1. Home
  2. Stories
  3. Bakit Absent Si Klasmeyt - Ikasiyam Pahina
Lagablab

Bakit Absent Si Klasmeyt - Ikasiyam Pahina

By supertoyantz ·

Ikasiyam na Pahina

Lumipas ang isang linggo.

Katatapos lamang ng tutorial ng dalawa.

Tulad ng nakagawian, nagpahinga sila sa hardin kasabay ng pagmimiryenda.

Habang kumakain, napatingin si Valerie sa kanyang estudyante.

Kanina pa tahimik ang dalaga kaya hindi nya maiwasang magtaka.

Rinig nya ang mahihinang buntong hininga nito.

Ilang saglit lang ay di na sya nakatiis.

"Coleen. " untag ni Valerie.

Napatingin ang dalaga.

"Yes ? " tanong nya.

Ngumiti si Valerie.

"May problema ka na naman. " puna nya.

Napangiti din si Coleen.

"Bakit mo nasabi ? " tanong nya.

"Nanlalaki butas ng ilong mo. " biro ni Valerie.

Napahawak si Coleen sa ilong sabay tawa.

"Sira. " sagot nya.

"Anong problema mo ? " ulit ni Valerie.

Ngumiti si Coleen.

"Nag aala - Madam Auring ka na naman. " biro nya.

"Obvious kase. " sabi ni Valerie.

"Paanong obvious ? " tanong ni Coleen.

"Simple lang. Madaldal ka. Pero kanina ka pa tahimik. Dalawa lang yan, kung hindi may sakit ka, nadudumi ka. " biro ni Valerie.

Natawa si Coleen.

"Baka nga. " natatawang sagot nya.

Nagtawanan sila.

Maya maya ay sumeryoso si Valerie.

"Come on, tell me. Anong meron ? " tanong nya.

Nawala ang ngiti sa magandang mukha ni Coleen.

Napahinga sya ng malalim at tumingin sa kawalan.

"It's kuya. " malungkot na sagot nya.

Kumunot ang noo ni Valerie.

"Kuya mo na naman ? Ang epal talaga nyang kuya mo eh. Ano na naman ang ginawa nya ngayon ? Inubos na yung trust fund nya ? " tanong nya.

Napangiti ng malungkot si Coleen.

"Nope. Ni - lock ni Lola yung trust fund ni Kuya. " imporma nya.

"Oh yun naman pala eh. Anong problema ? " tanong ni Valerie.

Napatingin si Coleen sa dalaga.

"Di mo ba naiisip ? Kung nilock nila yung trust fund ni Kuya, saan sya kumukuha ng panggastos sa araw araw ? " tanong nya.

Natigilan si Valerie.

"O-oo nga no. Pero di malaki yung kinuha nya last time ? Baka naman di pa nya nauubos yon. " sagot nya.

Muling bumuntong hininga si Coleen.

"Sana nga. I've been calling him almost everday. Pero laging unavailable. Kinakabahan na ako. Almost one week na syang di kumokontak sa akin. " pag amin nya.

Nabigla si Valerie.

Maging sya ay unti unti na ring nakakaramdam ng kaba para sa binata.

"B-baka naman busy lang sya. " sambit nya.

"Pero hindi ganun si kuya. Kahit marami syang ginagawa, everyday nya akong tinatawagan just to check me up. Pero ngayon. " nag aalalang sagot ni Coleen.

Napakagat labi si Valerie.

Wala sa loob na nahawakan nya ang mga kamay ni Coleen.

"H-hindi din sya pumapasok sa school eh. " dagdag ni Valerie.

"Nasan na kaya sya ? Okay lang kaya sya ? " tanong ni Coleen sa kawalan.

Biglang napasimangot si Valerie.

"Hmmp ! Unggoy talaga yang kuya mo! Lagi na lang nyang pinag aalala ang mga taong nagmamahal sa kanya! " malakas na sabi nya.

Napatingin si Coleen sa dalaga.

"Worried ka kay Kuya ? " tanong nya.

Wala sa loob na napatayo si Valerie.

"Syempre naman no ! " pasigaw na sagot nya.

Unti unting napangisi si Coleen.

"Huli ka. " bulong nya.

Kumunot ang noo ni Valerie.

"Anong sinasabi mo ? " tanong nya.

Umiling si Coleen.

"Wala. Ang sabi ko, ang bad ni kuya. Pinag aalala nya yung mga taong NAGMAMAHAL sa kanya. " inemphasize nya ang salitang nagmamahal.

"Tama! " pagsang ayon ni Valerie.

"Tulad mo. " tukso ni Coleen.

"Tama !, t-teka teka. M-mali pala. I m-mean. A-ano kasi. Bwisit ka Coleen wag kang tumawa !. " sigaw ni Valerie.

Pero di sumunod si Coleen.

Hawak nya ang tyan sabay bunghalit ng tawa.

Nalukot ang mukha ni Valerie.

Padabog syang muling umupo at tinungga ang natitirang juice sa baso.

"Uwi na nga ako. " nagtatampong sabi nya.

Saglit na pinayapa ni Coleen ang sarili bago pinigilan ang dalaga.

"T-teka. Haha, ikaw naman. Joke lang yun no. " sabi nya.

Pero nanatiling nakasimangot si Valerie.

"Joke daw. " gagad nya.

Napangiti si Coleen.

"Sorry. Medyo worried lang kasi ako kay kuya. " sabi nya.

"Kaya ako ang ginagawa mong laughingstock . " sumbat ni Valerie.

"Uy di ah. Ito naman, ang hina talaga ng sense of humor mo pagdating kay kuya. " puna ni Coleen.

Natahimik si Valerie.

Maging sya ay di nya maintindihan ang sarili pero parang napakaikli ng pasensya nya basta't si Caleb ang subject.

"Ewan ko ba. Bwisit ako sa kuya mo. Siguro dahil di maganda ang first meet namin. " sabi nya.

Nacurious si Coleen.

"Why ? Ano bang nangyari sa first meeting nyo ? " tanong nya.

Napasimangot lalo si Valerie ng maalala ang unang pagtatagpo nila ng binata.

"Tinawag lang naman nya akong Ms. Laway. " pag amin nya.

Natigilan si Coleen.

"Ms. Laway ? B-bakit ? " tanong nya.

"Ewan ko sa baliw mong kuya. " inis na sagot ni Valerie.

Biglang bumungisngis si Coleen.

"Hmm. Baka kayo ang destiny. " kinikilig na tukso nya.

Nanlalaki ang mga matang napatayo si Valerie.

"Ipagpaumanhin mo Coleen. Magkaibigan tayo, kaya di kami talo ng kuya mo. " sambit nya.

Napangisi si Coleen.

"Eh bakit blushing ? " tukso nya.

Asar na tinakpan ni Valerie ang nag iinit na mga pisngi.

"Rosy cheeks talaga ako. " biro nya.

Natawa si Coleen.

"Umupo ka nga. " sita nya.

Padabog na umupo si Valerie.

"Tigil tigilan mo ng paghithit ng katol ha ? Kung anu ano ng sinasabi mo eh. " biro nya.

Nahagikgik si Coleen.

"Di ako nagkakatol, medyas pwede pa. " pagsakay nya.

Si Valerie naman ang napabungisngis.

"Yuck !, ang ganda mong babae, tapos sumisinghot ka ng medyas. " sambit nya sabay tawa ng malakas.

Natawa lang silang dalawa.

Ilang saglit din silang nagtawanan hanggang sa halos di na sila makahinga.

"Ayaw ko na. Ang sakit na ng tyan ko. " hingal na sabi ni Coleen.

"Ang gulo mo kasi. Uwi na ako. Mahihirapan na naman akong sumakay. " sabi ni Valerie.

Ngumiti si Coleen.

"Okay. Ingat ka sa byahe. Next week na naman tayo magkikita. " sabi nya.

"Oh wag kang malungkot. Lumabas ka kasi. Sabi mo mag eenroll ka na ? " tanong ni Valerie.

Nagkibit balikat si Coleen.

"Busy pa si Mom. " malungkot na sabi nya.

"Ngek, pwede namang ikaw na lang ang maglakad ng papers mo eh. Makakahabol ka pa since na nag undergo ka naman ng tutorial. " sambit ni Valerie.

Natigilan si Coleen.

"H-hindi ko alam ang gagawin eh. " sabi nya.

"Hay nako Coleen. Malaki ka na. Dapat alam mo na yang mga ganyang kasimpleng bagay. " pangaral ni Valerie.

Napayuko si Coleen.

"W-wag mo kong pagalitan. " sabi nya.

Napahinga ng malalim si Valerie.

"Hay nako talaga. Paawa effect pa. Sige sige, sasamahan kita. Pero sa wednesday na. Ayusin mo na lahat ng kailangan mo para isang lakad na lang tayo. " sabi nya.

Napaangat ang tingin ni Coleen.

Nagliwanag ang kanyang mga mata at mabilis na niyakap ang kaibigan.

"Wow! Salamat! Di mo talaga ako matitiis eh. " tuwang sabi nya.

Napasimangot si Valerie.

"Parang set up to ah. " sumbat nya.

Bumungisngis si Coleen.

"Whatever. Pumayag ka na eh. " sabi nya.

"Ano pa nga ba. Sige uuwi na ako. " paalam ni Valerie.

Tumango si Coleen.

"Take care. " sagot nya.

Kipkip ang mga gamit, magkahawak kamay na naglakad patungo sa gate ang dalawa.

Pinagmasdan ni Coleen ang paglalakad palayo ni Valerie ng bigla syang may maalala.

"Val. " tawag nya.

Agad na lumingon si Valerie.

"O ? " tanong nya.

"If ever na kumontak sa'yo si Kuya, pwedeng pakisabi sakin ?" pakiusap nya.

Natigilan si Valerie.

"Naku, hindi mangyayari yon. " singhal nya.

Pero bigla syang napahinto ng makita ang malungkot na mukha ni Coleen.

"O-okay. " sabi ng dalaga.

Bumuntong hininga si Valerie at muling naglakad pabalik.

Hinawakan nya ang mga kamay ni Coleen at tinitigan ito sa mga mata.

"Nag aalala ka talaga sa kuya mo no ? " nakangiting tanong nya.

Marahang tumango si Coleen.

"You see. Si kuya lang ang kakampi ko sa lahat ng bagay. Si Mommy ay takot kay Lola. Madalas na kung ano ang sabihin ni Lola, kahit na alam nyang masasaktan kami, pikit mata nyang sinusunod. Para daw yun sa disiplina naming magkapatid. Minsan umalis sina Mommy at Lola. Naiwan kami ni Kuya sa house. Inaya ko syang maglaro kami ng habulan. " kwento nya.

"Then what happened ? " tanong ni Valerie.

Nagulat sya ng biglang humikbi si Coleen.

"Ayaw ni Kuya ng ganung laro kasi nga madali akong mapagod. Pero pinilit ko pa rin. Sya yung taya. Di pa kami nakakapag simula, nagkaroon na ng aksidente. " sagot nya.

"Hiningal ka ? " tanong ni Valerie.

Umiling si Coleen.

"Worst. Pagtakbo ko, nasagi ko yung isang antique vase ni Lola. Basag. Sobrang takot na takot ako non. Di ko alam ang gagawin ko kasi siguradong papaluin ako ni Lola. Pagdating nila, nagulat ako ng si Kuya ang umamin. Sinabi nya kay Lola na sya ang nakabasag ng vase. " sagot nya.

Napuno ng paghanga ang dibdib ni Valerie para sa binata.

"Mahal ka ng kuya mo. " puna nya.

Tumango tango si Coleen.

"Mahal ko din sya. Kaya nga iyak ako ng iyak habang pinapalo sya ni Lola. Parang ako na rin yung pinapalo. Si Mommy, di man lang sinaway si Lola. " naiiyak na sabi nya.

Mahigpit na niyakap ni Valerie ang dalaga.

"Ssshh. Tama na. Tapos na yun eh. " sabi nya.

"S-sorry. " sabi ni Coleen.

Umiling si Valerie.

"It's okay. Gusto mo bang mag stay muna ako ? " tanong nya.

"Late ka ng makakauwi. O-okay lang ako. " tanggi ni Coleen.

"Sus, para yun lang. Kung gusto mo mamaya na ako uuwi. " sabi ni Valerie.

Napangiti si Coleen.

"Salamat. Pero magpaalam ka muna sa inyo. Pwede kang mag sleep over dito. " aya nya.

"Magandang idea yan. Mararanasan ko ring makatulog sa de - aircon na kwarto. " biro ni Valerie.

Bumungisngis si Coleen.

"Sira. " sabi nya.

Ngumiti si Valerie.

"See. Mas maganda ka kapag nakasmile. Sige uwi na ako. " paalam nya.

Tumango si Coleen.

"Take care. Ay wait. V-val. " pigil nya.

"Yes ? " tanong ni Valerie.

"B-baka kumontak sya. " nahihiyang sabi ni Coleen.

Napangiti si Valerie sabay tango.

"Sige. If ever, sasabihin ko agad sa'yo. " sabi nya.

Unti unting napangiti si Coleen.

"Thank you. Sige uwi ka na. Baka pagalitan ka na. " taboy nya.

"Sige. Byee. " paalam ni Valerie.

Kumaway na lang si Coleen.

Hinintay muna nyang makaliko ang dalaga sa kanto bago sinara ang gate at pumasok na sa loob ng bahay.

..

Kinabukasan.

Kasalukuyang naglalakad patungo sa faculty sina Valerie.

"Bakit kaya tayo pinatawag ? " tanong ni Cheska.

"Malay. Baka may ginawa kang anumalya. " biro ni Valerie.

"Baliw. Baka ikaw. Nabuking na ang ginawa mong krimen sa CR nuong isang linggo. " ganting biro ni Cheska.

Nagtawanan silang dalawa ng biglang matigilan si Valerie.

"S-si Caleb ba yon ? " tanong nya.

Napatingin din si Cheska sa nginuso ng kaibigan.

"San ?" takang tanong nya.

Tinuro ni Valerie ang papalayong binata.

"Ayun o! " turo nya.

Nilinawan ni Cheska ang paningin at pilit inaninag ang tinuturo ng kaibigan.

"Di ko masyadong makita. Tsk tsk. Ang bangis mo friend. Ilang metro ang layo ni Caleb dagdag pa ang mga naglalabasang estudyante, pero nakita mo pa rin sya. Iba na talaga ang may radar eh no.? " tukso nya.

Napasimangot si Valerie.

Sasagot sana sya sa pang aasar ng kaibigan ng bigla nyang maalala si Coleen.

Napatingin sya kay Cheska.

"Kakay. Kapag hinanap ako ni Ma'am, pakisabi sumama ang tyan ko. " sabi nya.

Nagtaka si Cheska.

"Oh bakit ? " tanong nya.

"Basta. May kailangan nga pala akong gawin. Mauuna na akong umuwi sa'yo. " sambit nya.

Bago pa nakasagot si Cheska, kumaripas na ng takbo si Valerie.

Napakamot na lang sa ulo ang dalaga.

"Daig pa ang ninja. Enebe nemen yen. " asar na sabi nya at pinagpatuloy na ang paglalakad patungo sa faculty ng guro.

..

Lakad takbo ang ginawa ni Valerie palabas ng campus.

Hindi sya maaaring magkamali, si Caleb ang nahagip ng kanyang mga mata.

Bagama't malayo ang distansya, hindi ito naging hadlang para maaninag nya ang binata.

..

Paglabas ni Valerie ng gate, ginala nya ang paningin sa dalawang direksyon.

Hindi nya napansin kung saan lumiko ang binata.

"Saan ka ba nagpunta. Sheet. " inis na bulong nya.

Pero muntik na syang mapatalon ng makitang naglalakad sa di kaluyan si Caleb.

Napangisi si Valerie.

"Sabi na nga ba at ikaw yan eh. " sambit nya.

Patagong sumunod ang dalaga.

Halos limang metro ang layo nya sa binata.

Sapat na ito para hindi sya mapansin ni Caleb at the same time ay hindi ito mawala sa kanyang paningin.

"Saan kaya pupunta itong unggoy na ito ? " tanong ni Valerie sa sarili.

Di nya inalis sa mga mata ang binata.

Naglalakad lang ito.

Kung titingnan si Caleb, hindi mo mapapansin na galing ito sa mayamang pamilya.

Ordinaryo lamang ang damit at kilos ng binata.

..

Dire diretso lamang ang mabagal na paglalakad ni Valerie.

Nakasunod pa rin sya sa likod ni Caleb.

Biglang huminto ang binata.

Nanlaki ang mga mata ni Valerie at agad na lumingon sa paligid.

Nakita nya ang mayabong na puno kaya dali dali syang tumakbo para magtago.

Mabilis ang tibok ng puso ng dalaga.

Pinalipas nya muna ang ilang sandali bago dahan dahang nilabas ang ulo para tingnan kung nasaan na ang binata.

Napangiti ng lihim si Valerie ng makitang nakahinti sa tapat ng isang bakery si Caleb.

Nakita nyang kinapa nito ang bulsa at humugot ng pera.

"Nagutom ang loko . " puna nya.

Kita nyang bumili si Caleb ng tinapay.

Napasandal si Valerie sa puno at hinintay na matapos ang transaksyon ng binata.

"Bilisan mo na. Mainit na dito sa pwesto ko. " reklamo niya.

Muli nyang sinilip si Caleb.

Napangiti ng makitang naglalakad na itong muli palayo.

Dali daling lumabas sa pinagtataguan na puno si Valerie at mabilis na sumunod sa binata.

Konting lakad.

Muling nanlaki ang mga mata Valerie.

Huminto na naman kasi si Caleb.

Dali dali syang naghanap ng pagtataguan.

Ngunit wala.

Walang disenteng mapagtataguan ang dalaga.

Maliban sa isa.

Sa gilid ng basurahan.

Napasimangot si Valerie at tiniis na lamang ang sitwasyon.

Dali dali syang naupo sa gilid ng drum ng basura para itago ang sarili.

..

"Bakit ko ba ginagawa ito. " di makapaniwalang tanong ng dalaga.

Ramdam nya ang kati at amoy.

Tila may madilim na aura ang kanyang kinalalagyan at unti unti na syang binabalot nito.

Tumingkayan si Valerie, para silipin kung ano ng ginagawa ni Caleb.

Nakita nyang tumigil ito sa tindahan ng bulaklak.

Kumunot ang noo ng dalaga.

"A-anong gagawin nya sa bulaklak ? " tanong nya.

Biglang parang may malamig na kamay ang dumakot sa kanyang puso.

"B-baka may girlfriend na sya. " bulong nya.

Di maintindihan ni Valerie ang biglang naramdaman.

Pakiramdam nya ay parang bumagsak ang lahat ng natitirang kasiyahan sa kanyang katawan at bigla namang umangat kalungkutan.

Tulala syang napayuko para isipin ang posibilidad na iyon.

Pero mali ang kanyang ginawa, dahil unti unting nangilid ang luha sa kanyang mga mata.

Tarantang inangat ni Valerie ang mukha para pigilan ang mga luha.

Ngunit bigla syang napanganga ng makita si Caleb sa mismong harap nya.

"Anong trip yan Val ? " takang tanong ng binata.

Natulala si Valerie.

"C-caleb ? " tanong nya.

Kumunot ang noo ng binata.

"Mukhang di ko kayang sakyan ang trip mo. Sige, alis na ako at mukhang nakakaistorbo ako sa'yo. " sambit nito.

Nanlaki ang mga mata ni Valerie.

Agad syang tumayo at pinagpag ang pwet.

Pinilit ni Valerie ang tumawa.

"Uy, long time no see ah. " pag iiba nya sa usapan.

Tumango si Caleb.

"Yeah. It's been a while. Anyway, anong ginagawa mo dyan sa tabi ng basurahan ? " tanong nya.

Namula ang mga pisngi ni Valerie at mabilis na nag isip ng dahilan.

"W-wala naman. Sinusubukan ko lang paghiwalayin ang mga di nabubulok sa mga nabubulok. " palusot nya.

Napatango tango si Caleb.

"Ganun ba. Ang tindi mo pala. Marami pa dun oh. Paki ayos na lang. " turo nya sa nagkalat na basura di kalayuan.

Napasimangot si Valerie.

Pero bigla syang natigilan ng makita ang mga hawak ng binata.

Muli, naramdaman nya ang di maipaliwanag na sakit sa isiping may ibang babae sa buhay nito.

Asar na sinaway nya ang sarili.

"Magtigil ka nga Valerie! " bulong nya.

Kumunot ang noo ni Caleb.

"Nag da-drugs ka ? " tanong nya.

Nagulat si Valerie sa tanong ng binata.

"H-hindi. Gago. " singhal nya.

Natawa si Caleb.

"San ang punta mo ? " tanong nya.

Sumimangot si Valerie.

"Pake mo ? " taray nya.

Napangiti si Caleb at nagkibit balikat.

"Fine. Sige, alis na ko. Enjoy ka na lang dyan sa pag se-separate ng basura. " paalam nya at naglakad na palayo.

Tarantang napasunod si Valerie.

"T-teka. Ikaw ? San ka pupunta ? " tanong nya.

"Pake mo ? " ganting sagot ng binata.

Sumimangot si Valerie at huminto ng paglalakad.

"Ang yabang mo ah. Dyan ka na nga !. " sigaw nya sabay lakad sa kabilang direksyon.

Pero bigla syang natigilan ng maalala si Coleen.

Ang malungkot nitong mukha dahil sa pag aalala sa kalagayan ng kapatid.

Napahinga ng malalim si Valerie.

Pinigil nya ang inis at pumihit pabalik.

"Teka. " awat nya sa binata.

Huminto sa paglalakad si Caleb.

"Oh ? Bakit ? Ayaw kong sumama sa trip mo. Mabaho. " nakangising wika nya.

Bwisit na bwisit si Valerie pero inawat nya ang sarili.

"Nakakatawa. San ka ba pupunta ? " tanong nya.

"Bakit ba gusto mong malaman ? Stalker ka ? " tanong ni Caleb.

Nanlaki ang mga mata ni Valerie.

"Heller ! Ako ? Stalker ? Sinong iniistalk ko ? Ikaw ? Kapal!!!. " sigaw nya.

Napangisi si Caleb.

"Eh bakit ka sunod ng sunod ? " tanong nya.

Natigilan si Valerie.

Nagtalo ang isip kung sasabihin ba nya ang dahilan ng kanyang pagsunod.

"San ka nga kasi pupunta ? " tanong nya.

Ngumisi lang si Caleb.

"May dadalawin lang. " sagot nya.

Napahinto sa paglalakad si Valerie.

Muling nanakit ang kanyang puso pero mabilis nya itong sinaway.

"Wow. Mukha ngang may dadalawin ka. De bulaklak ka pa eh. Tapos ano ba yan ? Enseymada ? " pang aasar nya.

Ngumiti lang si Caleb.

"Wala na akong pera eh. Ito na lang ang kasya sa budget. " pag amin ng binata.

Natigilan si Valerie.

Naalala nya ang perang kinuha ni Caleb mula sa ipon ng ina nito sa bangko.

Wala na itong pera ?

Ilang linggo pa lamang ang nakakaraan pero nalustay na nito ang isang milyon ?

..

Sari saring tanong ang biglag nagsulputan sa isip ni Valerie.

Di nya alam kung paano ito itatanong sa binata o may karapatan ba syang tanungin ito sa mga ganuong bagay.

Dahil sa kalituhan, hindi nya napansin na huminto na sa paglalakad si Caleb.

"Huy. " tawag nya.

Napatingin si Valerie sa binata.

"Huh ? " takang tanong nya.

Ngumisi si Caleb.

"Salamat sa pagsama. Uuwi ka na ba? " tanong nya.

Kumunot ang noo ni Valerie.

"Pagsama ? Saan ? " tanong nya.

Tumingala si Caleb.

"Dito. Dito ako pupunta. " sagot nya.

Napatingala din si Valerie at nagulat sya ng makitang nasa harap sila ng isang malaking ospital.

"O-ospital ? A-anong ginagawa natin dito ? " tanong nya.

"Ako may gagawin dito. Pero ikaw, ewan ko sa'yo. " sagot ng binata.

Naglakad na papasok si Caleb.

Tarantang napasunod si Valerie.

Dire diretso silang naglakad papasok sa loob hanggang sa elevator.

"Pakipindot ng 4th floor. " sabi ni Caleb.

Wala sa loob na pinindot ni Valerie ang buton na may numeron 4.

Sumara ang elevator.

Kinain sila ng katahimikan.

Hanggang sa di na makatiis si Valerie.

"S-sinong dadalawin mo ? " tanong nya.

"Natin. " mabilis na pagtatama ni Caleb.

Nagtaka ang dalaga.

"Huh ? " tanong nya.

"Natin, kasi dalawa na tayong dadalaw. Sinamahan mo ako di ba? " tanong ni Caleb.

Wala sa loob na napatango na lamang si Valerie.

Maya maya ay bumukas na ang elevator.

Lumabas si Caleb.

Sumunod si Valerie.

Naglakad sila sa pasilyo.

Napansin ni Valerie ang mga taong pabalik balik sa mga kwarto.

Mga kamag anak ng pasyente at mga nurses.

Lumiko si Caleb sa kanan at muling naglakad hanggang sa makarating sa isang pinto.

"Val, pabukas naman. " masuyong pakiusap nya.

Pinigilan ni Valerie ang kiligin sa malamyos na tinig nito.

Agad nyang hinawakan ang seradura ng pinto at pinihit ito para magbukas.

"Thank you. Tara. " aya ni Caleb.

Pumasok ang binata sa loob.

Wala sa loob na sumunod si Valerie.

Pagpasok nya ay muli nyang sinara ang pinto.

Nilibot ang paningin sa silid, hanggang sa biglang may nagsalita.

"Mukhang nagsama ka ng bisita Caleb. " sabi ng boses.

Napako ang tingin ni Valerie sa pinanggalingan ng tinig.

Kumunot ang kanyang noo.

Mula ito sa babaeng nasa tabi ng isang lalaking nakahiga sa kama.

Kung pagbabasehan ang dami ng nakatusok na tubo sa katawan nito, masasabi nyang malala ang kondisyon ng pasyente.

Napatingin sya kay Caleb.

Nilapag nito ang dalang bulaklak at kinuha ang vase.

Pumasok ito sa loob ng isang kwarto na tila banyo.

Rinig nya ang lagaslas ng tubig.

Mukhang pinalitan ni Caleb ng tubig ang laman ng vase.

"Pasok ka iha. " utos ng babae.

Napatingin si Valerie dito.

Sa tingin nya ay nasa kwarenta o singkwenta ang edad ng babae.

..

Muling lumabas si Caleb sa banyo.

Nakalagay na ang sariwang bulaklak na kanina lamang ay binili nito.

Napangiti ng di sinasadya ang dalaga.

Kung ganuon ay hindi para sa ibang babae ang bulaklak.

Para pala ito sa may sakit.

Pero sino ba ang lalaking nakahiga?

"Val. Anyare ? Natulala ka na ? " tanong ni Caleb.

Natigilan si Valerie at pinilit ang sariling tumawa.

"K-kamusta po. " pagbati nya.

Ngumiti ang dalawa.

"Caleb. Sino sya ? " tanong ng lalaki.

Ngumisi si Caleb.

"Girlfriend ko. " sagot nya.

Nanlaki ang mga mata ni Valerie.

Bagama't tila musika sa kanyang pandinig ang sinabi ng binata, ayaw nyang bigyan ng maling hinala ang dalawa.

Biglang tumawa ang babae.

"Sya ba si Valerie ? " tanong nito.

Lalong nagulat si Valerie.

Kilala sya ng babae ?

Bakit ?

Paano ?

Si Caleb naman ang biglang natawa.

"Opo Tyang. Sya nga po. Val, ito nga pala si Tyang Amy. Kapatid ng Tatay ko. " pakilala nya.

Marahang lumapit si Valerie at inabot ang kamay ng babae.

"M-mano po. " magalang na pagbati nya.

"Salamat anak. " sagot ni Amy.

Napatingin si Valerie sa lalaking nakahiga pagkuwa'y kay Caleb.

"Kanina tinanong mo ako kung saan ako pupunta di ba? Sabi ko may dadalawin lang ako. Sya na yon. " sambit ng binata.

"S-sino sya ? " pabulong na tanong ni Valerie.

Ngumiti si Caleb.

"Basahin mo yung nakasulat. " wika nya.

Wala sa loob na sumunod si Valerie.

"Gabriel Concepcion. " basa nya.

Biglang natigilan ang dalaga at napatingin sa lalaking nakangiti sa kama.

Napatingin si Valerie sa binata.

Ngumiti si Caleb.

"Yup. He's my father. Tatay namin ni Coleen. " imporma nya.

Wala sa loob na napanganga na lang Valerie.