1. Home
  2. Stories
  3. Biyaya... ( 03 )
Lagablab

Biyaya... ( 03 )

By wish_trish ·
" Biyaya... " ( 03 ) Sa kalagitnaan ng gabi ay narinig ko ang kanyang panginginig. Namatay na ang bonfire na ginawa niya kanina, at tila nilalamig siya sa kanyang kinahihigan. Agad kong kinapa ang espasyo sa aming pagitan. Hinanap ko ang kanyang nuo, at naramdaman ang init dito. Tila nilalagnat si Marco, at nag sasalubong ang mga ngipin nito. Hinubad ko ang jacket ko at muling ikinumot sa lalakeng naka baluktot sa sahig ng kweba, Matapos nito ay kinuha ko ang alcohol sa aking knapsack at binasa ang ilang tissue nito, bago ilapat sa kanyang nuo. Umikot ako sa loob ng kuweba at namulot ng mga tuyong dahon at sanga na hinangin papunta dito, at agad akong nag sindi ng isang apoy muli. Sa dagdag liwanag ay patuloy akong nag hahanap ng kahit anumang mailalagay ko sa apoy para uminit ang paligid ng kuwebang tahimik. Nang masigurado kong hindi na mamamatay ang apoy ay bumalik ako kay Marco. Isinandal ko ito sa isang bato, at inakap para mabawasan ang panlalamig nito. Kinuha ko pa sa loob ng bag ko ang ilang mga bagay na pwedeng pang balot sa kanya, gaya ng knitted sweatshirt, at scarf, para lang makatulong labanan ang lamig. Sumandal siya sa aking balikat, at sa ganitong posisyon ay naka tulog kaming pareho ng mahimbing. * Naalimpungatan ako nang wala na sa tabi ko si Marco. Pinagala ko ang aking paningin, at napansin ang ilang butas sa gilid at kisame ng kuweba. Ang ilang cracks dito ay pinagmumulan ng liwanag na nagmumula sa sinag ng araw. Tinignan ko ang aking Fendi wristwatch at napag alaman na alas sais na pala ng umaga. Tinawag ko ang pangalan ni Marco, at nang walang marinig na sagot ay agad tumayo, upang hanapin ito. Nakita ko si Marco sa isang bahagi ng kweba, hubo't hubad, at naglulublob sa madilim na lawa. Parang isang silid ang parte ng kuwebang ito, kumikislap ang mga pader, at halos mag salubong ang mga rock formations. Sa bukas na bahagi sa itaas ng kuweba ay pumapasok ang sinag ni haring araw, at tumatalbog ang ilaw mula rito sa bawat matamaan nito. Pinanuod ko si Marco sa kanyang paglangoy, kumikislap ang bawat patak ng tubig sa makinis at maskulado niyang balat. Sarap na sarap ito sa kanyang paliligo, at hindi namalayan ang pagdating ko. Tatawagin ko na sana ito nang biglang lumubog ito, nawala nang matagal, tapos biglang lumitaw, ngunit parang natatarantang humahanap ng makakapitan. Nawala muli sa aking paningin, at maya maya pa'y umahon na hinahabol ang kanyang hininga... tila nalulunod ang binata. Sa taranta ko ay hinubad ko agad ang aking hiking boots, at orange overalls bago nag dive sa napaka lamig na tubig. Nilangoy ko ang banda kung saan huling umahon si Marco ngunit wala na siya rito. Sumisid ako, ngunit kahit maliwanag ang araw, ay nanatiling madilim ang ilalim ng lawa na 'di ko tanto ang ganap na lalim. Umahon ako para huminga, wala pa rin si Marco at nag umpisa na akong mag alala. Sumisid akong muli, at sa pagkakataong ito nakita ko siya, malapit sa may bandang kaliwa ko, naka pikit, at naka taas ang mga kamay niya. Nilangoy ko ang kinalalagyan niya, at hinila ang kamay niya pataas, mabigat ang katawan ng matipunong lalake, ngunit pinilit kong akayin siya. Naabot namin ang gilid ng lawa, sa may madulas na bato ay iniahon ko siya. Bagama't umuubo sa dami ng na inom na tubig, ay humihinga na ito. Nanginginig ako sa lamig, 'di sanay maligo sa halos nag yeyelong tubig gaya ng sa lawang ito. "Magpapakamatay ka na lang manda damay ka pa! Ano bang nakain mo at naisipan mong maligo sa ubod ginaw na lawang ito?" Nanginginig ako at nagbabangaan ang mga ngipin ko. "Siguro kanina mo pa ako binobosohan ano! Pinapanuod mo ako habang naliligo! Ano? Nasiyahan ka ba sa nakita mo?" Umuubong sagot sa akin ng binata. Namula ang aking mukha, at bagama't nilalamig ay naramdaman ko ang biglaang pag init ng aking tenga, pisngi, at mga mata. "Impakto ka talaga! Ikaw na nga tinulungan, ako pa naisipan mo ng masama? Ganyan ka ba talaga! Kung alam ko lang..." Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil ipinatong ni Marco ang kanyang mga labi sa nanginginig kong bibig. Malalim ang kanyang halik, matamis, at ubod lambing. Parang tumigil ang oras, at wala akong marinig na kahit anong bagay sa aking paligid... maliban sa malakas na tibok ng puso ko sa aking dibdib. Hawak ng binata ang magkabilang gilid ng aking mukha, ay parang humihingal sa banayad niyang pag sipsip sa aking labi. Naghiwalay kami, nang idilat ko ang aking mga mata ay naka titig ito sa aking mukha. Hinalikan niya ang aking pisngi, at ako'y inakap ng mahigpit. "Pilit kong ginagalit ang sarili ko, para hindi mahulog sa iyo. Alam kong hindi dapat, alam kong mali. Hindi ako papayagan ng... hindi ka papayagan ng...basta ang alam ko kahit anong gawin ko para mawala ang mararamdaman ko, lalo lang itong lumalakas sa tuwing malalapit ako sa iyo. Ayoko nang paglabanan ito... hindi galit, kundi pagmamahal ang dapat kong ibigay sa iyo. Sana, matutunan mo ring mahalin ako." Hindi daw papayagan... nino? Hindi ko siya maintindihan, ngunit sa pagkakataong ito ay hindi umaandar ang aking isipan. Pumulupot ang aking mga braso sa malapad na likod ng binata, humihiling, nagmamakaawa, para sa mga maiinit niyang halik. Bagama't siya ang iniligtas ko sa pagkaka lunod, tila ako ang nangangailangan ng hininga na tanging mga labi lamang niya ang maaaring mag bigay sa akin. Nagsalubong ang aming mga labi, mapusok, mainit, at walang pag aalangan sa aming nais mangyari. Naramdaman ko ang matigas na bagay na naiipit sa may puson niya, at sa may bandang tiyan ko, takot akong tignan, ngunit nananabik na maramdaman. Humaplos sa aking mga bubot na suso ang kanang kamay ni Marco. Pilit hinahagilap ang mga utong kong kanina pa naninigas sa lamig, ngunit ngayo'y nagaapoy sa init. Pinisil pisil niya ang kaliwang utong ko, at halos maipit sa lalamunan ko ang hininga ko nang ito'y kaniyang pihitin. Manipis ang t-shirt kong dilaw, at sa estado nitong basa ngayon ay halos wala nang itinatago sa imahinasyon ang kakarampot na tela. Wala akong bra na suot, at ang bikini panty kong dilaw din ay hindi maitago ang hiwa ng ahit at bahagyang namamasa kong puki. "Ahhh Marcoooo!" Napa singhap ako nang maramdaman ang kanyang naglulumikot na daliri sa pagitan ng mga hita ko. Patuloy siya sa paghalik sa akin. Sa tenga, sa leeg, sa pisngi. Narinig ko bago mamalayan ang pagkapunit ng t-shirt ko, at umaalog na kumawala ang aking mga suso nang ito'y tuluyan niyang matanggal. Dumilat ang aking mga mata, sa gitna ng pag dila niya sa gilid ng leeg ko, nakita ko ang liwanag ng araw mula sa itaas na bahagi ng kuweba, at tila pinalibutan ng mga bituin ang bawat sulok ng madilim na lungga. Bahagyang humiwalay si Marco upang pagmasdan ang aking mukha, at nakita kong ngumiti ang binata. "Maganda ang kuwebang ito... pero mas gusto kong angkinin ang kuweba mo." At biglang naramdaman kong ipinasok niya ang dalawang daliri sa gilid ng manipis kong panty, at tuloy tuloy nitong ginalugad ang ngayo'y walang kalaban laban kong puki.