1. Home
  2. Stories
  3. Balaraw
Filipino Sex Stories

Balaraw

By Teddyray ·
Chapter 8 Book 1 – BALARAW

"Hanggang kailan mo ako mamahalin? Hanggang saan ang sukatan ng pag-ibig mo? Humahangga ba ito kung saan wala na ako?"

There is always a sadness for every goodbye...But, it is much sadder, when we know, there would be no more hello...

Naka-upo si Tim sa upuang kahoy sa may hardin ng malawak na mansion ng mga Buenviaje. Naalala nya ang bangkong kahoy sa hotel na yun sa Sorsogon City. Doon nya unang nasilayan si Lynn, ang kanyang nawawalang 'maybahay'. Hindi nya kailanman malilimutan ang bilis ng pagsikdo ng dibdib nya ng mapagmasdan nya sa liwanag ng buwan ang maamong mukha ni Lynn.

Ang pag-ibig ay hindi hinahanap. Kusa itong dumarating. At kung tunay na nagmamahal ang puso, naghahanap ito ng katugong pagmamahal. Kung talagang naka-takda kayo na para sa isa't-isa, maging ang tibok ng puso nyo ay para sa isa't-isa.

Iyon ang nadama ni Tim ng makita nya sa unang pagkakataon ang magandang doktora. Doon nya unang nadama ang sinasabi nilang pag-ibig. At doon nya ipinasiya sa sariling wala siyang ibang mamahalin kundi si Lynn.

Pero, ano itong nagawa nya? Magkakaroon siya ng binhi, hindi lang kay Leah, kundi maging sa care giver na si Helen. Sa pangungulila nya kay Lynn nagawa nyang ibaling sa ibang babae ang kanyang "panganga-ilangan'. Bakit hindi nya nagawang iwasan si Leah, si Helen?

Bakit hindi naging sapat na kalasag sa kanyang kahinaan ang wagas na pag-ibig nila sa isa't-isa? Mahina siya. Marupok!

Nasa ganito siyang pagmumuni-muni ng lumapit si Leah. Tumabi ito sa kanya. Langhap nya ang likas na bango nito.

"May problema ba, mahal?" Untag ni Leah sa asawa. "Ilang araw ka ng walang kibo. Mula ba ito nung ibinalita ko sayong magiging Daddy ka na?"

Umakbay si Leah kay Tim. Inilapit ang magandang mukha nito sa asawa. "Hindi ka ba masaya na magkaka baby na tayo? Sabi ni Leah na nakatanaw sa malayo. Na tila ba sinusundan ang dako ng tinatanaw nya.

Umiling si Tim. "No, please don't mind me..." At hinalikan ni Tim ang pisngi ni Leah. "Pagod lang ako, sa mga researches ko," At sinubukan niyang himas-himasin ang tiyan ng asawa. "Excited nga ako na magkakaroon na ako ng junior." Pagtatapos nya. Ngunit tinapos ni Leah ng marubdob na halik ang iba pa nyang sasabihin.

Inapuhap ni Leah ang labi ni Tim. Na para bang huling halik na nya na matitikman mula sa asawa. Inilabas nya ang dila nya at sinipsip ang dila ng asawang propesor. Habang sinisipsip nya ang dila ni Tim ay inabot ni Leah ang harapan ng pantalon nito. Naramdaman nya na tinatablan na ang asawa. Bumubukol na ang malaking ari nito. Hinimas-himas ni Leah ang ibabaw ng nakabukol ng ari ni Tim. "Dagdagan natin ang nasa loob nito mahal" Bulong ni Leah na naglalambing. Nakita nyang ngumiti ang asawa. Natawa na ito.

Naramdaman niyang dinaklot ng propesor ang kanyang matambok na harapan. Siniil siya ng halik, at bumulong." Kakargahan pa natin yan." Bigla siyang pinangko ng asawa. Tumili si Leah. Karga-karga ni Tim si Leah papasok sa silid nila. Nakayapos si Leah sa asawa at kinakagat-kagat ito sa leeg. Masayang masaya si Leah sa bisig ng matipunong propesor. Ang hindi alam ni Leah, ang sandaling iyon ng kaligayahan sa piling ng minamahal na propesor ay hiram lang. Na hindi niya kailanman magiging pag-aari ang puso at pag-ibig ng propesor.

Nang ibaba ni Tim si Leah sa kama, buo na ang kanyang pasiya. Hinalikan niya si Leah sa buhok, pababa sa noo. Dahan dahan nyang pinagapang ang kanyang mainit na labi sa buong mukha ng magandang asawa. Parang kinakabisado ng kanyang labi ang bawat kurba ng mukha nito. Dumako ang kanyang halik sa may punong tenga ng asawa. Naramdaman nya ibinaluktot nito ang dalawang paa, tanda na nakikiliti ito sa kanyang paghalik doon. "Mahal, malakas ang kiliti ko dyan," Bulong nito. Pero hindi niya itinigil ang ginagawa. Pumikit na lang si Leah at naramdaman ni Leah ang pag-iinit ng kanyang ibaba. Naramdaman nya na basa na siya 'doon'.

Dumako ang halik ni Tim sa leeg ni Leah. Naramdaman ni Leah na parang nagbabaga ang halik ng asawa. Kakaibang init ang idinudulot ng halik nito sa kanyang buong katauhan. Lalo pa ng naramdaman ni Leah na nasa dibdib na nya ang nagbabagang labi ng asawa. "Mahal, hubarin mo na ang bra ko" Bulong nya kay Tim. Siya na ang kusang nag-alis ng hook ng kanyang bra. Kusa ng hinubad ni Leah ang suot na damit pambahay. Tinulungan nya si Tim na tuluyang alisin ang suot nyang bra. Tanging panty na lang ang kanyang saplot. Mabilis na naghubad si Tim. Itinira nya ang kanyang boxer short. Muli siyand dumapa sa ibabaw ni Leah. Hinalikan nya ito sa kilikili, lalong napatili si Leah. Malakas ang kanyang kiliti. Noon lang nya naranasan ang halikan ang kanyang kili-kili. Naninibago siya sa ginagawa sa kanya ng asawa. Parang ang pakiramdam niya, gusto nitong ipadama sa kanya ang pinakamasarap na sex na kaya nitong ipagkaloob sa kanya sa gabing iyon. Inulaol ng halik ni Tim ang kili-kili ni Leah hanggang sa umabot ito sa kanyang dibdib. Napasinghap si Leah na parang malulunod sa sarap at kiliti ng isubo ni Tim kabilaan ang kanyang malusog na dibdib. Matagal na pinagsawa ni Tim ang bibig sa boobs ni Leah. At naramdaman ni Leah na bumababa na ang naglalagablab na labi ng katalik pababa sa kanyang pusod. sinungkal-sungkal nito ng dila ang malalim na pusod ni Leah. Napakislot-kislot at napakiwal-kiwal ang katawan ng batang ginang sa sobrang kiliti na bumalot sa kanyang pandama sa ginagawa ng asawa.

"Mahal, grabe ka, papatayin mo ako sa kiliti, baka di pa sumasayad sa ano ko yang labi mo, labasan na ako...ohhhh", impit na protesta ni Lea habang nararamdaman nyang pinapa-ikot-ikot ng asawa ang naglalagablab nitong mga labi sa puson nya.

Ng bumaba nga ang nagbabagang labi ni Tim sa mabangong gubat ni Leah, nakaka-ilang sungkal pa lang ang dila nito sa nanglalagkit ng biyak ni Leah, hindi nito napigilan ang biglang pagragasa ng kanyang orgasmo. Kanda-liyad-liyad ang batang ginang habang marahas na pumupulandit mula sa kanyang kaibuturan ang dagta ng kanyang pag-orgasmo. "Mahal ohhhh umppp ohhhh hindi ko napigilan mahal ohhhh hayan na siyaahhhh ahhhh ohhhh ummppp grabeee ka kasi mahal...."

Lalo pang isinubsob ni Tim ang kanyang mukha sa harapan ng hiyas ni Leah. Marahas nyang hinubad ang panty nito at sinupsop ng sinupsop ang kuntil na yun sa itaas ng hiwa ng hiyas ng kabiyak. Nilaro ni Tim sa loob ng kanyang bibig ang kuntil na yun at lalong nagliliyad ang kanyang katalik. Puro impit na ungol ang namutawi sa labi ni Leah. At ng sa pakiramdam ni Tim ay tumaas uli ang lundo ng libog ng kasiping,hinubad nya ang huling saplot na boxer short at itinaas nya ang isang paa ni Leah sa kanyang balikat at marahas na inilusong ang ga bakal sa tigas nyang kargada. Tuloy-tuloy itong pumasok sa kweba na binubukalan pa ng masaganang dagta. Sunod-sunod na ulos, baon-hugot ang ginawa ni Tim. Sumasabay naman ang balakang ni Leah sa bawat indayog ng asawa. Napapakagat-labi si Leah sa sarap na nadarama habang naglalabas-pasok sa lungga nya ang matikas na sandata ng asawa.

"Mahal, lalabasan na naman ako ohhhhh ummmmmp ahhhhh ohhhhh" impit na daing ni Leah. Makakatatlo yata siya sa pagsisiping nilang iyon. Iyon ba ang multiple orgasm? Ilang bayo pa ang ginawa ni Tim at naramdaman nyang muling humakab ang pwerta ni Leah sa kanyang naghuhumindig na kaangkinan. Parang dinilig ng mainit na tubig ang kahabaan ng kanyang sandata na nasa loob ng hiyas ng asawa. Ipinilig-pilig ni Tim ang sandata na nasa loob ng hiyas ni Leah. Gusto nyang maramdaman nito na nilabasan siya. Ito yung kauna-unahang sandali na pinike nya ang kanyang orgasmo. Nais niya lang paligayahin si Leah...

Samantala, sa isang ospital sa Switzerland nagising na si Lynn matapos ang halos isang linggong pagiging comatose.

"How's my wife, nurse?" Narinig nyang nagsalita ang nakatalikod na lalaki. Kilalang kilala ni Lynn ang tinig na yun. At naramdaman nya ang pagsulak ng pagkasuklam na bumalot sa kanyang kata-uhan ng sandaling iyon. Parang katatapos lang nga pangyayaring iyon. Tumatakbo ng mabilis ang Mercedes ni Arnulfo Alcantara papunta sa Legaspi Domestic Airport. Inagaw nya ang manibela para huminto ang sasakyan subalit isang humahagibis na trak ng kopra ang nasa kabilang linya. Ang huli nyang natatandaan ay kinabig ni Arnulfo Alcantara ang manibela. At wala nang natatandaan si Lynn.

Pinakiramdaman nya ang sarili.Naka-dextrose siya. At parang masakit ang kanyang ibaba. Nagsasalit-salit sa alaala nya yung sandaling malaki na ang kanyang tiyan. Kinabahan siya? Kanino ang ipinagbuntis nya? Nagtagumpay ba si Arnulfo Alcantara sa plano nitong itakas siya?

Nakaramdam si Lynn ng panghihina. Kailangan nyang magpalakas, naisip nya. Kailangan wag malaman ng buhong na si Arnulfo Alcantara na bumalik na ang ala-ala nya.

Naupo si Arnie sa tabi ng sinasambang doktora. Hinagkan nya ito sa pisngi. Kilabot ang naramdaman ni Lynn. Hindi niya matanggap sa sariling nasa tabi niya ang buhong. At nami-miss nya si Tim. Hindi nya namalayan may luhang namalisbis sa kanyang mga mata na dumaloy sa kanyang pisngi. Napansin ito ni Arnie.

"Doctor, I think she's awake now," Tinawag nito ang doktor na nasa di kalayuan lang. Lumapit ang doktor na Swiss at pinulsuhan si Lynn. Dumilat siya at tumambad sa kanya ang hapis na kaanyuan ni Arnulfo Alcantara. Lalong naramdaman ni Lynn ang pagsigid ng pagkamuhi nya sa lalaki. Ni lente ng doktor ang mata ni Lynn at ipinakuha sa nurse ang blood pressure nito.

" I think she's ok now, mister..." Sabi nito kapagkuwan.

Isang linggo pa ang lumipas at iniuwi na ni Arnie ang 'kanyang' mag-ina mula sa ospital. Tuwang-tuwa siya sa bagong silang na sanggol ni Lynn. Pakiramdam nya talagang anak nya ito. Si Lynn naman ay pinapakiramdaman kung nagawa'siyang 'galawin' ng kinasusuklamang lalaki. Pero naalala nyang bago siya ipinadukot ng buhong na ito, naramdaman na nya na parang nagdadalang-tao siya. At iyon ay anak nila ni Tim!

Pinuntahan ni Lynn ang bata sa nursery na ipinagawa ni Arnie sa loob ng bahay bakasyunan. Tiningnan nya ang kanyang baby, Kamukhang-kamukha ito ni Tim. Ang nag-iisang biloy nito sa kaliwang pisngi ay tatak ng ama nito. Binuhat nya ito mula sa kinahihigaang kuna. Niyakap ni Lynn ng mahigpit ang kanyang baby. At humugos ang pangungulila nya sa ama nito. Miss na miss nya si Tim. Kailangang malaman ni Tim na buhay siya. At kailangan nyang makatakas sa buhong na si Arnulfo Alcantara.

Nasa ganito siyang kalagayan ng madatnan siya ni Arnie. "Nag-cable na ako sa Manila, para kumuha ng magiging nanny ng ating anak", Sabi nito at lumapit kay Lynn at nagtangkang akbayan ito. Automatic ang naging reaksyon ng doktora. Iwinaksi nito ang kamay ni Arnie. Muling lumapit si Arnie at tinangka muling akbayan si Lynn. Nang tabigin ni Lynn ang kamay ni Arnie, napagtanto nito na bumalik na ang alaala ng kinidnap na doktora.

Niyakap ng mahigpit ni Lynn ang kalong kalong na anak."Huwag mo akong akbayan, alam mong hindi sayo ang bata." Sabi nya sa natitilihang si Arnie.

"Anak ko yan, anak natin yan..." yun lang ang nasabi ni Arnie. At lumapit siya at marahas na hinablot ang sanggol sa pagkakakarga ni Lynn. Inilapag ni Arnie sa kuna ang bata at binalikan si Lynn. Tumakbo ito palabas ng nursery. Nataranta si Arnie, natakot siyang baka makalabas ng bahay bakasyunan ang doktora. Nag pang-abot sila sa kusina. Nahagilap ni Lynn ang isang kutsilyo. "Huwag kang lalapit," Banta nya kay Arnie. Subalit, tuloy-tuloy itong dumaluhong sa doktora, Itinarak ni Lynn ang hawak na kutsilyo kay Arnie. Dumaplis ito. Nauyot si Lynn at tumama ang ulo nya sa lamesang marmol sa kusina. Nahintakutan si Arnie ng makita ang masaganang dugo na nagmumula sa nabiyak na ulo ng kinidnap na doktora.

Si Tim ng mga sandaling iyon ay naroroon sa burol ng Kawa-kawa sa Ligao. Hindi siya mapakali. Parang nararamdaman nyang malapit na silang magkita ni Lynn. Abot-abot ang kanyang kaba. Buo na ang kanyang pasiya. Tama na ang dalawa nyang kasalanan kay Lynn. Sana ay maunawaan siya ni Leah. At pinagmasdan nya yung sulok na yun sa burol. Parang nakikita pa nya si Lynn na nakahiga sa kanyang mga hita. Parang nadarama pa nya ang tamis ng una nyang halikan ang labi nito, Ipinikit ni Tim ang kanyang mga mata. Gusto nyang muling sariwain ang sandaling iyon. Bago nya wakasan ang kanyang buhay.

Nagmamadali si Arnie. Isinakay nya si Lynn sa kotse. Tinawagan nya yung taga-linis nya na stay -out sa bahay bakasyunan nila para bantayan ang anak ni Lynn. Maraming dugo ang tumagas mula sa ulo ni Lynn.

Papalubog na ang araw. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag. Mga huni ng panggabing ibon at mga kuliglig ang maririnig sa ibaba ng burol ng kawa-kawa. Ipinikit ni Tim ang kanyang mga mata. At inihulog nya ang katawan sa bangin na nasa gilid ng burol.

"We're sorry sir but she's already dead" Sabi ng doktor sa ER. Naramdaman ni Arnie ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata...

Naramdaman pa ni Tim ang pagtama ng kanyang katawan sa matutulis na bato sa ibaba ng burol. At pagkatapos ng hapdi na naramdaman nya sa kanyang buong katawan, naramdaman nya ang isang kaluwalhatiang hindi pa nya naramdaman.

Alam ni Lynn nasa ibang daigdig na siya. Wala na siyang naramdamang kirot sa ulo nya na nabagok sa kanto ng mesang marmol. At isa lang ang gusto nyang puntahan. Parang may lakas na humihila sa kanya papunta doon. At nakita nya ang burol ng Kawa-kawa. Ang kanyang kaarawan. At ang kanyang una at huling pag-ibig.

Nang lumingon si Tim sa burol ng Kawa-Kawa, naroon si Lynn. Tama ang kanyang pakiramdam. Magkikita na sila ng kanyang kabiyak. At hindi na sila mapaghihiwalay pang muli magbiro man ang tadhana.

End of Chapter 8- Susunod Chapter 1 Book 2- Ang Binhi na Hiram