1. Home
  2. Stories
  3. Biyaya... ( 01 )
Lagablab

Biyaya... ( 01 )

By wish_trish ·
" Biyaya... " ( 01 ) Kalunos lunos ang sinapit nang maliit na barrio ng Mangkayan sa probinsya ng Benguet. Ang dating malinaw na ilog na pinagmumulan ng malamig na tubig na maiinom, ay ngayo'y nagmistulang isang balon ng putik na 'di mapakinabangan. Ilang kabahayan ang inanod ng tubig ulan, tinangay ng hanging malakas, o 'di kaya'y natabunan ng ilang tonelada ng lupa dahil sa nakaraang bagyo. Maraming kalsada ang nasira, at hindi na madaanan pa, karamihan ay naharanggan ng makakapal na tipak ng bato at malagkit na lupa. Ang ilang mga residente ay nabaon ng buhay sa rumaragasang lupa, ang ilan nawalan hindi lamang ng kanilang kakaunting kabuhayan kundi maging mga minamahal sa buhay. Sa ganitong sitwasyon, hindi lamang ang probinsya ng Benguet ang pinakilos ng pamahalaan ng Mountain Province, kundi pati mga kalapit rehyion upang matuguanan ang problemang hinaharap ng marami sa ating mga kababayan. * Makulimlim ang panahon, at patuloy ang pag ambon, ngunit hindi tumitigil ang mga rescuers sa pag tulong sa mga pamilyang nawalan ng mga mahal sa buhay. Patuloy silang nag huhukay, umaasang may ilan pang masasalba. Sa paligid ko ay umaalingaw ngaw ang nakakabinging iyakan, alulong, panaghoy ng mga naiwan para sa kanilang mga mahal sa buhay na biglaang lumisan. Basa na ng ambon ang aking orange na overalls, ngunit patuloy ako sa pag alalay sa mga iilang na hukay. May mga nanghihina ngunit buhay, habang ang iba naman ay matigas na at malamig na bangkay. May isang maliit na sangol ang nahukay nang isang grupo sa 'di kalayuan. Habang binabalot ko ang isang matandang babae sa kumot na hawak ko ay nakita ko ang isang lalakeng rescuer na pilt minamasahe ang dibdib ng paslit, at hinihingahan ang maliit nitong bibig... pilit itong binubuhay ng kanyang hiningang mainit. Nakita ko ang tuwa sa mata ng lalakeng rescuer nang biglang umiyak ang sangol, at nagpalakpakan ang mga tao sa paligid. Pagod man kami sa gawain, parang gumagaaan ang aming pakiramdam sa bawat pamilyang aming natutulungan. * Sumapit ang gabi, at lahat ay sumilong sa maliit na Barangay Hall ng barrio. Ang mga may sakit, ang mga nawalan ng tahanan, ang mga na rescue, at kaming mga rescuers ay nagsisiksikan sa maliit na espasyong aming ginagalawan. Puro gasera, at emergency lights lamang, radyong de baterya, at kandila ang gamit namin sa gitna ng sakunang aming pinasukan. "Ingkan balong... mapan ka idjay napintas nga balasang... ada kumot idjay." Narinig kong utos ng isang giniginaw na ina sa kanyang bunso, habang may kargang batang may lagnat at 'di maka lapit sa akin upang humingi ng kumot. Lumapit ang bata sa akin, nahihiya, ngunit makislap ang mga mata. Marungis sa kanyang kasalukuyang kalagayan, ngunit puno ng pag asa lalo na ngayo't nakita niyang may mga taong handa palang tumulong sa kanila. Lumuhod ako sa malamig na sahig at nginitian ang parating na bata. "Anya nagan mo?" Tanong ko dito, mahina ang boses at namamaos sa pagod, ngunit natutuwa sa maamong mukha ng paslit. "Andoy manang." Bulong din nito sa akin na nahihiya. "Kayat mo daytoy?" Tanong ko na inaabot sa kanya ang makapal na habing kumot. Tumango ang bata, at tatalikod na sana upang bumalik sa ina, nang hawakan ko sa balikat at bigyan ng chocolateng M&M's na natira sa aking bulsa. Ngumiti ito at tumalon talon patungo sa kinahihigan ng kanyang nanay. Tutungo na rin sana ako sa iba ko pang mga ka grupo sa kabilang lamesa, nang mapansin ko ang isang lalakeng rescuer na walang pasabi sabing kumuha ng kumot sa patong patong na stock ko sa lamesa nang 'di nagpapaalam. Siya rin 'yung rescuer kanina na may pilit binuhay na sangol sa landslide area. Iniabot niya ang kumot sa isang matandang lalake na mukhang basa sa ulan, at putikan ang sapin sa katawan. "Excuse me, from what division are you? Wala na ba kayong supply sa grupo ninyo, at dito ka na lang kumukuha?" Tanong ko dito na namamaos, ngunit nai-irita. "May pag kakaiba ba kung dun ako sa amin kukuha, o dito sa inyo? Pareho rin lamang naman nating ipamimigay sa mga tao dito." Sagot nito ng mababang boses. "It makes a difference po, kasi all blankets need to be accounted for. I don't know how you do it at your division, pero dito kasi kelangan bilang ko ang bawat kumot na naipamigay... baka sabihin kasi ibinulsa lamang ng grupo namin ang pambili sa kumot." Suya kong sabi dito. "Magkano ba ang presyo, babayaran ko na lang para matigil ka na. Gabi na po, pagod na ako, baka pwedeng tsaka na natin pagtalunan ito?" Medyo tumataas na rin ang boses ng rescuer. Dumating ang personal assistant kong si Annie at agad akong hinahaplos sa likod upang kumalma. Dumating din ang isa pang lalake na ka grupo nung rescuer na naka sagutan ko, at pilit din siyang pinapaamo. Lumayo ang dalawang lalakeng rescuers na 'di ko kilala, at nahinto ang away na dapat sana'y mas lumala pa. "The nerve. Akala mo siya ang presidente ng bansa kung maka asta. Basta basta na lang kukuha, 'di man lang mag paalam. Halatang spoiled brat." Sabi ko ke Annie na naka ngiti sa tabi ko. "Ano kamo ma'am Trish... spoiled brat? E 'di ba may kasabihan po tayo... it takes one to know one?" At mahina itong bumubungisngis. "Tigilan mo ako Annie ha, hindi ako spoiled. Dun ka na nga, lumayo layo ka sa akin, baka takluban kita dyan ng kumot eh." Padabog kong sabi dito. "Sige po, ma'am spoiled, pag kailangan niyo ako andun lang ako sa mga ibang volunteer nurses." At tumakbo ito bago ko pa mahampas ng kumot. * "Ang yabang tol, akala mo naman kung sinong supervisor! Grabe maka sita. Akala mo magnanakaw ako na nahuli niyang kumukupit sa kanyang wallet. Nakakapang init ng ulo dre." Nag kakamot ng ulong sabi ng rescuer na naka sagutan ko kanina, kitang kita ko sila sa kabilang lamesa habang nag aayos ako ng katre na aking tutulugan. "Mukhang naka tagpo ka rin ng katapat mo Marco, isang babaeng hindi yuyuko sa iyo. Aheheh. 'Di pala lahat ng babae madadaan mo sa kagwapuhan mo ano?" Pambubuska ng kanyang kasama. "Tigilan mo ako Russel... baka ikaw ang pagbalingan ko ng galit ko tsong, lumayo layo ka na. Sige na, matulog ka na, gigisingin kita pag turn mo na upang mag asikaso sa mga tao. Iwan mo na ako dito." Naka ngising iniwan ng lalakeng tinawag na Russel ang lalakeng naka sagutan ko, at bagama't kita mula sa higaan ko ang lugar kung saan nagbabantay ang lalakeng kinaiinisan ko, ay palihim ko itong sinuslyapan mula sa gilid ng kumot na naka talukbong sa aking naka simangot na mukha.