1. Home
  2. Stories
  3. Boarding House - Part 5: Background Check
Pinoy Tambay

Boarding House - Part 5: Background Check

By suicideking ·

Napag-alaman ko na si manang Monica pala ay graduate ng kursong nursing at hindi na nakapag-boardexam para magkaroon ng lisensya. Hindi na din daw siya pinagtrabaho ni manong Bert dahil sapat na siguro ang kanilang kita. Iba't ibang impormasyon ang aking nakalap mula sa aking mga boardmates na matagal nang naninirahan dito sa aming boardinghouse. Sa aking pagtatanong, mataas na antas ng pag-iingat ang aking pinairal. Hindi pwedeng malaman kasi ng sinuman ang nabuong pagnanasa ko sa aming landlady. Isinagawa ko ang aking sariling imbestigasyon habang kami ay naglibot noong hapon na walang pasok.

"Hayaan mo pag dating ulit ni manong Bert yayain natin sa Abanao" wika ni Joel na may halong demonyong ngiti.

"Huh? anu yun?" tanong ko naman.

"Ah sa Abanao, street yun malapit dun sa palengke, madaming beerhouse dun at mga babae! hahaha!" sabat naman ni Tony.

Tila abot sa tenga ang ngiti naman nitong si Erick na sa pagkakaalam ko ay wala pang karanasan sa babae. Pero sa likod ng aking isipan ay may tanong, bakit kaya kailangan pang kasama si manong Bert? Mahilig ba sya sa ganun e halos perpekto na ang kanyang asawang si manang Monica? Ganunpaman ay nagkasundo pa rin kaming mga barako, na "bibinyagan" daw kaming dalawa ni Erick pagdating muli ni manong Bert. Nagsilbi kaming parang turista noong hapong iyon, nagpunta sa mga tourist spots ng Baguio, at syempre hindi mawawala ang pagbubusog namin sa aming mga mata dahil sa mga babaeng magaganda.

"Oh tara na?" wika ni Tony.

"Uwi na tayo?" tanong ko naman.

"Oo walang kasama si manang doon baka nalulungkot na haha!" biro pa ni Joel.

"Namimiss kana non tol hahaha!" panunukso naman ni Tony.

"Gago!" sagot ni Joel.

Napakunot ako ng noo sa narinig ko, tila may itinatago yata si Joel sa aming mga baguhan at tila silang dalawa lang ni Tony ang nakakaalam. "namimiss" daw sya ni manang Monica, so ibig sabihin ay may "nakaraan" sila. Naguluhan ako that time pero pinili ko nalang na hindi na magreact at ipagpatuloy nalang ang aking imbestigasyon. Sumakay kami ng jeep pabalik sa aming boarding house at nakarating naman kami bago pa man ang oras ng hapunan.

"Oh nandito na pala ang mga barako" masungit na entrada ni manang Monica.

"Asuuu...saglit lang kaming nawala e" biro naman ni Joel.

Ang bawat kilos at galaw ngayon ng aking ka-boardmate na si Joel ay nasailalim na din ng aking obserbasyon. Nais kong malaman kung ano ang hiwaga sa kanila ni manang Monica. Lalo akong nagkaroon ng interes ng minsang makita ko si Joel na kiniliti niya si manang Monica sa tagiliran, para talagang mayroon silang sikreto. Muli, matapos ang hapunan ay nagkayayaan na naman ang mga barako na maginuman, wala naman daw kasing pasok bukas na araw ng Sabado.

"Manang shot na!" tawag pa ni Tony kay ate Nica.

"Hay mga sunog baga!" sagot naman ni manang habang nanunuod ng TV.

"Oo nga naman manang, welcome mo naman mga bago oh" sabat ni Joel na may halong kindat.

Inilipat namin ang inumin at pulutan sa lamesita sa sala kung saan naroon si manang Monica. Medyo nawala ang aking pagnanasa sa kanya noong gabing iyon dahil sa lamig ng panahon ay balot na balot at walang nakalabas na anumang kutis maliban sa kanyang magandang mukha at makinis na kamay. Tahimik kaming dalawa ni Erick dahil baguhan lang kami.

"Kayong dalawa ba umiinom talaga?" tanong na mahinay ni manang Monica sa amin.

"Ah opo!" mabilis na sagot ni Erick.

"Eh ikaw Bogart?" sabay titig niya sa akin.

"Huy! lasing kana yata di pa nga tayo nagsisimula!" tukso ni Tony nang mapansing natulala akong muli dahil sa pagtitig ni ate Nica.

"Sige pero di ako makikipaglasingan sa inyo ha, para kay Bogart at Erick lang kaya ako iinom pero konti lang" wika ni manang Monica.

Pinagsaluhan namin noong gabing iyon ang Gin at pulutang isaw at mani. Apat kaming lalaki, si Tony at Joel, si Erick at ako. Ang tatlong boarder na wala ay nasa kanikanilang mga GF na kadalasang ginagawa daw nila kapag walang pasok. Nagkayayaang magkantahan, inayos ni manang ang mic at inilipat sa cable channel na videoke.

"Ay sakto favorite ko yan! hihi!" masayang wika ni manang Monica.

Bawat galaw ni manang Monica ay aking pinagmasdan, mula paghawak niya sa mikropono hanggang sa pagbuka ng kanyang mga labi para kantahin ang unang mga kataga ng kanta sa telebisyon. Hindi maikakailang may talento sa pagkanta si manang, may tono ika nga. Muli kong naalala ang kanyang ginawang paghawak sa aking titi kanina nang kanyang himasin ang hawak na mic. Hindi ko alam kung sinasadya nya iyon dahil napasulyap pa siya sa akin nang dumako sa chorus ang kantang lovesong pa.

"Oh kampay! hehehe!" masayang sigaw nitong si Joel.

"Oh tagay muna manang" sabay abot ni Tony ng shot glass kay manang Monica.

Naging masaya ang aming inuman at nang maka-dalawang bilog na kami ay nagpaalam na si manang Monica na matutulog na. Ito namang si Joel ay tumayo na din upang tumungo sa kanilang silid, akala ko ay susundan niya si manang ngunit mali pala ako. Kumuha pala siya ng pera upang bumili pa ng isang bilog para tapusin ang aming inuman. Naiwan kaming tatlo nila Tony at Erick. Si Erick ay halatang lasing na dahil sa pamumula ng kanyang pisngi.

"Ano kaya pa? dapat mag training na kayo hehe! masarap uminom talaga dito sa Baguio" biro pa ni Tony.

Habang hinihintay namin si Joel para sa huling round ng aming inuman ay nagsindi si Tony ng yosi. Humingi ako, hindi talaga ako naninigarilyo pero kapag nakakainom ay hindi ko maiwasang magsindi nito. Lumabas si ate Nica sa kanyang kwarto na malapit lamang sa sala kung saan naroon kami.

"Hoy sa labas kayo magpausok!" masungit na wika nito.

Pagsilip ni manang Monica ay nakita kong nagpalit na siya ng pantulog. Ngunit dahil sa yosi namin ay simangot ang aking nakita sa kanyang mukha. Kaagad lumabas si Tony upang ubusin ang kanyang yosi, ako naman ay napako sa aking upuan nang pagsabihan pa akong muli ni manang Monica.

"Aba Bogart pati ikaw naninigarilyo din pala??" sabay taas ni manang ng isang kilay.

"Ngayon lang po manang..." paumanhin ko. Sa isip ko'y bawas pogi points ito sa akin, baka hindi na ako pansinin ni manang dahil sa aking bisyo.

Makalipas ang ilang minuto ay sabay na pumasok sina Tony at Joel dala ang alak na binili sa labas. Mag-aalas dose na ng gabi ng matapos ang aming inuman. Nagpaalaman kami na matutulog na dahil kapwa mga lasing na. Nauna na akong pumasok sa aking silid habang sila ay nilinis na ang pinaginuman namin. Hindi ko na nakuha pang magpaligaya sa aking sarili dahil na rin sa kalasingan. Isa sa aking problema sa inuman ay ang palagiang pagihi sa madaling araw, sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay isang pangyayari ang aking nasaksihan.

Pagtingin ko sa aking relo ay halos alas-dos na ng madaling araw. Tahimik ang buong boarding house, hindi naman kalayuan ang aming banyo, tatawid lang ako ng kusina patungo dito. Matapos akong umihi ay nagtungo ako sa ref upang uminom ng malamig na tubig. Dahil sa nakabibinging katahimikan ay halos marinig ko ang kaluskos ng mga gamu-gamo.

"Uhh.. uhh.." mahinang ungol na aking narinig.

Napatigil ako sa aking pag-inom, inilinga ko ang aking tenga upang hanapin ang pinagmumulan ng mahinang ungol. Ibinaba ko ang aking hawak na baso at hindi ko sinasadyang tumunog ito dahil sa pagbaba ko sa lamesa ng baso. Natigil ang ungol, huni ng kuliglig ang muli kong narinig. Ngunit ilang saglit lang ang lumipas bago ako pumasok sa aking silid ay muli kong narinig ang mahinang ungol na tira nahihirapan.

"Uhhh...ihhh..uhhh.."
Inalis ko ang aking tsinelas upang mabawasan ang tunog ng aking yabag. Tama ako, nagmumula ang mahinang ungol sa silid ni manang Monica. Ang mga bahay dito sa Baguio ay kadalasang gawa sa kahoy dahil insulation ito laban sa lamig ng panahon. Maging ang mga sahig at pader ay gawa sa kahoy, kaya anumang ingay na may kalakasan ay maririnig mo. Katabi ng banyo ang kwarto ni manang Monica, pagkatapos ay ang sala. Naupo ako sa sala, hinintay ko ang muling ungol na maririnig at hindi ako nagkamali. Pabilis ng pabilis ang mahinang ungol, tila pigil ang bawat panaghoy. Ungol nga ni manang Monica ang aking naririnig at ito'y galing sa kanyang silid.

"Dumating kaya si manong Bert?" tanong ko sa aking isipan.

"Napakaswerte niya, ang sarap siguro ni mamang Monica" patuloy ko pang pagkausap sa aking sarili.

Lumipat ako ng pwesto, doon sa malapit na sa aking kwarto upang kung may lumabas man ay iisiping galing lang ako sa banyo. Inilapit ko ang aking tenga sa kahoy na pader at muling pinakinggan ang bawat halinghing ni manang Monica.

"Uhh..uhh..lapit nah..uhh" tinig naman ng lalaki na ang alam ko ay kay manong Bert.

Halos lumakas ang mga ungol nang siguro'y marating na nila ang rurok ng kaligayahan. Sa aking pakikinig ay muli akong tinigasan, tila hindi yata ako nakuntento sa paghawak ni manang Monica sa aking alaga. Nabuo ang aking plano sa aking isipan na matikman na ang aming landlady ngunit dapat ko itong paghandaan. Dala na siguro ng alak kanina ay kung ano-ano na ang aking naisip. Makalipas ang ilang minuto ay katahimikan na ang aking naramdaman, tapos na siguro sila at matutulog na.

Madilim ang paligid, pabalik na ako sa aking silid nang marinig kong muli ang kaluskos na galing sa loob ng kwarto ni manang Monica. Biglang bumukas ang pintuan at ako'y biglang napaupo upang hindi makita. Nagtago ako sa lamesa at upuan na aming kainan, bahagyang lumiwanag ang labas nang bumukas ang pintuan ng kwarto ni manang Monica. Kasabay nito ang paglabas ni manong Bert, ngunit sa aking pagtataka, dumiretso ito sa kabilang kwarto - sa kwarto nila Tony at Joel. Hindi ko masigurado kung si manong Bert nga iyon, pero bakit pumasok siya doon sa silid nila Tony at Joel? Nasiguro kong hindi na babalik si manong Bert sa kwarto nila dahil sa isinara na nito ang pintuan at maging ang silid ni manang Monica ay pinatay na ang ilaw. Matalinghaga, madami akong dapat malaman at matuklasan tungkol sa boarding house na ito.

Bumalik na din ako sa aking silid upang ipagpatuloy ang aking pagtulog. Ngunit sa aking mga nasaksihan, hindi man harapan, sa mga ungol at paglipat ng kwarto ay talagang may dapat akong imbestigahan.