na wag magsalita kaya napangiti ang binata.

Hinawakan nya ang braso ng dalaga at mabilis na tumakbo palayo sa kama.

Tumawa ng malakas si Caleb at lumingon.

Para lamang mapatda sa tumambad sa kanyang mga mata.

"B-britney ! " bulalas nya.

..

Pagpasok sa loob, diniretso ng dalawa si Coleen sa sofa at dahan dahang pinaupo.

Ng masigurong ayos na ay agad na yumuko si Lisa at hinimas ang masakit na paa.

"Eto ba ? " tanong nya.

Napangiwi si Coleen.

"W-wag Ate. " wika nya.

Pero umiling si Lisa.

"Kailangang mahilot ito para di mamaga. " sambit nya.

Impit na napaungol si Coleen.

"O-ouch. T-tama na. Masakit ! " daing nya.

"Konting tiis lang Senyorita. " wika ni Lisa.

Dahil sa sakit, nagpapalag ang dalaga dahilan para masipa nya ang katulong.

Napaupo si Lisa sa sahig.

Umiling si Coleen at nanlisik ang mga mata.

"I said STOP ! Go away ! " singhal nya.

Napayuko si Lisa at dahan dahang umatras.

"S-sorry po. " bulong nya.

Agad namang umawat si Valerie.

Tinabihan nya si Coleen at hinagod ang likod nito.

"Sis, wag mo syang sigawan. " bulong nya.

"Ang kulit nya eh ! " diin ni Coleen.

Ngumiti si Valerie at tumango.

"Makulit nga sya, pero ano bang kinukulit nya sayo ? " tanong nya.

"Ewan ko ba dyan ! " taray ni Coleen.

"Gusto nyang hilutin yung paa mo di ba ? Kasi nga baka kapag pinabayaan pa yan, lumaki ang pamamaga. " sabi ni Valerie.

Natahimik si Coleen.

Binalingan ni Valerie ang katulong na nasa isang tabi.

"Ate Lisa, halika na po. Paki hilot po itong paa ni Coleen. " tawag nya.

Ngunit di kumilos si Lisa sa takot sa batang amo.

Nilingon ni Valerie ang kaibigan.

"Coleen. Sige na. Para sayo din naman ito. Tama si Ate Lisa, ganyan din ang ginagawa sa akin ni Nanay kapag nadadapa ako sa paglalaro. Hinihilot nya agad. " paliwanag nya.

Napakagat labi si Coleen at binalingan ang katulong.

"S-sige na nga. " mahinang sabi nya.

Ngumiti si Valerie.

"Sige na daw Ate Lisa. " tawag nya.

Dahan dahang lumapit si Lisa at naupo sa harap ni Coleen.

Pasimple nyang tiningnan ang dalaga.

"S-senyorita. H-hahawakan ko lang po ang paa nyo. " sabi nya.

Huminga ng malalim si Coleen at tumango.

Agad namang hinawakan ni Lisa ang paa ng amo.

Pagkuwa'y buong ingat na hinilot.

Napangiwi si Coleen sa sakit.

"Uhmmpp. " daing nya sabay hawak sa kamay ni Valerie.

Binalingan ng katulong ang dalawa.

"S-saglit lang ho, kukunin ko yung langis para maginhawaan kayo Senyorita. " sabi nya.

"Saan mo kukunin Ate ? Ako na kaya ? " tanong ni Valerie.

Ngumiti si Lisa.

"Sa kwarto ko, nasa ilalim ng kama ko. Ako na lang Val, pakuha na lang si Senyorita ng malinis na benda o gasa. " wika nya.

Napangiti si Valerie at tumango.

Binalingan nya si Coleen.

"Hey Coleen, nasan yung mga benda nyo ? " tanong nya.

Napakipikit na nagsalita ang dalaga.

"I don't know. " sagot nya.

"Hayyyy, ewan ko sayong babae ka. Magtatanong na lang nga ako sa kuya mo. " wika ni Valerie.

"Okay. Puntahan mo na lang sya sa room nya. Para malaman din nya itong nangyari sakin. " sabi ni Coleen.

Tumango si Valerie at kinurot ang pisngi ng dalaga.

"KDOT. " biro nya at nakangiting naglakad patungo sa hagdan.

..

Sa kwarto.

Nanlalaki ang mga matang nakatingin si Caleb sa kaharap.

Nakasuot ito ng puting roba at base sa nakikita nya sa buhok nito, halatang katatapos lamang maligo ng babae.

"A-anong ginagawa mo dito ? " tanong nya.

Ngumiti si Britney at naupo sa kama.

"Why ? Ano bang masama kung bisitahin kita ? " tanong nya.

"Pero bakit dito sa loob ? Please Britney, please leave. " pakiusap ng binata.

Nawala ang ngiti sa mukha ni Britney.

Nakasimangot syang tumayo at naglakad patungo sa pinto.

Lihim namang nakahinga ng maluwang si Caleb.

"I'm sorry Brit, but you have to understand. I know you will. " wika nya sa dalaga.

Pero natigilan ang binata ng imbes na lumabas ng silid, dahan dahang sinara ni Britney ang pinto.

"You have to understand also, na matagal ko ng gustong gawin ito. " sabi nya.

Humarap si Britney sa binata.

Naglakad ng dalawang hakbang pagkatapos ay hinawakan ang buhol ng roba.

Nanlaki ang mga mata ni Caleb.

Alam nya ang nais nitong gawin kaya mabilis syang kumilos para pigilan ito sa pagkalas.

Pero huli na ang binata.

Bago pa man sya makalapit sa dalaga ay nalaglag na sa sahig ang roba.

..

Nakangiting umakyat ng hagdan si Valerie.

Saglit muna syang nagtungo sa silid ni Coleen para ikuha ito ng tsinelas at pagkatapos ay dumiretso na sa susunod na silid.

Akmang kakatok sya ng marinig ang boses ng kasintahan.

"Gising na pala sya. " bulong nya.

Nakangiting hinawakan ni Valerie ang doorknob at pinihit.

Marahan nya itong tinulak.

"Baby, gising ka na ? Nasan yung mga ben - " natigil sa pagsasalita ang dalaga.

Mabilis na humarap sa kanya ang dalawang nasa loob.

Kitang kita nya ang mukha ng nobyo na nagkulay suka sa pagkakita sa kanya.

"V-val. " bulong ni Caleb.

Maging si Britney ay tila nabigla.

Walang nakakilos.

Halos labing limang minuto rin ang lumipas bago pilit na ngumiti si Valerie.

"S-sorry. " bulong nya.

Dahan dahan nyang sinara ang pinto at naglakad palayo.

Masakit ang mga paang naglakad pababa ng hagdan.

Nagulat sya ng biglang manlabo ang kanyang mga mata.

Pero di nya ito ininda, mabilis syang naglakad.

Mabilis.

Kailangan nyang magmadali.

Dahil ayaw nyang umiyak sa mismong bahay ng nobyo.

Nakasalubong pa ni Valerie si Lisa na palabas din ng kusina.

"Oy Val, nasan na yung, Val ? Anong nangyari ? Bakit ka umiiyak ? " tanong nya.

Umiling si Valerie.

"P-pakisabi po kay Coleen na umuwi na ako. " mahinang sabi nya.

Akmang magtatanong pa ang kasambahay pero mabilis ng lumayo ang dalaga.

Wala na syang nagawa kundi pagmasdan na lamang itong lumabas ng bahay.