1. Home
  2. Stories
  3. Barkada: Book 1 - Part 16
Pinoy Tambay

Barkada: Book 1 - Part 16

By kingovhell ·

Bakas sa mukha ng lahat ang pagkadismaya sa sarili matapos marinig ang side ni Clay. Ang rebelasyon ni Tanya. Ang katotohanan.. Mataas ang tensyon sa labas ng E.R na kinakailangan pa nilang lumabas Hospital para pag usapan ang lahat.. Si Aira ay naiwan sa pinsan nya, binantayan nya ito at nagpasya na wag na munang makisama sa usapan. Quota na sya sa mga nangyari ngayong araw.. Dehydrated na nga ata sya sa sobrang daming luha nya naiiyak.. At ang alam lang nya e mali sila.. Nagpasya sila ng mabilis.. at sa huli ay si Kaloy ang naipit. Ang gulo na masyado.. at hindi na nya alam kung kaya pa ba nyang tumagal.. Nakakapagod ang maghapon.. Madaling araw na at heto pa rin ang iba na pinoproblema ang nangyari. Napaka memorable ng birthday ng bakla, ng anniversary ng grupo, ng pagkikita nila muli ni Kaloy..

"Haaaaay..gumising ka na cuz.. ikaw lang makakapag bigay linaw ng lahat" sabi ng dalaga sa nakahigang pinsan.. Maya maya'y nagpasya na din itong umidlip..

"Hindi ba sinabi ni Aira na pinsan nya si Ram" tanong ng natatarantang si Clay ng nakarating sila sa harap ng sasakyan ni Reggie.

"Wala nga ..at itong si Kaloy nga e lasing pa sa pag mamahal sa nakaraan nya" sagot ni Reggie.

"E ito si bakla e . niyaya ako agad na sundan si Aira, " paninisi ni Tanya..

"E nataranta nga ako..asan na ba yung iba... tang ina naman...bakit magkakahiwalay pa tayo" tili ng bakla..

"Ah si Mutya kasiping sigurado ngayon si Kaloy.. Yung boylet mo at si Dan, sigurado nagtatago na mga yon" sagot ni Tanya.

"Sinamahan ko si Mutya para kumuha ng alak kasi natakot ako na maiwan..puro lalaki sila tas si Kris e lasing na nun" nakisali na din si Jema..

"Alak? bakit kukuha ng alak? andaming alak sa mesa ah, ni hindi nga maubos" sagot ni Clay.

"Wow... nagsisisi na sya" irap naman ng bakla sa binata..

"If i know.. kaibigan ka pa din nila.. How can we trust you" sabi pa nito..

"Putang ina naman.. heto nga't ako kasama nyo na ko..."Galit na sagot ng binata.

"Bahala kayo kung ayaw nyo ako pag tiwalaan,basta i don't have plan on losing my girlfriend.."Dagdag pa nito.. Natahimik ang lahat..

"Mahal na mahal ko sya ..and if she's doing it for her friends...then im doing it with her.. sasamahan ko sya" nakayuko at punong puno ng sinseridad ang boses ni Clay.. Napangiti naman si Tanya sa narinig.. Mukhang napag bago na nya ng nobyo..

"Hoy..wag kang mag mura.. one bad action mo ..di ako magdadalawang isip na ubusin ngipin mo" singit ng kadarating na si Sam.. Nakuha pang magtawanan ng lahat sa narinig..

"My god. ..shades of Kaloy ng dating ah" sabi ng bakla...

"Masyado kasi kayong seryoso.. "Ika ni Sam..

"Kumantot ka na naman.,naku ...malibog talaga" tili ng bakla.. Maya maya'y lumapit si Angel kay Reggie..

"Reg.. sorry nga pala. Hindi ako lumugar kanina nung nakialam ako..Nakalimutan ko na friendship nyo nga pala ang nakatayo kanina.. Natense lang kasi ako kasi kadamay si Sam....and seriously, nag aalala din ako kay Kaloy..kasi sobrang halaga nya sa nyo..kay Sam.. and im sorry for-"

"Eppp epp.. ako ang dapat mag sorry" di na pinatapos ni Reggie ang sasabihin ni Angel..

"Saka may karapatan kang manghimasok, kaibigan ka din naman...and ayun...tense din ako kanina..im sorry girl" sabi pa nito.. Agad nag yakap ang dalawa..

"One thing AngeL" sabi ng bakla.. Napataas ng kilay ang dalaga.

"Wag nyo dalasan pag aano nyo..grabe ka

..mamaya mabuntis ka nyan..di kaba nang hihinayang sa body mo ..pag nagkababy ka tataba ka na..at saka ..kaya ka na bang buhayin nitong demonyong malibog na to" biro ng bakla habang sinasabunutan si Sam. Nagtawanan ang lahat..

"Yun na nga ang plano namin e.. and kaya naman siguro namin..saka wala na kong dapat ika conscious sa body ko pag nag kababy kami, kasi wala naman na akong dapat pag pagandahan coz nasa akin na yung lalaking gusto ko"Sagot ng dalaga..

"Naaaaaks" nagkantyawan ang lahat..

"Ayyyy..bongga... i love you na girl" sabi ng bakla at niyakap ito..

"Anong palagay mo sa kin Reggie?? mahirap?? tskk... "Tawa ni Sam.. Nagtawanan lahat..

"Guys.... ano na? may problema pa tayo di ba??" singit ni Jema..

"Kailangan kong makausap si Brando"Sabi ng bakla..

"Reg... wag kang magisang lalapit dun"Banta ni Clay..

"Boypren ko pa din sya and siguro naman di nya ko kayang saktan physically... emotionally lang" pagdadrama ni Reggie.

"Sa pag kakaalam ko Reggie, magkakababy na sya .. you should see the girl.. yung kinakasama nya .lahat ng luho..nakukuha nya kay Brando..at lahat ng luho ni Brando nakukuha nya sayo.. He's literally using you.." sabi ni Clay..Seryoso pa nitong tiningnan si Reggie.. Napatahimik muli ang bakla.. Nasaktan sya. Hindi dahil sa perang ginastos nya kundi ang katotohanan na walang makakatanggap sa kasarian nya..

"How do you know all of this" tanong nito.

"Kaibigan ko sya" sagot ni Clay..

"Then why are you telling all of these?" tanong muli ng bakla.. Ngumiti lang si Clay..

"Kasi kaibigan din kita" Napangiti si Tanya sa narinig.. Dahil dun ay hinawakan nya ang palad ng nobyo..

"Thank you,, i love you babe" bulong nito sa binataa..

"I love you too babe" sagot ni Clay..

"May i interrupt?" sigaw ng binata..Lahat ay nagtinginan sa kanya..

"Putang ina mooooo" sigaw ni Sam mabilis na kumilos upang puntahan ito ngunit agad syang napigilan ni Clay.

"Tol ..relax, wag dito..wag ngayon" sabi nito..

"Ano na naman Dan" sigaw ni Clay.. Si Reggie naman ay natameme lang ng makita si Brando na kasama ni Dan.. Ni hindi ito makatingin sa kanya.

"Im sorry..wala akong balak mang gulo..nandito lang ako para sabihin na lahat ng nangyari ay aksidente , hindi ko ginusto

..at nagawa ko lang dahil mahina ako" paliwanag ni Dan.

" sa presinto mo na yan ipaliwanag" sigaw ni Sam

"Angel" pinandilatan naman ni Tanya si Angel para ipaalam na pigilan ang nobyo.. Agad namang nilapitan ni Angel ang nobyo para awatin.

"Look"Ika ng Binata at inilahad ang cellphone sa lahat.. Kinuha ito ni Tanya at binasa ang mensaheng nasa inbox..

"Wag mo na kaming guluhin Dan, masaya na kami ni Mutya. Nandito sya ngayon sakin..Di ka na nya mapapatawag sa ginawa mo..maraming salamat sa pag saksak mo kay Ram.. nagkaron ng dahilan si Mutya para bumalik sakin..Subukan mong lumapit samin ngayon. sasabihin ko lahat ng totoo sa pulis at ako mismo ang papatay sayo" message ni Kaloy.. Lahat ay naguluhan sa nabasa.

"Techy na si Kaloy ngayon?" sabi ng namunawan ng si Sam..

"Number ni Mutya to..so meaning magkasama nga sila" sabi ng bakla...Pinandilatan pa nito ng mata si Brando..

"As i say" pagsang ayon ni Tanya..

"Di yan si Kaloy.. hindi ganyan ang angas nya" sabi ni Sam..

"Dapat ang ending ng message nyan e uubusin ko ngipin mo di ba ? yun ang catchphrase nya" sabi din ni Tanya..

"So maybe may possibility na si Mutya ang nagteks..why would she do it?" tanong ni Clay..

"Baliw sya kay Kaloy.. from the moment na nakita nyang naging sweet si Aira at Kaloy, isa lang naisip nya... Ang magkabalikan sila..

" paliwanag ni Dan..

"At basically.. yun ang reason kung bakit kumukulo ang dugo ko kay Kaloy"Dagdag pa nito. Naguluhan muli ang lahat..

"E di ba ok na kayo?" tanong ni Reggie.. Nakalimutan nila ang nangyaring insidente dahil gusto nilang maging malinaw muna ang lahat.. At ayaw na nilang maulit muli ang nangyari kanina na mag desisyon sila ng hindi naririnig ang katotohanan.

"Before we had six..sinabi ni Mutya na tigilan ko na si Kaloy..on that, pumayag na ako.. then biglang sinabi nya after namin mag six na hinding hindi kami matatahimik hanggat andyan si Kaloy.. and she said na ituloy ko ang plano at sinabi nya na sya na bahala mag baliktad.. di ko inaasahan na susugod si Ram sakin.. nawala ako sa pag iisip nun at nung bumalik ako sa ulirat .. alam kong wala na kong lusot nun. sinugat ko sarili ko saka ako humingi ng tulong" saad ni Dan.. Napailing ang lahat. .kani kanyang sisihan ng kani kanilang sarili..

"At wala kang ginawa para pigilan yun"Sigaw ng bakla kay Brando..

"What? don't put the blame on me.. hindi ako ang sumaksak.. wala akong kasalanan" sagot ni Brando...

"Wala kang ginawa para pigilan ang sitwasyon at sinuntok mo si Kris" sabi ni Tanya.. natahimik ang lahat maging si Brando.. Humagulhol ng malakas ang bakla,

"Bakit Brando..after everything ..akala ko totoo ka...bakit kailangan mong ipamukha sakin na ako yung tipo na niloloko lang dahil sa ganito ako"Sumbat nito ..

"Reg tama na" sinubukan namang patahanin ni Tanya ang kaibigan.. Mistulang binuhusan naman ng malamig na tubig si Brando.. Tumatak sa isip nya ang sinabi ni Reggie at tumagos ito sa puso nya. Walang ibang ginawa si Reggie kundi ibigay lahat ng hindin nya tapos eto at niloko lang nya ito..Wala syang magawa..o wala syang ginawa dahil wala syang choice..

"Sorry... pero mas masasaktan ka lang kasi kapag nalaman mo" sagot ni Brando.

"Mas sinaktan mo ako kasi nag mukha akong tanga" umiiyak pa din si Reggie. Katahimikan.. Sobrang gulo ng ngayon at hindi na nila alam kung maaayos pa ang lahat ..at kung maaayos man..pano at san sila mag sisimula..

"Pupuntahan ko sila Mutya" sabi ni Dan sa lahat..

"Sasama ako..di ako dapat mawala sa eksena" ika ni Tanya.. Wala namang nag sasalita pa..

"Susunod kami." sabi ni Sam..

"Naku hindi na ako aasa Sam..mamaya malibugan ka na naman at mawala" sagot ni Tanya.. Walang natawa sa sobrang taas ng tensyon ngayon.. Naggayak na ang lahat at akmang sasakay na ng sasakyan nya si Reggie na nagpupunas ng luha ng pigilan sya ni Tanya.

"Sumunod ka sakin" sabi nito..

"Hoy Brando.... sumunod ka din" utos pa nito para namang bata na sumunod si Brando sa dalawa..kinain sya ng guilty nya kaya wala syang nagawa lalo't alam nyang nakasakit sya ng damdamin ng iba.

"Sis.. " nagdalawang isip pa si Reggie na sumunod na marinig nyang kasama nila si Brando. Parang bata ito na ayaw makinig..

"Wag ka ng makulit Reg.. wala na tayong oras..kailangan matapos na ito ..napapagod na ako ..at gustong gusto ko ng magpahinga" sabi ng dalaga.. Si Reggie man ay nakaramdam na din ng pagod..kaya wala na itong nagawa kundi sumangyon at sumunod sa dalaga papunta sa ward ni Ram..

"Anong plano mo? tanong ni Clay kay Dan, ngayon hindi na ito bulong ..rinig na ito nila Sam, Angel at Jema..

"Di ko alam.. the last plan i made didn't work out" sagot ni Dan.. Tinapik lang ni Clay si Dan at nginitian..

"Mahal mo ba?" tanong nito..

"Sobra" sagot ni Dan.

"Then you should always have a plan on winning her" Napalingon si Dan sa kaibigan at nanibago sa narinig dito..

"But remember.. good plan.. good choice.. good decision will lead you in good situation" dagdag pa ni Clay.. Nginitian din sya ni Dan sa narinig.

"Salamat" tanging nasabi nito...

"Sis..sis..uyyyy.." inalog alog ni Tanya ang katawan ni Aira para magising .. Pupungas pungas pa ang dalaga at naghikab ng makitang kasama nila si Brando..

"Ano to" gulat ang ekspresyon ng dalaga ..

"Mahabang kwento sis.. basta.. tara sumama ka" sabi ni Tanya.

'teka.. teka lang ..saan na naman" binawi ni Aira ang kamay nya ng hawakan ito ni Tanya para hilain...

"Mamaya ko na ipapaliwanag" sabi ni Tanya. Di naman nag iimikan si Brando at Reggie.

"Eh.... ano .. tsk" di malaman ni Aira ang gagawin.. nag kamot pa ito ng ulo.

"Wag ka ng mag isip.. naman..mahal mo ba si Kaloy" tanong ni Tanya.. Nagulat si Aira sa narinig na tanong mula sa kaibigan, at sa di malamang dahilan, bumilis ang tibok ng puso nya ng marinig ang pangalan ng binata.. Tumango lang si Aira.. Napayuko pa ito dahil nakaramdam ng pagkahiya dahil di sya sanay na sinasabing mahal nya si Kaloy.. Kinilig naman si Tanya sa ikinilos ni Aira..

"Ikaw ha.. malihim ka din pala .." sabi nito sa kaibigan.

"Kung sana noon mo pa sinabi yan ..alam mo namang botong boto ako sayo sa lahat ng aksyon mo" dagdag pa ng dalaga. Ngumiti lang si Aira..

"Halika na bawiin natin si Kaloy" excited na yaya ni Tanya..

"Maiwan na kayo dito bakla..mag usap kayo" sabi pa nito..

"Pero-" di na natapos ni Reg ang ihihirit ng makitang pinandilatan sya ng mata ni Tanya.. Sa unang pagkakataon ay natakot sya sa dalaga at natalo.. Kasunod noon ay hinawakan muli ni Tanya sa braso si Aira..at this time.. hindi na nagdalawang isip si Aira na sumunod ng tumakbo si Tanya.. Napangiti si Aira.. nakaramdam ng konting pag asa.. alam nya.. possible pa ..

"Ang sarap nun mahal" panlalambing ni Mutya sa nakabihis ng binata.. Nagbihis na muli ang dalaga matapos ang mainit na tagpo nila ni Kaloy.. Di nag sasalita si Kaloy..

"Mahal" tanong ni Mutya.. Ni hindi din sya tinitigan ng binata. Mistulang nagiisip ito,, lumilipad ang isip.. Hinalikan sya ni Mutya.. Nagulat ang binata.. Naramdaman nya ang labing dumampi sa labi nya.. Tiningnan nya kung sino ang humalik sa kanya at pakatingin nya ay si Aira ito. Nagulat si Kalo. Bumitaw at winaksi ang imahe ng dalaga sa isip.

"Mahal, may problema ba" tila napansin ni Mutya na may iniisip ang binata.. Tiningnan lang sya ni Kaloy.. Pilit hinanap ng binata ang sparks sa pagitan nila.. Matagal nyang tinitigan sa mata ng dalaga.. hanggang unti unti.. naging mukha na naman ni Aira ang nakita nya .. Nangilid ang luha ni Kaloy... Napatawa sya. nag mix emotions ang binata.. Heto't nasa harap na nya ang babaeng matagal na nyang pinapangarap na makasama muli.. heto na ang oras na hinihintay nya na maging ok sila ..Ok na sila.. OK na Ok na ..pero bakit parang may kulan ..bakit parang may mali.. bakit may hinahanap sya.. bakit hindi perperkto ang ngiti ng dalaga para sa kanya.. Posible nga kaya?? na nahuhulog sya? o mahal na nya si Aira. Posible nga kaya na obsessed lang sya sa konsepto na maaari pang maulit ang nakaraan nila ni Mutya kaya palagi nyang naiisip na mahal pa din nya ito.. Posible nga kaya na dinadaya na lang nya ang sarili nya na hindi sya nag seselos kay Ram. Napahinto ang binata.. Tiningnan nya si Mutya.. Nakatingin din ito sa kanya at ngumiti ng magtama ang mata nila. Eto na ba ang karapat dapat talaga sa kanya?

"Possible kaya?" parehong tanong nila Aira at Kaloy sa sarili nila..