1. Home
  2. Stories
  3. Boss's Puppet
Filipino Sex Stories

Boss's Puppet

By intoxicatedd ·
Nakatitig lang ako sa kisame, hindi ako dinadalaw ng antok palibhasa'y naglalayag ang aking isipan. Buong gabi ko din binantayan si Nanay, magtatatlong araw na kasi ang kaniyang lagnat at ubo. Nag-iisip ako kung sino pa kaya ang pwede naming utangan. Halos lahat na yata ng kamag-anak namin ay nagsitaguan na.

Matanda na si Nanay, nasa 67 taong gulang na. Matagal ng namayapa si Tatay, grade 4 pa lang ako noong naaksidente siya, buhat noo'y si Nanay na ang nagtaguyod sa amin. Bunso ako sa apat na magkakapatid, yung dalawa kong ate ay nasipag-asawa at may sarili ng pamilya, kami na lang ni kuya Roy ang natira sa bahay at nag-aalaga kay Nanay.

*tok* *tok*
"Grace, gising ka na ba?" Mahinang tanong ni kuya Roy.

Hindi ako umimik, nanatili pa rin akong nakatitig sa kisame. Maya-maya pa ay na rinig ko ang mga hakbang ni kuya na papalayo mula sa kwarto ko. Sinipat ko ang orasan - 5:45 ng umaga.

Napagpasiyahan kong hintayin na lang mag ala-6 saka ako babangon para magsaing. Hindi ko na alam kung paano ko pa haharapin ang araw na ito. Ako'y 21 anyos pa lamang ngunit wala akong stable na trabaho dahil hindi pa man ako nakakadalawang linggo ay kailangan ko ng mag cash advance upang mabayaran ang mga taong pinagkaka-utangan namin. Isa sila sa mga dahilan kung bakit nawawalan na ako ng gana sa buhay ko. Malaman lang na may trabaho ako ay di na kami tatantanan, mga walang konsiderasyon.

Nakasimangot akong pumunta sa kusina, naabutan ko si kuya na umiinom ng kape. Mukhang malalim ang iniisip kaya medyo nagulat pa siya nung binuksan ko ang gripo.

"Gising ka na pala" sabi niya. Hindi pa rin ako umimiik.
"Bantayan mo muna si Nanay ngayon ha, maypupuntahan lang akong kaibigan. Mamayang gabi pa ang balik ko" bilin niya. Buntong hininga lang ang sagot ko sa sinabi niya.

Habang nagsasaing ako ng kanin ay napapansin kong balisa si kuya. Ano na naman kayang kagaguhan ang nagawa nito.

"Ano na namang ginawa mo kuya?"
"Si-sinangla ko yung bahay" pabulong na sinabi nito.
"Ano?! Kuya naman! Paano..." hindi ko matuloy ang sasabihin ko dahil alam kong ganoon kami ka gipit para magawa ni kuya yun.
"Huwag mo na lang sabihin kay Nanay, kaya nga ako pupunta mamaya sa kaibigan ko para humingi ng trabaho nabalitaan ko kasi mag talyer siya baka kailangan niya ng tao dun" sabi niya.

Muli akong nanahimik, kahit may sasabihin pa ako ay wala rin namang silbi, paalis na ako ng kusina ng muling magsalita si kuya....

"Siya nga pala Grace, Kay Mr. Santiago ko sinangla yung bahay natin at...."

Hinintay ko ang karugtong ng sasabihin ni kuya pero mukhang hinihintay niya rin akong magtanong sa kaniya.

"Tapos?" Tanong ko.
"Naghahanap siya ng kasambahay, nabanggit ko na sa ngayon wala kang trabaho."
"Kasambahay?!" Pagalit kong tanong.
"Wag ka ng magalit Grace, nagdadalawang isip kasi si Mr. Santiago nung inoffer ko ang bahay natin, kaya naisip ko mas papanatag ang loob niya kapag may kolateral siya"

Nagulat ako sa sinabi ni kuya!

"Kuya anong pinagsasabi mo!!!" Halos pasigaw ko ng sabi. Mabilis na nakalapit si kuya sa akin.
"Wag kang maingay Grace. Ano ka ba, walang malisya yung sinabi ko. Ang ibig ko lang sabihin ay mas papanatag ang loob ni Mr. Santiago kong doon ka magtatrabaho. At least hindi siya mag iisip na hindi tayo makakabayad sa kaniya" pagpapaliwanag sa akin ni kuya.

Nag-aalinlangan pa rin ako. Sa totoo lang ayokong pumayag sa plano ni kuya. Pero naisip ko din na aabutin ako ng isa o dalawang linggo kung maghahanap ako ng ibang trabaho kaya kahit ayoko man ay pumayag na rin ako.

"Magbihis ka na at kailangan nasa bahay ka na ni Mr. Santiago ng alas 8:30 ng umaga" sabi ni kuya.
"Akala ko ba may pupuntahan ka?" Tanong ko.
"Mamaya na ako aalis pagka-uwi mo" sagot niya.

Pagkatapos ng sinabi niya ay umalis na ako sa kusina at nag tungo sa banyo para maligo. Bigla akong kinabahan, isa si Mr. Santiago sa pinakamayan sa lugar namin. Tatlong taon na siyang byudo, nasa 40's pa ang ginoo. Matangkad, may hitsura, naka salamin, mayaman, strikto at masungit ang mukha. May mga ilan na nagsasabi na mabait naman daw ito pero ewan ko ba.

Tapos na akong maligo at nakapagbihis na rin. Nasabi na ni kuya kay Nanay na pupunta ako sa bahay ni Mr. Santiago upang mag-apply bilang isang kasambahay.

"Anak, okay ka lang ba? Kung ayaw mo naman ang trabaho doon ay wala namang problema sa amin yun ng kuya mo" pag-aalaa ni Nanay.

Nagkatinginan kami ni kuya.

Kung alam mo lang Nay.

"Okay lang po ako. Susubukan ko lang naman po, medyo mahirap na rin po kasing maghanap ng trabaho sa panahon ngayon Nay. Mataas naman daw ho ang sahod sabi ni kuya" sabi ko.
"Pasensya na talaga kayo mga anak at hindi na talaga kaya ng katawan ko magtrabaho" sabi ni Nanay.

Bago pa man ako maiyak sa hitusra ng Nanay ko ay dali-dali akong nagpaalam sa kanila at lumabas na ng bahay. Pumara agad ako ng tricycle bago pa magbago ang aking isipan.

Nasa tapat na ako ng bahay ni Mr. Santiago, di naman masyadong malayo ang bahay nila mula sa amin kaya sakto lang ang pagdating ko. Pinindot ko ang doorbell sa gilid ng gate nila, maya-maya pa ay may nagsalita mula sa intercom.

"Sino ho sila" guard yata ang nagtanong

"Grace del Monte po, mag-aap.."

Naputol ang aking sasabihin ng biglang may dumating na itim na sasakyan. Bumukas ang napakaling gate ng bahay upang papasukin ito. Tinted man ang sasakyan ay nararamdaman kong nakatingin sa akin ang nagmamaneho neto ng biglang huminto ito sa aking tabi. Bumaba ang salamin sa driver seat at lumitaw ang napakagwapong lalake.

"Are you Miss Grace del Monte?" Tanong nito.

Halos nabingi ako sa ganda ng boses ng lalake, nakatitig lang ako sa kaniya. Sinubukan kong magsalita pero walang lumalabas na boses sa aking bibig.

"Miss? Are you okay?" Tanong ng lalake na may halong.... concern?
"Uhmm.. a-ano po yu-yun sir?" Pa-utal kong tanong.
"Sabi ko ikaw ba si Grace, kapatid ni Roy del Monte?" Nag-iba ang pananalita niya, napalitan ito ng pagka-inis.
"Opo sir!" Dali-dali kong sagot.
"Wait for that door to open then see me inside the house" sabi niya sabay turo sa pinto.

Hindi pa man ako nakasagot ay sinarado na niya ang bintana ng sasakyan at pumasok na sa loob.

Napakunot ako ng noo. Hindi naman siguro. Omg! Siya kaya si.... Huwag naman po sana!!

Nanginginig ang tuhod ko habang naghihintay sa sala. Pinapasok ako ng isang katulong sa loob, medyo may kaidaran na ang babae sa tingin ko ay siya ang mayor doma dito. Hindi lang isa kundi pangatlong beses ko na siyang nahuhuli na nakatingin sa akin.

"You can leave now Aling Dora" sabi nung lalaking nagmamaneho kanina.

Yumuko si Aling Dora at umalis na rin. Nanatiling nakatayo ang lalake habang ako naman ay naka-upo. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Tatayo ba ako? Titingin sa kaniya? Panginoon na nasa langit, ma-iihi na po ako sa sobrang nerbyos.

"So are you willing to take the job?" Nagulat pa ako ng muling magsalita ito. Pag lingon ko ay naka-upo na pala siya paharap sa akin.
"U-uhmm.. Sa-sabi h-ho ka-kasi ni k-uya..." pabulong kong sabi
"You better talk louder young lady, busy ako sa araw na ito. Please don't waste my time. Again, are you willing to take the job?" Hindi ko alam kung anong meron sa boses niya pero natatakot talaga ako.
"Yes sir!" Mabilis kong sagot.
"Very good" sabi nito, hindi man ako tumitingin sa kaniya ngunit nararamdaman kong nakangiti siya habang sinasabi iyon. Ngiting tila nang-iinis.
"So as you know you'll be staying here from Monday until Saturday, you can have your day off pag Sunday. Your salary will be 8,000 pesos per month. You can ask Aling Dora for the uniform and she will also teach the rules here in the house. So that's for today Miss Grace. Have a good day" mahaba at mabilis niyang explanation. Pagkatapos ay tumayo na ito at humakbang papalayo.
"Teka lang!" Patayo kong sabi. Gulat siyang napalingon sa akin.

Lumunok muna ako ng laway bago nagsalita.

"Uhm. I mean, teka lang PO sir... Stay in po ako dito sa bahay niyo? Sir, pwede po bang umuwi ako araw-araw? Yung nanay ko po kasi hindi ko po pwedeng iwan sa bahay." Hindi ko alam kung saan ako naka-hugot ng lakas ng loob pero nasabi ko iyon ng dere-diretso.

Mahaba-habang katahimikan muna bago muling nagsalita ang ginoo. Narinig ko itong nagbuntong hininga pagkatapos ay naglakad ito patungo sa kinatatayuan ko. Napako ang tingin ko sa mga mata niya, hindi ko mabasa ang expresyon ng mga ito. Nilamon na siguro ako ng sistema dahil hindi ko namalayan ay magkaharap na pala kami sa isa't-isa.

"No can do baby doll, it's either that way or no job for you, Grace." bulong nito sa akin.

Tumayo yata lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa ginawa niya. Bago pa man siya nakatalikod ay nahuli ko ang mga ngiti nito. Habang ako ay parang napako na sa aking kinatatayuan.

"I take your silence as a Yes, Grace"..

Nanay ko po! Ano ba itong napasukan ko..

Itutuloy.....

©intoxicatedd2017 This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available. Thanks :)