1. Home
  2. Stories
  3. Carnal: Book 3 - Chapter 43: Origin
Pinoy Tambay

Carnal: Book 3 - Chapter 43: Origin

By anino ·

Nagtakbuhan ang mga tao sa buong paligid ng Building A nung marinig nila ang sunod-sunod na pagsabog at nagsigawan sila sa akalang me terrorist na umatake sa buong syudad nung makita nilang bumagsak ang buong gusali. Nagdulot ito ng malaking usok sa buong syudad na ikinabahala ng mga tao sa paligid, walang paring ilaw ang buong syudad kaya hindi nila alam kung ano ang gagawin nila. "THIRTEEN WHY DID YOU DO THAT?!" sigaw ni Two sa kanya "it was One's orders" rason ni Thirteen sa kanya "One! You know the effect of that to the surrouding, right?" tanong ni Zero sa kanya na tumango lang si One.

"Geeze!" sabi ni Two na napakamot nalang siya sa batok niya at umupo sa silya "everyone, settle down" sabi ni Zero habang papunta siya kay Cain sa cockpit kaya naupo silang lahat sa silya habang ginagamot ni Three si Uno. Binigyan ng coordinate ni Zero si Cain na napatingin lang siya nito "just do it, boy!" sabi ni Zero na tumango lang si Cain at napatingin lang sa kanya si Victor. "Now, about this" sabi ni Zero nung bumalik na siya sa likod "mentor" tawag ni Ten sa kanya "what is it?" tanong niya "who was that man piloting that chopper?" tanong ni Ten.

"Hmp, that was Kevin" sagot niya "Kevin?" takang tanong nila "oh, oh, that's the rogaine guy" sabi ni Nineteen na natawa si Twenty at napailing naman si Fourteen "he is the one who gave you all of this hardware" sabi ni Zero. "And.." dagdag niya na nakatingin sa kanya ang lahat "you shouldn't have aasociated yourselves with him" sabi ni Zero sa kanila na nagulat silang lahat. "Why? He is Divina's boyfriend, right?" takang tanong ni One kay Chello "I.. never heard of him until yesterday" sagot ni Chello na nakasandal sa kaliwang balikat niya ang ulo ni Erica habang si Jenny naman ang nasa kanan.

"Why won't you let us associate with him, Mentor?" tanong ni Two kay Zero "Kevin is not his real name" panimula ni Zero "that is one of his aliases, he is known by a lot of names but there is one he is more commonly known, Olum saticisi" sabi ni Zero. "Death dealer" sabi ni Chello na ngumiti si Zero sa kanya "magaleng" sabi ni Zero "you know your Turkish" sabi niya. "What does that mean?" tanong ni Thirteen "he is a gun dealer, Thirteen" sagot ni Eight sa kanya "cool! So what kind of guns does he have?" natutuwang tanong ni Thirteen na nilapitan siya ni Zero at hinimas ang ulo niya "d'awww you are so cute, little pussy" sabi ni Zereo sa kanya.

"The guy is on the international wanted list, selling a lot of weapons to warlords and expanding wars in both Middle East and in Africa" kwento ni Zero "kaya ayaw kong ikabit niyo ang sarili niyo sa kanya" dagdag niya. "Too late Mentor we already did" sabi ni Eleven "well, I already paid him and told him to fuck off so he will let us be" sabi ni Zero. "But he is Divina's boyfriend" sabi ni Fourteen kaya lumingon si Zero kay Chello "don't worry about her she will find another cock somewhere, she always does" sabi ni Chello "mom" sabi ni Jenny na natawa ang mga Lullaby maliban kay Seventeen na napa sign-of-the-cross siya at nagdasal sa kaluluwa ni Divina.

"Ma iba ako" sabi ni Two "where the hell have you been all this time? We thought you were dead so we didin't search for you" sabi niya kay Zero na napakamot nalang sa batok ang huli at tumawa. "Ugghhh.. I hated when she does that" sabi nalang ni Four na nag agree si Six sa kanya "got drunk and slept on a ditch huh?" tanong ni Twenty kay Zero. "Hey! Hey! I don't drink anymore..." sabi ni Zero "and that hurts okay, calling me alcoholic" sabi niya kay Twenty na tumayo si Twenty at humarap sa kanya "you? Of all people? Come on Mentor.. you are busy drinking somewhere that you forgot to comeback for us!" diretso niyang sabi kay Zero.

Sinundot ni Zero ang noo niya "I wasn't drunk ok! I really did cameback for you bitches" sabi ni Zero sa kanila "yeah right!" "bullshit!" "asshole!" "idiot!" "alcoholic!" "virgin!" sabi ng mga Lullaby sa kanya. "I really came back for you guys" kumbinsi niya sa mga alaga niya pero walang naniniwala sa kanya maliban lang kay Thirteen na tumayo ito at yumakap sa kanya. "I know you cameback, I believe you mama" sabi ni Thirteen sa kanya "d'awww.. that is why I love you my pussy.. oh and, I am not your mama" sabi ni Zero na napabugnot si Thirteen at bumalik sa upoan niya at tinuloy ang pagkain ng chips.

"Then, why show up now and not years ago?" tanong ni One sa kanya "funny story hahahaha" panimula ni Zero na napabugnot silang lahat "fine! fine! fine!" sabi ni Zero kaya huminga siya ng malalim at nagsimulang magkwento. "Twenty-one years ago I came back to the facility after meeting with Minerva" panimula niya "I was walking down the hall on the way to your living quarters when I saw Samuel" kwento ni Zero na biglang napatigil sa pagkain si Thirteen pagkarinig sa pangalan na binaggit ni Zero. "I was about to greet you guys when I saw him slapping Thirteen on the face" kwento ni Zero na napatingin silang lahat kay Thirteen.

"I was so angry for what he did but played cool when I passed by him at the hallway" patuloy niya "he greeted me so I smiled but contained myself from breaking his jaw" sabi ni Zero. "The nex night I came back from well... hihihi.." natatawang sabi niya na napailing nalang si Two at napayuko ang ulo ni One sa hiya sa inasal ng Mentor nila. "Ehem.. anyway.. I saw him at the parking lot and noticed that he was checking me out so I flirted with him a little you know making some moves" pilyang sabi niya na tinaas-baba pa niya ang dalawang kilay niya.

"Kumagat ang mokong sa ginawa ko kaya and take note he actually grabbed my left breast and squeezed it" kwento ni Zero "but.. no matter how much stimulation he made the fact that the action that he did against Thirteen still embeded in my head makes me more angrier" sabi ni Zero. "Ano ang ginawa mo?" tanong ni Rosana habang nakasandal ang ulo ni Esmeralda sa balikat niya at nakayakap ito sa braso niya. Ngumiti si Zero at sabing "I hold his hand that he used when he slapped Thirteen, smiled and then cut his arm off" kwento niya na napanganga nalang sina Chello at Rosana habang napangiti naman ang buong Lullaby pati narin si Uno.

"I already warned them about hitting you or mistreating you but still that asshole crosses me so I cut his arm off and used that to beat him senseless" kwento ni Zero na kinilabutan bigla sina Chello at Rosana. "Man she's tough" mahinang sabi ni Victor nung marinig ang kwento ni Zero na ngumiti lang si Cain "no wonder that guy didn't showed up the next night" sabi ni Sixteen "now we know" sabi ni Eight. "The next night Edwardo called me in his office yelling at me about what I did, turns out that bastard is someone's brother-in-law who happens to be one of Edwardo's benefactor" sabi ni Zero.

"I got fired from that gig and I was about to say goodbye to you guys before I go when they escorted me out and load me in their van" kwento niya "they are telling me that they are driving me to the bus station pero alam ko kung saan nila ako dadalhin" sabi ni Zero. "Before they could execute me I executed them" sabi niya sabay kamao ng kanang kamay niya "but, I left one alive and found out that they are moving you guys to another facility out of fear that I might talk to the government about the project so they wanted to eliminate me" kwento ni Zero.

"After taking care of them I went back and found myself on a gun fight with Edwardo's security force but when I got back inside the facility you guys are gone" kwento ni Zero. "I believe they drugged us to sleep that night, Mentor" sabi ni One "I remember after dinner they told us to go directly to the lab but when we got there they gave us pills, so I was wondering why they are giving us meds because our med is supposed to be served by mama (Rosario)" sabi ni Three. "I went to your living quarters and it was empty and there was one security personnel who happens to passby and told me to leave now because the whole facility is rigged with explosive" kwento ni Zero.

"But it was too late for us to leave so the guy run away in panic shitting his pants and left me behind" kwento ni Zero "the explosive was under a minute and so I though 'hey I had a good run' then I remembered Fourteen's ragged look that morning" kwento ni Zero. "What do you mean ragged?" takang tanong ni Fourteen "how can a kid showers at night and woke up looks like a homeless child and with dirt on her finger nails. huh?" tanong ni Zero kay Fourteen na napakamot siya sa ulo niya at tumawa ng mahina. "Yeah, I was wondering that too" sabi ni Sixteen sa kanya

"The answer is under her bed" sabi ni Zero "what?" takang tanong nilang lahat "I was actually digging, as a matter of fact I asked Eight to calculate the distance from my bedroom to Zero's motorbike ourside the facility" sabi ni Fourteen. "Let the kid help you fix your bike and she's dead serious the next day" sabi ni Zero sabay iling niya nung tumawa lang si Fourteen. "What? I like engines" sabi ni Fourteen "so you know mama" sabi ni Erica "hmm?" ni Chello "if you are looking for an accountant who is really good at numbers you can hire Eight" sabi ni Erica "why is that?" tanong ni Chello "she can do math faster than us, basically we called her walking calculator" sabi ni Erica na natawa si Jenny.

"So, I lifted Fourteen's bed and pushed the box underneath it and saw a huge hole on the floor and within seconds that I dove inside the whole facility exploded and minutes later I came out at the parking lot closed to my bike" sabi ni Zero. Napa "wow" nalang silang lahat "but what took you so long to find us?" tanong ni Ten sa kanya "I had to get away, Edwardo knew that I was alive since his men didn't came back so I went out of the country and joined with my fellow mercenaries" sagot ni Zero "still!" sabi ni One "you could've send us a message that you are alive" sabi ni One sa kanya na nilagay ni Zero ang kanang kamay sa balikat ni One.

"I'm sorry kid, I really am" sabi ni Zero sa kanya sabay lingon niya kay Rosana na napatingin din sa kanya ang huli "the last time I saw that face she was crying right infront of me before they took me away" sabi ni Zero habang nakatingin kay Rosana. "I am sorry... I.. I could've made a difference if I was there that night" sabi ni Zero na naluha bigla ang mga mata niya. "I... I'm sorry old friend.." sabi ni Zero na tumulo nalang ang luha niya "I wasn't there to save you.. even though I.. I told you that I will.. but.. I.. I did keep my promise.. to keep these kids alive.. but sad to say.. I.. I failed you when we lost Fifteen" naluluhang sabi ni Zero.

Niyuko nilang lahat ang mga ulo nila nung marinig ang sinabi ni Zero, tumayo si Rosana at lumapit kay Zero "it's okay.." sabi in Rosana at niyakap niya si Zero na niyakap din siya nito ng mahigpit. "Zero!" tawag ni Cain na bumitaw siya kay Rosana at nagpahid ng luha "what is it, Cain?" tanong niya "we are here" sagot ni Cain "good, set us down closed to the mansion" utos ni Zero. "Where are we?" tanong ni One kaya tumingin sila sa bintana at nakita nilang wala na pala sila sa syudad at parang nasa probinsya sila dahil sa malagubat nitong paligid at sa gitna nito me nakatayong malaking mansion.

"Where are we Mentor?" tanong ni One "at the very beginning" sagot ni Zero "what do you mean?" tanong ni Chello "we are facing the man that started it all" sagot ni Zero. "Lullaby!" tawag niya "barracuda formation" utos ni Zero kaya agad tumayo ang labing dalawa at naghanda sila "check your weapons and check your ammos" sabi ni Two sa kanila. "Ano ang gagawin niyo?" tanong ni Rosana "we are going to face an old friend and end this" sabi ni Zero at pinindot ang green botton sa pader at bumukas ang likuran ng eroplano.

Nakita nilang pababa na ito at nung nasa limang talampakan nalang ito sa lupa agad tumalon ang labing dalawa at sumunod sina One at Two "Four, Five, Six and Eight take the right wing. Nine, Ten, Eleven and Fourteen take the left wing. Sixteen, Eighteen, Nineteen and Twenty guard our back" utos ni Two sa kanila at doon tumalon na si Zero sa pagitan nilang dalawa ni One. "MOVE!" sigaw ni Two na agad silang kumilos at naglakad na silang tatlo nina Zero at One papunta sa mansion habang nasa rampa ng V-22 Osprey lang sina Thirteen at Seventeen bitbit ang mga armas nila.

Binaba ni Cain ang eroplano at hindi niya pinatay ang makina "wait here" sabi ni Cain kay Victor "teka, saan ka pupunta?' tanong ni Victor sa kanya "susundan ko sila" sabi ni Cain. Lumabas si Cain at tumakbo itong sumunod sa tatlo "good" sabi ni Zero at nung malapit na sila sa pinto bigla nalang itong bumukas at nakita nila si Minerva "what took you?" tanong niya sa kanila. "Smart ass as always, Mini" sabi ni Zero na napangiti si Minerva "One, Two, Cain" sabi ni Minerva na niyuko nina One at Two ang ulo nila "hello Minerva" sabi ni Cain at pumasok na sila sa loob.

Nakita nila ang maraming patay sa paligid "how are you, Minerva?" tanong ni One "been busy" sagot ni Minerva sabay tingin kay Zero "hey, it's not my fault they want to fight" sabi ni Zero sa maraming patay na tauhan ng Supremo. "Hmp! Over here" yaya ni Minerva at umakyat sila sa second floor at pumunta sa isang kwarto "before we go in" sabi ni Minerva habang nakawak siya sa door knob. "I want to warn you about his condition" sabi niya "it doesn't matter" sabi ni One sabay hawak sa katana niya "i'm going to slit his throat" dagdag niya na napatingin si Minerva kay Zero na napangiti naman ito.

Binuksan na ni Minerva ang pinto at nakita nila sa loob ang isang matandang lalake na nakaupo sa wheelchair at nakatalikod ito sa kanila, umikot ito at humarap sa kanila. "I've been waiting for this day to come.. " panimula ng matanda at nagulat siya nung makita si One at ngumiti narin ito "... those eyes.. hihi.. ilang taon din akong hindi makatulog ng maayos dahil sa mga mata mong yan.. One" sabi ni Leo ang unang Supremo. "It has been long.. Supremo" sabi ni One at bumitaw siya sa katana niya at niyuko ang ulo "gracious as always.. no wonder he accepted you as his student" sabi ni Leo sa kanya.

"Before he passed away he left you a message" sabi ni One "and what is it?" tanong ni Leo "he will be waiting for you in hell" sagot ni One na nanlaki ang mata ni Leo pero natawa narin siya. "As to be expected by the man they called Demon from the East" sagot ni Leo at napatingin siya kay Cain "ah.. the boy who killed his father" sabi ni Leo kay Cain na mahigpit na nakahawak si Cain sa baril niya. "You don't need that gun anymore... Cain" sabi ni Leo sa kanya na hinawakan ni One ang kamay ni Cain na me hawak na baril at umiling siya kaya ibinalik niya ito sa holster.

"Its time to end this Leo, marami ng buhay ang nawala dahil sa kahibangan nating ito" sabi ni Zero sa kanya "sabi mong kahibangan pero para sa akin isa itong pangarap na natupad" sabi ni Leo. "Simula pagkabata pinangarap kong makita ang mundo na mapayapa at magkakaisa ang buong sangkatauhan pero sa mga nakikita ko sa paligid kahit katiting na awa sa kapwa hindi nila maibigay" kwento ni Leo. "Kaya nagpursige akong mag-aral at nakita ko ang daan tungo sa pangarap kong yun ang magsilbi sa Dyos at sa sektor na nagbibigay pag-asa sa mundong ito pero... " pagtigil niya at tumingin kay Minerva.

"Hindi ito naging sapat kaya nung binitawan ako ng sektor na pinagsisilbihin ko nakahanap ako ng ibang daan at itong daan na ang tinatahak ko hanggang sa nakarating na ako sa puntong ito sa buhay ko" kwento niya. "Isa ang ama mo Cain ang nagtulong sa akin marating ko ang kinalalagyan kong ito" sabi ni Leo na nakatingin lang sa kanya si Cain "kung maibabalik ko lang ang lahat nanaisin kong ako ang namatay noon kesa si Joaquin" sabi ni Leo na naluha siya. "I missed my old friend..." naluluha niyang sabi na niyuko ni Cain ang ulo niya at naalala niya ang ama niyang si Joaquin.

"Joaquin..." mahinang sabi ni Minerva "time to call off your dogs Leo and end this war" sabi ni Zero sa kanya na nagpapahid ng luha si Leo at pagkatapos tumingin sa kanila. "I'm sorry..." sabi ni Leo "that's the first step" sabi ni Zero "now leave my children and their friends alone, we will seal this truce by letting you live with the rest of your life" sabi ni Zero sa kanya. "Letting me live.. for the rest of my life..." sabi ni Leo na natawa siya ng mahina "how can I live when you already killed my next of kin" sabi ni Leo "the man deserves to die after what he did" sabi ni One sa kanya.

"True.. he lacks the means to be a leader but... I commend him for what he did for the organization" sabi ni Leo sabay tingin niya kay One at sa katana niya "you know.. starting that day I learned that fear is a useful tool para makuha mo ang gusto mo" sabi ni Leo. "What do you mean?" tanong ni Two "makuha ang ano mang gusto mo sa buhay" sagot ni Leo. "Leo... what did you do?" tanong ni Minerva sa kanya "it's not what I did... its what you made me that lead me to it" sagot ni Leo "what is?" tanong ni Zero na ngumiti si Leo.

"I know you have Dr Mina on board..." sabi ni Leo na ikinagulat nila "how.. how did you know?" tanong ni One sa kanya "I know everything.. saw everything.." sagot ni Leo. "Leo.. tell us about Project Trinity" sabi ni One na napangiti si Leo at tumingin kay Cain "I created that project after Joaquin left the group and I wanted to create a being just like him" sagot ni Leo na ikinagulat pa nila. "Create... like him?" gulat na tanong ni Cain kay Leo na tumango ang huli at sabing ".... the three genetically enhance children, the children you are now calling Uno and Seven... are his children... so to speak.. they are your sisters, Cain" sagot ni Leo.

Napaatras ng konte si Cain sa narinig niya "how... how can this be?" gulat niyang tanong kay Leo "the plan was to clone him... I wanted to see my friend once again.." sabi ni Leo. "Wait.. if you are using his father's genes bakit babae sila at hindi lalake?" takang tanong ni Two "because he has a faulty genes kaya nagbago ang gender nila" sagot bigla ni Dr Mina na nasa me pintuan na ito. "MINA!" sabay nilang sabi nung makita siya "hello Leo.." bati ni Dr Mina kay Leo "ah.. the great Dr. Mina" sabi ni Leo sa kanya "totoo ang sinasabi niya well, not all of his genes has been used to clone them" sabi ni Dr. Mina.

"Dahil narin sa kakulangan sa genes ni Joaquin me idinagdag si Dr Siegfried Von Holstrand ang German geneticists na head sa project kaya lumabas na babae sila at hindi lalake" kwento ni Dr Mina. "Teka.. kaninong genes naman ang idinagdag para mabuo sila?" tanong ni Two na tumingin si Dr Mina kay Zero kaya napatingin sila sa kanya at niyuko ni Zero ang ulo niya. "Hahahahahaha.." tumawa nalang siya bigla na ikabugnot ng mukha nina One at Two "it wasn't me idiots!" sabi ni Zero sa kanila "though.. I wouldn't mind being their mother I mean.. look at their boobs hihihihi" natatawang sabi ni Zero "you are the worst" sabi ni Minerva sa kanya.

"Hindi si Zero, kaibigan ko siya from college at siya ang nagprovide at nagdala sa kanila sa sinapupunan niya hanggang sa ipinanganak ang tatlo" kwento ni Dr Mina. "Buhay pa ba ang babaeng nagdala sa tatlo?" tanong ni Minerva kay Dr Mina "I keep tabs on her and right now she is out of the country, she lost her husband years ago due to a heart attack" sagot ni Dr. Mina. "She.. wants to have a baby with her husband at ilang taon narin silang sumubok pero hindi sila nagtagumpay due to the fact na mahina ang sperm count ng husband niya" kwento ni Dr. Mina.

"Desperate narin kami sa experiment namin dahil.." putol ni Dr. Mina at tumingin siya kay Leo at ngumiti sa kanya ang matanda "... malaki na ang perang nailabas niya at kung hindi kami magbibigay ng resulta itutumba niya kami" patuloy ni Dr. Mina. "Monster!" sabi ni Two kay Leo "hey it's either their lives or my savings and I love my money" sabi ni Leo kay Two na umiling naman sina Zero at One. "Out of desperation kinontak ko ang kaibigan kong yun and sakto lang din na naaksidente ang husband niya sa pinapasukan niya sa Dubai and kaya kailanganin nila ng pera dahil hindi sapat ang perang naibigay ng kompanyang pinagsisilbihan ng asawa niya" kwento ni Dr. Mina.

"Inalok namin siya ng 10 million pesos in exchange sa pagpasok niya sa program namin kaya nung pumayag siya agad namin silang inilipat sa facility namin at itinago namin ito sa husband niya. We made him think na nasa hospital siya dahil habang nakatira sila sa facility ginagamot din namin ang asawa niya sa mga tinamong sugat niya noong naaksidente siya" kwento ni Dr. Mina. "She was a beautiful woman" sabi ni Leo "kaya hindi maikaila kung bakit magaganda ang mga batang yun" dagdag ni Leo "after niya ipinanganak ang tatlo binigyan namin siya ng pampatulog and ship her to a nerby hospital" kwento ni Dr. Mina.

"Yun ang kasunduan namin after giving birth tapos na ang serbisyo niya sa program at alam kong malungkot siya nung inilipat namin siya sa hospital ni hindi man lang niya nakita ang tatlong batang dinadala niya ng siyam na buwan" kwento ni Dr. Mina. "I was tasked to visit her to keep an eye on her pero nung tumagal naawa narin ako sa kanya kaya hinayaan ko nalang sila ng husband niya and kept my distance. Gusto kong sabihin sa kanya at ikwento ang nangyayari sa mga bata at kung kanino sila kamukha pero pinigilan nila ako para narin sa secrecy ng program" kwento ni Dr. Mina.

"They were beautiful children, proud to have them in my family" sabi ni Leo "but sad to say... one of them went crazy" sabi ni Leo sabay tingin niya kay Dr. Mina na niyuko ang ulo niya. "She was out of control, ni hindi nga siya sumusunod sa mga simple task ng mga scientists na nag-aasikaso sa kanya at palagi niyang hinanap ang mama niya. Iba sina Felicia at Farrah dahil narin siguro sa pagiging closed nilang dalawa nagiging comfort nila ang isa't-isa kaya hindi nila hinanap ang totoong nanay niya" kwento ni Dr. Mina.

"You totally went out and got yourself busy huh Leo?" tanong ni Zero sa kanya na napangiti ang matanda "I made them.. they are mine... but sad to say they are out of control" sabi ni Leo. "They are not the being I was hoping for... hindi sila si Joaquin kaya inutos ko sa kanila na itumba ang mga batang ito pero dahil narin sa suggestion ni Dr Holstrand at sa laki ng oras na iginugol nila sa paglikha ng mga batang ito instead na patayin sila inilagay nila sa ibang programa" kwento ni Leo. "Project Trinity" sabi ni Dr. Mina "Genesis was a success but at the same time a failure dahil sa walong batang dapat sanang mabuhay tatlo lang sila ang nabuo" sabi ni Leo.

"At dahil sa suggestion na yun imbes na ipagsama silang tatlo inilagay ko sila sa kani-kanilang grupo" kwento ni Leo "yun ang totoong purpose ng Project Trinity, hindi silang tatlo kundi ang tatalong proyektong binuo ko na akala ni Edwardo siya ang nakaisip nito" sabi ni Leo. "Si Felicia ay ibinigay ko sa Repears, si Farrah sa Lullaby at si Maria..." putol ni Leo sabay ngiti niya. "Where?" tanong ni Zero na niyuko ni Leo ang ulo niya at inatras ang wheelchair niya palayo sa kanila "Leo?" tawag ni Minerva sa kanya na itinalikod ni Leo ang wheelchair niya sa kanila. \

"Dr. Mina do you know anything about a third group?" tanong ni One na umiling si Dr Mina "I have no clue, the only projects I know off is the Reapers and Lullaby projects" sagot ni Dr. Mina. Kaya tinuon nila ang attention kay Leo "Leo.. nakikinig ka ba?" tanong ni Zero sa kanya kaya nilapitan ito ni Minerva "Leo, are you okay?" tanong ni Minerva at nagulat siya sa nakita niya kaya nagmamadali siyang lumayo at doon humarap sa kanila si Leo. "Wha... what are you doing?" gulat na tanong ni Zero kay Leo nung nakita niyang me hawak itong baril.

"Let's talk this out Leo, hindi ka naman namin papatayin" sabi ni Zero sa kanya "alam ko" sagot ni Leo "let's.. let's forget about everything and move on" sabi ni One sa kanya. "You killed.. the only heir to my name.. my only Son, William" panimula ni Leo "and you want me to just.. move on?" sabi ni Leo na nakaramdam sila na hindi magiging maganda ang patutunguhan nito. "Leo no..." sabi ni Minerva na ngumiti si Leo at sabing "Project Genesis was indeed my pet project, ginawa ko ito after Joaquin left Gospel I wanted him to succeed me" panimula ni Leo. "What do you mean by that, Leo?" tanong ni Zero sa kanya "I created that project to find a suitable heir" sagot ni Leo.

"You mean, someone to replace you?" tanong ni Two na ngumiti si Leo "I saw how arrogant my son was and thinking that he will pull the organization I built down to the ground and so.." sabi ni Leo na tinaas niya ang isang kamay niya sa ere at binuka ito. Tiningnan niya ang likuran ng kamay niya at sabing "... I created an artificial humans to be my suitable heir, one who will carry on my mission and be the person that I am not" sabay tingin niya sa kanila. "What you created was an abomination" sabi ni Minerva "not those two" sabi ni One tungkol kay Uno at Seven.

"It is over Leo, time to close the story and end this" sabi ni Zero sa kanya "end.. hehehe.. Genesis" sabi ni Leo "what about it?" tanong ni One "The Father, the Son and the Holy Ghost" sabi ni Leo. "We know what Genesis is" sabi ni Minerva sa kanya "you have killed my Son and in my condition I cannot avenge him" sabi ni Leo sabay tingin niya kay Cain. "That's right, there is nothing you can do anymore" sabi ni Zero sa kanya kaya humakbang siya palapit sa kanya na umatras ng konte si Leo at sabing "but you are wrong" sabi ni Leo sa kanya.

"After seeing what my idiot son did to the organization nagiging kampante ako sa proyektong yun" sabi ni Leo "how can you be comfortable kung wala ng ni isa sa mga batang ipinagawa mo noon ang nasa sa'yo?" tanong ni Cain sa kanya. "He is right, nasa amin na sina Uno at Seven and the third child has been dead for years" sabi ni One sa kanya "you are wrong.." sagot ni Leo na tumingin siya kay Dr Mina "the fight has just begun, the Ghost of the past will haunt you... with that, I will see you all in hell!" sabi ni Leo sabay taas niya sa baril at itinutok sa ulo niya at kinalibit ito.

"NOOOO!" napasigaw si Minerva at huli na nung nakalapit siya "oh God!" nasabi nalang ni Dr Mina "such a waste" sabi ni Zero kaya humawak si One sa radyo niya "Lullaby, stand down" sabi niya sa radyo. Nilapitan nila si Leo at nakita nilang nakabitin ang katawan sa gilid ng wheelchair niya "what does he mean by 'the fight has just begun?" tanong ni Two na nagkatinginan si Minerva at Zero at lumingon sila kay Dr Mina. "One!" tawag ni Victor sa radyo "go ahead" sagot ni One "we've got incoming and they are coming fast!" balita ni Victor sa kanya

"We need to leave now!' sabi ni One sa kanila "Leo.." sabi ni Minerva "let's go Mini!" yaya ni Zero sa kanya kaya agad silang kumilos at lumabas ng mansion "LULLABY BACK TO THE PLANE!" sigaw ni Two kaya kumilos narin sila pabalik sa eroplano. Umupo na si Cain sa cockpit at agad sinara ni Zero ang cargo bay at umangat na sila "what happened?" tanong ni Three sa kanila "later Three, we need to move now Cain" sabi ni Zero kaya agad itinulak ni Cain ang throttle at lumipad na sila palayo. "Oh God.. Leo.." naiiyak na sabi ni Minirva "ninang" sabi ni Rosana na pinakalma niya ito.

Pumunta sina Zero at One sa cockpit "what's coming?" tanong ni Zero "I heard on the chatter that there are group of police cruisers heading to the mansion and two helicopters" balita ni Victor. "Insane, how did they know about that location?" tanong ni One "he probably called them before we got there" sagot ni Zero "go to the island Cain" sabi ni Minerva. "Sige" sagot ni Cain kaya ikinaliwa niya ang eroplano patungo sa isla ng Purgatory "are you ok?" tanong ni Zero kay Minerva "hindi ko lubos maisip na gagawin niya yun" sabi ni Minerva na inilagay ni Zero ang kamay niya sa balikat ni Minerva.

"I'm sorry, Minerva" sabi ni One sa kanya "it's ok, One. I was hoping na makausap natin siya ng maayos para matigil na ang lahat ng ito" sabi ni Minerva "let's go in the back" sabi ni Zero. Nung naupo na si Minerva sa tabi ni Rosana "Kitty, give her your soda" sabi ni Zero "what do you mean? I have none" sagot ni Thirteen "come on Thirteen we know you have two" sabi ni One sa kanya. Nagpout si Thirteen at umiwas ng tingin sa kanila "come on Kitty, tell you what I'll buy you more" sabi ni One sa kanya "for heaven sake Thirteen stop being stubborn" sabi ni Two sa kanya na sinundot siya sa ulo ni Zero.

"What now?" tanong ni One kay Zero "Mina, you have a lot of explaning to do" sabi ni Zero sa kanya kaya lumingon sa kanya ang lahat at inayos niya ang salamin niya at niyuko ang ulo. "What did Leo meant when he said 'the fight has just begun' when I mentioned about the third child" tanong ni One sa kanya "third.. child?" mahinang tanong ni Uno na napatingin sa kanya si Erica. "Seven" tawag ni Dr Mina "do you still feel Maria inside you?" tanong niya na umiling si Seven "good, we need to disconnect that connectioni between you two" sabi ni Dr Mina.

"Connection?" tanong ni Seven "what do you mean, connection?" tanong ni Chello "noong isang taon palang sila me nilagay kaming device sa ulo nila para makakuha kami ng information sa lahat ng mga ginagawa nila. From training, actual combat at pati narin ang vital signs nila para ma record namin ito and pati narin makakuha ng test result sa mga gamot na ibinibigay namin sa kanila" kwento ni Dr Mina. "We... never meant to hurt you Felicia, Farrah pero ito ang kagustohan ng Supremo.. ni Leo sa mga bata kaya sinunod nalang namin siya" kwento ni Dr Mina.

"That device is not only meant to get result but also to act as a tracers and also... communication as well" sabi ni Dr Mina "communication.. you mean?" tanong ni Twelve "yes, first of its kind.. psycho-telepathy connection" sabi ni Dr Mina "wow!" nalang silang lahat "Leo didn't left any expense kaya nag hire siya ng isang brilliant nuero-scientist at yun ang end result ng reseach at invention niya" kwento ni Dr Mina. "So you mean, they are telephatically link to each other?" tanong ni Rosana kay Dr Mina na tumango ang huli at tumingin kina Uno at Seven.

"Ano ang nangyari bakit hindi na sila connected ni Uno? I mean sila ni Seven?" tanong ni Three kaya tumayo si Dr Mina at lumapit kay Uno "because of this" sabi in Dr Mina at ipinakita niya ang kaliwang ulo ni Uno at nakita nila ang peklat nito. "I believe the device we planted on her head was destroyed during their fight" sabi niya "...Maria.." sabi ni Uno "yes" sagot ni Dr Mina. "What about me?" tanong ni Seven "does that mean the device inside me is still active?" tanong ni Seven kay Dr Mina "I think so, if she is invading your head that means the device is still active" sagot ni Dr Mina sa kanya.

"So, how can a ghost invade's her head?" tanong ni Seventeen "that's a good question" sabi ni Sixteen "how can a dead person still reside inside her, I mean matagal ng patay yung Maria, right?" tanong ni Nineteen. "Unless she is not dead" sagot ni Four na napatingin silang lahat sa kanya "that would make sense" sabi ni Minerva "Leo said something in the mansion" dagdag niya. "The fight has only begun" ulit ni Two na napahawak si One sa katana niya at pinikit ang mata niya "crap!" sabi nalang ni Zero "I need help here" sabi ni Victor sa speaker kaya agad tumakbo sina Zero at One sa cockpit.

"What's wrong?" tanong ni Zero at nakita nilang nakatagilid si Cain at me dugo sa damit niya "Cain ang sugat mo" sabi ni One sa kanya "i'm sorry, One" sabi ni Cain "no, Fourteen take over" tawag ni One kaya inalis nila si Cain sa upoan niya at pumalit agad si Fourteen. "Three we need you" sabi ni Zero nung inakay nila si Cain paupo sa silya at agad lumuhod si Three sa harapan niya at ginupit ang damit niya. "Your wound is opening up again" sabi ni Three kaya kumuha siya ng alcohol at nilinis agad ang dugo sa paligid ng sugat niya.

"Are you okay Cain?" tanong nila "he is fine" sagot ni Three "bumuka lang ang sugat niya" dagdag niya at pagkatapos linisin ininject niya ang serum gel sa sugat ni Cain at tumigil na ito sa pagdugo. "There, I can stitch it now without losing any blood" sabi ni Three at tumabi sa kanya si Dr Mina "let me help you" sabi niya na napangiti si Three at nagsimula na sila. "Everyone" sabi ni Fourteen sa speaker "oh God no!" sabi nalang ni Two at nagmamadali siyang umupo sa silya at nagsuot ng seatbelt. Ganun na din ang lahat kaya tinulongan ni Seven si Chello "mag seatbelt ka sis" sabi ni Erica kay Jenny kaya sinuot narin niya ito.

"Bakit?" tanong niya after maisuot ang seatbelt niya "because of her" sagot ni Thirteen "her?" takang tanong ni Esmeralda "she refers to Fourteen, she is INSANE!" napasigaw nalang si Eleven nung biglang bumilis ang paglipad ng eroplano. "WOOOOO!" sigaw ni Fourteen at bigla itong umangat pataas na napahawak sila sa silya nila at mabuti nalang nahawakan ni Eight at Nine sina Three at Dr Mina kundi mapapagulong sila papunta sa likod ng eroplano. Napahawak naman sa silya si Zero at nakita niya si One na kalmado lang itong nakaupo sa silya niya at si Thirteen kumakain parin ng chips niya.

"I'm... i'm going to stab you on the face FOURTEEEEENNNN!" sigaw ni Five at bigla itong nasuka dahil sa ginawang pag-ikot ni Fourteen sa V-22 sa ere at sabayan panitong pinadive at pinalevel ito isang kilometro ang taas nito sa lupa. "That was fun!' sabi ni Fourteen at nakita niyang namutla si Victor "oh c'mon bro, that was an accelerating fun right?" sabi ni Fourteen na sumuka nalang si Victor at naiyak sa ginawa niya. "I'm blaming you for this Zero" sabi ni Minerva sa kanya na natawa lang si Zero "you gave that child an idea that going faster is fun!" sabi ni Minerva na tumigil sa pagtawa si Zero at kumindat sa kanya.

"ETA 20 minutes to Purgatory" balita ni Fourteen sa kanila "damn that kid!" sabi nalang ni Minerva nung tinanggal niya ang seatbelt niya at tumayo si Zero "I need to go to Dave" sabi ni Seven. "That can wait, we need to-" "NO! I NEED TO BE WITH HIM NOW!" sigaw bigla ni Seven na napatigil si Zero at tumingin kay One at tumango nalang ang huli. Tumayo si Two "Fourteen, head back to the hangar instead of going back to the island" utos ni Two sa kanya "what? The logical place for us to be is the island" sabi ni Minerva sa kanila.

"No, our sister wants to be with him so we are taking her to him" sabi ni Four "thank you" sabi ni Seven sa kanila "we are doing this because we love you, Seven" sabi ni Ten sa kanya at nagtanggal na sila ng seatbelt nila. "Alright, we are almost at the airfield" balita ni Fourteen at pagkalipas ng ilang minutos nilanding na niya ang V-22 malapit sa hangar. "Lullaby, pick up your gears ang move out!' sabi ni Two kaya binuhat nina Nineteen at Twenty si Uno habang sina Chello at Jenny naman ang umakay kay Seven.

Pinasok ni Fourteen ang V-22 sa loob ng hangar habang nilabas naman ni Two ang bus nila at sumakay na sila "i'll see you soon, beauties" sabi ni Fourteen at sinara nila ito at sumakay na siya sa bus at umupo sa driver seat. Tinuro siya sa mukha ni Five na napangiti nalang siya "i'm sorry" sabi niya na sinundot siya ni Five sa noo at umupo na sa silya niya si Five at binigyan siya ng tissue ni Seventeen "you stink" sabi nito "shut up!" sabi ni Five. Umalis na sila at nung nasa highway na sila pabalik sa condo tinawagan ni Chello ang asawa niya.

Sa condo, "iha i'm sorry pero kailangan mo munang lumabas" sabi ni Dave Sr sa kanya "ano ho ba ang nangyari sa kanya? Bakit hindi niyo nalang siya dalhin sa hospital?" tanong ni Helen sa kanya. "Pa, please dalhin niyo muna siya sa labas" pakiusap ni Dave sa papa niya "iha, dito muna tayo" sabi ni Rudy sa kanya "nandito na kuya" sabi ni Dominic nung bumalik siya. "Sige Dom, ibigay mo na sa kanya" sabi ni Dave sa kapatid niya kaya ininject ito ni Dominic at maya-maya lang ay kumalma na si Dave Jr at dahan-dahan narin siyang huminga ng maayos.

"Haay salamat" sabi ni Aida "tito Dave ano ho ba talaga ang nangyari sa kanya? Bakit me bandahe siya sa dibdib at bakit marami siyang pasa sa katawan?" tanong ni Helen. "Helen!" sabi ni Dave Sr na ikinagulat nila "please, iwan mo muna kami dito" sabi ni Dave na tumingin si Helen kay Dave Jr "tara na iha, dito muna tayo sa labas" yaya ni Rudy at hinila na siya nito palabas ng kwarto. "Lo, ok lang ho ba si Dave?" tanong ni Marcus nung lumabas sila ni Helen "okay na siya Marcus" sagot ni Rudy sa kanya at nakita nilang lumabas narin si Aida at sinara ang pinto.

"La" tawag ni Marcus "nagugutom ka ba?" tanong ni Aida sa kanya "hindi po, nag-aalala lang ako sa kapatid ko" sagot ni Marcus "maayos na siya, binigyan na siya ng gamot ng tito mo" sagot ni Aida. "Okay ka lang ba?" tanong ni Marcus kay Helen dahil naiiyak kasi ito "ano ang nangyari kay Dave? Bakit siya nagkakaganun?" tanong ni Helen na nagkatinginan ang tatlo sa tanong niya. "Ah.. hayaan na muna kami Helen at huwag kang mag-aalala nasa mabuting kalagayan na ang kapatid ko" sabi ni Marcus.

"Kapatid? Manong Rudy, manang Aida sino ho ba siya? Bakit papa ang tawag niya kay tito Dave?" tanong ni Helen "naku mahabang kwento Helen mas mabuti pang pumunta nalang tayo sa kusina para makapag kape" sabi ni Aida sa kanya. "Tara iha, tila nanlamig ang katawan mo kailangan mo ng kape" yaya ni Rudy kaya sumama si Helen kay Aida habang itinulak naman ni Rudy ang wheelchair ni Marcus papunta sa kasuina "kumusta na si Dave lo?" tanong ni Marcus. "Maayos na siya medjo binangungot siguro kaya sumama ang pakiramdam niya pero binigyan na siya ng gamot ng tito mo" sagot ni Rudy "salamat sa Dyos" sagot ni Marcus.

Tumunog ang phone ni Dave kaya agad niya itong kinuha sa bulsa at sinagot "babe!" sabi agad niya "we are on our way home, kasama na namin ang mga bata" balita ni Chello sa kanya. "Salamat sa Dyos, uhm.. mabuti narin ang kondisyon ni Dave" balita niya kay Chello "mabuti naman, nandyan pa ba si... (tinakpan ni Chello ang phone niya) si Helen?" tanong niya. "Oo, nandito pa pero nasa kusina sila ngayon kasama sina papa at mama, Nakapasok siya dito sa kwarto ni Dave at nakita ang kalagayan niya" balita niya.

"WHAT?!" gulat niyang tanong sa asawa niya na napatingin sa kanya ang lahat kaya ngumiti siya "bakit nandyan pa siya?" mahinang tanong niya kay Dave. "What's wrong mommy?" tanong ni Jenny na katabi niya ngayon sa bus "Helen is in the condo" sabi niya kay Jenny "me problema ba? Girlfriend naman ni kuya Dave si Helen ah" sabi ni Jenny na biglang me mga ulo ang sumilip sa ibabaw ng mga headrest at nakatingin ang mga mata sa kanya. "Mommy" sabi ni Jenny at yumakap siya sa mommy niya "we'll be right there in fifteen minutes you'd better tell her to go or else magkakaproblema tayo" sabi ni Chello kay Dave sabay patay niya ng phone.

"What?" tanong ni Chello kay Jenny na tinuro niya ang mga matang nakatingin sa kanila "pfftt.. don't mind them" sabi ni Chello kay Jenny "but mom.. they are scaring me" sabi ni Jenny. "Don't worry little girl we won't eat you" sabi ni Seventeen na nakasilip sa ibabaw ng headrest sa harapan nila "shut up Seventeen, you don't want Two yelling at us" sabi ni Eight sa kanya. "But I'm telling her to calm down" malamig at kalmadong boses na sabi ni Seventeen kaya lumapit sa kanila si Nine "dont' worry Jenny you are with the family so don't worry about it" assurance ni Nine sa kanya.

"Ta.. thanks?" sabi ni Jenny kaya tumayo si Two "SIT DOWN!" sigaw niya kaya nawala ang mga ulong nakasilip sa headrest at nakita ni Jenny si Two na ngumiti sa kanya "idiots!" sabi nito bago umupo sa silya niya. "You should stop yelling, Two" sabi ni One sa kanya nung umupo ito sa tabi niya "I can't help it, those idiots are making me yell" sabi ni Two. "Yeah but there is no need to yell at them" sabi ni One "your efforts on keeping the Thunder quiet One is admirable but pointless" sabi ni Five sa kanya "say that on my face, butt-face" sabi ni Two na napabugnot si Five.

Ilang sandali lang ay dumating na sila ng condo at pinaranda agad ni Fourteen ang bus malapit sa garahe "we are here!" balita niya sa lahat kaya nag si tayuan agad sila bitbit ang mga gears nila. "Fourteen you know where to park it" sabi ni Two sa kanya "hey.. he has a name you know" sabi ni Fourteen sabay himas sa manobela "you shouldn't name things, Fourteen" sabi ni One na ngiti lang ang ibinalik ni Fourteen sa kanya. Bumaba na silang lahat at tumawag si Chello kay Dave "nasa baba na kami" balita ni Chello na agad lumabas ng kwarto si Dave para salubongin sila.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Rudy nung makita siyang papunta sa pinto "nandito na sila pa kasama na nila sina Jenny at Esmeralda" natutuwang balita ni Dave sa papa niya. "Talaga?! Nandito na sila?" gulat na tanong ni Aida na nasa likuran niya si Helen at si Marcus "thank God" sabi ni Marcus na itinulak niya papunta sa sala ang wheelchair niya para salubongin ang mama at kapatid niya. "Dito ka lang" sabi ng papa niya kaya binuksan na ni Dave ang pinto at pinababa ang elevator habang nasa pintuan lang si Marcus, Rudy at si Aida at hindi nila napansini na pumasok si Helen sa kwarto ni Dave.

"Helen" sabi ni Dominic nung makitang pumasok si Helens a kwarto "nandito na sina tita Chello" balita niya kay Dominic kaya natuwa si Dominic at agad lumabas ng kwarto at iniwan si Helen sa loob kasama si Dave. "Dave.." sabi ni Helen at lumapit siya sa kama at hinimas ang pisngi ni Dave "i'm sorry kung.. me nasabi ako sa'yo at sorry din sa mga inasal ko sa'yo" sabi ni Helen sabay tingin sa monitoring machine ni Dave. "I'm sorry Dave.. I love you..." sabi ni Helen at pinikit ang mata niya sabay yuko para halikan sa labi si Dave ng biglang me bakal na dumampi sa labi niya kaya binuka agad niya ang mata niya at nakita niya ang 45 pala ang hinalikan niya.

"Don't.. you.. even.. dare.. kiss.. my.. Barbie.." mahinang sabi ni Erica habang hinihingal ito at galit na nakatingin kay Helen "oh!" lang ang nasabi ni Helen at agad siyang tumayo at lumayo sa kama ni Dave. "Erica!" tawag ni Chello na nasa pintuan at agad siyang hinawakan ni Chello para ilayo ang baril na nakatutok ngayon kay Helen "oh God" nagulat si Helen at natakot sa nakikita niya dahil sa mga kondisyon nina Chello at sa Tenyenteng kasamahan ni Dave sa presinto. "SEVEN! Stand down" sigaw ni Two na hindi parin ibinaba ni Erica ang baril niya.

"Calm down.. please.." sabi ni Chello kay Erica na nanginginig na ang kamay niya habang nakawahak sa baril niyang nakatutok kay Helen "she is not dangerous so please put your gun down... anak.." sabi ni Chello. "Anak?" gulat na tanong ni Helen nung marinig niya ito "Helen.. please... for you own safety leave now" sabi ni Chello sa kanya. "But.. but tita.. Dave is" "GET OUT OF HERE!" sigaw ni Erica sa kanya na nagulat si Helen kaya pumasok sa kwarto si One at nilapitan si Helen "please.. for your own safety come with me" sabi ni One kay Helen na napalunok ng laway si Helen at pinawisan siya.

"Ate Helen" tawag ni Jenny kaya hinila siya ni One palabas ng kwarto kahit nagpipigil siya hindi siya makapigil sa lakas ng hatak ni One sa kanya kaya nung nasa labas na siya dinala siya ni Jenny sa sala. "I'm sorry ate pero kailangan mong umalis dito" sabi ni Jenny sa kanya "pero.. ako ang girlfriend ni Dave" sabi ni Helen "not anymore you are" sabi ni Five sa kanya at nakita ni Helen ang buong sisterhood sa sala. "Si.. sino sila?" tanong ni Helen kay Jenny "kapatid ni Tenyente" pakilala ni Jenny "kapatid nino?" tanong ni Helen "Seven.. well you know her as Erica" sabi ni Sixteen at humarap silang lahat kay Helen na ikansindak ng huli.

"Please child" sabi ni Zero sa kanya "we are not going to hurt you but.. the one whose inside the room with him will so.." sabi ni Zero na dingutongan ni One "for your own safety it would be best that you leave now" kalmado at nakangiting sabi ni One sa kanya. "Sorry iha, kanina pa kita pinapaalis kasi ito ang dahilan nun" sabi ni Dave Sr sa kanya. "Ayaw ko ng gulo dito sa condo kaya sorry talaga" sabi ni Dave na nakita nilang napayuko ang ulo ni Helen at humikbi siya "we are sorry" sabi ni Thirteen at lumapit siya kay Helen "potato chips?" offer niya kay Helen at ngumiti siya at sabing "no thanks".

"Sorry sa inyo, lalo na sa inyo tito Dave" sabi ni Helen "kuya, tawag ka ni ate Chello" tawag ni Dominic "sorry iha" sabi ni Dave at tumakbo na siya papunta sa kwarto ni Dave Jr. "One of our sister is a medical doctor so rest assure Dave is in safe hand" sabi ni One sa kanya at isa-isa naring umalis ang Lullaby at nakita ni Helen ang maganda at nakakasindak na grupo. "Thank you, si.. sige aalis na po ako" sabi ni Helen na ngumiti si Zero "thank you for understanding" sabi ni One "ihahatid na kita" sabi ni One kaya sinamahan niya si Helen pagkatapos niyang magpaalam sa pamilya ni Dave.

Dala ang maleta niya sumakay sila ng elevator at pareho lang silang tahimik ni One at pagdating nila sa baba sinamahan ni One si Helen papunta sa kotse niya na nakapark sa kabilang kanto. Hindi na tumawid si One sa kalye at hinayaan lang niyang naglakad si Helen papunta sa kotse niya "so.." sabi ni One na huminto si Helen pagkasabi ni One. "Who really are you?" tanong ni One sa kanya na hindi gumalaw si Helen "whatever do you mean.. who am I?" tanong ni Helen "I can see through you that you are not the girl that that face you are wearing" sagot ni One.

"Hah.. you noticed it huh?" sabi ni Helen at dahan-dahan siyang umikot at humarap kay One "how did you know that I am not this face?" tanong ni Helen sa kanya. "I met the kid, she is kind and gentle hearted unlike you who is filled with lust and anger" sagot ni One "hahaha... I wouldn't expect less from you.." sabi ni Helen sabay hawak sa mukha niya at dahan-dahan niya itong hinila paalis. Nagulat nalang si One nung makita niya ang mukhang nasa likuran sa mukha ni Helen "...Onee-san..." sabi niya kay One.

"No... i-it can't be.." gulat niyang sabi sa taong kaharap niya "hehehe.." tumawa lang ito sa reaction ni One "I.. I killed you.. how.." tanong ni One "don't think to much of it Onee-san..." sagot nito kay One. "How.. how can you still be alive? I hit you with my blade.. how?" gulat niyang tanong sa taong kaharap niya "death.. hasn't taken me that night Onee-san... I guess... fate has other things for me to do" sagot niya kay One. "Kariza... I.." sabi ni One at hahakbang na sana siya nang biglang me hinugot si Kariza at ibinato niya ito kay One na agad namang hinugot ng huli ang katana niya at pinaghahamapas palayo ang tatlong shurekin na ibinato sa kanya.

Me kinuha si Kariza sa likuran niya at ibinato niya ito kay One pero nahampas din ito ni One palayo sa kanya at nakita niya ang kadenang hawak si Kariza at hinila niya ito pabalik sa kanya. "Kusarigama!" sabi ni One sa sandatang hawak ni Kariza "hehehe.. you remember it huh?" sabi ni Kariza habang nakatingin sa sandata niya "how... how did you live after my last attack?" tanong ni One na ngumiti si Kariza. Pareho silang napatingin sa papalapit na kotse "some other time Onee-san... get some rest while you still can.." sabay talon paatras ni Kariza at bigla itong nawala.

"KARIZA!" sigaw ni One "next time big sister... next time..." sabi ni Kariza nung nawala na ito sa harapan ni One at doon dumaan ang kotseng nakita nila kanina, ibinalik ni One ang katana sa lalagyan niya. "Kariza..." sabi ni One at tumingin siya sa taas at nakita niya ang maraming bituin sa langit, bumalik na siya at nakita niyang naghihintay sa kanya sa parking lot sina Two at Thirteen. "How is she?" tanong ni Two kay One "she is.. fine" sagot ni One sabay tingin niya kay Thirteen na dinidilaan ang daliri niya "stop that Kitty" sabi ni One na ipinahid ni Thirteen sa likuran ng damit ni Two ang kamay niya.

Pag-akyat nila sa taas nakita nilang nagrerelax na ang ibang Lullaby habang abala naman si Three sa mga pasyente niya "One" tawag pansin ni Two sa kanya na tinaas ni One ang kamay niya at niyuko ni Two ang ulo niya at umalis. Inakbayan siya ni Zero habang nasa likuran naman niya si Minerva "what's the plan, shorty?" tanong ni Zero sa kanya. Lumabas si Chello mula sa kwarto ni Dave at nagulat pa ito nung makita silang tatlo "if it's alright with you" sabi ni One "no need to say more One, you are all welcome to our home" sabi ni Chello sa kanila na agad tinaas ni Zero ang dalawang kamay niya at nag-unat.

"Aaaahhhh.. I need to get some ZZZ" sabi ni Zero "kailangan kong bumalik sa presinto para asikasuhin ang kaso nina Dave at Erica" sabi ni Minerva "do you need help?" tanong ni One. "No, it would be best that you girls stay out of public ako na ang bahala" sabi ni Minerva "salamat, Hepe" sabi ni Chello "ninang" tawag ni Rosana sa kanya sabay yakap ni Rosana sa kanya. "I'll be back soon, kailangan niyo munang magpahinga ng maayos" sabi ni Minerva sa kanya "thank you ninang" sabi ni Rosana "wala yun, pamilya tayo hindi ba?" sabi ni Minerva na napangiti si One at Chello sa kanila.

Hindatid ni Rosana sa baba si Minerva kasama si Zero habang tumulong naman si Five at Six kay Aida para magluto ng agahan nila "how is he?" tanong ni One kay Three nung pumasok siya sa kwarto ni Dave. "The boy is fine, actually he is getting better unlike the love-sick-puppy over who doesn't want to get some rest, GEEZE SEVEN GO TO SLEEP!" sigaw ni Three kay Erica. "I'm not leaving his side so fuck off!" sagot ni Erica kay Three na napailing lang si Three sa sagot niya "don't be to hush on her" sabi ni One kay Three kaya lumapit siya kay One.

"You baby her too much" bulong ni Three kay One sabay pasok naman ni Thirteen na me dalang bote ng coke kasunod niya si Two na me dalang bote ng pepsi "how I love this place... errr.." putol nalang ni Two nung makita si One. "See what I mean?" bulong ni Three na tiningnan siya ni One at nginitian siya "I know, ganun ka rin sa akin Three" sabi ni One na napabugnot si Three. "You always say that to me, ate!" sabi ni Three at umalis siya at lumabas ng kwarto "Seven, get some rest" sabi ni One "no!" sagot ni Erica at nakahawak lang siya sa kamay ni Dave habang puno ng bandage ang mukha at katawan niya.

"Hey!" tawag pansin ni Four na nakasakay sa rubber tube at nakalutang sa pool "what do you want?" tanong ni Eight sa kanya na nakalublob ang dalawang paa sa tubig habang nakaupo sa gilid ng pool. "Is breakfast ready yet?" tanong ni Four "ugghhh... always the hungry one huh?" tanong ni Eight "hey, we just got back from a mission of course i'm going to be hungry" sagot ni Four sa kanya. Dumaan si Ten sa likuran ni Eight at pabulong nitong sabi na "too much streroids" natawa si Eight sa narinig niya "HEY! I DON"T TAKE STEROIDS!" sigaw ni Four kay Ten na tumango lang si Ten at lumabas ng pool area.

Nagyakapan sina Rosana at Minerva nung hinatid nila ito sa kotseng pinahiram ni Chello sa kanya "mag-iingat ka ninang" sabi ni Rosana "I will" sagot ni Minerva "yo, old chick!" tawag ni Zero sa kanya. "Please stop calling me that, hindi na tayo mga bata" sabi ni Minerva kay Zero "hihihi.. just teasing you old girl" sabi ni Zero at niyakap niya si Minerva. "Keep your eyes open" bulong ni Zero sa kanya "I know" sagot ni Minerva at bumitaw na sila at sumakay na si Minerva sa kotse at umalis na siya "haayyy.." nalang si Zero "what's wrong?" tanong ni Rosana "oh nothing" sagot ni Zero at bumalik na sila sa elevator.

Pinindot ni Zero ang botton at naalerto nalang sila nung me biglang nahulog na malaking metal sa sahig kaya agad nilang pinuntahan ito at hinugot ni Zero ang baril niya pati narin si Rosana. Tinaas ni Zero ang kamay niya para pahintuin si Rosana at dahan-dahan silang lumipat sa gilid ng parking lot at nagbilang si Zero at sabay silang lumabas sa gilid at itinutok ang baril nila. "OH GEEZE!" napasigaw nalang si Fourteen nung makita niya sina Zero at Rosana na nakatutok ang baril nila sa kanya "oh God! What are you doing?" tanong ni Zero kay Fourteen "hehehe sorry mentor I couldn't resist taking down this machine.. it.. it is so mesmerizing" sabi ni Fourteen habang me dumi sa mukha niya at me hawak siyang tools.

"You know that the owner of this verhicle will gut you open and wrap you in a bag and throw you in the river, right?" tanong ni Zero kay Fourteen "yes, yes, but, but I couldn't resist myself tearing this down.. its a huge and fascinating machine... talk about its diesel engine, imagine the turk, the, the ooohhhhh and the intricate parts of the engine and its body. Please mentor don't tell anyone about this, oh please, please?" sabi ni Fourteen kay Zero. "A piece of advise kid" sabi ni Rosana "yes, ma'am?" tanong ni Fourteen "you put it back after you are done playing with it" sabi ni Rosana na ikinatuwa ni Fourteen "fine!" sabi ni Zero at umalis na sila ni Rosana.

Nung nakabalik na sila sa condo "mentor" tawag ni Twelve kay Zero "what's up nerd?" sagot ni Zero na ikinabugnot ni Twelve "have you seen Fourteen? I've been looking all over for her" sagot ni Twelve na nagkatinginan sina Zero at Rosana. "Ah.. I have no idea where that gear head is" sagot ni Zero "me either" sagot ni Rosana nung tumingin sa kanya si Twelve. "I need her opnion on a new machine type system i'm about to build, hmmm i'll go ask someone then" sabi ni Twelve at umalis na siya "whew" nalang si Zero kay Rosana na natawa lang ang huli.

Pumasok sa kwarto ni Dave si Zero at nakita niya si Seven na nakatambay parin sa gilid ng kama ni Dave "how long is she going to be there?" tanong ni Zero kay One "as long as it takes, I guess" sagot ni One. "Who would have thought that these boy could make this angry kid to be gentle" sabi ni Zero na napangiti si One "yeah, I remember we couldn't put Seven to sleep unless we knock her out" sabi ni One. "Yeah, those were the days" sabi ni Zero "you know.." sabi ni Zero na nagsimula ng magbugnot si One "no one is watching the liqour cabinet so you wanna go and knock some bottle down?" tanong ni Zero na napailing nalang si One.

Hinimas ni Erica ang mukha ni Dave habang titig-na-titig siya sa mukha nito "please.. wake up love... wake up" mahinang sabi niya kay Dave "Seven!" tawag ni Three sa kanya pero hindi niya ito pinapansin. "Seven!" tawag muli ni Three "leave her alone, boobsie!" sabi ni Zero kay Three "mentor! I am a medical doctor and as one I need to keep the welfare of my patients" sabi ni Three sa kanya. "Yeah?" tanong ni Zero na tumango si Three "please mentor don't say it" mahinang sabi ni One "how about you tell me how you make them boobies work huh?" tanong ni Zero na lumingon sa kanya si Three.

"Now you've done it!" sabi ni One at dahan-dahan siyang umatras papunta sa pinto "Seven" tawag niya kay Erica kaya gumapang si Erica at tinakpan niya si Dave "what?" takang tanong ni Zero. "I hated when people sees me only as a boobs" inis na sabi ni Three at nagulat nalang si Zero nung me naramdaman siyang mga karayum na dumaan sa braso niya. "Wha.. what the hell was that?" tanong ni Zero at nung lumingon siya kay One hindi niya maigalaw ang mga braso niya at nakita niyang nakangiti lang si One sa kanya.

"What's going on here?" tanong ni Zero kaya nung lumingon siya kay Three nakita niyang nakatuon ang dalawang kamay nito sa kanya "what.. is that?" tanong ni Zero kaya nung ginalaw ni Three ang mga daliri niya naramdaman niya ito sa braso niya. "Stitches" sabi ni Seven habang nakatingin siya sa mukha ni Dave at dahan-dahan siyang lumingon kay Zero "she is called Stitches Three" sabi niya at binalik ang tingin kay Dave at binigyan niya ito ng halik. "That's the difference now from then, mentor" sabi ni One nung lumapit siya kay Zero.

"We are no longer the little bitches you called children" sabi ni One at suminyas siya kay Three kaya hinila ni Three ang dalawang kamay niya at napapikit si Zero nung dumaan muli ang mga karayum sa braso niya. "Damn kids!" sabi ni Zero at napangiti narin siya "you see mentor, each one of us can take you down now" sabi ni One at nung tumingin sa me pintuan si Zero nakita niya ang buong Lullaby minus ni Fourteen na nasa parking lot parin. "Wow, really now?" natutuwang tanong ni Zero sa kanila "come mentor para makita mo" sabi ni Two sa kanya kaya natutuwang tumalon ng tatlong beses si Zero at sabing "let's party!".

Pagkalipas ng sampung minutos nasa gym na silang lahat at pinalibutan nila si Zero "what's going on?" tanong ni Chello sa kanila "sshhh we are having a party" mahinang sabi ni Thirteen sa kanya. "Party?" takang tanong ni Dave Sr "what you call spar we called it party" sabi ni Twelve "please sit down and watch the party, Sir, Ma'am" sabi ni One na napangiti lang ang mag-asawa at umatras sila palayo sa kanila. "You know the rules!" sabi ni Zero "Lullaby! Weapons off!" sabi ni One kaya inalis nila ang mga armas nila at binagsak nila ito sa likuran nila.

"What's going on mom?" tanong ni Jenny nung pumasok siya sa gym "ssshh they are having a party" sabi ni Chello "party tita?" tanong ni Esmeralda "sparing nak" sagot ni Dave Sr. "Oh" nalang ang nasabi ni Esmeralda at umupo sa tabi ni Jenny "how do you want this mentor?" tanong ni Two "do you need to ask?" sabi ni Zero sabay ngiti niya sa lahat. "Oh great! Finally payback!" sabi ni Sixteen "come to think of it I haven't return the punch you gave me" sabi ni Nineteen "also the kick that you gave me" sabi ni Eleven. "Come at me bithces!" sabi ni Zero kaya umabante silang lahat palapit sa kanya.

Napangiwi nalang si Dave Sr habang nagtago sa likod ni Chello si Jenny at tinakip naman ni Esmeralda ang dalawang kamay niya sa mukha niya "wow... look at them babe.. wow!" sabi ni Chello. "Hey what's all the como- OH GOD!" nalang si Rosana at tumakbo palabas si Aida habang napatakip sa bibig si Rudy nung makita niya ang nangyayari sa loob ng gym. Pagkalipas ng sampo pang minutos nakabulagta ang lahat ng Lullaby sa sahig at naiwang nakatayo si Zero sa gitna at napahawak lang ito sa beywang niya.

"What was it again, One? You can all take me down now?" nakangiting tanong ni Zero sa kanila "ooouucchhh.. my mouth" reklamo ni Thirteen "I can't.. aawww... move my leg.." reklamo ni Eleven habang yung iba hinimatay sa suntok at sipa ni Zero. "This is the reason why I carry the number.. WHAT?!" tanong niya na gumalaw sila at tinaas ang ulo "zero.." mahinang sagot nila. "I can't hear you!" sabi niya "ZERO!" sigaw nilang lahat "good!" sagot ni Zero at napalingon siya sa me pinto at nakita si Fourteen na sobrang dumi ng mukha at mga braso nito "what did I miss?" tanong niya na binato ni Zero ang sapatos ni Thirteen at tumalbog ito sa ulo ni Fourteen "you missed the party!" sabi ni Zero.

Umaga, nag agahan silang lahat at dinalhan nalang ng pagkain ni Chello si Erica na nasa gilid parin ng kama ni Dave "kumain ka muna" sabi ni Chello sa kanya na kinuha lang ang plato at nilagay sa mesa. "Erica" tawag ni Chello na hindi siya pinansin nito "kumain ka!" sabi ni Chello sa kanya "later" sagot ni Erica "now!" sabi ni Chello kaya lumingon sa kanya si Erica at sabing "later!". "Haayyy" nalang si Chello at lumabas ng kwarto at sumunod naman si One "Seven" tawag niya "hmm" "eat" sabi ni One "later" sagot niya. "Eat Seven then get some sleep, that's an order!" utos ni One "later, Captain!' sagot ni Erica.

Pumasok si Three na me dalang bagong bag na IV para kay Dave "nom-nom time" sabi ni Three "what do you mean by that?" tanong ni Seven sa kanya "what?" takang tanong ni Three na napatingin siya kay One. "She is changing his IV Seven relax" sabi ni One "oh.. okay" sabi ni Seven at tiningnan niya si Three bago binalik ang tingin kay Dave "love-sick-puppy" mahinang sabi ni Three kay One. "Try bulldog!" sabi ni Four sa likuran nila na ikinagulat ng dalawa "FOUR" sabay sabi nilang dalawa "hehehe yo!" sabi ni Four at isa-isa ng pumasok ang buong myembro ng Lullaby kasama si Zero.

Ilang araw naring nakahiga sa kama si Dave at umaasa si Erica na magigising na siya dahil ang diagnosis ni Three gumagana na ang pagtakbo ng dugo ni Dave sa dibdib niya at hindi naman malubha ang sugat sa baga niya. "When is he going to wake up?" tanong ni Seven kay Three "give it time, Seven" sagot ni Three "tsk! I can't wait for him to wake up!" naiinip na sabi ni Seven. "Come on bro, the dude just need some rest" sabi ni Twenty sa kanya "you stink! Get out!" sabi ni Seven sa kanya "bulldog!" sabi ni Twenty "Lullaby! Get out!" sabi ni Zero sa kanila at isa-isa silang lumabas maliban kay One, Two at Three.

"Shorty, rooftop" sabi ni Zero "yes mentor" sagot ni One at sumunod siya kay Zero palabas "you too, side-kick" sabi ni Zero kay Two "don't... ugghh.." nalang si Two at sumunod siya sa dalawa. Naiwan sa loob ng kwarto sina Three at Seven "you really need to get some rest Seven" sabi ni Three sa kanya "I will once he wakes up" sabi ni Seven. "Tch, hard headed" sabi ni Three at lumabas siya ng kwarto pagkatapos icheck ang monitor ni Dave "love.. please wake up.. love" sabi ni Erica kay Dave habang hinihimas niya ang pisngi ng binata at tumingin sa monitor niya "love.." tawag muli niya.

Umakyat sa rooftop sina Zero, One at Two at pagdating nila doon nakita nilang naghihintay na sa kanila si Twelve dala ang laptop niya "good, now debriefing time" sabi ni Zero at naupo na silang tatlo. "Twelve" sabi ni One kaya tumango si Twelve at nagsimulang magtype sa keyboard niya at nilagay sa gitna nila ang 20 inches na monitor screen at lumabas ang maraming documents at mapa sa screen. "According to the files I found in the servers there are thousands of known documents that can prosecute the entire syndicate" panimula ni Twelve.

"There are also list of names and places where their transactions has or had been executed, some of the names listed are government officials and public personalities not to mention clerics from sectors all over the country" balita ni Twelve sa kanila. "Nice!" sabi ni Two "so how about any secret projects or undertaking that the syndicates are doing?" tanong ni Zero na tumingin si Twelve kay One. "Go ahead" sabi ni One kaya nagtype si Twelve at nakita nila sa monitor ang isang mapa "what are we looking at?" tanong ni Two.

"That sisters, Mentor is the location of an underground facility in Cebu" sagot ni Twelve "what?!" gulat nilang tanong kay Twelve "during the commotion between Uno and Seven something popped in my system that led me to believe is the location of the signal na natanggap ng device na nasa loob ng ulo ni Seven" kwento ni Twelve. "And you found it, how?" tanong ni Zero "I traced the origin of the signal and it traced back to this coordinates 10.265996 Latitude and 123.615965 Longitude" sagot ni Tweleve sa kanila. "Where is that?" tanong ni One "I believe that is in the Pinamungajan provincial part of Cebu, it's a mountainous area and a logical place to hide a secret underground facility" sagot ni Twelve.

"Do you think that Maria person is in there?" tanong ni Two "possibly, if she sent a signal that means that bitch is out there alive and kicking" sagot ni Zero "there's a possibility that she no longer lives and that the signal sent to Seven's receiver probably a computer link to their devices" paliwanag ni Twelve. "Well whatever that is we need to find out if that signal is actually her or a part of an old system" sabi ni One. Napalingon silang apat nung tumunog ang elevator at pagbukas nito lumabas si Dr Mina "Mimi" tawag ni Zero sa kanya "hi guys" bati niya at umupo siya sa pagitan nina Zero at One.

"How's your patient?" tanong ni Zero sa kanya "she's asleep" sagot ni Dr Mina "mabuti pa si Uno tulog yung sa atin" sabi ni Two na umiling lang si One at natawa ng mahina si Twelve at napakamot naman sa noo si Zero. "What is that?" tanong ni Dr. Mina sa nakita niya sa screen "that's a possible location of Maria" sagot ni Twelve "Maria?!" gulat niyang tanong "we are not sure yet Mimi but we are figuring out right now" sabi ni One. "Wait, is that in Cebu?' tanong ni Dr Mina "yes" sagot ni Twelve "I remember they are building a new facility in Cebu but I don't know where or natapos ba nila ito" sabi ni Dr Mina.

"So you are confirming that there is a facility in Cebu?" tanong ni One sa kanya "I'm not sure, that was three years ago nung narinig ko ang tungkol sa plano nilang pagtayo ng bagong facility.... but if this is it... "sabi ni Dr Mina. "What do you think mentor?" tanong ni One kay Zero na nagkakamot siya ng baba habang nakatingin sa monitoring screen. "What else do you found out, Twelve?' tanong ni Zero "i'm glad Mimi is here because while we were at the old Supremo's place I hacked into his computers and found a video in his computer" sabi ni Twelve "put it on" utos ni One kaya pinakita agad niya ito sa kanila.

Pagkatapos makita ang video napasandal silang apat sa upoan nila at nagkatinginan silang lahat "that's what I want to confirm with you Dr Mina kung alam mo ba ang facility na ito at gusto kong iconfirm kung totoo ba ang video na ito" sabi ni Twelve sa kanya. "I don't recognize the place Twelve, especially the hallways and the doctors that are working in the video" sagot ni Dr Mina. "When was this video taken?" tanong ni Two "that's the oddest thing.. it was taken 10 hours ago before our operation started" sagot ni Twelve na napatingin silang lahat sa kanya.

"Holy crap!" nasabi nalang ni Two "I don't like the look of this, One" sabi ni Twelve "I know..." sagot ni One at tumingin siya kay Zero "pause it!" sabi ni Zero kay Twelve kaya pinause niya ang video at natuon ang screen sa mukha ng taong nakahiga sa kama. "If this video is real that means.." sabi ni Two at tumayo si Zero "listen up!' sabi niya sa lahat "I don't want this to go out, let's keep this from them for now, understood?!" sabi ni Zero "yes mentor!" sagot ng tatlo "Mimi" tawag pansin ni Zero sa kanya "yes?" sagot niya.

"Have you inform Uno about what you told us earlier in the mansion?" tanong ni Zero "how can I tell her? She already hates Cain by killing Joaquin and if I told her that he is her brother..I.. I can't imagine what she will do" sabi ni Dr Mina. "Probably kill his ass" sagot ni Twelve habang pinapatay niya ang monitor at napatingin nalang siya sa lahat nung natahimik sila. "Keep your opinion to yourself, Twelve" sabi ni Two sa kanya "hey, i'm just saying" sabi ni Twelve na sinundot ni Zero ang noo niya "sorry" sabi nalang niya at nagsitayuan na sila at nagsimulang maglakad papaunta sa elevator.

"I'll remain here for awhile" sabi ni One at naglakad siya papunta sa flower garden ni Chello, nagkatinginan sila pero hinayaan nalang nila si One at sumakay na silang apat sa elevator at pagkasara nito bigla nalang napaluhod si One at umiyak. "Kariza..." mahinang sabi niya nung tumayo na siya at itinukod ang dalawang kamay sa tabi ng mga bulaklak ni Chello. Tumingin si One sa kanang kamay niya at nakita niya itong nanginginig "not now... please... not now.." sabi ni One at napatigil nalang siya at mabilis niyang pinahiran ang luha niya nung marinig ang tunog ng elevator.

Lumabas mula nito si Thirteen at nagsisigaw itong tinatawag siya "ONE! ONE! ONE!" pagakatapos magpahid ng luha humarap siya kay Thirteen "what is it, Kitty?" tanong niya. "It's not my fault One!" depensa agad ni Four nung nakita niya itong kasunod ni Thirteen "she hit me!" sumbong ni Thirteen "Four?" sabi ni One "well, you know how she is" depensa ni Four. "Did you two do anything stupid again?" tanong ni One sa dalawa na agad itong umiwas ng tingin sa kanya at nagsisimulang umatras palayo sa kanya. "Four... Thirteen!" tawag niya sa dalawa na napangiti lang ang dalawa sabay takbo pabalik sa elevator kaya sinundan sila ni One at naabutan sila sa loob.

Pagpasok nila sa condo nagulat nalang si One nung nakita niyang puno ng puting harina ang buong kusina at galit na galit sina Aida, Five at Six kay Four at Thirteen "what did you two do?" tanong ni One sa kanila "it's her fault!" turoan nilang dalawa kaya ang ending napaluhod silang dalawa sa loob ng gym habang binabantayan ni Two. Pumasok sa loob ng kwarto ni Dave Jr si Chello at nakita niyang nandun parin si Erica ni hindi man lang niya ginalaw ang pagkain niya "hindi aalis ang anak ko Erica kaya hindi mo siya dapat bantayan ng ganyan" sabi ni Chello sa kanya.

"......." hindi siya sinagot ni Erica "you can go and get some rest kid" sabi ni Chello na tiningnan lang siya ni Erica at binalik ang tingin kay Dave Jr "how is he babe?" tanong ni Dave Sr kay Chello. "Still the same, God ano ba ang gagawin ko para maalis ang babaeng ito sa tabi ng naka natin?" tanong ni Chello kay Dave Sr na nagkibit-balikat nalang ang huli at inakbayan si Chello. "Kuya" tawag ni Dominic na dumungaw lang sa pinto "ano yun Dom?" tanong ni Dave "me tawag ka sa landline niyo" sabi ni Dominic "be right back babe" sabi ni Dave at lumabas siya sa kwarto.

"ERICA!" sigaw ni Chello pero inignore lang siya ni Erica kaya lumabas nalang siya ng kwarto at nakita niya si Dave na me kausap sa telepono "who is it?" tanong niya "office" sagot ni Dave "ah.." sabi ni Chello at nakaisip nalang siya ng idea. Agad siyang bumalik sa kwarto pero nasa labas lang siya at binuksan niya ng konte ang pinto at kinuha ang phone niya. Tinawag niya ang ibang Lullaby at sinabi ang plano niya, pinatunog niya ang phone niya na parang me tumawag sa kanya at nagkunwaring sinagot niya ito. "Hello... yes... Helen... pupunta ka dito? Sure, pwede mong dalawin si Dave anytime" nilakasan ng konte ni Chello ang boses niya para marinig ni Erica sa loob.

Napansin ni Three ang pagtaas ng ulo ni Erica at tumingin sa me pinto "fucker!" sabi ni Erica sabay bitaw ng kamay ni Dave at mabilis na naglakad papunta sa pinto "oh God, this is not good!" sabi nalang ni Three. Binuksan ni Erica ang pinto at nakita niya sa me pintuan sa kwarto ni Jenny si Chello habang me kausap ito sa phone "sino yan? Is that Helen?" sabi ni Erica sabay lapit niya kay Chello. Bago paman niya nalapitan si Chello tinalunan siya nina Sixteen, Seventeen, Eighteen at Nineteen at pinadapa sa sahig.

"Damn! HURRY UP!" sigaw ni Nineteen dahil sa lakas ni Erica muntik na silang maangat nito "I'm coming! I'm coming!" sigaw ni Three sabay inject niya sa braso ni Erica at pagkatapos. "Don't let her go let the medicine flow in her system first" sabi ni Three pero bumitaw na ang apat kaya agad tumayo si Seven at pinagsusuntok at pinagsisipa silang apat. Aatakihin na sana ni Erica si Three nung biglang sumulpot sa harapan niya si One at sinuntok siya sa tiyan "ughh.." nalang si Seven at napayakap siya kay One "sleep well dear sister" sabi ni One at doon umepekto na ang gamot na ininject ni Three at nakatulog sa balikat ni One si Seven.

"Oh thank God!" sabi nalang nila at iniwan nila si One na inaakay si Seven "tutulongan na kita" sabi ni Chello na inakay nila si Erica papasok sa loob ng kwarto ni Dave at pinahiga sa sofa. "How much did you gave her?" tanong ni One "enough to put her out for the day" sagot ni Three "good!" sagot ni Chello at lumapit sa kama ni Dave "sleepwell too, my boy" sabi ni Chello at humalik siya sa noo ni Dave. Iniwan nila ang dalawa sa loob at naglagay ng "do not disturb" sign si Three sa pinto ni Dave at hinayaan nila ang dalawang natutulog sa loob.

Dinalaw din ni Three si Marcus na ngayon ay kumakain sa kama niya at sinusuboan pa ni Julie "nakakainggit" mahinang sabi ni Three nung makita ang dalawa "paano ka magkakaboyfriend kung nasa loob ka lang ng laboratory mo" sabi ni Nine sa kanya. "HMP!" lang ang sagot ni Three at lumabas ng kwarto at natawa naman sina Esmeralda at Julie habang nakangisi lang si Marcus. "How is she, Mimi?" tanong ni Three tungkol kay Uno "sleeps like a baby" sagot ni Dr Mina "let me check her wounds and give her antibiotics" sabi ni Three at hinayaan lang siya ni Dr Mina.

Lumipas ang ilang araw at naging kampante na ang buong Lullaby sa condo habang bumalik na sa trabaho ang mag-asawa "aahhh this is the life!' sabi ni Four habang palutang-lutang siya sa pool. "Hit me, Kitty!" sabi niya kay Thirteen na pinasahan siya ng bote ng pepsi at ininom agad niya ito "hey!" tawag ni Two "don't drink it all" sabi niya dahil dalawa kasi ang kinuha ni Thirteen. Umuwi narin sina Rudy at Aida sa bahay nila pero bumalik din ito agad habang si Dominic naman ay bumalik narin sa trabaho niya at bago umuwi sa kanila dumadaan sa condo para makita ang magaganda at nagseseksihang mga Lullaby "eye candies kasi!" sabi niya.

Nagwala si Seven pagkagising niya at muntik pa niyang mabaril ang mga kasamahan sa condo sa ginawa nila sa kanya pero napatahan rin siya nung sinabi nilang nagsalita si Dave Jr. "Geeze that bulldog!" sabi ni Twenty pagkatapos mag amok ni Seven sa condo "how long is he going to sleep, Three?" tanong ni Eleven "any day now" sagot ni Three habang tinutulongan niya si Uno'ng umupo para kumain. Umuwi na ang mag-asawa at kasama nila si Eight at pagkapasok nila sa condo agad dumiretso si Eight sa kusina at kumuha ng ice tea at umupo sa sofa "God, work is cool!" sabi niya na ikinatuwa ni Chello.

"How's work, dude?" tanong ni Ten sa kanya "I love numbers, counting is my life!" sabi ni Eight na napailing nalang si Ten at tumingin kay Twelve at napatawa lang ang huli. "Counting numbers are making them even is more fun than killing people" sabi ni Eight na napatigil si Aida nung marinig niya ito "don't worry ma'am she is harmless" sabi ni Fourteen sa kanya. "Hey, how about me going with you tomorrow?" tanong ni Ten "me too!" sabi ni Thirteen "I'd like to see what's an office looks like and they so called employees" sabi ni Seventeen.

"They are the same as us, Seventeen" sabi ni Five "no, I don't think so. I believe they wear those things... what do you call it?" tanong niya kay Chello "suits?" sagot ni Chello. "No, no. those things they put on their heads" sabi ni Seventeen "girl, you are talking about hoodies they don't work in an office like Chello does, they work in a call center" sagot ni Sixteen. "Oh... well I like their styles" sabi ni Seventeen "why don't you work there? You could have a blast" sabi ni Nineteen sabay tawanan nila ng mahina ni Twenty "yes! I will do that!" sabi ni Seventeen at tumayo siya at pumunta ng kwarto "hahahahaha" nagtawanan silang lahat sa inasal niya.

Kinabukasan, hinandaan ng lunchbox ni Aida sina Eight, Ten, Eleven at Thirteen dahil sasama sila sa office nina Chello habang nagpaalam naman ang huli sa anak niyang si Dave. "Baby, are you coming?" tanong ni Dave Sr kay Jenny "coming daddy" sagot ni Jenny habang nakapang office narin ito "looking beautiful sis" sabi ni Esmeralda nung nakita niya ang bunso niya. "I'm leaving for work anak" paalam ni Chello sabay halik sa noo ni Dave at hinimas ang ulo ni Erica na natutulog sa tabi "i'm leaving, take care" mahinang sabi ni Chello kay Three na tumango lang siya at ngumiti.

"Let's go!" tawag ni Chello at nakita niya ang nakadesenteng naggagandahang dilag na sasama sa kanila "ah babe" sabi ni Dave "what is it?" tanong ni Chello habang sinusuto ang takong niya. "Naiilang ako" sagot niya "why?" tanong ni Chello sabay turo ng nguso ni Dave sa mga kasama nila "tsk! Don't be an idiot" sabi ni Chello sabay hila sa asawa palabas ng condo. "Lullaby!" tawag ni One na lumingon ang apat sa kanya "behave!" paalala niya "where are you going?" tanong nila kay Two dahil nakita nila itong nakadesente narin "i'm going to keep an eye on you idiots, especially you Thirteen" sagot niya "AAWWWWWW" reklamo ng apat "let's go!" sabi ni Chello.

"Are you sure letting them go is a good idea, One?" tanong ni Five sa kanya "do you hear any noise?" tanong ni One na napatingin sa paligid si Five "no" sagot niya sabay ngiti ni One "oohhh..." nalang si Five. Pumunta sila sa gym at nakita nilang natutulog pa sa sahig si Zero at nakabukaka pa ito "geeze!" sabi nalang ni Five "party time?" tanong ni Four na nasa likuran nila. Nagkatinginan sila at pumasok narin si Six at si Nine "how about it guys?" tanong ni One na napangiti sila "how do you want this One?" tanong ni Four at naka bra at panty nalang siya "how's dragon's den assualt sounds like?" tanong ni One na natuwa silang lahat.

Napatingin nalang si Three sa pinto nung marinig niya ang sigawan sa labas "what the hell was that?" tanong niya pero inignore niya rin ito at lumapit sa monitor ni Dave para tingnan ito. Nakaramdam ako ng bigat sa me braso ko at para bang me humahawak sa kanang kamay ko kaya dahan-dahan kong binuka ang mata ko at napapikit muli ako dahil sa sinag ng araw. Pero nung me tumabon sa sinag doon ko na nabuka ang mata ko at hindi ko alam kung ano itong nasa harapan ko ngayon, maputi, makinis at para bang, ang lambot.

Inabot ko ito ng kaliwang kamay ko at pinisil ito ng mahina at naramdaman kong ang lambot nga at ano itong maliit na nakusli "hmmmm..." narinig ko nalang bigla nung pinindot ko ang nakausling maliit na bukol sa harapan. "Aahhh.." narinig ko muli nung pinisil ko na ang malambot na.. na.... "oh shit!" napamura nalang ako nung makita ko ang mukha na bumaba malapit sa mukha ko. "Hmmm... do you like what you touch?" tanong sa akin ng magandang babae "ah.. ah.. so.. sorry po" sabi ko nalang at "na.. nasaan nga pala ako?" painosente kong tanong sabay ngiti ko sa kanya.

"You are home, sweetheart!" sagot niya sa akin "home? Where..." napatingin ako sa kanan ko at nakita ko ang pamilya na mukha pati na ang expression sa mukha niya "oh no!" nasabi ko nalang nung sumalubong sa akin ang kamao niya. "SEVEN!" sigaw nung magandang babae kay Erica "aaarraaayyy.." sabi ko nung biglang nagdilim ang paningin ng kanang mata ko. "HOW DARE YOU TOUCH HER BREAST BARBIE! HOW DARE YOU!" sigaw ni Erica sa akin "i'm sorry.. i'm' oucchhh!!!' kunwari masakit ang dibdib ko pero hindi na agad naman siyang naging concern pero mahigpit ang paghawak niya sa kanang braso ko.

"Are you ok Barbie? Saan.. saan ang masakit?" tanong niya sa akin at sa labas ng kwarto narinig ko ang ingay na papalapit sa amin at agad bumukas ang pintuan at pumasok ang maraming naggagandahang babae kasama ang pamilyar sa akin. "Apo! Mabuti at nagising kana!" sabi ni lola Aida sa akin "apo!" tawag sa akin ni lolo Rudy "lolo, lola" tawag ko sa kanila. "Good to see you awake bro!" natutuwang sabi ni Marcus sa akin at nakita kong naiyak si Esmeralda "guys!" tawag ko sa kanila at nakita ko si Rosana sa me pinto.

"Hello there" sabi nung cute at magandang babae na sa unang tingin parang japanese ito dahil sa suot niya "Erica.. sino ba sila?" tanong ko sa kanya na nagpapahid siya ng luha. "Oh Barbie!" sabi niya "Seven" tawag nung cute kay Erica "Seven?" takang tanong ko kay Erica "oh, Bar.. I mean Dave.. meet my sisters" pakilala ni Erica "my number is One" sabi nung cute at magandang babae sabay yuko ng ulo niya. "Mine is Three, hello! I am your doctor" pakilala nung babaeng nahawakan ko ng suso "Yo! I'm Four!" sabi nung matangkad at magandang babae.

"I am Five" sabi nung mala gothic dahil sa suot nitong puro itim lalo na ang eyeliner niya, "I am Six.. hello Dave" sabi nung inosenteng mukha at kung titignan mo ng mabuti papasa siya bilang high school student. "I am Twelve" pakilala nung maganda at me makapal na eyeglasses "Fourteen here!" pakilala nung maganda at me parang grasa sa ilong. "Sxiteen" sabi nung maganda din at maikli ang buhok "good to see you awake, i'm glad my prayers have been answers" sabi nung mala manang manamit pero maganda parin. "I am Eighteen" pakilala nung kasing tangkad nung Four at sobrang puti at maganda ang mukha "Nineteen" "Twenty" sabi nung dalawa na bigla nalang itong tumalikod at lumabas ng kwarto.

"Nevermind them" sabi ni Erica sa akin "how are you?" tanong niya sa akin "i'm.. feeling better... wait.. why am I back in our condo?" tanong ko sa kanya "dinala ka namin dito bro" sabi ni Marcus. "I advise that you need a sterile environment and your mom suggested to bring you here instead sa hospital kaya ka nandito" sabi sa akin ni Three yung doctor na umasikaso sa akin. "Ganun ba" sabi ko pero hindi ko papigilan ang sariling kong pamatingin sa kanila dahil tingin ko namatay ata ako at napunta sa langit sa dami ng naggagandahang mga dilag sa harapan ko "love... don't make me break your arm" bulong ni Erica sa akin at narinig ata nila dahil tumawa silang lahat.