1. Home
  2. Stories
  3. Barkada: Book 1 - Part 13
Pinoy Tambay

Barkada: Book 1 - Part 13

By kingovhell ·

Sumapit ang gabi.... Masayang nag paparty ang lahat.. Malakas ang hiyawan at maingay ang tugtog na gumising sa nakahigang binata sa kwarto... Tila may masakit sa ulo ni Kaloy... Sinubukan nyang himasin ang noo pero hindi nya naigalaw ang kanang kamay nya.. Mabigat ito. Tiningnan nya ang dahilan.. May nakasubsob ng dalaga na tila tulog sa kanang kamay nya, napangiti ang binata at pinasya na lang na ang kaliwang kamay ang ipangsalat sa noo.. Nadama nya ang bendang makapal sa ulo nya.. At naramdaman nyang masakit ito.. Parang may pumalo sa ulo nya.. Nagbalik sya sa ulirat.. Naalala nya ang nangyari.. Binangon ni Kaloy ang katawan nya, sanhi para magising ang dalaga.

"Uyyy... ano??? ku-kumusta?" tanong ng halatang nag aalalang dalaga.. Hindi sumagot ang binata..

"Ano- aanong gusto mo?? nagu-nagugutom ka?? ano?? anong nararamdaman mo? masakit pa ulo mo? gusto mong tubig?" hindi malaman ni Aira ang gagawin ng makitang gising na si Kaloy.. Nagbukas na sya ng sitsirya.. Naghain ng pagkain.. Nag salin ng baso sa tubig.. at ang huli ay nag bukas ng in can na beer. Hindi sumagot si Kaloy.. Tinitigan lang nya ang dalaga at napangiti sa grabe at exagge na pag aalala nito.

"Seryoso?? paiinumin mo ako ng beer?" sabi ng binata ng makitang hindi pa din natigil sa kung ano anong ginagawa si Aira. Napahinto ang dalaga.. Dahang dahan nilingon ang binatang kitang kita nya na pinagtatawanan sya sa kinilos nya.. Tapos ay tumingin sya sa sarili at nakita ang kung ano anong nagawa nya... May beer pa na bukas..

"Ang exagge mo mag alala ha... grabe. kung ako boypren mo at makita ko na ganyan ka sa iba... sobrang mag hihinala ako at magseselos" natatawang sabi ni Kaloy. Di naman nagtawa si Aira.. Bagkus ay pinandilatan lang nya ng mata si Kaloy..

"Patawa tawa ka pa jan, ang tagal tagal kitang binantayan.. nag alala lang ako sayo" sabi nito.. Napatahimik naman si Kaloy sa narinig... Ang ngiti ay unti unting napalitan ng paghanga sa dalaga.. Napansin naman ni Aira ang pag babago ng mood ni Kaloy. Kaya mabilis syang bumawi para ngumiti ito muli..

"Kala ko nga di ka na magigising e.. iaanounce ko na sana na dedo ka na sa barkada..tas tatawag na sana ako ng purinarya.. sa morgue.." di mapakali sa pagpapaliwanag ang dalaga. Nakinig lang si Kaloy..

'tas iteteks ko na sana si Tita Ason..sasabihin ko na yung pamangkin nyo po..pinalo ng plato. tssssk..ayun dedo na.. " tuloy tuloy lang si Aira.

"Aira" hinawalan ni Kaloy ang braso nito para tumigil..pero dire diretso lang ito..

"Tapos.. ihihinto na namin party... tapos magbabati bati kami.. tapos-" di na natapos ng dalaga ang nais sabihin dahil sa isang mabilis na pangyayari ay nanlaki ang mata nya ng hilain sya bigla ng binata.. Napadapa sya sa katawan ni Kaloy.. ang mga kamay ay nasa ayos ng pag pigil ngunit walang nagawa..at ang labi ay sinakop ng labi ng binata.. Matagal.. Hindi katulad ng unang halik nila.. Mas romantiko hindi katulad ng unang halik nila..may feelings..ramdam na ramdam nya

..mas sincere ang binata.. at punong puno ng pag mamahal.. Ilang segundong tumagal ang halik ng dalawa.. Halik na walang halong libog.. halik na punong puno ng pagmamahal.. Ni hindi gumalaw ang labi ni Kaloy para magbigay ng senyales na mag simula ng mainit na pangyayari.. Nakadikit lang ito sa labi ni Aira, hindi gumagalaw ngunit kusang pinapaalam ang pasasalamat nya sa lahat lahat na nagawa sa kanya ng dalaga.. para masagot ang kanina pa bumabagabag sa isip nya..at epektibo yata dahil tila naging pang pelikula ang simoy ng hangin.. Umawit ang anghel.. Mas lumaki ang buwan.. Wala silang ibang narinig kundi ang tibok ng kanilang puso. Katahimikan ng magbitaw sila pareho.. napaiwas ng tingin si Aira.. Si Kaloy naman ay hinihintay lang ang sasabihin ng dalaga.. Napaisip sya.. Mali ang ginagawa nya.. nadala sya ng emosyon nya ..Pero bakit? ang alam nya ay si Mutya ang talagang mahal nya. Pilit nyang niloloko ang sarili na hindi si Mutya ang pinunta nya dito pero ang totoo si Mutya talaga.. At okay na sila ni Mutya.. Ilang araw pa at magkakabalikan na sila ng tuluyan.. Pero bakit iba ang sinasabi ng puso nya ngayon.. Lalo ng hinalikan nya si Aira.. Walang nagsasalita. .Si Kaloy na ang nagpasya na basagin ang katahimikan..

"Aira ." bulong nito..

"Hmmmm" sagot ng dalaga.. tumingin ito kay Kaloy. Hindi mo mababakas ang saya sa mukha nito dahil pilit nyang tinatago ang kasiyahan. .

"Sorry" sabi ng binata. . napangiti si Aira sa narinig..

"Susumbong kita kay Ram" biro nito.. Napakunot noo si Kaloy.. eto na naman .. bumilis na naman ang tibok ng puso nya .

.Narinig lang nya ang pangalan ng nobyo ni Aira..

"Tsk.. pumayag ka na halikan kita tapos mag susumbong ka" bakas sa tinig ng binata ang inis..pero mas naramadaman ni Aira na nag seselos ito... Totoo nga kaya?? Nagseselos si Kaloy kay Ram.. Lalong nakaramdam ng kilig ang dalaga at pinasya pa na sukatin kung hanggang saan kayang mag selos ni Kaloy..

"Selos?" tanong ni Aira.. Nainis si Kaloy sa narinig.. Pero sabi nga nila. .masakit talaga ang katotohanan.. totoo naman ..nag seselos sya ..Nainis sya na narinig na sinabihan sya ni Aira na nag seselos at nainis sya sa sarili nya dahil alam nyang si Mutya pa din ang mahal nya..

"Selos?? bakit naman.. bahala kayo ni Ram ah" sagot ng binata. Napangiti ng lihim si Aira.. Confirmed nag seselos nga ito..

"Di daw ..e kita mo inis na inis ka" sa wakas ay pinakita na ni Aira na nakangiti sya.. baka sakaling mahulaan ni Kaloy na nag bibiro lang ang dalaga.. Lalo namang nainis si Kaloy..

"Tssss.. pag labas ko dito kami na ulit ni Mutya kaya wala akong rason para mag selos.." sabi ni Kaloy.. Si Aira naman ang natahimik.. Nakaramdam sya ng sakit sa narinig. Napansin naman iyon ng binata..

"At saka ..hindi kagwapuhan si Ram para pagselosan ko"Dagdag pa nito.. Hindi nag salita si Aira.. naramdaman nya ang sakit na bumalot sa puso nya..nagsisi tuloy sya na biruin ang binata. Nang mapansing hindi nag sasalita si Aira ay napailing na si Kaloy..

"Makalabas na nga ..babawiin ko ang dapat ay akin" seryosong sabi ng binata at akmang tatayo.

"Magpahinga ka na lang muna ..."Tanging nasabi ni Aira.. Nainis ang binata..

"At ano? hayaan si Dan na iuwi si Mutya?" sumigaw na ang binata.. Nagulat pa si Aira ng pagtaasan sya ng boses ni Kaloy.. Mas naramdaman tuloy nya na mahal pa din nito si Mutya..

"Excuse me.. padaanin mo ako..wag kang humarang sa dadaanan ko" sabi ni Kaloy.. napaka simple. .pero ang lakas at ang sakit ng dating kay Aira.. Tumulo ang luha ni Aira.. Humikbi sya at pinunas agad iyon.. Hindi sya gumawa ng ingay para hindi mahalata ni Kaloy na umiiyak sya...

"Kaloy ... dito ka na lang muna.marami ako sasabihin sayo" masuyong sabi nito.. Huminto naman ang binata at tiningnan si Aira.. Ni hindi nya nabakas na umiyak ito..

"Ano?"Tanong ng binata at nag hintay ng tanong..

"Mahal mo ba ako?" diretsang tanong ng dalaga.. Napahinto ng saglit ang binata.. Na speechless ng ilang sandali.. Hindi nakagalaw.. isip ang gumana.. si Mutya.. si Aira.. ang katotohanan. ..kahapon..ngayon o bukas?? Yumuko ang binata.. Napuno ng katahimikan ang kwarto..

"Hindi ko alam" mahinang sagot nito..pero sapat at damang dama ni Aira ang sakit nito.. Di napigilan ng nag uunahang luha ng dalaga na pumatak..

"Bakit mo ako hinalikan" tanong nito ..

"Di ko alam" bulong ulit ni Kaloy..

"Kaloy... andami kong dapat sabihin sayo.." umiiyak ang dalaga.

"Pero mas may kailangan kang malaman bago ang lahat " dagdag pa ni Aira.. Napatingin naman si Kaloy sa kanya.. Inipon ni Aira ang buong tapang nya ... Alam nyang maraming magbabago sa susunod na sasabihin nya ..

"Mahal na mahal ka ni Mutya" sabi nito.. tuluyan na syang humagulhol.. Napakunot noo si Kaloy..

"Alam ko yun.." sabi nito ..Nag alala na naman sya sa dalaga.

"Aira.. tama na .. wag ka ng umiyak ..alam mong ayaw ko ng nasasaktan ka..Sori na kung nasigawan kita.. nadala lang ako ng emosyon ko" sabi nito Agad niyakap ng dalaga si Kaloy.. This time magiging makasarili muna sya .. lalaban sya para sa pagmamahal nya sa binata.. hindi sya magiging duwag ..

"Kaloy ..dito ka na lang oh..wag ka na pumunta dun.. dito na lang tayo" pakiusap nito at mahigpit na niyakap ang binata.. Niyakap din sya ng binata.. Ramdam na ramdam ni Kaloy ang sakit.. Sakit na hindi nya alam kung anong dahilan at pinagmulan..

"Please ... mahal kita Kaloy" sa wakas ay sinabi na ng dalaga ang matagal ng tinatago.. Umaasa sya ... umaasa sya na sa simpleng salitang ito ay magbago ang lahat.. na kung ano man ang nararamdaman ng binata para sa kanya ay katulad nya.. ipaglalaban din nya ito.. Pero ganun na lang ang lungkot nya ng hawakan ni Kaloy ang balikat nya at ilayo sya rito..

"May sarili na tayong buhay.. mayroon kang boyfriend.. at kukunin ko ang girlfriend ko..nadadala lang siguro tayo sa emosyon natin dahil sa mga naaalala natin na nakaraan natin na mayroong malisya na ngayong may isip na tayo...at saka tayo lang lagi ang mag kasama..di mo ako mahal Aira.. si Ram.. sya ang mahal mo." sabi nito

.. Lalong nasaktan si Aira.. di nya inaasahan na ganito ang isasagot ng binata...

"Please.. pag di ko sya hinabol ngayon.... tuluyan na syang mawawala sakin.. ayaw ko ng masaktang ng ilang taon" sabi pa ni Kaloy... Sa huling salitang binitawan ni Kaloy ay nabuo ang pasya ni Aira.. ramdam nya at kitang kita nya sa mata ng binata na seryoso ito.. At unti unti... binitawan nya ang lalaking buong buhay nyang minahal na lihim.. Masakit mang isipin na hanggang ngayon kailangan pa din nyang mag sakripisyo at masaktan..wala na syang magagawa.. kelanma'y hindi nya kayang tanggihan ang kaligayahan ni Kaloy.. Palagin syang masasaktan para lang maging masaya ang iba..

"Go" tanging nasabi nya... Pinunas pa ni Kaloy ang luha ng dalaga bago tumakbo palabas..

"Mahal na mahal kita" sabi ni Aira.

"Papa K.." sigaw ng bakla ng makitang parating si Kaloy..

"Asan jowa mo"Tanong ni Reggie sa binata..

"Ayun kukunin ko." sagot ni Kaloy sabay tinuro si Mutya. Dirediretsong naglakad si Kaloy papunta sa gawi nila Mutya.

"Kaloy..Kaloy ...teka"Sigaw ng bakla para pigilan ang kaibigan..

"Naku...heto na naman"Napailing si Tanya..

"Si Aira?" tanong ng bakla kay Tanya..

"Tsk tsk..ang weweird nyong mga kaibigan ko" sagot ni Tanya.

"Halika na" tili ng bakla at agad hinila ng kamay ng dalaga papunta kay Aira..

"Tol... "Nakangiting bati ni Dan kay Kaloy. Tiningnan lang sya ng masama ng binata..

"Oi..Tiger look ka na naman ..tol..sorry

...sobrang humihingi ako ng dispensa sa lahat ng naidulot ko sayo ngayong araw..tol..nagselos lang kasi talaga ako" sabi ni Dan.

"Huh?" naguluhan si Kaloy sa narinig..

"Tol tropa nayan.. ok na tayo ..mag kakaibigan tayo" sigaw ng medyo lasing na si Kris. Si Sam nama'y nasa madilim na parte at kasalukuyang kinakain ang puki ni Angel..maya maya'y umalis na naman ang dalawa..

"Tol sorry.. ok na tayo.. wag na tayo mag away away.." sabi ni Clay..

"Kumain na lang kayo..masarap ang luto ko" singit din ni Ram.

"Hoy..puntahan mo syota mo doon" ika ni Kaloy kay Ram..

"Tol.. pwede ko bang makausap si Mutya" sabi ni Kaloy at akmang lalapitan si Mutya..

"Tol.. maguusap kayo mamaya pero for now... tanggpin mo muna sorry ko at tanggpin mo kami ni Clay at Brando sa tropa" sabi ni Dan... mapungay na din ang mata nito tanda ng pagkalasing.

"Kukuha muna ako ng alak sa ref," sabi ni Mutya.. hindi pa sya handa na harapin ang dalawang lalaki sa buhay nya..

"Sama ako sis" sigaw naman ni Jema at patakbong sumunod sa dalaga..

"Tol.. oo na sige na pero pwede ko na bang kausapin si Mutya.."Pakiusap ni Kaloy.. Marami syang tanong at ang ilan ay si Mutya lang ang makasagot.. Nagulat pa ang binata ng kindatan ni Dan si Brando..

"Urgggghhhhh." namilipit sa sakit si Kris ng suntukin bigla sa sikmura ni Brando.. Kasunod nito ay sinuntok nya ito sa mukha...

"Tol..ano ba .. akala ko ba-"Naputol ang pagsasalita ni Clay..

"Tingnan mo kung may parating" ika ni Dan kay Clay.

"Ano to" tanong ni Kaloy..

"Akala mo basta basta mapapasayo si Mutya??? hindi ako kasing bobo ng iba para hindi malaman ang nangyayari..alam ko lahat .." sabi ni Dan at nag labas ng patalim

"Tol ako lang ang mahal ni Mutya"Malakas na sigaw ni Dan ... Mistulang pinaparinig sa lahat ang nang yayari. Napahinto si Mutya sa narinig.. Nasa kusina sila at rinig nya ang lahat.. binagalan nya ang kilos..bumilis ang tibok ng puso nya .. Nag aaway na naman yata ang dalawa..at sa tingin nya hindi na nya kayang makita ulit na mag sakitan ang dalawa..

"Tol ano ba ,tama na yan.. akala ko ba ok na tayo" saway ni Clay kay Dan..

"Manahimik ka dyan duwag..o gusto mong malaman ng lahat ang sikreto mo"Banta naman ni Dan sa kaibigan..

"Plaaag" sinuntok ni Clay si Kaloy... Nahilo agad ang binata.. ang murang sugat nya sa ulo ay dumugo..

"Syeet" tanging nasabi ni Clay sa nangyayari.. Kinabahan sya na baka may dumating at makita sila.. Maya maya'y biglang tumayo si Ram sa kinauupuan at lumapit kay Dan.. Isang suntok ang binitawan nito .. Kitang kita ni Kaloy ang nangyaring pag sagip sa kanya ni Ram.. Mahina ang suntok ni Ram...halatang hindi nakikipag away ang binata.. at sa isang iglap at napamulagat ang mata ng binata..

"Urggghhhhhh" anas nito sa naramdaman sakit na tumusok sa tagiliran nya..

"Syet tol" sabi ni Clay... gusto man nyang suntukin si Dan sa nagawa ay hindi sya makakilos.. Maging si Brando ay nataranta at mabilis na nilibot ang paningin kung may nakakita sa nangyari, Si Dan ay nasindak din sa di sinasadyang nagawa.. Tiningnan nya ang galit na galit na si Kaloy.. Wala itong magawa... Tulala din ang binata sa nangyari...

"Arhhhhhhhh" sigaw ni Dan .. kusang pinadaplisan nya na saksakin ang sarili.. sapat para magkaron sya ng sugat. Agad din nyang inilipat sa tulalang si Kaloy ang hawak na patalim.. Ginulo gulo ang buhok at kunwari ay humiga

..

"Tulong ..tulong .."Sigaw ni Dan.. malakas.. sapat para marinig ng lahat.. Mistulang wala sa sarili si Kaloy.. Oo, mahilig sya makipag away pero hindi sya kailanman nakasaksi ng patayan... Lalo pag inosente.. Unti unti nyang nakita na nawalan ng malay si Ram..napuno ng dugo ang kinahihigaan nito.. Kasabay ng pagdating ng ilang tao sa bahay.. Kasabay ng pagyapos sa kanya ni Brando para magkunwaring inaawat sya .. Walang nagawa ang binata..Napako sya sa kinatatayuan ...lalo ng makita nyang dumating para kay Dan si Mutya..at si Aira kay Ram.. Umiiyak ang lahat.. Natataranta ang lahat.. At lahat ay masama ang tingin sa kanya.

.Hindi pa malinaw ang pandinig nya... Pero alam nya sa sarili na kailangan nyang idefend ang sarili nya..