1. Home
  2. Stories
  3. Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Tatlumpu't Syam na Pahina
Lagablab

Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Tatlumpu't Syam na Pahina

By supertoyantz ·

Ika Tatlumpu't Syam na Pahina

Marahang kinatok ni Aling Vicky ang kwarto ng anak.

"Anak, kakain na. " tawag nya.

"M-mamaya na lang po ako Nay, di po ako nagugutom. " sagot ng dalaga mula sa loob ng silid.

Natahimik si Aling Vicky.

Napahinga sya ng malalim.

"Anak, kung may problema ka, wag kang mahihiyang sabihin kay Nanay ha ? " wika nya.

Matagal na katahimikan ang namayani.

Muling napabuntong hininga si Aling Vicky.

Akmang aalis na sya ng marinig na bumukas ang pinto.

Kimi syang napangiti at dahan dahang binuksan.

Kadiliman ang sumalubong sa kanya.

Ngunit sa kabila nito agad nyang nakita ang anak na nakahiga sa kama, yakap ang malaking unan.

..

Marahang hinatak ni Aling Vicky ang pinto.

Lumapit sya sa gilid ng kama at pinagmasdan ang anak.

Base sa nakikita nyang lungkot sa mukha nito, batid nyang may problemang kinakaharap ang panganay.

"K-kamusta ka anak ? " tanong nya.

Kagat labing ngumiti si Valerie.

"A-ayos lang po. " sagot nya.

Tinago ni Aling Vicky ang pagkagulat ng marinig ang boses nito.

Halatang galing sa pagiyak ang dalaga.

Tinapik nya ang hita ni Valerie at pinausod.

Marahan namang umatras ang dalaga at binigyan ng espasyo ang ina.

Naupo si Aling Vicky sa kama at inalok ang mga bisig sa anak.

..

Lalong napaiyak si Valerie.

Sinugod nya ng yakap ang ina.

Batid nyang nitong mga nakaraang araw ay di na nya nahaharap ang pamilya.

Lagi na lamang syang abala sa pag aaral pati na sa sarili.

Puro si Caleb na lamang ang laging laman ng kanyang isip.

Ni hindi na nya nahaharap ang mga kapatid na madalas nyang ginagawa nuon.

Pati ang mga gawaing bahay ay nakakaligtaan na rin nya dahil sa masyadong nafocus ang kanyang atensyon sa binata pati na sa sariling buhay.

Masakit mang aminin na habang abala sya sa paglaki ay nakaligtaan na rin nyang tumatanda na rin ang kanyang mga magulang at nangangailangan na ng katuwang.

"N-nay, s-sorry po. " bulong nya.

Kumunot ang noo ni Aling Vicky at nagtaka.

Tinago nya ang pagkagulat ng maaninag ang namamagang mga mata ng anak.

"Para saan ? " tanong nya.

Humikbi si Valerie.

"Kasi alam kong napapabayaan ko na kayo. Lagi na lang po akong wala dito sa bahay. Maagang umaalis tapos gabi na kong dumarating. Yung mga gawain ko, kayo na po ang gumagawa. Sorry po talaga Nay. " wika nya.

Napangiti si Aling Vicky at hinaplos ang pisngi ng dalaga.

"Anak, parte ng pagdadalaga mo ang mga ganyan. Hindi naman nagrereklamo si Nanay di ba ? Gusto kong kahit na mahirap lang tayo, maranasan mo ang maging isang normal na kabataan. Yung nagpapacute sa mga manliligaw. Yung text text at porma porma. Kasi di yan naranasan ni Nanay. Maaga pa lang nasalang na kami sa pagtatrabaho ng Tatay mo. Maaga pa lang kailangan nasa palengke na ako non para tulungan ang Lola mo sa paglalako ng gulay. Ganun din si Tatay mo. Bata pa lang sya nasa sakahan na sya at nag aararo. Biro nga nya na yung kalabaw daw nila ang una nyang naging nobya kaysa sa akin. " biro nya.

Imbes na matawa, lalong naiyak si Valerie sa narinig.

Pakiramdam nya ay ang sama sama nyang anak at tanging sarili lamang ang iniisip.

"S-sorry po talaga Nay. " wika nya.

Napangiti ng kimi si Aling Vicky.

"Hindi ko sinasabing sinisisi kita sa mga nararanasan mo ngayon. Pero hindi ka na bata Bebang. Darating ang araw na magkakaroon ka na ng asawa at sarili mong pamilya. Minsan mapapaisip ka na lang kapag nag iisa ka, naging maligaya ka ba nung kabataan mo ? Nagawa mo ba ang mga gusto mo ? Nagawa mo ba ang sa tingin mo ay magpapaligaya sayo ? Yan ang mga tanong na ayaw kong puro hindi na lang ang isagot mo sa paglaki mo. Kaya hangga't maaari, pinapabayaan ka namin ng Itay mo sa mga desisyon mo kasi nga dalaga ka na. Ayaw naming sa bandang huli, masabi mo sa sarili lalo na sa mga apo ko na, di kasi ako pinayagan ni Inay eh, ang higpit kasi ni Itay eh. Ayaw namin non. Masasaktan kami ng Tatay mo kapag ganon. " bulong nya.

Natahimik si Valerie sa narinig.

Unti unti ng nakalma ang kanyang sistema.

May sakit pa rin syang nararamdaman pero dahil sa mga salita ng ina, pakiramdam nya ay unti unti na itong napapalitan ng galak.

Maswerte sya, hindi sa pinansyal na aspeto kundi sa kanyang mga magulang na may malawak na pang unawa.

Napangiti sya ng kimi ng maramdaman ang paghalik ng ina sa kanyang ulo.

Matagal na nyang di nararanasan ang bagay na ito mula ng ipanganak ang bunsong si Ria.

Saglit silang natahimik at dinama ang presensya ng isa't isa.

Nuon inamin ni Valerie sa sarili na nakakamiss din pala ang maging bata.

Tanging palabas lamang sa TV at nasirang manika lamang ang pinoproblema.

Walang grades na dapat imaintain.

Walang problemang pinansyal dahil sapat na sa kanya ang may piso sa bulsa.

At walang lovelife na dapat intindihin.

Walang pusong sugatan.

Ng maalala ang totoong problema ay napahinga ng malalim si Valerie.

Pinikit nya ang mga mata at pinokus sa ibang bagay ang isipin.

Pero parang tukso na tila lalong naging malinaw sa kanyang isipan ang gwapong mukha ni Caleb.

Maya maya ay nagsalita ang ina.

"M-may problema ba kayo ni Caleb ? " tanong nito.

Napatda si Valerie.

Mabilis syang umiling pero umungol lamang si Aling Vicky.

"Anak, papunta ka pa lang nakadalawang balik na ako. Syempre Nanay mo ako, nararamdaman ko kung may problema ang dalaga ko. " biro nya.

Pinilit ni Valerie ang matawa sa biro ng ina.

"M-mali po ata ang dinaanan ko Nay. Di tayo nagkita. " ganting biro nya.

Natawa ng marahan si Aling Vicky at hinaplos ang buhok ng anak.

"Kahit ano pang daanan mo, wag mong isipin ang destinasyon kundi yung mismong paglalakbay. " sambit nya.

Kumunot ang noo ni Valerie.

"P-po ? Anong ibig nyong sabihin ? " tanong nya.

Ngumiti si Aling Vicky.

"It's not about the destination, it's the journey that matters. " wala sa sariling sagot nya.

Nalula si Valerie sa narinig.

"Wow. Englesh. " biro nya.

Natawa rin si Aling Vicky.

"Nabasa ko lang yun. " sambit nya.

Nagtawanan sila.

Pero maya maya ay nagseryoso ang ina.

"Pero ano nga ba ang mensahe nyan ? " tanong nya.

Natigilan si Valerie at napaisip.

"Ewan ko po Nay. " sagot nya.

Ngumiti ang ina.

"Sabi daw don, kahit daw saan tayo mapunta, ang mahalaga daw ay ang paglalakbay. Kasi dito nakapaloob ang mga aral na natutuhan natin. Mga taong makakasalamuha natin. Mga bagay na mawawala at mga bagay na makukuha. Yan ang mas importante. Manalo o matalo, ang mahalaga ay yung aral na matututunan mo habang ikaw ay nakikipaglaban. " pangaral nya.

Namangha si Valerie ng maintindihan ang nais iparating ng ina.

Dahan dahan syang napayuko at nag isip.

Pagkuwa'y nangingilid ang mga luhang muling yumakap dito.

"N-nay, ang sakit sakit po kasi. " pag amin nya.

Napangiti si ALing Vicky at ginantihan ang yakap ng anak.

"Alam ko, nagdaan din ako dyan. " sambit nya.

"P-po ? " tanong ni Valerie.

"Nagdaan din ako dyan. Kami ng Itay mo. Dahil nga sa mahirap lang kami, natural na gustuhin ng Lolo at Lola mo na may kaya ang mapangasawa ko. Sino ba namang magulang ang gustong makita ang anak nyang naghihirap ? Syempre wala di ba ? Kaya natural na ireto nila ako sa mas nakakaangat sa buhay. " sagot ng ina.

Nacurious si Valerie.

Tila pansamantala nyang nakalimutan ang sariling problema.

Ngayon lamang nya nalaman ang ganitong kwento sa love story ng mga magulang.

Basta ang alam lang nya ay itinanan ng ama ang kanyang ina tapos ay namuhay ang mga ito ng sarili.

Napangiti si Aling Vicky.

"May manliligaw din naman kasi ako nuon. May kaya sila sa probinsya namin at talagang may itsura. Syempre, maraming babae ang nag aasam na mapansin nya at maraming magulang nais na ang mga anak nilang dalaga ang mapili nung ungas na yon. " kwento nya.

Natawa si Valerie.

"Sinong ungas po ? " tanong nya.

"Ah si James Smith, may lahi syang amerikano. " sagot ni Aling Vicky.

Napatango tango si Valerie.

"Oh tapos po ? " tanong nya.

Nagpatuloy ang ina at masiglang nag salaysay.

Napatingala si Valerie.

Kita nyang napapangiti ang ina habang nagkukuwento na tila sinasariwa ang nakaraan.

Napangiti na lang din sya at niyakap ito.

"Minsan dumalaw si James sa bahay, marami syang dalang pasalubong at regalo hindi lang para sa akin kundi para na rin kina Inay pati na sa mga pinsan ko. Eh nung gabing yon, nagkasundo kaming magkikita ng Itay mo sa plaza para panuorin yung mga magtatanghal na banda. " dagdag ni Aling Vicky.

"Tapos po ? " excited na tanong ni Valerie.

Natawa si Aling Vicky at napailing.

"Syempre ako, parang sinisilihan yung pwit ko sa kaba kasi nga pupunta ang Tatay mo. Eh ayaw namang umalis nung ungas tapos pinagitnaan pa ako nina Itay at Inay kaya wala talaga akong kawala. " sagot nya.

"Tapos dumating si Tatay ? Ano pong nangyari Nay ? Puro kayo pasuspense eh. " angal ni Valerie.

Natawa si Aling Vicky.

"Easy. Darating din tayo dyan. Tapos ayun na nga, habang nagpapacute sya kina Inay, ako naman parang sinisilaban na sa upuan. Gustong gusto ko ng umalis non. Baka kasi magalit ang Itay mo kapag nakita nyang nandun ang karibal nya. Pero ako ang nabigla, kasi nakarinig ako ng pag awit. " tila kinikilig na kwento nya.

"Awit ? Ibig sabihin mo may kumakanta ? Kumakanta si Tatay ? Hinaharana ka ni Tatay ? " sunod sunod na tanong ni Valerie.

Tumango tango si Aling Vicky.

"Di ko nga alam kung harana bang matatawag yon. Biruin mo ba namang kumanta ng Lupang Hinirang ? Maloko yang Tatay mo eh. Kinuha pa si Pareng Gibo na taga gitara eh isa pa yong sinto sinto." naiiling na sabi nya.

Humagikgik si Valerie sa narinig pero bigla syang natigilan ng may mapuna.

"Gibo ? Sinu po yon Nay ? " tanong nya.

"Ay, oo nga pala. Matalik na kaibigan iyon ng Itay mo. Dapat sya ang magiging Ninong mo pero lumuwas na sya ng Maynila bago ka pa man mabuo. Sya ang tumulong sa amin ng Itay mo na makapag tanan. " sagot ni Aling Vicky.

Napatango tango si Valerie.

"Wow, anong na pong nangyari sa kanya dito sa Manila ? " tanong nya.

Nagkibit balikat si Aling Vicky.

"Ewan ko nga eh. Ang huli naming balita sa kanya ay may pinopormahan syang mayamang dalaga. Ewan ko kung sinagot sya o binasted na naman. Laging basted yon eh. " natatawang sabi nya.

Natawa din si Valerie sa kwento ng ina kahit di pa na nya nakikilala ang dati nitong kaibigan.

Naisip nya ang love story ng mga magulang at di nya maiwasang mamangha.

Kung paano ng mga ito magkasamang sinuong ang problema.

Dahil dito, di nya maiwasang makaramdam ng inggit.

"Nay. Gaano nyo kamahal si Tatay ? " tanong ni Valerie.

Napangiti si Aling Vicky.

"Mahirap na tanong yan anak. Madali syang sagutin pero parang di mo makukuha ang eksaktong sagot. Ang gulo no ? Haha, ganito kasi yan. Alam ko sa puso ko ang sagot, pero kapag sinagot ko sya, may isa pang sagot na papalit sa sagot kong nauna. Halimbawa, sinabi kong mahal na mahal ko ang Itay mo, pero maya maya ay makakaisip na naman ako ng bago. Mahal na mahal na mahal ko sya. Tapos mamaya na naman, madadagdagan na naman yon. Kumbaga, walang katapusan. " sagot nya.

Napangiti si Valerie.

"Gets ko na po. Sana magkaroon din ako ng tulad ni Itay. " bulong nya.

Hinaplos ni Aling Vicky ang buhok ng anak.

"Anak, wag mong madaliin ang buhay. Biglaan ang nangyari sa amin ng Itay mo kasi tutol ang mga Lolo at Lola mo sa relasyon namin. Kung di ka pa ipanganak ay di nila kami tatanggapin. Naranasan na namin ang itakwil ng mga magulang namin at masakit ang karanasang iyon. Ilang pasko at kaarawan ang tiniis nila kami. Umabot sa puntong para kaming pulubi na nagmamakaawa sa pangtanggap nila. At hindi namin nanaising maranasan mo iyon anak pati ng mga kapatid mo. Buong puso naming tatanggapin kung sino man ang ipakilala nyo sa amin ng Itay mo. " wika nya.

Lalong napangiti si Valerie.

"Sobrang swerte talaga namin sa inyo Nay. " puri nya.

Napangiti ang ina.

"Pero syempre, bilang magulang, may nais kaming hilingin sa inyo. Na sana ay pagbigyan nyo naman. " sabi nya.

"Ano po yon Nay ? " tanong ni Valerie.

"Magtapos muna kayo ng pag aaral. Yun lang at bahala na kayong magdesisyon. " diretsong sagot ng ina.

Napangiti si Valerie.

"Sisiw. " biro nya.

Natawa si Aling Vicky.

"Sisiw ? Eh kanina lang para ka ng magpapakamatay ? " biro din nya.

Nahiya si Valerie at napakagat labi.

"G-grabe naman po. Magpapakamatay agad ? Di ba pwedeng magpapagutom muna ? " wika nya.

Binatukan ni Aling Vicky ang anak.

"Nagpapagod kami ng Itay mo para pakainin kayo ng tama pagkatapos gugutumin mo lang ang sarili mo ? Nasan ba ang utak mo ? " tanong nya.

Napangiwi si Valerie.

"S-sorry na po Nay. " sagot nya.

Ngumiti si Aling Vicky.

"Ano bang nangyari ? " tanong nya.

Napakagat labi si Valerie at muli na namang naiyak.

Pakiramdam nya ay tanging sa ina lamang sya makapag kukwento at wala ng iba pa.

Kinwento nya sa ina ang lahat.

Lahat lahat ng kanyang hinanakit sa nobyo at nagpapasamat naman sya dahil ang tanging ginawa lamang nito ay makinig.

Matapos ang kanyang pagsasalaysay, niyakap ni Aling Vicky ang anak at hinaplos sa balikat.

"Mahirap ang makialam sa ganyan anak. Kwento nyo ito at hindi sa amin ng Itay mo. Ang tanging silbi lamang namin ay gabayan ka at alalayan sa mga desisyon mo sa buhay. Nandito lang kami sa likod mo at handang umagapay sayo kung sakaling kaylangan mo kami. Kapag nasaktan ka, syempre magagalit kami ng Itay mo. Gusto mo bang magalit kami ng Tatay mo kay Caleb ? " tanong nya.

Napakagat labi si Valerie pero marahan syang umiling.

"A-ayaw ko po. " bulong nya.

Napangiti si ALing Vicky.

"Alam ko. Kasi mahal mo si Caleb. Ang tanging maipapayo ko lamang sayo ay hayaan mo gumulong ang panahon. Timbangin mo ang sitwasyon at ang nararamdaman mo para sa kanya. Mag isip ka. Iwasan mo muna sya ng ilang araw para panatag kang makapag desisyon. Ngayon kung sa tingin mo ay handa ka na, timbangin mong muli ang nararamdaman mo para sa kanya at tanungin ang sarili mo kung mapapatawad mo pa ba sya. Mahirap ang iwasan sya anak, ngayon pa lang sinasabi ko na ito saiyo. Pero kung di mo ito gagawin, mabubulagan ka at baka makagawa ng desisyon na maaari mong pagsisihan sa bandang huli. " pangaral nya.

Napaiyak si Valerie at niyakap ng mahigpit ang ina.

"S-salamat po Nay. Susundin ko po ang payo nyo. Sa ngayon po ay iiwasan ko na muna sya at mag coconcentrate na lang muna pag aaral. " bulong nya.

Tumango tango si Aling Vicky.

"Kung yan ang desisyon mo, gora lang kami ng Tatay mo. " biro nya.

Napasimangot si Valerie.

"Nanay naman eh ! Nag eemote ako eh. " reklamo nya.

Natawa si Aling Vicky.

"Ang pangit mo talaga kapag umiiyak ka. Hala at kumain na tayo bago ubusin ng Tatay mo yung ulam. " aya nya.

"Sinigang po ? " tanong ni Valerie.

Ngumisi si Aling Vicky at marahang tumango.

Tila nakisama ang tyan ni Valerie at bigla itong umatungal.

Nagtawanan silang mag ina at sabay na bumaba sa kama.

Hinawakan ni Aling Vicky ang doorknob at hinatak para mabuksan ang pinto.

Pero nagulat sila ng biglang bumagsak si Mang Valerio sa sahig.

"Tay ! " bulalas ni Valerie.

"Valerio ! Ano bang ginagawa mo dyan ? " tanong ni Aling Vicky.

Iinot inot na tumayo ang ama.

"W-wala. N-napadaan lang ako. K-kain na tayo. " sabi nya sabay iika ikang nagtungo sa kusina.

Di rin nakaligtas sa kanila ang pasimple nitong pagpahid sa mga mata.

Napanganga na lang ang mag ina at walang nagawa kundi magkatinginan na lang.

..

Malungkot at tahimik na naglalakad si Caleb pauwi.

Ng marating nya ang labasan ay huminto sya sa gilid ng daan at naghintay ng masasakyan.

Batid nya sa kanyang puso na ayaw nya pang umuwi hangga't di sila nagkakaayos ng katipan.

Pero wala syang magawa dahil nagalit na si Valerie sa kanya.

Hinaplos ni Caleb ang pisngi.

Medyo masakit pa ito gawa ng pagkakasampal ng dalaga pero mas higit na masakit ang kanyang puso.

Nasasaktan sya sa nakikita nyang paghihirap sa mga mata ng kasintahan.

At mas masakit isipin na sya ang dahilan ng paghihirap na iyon.

Muli, napahinga ng malalim si Caleb.

Pang ilan na nya ito mula ng umalis sya sa bahay nina Valerie.

Pakiramdam nya ay hapung hapo ang kanyang katawan.

Parang nais nyang mahiga na lamang sa kalsada ay hintayin ang paglitaw ng araw.

Di nagtagal ay may humintong sasakyan sa harap ng binata.

Napaatras sya sa pagaakalang nakaharang sya sa daan ngunit talagang huminto ito sa mismong harap nya.

Napatingin si Caleb sa bintana ng kotse.

Pasimpleng inaaninag ang sakay nito hanggang sa bumukas bintana.

Natigilan ang binata ng dumungaw ang lalaking nakita nyang naghatid sa kasintahan.

Napatiim bagang si Caleb.

Umahon ang selos sa kanyang pagkatao kahit na napansin nyang malaki ang agwat ng edad nito at ng kanyang kasintahan.

..

"Hop in. " sabi ng lalaki.

Napaismid si Caleb.

"Why should I ? " tanong nya.

Naningkit ang mga mata ng lalaki.

"Because I will drag you inside if you don't. " banta nito.

Natawa ng mahina si Caleb.

"Ayos ah. Matapos mong ihatid ang girlfriend ko, ako naman ang ihahatid mo ? Ano ka ? Service ? " pang aasar nya.

Ngunit di natawa ang lalaki.

"I'm warning you, ayaw ko ng pinaghihintay ako. " sabi nito.

Umahon ang galit sa pagkatao ni Caleb.

Sinipa nya ang gulong ng kotse at humawak sa bintana.

"Maghintay ka hanggang sa dulo ng walang hanggan. " bigkas nya.

Tiim bagang na tumango ang lalaki.

Sinara nito ang bintana.

Natawa si Caleb.

"Wala ka pala eh. " bulong nya.

Pero nanlaki ang kanyang mga mata ng bigla itong lumabas ng kotse.

Mabilis na umikot ang lalaki at binuksan ang pinto ng passenger seat.

Pero mas nagulat si Caleb ng tila walang kahirap hirap nitong naisalya sya papasok sa loob.

Natulala ang binata.

Wala syang nagawa kundi pagmasdan na lamang ang pag ikot muli ng lalaki at pagsakay nito sa driver's seat.

Matapos isara ang pinto ay pinaharuruot na nito ang kotse.

Matagal bago nakabawi si Caleb.

"Stop the car. " mahinahong sabi nya.

Ngunit tila walang narinig ang lalaki.

Nabwisit si Caleb.

"I said STOP the damn car ! " sigaw nya.

Pero nagulat sya ng biglang pumreno ang lalaki.

Halos mangudngod sa windshield ang mukha ni Caleb.

Akmang huhurumentado sya ng biglang buksan ng lalaki ang pinto sa tabi nya.

"Get out. " sabi nito.

Natigilan si Caleb.

"W-who are you ? " tanong nya.

Pero tumiim lamang ang bagang ng lalaki.

"I said get out. Lumabas ka na at baka kung ano pa ang magawa ko sayo. Ihahatid lang sana kita sa inyo pero baka di ko na mapigilan ang sarili ko at masuntok lang kita. " wika nya.

Lalong naguluhan si Caleb.

"T-teka teka. Bakit mo naman ako susuntukin ? Eh in the first place ako nga dapat ang magalit sayo dahil pilit mo kong sinakay dito sa kotse mo ! " singhal nya.

Tinitigan ng lalaki ang binata.

Gumagalaw ang mga bagang nito na halatang nagpipigil lamang ng inis.

"Lumabas ka na Caleb. " sabi nya.

Natigilan si Caleb.

"H-how'd you know my name ? " tanong nya.

"Valerie told me. " sagot ng lalaki.

Natigilang muli si Caleb ng maalala ang kasintahan.

"S-she told you ? Ano ka ba nya ? Bakit mo sya hinatid ha ! " tanong nya.

Seryosong tumitig ang lalaki sa mga mata ng binata.

"I'm her newfound Uncle. At ako ang kasama nya ng makita ka nya sa bintana na may kahalikang iba. Ngayon kung ayaw mong humalik sa semento, bumaba ka na sa kotse. " sagot nya.

Natigilan si Caleb sa narinig.

Muli nyang naramdaman ang sakit.

Hindi dahil sa ginawang pananakit sa kanya ni Valerie kundi ang sakit na nararamdaman nito sa mga nakita.

Nangilid ang mga luha sa mata ni Caleb.

Marahan syang tumango.

"I'm s-sorry then. K-kagagaling ko lang sa kanila to apologize. I know it's my fault. Gusto kong magmakaawa sa kanya pero pinagtabuyan nya ako. And I understand her. I deserve it. " bulong nya.

Binuksan nya ang kotse at akmang baba ng marinig ang pagbuntong hininga ng lalaki.

"Wag ka ng lumabas, ihahatid na kita. " sabi nito.

Napangiti si Caleb.

"W-wag na po. Maglalakad na lang ako para makapag isip isip na rin. M-malapit na lang din naman eh. " sabi nya.

"Wag ka ng magpakamartir. Baka magalit sa akin si Val kapag malaman nyang pinabayaan kita sa daan. I'm not doing this for you. I'm doing this for Valerie. " wika ng lalaki.

Napangiti ng marahan si Caleb.

"You care for her. T-thank you po. " sambit nya.

Tumango ang lalaki.

"Of course. Mabait si Val. Hindi sya dapat sinasaktan. Dapat sa kanya ay minamahal. She cried on my shoulders. Siguro naman ay may karapatan na akong manghimasok. Really boy, I want to put a mark on your face just to make you remember what you did to her. Pero alam kong magagalit sya kapag sinaktan kita. At ayaw ko ng dagdagan pa ang mga hinanakit ni Valerie. Tama na ang ginawa mo. Hindi, sobra sobra na pala ang ginawa mo. " tiim bagang na wika nya.

Lalong nanliit si Caleb sa hiya.

Di nya napigilan ang pagpatak ng mga luha mula sa kanyang mata.

"I'm s-sorry. I'm so sorry. " naiiyak na sabi nya.

Umismid ang lalaki.

"Ano yan ? Nag iiyak ka para kaawaan kita ? " tanong nya.

Napangiti ng malungkot si Caleb.

"H-hindi po. Mas naaawa ako kay Val. Hindi nya deserve ang masaktan. I promised her from the start that I will love her and not make her cry. But look what I've done. " sagot nya at tuluyan na syang napaiyak.

Saglit na natahimik si Gustavo.

Hinayaan nyang magdusa ang binata sa nagawa nitong kasalanan.

Pinatay nya ang makina at hinayaan na lang ang binata na tumangis.

Wala syang alam sa mga ganitong bagay at ayaw nyang magmarunong.

Baka kung ano pa ang magawa nya at masabi.

..

Lumipas ang ilang sandali.

Nahihiyang nagpunas ng luha at sipon si Caleb.

"S-sorry po. " bulong nya.

Tumango lamang ang lalaki.

"Are you done ? " tanong nya.

Ngumiti si Caleb.

"K-kung di po nakakahiya sa inyo, pasabay na lang po kahit hanggang sa tapat lang ng village namin. " sagot nya.

Umiling si Gustavo.

"Ihahatid kita mismo sa tapat ng bahay nyo. " sabi nya.

Ngumiti si Caleb.

"H-hindi na po kailangan. Masyado ko na po kayong naabala. Salamat po ulit. " wika nya.

Tumango si Gustavo at biglang tumunog ang kanyang cellphone.

"Excuse me. " sambit nya.

Tumango lang si Caleb.

May pinindot si Gustavo sa dashboard at nagsuot ng headset.

"Speak. " diretsong sabi nito.

Tumango tango ang lalaki.

Maya maya ay napatiim bagang ito.

"Okay, Give me 15 minutes. Wag kayong gagalaw ng kahit ano sa crime scene. Secure the place. I don't want anyone, I mean anyone ang makakalapit sa area. Is that clear ? " maotoridad nitong wika.

Nacurious si Caleb sa tinatakbo ng usapan.

Maya maya ay nagpaalam na si Gustavo sa kausap.

Pero muli itong nagdial.

Di nagtagal ay may nagsalita.

"What now Uncle ? I'm playing ! " sabi ng boses.

"Salubungin mo kami guard house. " utos ni Gustavo.

"Baket na naman ? " tanong ng kausap nito.

Natigilan si Caleb.

Parang nabobosesan nya ang nagsasalita.

"May ipapasundo ako sayo. Pakibalasa mo nga ito. " sabi ni Gustavo at tinapunan ng tingin si Caleb.

Napanganga ang binata.

Muling nagsalita ang kausap nito.

"Sure Uncle. Sino yan ? " tanong ng boses.

"Kilala mo to malamang. Si Caleb. " sagot ni Gustavo.

Lalong nagulat si Caleb ng makumpirma na sya nga ang tinutukoy nito.

Nagsalitang muli ang kausap nito.

"Okay. I'm on my way. Palalabasin kong aksidente ang pagkamatay nyan. " sabi ng kausap.

Tinago ni Gustavo ang pagtawa.

"Sige sige. Basta malinis ang trabaho. Malapit na kami. Magdala ka ng sako. " utos pa nito.

"Sureness. May death certificate na ba yan ? " tanong ng boses.

"Madali na lang ipagawa yon. Basta bayaran mo na lang yung mga guard mamaya. Ako na sana ang gagawa kaso may nangyaring barilan eh. Reresponde lang ako saglit. " sagot ni Gustavo.

"Okay Uncleee, pakisabi kay Caleb na kung marunong syang magdasal, pakisimulan na po kamo. Umpisahan nya sa Ama Namin. " wika ng kausap nito.

Muntik ng matawa si Gustavo pero tinago lang nya ito.

"Sige na. Baka makahalata na ito na sya ang pinag uusapan natin. " sambit nya.

"Okay Auntie Gus. Muah muah. " paalam ng kausap nito.

Tinapos na ni Gustavo ang tawag at hinubad ang headset.

Akmang lalabas ng pinto si Caleb pero mabilis na pinindot ni Gustavo ang lock.

"Where are you going ? " tanong nya.

"Palabasin nyo ko ! " sigaw ng binata.

Natawa si Gustavo at nilabas ang baril.

Nanlaki ang mga mata ni Caleb.

"A-anong balak nyo sakin ? " takot na tanong nya.

Ngumisi si Gustavo.

"Sinaktan mo si Valerie di ba ? Yari ka ngayon sa bata ko. " sagot nya at tinuloy ang pagmamaneho.

Tulalang napatingin na lang si Caleb sa baril ng katabi.

"S-saan nyo ko dadalhin ? " tanong nya.

Ngumisi si Gustavo na parang demonyo.

"Sa condo. " biro nya.

ITUTULOY !!!