1. Home
  2. Stories
  3. Barkada: Book 2 - Part 7
Pinoy Tambay

Barkada: Book 2 - Part 7

By kingovhell ·

Maagang gumayak si Kaloy para pumasok.

Maganda ang naidulot ng maaga nyang pag tulog dahil sa pagod kahapon.. Naalala pa nya ang nangyari kagabi.. Muling kumirot ang puso nya pero tinalo ng ngiting pilit na ipininta nya sa labi nya ang sakit na iyon..

Kasalanan din nya.. Dapat hindi sya umasa..

Dapat hindi nya inasa sa isang araw.. ang maraming pangako nila ni Aira.

"Good morning" masayang bati nya kay Tanya.

Nagulat ang dalaga sa pagiging masigla ni Kaloy..

"Good morning .."Takang bati ni Tanya..

"Some changes ah" ika pa ng dalaga..

Walang imik ang binata..agad itong lumapit sa dalaga at siniil ito ng halik..

"Uhhhhmmpp" pinigilan ng dalaga na nagulat sa ginawa nya si Kaloy..

"A big change huh" sabi ulit ni Tanya.

Ngumiti lang si Kaloy.

"Tabi tayo matulog mamaya?" tanong ng binata sa kanya.. Napangiti si Tanya..

"Sige ba.. gusto mo wag na tayo pumasok e.." biro ng dalaga..

"Di pwede e.. tatapusin ko studies ko" sagot ng binata..

Napatulala si Tanya sa kinilos ni Kaloy.. ibang iba ito.. naisip nya ang nangyari kagabi.. siguro gawa ng nalaman nito..

"Hmmmm niloloko nya siguro sarili nya para pasayahin lang ito" sabi ni Tanya sa sarili..

Nagkibit balikat ang dalaga.. Kahit sya man ang gawan ng ganun ng kasintahan nya na pinangakuan sya ay siguradong gagawa at gagawa sya ng way para pasayahin ang sarili.

"Hatid mo na ko"Sabi ni Kaloy kay Tanya..

Ngumiti ang dalaga.. Inalis nya sa isip ang mga naglalaro dito.. Mamayang gabi ay tabi sila ng binata matutulog kaya gusto na nyang madaliin ang maghapon.

"Ingat ka jan. at saka ano.. mamaya ha..yung sabi mo" sabi ni Tanya kay Kaloy..

"Oo ..mag ready ka" kumindat pa ang binata sa dalaga..

"Damn..... naman e..pinapainit mo ako" sabi ng dalaga.

Tumawa lang si Kaloy..

"Quickie??" alok ng dalaga sa kanya..

"Nah... itabi mo yan para mamaya.. late na ako" sagot ng binata..

Nakasimangot na umalis si Tanya.. Sana ganito na lang palagi.. Mas ok pa na makita nyang nakangiti ang binata kesa nasasaktan ito..

Nilakad ng binata ang papunta ng room nila..

May ilang tinititigan sya.. Ilang grupo ng kalalakihan at ilang grupo ng kababaihan at kabaklaan..

"Tol" sigaw ni Bryan sa kanya..

"Ow?" bati ng binata.

"Wala..pasabay lang maglakad.. sikat ka na ah..narinig ko kahapon pinag uusapan ka ng mga 3rd year na babae.. pogi ka daw" sabi ni Bryan..

"Ows?? sino sa kanila?? pakilala mo ako" sagot ni Kaloy..

"Pakilala?"Nagulat si Bryan sa sagot ni Kaloy.. Sigurado kasi sya na di interesado ang binata sa babae dahil may girlfriend na ito pero iba ang sagot nito sa kanya ngayon.

"Oo .. ayaw mo ata" sagot ni Kaloy.

"Sige mamaya sa hapon.pero di ba may girlfriend ka sa Amerika" ika ni Bryan,

"Oo nga " sagot ni Kaloy at ngumiti lang ..

Hindi pa sya handa para ipaalam sa mga bagong kaibigan na kasal na sa iba ang girlfriend nya..

Napangiti din si Bryan.. "Ikaw ha.. pero don't worry ..di ako madaldal" sabi ni Bryan.

Tiningnan lang sya ng binata..

"Uyyy Kaloy" sigaw bigla ng dalaga sa likod nila..Si Leslie.

"Hi Leslie" bati ni Kaloy sa kanya at agad kinuha ang bag ng dalaga para buhatin.

Kinilig naman ang dalaga sa ginawa ni Kaloy..

"Uyyyyy" kantyaw ni Bryan na siniko ni Kaloy.. inakbayan pa ni Kaloy ang dalaga na parang syota nya sa harap ng madaming tao..lalo tuloy namutla ito.

"Leslie.. Tol?" takang tawag sa kanila ng binata sa likod..

"Ow Jonas" bati ng binata..

Di nakapag salita si Jonas.

"Bakit tol?" tanong ni Kaloy ngunit di sumagot ang binata.. Sobrang sakit.. Naalala tuloy nya ang kinwento ng Ate nya kagabi tungkol sa binata..

Agad tumakbo si Jonas palayo sa kanila..

"Bye papa" sigaw pa ng ilang nakakita sa binata..

"Problema nun" tanong ni Kaloy kay Bryan..

"Uhmmmm" nguso ni Bryan sa braso ng binata na nakaakbay kay Leslie..

"Selos?" tanong ng binata..

Tumango lang si Bryan,

"Bat mag seselos di naman nya Girlfriend si

Leslie.."Sabi ni Kaloy..

"Oo nga ..ang kulit kulit nun..sabi ng ayaw ko sa kanya e" pag singit ni Leslie at niyakap pa ang isang kamay sa bewang ni Kaloy..

Napailing si Bryan sa sitwasyon..

Buong klase ay katabi ni Kaloy si Leslie at may sulyapan sila palagi na sobrang kinakakilig ng dalaga..Si Jonas naman ay sagad na sagad ang inis sa binata..

Bagong kilala lang nila dito at heto't aagawin pa si Leslie sa kanya.. Lugar na malapit ng mahulog ang babae sa kanya ay lalo pang napalayo gawa ng pagdating ng binata..

Break.. Magkakasama sila Kaloy.. Bryan at

Kian ng lapitan sila ni Jonas..

Lumapit sa tatlo si Jonas at tumayo sa harap ni Kalo..Agad naging sentro ng atraksyon ang mesa nila dahil kay Jonas..

"Uyy tol" bati ni Kaloy dito..

"Tumayo ka jan." utos ni Jonas..

Natawa si Kaloy sa narinig .. Inuutusan sya ni Jonas..

"Bakit" tanong nya dito..

"Pataaay" bulong ni Bryan at napailing..

"Tumayo ka" sigaw ni Jonas..

Agad tumayo si Kaloy, agad ding tumayo si

Kian at Bryan dahil alam nilang hindi maganda ang mangyayari..

Agad tinulak ng malakas ni Jonas si Kaloy..

Sinlaki lang sila kaya napaatras si Kaloy sa pagtulak nito..

"Ano.. di ka pa kuntento?" tanong ni Jonas kay Kaloy.

"May girlfriend ka ..tapos.. si Ate ...at ngayon si Leslie" tinulak sya muli ni Jonas..

Napangiti lang si Kaloy pero nakaramdam sya ng konting inis..

"Tol..tara na ..pasok na muna tayo" saway ni Bryan kay Jonas.. Si Kian ay nakaabang lang sa kilos ni Kaloy.. Alam kasi nyang mapanganib ang binata.

"Ano.." tinulak muli ni Jonas si Kaloy..

"Lumaban ka" sinuntok ng binata sa dibdib si Kaloy. Mahina.. parang batang sumuntok..

"Di ka makuntento sa girlfriend mo ..kaya nag hahanap ka ng kapalit?" sabi pa ni

Jonas at sinuntok muli ng malalakas na suntok si Kaloy..

"Pa tattoo tattoo ka pa..lumaban ka.. akala mo natatakot ako sayo..ano" galit na galit si

Jonas..

Nagkuyom ang kamao ni Kaloy,, Napayuko sya ..di nya nagustuhan ang sinabi ni Jonas..

"Tol" sabi ni Bryan kay Kian.

"Anung pinag sasasabi mo?" ika ni Kaloy kay

Jonas..

"Wala akong ginagawa sa Ate mo" sabi ng binata..

"Wala?? wala ?? kaya pala... oo..siguro sayo wala yun. maghahanap ng babae tas liligawan.. gawain mo naman siguro yun.. tapos pag malandi ang babae..papatol agad sayo..siguro malandi din yung girlfriend mo kaya napasagot mo sya" sigaw ni Jonas..

Napuno ng galit si Kaloy..

Kinusot nya ang kuwelyo ng binata at isinaldak sa malapit na pader at ibinwelo ang kamao sa mukha ni Jonas..

"Tol"Agad inawat ng dalawa si Kaloy.

"Wala kang alam sakin kaya wag na wag mong idadamay si Aira dito" gigil ang binata.

"Dinamay mo din kasi ang Ate ko.. tapos si

Leslie.. kala ko kaibigan kita" umiyak si

Jonas.. magkahalong takot..at galit ang naramdaman ni Jonas.. takot kay Kaloy..galit sa binata..at galit sa sarili dahil wala syang magawa..

"Ano ..ituloy mo.. kasi ganyan ka naman talaga.. dyan ka lang magaling ..makipag away.." sabi pa ni Jonas..

"Naiintindihan kita.. alam kong wala kaming halaga sayo at gagamitin mo lang kami hanggang matapos ka at maabot ang pangako nyo ng girlfriend mo ..pero wag ka naman sanang mandamay ng mga inosenteng tao na nagbibigay halaga sayo"Sabi pa ni Jonas.. tumutulo ang luha nito..

Napahinto si Kaloy. Di nya naituloy ang suntok..

Nablanko ang isip nya..

"Stop it" sigaw ng dalagang lumapit sa kanya..

Agad itong humarang sa pagitan nila ni

Jonas.

Nagulat si Kaloy... Nasa harap nya ngayon si Ella.. bumagal na naman ang oras.. Bumilis ang tibok ng puso nya..

"Kung galit ka sakin.. ako ang suntukin mo" sabi nito kay Kaloy..

Tinitigan ni Kaloy si Ella.. konti na naman ang pagitan ng mukha nila..

Agad binitawan ni Kaloy si Jonas na mabilis sinambot ni Ella..

Maya maya'y nag alisan na ang lahat....

"Walang magsusumbong ..lagot kayo dyan pag nagsumbong kayo" sigaw ni Bryan at

Kian sa lahat.

Lumakad palayo si Kaloy ..Di nya alam kung anong nangyayari..

Tiningnan nya si Ella .. Galit itong nakatitig sa kanya..Napailing ang binata..

Uwian... Nag paiwan si Kaloy sa klassroom..

Hinintay nyang umalis muna ang lahat bago sya tumayo ..

Siguro'y mas mabuti pa na mag isa sya kesa madamay lang ang lahat sa gulo ng buhay nya..

Nagulat pa sya ng paglabas nya ng klasroom ay saktong papasok si Ella sa room nila..

Parehas nagulat ang dalawa..

Agad naman umiwas ang dalaga at mabilis na lumakad palayo..

"Mika" sigaw ni Kaloy at hinabol ang dalaga..

"Ano?" tanong ng dalaga sa kanya..

Napakamot ng ulo si Kaloy ..Para syang torpe na merong gustong sabihin pero walang nalabas sa bibig nya.

"Ano?" tanong ng dalaga..

"Sorry kanina.. sobrang dami ko lang iniisip kasi" sabi ni Kaloy at nginitian ang dalaga..

"Dinadamay mo kami sa problema mo e" sabi ng dalaga sa kanya..

Napatawa ang binata ..

"Oo nga ..kaya nga sorry" sabi nito..

Tahimik lang syang tiningnan ng masama ni Ella.

Naglakad ang dalaga.. Sinabayan nya ito..

"Bakit nasabay ka sakin?" tanong ng dalaga..

"Hoy..kapal mo ..di kita sinasabayan

..assumera" marahas na sabi ng binata. pinandilatan sya ni Ella.

"Wag kang makasagot sagot ng ganyan

..akala mo nakalimutan ko na ginawa mo kanina sa kapatid ko.." sabi ng dalaga..

"At kahapon" napayuko pa ang dalaga at sinadyang hinaan ang boses sa huliing sinabi.

Napangiti si Kaloy sa narinig... Ang ganda talaga ng dalaga..

"Pagdala na kita ng bag" sabi ni Kaloy at inagaw ang shoulder bag ni Ella.. Agad naman itong nilayo ng dalaga sa kanya .

"Para paraan mo.. lahat ba talaga ng babae kailangan mong ipagdala ng bag" sabi ng dalaga..

Napasimangot si Kaloy sa nasabi ni Ella..hindi nya ito naintindihan pero naalala nya na kanina ay pinagdala din nya ng bag si

Leslie. Napangiti sya muli..

"Ahhh.. sinusubaybayan mo ako" biro ng binata..

Nanlaki ang mata ni Ellas sa narinig.. Nag blush ito..

"Hindi ah..kapal mo" sagot nya..

Napatawa lang ang binata..

Katahimikan..

"Wala na kami ng girlfriend ko" malungkot na sabi ni Kaloy..

"So?" malanding sagot ng dalaga at diresto lang sa paglalakad.

"Kasal na sya" sabi ng binata.. Agad napatingin si Ella sa kanya at huminto sa paglalakad..

"Di nga?" tanong nito na parang interesado sa narinig..

Tumango lang si Kaloy at pilit na ngumiti.

"Sinabi sakin ng isa kong kaibigan kagabi" sabi pa ng binata.

Natahimik si Ella..

"Griffin na ang surname nya sa FB ." sabi ng dalaga.

Napatingin sa kanya si Kaloy at nalungkot sa narinig..

Umupo ang dalaga sa bench na nasa labas..

May gusto syang sabihin kay Kaloy.

Naupo din ang binata sa tabi ni Ella..

Sumimangot ang dalaga..

"Di pa tayo bati.. dun ka sa malayo umupo" irap sa kanya ng dalaga.. napatawa si Kaloy at lumayo kay Ella.

"Inaccept nya friend request ko" umpisa ni Ella..

Nakinig lang ang binata.

"Nag message kami.. sabi ko klasmeyt ka ng kapatid ko.. Kinumusta ka nya.. sabi ko ok ka lang .. tapos sabi nya. . kasal na nga daw sya and not quite sure daw sya kung babalik pa sya sa Pinas.." sabi ni Ella..

"Sinabi ko na hinihintay mo sya pero sabi nya wala ka na daw dapat hintayin..ayaw daw nya na umasa ka pa.. wag mo daw sya isipin..isang araw lang daw yung relasyon nyo at di daw sya sigurado nung araw na yun kasi pressure sya sa pagpapakasal nila ni

William, at ikaw daw pressure ka nun dahil kay Mutya.." ika ng dalaga..

Tiningnan nya si Kaloy.. Hindi na kumikibo ito.. Tahimik na nakatungo ang binata..

"Kaloy" ika ni Ella sa kanya.. Nag alala ang dalaga..

"Huyy.. umiiyak ka " biro nito..

Nakita pa nyang nag pahid ng luha ang binata..

"Di noh" sagot ni Kaloy.. garagal ang boses ng binata.. halatang umiyak ito..

"Tara.." sabi ni Kaloy at tumayo na..

Tiningnan lang sya ni Ella tapos tumawa ito..

"Halaaa umiyak nga sya ...ang arte" biro ng dalaga at tumawa pa ito..

Napatawa si Kaloy sa inasal ng dalaga..

"Grabe ka... nag drama na nga ako tas lalaitin mo pa ako" sabi ni Kaloy sa dalaga..

"Eh ikaw e ..pakunwari ka pang hindi umiyak" sabi ng dalaga..

Napangiti si Kaloy.. Agad nyang inalis ang sakit sa puso nya at ngumiti.. Mabuti na din siguro ito kesa tumagal pa ..at least alam nya ngayon na he still have Ella.

"So bati mo na ako?"Tanong nito sa dalaga..

"Hmmmmmmmm" kunwari nag isip si Ella.. kinagat pa nito ang daliri nya na lalong nagpaganda sa dalaga..

"Syeeet" bulong ni Kaloy sa sarili..

Nakalimutan nya si Aira.. at sa ngayon...walang ibang nasa isip nya kundi ang dalagang nasa harap nya..

"Wag mo na aawayin yung kapatid ko...wag mong aagawin sa kanya si Leslie ..please lang ..iba na lang " sabi ni Ella..

"Ikaw na lang" sagot ni Kaloy..

Napatigil si Ella.. Maging si Kaloy ay nagulat sa sinabi nya...Naalala ng dalaga ang ginawa ni Kaloy sa kanya kahapon..

"Ayan ka na naman" sabi nya sa binata..

"Hindi na ..sorry" bawi agad ni Kaloy.

Naisip ng binata..siguro'y ayaw pa din ng dalaga na mag kaboypren..

"So bati na nga tayo?" tanong ni Kaloy..

"Oo na..mag behave kana.. isipin mo muna sarili mo ngayon..kesa iba.."Payo ng dalaga sa kanya..

Ngumiti si Kaloy sa nasabi ng dalaga..

"Kiss ko nga kung talagang bati na tayo.."Biro ng binata..

"Ito gusto mo?" sagot ng dalaga at iniangat ang palad nya at bumwelo ng sampal sa binata.

"Hindi ...ok na ..bati na tayo"Sabi ni Kaloy at nagtawanan sila..

"Tara..hatid mo na ako.."Yaya ng dalaga sa kanya..

Sumunod ang binata..Bago pa umikot si Ella patalikod sa kanya ay sinulyupan nya ang katawan ng dalaga. Napangiti sya sa napansin..

"Uyyyy me sando ka na ah.. tinatakpan mo na ngayon huh" biro ng binata..

Namutla ang dalaga..

"Oo inaaraw araw mo kasi ang paninita sa kin" sagot ng dalaga..

"Aba e dapat lang naman ah..pag ako naging boypren mo ..di pwedeng babastusin or i vivisual rape ng iba" sabi ni Kaloy..

"Anong visual rape" tanong ng dalaga.

"Yung nirarape ka nila sa isip nila habang tinititigan ka" sagot ng nagtatawang binata..

"Grabe..exagge mo"Sagot ng dalaga at nakitawa na din..

Natahimik sila ulit..

"Akin na bag mo" sabi ni Kaloy sa dalaga at buong pusong huminto para hintayin ang pag abot sa kanya ng dalaga ng bag..

Kinilig naman si Ella sa binata.. Kahit si Ron ay hindi ito nagawa sa kanya..or kahit yung ibang nanligaw sa kanya..

Ngumiti si Ella.

"Yung style mo para kang snatcher e... kung di ka lang-" nag roll eyes si Ella na umirap sa binata at napangiti. Nasilayan ng binata ang brace ng dalaga Ang ganda nya talaga..

"Pogi" sabi ni Kaloy ng hindi naituloy ng dalaga ang sasabihin nya..

"Wala akong sinabi no,asa ka.." sagot ni Ella.

"Kunwari pa..akin na bag mo" ulit ng binata.

" ano ba ..lapit lapit na e ...siguro snatcher ka noh" tanong ng dalaga sa kanya...

"Grabe ..snatcher?"Tanong ng binata.

"Oo ..ninakaw mo kasi puso ko" mahinang bulong ng dalaga na di nakalampas sa pandinig ni Kaloy..

Napangiti pa na umiwas ang dalaga ng tingin sa binata.

"Tang inaaa... ang sakit sa puso.." natatawa si Kaloy sa narinig .. Sobrang baduy pero iba ang dating sa kanya..

"Asa naman to... gasgas na pick up line na yun noh.. naalala ko lang kaya sinagot ko" natawa na din si Ella sa kabaduyan nya..

"So pinaglaruan mo na naman kainosentahan ko" sabi ng natatawang binata..

"Oo.. ganun nga " sagot ni Ella na tumatawa din..

"Ok lang ..basta wag mo lang paglaruan puso ko" sagot ni Kaloy sabay tumawa ng madami..

"Sabi na e, sabi na" paulit ulit na hinampas ng dalaga si Kaloy habang nagtatawanan sila..

"Ang baduy mo" sabi pa ng dalaga.

"Ikaw nauna noh" sagot ng binata at parehas sila huminto ng nasa tapat na sila ng bahay ni Ella.

"Dito na ko" sabi ng dalaga at tinitigan lang si Kaloy..

"Oo nga alam ko..dito kita hinahatid lagi e" sagot ng binata...

Natahimik sila..kapwa nagpapakiramdaman..

Alam nila sa isa't isa na merong kung anong namumuo sa pagitan nila pero bakit ang hirap aminin..

"Ano na?"Tanong ng dalaga kay Kaloy at hinihintay na magsalita ito.

"Bukas na lang ulit" sagot ng binata. Nainis sya ..gusto nyang sabihin kay Ella na ang ganda ganda nito pero parang natotorpe sya..

"Sige..ingat ka pag uwi" sabi ng dalaga at aktong tatalikod na ng tawagin sya ni Kaloy..

"Mikaella" sigaw ng binata

"Uhhhhhmm?" nilingon sya ni Ella.

"Bulaklak ka ba" ika ng binata.. Dapat ay matatawa sya pero dahil sa sitwasyon nila..walang tumatawa..

"Bakit" kunwari'y tanong ni Ella..

"Ang ganda ganda mo kasi" sagot ng binata..

Nawala ang tawanan.. Mas nangibabaw ang tensyon ng kilig.. Baduy pero iba ang dating sa kanilang dalawa..

"Ang baduy mo" mahinang sabi ng dalaga..

Napakamot lang ng ulo si Kaloy..

"Seryoso yun..ang ganda ganda mo.. " ulit ng binata..

"Salamat" ngumiti lang si Ella..

"Uhhhhhmmm" tinaas nya pa ang kilay nya para hintayin kung may sasabihin pa ang binata..umaasa kasi sya na meron ...o kaya'y sabihin ni Kaloy na di pa sya uuwi at gusto pa nya itong kausap..pero hindi.. Natorpe ang binata..

"Yun lang " sabi ng binata..

"Bukas na lang " sabi ng binata at kumaway na ng paalam..

"Sige" tanging sagot ni Ella at pumasok na ng bahay..