1. Home
  2. Stories
  3. Bituin... ( Part One )
Lagablab

Bituin... ( Part One )

By wish_trish ·
" Bituin... " ( Part One ) Minsan sa buhay, kung ano ang ayaw mo 'yun pa ang ibinibigay sa iyo... hindi para pahirapan ka, o para magalit ka sa mundo, kundi para may matutunan ka. Dahil sa paraang iyun lamang ikaw magiging mas matatag, mas matalino, kapag ginamit mo ang mga pagkakataon upang baguhin ang sarili mo mula sa mga pag subok na dinaan mo. Maingay ang mga tao. Nagsisigawan. Natataranta. May narinig akong ale na sinabing: "Tumawag kayo ng duktor dali!" at agad na sinagot ito ng isa namang lalake ng: "Pulis muna... 'di natin alam kung sino may kasalanan eh." "Si Batman... si Batman ang tawagin niyo!!!" Sumigaw ang maliit na paslit habang tumatakbo ito palayo. Mahina kong narinig ang sirena ng isang ambulancia bago pumikit ang aking mga mata. Dumilat ako saglit at nakita ko ang nagliliwanag na paligid. Isa... dalawa... tatlo... ano ba ang mga ito. Gumugulong ako sa isang pasilyo na puti ang paligid. May mga pahabang flourescent lamps sa kisame, may mga naka takip ang mukhang nag mamadaling dinadala ako sa isang destinsayon na hindi ko pa alam. Bumukas ang dalawang puting magkapares na pinto, at sinalubong kami ng isang lalake na naka takip ang mukha, at naka scrub suit. Kinausap niya ang mga nurses na nag dala sa akin sa silid na ito, isang lenguahe na hindi ko maintindihan... may mga VS, mga concussion, mga medical terms na wala akong ka alam alam. "Miss?" Boses na maamo ng duktor. "You'll be fine... I'm Doctor Michael Calleja... you're safe. Try to stay calm... we will..." At muling pumikit ang aking mata, habang ang oxygen na naka lagay sa may ilong ko ay narinig kong pinapalitan. Bago ang aksidente, naalala kong nagmamaneho ako, dala ko ang isang sasakyang nirentahan ko mula sa Hertz Rent a Car. Cash ang ginamit ko, hindi credit card upang hindi ako matunton ng mga galamay ng aking ina. Napunuan na ako sa mga obligasyon at responsibilidad na kaakibat ng pagiging nag iisang anak ng isa sa mga maimpluwensya at mayamang angkan sa Lunsod ng Baguio. Gusto ko nang kumawala, maglaho, mula sa magulong mundo ng pulitika, at negosyo. Dala dala ko ang isang bag na nag lalaman ng malaking halaga, sapat upang magamit ko sa aking pagtatago, pagtakas, papunta sa isang simple, at panibagong pamumuhay. Naka hinto ang sasakyan ko dahil red ang ilaw, ngunit ang isang malaking 18 wheeler na nag dadala ng gasolina ay masyadong mabilis ang takbo sa aking likuran, at hindi nito nakuhang mag preno kaagad, at sumalpok ito sa likurang bahagi ng aking sasakyan. Naramdaman kong tumilapon ang aking sasakyan, nag sommersault ito ng dalawang beses, bago ako sumalpok sa poste ng isang tindahan. 'Yun ang huli kong naaalala bago ako nadala dito sa ospital na ito. Nang ako'y magising, may benda ang aking ulo, at dibdib. Masakit at umiikot ang aking paningin, at may tatlong nurses ang naka bantay sa aking hinihigaan. Agad kumaripas ng takbo ang isang naka puting nurse na babae, at nawala ito saglit habang mahinahon akong kinakausap ng dalawa pang naiwan. Dumating ang isang makisig at batang duktor, at agad niyang ginamitan ang mga mata ko ng isang maliit na penlight. "Miss, how do you feel, may masakit ba sa iyo? May naalala ka ba? You had a concussion sa may kanang bahagi ng temple mo, I suggest you avoid sudden movements for the next few days para hindi sumakit ito. Nabali rin ang isa sa mga ribs mo sa kaliwang dibdib mo... but other than that you'll be fine. Do you have any requests? Kamag-anak, pamilya na pwede naming matawagan?" Tanong ng lalakeng nakatitig nang maigi sa aking mukha. Kamag-anak... pamilya... hindi nila dapat malaman. Hindi ako dapat mahanap. Concussion... amnesia! 'Yun ang pwede kong gamitin na dahilan. "Where am I. Sino kayo?" Pang award winning ang acting... dapat may trophy ha? Tumingin ang duktor sa talong nurses na nasa tabi niya bago ito nagsalita ng mabagal. "I'm doctor Calleja... these are Angela, Doris, and Maya." Tinignan kong isa isa ang mga mukha nila. "Sa accident site, after the car crash, nakuha ng isa sa mga paramedics namin ang dalawang bags, ang isa ay luggage na puno ng damit, at isa ay duffel bag na puno ng pera. Nasa locker ko ang mga gamit mo, they're safe. Wala ka ba talagang matandaan?" "I remember the crash, kung paano ako tumilapon, pero before that... wala na. Blanko." Pagsi sinungaling ko. "Very well then, we can't keep you here sa ER, we'll need to get you a room, would you prefer a semi-private room... all the private rooms are taken. Medyo madami ngayong pasente, miss..." At tinitigan ko siya ng blanko... pinigil ko ang sarili ko na biglang sagutin ang kanyang nagtatanong na mga mata upang hindi ko maibigay ang aking pangalan. Ngumiti ang duktor, at lumiwanag ang aking paligid. "Ofcourse, you don't remember... you have amnesia. Estrella... 'yun na muna ang gamitin nating pangalan mo, temporary ofcourse hanggang sa bumalik lang ang memorya mo." Tumalikod ang duktor at nag utos na ikuha ako ng kwarto sa mga nurses, dali daling kumilos ang dalawa, at naiwan ang isa upang mag bantay sa akin.Mukhang magiging bantay sarado ako dito... kailangan kong umisip ng paraan. Malinis ngunit maliit ang kwarto, pag dating ko sa silid ay may isang lalake na palagay ko ay wala pang biente singko anyos ang may benda rin sa kanyang dibdib pababa sa may tagiliran. Naka upo ito sa kama, at pinupunasan ng isang babae na halos wala pang biente anyos sa tingin ko, ang mukha ng lalake na naka titig sa aking pag dating. Binuhat ako ng dalawang lalakeng nurses para ilipat sa kama ng kwarto... at nasa ganung ayos kami ng dumating si doctor Calleja. "So how are we today? Feeling better Estrella?" Tanong nito sa akin. "Doc, I have amnesia... hindi ako retarded para hindi mamalayan na kaninang umaga lang ako na admit dito sa ospital ninyo. And I don't like the name Estrella... parang pang matanda." Ngumiti ang duktor. "That's good to hear, atleast aware ka sa surroundings mo, sa time frame, mukhang walang diprensya ang iyong sensory perception. Tungkol naman sa pangalan, mula 'yan sa pinaka unang dalubhasang manggagamot sa aking pamilya... ang mahal kong lola. So sana, since ipinapahiram lang naman sa iyo, at nakikigamit ka lang, 'wag mo nang pintasan pa. I see that I was right, may temper ka, at bratty. Halatang sanay na makuha ang lahat ng gusto mo. At judging from the clothes you have sa bag, and the amount of money na dala mo, galing ka sa isang may kaya sa buhay na angkan." Iniwas ko ang aking paningin, ayokong mahuli ako ng duktor na ito... walang dapat makaalam. Hindi ako dapat matunton. "Doc, it's too bright, could you please close the curtains?" Utos ko dito upang maiba ang usapan. Nagkakamot ng ulo, ay isinara ng lalake ang kurtina kung saan ako naka tingin. "There, is that all your highness? Maaari na po ba akong umalis, may iba pa kasi akong mga pasyente na hindi kasing sungit mo, at mas marunong mag pasalamat sa akin... kahit mas maganda ka pa sa lahat sa kanila." Naka ngiting sinabi ng duktor. Papatalikod na siya ng pinigilan ko. "Doc..." At muli lumingon ang lalake. "Thank you po." Bulong ko, at nakita kong ngumiti muli ito, at naramdaman kong sumikip bigla ang dibdib ko sa naramdaman kong tuwa sa kanyang mga makikislap na mata.