1. Home
  2. Stories
  3. Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Tatlumpu't Walong Pahina
Lagablab

Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Tatlumpu't Walong Pahina

By supertoyantz ·

Ika Tatlumpu't Walong Pahina

Gulat na tinulak ni Caleb si Britney.

Mabilis syang umalis sa bintana at pinunasan ang labi.

Agad na sumagi sa kanyang isip ang nobya.

Halos wala pang limang segundo nagtagal ang halik, ngunit pakiramdam nya ay napakalaki na ng kasalanan nya dito.

Di na sya nakapag isip pa, dire diretso na syang naglakad patungo sa pinto.

Pero nagulat ang binata ng hawakan ni Britney ang kanyang braso.

"B-babes. " bulong nito.

Galit na napalingon si Caleb sa dalaga.

"Let me go, Brit. " mahina ngunit madiing utos nya.

Saglit na nagsukatan ng titig ang dalawa.

Hanggang sa huli ay napayuko na lamang si Britney.

Dahan dahan nyang binitawan ang kamay ng binata.

"S-sorry. " sambit nya.

Napahilamos sa mukha si Caleb.

"Why did you do that ? Bakit mo ginawa yon ? " gigil na tanong nya.

Umangat ang mukha ni Britney.

Mabilis na dumaloy ang mga luha sa kanyang mga mata.

"Because I love you ! I still love you ! " singhal nito.

Mahigpit nyang niyakap ang binata sa bewang at humagulgol sa dibdib nito.

Saglit na natulala si Caleb.

Ito ang unang pagkakataon na nakita nyang umiyak ng ganito ang dating nobya.

Alam nyang matigas ang pagkatao at hindi basta basta nagpapakita ng emosyon.

Pero sa nakikita nya ngayong paghihirap nito, mukhang totoo ngang minahal sya ng dalaga.

Kung nuon ay siguradong malulusaw na agad ang kanyang puso sa mga ganitong tagpo.

Ngunit nuon iyon, nuong hindi pa sya umuuwi sa Pilipinas para hanapin ang ama.

Nuong hindi pa nya nakikita ang dahilan kung bakit ayaw na nyang bumalik pang muli sa ibang bansa.

Nuong hindi pa nya nakikita ang babaeng ngayon ay syang dahilan kung bakit sya ngumingiti.

Si Bebang.

. .

Ng maalala ang nobya, unti unting napangiti si Caleb.

Hinawakan nya ang mga kamay ni Britney na nakapalibot sa bewang at dahan dahang kinalas.

"Hey Brit. " tawag nya.

Nag angat ng mukha ang dalaga.

"B-babe ? " tanong nya.

Hinaplos ni Caleb ang mukha ni Britney.

"Did you know that you are so beautiful ? " tanong nya.

Napangiti ng kimi ang dalaga.

"T-thank you. " sagot nya.

"Pero hindi ako bumabase sa mukha lang. Kundi pati sa dito. " wika ni Caleb sabay turo sa puso.

Natigilan si Britney ng makita ang tinuro ang binata.

"W-what do you mean ? " mahinang tanong nya.

Ngumiti si Caleb.

"I loved you. But that was before. Nakalipas na yon Brit. Ginawa ko ang lahat para mahalin mo rin ako ng katumbas ng pagmamahal na binigay ko sayo. Pero hindi ko alam kung bakit mo pa rin sakin yun ginawa. " sabi nya.

Napakagat labi si Britney at lalong naglandas ang mga luha.

"I'm so sorry babe. It's just the wine. Please. Don't even think na hindi kita mahal. " sabi nya.

"Wine ? But that's not only once Brit. Twice kang nagloko sa relasyon natin. At sa tingin ko naman, hindi ko deserve ang lokohin ng tatlong beses ng iisang tao. Sa tingin mo ?" tanong ni Caleb.

Lalong napaiyak si Britney sa sinasabi ng binata.

"I k-know. But please, give me another chance. I'll swear, hinding hindi na ulit mangyayari ang ganon ! Please ! " makaawa nya.

Napahinga ng malalim si Caleb.

Ngumiti sya ng kimi at dahan dahang umiling.

"Remember this face nung tayo pa ? Even in hard times, I can manage to smile. Kasi iniisip lang kita at yung ideya na girlfriend kita, napapangiti na ako. Remember this ? " tanong nya.

Napangiti si Britney at tumango tango.

"Yes. Are you forgiving me ? " tanong nya.

Tumango si Caleb.

"Matagal na kitang pinatawad Brit. " sagot nya.

Nagliwanag ang mga mata ni Britney sa narinig.

"R-really ? T-thank you Babe ! I'll promise you this time. No more secrets. Hinding hindi na ako magtataksil sayo. Promise, I will love you till the end. " wika nya sabay yakap sa binata.

Ngunit natigilan sya ng muling kalasin ni Caleb ang kanyang mga yakap.

Nag angat ng mukha ang dalaga.

Nagtatanong ang mga mata.

Ngumiting muli si Caleb at tinitigan ang mga mata ng babae.

"Sabihin mo yan sa susunod mong makakarelasyon. But not to me, because I found the right girl for me. " sabi nya.

Napanganga si Britney.

"W-what ? " tanong nya.

"Sabi mo natatandaan mo pa ang mukhang ito nung tayo pa. Masayang masaya ako nuon. Di ko nga alam kung may mas sasaya pa sa feelings na nararamdaman ko ng mga oras na yon. And guess what ? May mas masaya pa pala. This time. This special time with Valerie. " sagot ni Caleb.

Natulala na lang si Britney.

Di sya makapagsalita sa mga narinig na confession ng binata.

Tila baliw na nagpatuloy lamang si Caleb.

"Araw araw, sabik akong makasama sya. Bawat umaga, gusto kong sya agad ang nakikita ko. At sa bawat gabi bago kami matulog, boses nya ang gusto kong marinig. Mahal na mahal ko si Valerie, Brit. Nagmamakaawa ako sayo. Palayain mo na ako. " bulong nya.

Napalunok si Britney.

Tinitigan nya ang mga mata ng binata para tingnan kung sinasaktan lamang sya nito.

Ngunit wala.

Walang bakas na gumaganti lamang ang binata.

Ang tanging nakikita lamang nya ay ang pagmamakaawa na layuan at tigilan na nya ito pati ng nobya.

..

Mabilis na naipon ang mga luha sa mata ni Britney.

Pero mabilis nya itong pinigilan sa pamamagitan ng pasimpleng pag tingala.

Ngayon lamang sya ng karamdam ng ganito.

Sanay syang inuulan ng atensyon at pagmamahal.

Kadalasan ay ang mga lalaki ang nagmamakaawa mapansin nya lamang.

Ngunit hindi ang binata.

Marahil ay kung hahamunin nya itong lumuhod sa kanyang harap kapalit ng pagpaparaya ay malugod nitong gagawin.

Alang alang sa nobya.

Ito ang matagal na nyang inaasam.

Ang matagpuan ang lalaking magmamahal sa kanya ng lampas pa sa pisikal na kaanyuan at status sa buhay.

At manggagaling ito kay Caleb.

Ngunit huli na.

May mahal ng iba ang binata.

Sa ganitong isipin ay tila lalong nagkasundo ang mga luha ni Britney na magtipon sa bukana ng kanyang mga mata.

Masakit na masakit ang kanyang nararamdaman dahil totoong mahal na nya si Caleb.

Pero kailangan nyang magparaya.

Napangiti ng mapait si Britney.

Tuluyang ng umagos sa mga pisngi ang kanina pa pinipigilang mga luha.

Tinitigan nya ang mga mata ni Caleb.

"Y-you really love her. " sabi nya.

Tumango ang binata at walang pag aalinlangang sumagot.

"So much. I can't think of anyone else except her. Please. Let me go. " bulong nya.

Natigilan si Britney sa narinig.

Masakit na sa kanyang pride ang binibitawan ng binata pero di nya alam kung saan nya kinukuha ang lakas at tapang ng loob para tanggapin itong lahat.

"K-kaya kitang mahalin ng higit pa sa binigay nya. K-kaya kong ibigay ang lahat. Lahat lahat para sayo. " mahinang wika nya.

Ngumiti si Caleb at hinaplos ang pisngi ng dalaga.

"I know. I know you. Kapag may gusto ka, gagawin mo ang lahat para makuha mo ito. Yan ang paniniwala mo at yan ang paraan ng pagpapalaki sayo. Pero ang di mo alam, yun din ang gustong kong mangyari. Mahal ko si Val. At gagawin ko ang lahat para mahalin nya rin. " bulong nya.

Napakagat labi na si Britney.

Nais na nyang humagulgol kaya marahan na lamang syang tumango.

"O-okay. B-but if you need me. N-nandito lang ako. " sabi nya.

Umiling si Caleb.

"Sshh. You don't have to wait for me. Wala ka ng hihintayin Brit. Please. Unfair sayo ang ginagawa mo. " sambit nya.

Ngumiti ng pilit si Britney.

"It's ok. G-go. P-puntahan mo na sya. " sabi nya.

"Ikaw ? " tanong ni Caleb.

"D-dito na lang siguro ako. T-tinamad na akong lumabas eh. " wika ni Britney.

Tinitigan ni Caleb ang mga mata ng dalaga para alamin kung nagsasabi ba ito ng totoo.

Pero mabilis na tumalikod si Britney.

"Brit. " wika nya.

Humarap ang dalaga ng nakangiti.

"I'm okay. I'm strong remember ? " paalala nya.

Tila tinantya pa ni Caleb ang sinabi ng dalaga bago marahang tumango.

"Okay then. I'll go ahead. Kailangan kong magpaliwanag kay Val. " sabi nya.

Nakangiting tumango rin si Britney.

"Goodluck ! Pakisabi kay Val na sorry. " bilin nya.

Ngumiti si Caleb.

"Sure. I'm going. Bye. " paalam nya.

Kumaway lamang si Britney.

Saglit na tinitigan ni Caleb ang dalaga bago marahang hinatak pasara ang pinto.

..

"Sigurado ka bang ayaw mo pang umuwi ? " tanong ni Gustavo.

Tamad na tumango si Valerie.

Pinagmasdan niya ang mga taong paroo't parito sa kanilang harap.

Kasalukuyan silang nasa harap ng isang park.

May hawak syang mamahaling inumin na binili ng lalaki.

Masarap ito.

Sa tanang ng buhay nya'y di nya akalaing makakatikim ng ganito kasarap na inumin.

Ngunit pakiramdam ni Valerie at parehas lamang ito ng mumurahin sa mga oras na iyon.

Mapait ang kanyang panlasa.

Singpait ng kanyang nararamdaman.

Bumuntong hininga si Gustavo at tumango.

"Ikaw ang bahala. Inaalala lang naman kita. Baka hinahanap ka na sa inyo. " sabi nya.

Ngumiti ng malungkot si Valerie.

"Ang alam po sa bahay ay nagtututor pa rin ako. Kadalasan ay alas syete na po ako ng gabi nakakauwi sa bahay. " wika nya.

Napatango tango si Gustavo.

"Aahhh kaya pala petiks ka lang. Mag a-alas singko pa lang kase. " sabi nya.

Ngumiti lamang si Valerie at sumimsim ng drinks.

Ginala nyang muli ang paningin sa paligid ng bigla syang matigilan sa nakita.

Napakagat labi ang dalaga.

Di ito ng nakatakas sa mga mata ni Gustavo kaya sinundan nya ng tingin ang tinitingnan ni Valerie.

Hanggang sa sya ay mapailing.

Kita nyang nakamasid ito sa katabi nilang bench kung saan may magkasintahan ang naglalambingan.

At base sa pananamit ng mga ito, halatang nasa edad disi otso hanggang bente dos ang dalawa.

"Sshh. Wag kang mainggit. " bulong nya.

Napangiti ng mapait si Valerie.

"Ang s-sweet nila ano po ? " tanong nya.

"Di no. Yuck. " biro ni Gustavo.

Napatingin ang dalaga sa lalaki.

"Kayo po Uncle, nasan po ang asawa nyo ? " tanong nya.

Natigilan si Gustavo sa narinig.

Nagbaling sya ng tingin ay tumawa ng pilit.

"Wala. Wala pa kong asawa. " sagot nya.

Kumunot ang noo ni Valerie.

"H-ha ? Bakit po ? Eh girlfriend ? " tanong nya.

Umiling si Gustavo.

"W-wala din. " sagot nya.

Lalong natigilan si Valerie.

"Same age lang po kayo ng father ni Kuya Rom di ba ? So obviously, early to mid fourties na po kayo ? " tanong nya.

Natawa si Gustavo.

"40 ? Mukha ba kong fourty ? Si Insan Primo pwede pa. Puro puti na yung buhok non eh. " biro nya.

Pero di natawa si Valerie.

"Kung mukha nyo ang pagbabasehan at built ng katawan, talagang di kayo pagkakamalang fourty. Eh singtanda nyo yung tatay ni Kuya Rom. So meaning nasa fourty na rin kayo. So bakit wala pa kayong asawa o girlfriend man lang ? " tanong nya.

Natense si Gustavo.

Ito ang madalas itanong ng mga taong nakapalibot sa kanya lately.

Di nya akalaing pati ang dalaga ay magtatanong din.

"U-uhm. I invoke my right against self incrimination. " landi nya.

Natawa ng bahagya si Valerie at kinurot ang braso ng lalaki.

"Uncle naman eh. Seryoso na kasi. " kulit nya.

"Eh wala eh. Anong magagawa ko ? " tanong ni Gustavo.

Naningkit ang mga mata ni Valerie.

Bagama't bago pa lamang nyang kakikilala ang lalaki, pakiramdam nya ay close na close na sya dito.

Kaya di kataka taka na magaan ang kanyang loob.

Di na rin sya nahihiyang magtanong ng mga personal na bagay.

Tulad ng.

"Bakla ka ba Uncle ? " tanong nya.

Nagulat si Gustavo at tinitigan ang dalaga.

Kumunot ang noo nito.

Napakagat labi si Valerie sa pag aakalang nainsulto nya ang lalaki.

"S-sorry po. " pahabol nya.

Pero imbes na magalit, nag beautiful eyes lang si Gustavo.

"N-nabuking mo na ang aking sikreto. Kaya nakikiusap ako ineng, ilihim mo ito. " landi nya.

Bumungisngis si Valerie.

Kahit papaano ay nawawala ang kanyang nararamdamang pait sa ginagawang kaaliwan ng kasama.

"Bakit nga ba ako nagtatanong kung bakla ka. Eh Di Carprio ka rin eh. " sabi nya.

"And what is the meaning of that ? Anong meron sa apelyido namin ? " tanong ni Gustavo.

Napangiti si Valerie.

"Lahat ng Di Carprio, babaero. " sagot nya.

Nanlaki ang mga mata ni Gustavo.

Napahawak sya sa puso at malungkot na tumingala sa langit.

"Dyosko Papa J. Kanina pinagkamalan nya akong baklush, ngayon naman babaero. May saltik po ata itong batang ito. May gamot pa po ba ito ? " biro nya.

Humagikgik si Valerie.

"Di ka sasagutin ni Papa J. Baklush ka daw eh. " sabi nya.

"Oy di porke't bakla, di na sinasagot ang mga dasal no. " pagtatama ni Gustavo.

Napangiti si Valerie at tumango.

"Sorry po. Pero kahit na, sagutin nyo yung tanong ko. Bakit wala ka pong girlfriend o asawa ? " pangungulit nya.

Napahinga ng malalim si Gustavo at ngumiti.

"Kulit mo. " sabi nya.

"Sige na po Uncle. " pamimilit ni Valerie.

"Oo na, Oo na. Wala na kung wala. Pero anong magagawa ko ? Sa hindi ko pa nahahanap ang the chosen one. " wika ni Gustavo.

Muling natawa si Valerie.

"The right one ! Hindi The Chosen One. Palabas yon eh. " pagtatama nya.

Natawa din si Gustavo.

"Ganun na din yun. " sabi nya.

"Naniniwala ka sa destiny Uncle ? " tanong ni Valerie.

Natigilan si Gustavo at napangiti.

"Yes and No. " sagot nya.

Kumunot ang noo ni Valerie.

"Paki explain, labyu. " biro nya.

Natawa si Gustavo.

"Yes, because I believe that everything happens for a reason. No, because I have my own choice. Kahit anong gawin ko sa buhay ko, walang ibang sisisihin kundi ako at ako lang. At hindi ang lintik na destiny na yan. Ni hindi ko nga alam ang surname nyan. Na explain ko na, labyu too. " ganting biro nya.

Nagtawanan sila pareho at nagpatuloy sa kulitan.

Hindi nila napansin ang oras.

Kahit papaano ay nagpapasalamat si Valerie sa presensya ng lalaki.

Dahil sa masigla nitong katauhan, kahit papaano ay nabawasan ang kanyang kalungkutan.

..

"Grabe, salamat sa libre Uncle. " sabi ni Valerie.

Kasalukuyan silang nasa tapat ng kotse ng lalaki.

"Ihahatid na kita sa inyo. Saan ba ? " tanong ni Gustavo.

Napailing si Valerie.

"No Uncle, dun na lang po yung bahay namin oh. Malapit na lang. Nakakahiya na po sa inyo eh. " sagot nya.

"Wag ka ngang makulit, naiihi na ako eh. Alangan namang sa kotse ako magkalat ? " tanong ni Gustavo.

Napanganga si Valerie.

"S-sige po. Pero maliit lang po yung bahay namin. " nahihiyang sabi nya.

"Ewan ko sayo. Ganyan ba ang tingin mo saken ? " nagtatampong tanong ni Gustavo.

Napakagat labi si Valerie sabay iling.

"S-sorry po. Salamat po talaga sa paghatid. " sagot nya.

Ngumiti si Gustavo at tumango.

"No problem. Basta ikaw. " wika nya.

Wala sa loob na niyakap ng dalaga ang lalaki.

"T-thank you for everything Uncle. Maraming maraming salamat po sa presence nyo. Kung wala kayo, baka nabaliw na ako sa kakaisip. " sambit nya.

"Sabi ko nga sayo, walang problema sakin. If you need my help, don't hesitate to call me. Sinave mo na yung number ko sa phone mo right ? " tanong ni Gustavo.

Tumango si Valerie.

"Opo. Salamat po ulit Uncle. Uhm, pasensya na po kung ginabi na kayo. " sabi nya.

Umiling si Gustavo.

"Wala yun. Sige na at baka hinahanap ka na. Baka umiiyak na rin si Jack sa bahay. " paalala nya.

Natawa si Valerie at tumango.

"Oo nga po. Paki kamusta na lang po ako kay Jack ha ? Ay bakit nga po pala Jack ang name nya ? " tanong nya.

Ngumisi si Gustavo.

"Uhm wala lang. Nung bata kasi ako, gustong gusto kong magkaaso. Si Insan Primo kasi binilhan ng father nya ng hamster so nag decide ako na gusto ko ng mas malaki. " sagot nya.

Napanganga si Valerie.

"Y-you mean, he's fourty years old na rin ? " tanong nya.

Natawa si Gustavo.

"Sabi na yan ang iisipin mo eh. Nope, apo na sya ng original kong aso. Bale, he's Jack the third. " biro nya.

Napatango tango si Valerie at napangiti.

"Wow, ang galing. Dahil lang sa simpleng inggit nyo, nagkaroon kayo ng loyal na aso. " biro din nya.

Napakamot sa batok si Gustavo.

"Well, nainggit nga talaga ako kay Insan non. Haha. Yaan mo na yon. Namatay din agad yung hamster nya eh. " pang aasar nya.

Natawa si Valerie.

"Grabe, sobrang swerte ko talaga at nakilala ko kayo. Uhm, ay Uncle, dyan na po yung bahay namin. " turo nya.

Pagtingin ni Gustavo ay kumunot ang kanyang noo.

"May bisita ka. " sabi nya.

Nagtaka si Valerie at sinundan ang tingin ng lalaki.

Para lamang mabigla ng makita ang kasintahan.

"C-caleb. " bulalas nya.

Nagkatinginan sina Valerie at Caleb.

Pero mabilis na nag-iwas ng tingin ang dalaga at binalingan ang lalaking kasama.

"Uncle. Tara po. Pasok ka. " aya nya.

Ngunit umiling si Gustavo at ngumiti.

"Nawala na yung ihi ko. Umurong na. " biro nya.

Naningkit ang mga mata ni Valerie.

"Uncle ! " bulong nya.

Ngumisi si Gustavo.

"I think you have to talk. Pakinggan mong paliwanag nya. " sabi nya.

Nagkandailing si Valerie.

"Wala na pong dapat ipaliwanag Uncle. Kitang kita ko pati na ikaw. " wika nya.

Nagkibit balikat lamang ang lalaki at hinalikan sa noo ang dalaga.

"Just the same, di ka rin naman makakaligtas nyan. So paano, uwi na ko. Just give me a call na lang if you need anything. " sabi nya.

"A-are you sure Uncle ? " tanong ni Valerie.

"Of course ! Sige na at baka nag suicide na si Jack sa bahay. " biro ni Gustavo at tinapik sa balikat ang dalaga.

Saglit nyang tinapunan ng tingin si Caleb bago naglakad pabalik sa kinapaparadahan ng sasakyan.

..

Ilang saglit bago makaalis ang lalaki, nanatiling nakatayo si Valerie sa bukana ng kanilang bakuran.

Nakatingin lamang sya sa daang tinahak ni Gustavo.

Iniiwasang mapatingin sa nobyo.

Hanggang sa marinig nya ang marahan nitong pagtawag.

"B-baby. " sabi ni Caleb.

Napatiim bagang si Valerie.

Bumalik na sa dati ang kanyang katinuan at unti unti naring bumabalik ang sakit at hapdi dulot ng tagpong nasaksihan sa pagitan ng kasintahan at dati nitong nobya.

Pakiramdam nya ay unti unti ng nalulusaw ang kanyang pagkatao.

Napalunok ang dalaga at pinigilan ang sariling mapaiyak dahil ayaw nyang magtaka ang mga magulang.

Pero suwail ang kanyang mga luha, mabilis itong nagtipon sa gilid ng kanyang mga mata at nagbanta na anumang oras ay magpapadulas sa kanyang pisngi.

Kaya bago pa mangyari yon, mabilis na pumasok si Valerie sa bakuran.

Ngunit mabilis din syang hinarang ni Caleb.

"Sino yung naghatid sayo ? " tanong nya.

Naningkit ang mga mata ni Valerie.

"Pake mo ? " taray nya.

Napaatras si Caleb sa reaksyon ng kasintahan.

"B-baby. Please, let me explain. " sabi nya.

Di na napigilan ni Valerie ang sarili, automatikong lumipad ang kanyang kanang palad patungo sa pisngi ng binata.

Nagulat si Caleb sa ginawa ng nobya.

Pero si Valerie ang higit na nagulat sa nagawa.

"S-sorry. " sabi nya.

Ngumiti si Caleb at marahang hinaplos ang pisngi.

"O-okay lang baby. I deserve it. Pero gusto ko lang sanang makiusap na pakinggan mo muna ang mga sasabihin ko. " bulong nya.

Natigilan si Valerie.

Pinigil nya ang emosyon at marahang tumango.

"S-sige. " bulong nya.

Ngumiti si Caleb.

"S-salamat. First, gusto ko lang sabihin sayo na walang nangyari o mangyayari sa nakita mong eksena. I d-don't know how to explain this pero talagang hindi ko alam kung bakit nagpunta si Britney sa room ko. Nakatulog ako non sa paghihintay sa inyo ni Coleen. Then paggising ko, nasa room ko na sya. " paliwanag nya.

Huminga ng malalim si Valerie.

"W-wala yun. " sambit nya.

Napangiti si Caleb.

"R-really ? Pinapatawad mo na ba ako ? " tanong nya.

Pero umiling si Valerie.

"Yung eksena sa room, okay lang. P-pero hindi lang yon ang nakita ko. P-pati yung paghahalikan nyo sa bintana. B-bumalik ako para kunin yung bag ko. H-hindi ko akalaing di pa pala kayo tapos. " bulalas nya.

Napanganga si Caleb sa narinig.

Di nya akalaing nakita ng kasintahan ang kapangahasang ginawa ni Britney.

Hindi sya nakapag react.

Bumuka ang kanyang bibig para pangatwiranan ang nobya ngunit walang boses na namutawi sa kanyang mga labi.

Ngumiti ng kimi si Valerie.

"G-gusto ko ng magpahinga. M-may pasok pa ako bukas. " sabi nya.

"B-baby. L-let me explain. " makaawa ni Caleb sabay hawak sa kamay ng nobya.

Pero winaksi ni Valerie ang mga ito.

Pigil na pigil ang pagtaas ng kanyang boses dahil ayaw nyang makagawa ng ingay.

Baka lumabas pa ang mga magulang.

"Go home ! " mahina ngunit madiing sabi nya.

"P-pero baby. " pigil ni Caleb.

Sukat duon ay tuluyan ng umagos ang mga luha sa mata ni Valerie.

"P-please. P-pabayaan mo muna ako. " makaawa nya.

Natigilan si Caleb sa nakikitang pag hihirap ng kasintahan.

Bagama't nais nyang yakapin at aluin ito, batid nyang lalo lamang magagalit ang nobya.

Kaya kahit labag sa kalooban, marahan syang tumango.

"I-if that's what you want. S-sige, uuwi muna ako. P-pakisabi na lang sa Nanay mo na umuwi na ako. " mahinang sabi nya.

Pasimpleng pinunasan ni Valerie ang mga luha sabay tango.

Napahinga ng malalim si Caleb at tinitigan ang kasintahan.

Nais sana nya itong hagkan ngunit alam nyang lalo lamang itong magwawala.

Kaya sa huli, nagpaubaya na ang binata.

Lulugo lugo syang lumabas ng bakuran ng mga ito at matamlay na naglakad palayo.

..

Hinatid lamang ng tanaw ni Valerie ang nobyo.

Ng mawala ito sa kanyang paningin, mabilis syang pumasok sa loob.

Naabutan nya ang mga magulang na tila nag uusap sala.

Nakayuko syang nagmano sa mga ito.

"Kaawan ka ng Diyos anak, si Caleb ? " tanong ng ina.

"U-umuwi na po. " sagot ng dalaga sabay diretsong nagtungo sa silid.

Marahang nyang sinara ang pinto.

Nagtaka si Aling Vicky at akmang susundan ang anak.

Ngunit maagap syang pinigilan ng kabiyak.

"Hayaan na muna natin sya. " bulong ng ama.

Wala ng nagawa ang ina kundi pagmasdan na lamang ang nakasarang pinto.

..

Sa kwarto.

Pagkasara pa lamang ng pinto ay binagsak na agad ni Valerie ang katawan sa kama.

Duon nya binuhos ang sama ng loob sa naranasan ngayong araw.

Parang ilog na umagos ang kanyang mga luha.

Di nya akalaing makakaranas sya ng ganito katinding sakit.

At para pagbigyan ang sarili, tuluyan na nyang binuhos ng binuhos ang lahat ng emosyon sa gabing iyon na tanging unan lamang ang karamay.

Hanggang sa igupo na sya ng pagod at pighati.

Buong lugod na nagpatangay na lamang sa antok ang dalaga.

Umaasang sa paggising ay mawawala na ang sakit at kirot na dulot ng pag ibig.

..

Sa silid ni Britney.

Tulad ni Valerie, ginupo rin ng pagod at antok ang dalaga.

Tulad ni Valerie, namighati din sya sa namatay na pag ibig ng araw na iyon sa iisang lalaki.

Hanggang sa magising sya sa pagtunog ng cellphone.

Pilit na minulat ng dalaga ang kanyang mga mata para tukuyin ang kinalalagyan ng aparato.

Nakita nya ito sa lamesa sa tabi ng kanyang kama.

Ni hindi na nakuhang basahin ni Britney ang pangalan ng caller.

Diretso nya itong sinagot gamit ang paos na tinig dulot ng pag iyak.

"H-hello ? " tanong nya.

"What happened to you ? Kanina pa ako tumatawag ah ? " tanong ng boses.

Kumunot ang noo ni Britney at inatras saglit ang cellphone para tingnan kung sino ang caller.

Hanggang sa matigilan sya ng matukoy ito.

"L-lola Constance ? tanong nya.

"Yes ! Sino pa ba ? Di mo ba sinave yung number ko ? " tanong ng matanda.

Kagat labing pinigilan ni Britney ang maiyak.

"K-kamusta po ? " tanong nya.

"Eto ayos lang. I'm packing my things na iha. " sagot ng matanda.

Lalong nagtaka ang dalaga.

"S-saan po kayo pupunta ? " tanong nya.

"What happened to you ? Nakalimutan mo na ba ? Pupunta din ako dyan ! " sagot ng matanda.

Napanganga si Britney ng maalala ang usapan nila ng Lola ni Caleb.

Oo nga pala, ito ang orihinal na plano.

Aakitin nya ang binata at paiibiging muli.

Para hindi na ito mabigla sa nakaambang plano ng abuela.

"L-lola. " sumbong nya.

"Oh ? Baket ? What happened to our plan ? In-love na ba ulit sayo ang apo ko ? " tanong ng matanda.

Impit na napahikbi si Britney.

Tila muling lumalatay ang sakit ng katotohanan sa kanyang pagkatao na hindi na sya ang mahal ni Caleb.

"H-hindi po. M-may iba na po syang mahal. " pag amin at pagsusumbong nya.

Natahimik ang nasa kabilang linya.

Hanggang sa muli itong magsalita.

"Wala akong pakialam. Ang mahalaga ay sayo sya makasal. Ihanda mo ang sarili mo Britney at pupunta na rin ako dyan. Tuloy pa rin ang plano. Ako ang masusunod sa pamilyang ito. " pinal na sabi nya.

Naputol na ang linya.

Lalong nabaghan si Britney sa narinig.

Bagama't nais nyang matupad ang plano nila, batid nyang lubhang tututol dito ang binata.

At dahil sa gagawin ng abuela nito, siguradong lampas pa sa langit ang magiging poot nito sa kanya.

Dahil dito, tila lalong sumakit ang ulo ng dalaga.

Hindi nya alam kung ano ang maaaring solusyon sa nakaambang unos na darating para sa magkasintahan.

ITUTULOY !!!