1. Home
  2. Stories
  3. BLNK: Book 4 - Chapter 10: Twist
Pinoy Tambay

BLNK: Book 4 - Chapter 10: Twist

By kingovhell ·

"Margaret Mary, let's go" sigawan ng lahat,hapong hapo man ang bawat isa pero tuloy pa din ang ingay nila sa van na sasakyan ng team.

"Team,teka teka, di natin magagawa to kung wala si Derek,ng dumating sya sa team,eto, nasa finals na tayo," ika ni Lemuel.

"Oo nga. Derek, Derek, Derek" sigawan nila. Nakatitig lang si Juliet kay Derek, kagabi'y umiiyak lang ito,kagabi'y nakatarak ang sandata nito sa loob nya, napakagat labi si Juliet. Tila naturn on sa itsura ng binata ngayon. Kung wala lang syang Lemuel,at kung di lang taken si Derek, malamang, sya na mismo ang manligaw dito. Nakauwi na sa kani kanyang bahay ang bawat manlalaro, sa isang araw ang final,at bukas ang laban ng Phoenix at Arsanas para malaman kung sino ang makakalaban nila sa Finals. Bawat isa ay nagpahinga, walan party na naganap, kailangan nilang magpahinga para sa game 7 series sa finals. Kinabukasan, maagang nag gayak si Derek, kailangang mapanuod nya ang laro,para may idea sya sa makakalaban. Si Lovelyn ay maaga ring nag gayak, wala sya sa sarili, iniwan nya ang anak sa katulong,ayaw nya sanang manuod ng laro pero napag utusan sya ni Kris. Mag isang nanuod si Derek, napakagaling ng dalawang team, pero di kinabahan ang binata, naexcite sya sa ganda ng kalalabasan ng finals. Hangang matapos ang 2nd Qtr at nag half break, 52-50 ang score,lamang ang Phoenix. Naisipang mag banyo ni Derek,naiihi ang binata, ngunit pag angat pa lang nya ay naramdaman na naman nya ang sumusunod sa kanya, ang stalker nya. Nasa hallway sya papuntang banyo, sumusunod ang babae,agad ginulat ni Derek ang stalker.

"Sino ka" sigaw nya. Tila silang dalawa lang ang tao ruon. Di nagsalita ang dalaga,bagkus tumakbo ito palayo sa kanya. Hinabol sya ni Derek,this time hindi na sya patatakasin ng binata.

Naghabulan ang dalawa papuntang banyo, mabilis ang dalaga. Dumiretso sa banyo, may ilang tao sa banyo, nalito si Derek. Pumasok sa banyo si Derek,natitiyak nyang nandito ang stalker nya.Hingal na hingal ang dalaga,nilibot ang mata, wala. .walang stalker, walang babae dun. Naguguluhang lumabas ang binata, takang taka sya. Ngunit mas nagulat sya ng paglabas nya sa banyo ay nagkabanggaan sila ni Lovelyn. Nagtaka ang binata, panu napunta dun ang dalaga,pero nawala ang pag iisip nya ng maalala ang anak nito.

"Anung ginagawa mo dito" ika ni Derek.

"Ah,eh. .ah. .wala" sagot ng dalaga. Halatang kinakabhan. Katahimikan,

"Derek, kelangan nating mag usap" ika ng dalaga. Sa bench, sa labas,kung san solo nila, nag usap ang dalawa.

"Sinusundan mo ba ako" tanong agad ni Derek.

"Ha? Ano,naku hindi no,inutusan ako ni Kris manuod" sagot ng dalaga. Nakangisi lang si Derek. Parang sinasabi ng ngiti nya na di sya naniniwala sa dalaga.

"Asan pala ang bf mo,bakit di mo kasama" tanong muli ni Derek. Dun na nagsimulang sumeryoso si Lovelyn.

"Nasa probinsya. .umuwi, kelangan daw sya ni Charity" sagot ni Lovelyn. Halatang natakot ang binata,pero di nya pinahalata.

"Bakit daw" tipid nyang tanong.

"Haist." suminghap si Lovelyn.

"Ayaw daw lumabas ng kwarto ni Cha, di nakikipag usap,ilang araw ng nakakulong sa kwarto." dagdag pa nya.

"What? .bakit? ." tanong ni Derek.

"Kaya nga kita hinahanap para sabihin yan sau,kasi mukhang ikaw ang dahilan at ikaw lang ang makakapilit makipag usap kay Cha" sagot ni Lovelyn.

"Kaya mo ko sinusundan" ika ni Derek.

"No, hinahanap kita pero di kita sinusundan" seryoso ang dalaga. Agad natakot ang binata,at naguluhan sa nangyayari. Mukhang may problema na naman.

"Uuwi ka ba?" tanong ni Lovelyn.

"Sinong nag aalaga kay baby?" balik tanong ni Derek.

"Nasa kin ang anak natin,wala kang dapat ipag alala,si Cha ang isipin mo,kelangan ka nya" sagot ng dalaga.

"Di kay set up to, finals na sa isang araw" sabi ni Derek.

"Derek, naman. .kelangan ka ni Cha,please, di ko alam kung anung nangyayari sayo pero sana naman maisip mo na may naghihintay sayo" sagot ni Lovelyn. Namunawan ang binata. Saglit, at dinukot nya ang cellphone sa bulsa."Tol, uwi ka na, may problema" text ni Kurt kay Derek. Agad naalarma ang binata, may nangyayaring di nya gusto.

"Uuwi ako sa probinsya," agad nyang sabi kay Lovelyn.

"Yes,go ahead" ika ng dalaga

"Pero gusto ko munang makita si baby" hirit ng dalaga. Agad ngumiti si Lovelyn,sabay silang tumayo at naglakad patungong bahay nila Lovelyn. Desidido na si Derek, uuwi sya, aalamin ang nangyayari. Hindi na nya iniisip ang finals, wala syang pakialam sa pangarap nya. Para san ang pangarap kung mawawala ang taong pag aalayan nya nito. Mahal nya si Charity,at gagawin nya lahat para dito. Pagbabayaran nya ang mga araw na nagtiis ang dalaga para sa anak nya. Gagawin nya ang lahat para mapasaya ang nobya. Mahal nya si Charity. .mahal na mahal higit sa pangarap nya,higit pa sa buhay nya, at higit pa sa basketball kung san sya ang tumatayong hari ng liga.