1. Home
  2. Stories
  3. Cheating in September 7
Filipino Sex Stories

Cheating in September 7

By Fiction-Factory ·
IKAPITO - Adhikaing Itim

"Mahal ko, paano mo ba ako sisipingan sa makipot na lugar na ito?" tanong ni Soledad habang patuloy na hinahabol ang sariling hininga gawa ng mapusok nilang halikan.

Ngiti ang itinugon ni Samuel sa tanong at pagkatapos nito'y pinatalikod niya si Soledad. Nang maharap si Soledad sa pader ay napakapit na lamang siya rito dahil bigla siyang pinatuwad ni Samuel.

Itinulak niya ang likod ni Soledad at iniyuko sa tapat ng dingding, pagkadaka'y lumuhod si Samuel sa likuran ni Soledad, at sakto natutumbok ng kaniyang mukha ang nakabukakang puwetan ni Soledad. Natatanaw din niya ang biyak na ari nito.

Napapikit na lang si Samuel ng simulan na niyang idukmo ang kaniyang ulo sa puwet ni Soledad. Ang mukha niya ay nasa pagitan ng magkabilang malalambot na pisngi ng puwet ni Soledad habang ang kanyang dila ay dumiretso sa hiwa ng puki.

Panginginig ang naging ganti nito sa katawan ni Soledad. Napapikit na lang din siya habang nakalapat ang magkabilang kamay sa dingding, at halos magkandakuba na siya sa pagkakatuwad.

"Aaahhhh.... Mahal ko.... Sarap..." tuluyan na ngang nalimutan ni Soledad ang konsehal.

Sa bawat hagod ng dila ni Samuel ay sinasabayan niya ito ng salsal sa sarili niyang ari. Nagsimula na itong tigasan nang pumasok na sa katawan niya ang kalibugan. Kahit pa nangangawit na sa pagkakaluhod ay hindi niya ito ininda.

Habang ninanamnam mabuti ni Samuel ang hiyas ni Soledad ay may isang lalaki ring tinitigasan sa labas ng palikuran. Sinisipat sa isang siwang ang hiyas na patuloy na pinakikinang ng malaway na dila.

Halos magkandakuba din si Mang Berting sa kakaboso sa mag-asawa. Muntik pa siyang mahuli sa ginagawang kalokohan, mabuti na lamang ay naunahan niya ng lingon si Konsehal Dutarte na noo'y papasok na sa kanilang bakuran.

Napatindig siya at mabilis na inayos ang sarili. Medyo siya'y dismayado sapagkat wala sa oras ang pagbisita sa kaniya ng kanyang kumpadre. Kaniya na lamang itong nilapitan ng may sama ng loob dahil sa ayaw niyang iwanan ang pamboboso.

"Kumpadre, saan ka ba nanggaling?" salubong ni Konsehal Dutarte.

"Ako'y may kinumpuni lang sa may likuran. Ano ba ang masamang hanging nagdala sa iyo dito't mukhang galit na galit ka?" ani Mang Berto.

"Si Soledad Kumpadre! Nais ko sana siyang makausap ora mismo!"

"Si Soledad? Ngunit ano ba ang ginawa sa iyo ng binibini at ganiyan na lamang kung maglabas ka ng init ng ulo?"

"Isa siyang bastarda! Matapos niyang makipagkasundo sa akin ay iniwan na lang niya ako basta at tinalikuran ang aming kasunduan." magkasalubong na kilay na tugon ng konsehal,"Nasaan siya? Nais ko siyang makasalita!"

Hahakbang na sana siya patungo sa bahay nina Soledad ngunit hinarangan siya ni Mang Berting,"Huminahon ka Kumpadre... Mangyari'y nariyan ang asawa ni Soledad, baka magkagulo pa kayo..."

"Deputa! Ako'y walang pakialam! Hindi ako natatakot! Wala akong kinatatakutan nino man!" puno ng galit ang kamao ni Konsehal Dutarte.

"Maghunos-dili ka Kumpadre. Kung ako sa iyo ay ikakalma ko ang aking sarili, kung ayaw mong maeskandalo ang iyong pangalan na maging sanhi pa ng pagkakaroon mo ng problema sa susunod na halalan..."

Napabugtong-hininga ang konsehal,"Ngunit Kumpadre..."

"Huwag kang mag-alala Kumpadre, ako ay mayroong naiisip na magandang paraan upang mapasaiyo ang iyong minimithi." nakangiting sambit ni Mang Berting,"Aking nalaman mula sa pahayagang ipinabasa sa akin ni Ginang Mirasol na itong si Samuel, na asawa ni Soledad, ay nasangkot sa isang sindikato, at siya ngayon ay kasalukuyang pinaghahanap ng mga kapulisan." (A/N: Kapulisan o mga sundalong Pilipino sa ilalim ng Estados Espanya.)

"Ano kamo? Ano ang sindikatong yaon?" pagkagulat ni Konsehal Dutarte.

"Ayon sa balita, isang sindikato na may malaking kalakalan ng Opos na nailikha mula sa halamang Popi." (A/N: Opos o Opium, Popi o Poppy.)

"Totoo ba yang sinasabi mo Kumpadre? Opos? Hindi ba't yaon ay isang uri ng gamot na mahigpit na ipinagbabawal ng pamahalaan?"

"Siya nga Kumpadre. At kapag nahuli na si Samuel siguradong wala na siyang kawala, sapagkat habang buhay na pagkabilanggo ang parusa sa sinomang magbenta o magkalat ng Opos... At nang sa gayo'y masosolo mo na si Binibining Soledad."

"Ha Ha Ha Tunay kang maaasahan Kumpadre! Ha Ha Ha" at sila'y magkasabay na naghalakhakan habang si Mang Berting ay nakalingon sa likod-bahay nina Samuel kung saan tinatanaw niya ang palikuran.

Iniisip niya kung ano na bang nangyayari sa loob niyao. Dismayado parin sapagka't hindi niya maiwan ang wala sa oras na bisita. Itinuloy na lamang niya ang pamboboso gamit ang kaniyang imahinasyon.

Samantala, laganap na ang kalibugan sa loob ng buong banyo. Sa pagpapatuloy ng pagtatalik ni Samuel at ni Soledad ay natagpuan nila ang tunay na kaligayahan sa isa't-isa.

Ngayon lamang nila naranasang magtalik ng nakatayo. Si Soledad ay nakatuwad habang pinapasok siya ni Samuel na nasa kaniyang likuran. Labas-masok ang ari ni Samuel sa lagusan ni Soledad. Sumasalpok ang puson nito sa malalaman na puwet ng binibini.

"Aahhhh... Mahal ko... Sarappp...." usal ni Soledad.

Sa araw na ito ay matagumpay na naipunla ni Samuel ang kanyang katas sa kaloob-looban ng kaselanan ni Soledad. Sagad ang kaligayahang kanilang nararamdaman. Umaapaw sa pag-ibig matamis na matamis.

Ngunit lingid sa kanilang kaalaman na ito na ang huli nilang pagtatalik. Ito na ang huling pagkakataon na maangkin nila ang katawan ng isa't-isa.

Ito na ang araw na magwawakas ang masaya at maayos nilang pamumuhay, at ang kawakasang ito ay siyang magsisilbing simula ng kanilang pagdurusa at pasakit.

Ito ang huling araw ng buwan ng Agusto, at ang susunod na buwan ay kahaharapin na nila ang pinakamatindi at pinakamasakit na hamon sa kanilang buhay. Sing-itim ng uling ang sa kanila'y magdidilim, at ang liwanag ay hindi na muling matatanaw.

Pagkatapos nilang maligo ay magkasabay din silang nagbihis sa loob ng kanilang silid. Tinangka ni Soledad ang pagkakataon upang kausapin si Samuel tungkol sa artikulong nabasa niya sa pahayagan.

"Mahal, maari ba akong magtanong? Mangyari'y mayroon akong nabasa sa pahayagan at nakita ko ang iyong pangalan na nabanggit. Samuel De Belen, na ayon doon ay kasalukuyang pinaghahanap ng kapulisan sa Maynila. Ayoko itong paniwalaan ngunit gusto ko lamang sana itong kumpirmahin sa iyo." litanya ni Soledad.

Kapansin-pansin sa mga mata ni Samuel na hindi mapanatag ang ginoo. Tila may biglaang bumagabag sa kaniyang kalooban na hindi niya pinahalata sa kanyang kausap.

"Mahal ko, sa ating matagal na pagsasama buhat pa noong tayo ay magkasintahan pa lamang ay alam kong ganap mo na akong kilala. Kung ano ang iyong pinaniniwalaan ay siyang iyong paniwalaan, at manatili ka sa ganoon..." hindi magawang sumagot ng diretsahan ni Samuel.

"Alam ko Mahal ko.. . Aking lubos na nalalaman na hindi mo makakayang gawin ang ganoong klase ng gawain... Naniniwala ako na hindi ikaw ang nagmamay-ari ng pangalang yaon, kundi ibang tulisan. Nawa'y madakip na siya ng kapulisan." buong poot na tugon ni Soledad para sa huli niyang sinalita.

Nagyakap ang dalawa at sa yakapang ito ay mas mahigpit ang pagkakagapos ni Samuel. Sa dulo ng kaniyang mga mata ay may luha, at ang kaniyang puso ay tumatangis.

Sapagkat siya mismo ay nalalaman niya na ang pagsasama nila ni Soledad ay hindi na rin magtatagal. Marahil ay nagawa niyang maglihim kay Soledad, ngunit hindi niya maililihim sa kaniyang sarili ang mapait na katotohanan.