1. Home
  2. Stories
  3. Carnal: Book 3 - Chapter 36: Reunion Of Her Song, Lulla
Pinoy Tambay

Carnal: Book 3 - Chapter 36: Reunion Of Her Song, Lulla

By anino ·

Pumarada ang mala limousin na kotse ng Supremo sa harapan nila at lumabas agad ang assistant niya para ilagay ang mga bagahe ng mag tita sa trunk at ang Supremo pa mismo ang nagbukas ng pinto sa kanila. "Thank you" sabi ng dalawa nung sumakay na sila at huling sumakay ang Supremo na nakaupo sa harapan nila si Jenny habang katabi naman ng Supremo si Divina. "Sir, saang restaurant po tayo?" tanong ng assistant niya nung naupo na ito sa tabi ng driver "the usual place" sabi ng Supremo sabay ngiti niya "sige po sir" sagot ng assistant niya at sinabihan ang driver kung saan.

Umalis na sila at kasunod nila ang isang kotse sakay ang tatlong taong nakaabang sa kanila kanina sa loob ng airport "heading north" sabi nung isa sa phone niya at itinuro niya sa driver ang kotse nung lumiko ito papaunta sa highway. "Do not lose them" sabi niya sa driver "shut up!" sabi nung driver na ikinagulat nung kasamahan niya "what did you say?" tanong niya "I know what i'm doing so shut up!" sabi nung driver. "Who do you think is the lead here?" tanong nung isa "no one!" sagot nung driver. "Really? Really?" tanong nung nasa tabi niya. "You two better shut up and focus!" sabi nung nasa likod "she started it!" sabi nung nasa tabi ng driver "well you are acting like bossy!" sabi nung driver sa kanya.

"See what I mean? She has been like that since Singapore" sabi nung katabi ng driver "haayyy.. you don't want me to call One and report you two, right?" banta nung nasa likuran "no..." sabay sagot ng dalawa "good, now focus on your task and behave yourselves" sabi niya sa dalawa. "You are not so lady like too you know" mahinang sabi nung driver "do you really want me to call One and report you?" banta niya "no.. sorry Five" sagot nung driver "good, now focus on driving Sixteen and Eighteen please turn that damn game off!" sabi ni Five sa dalawa na nagkatinginan ang dalawa at parehong napabugnot.

Tumunog ang telepono ni Five "yes" sagot niya "I have her body" sabi sa linya "that's good to hear! We can finally rest her in the island" sabi ni Five "there's a bad news" sabi nung kausap niya sa linya. "What is it?" tanong ni Five "the island has fallen!" sagot nung kausap niya na napahawak siya sa headrest ni Sixteen "what's up Five?" tanong ni Eighteen sa kanya. Nakita kasi nilang gulat na gulat ang expression sa mukha ni Five "copy that.. will inform the group" sabi ni Five sa linya "we are moving her tonight, cancel the operation this comes first!" "understood, we will meet you in the marina" sagot ni Five at binaba niya ang phone.

"Mission has been cancelled" sabi ni Five sa dalawa na ipinarada ni Sixteen ang kotse sa tabi ng highway "what's up?" tanong muli ni Eighteen "Purgatory has fallen" sabi niya sa dalawa na nagulat sila pareho. "WHAT?!" gulat nilang tanong kay Five "she has Fifteen's body and we need to go to the Marina to meet them" sabi ni Five sa kanila. Agad pinatakbo ni Sixteen ang kotse at makalipas ang isang oras nakarating na sila ng Marina at nakita ni Five ang kausap niya sa phone kanina "hurry!" sabi nito sa kanila at sumakay sila sa speedboat.

"What happened Fourteen?" tanong ni Sixteen sa kanya "someone attacked the island and I hope those three are safe" sagot ni Fourteen sa kanya "DAMNED THEM! Our holy ground!" galit na sabi ni Eighteen pero kalmado lang si Five habang kalong-kalong niya ang bangkay ni Fifteen. "Does the rest knows about this?" tanong ni Sixteen "message has been sent, they are coming home!" sagot ni Fourteen "damn it Cain, how can he allow this to happen?" inis na sabi ni Eighteen "Five!" tawag ni Sixteen na napatigil nalang sila nung naluluha si Five habang hinihimas ang mukha ni Fifteen.

"My sister, we can now let you rest in peace with mother.." sabi ni Five na napaupo si Sixteen at Eighteen sa upoan nila "we were hoping this day won't come" sabi ni Sixteen. "I guess.. there's no stopping it huh?" tanong ni Eighteen "the sisterhood will come together to finished what mother had started" sabi ni Fourteen "Lullaby.. that's who we are" sabi ni Five sabay tingin niya sa tatlo "we are a song meant to put everyone to sleep... " nagbago ang expression sa mukha ni Five na parang me itim na aura ang nakapaligid sa katawan niya ".. and that is what we are going to do to them!" galit niyang sabi na napangiti ang tatlo.

"CAIN! SEVEN! NINE!" pagsisigaw ni Precy habang nakaupo siya sa harapan na nasusunog na simbahan at bigla nalang siyang natahimik nung me narinig siyang ingay mula sa gubat. Tumayo siya at hinugot ang katana niya at galit niyang hinigpitan ang paghawak sa katana niya "WHOEVER YOU ARE YOU'D BETTER LEAVE NOW OR YOU WILL DIE!" sigaw ni Precy sa taong papalapit sa kanya. "GET OUT OF HERE!" sigaw ni Precy nang biglang me lumabas mula sa likuran ng puno at napatuwid ang tayo niya nung tinamaan siya sa tiyan "ah..." nalang si Precy bago siya hinimatay at sinalo siya nung taong sumuntok sa tiyan niya.

Me tatlo pang sumunod na lumabas mula sa gubat at nakita nila ang kondisyon ng simbahan "not good!" sabi nung isa na napabugnot ang taong sumuntok kay Precy. Nilingon niya ang isa na agad itong lumapit at ipinasa sa kanya si Precy "I know where they are" sabi nung isang me hawak na gadget "hmmm...." lang ang sinagot nung sumuntok kay Precy at itinuro nung me hawak na gadget kung saan sila mahanap. Sa loob ng safe room ginamot ni Julie ang sugat ni Cain dahil sa shrapnel na tumama sa kaliwang tiyan niya.

"Salamat Nine" sabi ni Cain "its alright, Commander" sagot ni Julie at tinuon niya ang atensyon kay Marcus na tinamaan din sa hita nung bumagsak ang isang beam ng corridor. "Mabuti at naisipan nating pumasok dito kung hindi wala na tayo" sabi ni Cain sa kanila "baby.." sabi ni Chello nung tiningnan niya ang condition ni Dave "he is fine babe, kailangan lang niyang magpahinga" sabi ni Dave Sr. "Sabi ni Esmeralda kailangan niya ng dugo dahil marami ang nawala sa kanya" sabi ni Rudy "I know pa, pero sa present situation natin hindi ko alam.. babe.. i'm scared" naiiyak na sabi ni Chello.

Niyakap siya ni Dave na napatingin sa kanila si Erica at lumuhod sa tabi ni Dave Jr "i'm sorry.." sabi ni Erica sa kanila na napatingin sila sa kanya "kung hindi dahil sa'yo hindi ito mangyayari sa apo ko!" sabi ni Aida kay Erica. "I'm sorry po.." sabi ni Erica "it's not her fault! So do not blame her for this!" sabi ni Victor sa kanila "Victor!" tawag ni Cain sa kanya na natahimik si Victor. "Walang ginustong mangyari ito-" "TAMA KA!" sigaw ni Aida "walang ginustong mangyari ito pero nangyayari ito sa amin! Noon pa man nung na.." putol ni Aida sabay tingin niya kay Rosana "kung hindi lang sa pesting pamilya mo!" sigaw niya kay Rosana na napayuko ang ulo ng huli.

"IT'S NOT MY MAMA'S FAULT!" sigaw ni Marcus kay Aida "Marcus.. stop it!" sabi ni Rosana sa kanya "we need to focus kung paano tayo makakalabas dito para sagipin ang kapatid mo, blaming each other won't help us!" sabi ni Rosana na natahimik silang lahat. "Thirteen is still out there" sabi ni Julie na tumingala siya sa kisame sabay tingin sa kanila "there is still hope for us" sabi niya. "Hold on" sabi ni Victor nung nakita niyang biglang me nagblink na ilaw sa iPad na nasa pader "what is it Victor?" tanong ni Cain nung nakita niya itong kinuha ang iPad sa pader at inon niya ito.

"Oh God!" sabi ni Victor na agad tumayo sina Erica at Julie "what's wrong?" tanong ni Erica sa kanya "there's an intruder in the island" sabi niya "WHAT?!" "ANO!?" tanong nilang lahat. "Wait!" sabi ni Victor na natahimik sila "it can't be... iisa lang ang kilala kong.. Cain someone is accessing our main frame" sabi ni Victor kay Cain "what do you mean, someone?" tanong ni Cain. "Hindi ba nasira na yung main frame nung sumabog ang control room niyo?" tanong ni Marcus sa kanya "no, our main frame is 10 feet below us" sabi ni Victor "who is accessing it?" tanong ni Julie.

"This signature.. this.. it can't be.." sabi ni Victor sabay tingin niya sa metal door ng safe room "CAIN!" tawag agad ni Victor sa kanya na narinig nilang nag-iingay ang metal door. Pilit tumayo si Cain pero nahihirapan siya kaya tinulongan siya ni Julie at inakay siya papunta sa harapan ng pinto "Nine.." sabi ni Cain na tumango agad si Julie at tumingin kay Erica na ngayon ay naghahanda narin sa baril niya. Umatras sila palayo sa pinto "Rosana.." tawag ni Cain sa kanya "ano?" tanong niya "stand behind me and no matter what happens huwag kang umalis sa likuran ko" sabi ni Cain sa kanya kaya tumayo siya sa likod nito.

"Mama.." tawag ni Marcus na nilapitan siya ni Rudy at Aida habang si Dave Sr at Chello nagbabantay kay Dave Jr at pinagitnaan nina Julie at Erica si Cain "ano ba ang nangyayari?" tanong ni Aida sa kanila. "If what Victor saying is true.. delikado ka dito Rosana" sabi ni Cain "why? What's behind that door?" tanong ni Rosana "its the First" sabi ni Erica "First?" takang tanong ni Rosana "siya ang kauna-unahang sundalo ng Lullaby" sabi ni Julie na biglang nahiwa ng espada ang metal na pintuan at bigla itong bumukas na nagdulot ito ng ingay nung tumama ito sa kongkretong pader ng safe room.

Hindi nila makita ang tao sa labas dahil madilim ito at ilang sandali lang ay biglang ibinato papasok sa loob ng safe room si Precy at nag slide pa ito papunta sa paanan ni Cain. "THIRTEEN!" sigaw nin Erica at Julie at narinig nila ang yapak ng mga paa na papasok sa safe room "sino ba siya Cain?" mahinang tanong ni Rosana na nakita niyang napalunok ng laway si Cain at pinawisan ito. "Why are you scared?" tanong ni Rosana ".. between you and me.. nasa ibang level ang kakayahan niya.." sabi ni Cain habang papalapit na sa pinto ang taong nasa labas ng safe room.

"What do you mean by that?" tanong ni Rosana "she is the most dangerous of us all" sabi ni Julie "me reason ang disignation numbers namin Rosana" sabi ni Julie "our numbers are not about who came first and who came last" sabi ni Erica. "The numbers they are carrying varies on their abilities and skills" sabi ni Cain sabay lingon niya kay Rosana "the person whose about to come in carries the number ONE!" sabi ni Cain. "So what if she carries that number, ano ang koneksyon ko sa kanya?" tanong ni Rosana "..One.. is the best soldier of Lullaby and she bears the grudge to kill you.." sabi ni Julie na ikinagulat ni Rosana.

"I am disappointed..." narinig nila ang tinig sa labas lang ng pinto "our holy island.. desecrated.. and yet you four did not do anything to stop it!" kalmadong boses na nagmula sa isang taong nakatayo lang sa labas ng safe room. Biglang nagising si Precy at nung inangat niya ang ulo niya napatingin siya sa kanila "wha.." sabi ni Precy na nakita niyang nakatingin ang lahat sa me pinto kaya nung lumingon siya doon nanlaki nalang ang mata niya sa nakita niya nung tumayo ito sa me pinto at naaninag ng ilaw ng safe room ang mukha niya.

Agad tumayo si Precy at tumakbo papalapit sa kanya at sigaw ng "WAAAAAAAAAANNNNNNNNN..." sabay talon niya at inabot ni One ang mukha niya at pilit siya nitong inilalayo. "One.. I missed you!' sabi ni Precy habang pilit inabot si One para yakapin ito "THIRTEEN!" sigaw ni One na biglang napatigil si Precy at tumikas siya sabay saludo "CAPTAIN!" sigaw ni Precy sa kanya. Napapikit nalang si One sa inis at maya-maya ay ngumiti "I miss you too, Kitty" sabi ni One na niyakap siya ni Precy at hinimas ang ulo niya ni One.

Binaba ni Erica at Julie ang baril nila at lumapit sa kanya "Captain" sabi ng dalawa sabay tikas nila at sumaludo "I truly am disappointed in you three... haayy.. but I supposed it can't be helped" sabi ni One sa kanila. "Captain.. Captain.." tawag ni Precy "what is it?" tanong ni One "I made the God of blades prayer earlier and it works!" sabi niya kay One na napangiti ang huli "i'm happy for you kitty" sabi ni One. Tumingin siya kay Cain na napayuko nalang ang ulo niya na napailing si One sa kanya "i'm sorry, akala ko kasi.." "save it for later.. we have to leave this room now" sabi ni One kaya sumunod silang lahat at tinulongan nilang ilabas si Dave at si Marcus.

Paglabas nila sa ilalim ng simbahan nakita nilang me tent ng nakatayo malapit lang sa gubat "well, well, well" sabi ng isa nung makita sila "how disappointing this is.." sabi niya nung makita at tatlo. "Get off my back!" sabi ni Erica sa kanya "still having that attitude huh Seven?" tanong ni Three sa kanya "shut up!" sabi ni Erica na napailing lang si Three sa kanya. "Ma'am.." sabi ni Julie nung nakaharap niya si Two "tsk.. I can't even.. " sabi ni Two na ipinakita niyang dismayado siya sa kanila "Victor!" tawag ni Twelve sa kanya "oh.. I knew it was you!" sabi ni Victor na natuwa pa siyang makita si Twelve.

"I hack into the main frame and check the entire island and I found out that the console inside the safe room is still operational kaya ko kayo nahanap" sabi ni Twelve sa kanila. "Ah.. Erica..sino ba sila?" tanong ni Chello "i'm sorry" sabi ni Erica "these are our sisters.. " pakilala ni Erica "i'm sorry kung hindi pa namin napakilala ang sarili namin" sabini One. "I am One leader of the group, my 2nd in command Two" pakilala ni One "hello" bati ni Two sa kanila "the one with glasses is Twelve" sabi ni Precy na nainis sa kanya si Twelve. "Master hacker and anime lover!" pakilla ni Twelve "HI!" sigaw bigla nung isa "I"M THREE NICE TO MEET YOU!" sigaw niya na natawa si Precy.

"I'm sorry, that's just her way of meeting new people" paliwanag ni Julie "I'M SORRY FOR YELLING, I'M A MEDICAL DOCTOR BY THE WAY I CAN HELP YOU HEAL YOUR WOUNDS!" sigaw ni Three na binatukan siya ni Two. Napatingin lang sila sa kanila at hindi makapaniwala na ang mga magagandang dilag na nasa harapan nila ay myembro ng isang elite group na mamamatay tao. "Kayo lang ba?" tanong ni Cain sa kanila "they are coming" sagot ni Two "they?" tanong ni Chello "the rest of the family" sabi ni Twelve "so you guys rushed in nung nalaman niyong inatake ang isla?" tanong ni Rudy.

"We.. did not expect this.. our gathering is supposed to be for a funeral service" sabi ni One na napatingin sa kanya sina Erica, Julie, Precy at Cain "funeral?" takang tanong ni Chello. "We have her body.. Fifteen is coming home" sabi ni Two "Four and the others are bringing her now as we speak" sabi ni Three "Victor, your firewall is way too weak" sabi ni Twelve sa kanya. "Wait the rest of the sisterhoods are coming home?" tanong agad ni Erica kay One "all of them are" sagot ni Two na nakita nilang napayuko ang ulo ni One at maya-maya tumingin siya kay Rosana at humawak sa katana niya.

Tumayo agad si Cain sa harapan ni Rosana "One.. you promise!" paalala ni Cain sa kanya "I am not here for blood.. I'm here to bury my sister" sabi ni One kay Cain at nakita nila ang galit sa mata niya habang nakatingin kay Rosana. "I know.." sabi ni Rosana at itinulak niya paalis sa harapan niya si Cain "if you want justice for what I did I will gladly accept it! But.. after I get back my daughter" sabi ni Rosana na bumitaw si One sa katana niya "..what does she mean by that Cain?" tanong ni One. "Reaper squad came in and took her daughter" paliwanag ni Julie "we killed most of them but Uno and Singko escaped with Esmeralda" paliwinag ni Erica.

"UNO!" sabay sambit ng tatlo na napaisip ng sandali si One "for heaven sake! Not them again!" sabi ni Three "One.. I told you we should've taken that job and not them!" sabi ni Two sa kanya na tinaas ni One ang kamay niya at natahimik si Two. "What's done is done.." sabi niya sabay tingin kay Rosana "we will have the service by dawn.. after that.. we will talk" sabi ni One sabay alis niya papasok sa tent. "You three have a lot of explaning to do, you too Cain!" inis na sabi ni Two sa kanila "Reapers Squad.. hindi ba me tatlo nalang ang natitira sa kanila?" tanong ni Three.

"Apparently nagdagdag sila ng tauhan" sabi ni Cain "no, there are only three left" sabi ni Three na umalis siya "where are you going?" tanong ni Twelve sa kanya "I need to check on something!" sagot niya. "Dito lang kayo" sabi ni Cain sa kanila na tinulongan sila ni Two mag settle down at sumunod siya kay Three "ano ba ang hinanahap mo?" tanong ni Cain sa kanya. "As a medical doctor alam ko ang tungkol sa physiology ng tao and sa mga documents na nababasa ko sa project Reapers.." sabi niya nung tiningnan niya ang katawan ng isang napatay na myembro ng Reaper.

"DAMN!" sigaw niya bigla "what?" tanong ni Cain at nakita nilang sumunod sa kanila si Erica at Precy "cut that one nice and clean" pagmamayabang ni Precy "this aren't Reapers" sabi ni Three sa kanila. "What do you mean? How can you tell?" tanong ni Erica "this" sabi ni Three nung hinila niya ang ibabang labi ng bangkay "and?" tanong ni Precy dahil hindi nila alam kung ano ang tinitingnan nila "no mark!" sabi ni Three. "During their experiments they tattooed a number inside their lower lips yung kagaya sa atin na nasa likod ng kanang tenga natin" paliwanag ni Three na pilit tiningnan ni Precy ang numero sa likod ng tenga niya "idiot!" sabi ni Erica sa kanya.

"So ibig sabihin nito?" tanong ni Cain "they are not really Reapers" sagot ni Three "damn!" sabi ni Erica "I was wondering earlier kung bakit ang bilis ko silang napatay" sabi ni Precy na napangiti si Cain. "They are using decoys for this mission, smooth!" sabi ni Three na parang an impress pa siya "let's go back, kailangan nating iinform ito kay One" sabi ni Three na agad silang bumalik sa grupo. "Three can you help him?" tanong ni Erica kay Three "i'm a doctor you don't need to ask" sabi ni Three na agad niyang tiningnan si Dave jr.

Tinanggal niya ang bandahe sa dibdib ni Dave at nakita niya ang ginawa ni Esmeralda "wow, his stitches" sabi ni Three sabay ngiti niya "what about it?" tanong ni Chello na hinimas ni Three ang tahi ni Dave. "She did it with care... with love.." sabi ni Three na nawala ang ngiti niya nung nakita niyang galit na nakatingin sa kanya si Erica sa paghimas niya sa dibdib ni Dave. "So territorial" sabi nalang ni Three at kinuha ang pulso ni Dave at tiningnan ang mga mata niya "his heart rate is getting faster and he is having shortness of breath he needs blood transfusion" sabi ni Three. "Sino ang nag operate sa kanya?" tanong ni Three "si Esmeralda, kapatid niya" sagot ni Chello.

"She did a very good job, this boy needs blood" sabi ni Three "pwede ako magbigay" presenta ni Dave Sr. "you are?" tanong ni Three "i'm his father" sagot ni Dave Sr "pwede rin ako" sabi ni Chello. "Good! Let me get my bag and we'll have some blood flowing" nakangiting sabi ni Three na na eexcite pa ito sa gagawin niya "geeze!" sabi nalang ni Erica. "What's with her?" tanong ni Chello nung natutuwa pang umalis si Three "she loves medicine" sabi ni Erica "oh, kaya pala ganun siya" sabi ni Dave Sr "nah, she's just insane! She's known as the Frankenstein of the group, The Stitcher Three" pakilala ni Erica kay Three.

"Stitcher? Ano ang ibig sabihin nun?" tanong ni Dave Sr "as the name suggested 'Frankenstein' she loves to stitch different parts of a human body together and used them as her marionette" kwento ni Erica na napahawak si Dave sa balikat ni Chello sa takot. "And kasama siya sa grupo niyo?" napalunok ng laway si Dave nung sinabi niya ito "she's harmless once you get to know her, but don't get on her bad side though" sabi ni Precy "why?" tanong ni Chello "you will wake up one day hanging on a string alive but with other people's body parts" nakangiting sagot ni Precy na kinalabutan si Dave sa narinig niya.

"Ganito ba ang mga batang ipinapalaki ni Rosario?" tanong ni Rosana kay Julie nung marinig ang sinabi ni Precy pero ngiti lang ang isinagot ni Julie sa kanya "i'm doing him next" sabi ni Three kay Marcus. "He is fine, now go away!" sabi ni Julie sa kanya "hmp!" lang si Three bitbit ang bag niya pumunta na siya kina Dave Jr "bakit ayaw mong ipagamot si Marcus sa kanya?" tanong ni Rosana. "The things I know... haaa.. forget it he is fine" sabi ni Julie na napatingin lang sa kanya si Marcus at sa sugat niya sa hita.

Ginawa na ni Three ang trabaho niya habang pianaupo niya sa tabi ni Dave jr ang daddy niya at kumuha siya ng gamit para pang blood transfer "careful" sabi ni Erica kay Three nung humawak siya sa tiyan ni Dave Jr. "Geeze Seven go somewhere" sabi ni Three sa kanya na umupo si Erica sa tabi ni Dave Jr at tumingin sa kanya "Seven!" sabi ni Three na hindi siya nito pinakinggan. "Seven!" tawag ni Two na hindi niya ito pinakinggan "SEVEN!" sigaw ni Two na napatingin sa kanya si Erica "she's not going to stitch his dad to your boyfriend!" sabi ni Two sa kanya na tumayo siya at lumapit kay Two "such a love sick puppy!" sabi ni Two at dinala niya si Erica papasok sa tent.

Lumabas muli si Two at tinawag si Julie, Precy at si Cain "i'll be back" sabi ni Julie kay Marcus "don't worry you are safe" sabi ni Cain kay Rosana na tumango siya "later Three" paalam ni Precy at pumasok silang tatlo sa tent. "What's going on with them?" tanong ni Chello "oh don't worry about it" sabi ni Three habang inaayos ang tubo na nagkokonekta kay Dave Sr sa Junior niya "One will just kill them, that's all" simpleng sabi ni Three na ikinagulat nila ni Chello. "What do you mean.. kill them?" tanong ni Chello na natawa si Twelve "she's an idiot don't listen to her" sabi ni Twelve "you'd better sleep with your one eyed open, Twelve" banta ni Three sabay ngiti niya kay Chello.

Nakaupo sa dulo ng tent si One "sit down" sabi niya sa apat at naupo na sila sa harapan niya at umupo naman sa tabi niya sa kanang side si Two "Captain" sabi ni Two na ngumiti si One. "So" sabi ni One na napayuko ang ulo nilang apat "Uno and Singko.. " sabi ni One na wala ni isa sa kanila ang sumagot "haayyy.." nalang si One "YOU IDIOTS WE GIVE YOU THAT TASK AND YOU BLEW IT!" sigaw ni Two sa kanila na tinaas ni One ang kamay niya at tumahimik siya. "From the top, i'm going to listen" sabi ni One at uminom siya ng tea na nagkatinginan silang apat.

"I take full responsibility, One" sabi ni Cain "I.." sabi bigla ni Erica na tumingin sa kanya sina One at Two "I actually I am to be blame that she is still alive" sabi ni Erica na nakatingin lang sa kanya si One. "Explain yourself, Seven" sabi ni Two "I did not finish her off when I had the chance" sabi ni Erica "I..." sabi ni Erica na magsasalita na sana si Two pero pinigilan siya ni One. "Seven.. how was your sleep?" tanong ni One na napatingin siya kay One na napayuko ang ulo ni Erica "she hasn't been sleeping a lot, Captain" sabi ni Precy.

"Seven.. what did I told you?" tanong ni One sa kanya na umiwas siya ng tingin "Seven.." tawag ni One na pinikit nalang ni One ang mata niya "you guys can go" sabi niya na tumayo na sila "not you Seven" sabi ni One kaya naiwan siya at lumabas silang apat. "Walk with me" sabi ni One kaya lumabas sila ng tent at nakita ni Erica si Dave Jr na ginagamot ni Three. "Seven" tawag ni One sa kanya kaya naglakad na sila papunta sa puntod ni Rosario at pagdating nila doon niluhod ni One ang isang tuhod niya at hinimas ang lapida ni Rosario.

"Naalala mo pa ba ang sinabi niya sa'yo?" tanong niya kay Erica "ang bilin niya sa atin?" tanong niya na hindi sumagot si Erica "haayy.. I believe in you Seven..." sabi ni One na nilingon niya si Erica. "I'm asking you to trust me... why are you reluctant to do that?" tanong ni One na napansin niyang nakatingin parin si Erica kay Dave "does he matter that much that you are willing to throw your life away?" tanong ni One na napatingin sa kanya si Erica at nakita niyang nakalabas na ng konte ang blade ng katana ni One. "I'm asking you a question, answer me!" sabi ni One na dahan-dahang inabot ni Erica ang baril niya "my life.. will be over if he dies..." sagot niya kay One.

Pinikit ni One ang mata niya at nung tumayo siya agad binunot ni Erica ang baril niya nung nakita niyang binunot ni One ang katana niya at isinangga niya ang baril niya nung dumaan ito sa harapan niya. Umatras si Erica palayo kay One at nakita niyang nasa harapan na niya si One kaya hindi na siya nakadepensa nung tumama ang buntot ng hawakan ng katana ni One sa tiyan niya kaya napayuko siya at napasandal kay One. Napatayo sila nung makita ang pangyayari "NO!" sigaw ni Cain kina Chello at Rosana dahil lalapit na sana sila.

Kalmado lang ang ibang myembro ng Lullaby "let them be" sabi ni Cain sa kanila na napaubo si Erica sa ginawa ni One "i'm asking you a proper question" sabi ni One na narinig ni Erica ang authority voice ni One. "I.. love him.." sagot ni Erica na niyakap siya ni One "I love you... but when you go that far for love... I'm afraid.. i'm going to lose you... we are going to lose you" sabi ni One sa kanya. "Loving someone is a beautiful thing Seven.. that's what mother taught us.. but if you are going to throw your life away because of love..." sabi ni One at tumingin si Erica sa kanya na nagulat siya sa nakita niya ".... i'm going to kill you" nakita niya ang mala demonyong tingin ni One sa kanya.

"....One..." sabi ni Erica na yumakap siya kay One at umiyak sa balikat niya "hush... " sabi ni One at hinayaan lang niyang umiyak si Erica sa balikat niya "Seven.." sabi ni Precy. "What did I miss?" tanong ng isang tinig na lumabas mula sa gubat at napatingin sila sa babaeng naka bikini at bitbit ang backpack niya "FOUR!" sigaw ni Precy sabay takbo at yakap sa kanya. "Aww.. how's my little pussy" sabi ni Four sa kanya "wet as always, Four?" tanong ni Two sa kanya "hey a girl loves to swim" sagot ni Four sa kanya. "At least she's not naked" sabi ni Twelve na napanganga nalang sila nung nagsimulang maghubad si Four at pagkatapos "ahhh.. that feels good" sabi niya nung nakatayo siyang hubo't-hubad sa harapan nila.

"So what's for dinner?" tanong ni Four at kaswal lang itong naglakad sa harapan nila na agad tinakpan ni Julie ang mata ni Marcus pati na si Aida kay Rudy at sinuntok ni Chello sa balikat si Dave Sr. "Hey Vicky.. Cain" bati ni Four nung dumaan siya sa harapan nila at pumasok sa loob ng tent at narinig nila ang ingay sa loob nito "good grief" sabi nalang ni One na natawa ng mahina si Erica. "You know how she is" sabi ni Erica sa kanya "another one that needs a talking to" sabi ni One na nagngitian sila ni Erica. "I hope the rest gets here" sabi ni Two "they'll be here" sabi ni Precy na natawa siya sa inasal ni Four "don't even think about it!" sabi ni Two kay Precy nung humawak siya sa botones ng shorts niya.

Nagdinner na sila Divina at Jenny kasama ang Supremo sa isang magara at mamahaling restaurant "how's your meal?" tanong ng Supremo kay Jenny "it's delicious po" sagot niya. "That's good, how about you Divina?" tanong niya na ngumiti si Divina "it's good" sagot niya na parang nahihiya siya dahil malagkit kasi kung makatingin ang Supremo sa kanilang magtita. "Tell me what's your sister doing these days?" tanong ng Supremo kay Divina "oh she's been busy with our expansions" sagot niya "oh? Where?" tanong ng Supremo "we acquired a business license in Canada and she met a business group in London that are willing to partner with us" sabi ni Divina. "That's great news" sabi ng Supremo sa kanya "how about you sir William? What's new with you?" tanong ni Divina.

"Oh.. not much really just doing the usual" sabi niya kay Divina habang nakatingin siya kay Jenny "i'm sorry sir" sabi ng assistant niya "it's ok, excuse me ladies" paumanhin ng Supremo at umalis muna siya para sagutin ang tawag. Pumunta siya sa pribadong lugar ng restaurant bago niya sinagot ang tawag ni Llana "I hope its good news?" tanong ng Supremo sa kanya. "Half of it sir" sagot ni Llana "go ahead" sabi ng Supremo "they failed to take down Amarosa but they have your dessert and on their way home" sabi ni Llana sa kanya.

"Hmmm... at least.. i'm not going hungry" sabi ng Supremo at tumingin siya kay Jenny na kumakain ng dinner niya "I apologize sir" sabi ni Llana "no worries, one more thing" sabi ng Supremo. "Yes sir?" tanong ni Llana "I have someone in mind that i'm adding to my dessert" sabi ng Supremo na napangiti si Llana "anyone you want sir, you'll have it" sagot ni Llana. "Prepare the ballroom, i'm gonig dancing tomorrow night" sabi niya kay Llana "as you wish sir" sagot ni Llana at binigay muli ng Supremo ang phone sa assistant niya "prepare the car we are leaving in thrity minutes" sabi niya sa assistant niya na niyuko lang nito ang ulo at umalis na ito.

"I'm sorry ladies, tumawag kasi ang isa kong assistant to confirm something" sabi niya sa dalawa nung bumalik siya sa table nila "It's ok sir" sabi ni Jenny "don't worry about it sir William" sabi naman ni Divina. "So, where were we?" tanong ng Supremo sabay ngiti niya kay Jenny na napangiti narin ang dalaga sa kanya at tuloy lang sa pagkwento si Divina. Sa labas ng restaurant me humintong dalawang itim na van at lumabas ang mga sakay nito at tumingin sa paligid "alam niyo na ang gagawin niyo" sabi nung tumatayong lider ng grupo at agad silang kumalat at naghintay sa labas.

"I recommend a good place to buy a dessert" sabi ng Supremo nung palabas na sila ng restaurant "oh no!" sabi ni Divina "what's wrong tita?" tanong ni Jenny "I left my scarf inside" sabi niya "i'm sorry sandali lang ako" sabi ni Divina at pumasok siya muli sa loob. "Let's wait for her outside" sabi ng Supremo na ngumiti si Jenny at binuksan siya ng pintuan ng Supremo. Tumayo sila sa tabi ng kotse ng Supremo ng biglang me lumapit sa kanilang mga tao at kunwaring itinulak nila ang Supremo at binuhat nila si Jenny papunta sa van.

"STOP!" sigaw ng Supremo sa mga taong dumukot kay Jenny at hinabol niya ito pero kunwaring sinuntok siya sa tiyan at mukha na agad siyang lumuhod at kunwaring nasaktan. Me mga taong nakakita sa pangyayari pero walang tumulong sa kanila kaya naisakay sa van si Jenny at agad itong umalis "OH MY GOD SIR WILLIAM!" sigaw ni Divina. "I'm sorry" sabi niya kay Divina nung tinulongan siya nitong tumayo "hindi ko sila napigilan" sabi niya kay Divina "oh my God, oh my God, Jennifer!" sabi ni Divina habang natatakot siya sa kaligtasan ng pamangkin niya.

Nagpapanic si Divina dahil sa pagkidnap ni Jennifer kaya nagtatawag siya para tumulong sa kanila "i'm sorry Divina" sabi ng Supremo na lihim itong natawa sa ginawa niya "tumawag ka ng pulis, dali!" sabi niya sa assistant niya na agad naman itong kinuha ang phone niya. Nakita ni Divina na tumawag ng pulis ang assistant ng Supremo "don't panic" sabi niya kay Divina na naiiyak na ito sa takot at kaba hindi lang dahil sa kinidnap ang pamangkin niya dahil narin sa galit ng kapatid niya. "Oh my God.. the things my sister will do to me if she finds out.. huhuhu.." naiiyak na si Divina.

"Don't worry paparating na ang mga pulis aahh.." pagdadrama niya "okay ka lang ba sir William?" tanong niya sa Supremo "masakit ang tiyan ko" sabi niya kay Divina na tumingin siya sa assistant niya at nag okay sign ito. "Sir, paparating na po ang mga pulis" sabi ng assistant niya at lumabas ang manager ng restaurant at kinausap nila si Divina at ang Supremo. Makalipas ang ilang sandali dumating na ang mga pulis at kinausap agad nila si Divina at ang Supremo "sorry but I have to go to the hospital masakit talaga ang tiyan ko" sabi ng Supremo na nag agree agad si Divina at niyaya siya ng mga pulis sa presinto.

"I commend you for your good acting, sir" sabi nung assistant niya nung papalayo na sila "hehehe.. I did a little acting class back in my days" sabi ng Supremo at tumunog ang phone niya at sinagot niya agad ito. "Sir, nasa building A na po kami at nasa kwarto na po ang dalaga niyo" balita ng tauhan niya na dumukot kay Jenny "good, keep her guarded" sabi ng Supremo "masusunod po sir" sagot ng tauhan niya at binaba na niya ang phone. "Guile" tawag niya sa assistant niya "yes sir?" tanong nito "I need some stuff to use tomorrow" sabi niya sa assistant niya "i'll take care of it sir" sagot ng assistant niya at napangiti siyang nakatingin sa labas ng kotse.

"Thanks for waiting by the way" sabi ni Four kay Two nung nakatuwalya na siya at umiinom ng tea "we texted you the time for departure and still you came late" sabi ni Two sa kanya. "Hey! I told you I was running remember?" sabi ni Four "it is not my fault that we left you, you should check your phone once in a while" sabi ni Two sa kanya. "Speaking of phone, Victor I need a new one I think the one I have is.. well" sabi niya sabay pakita sa nabasa niyang phone "you know.." sabi niya kay Victor na napailing nalang si Victor sa kanya.

"Why were you running by the way? What happened to the money that we gave you?" tanong ni Two sa kanya "well... hehehe.." natawa nalang si Four na napailing si Two at napangiti si One. "Oh, I saw the smoker on my way here" sabi ni Four at umupo siya sa tabi ni Cain "hey old man!" sabi niya kay Cain "smoker?" tanong ni Chello "she is refering to 19 one of our sister" sagot ni Julie. "Where?" tanong ni One "while I was swimming on my way here" sagot ni Four na ikinagulat nila Chello and company. "Lumangoy ka lang?!" gulat na tanong ni Rosana "yeah, why? Is that something odd?" tanong ni Four.

"Oh that's nothing to her" sabi ni Three "she has a high stamina kita mo naman ang katawan niya" sabi ni Three na tumayo si Four at nagflex siya para ipakita ang katawan niya. "She has high endurance and a lot of energy makes me wonder where she puts all of those foods she ates" sabi ni Three na pinisil niya ang bicep ni Four na natawa ito. "Probably where her crap is coming from" sabi ng isang tinig na lumabas mula sa gubat "Nineteen, well the smoker finally arrives" sabi ni Four na pinitik ni Nineteen ang upos niyang sigarilyo at kumuha ng panibago at biglang nahiwa ito sa dalawa at nakita niya ang pagbalik ng katana ni One sa lalagyanan nito.

"Nice to see you too, One" sabi ni Nineteen na kinuha ang yosi sa bibig niya at nilagay ito sa bulsa "took you long enough to get here" sabi ni Two "i'm sorry, the person whom I have contacted with ignores my calls" sabi ni Nineteen. "I wet my phone, sorry" sagot ni Four "that's what steroids do to your body, Four" inis na sabi ni Nineteen sa kanya "hey! Don't hate me if I have this perfect body!" sabi ni Four sabay stretch niya na ipinapakita talaga sa lahat ang perpektong physique niya "too much steroids" mahinang sabi ni Three na tinuro siya sa mukha ni Four.

"Enough!" sabi ni One nung tumayo siya sa gitna "when is Five arriving?" tanong niya "I saw them on my way here, ten minutes" sagot ni Nineteen "by the way One" sabi ni NIneteen. "What?" tanong niya "can anyone tell me what's going on here?" tanong ni Nineteen na lihim itong kumuha ng panibagong stick ng yosi na nahiwa din ito nung nilagay niya ito sa bibig niya. "CAN YOU PLEASE STOP IT!" sigaw niya kay One "what did I tell you?" tanong ni One sa kanya na hnugot niya ng konte ang katana niya kaya tinaas ni Nineteen ang mga kamay niya at sabing "i'm quiting, geeze!" "hahaha scared!" natatawang sabi ni Precy.

"Hello Kitty" bati ni Nineteen sa kanya na naghanda siyang yakapin si Thirteen pero lumayo ito "you stink!" sabi ni Precy kay Nineteen "well, I would've showerd if my partner hadn't been wandering around drinking!" galit niyang sabi. "Where is Twenty by the way?" tanong ni Two na nagkibit-balikat lang si Nineteen at tumungo sa puntod ni Rosario para magbigay respeto. "That drunkard!" inis na sabi ni Two "I can see them now" sabi ni Twelve sa speedboat na papalapit sa isla "let's go meet them" sabi ni One kaya sumunod sila sa kanya. "Dito lang kayo" sabi ni Erica kina Chello na tumango ang huli at sumunod ang buong sisterhood kay One papunta sa pantalan.

Nung nasa pantalan na sila nakita nilang me dalawang speedboat din ang nakasunod sa speedboat na sinakyan nina Five "ah the rest of the family are here" sabi ni Two nung nakatayo silang lahat sa pantalan. Unang dumaong ang speedboat na minamaneho ni Fourteen at tinulongan nilang buhatin si Fifteen at nung nasa pantalan na sila "welcome sisters!" bati ni One sa kanila. "One!" tawag ni Five at pinagdikit ang mga noo nila ganun din ang lahat at nung dumaong ang dalawang speedboat bumaba narin ang natitirang kapatid nila.

"I am happy to see you all again but sad at the same time.. that we are gathering tonight not for a reunion but for a funeral for our beloved sister.. Fifteen" sabi ni One na niyuko nilang lahat ang mga ulo nila. "Life.. has always been hard on us" sabi ni Twenty "but we did not give up.." sabi ni Nineteen "we did not gave in.." sabi ni Eighteen "we may have fallen.." sabi ni Seventeen "but we did not kneel down.." sabi ni Sixteen "we didn't stay down.." sabi ni Fourteen. "As time goes by and things went sour.." sabi ni Thirteen "we did not raise our hand and give up.." sabi ni Twelve "we did not drop and surrender.." sabi ni Eleven.

"When they pushed us.." sabi ni Ten "we pushed them back.." sabi ni Nine "we didn't get scared.." sabi ni Eight "we showed them our strength.." sabi ni Seven. "They tried to take us down..." sabi ni Six "we didn't allow them..." sabi ni Five "instead we took them down.." sabi ni Four "we may lose our sight.. " sabi ni Three "or our emotions.." sabi ni Two "but we will never lose our hope... for we are a song.. meant to ease and put eveyone to sleep.. we are Lullaby..." sabi ni One sabay taas nila ng kanang kamay nila at binuka ang palad pataas sa langit.

Nakita nila ang pagmarcha ng buong Lullaby pabalik sa kampo nila at binaba nila ang bangkay ni Fifteen malapit lang sa tent nila, napansin ni Rosana na nakatingin ang ibang myembro ng Lullaby sa kanya. Nakita niyang nagbubulongan ang ibang bagong dating habang yung iba naman ay nakita niyang galit itong nakatingin sa kanya, niyuko nalang ni Rosana ang ulo niya at tumalikod sa kanila hoping na walang mangyayari sa kanya. "Listen up!" sabi ni One na tumingin sa kanya ang lahat "prepare for the service, rest comes next after that" sabi niya sa lahat na tumango sila at kumilos agad sa gagawin nila.

Naghanda sila para sa funeral service ni Fifteen at naghukay sila sa tabi ng burol ni Rosario at yung iba gumawa ng lapida para kay Fifteen habang yung iba naman ay gumawa ng kabaong para sa kanya. "Me maitutulong ba kami?" tanong ni Dino at Sony kay One "don't worry, kaya namin ito thank you po" sabi ni One sa kanila "kung me kailangan kayo nandito lang kami" sabi ni Dino sa kanya "thank you po!" sabi ni One. "One" tawag ni Two na pumasok sila sa tent at nakita niya ang hubad na katawan ni Fifteen sa mesa.

"What's wrong?" tanong ni One "she's crafty" sabi ni Three nung inexamine niya ang katawan ni Fifteen "what do you mean?" tanong ni One at napalingon sila sa likuran nung pumasok sa loob si Eight at Eleven. "We have what you asked for, One" sabi ni Eight "thank you" sabi niya "how's her body?" tanong ni Eleven "I checked her body thoroughly and found this!" sabi ni Three at ipinakita niya ang maliit na SD Card. "Where did you found it?" tanong ni Eleven sa kanya "right here" ipinakita ni Three ang palad ni Fifteen.

"I know she's good on gathering intel for us but.. this.. this is amazing" sabi ni Eight sa ginawa ni Fifteen "even in death she is still helping us" sabi ni Two "what's in that card?" tanong ni One. "Don't know yet.. i'll give it to Twelve rigth away" sabi ni Three "no! Finish things up here so we could lay her peacefuly" sabi ni One "as you wish, Captain" sagot ni Three at iniwan na nila siya para tapusin ang ginagawa niya. "What do you think is in that card?" tanong ni Two "we'll know it later for now we need to prepare for her service" sabi ni One "agreed!" sagot ni Two.

Makalipas ang ilang oras naayos na nila ang libingan ni Fifteen at ang paghahanda sa gagawin service nila "ang gara" sabi ni Sony nung makita ang ginawa ng buong Lullaby. "Rosana" tawag ni Cain "yeah?" "nakikita mo ba ang ginawa nila?" tanong ni Cain "oo naman, bakit?" tanong niya "ganito ang ginawa nilang service kay Rosario" sabi ni Cain. "Really?" tanong ni Marcus "yes! Mahal nila si Rosario kaya especial ang ginawa nila para sa kanya" sabi ni Cain "kaya ganito din ang gagawin nila para kay Fifteen.. kay Ingrid" sabi ni Cain "I can see the love they have for her" sabi ni Chello.

Alas singko ng madaling araw nagtitipon na silang lahat at inihiga nila si Fifteen sa kama na gawa sa mga bulaklak na tinanim nila noon habang nakaluhod ang lahat ng Lullaby. Nasa likod lang sina Chello and company at nakita nilang tumayo si Eleven at humarap sa kanilang lahat "today, as we lay her down to rest we must never forget her memories and her love" sabi ni Eleven na niyuko nilang lahat ang ulo nila. "Fifteen, not only serves as our intelligence gatherer but also the best cook in our house!" sabi ni Eleven na lahat sila nag agree.

"I remember when she cooked cookies.. hmmm..." sabi ni Thirteen na napapikit ang iba at binabalik tanaw ang pagluto ni Fifteen "oh, not to mention her barbecue" sabi ni Eight "yeah yeah..." sabi naman ni Six. "I love her salmon" sabi ni Fourteen "how about her soups.. hmmm..." sabi ni Ten na napahimas sa tiyan niya si Thirteen "you guys are making me hungry" sabi ni Four. "You are always hungry" sabi ni Nineteen "streroids!" sabi ni Tweenty na natawa ang iba "you guys shut up! One!" tawag ni Four kay One na tumayo siya at binagsak ang dulo ng lalagyan ng katana sa lupa na natahimik silang lahat.

"Her memories will always be with us.." sabi ni One na napangiti silang lahat "raise your heads, pay respect to sister who truly took care of us!" sabi ni One na tumayo silang lahat at tinaas ang kamay nila at kinamao ito. "We are all bound together by our strong bond, a sisterhood, a unit, a family" sabi ni One "LULLABY!" sigaw nilang lahat at binaba ang kamao at nilagay nila ito sa dibdib nila at sabay kinanta ang Gartan Mother's Lullaby

Sleep, O babe, for the red bee hums,
The silent twilight's fall;
Aoibheal from the grey rock comes

To wrap the world in thrall.
A lyan van o, my child, my joy,
My love and heart's desire.

The crickets sing you lullaby beside the dying fire.
Dusk is drawn and the Green Man's thorn
Is wreathed in rings of fog;

Sheevra sails his boat 'til morn upon the starry bog.
A lyan van o, the paly moon hath brimm'd her cusp in dew
And weeps to hear the sad, sleep tune I sing, oh love, to you.

At doon tumaas ang araw sa malayo at nasinagan ang katawan ni Fifteen na nakahiga sa bulaklak na higaan at lahat sila lumuhod para magbigay ng huling respeto sa yumao nilang kapatid. Napaluha nalang si Rosana sa narinig niya "mama?" tanong ni Marcus "sorry, me naalala lang ako" sabi ni Rosana "ano yun, Rosana?" tanong ni Dave Sr. "yung kinanta kasi nila..." sabi ni Rosana "bakit?" tanong ni Aida "yan ang kinakanta ng mama namin noon bago kami matulog" sabi ni Rosana na napatingin sila sa lahat ng Lullaby.

Tumayo si One at binagsak niya ng tatlong beses ang dulo ng lalagyan ng katana niya sa lupa at doon tumayo si Two, Three, Four at Five at binuhat si Fifteen para ibaba sa huling higaan niya. Nung naihiga na nila si Fifteen pumila sila sa magkabilang side ng hukay at nakita nilang ni isa sa kanila walang umiyak o naluha man lang "as we sing our song for our departing sister" sabi ni One "we will continue to remember her memories and her love... for Fifteen!" sabi ni One "FOR FIFTEEN!" sigaw nilang lahat at naghulog sila ng bulaklak sa hukay bago sila umalis.

Si Cain at si Victor na ang nagtabon sa katawan ni Fifteen at humarap si One kina Chello at Rosana kasunod niya ang lahat ng sisters niya "now, our service is over" sabi ni One sabay lingon niya sa mga sisters niya. "There is something we must inform you, Chello" sabi ni One "what is it?" tanong ni Chello "Five" tawag ni One sa kanya kaya lumapit siya "i'm sorry kung ngayon ko lang sasabihin sa inyo ito" sabi ni Five "ang ano?" tanog ni Dave. " Last night we were following the Supremo and I believe he has your daughter and your sister" balita ni Five sa kanya.

"WHAT?!" sigaw nila ni Chello "bakit ngayon mo lang ito sinabi sa amin?" tanong ni Dave kay Five "i'm sorry I was distraught earlier because of what had happened with Fifteen" sabi ni Five. "It's ok iha" sabi ni Rudy sa kanya "babe.." sabi ni Chello kay Dave "oh God.. hopefuly ok sila" sabi ni Aida "we have to go.. we have to get our baby back!" sabi ni Chello kay Dave. "Please... help us!" sabi ni Dave Sr. na lumapit si Erica sa kanila at pinakalma si Chello dahil nagpapanic na ito at umiiyak "One.." sabi ni Erica na pinikit ni One ang mata niya at tumingin sa langit.

"This is probably the divine answer na matagal ko ng hinihingi sa langit.." sabi ni One at binaba ang ulo at tumingin kay Chello at Rosana "we are a unit of elite assassins, our primary goal is to search and destroy, we are a deterrent to any ill actions that the syndicates are doing.." sabi ni One sabay lingon niya sa mga sisters niya. "The time for peace is finally over" sabi ni One na lumapit sa kanya si Two "what's on your mind, One" tanong niya "whatever you decide Captain.. i'm with you" sabi ni Seventeen sa kanya.

"So are we!" sagot ng lahat "they are calling us out you know when they attacked the island" sabi ni Two "desecrating our holy ground" sabi ni Seven "asking for war.." sabi ni Four kaya lumingon si One sa lapida ni Rosario at sabing "if that's what they want.. then Gospel will answer" sabi ni One.