1. Home
  2. Stories
  3. Cold Bloods Oath Succubus Chapter 1 -Knowing-
Lagablab

Cold Bloods Oath Succubus Chapter 1 -Knowing-

By angmgakwentonipen ·

I-( Knowing)

Isang nakakapagod na araw ang dumaan kay Brandon, pagod ito sa byahe dahil lumipat sila ng tirahan sa may Marikina, halos abutin sila ng siyam-siyam dahil sa trapik. Bandang tanghali na ng makarating sila sa kanilang bagong tirahan. Nagulat si Brandon dahil hindi niya inaasahan kung kagano kalaki ang bahay na nabili ng kaniyang balik bayan na ama.

"Pa, Ang laki naman ng bahay na ito"

Hindi maitatago sa mukha ni Brandon ang tuwa dahil simula pa pag ka bata niya ay nagrerenta lamang sila ng bahay na may kaliitan,

"Aba Jong Tuwang tuwa ang anak natin oh"

Jobert Alfonso Martinez oh mas kilala sa pangalang Jong ang Ama ni Brandon isa itong inghenyero na kababalik lamang galing sa Dubai.

"Ano kaba Marites natural na matutuwa ang ating mga anak dahil hirap at sipag ang pinuhunan ko diyan upang makabili ng ganyang bahay"

Marites Dela Cruz Martinez naman ang pangalan ng Ina ni Brandon na isang Guro sa isang pribadong paaralan

"Oh Brandon ok ba anak itong bago nating bahay?"

Si Brandon ay 2nd year college Student sa Universidad ng Pilipinas (University of the Philippines) na kumukuha ng kursong B.S. Chemistry, Panganay si Brandon sa kanilang dalawang magkapatid na Babae.Si Brandon ay may pagka Chinito, Maputi at kagwapuhang lalake, Nasa 5"5 ang tangkad nito at maganda ang pangangatawan

"Oho Itay, Kaw Pat? Nagustohan mo ba itong new house natin Sisy?"

Si Patricia Dela Cruz Martinez oh mas kilala sa palayaw nitong Pat ang bunsong kapatid na Babae ni Brandon 4th Year High School Student Ito sa pinag Tuturuan ng kanilang inang si Marites, Bilugan ang mukha ni Pat, magandang hubog ng pangangtawan nito, maputi at makinis ang kutis, mahaba ang buhok nito na abot hanggan baywang.

"Oo naman kuya, kaso sana may makilala akong new friends"

"New Friends Daw. Oh Boyfriend"

"Ihh kuya naman Eh"

"hoy Brandon ano yan, bata pa yang kapatid mo para sa ganiyang bagay"

"Ma! Hindi na ako bata"

"Ma! Hindi na pala Siya bata eh"

"hoy Tumigil nga kayong dalawang magkapatid, Aral muna kayo , hindi yang pag Gi-girl friend at pag Bo-boyfriend iniisip nyo"

"Pa, alam naman po namin iyon eh, pero pwede naman sigurong magkaron ng inspirasyon diba?"

"Hay nako ewan ko sainyong dalawa"

Nagkwentuhan ang mag-anak sa labas ng kanilang bahay, hindi na sila nag ayos ng gamit dahil kasama na ang gamit sa nabili nilang bahay, tumagal pa ng ilang minuto ang kwentuhan nilang pamilya hagang sa nagdesisyon na silang pumasok ng bahay. Pagbukas ni Marites ng pinto ay sumalubong sakanila ang maaliwalas at maayos na sala.

"wow ma ang ganda sa loob"

"oo naman anak kaya sana mapanatili natin ang ayos ng bahay"

"opo ma kami bahala ni kuya. Tutulong kami sa paglilinis"

Agad pumasok ang pamilya sa loob ng bahay, sa sobrang excitement nila ay agad nilang ibinaba ang mga bitbit na gamit at nilibot ang buong bahay. Ang dalawang magkapatid ay agad nagtungo sa 2nd floor ng bahay samantalang ang mag-asawa ay nagtungo sa bakuran.

"Kuya tignan mo itong room ko oh"

"Wow naman Pink na pink talagang kwarto ng babae eh"

"kaw kuya nakita mo na ba room mo?"

"hindi pa eh"

"tara kuya silipin natin"

nag tungo ang magkapatid sa isang kwarto kung saan may naka sulat sa pinto na "Brandons Room", Pagbukas ng dalawa sa kwarto ni Brandon ay nabighani ang mga ito.

"wow Kuya ganda ng room mo, tapos may Terrace kapa"

talagang masaya ang dalawang magkapatid sa kani-kanilang kwarto, bakas sa mga mukha nila ang galak at pasasalamat sa ama nilang nag tiis mapalayo sa pamilya upang magtrabaho sa abroad. Naglibot libot lang ang dalawa sa ikalawang lapag at muling bumaba upang tulungan ang mga magulang sa dapat gawin.

........

Gabi na ng matapos sa pag-aayos ng magkaptid ng mga gamit nila, nagpunta si Pat sa Kwarto ni Brandon upang tawagin ito at yayaing kumain ng hapunan.

"Kuya kain na tayo medyo gutom na me"

"sige ako din eh"

nagmadaling bumaba ang magkapatid. Naabutan nila ang kanilang inang naghahanda ng lamesa kaya't nagbulontaryo ang mga itong tumulong. Ng maayos na ang hapag kainan inutusan ni Marites ang anak na panganay na tawagin ang ama para kumain, na agad namang sinunod nito.

"Ma, saan po si Papa?"

"ahhh nasa labas anak kausap niya yong kapit bahay natin"

Agad na nagtungo si Brandon sa labas, at ng makita nito ang kaniyang Ama ay agad itong lumapit.

"oh Brandon andyan ka pala, Halika dito at ipakikilala kita sa bago nating kapitbahay"

Lumapit si Brandon sa kaniyang ama at ng makalapit na ito ay agad inumpisahan ng kaniyang ama ang pagpapakilala sa kanilang kapit bahay

"Anak ito si Raila siya ang bago nating kapit bahay"

"Hi Brandon"

"Hello"

Medyo na agaw ni Raila ang atensyon ni Brandon dahil sa Ganda nito, Maganda ang mukha ni Raila na may matang may pagka Dark Brown, Maganda ang hubog ng katawan nito na may malulusog na hinaharap na agad napansin ni Brandon, Halos magkasing tangkad lang sila nito. Mahaba ang buhok nito na abot hangan Baywang.

"Anak, sana ay maging mabuti kayong magkaibigan ni Raila, Ganun din sa kapatid mo na si Pat."

Tumango lamang si Brandon at bahagyang ngumiti.

"Medyo may pag ka mahiyain pala itong s Brandon Sir Alfonso"

"ay nako anak, Tito Jong nalang tawag mo saakin, hmmm oo medyo mahiyain nga yang anak kong iyan kaya wala pang nagiging kasintahan"

"Pa naman"

"hahaha"

Yumuko lamang si Brandon dahil pakiramdam nito ay na pahiya siya sa kanilang kapit bahay, at lalo pang nahiya ito ng tumawa si Raila

"pero tama lang na wala pang nagiging kasintahan ang anak kong ito dahil lagi kong ibinibilin sakanya na unahin muna ang pagaaral"

"mukhang masunurin na anak talaga hah"

Panakaw nakaw ng tingin si Brandon kay Raila, at nag ka taong nagkatagpoan sila ng tingin. Iba ang naramdaman ni Brandon sa tingin ni Raila. Hindi nito magawang ilihis ang mata sa mata ni Raila. Parang may koneksyon ang kanilang mga mata na para bang naguusap.

"Brandon, Jong! Kain na tayo"

Biglang tinawag ni Marites ang kanyang mag ama

"ahh iha mauna na muna kami at nagtatawag na si tita mo Tes"

"ahh sige po tito papasok na din ako"

"kung may kailangan ka iha wag ka mahihiyang lumapit"

"oho tito jong, Ganun din po sainyo tito if you need something don't hesitate to knock on my door"

Tuluyang nagpaalam na sila Jong at Brandon sa kapit-bahay na bago, habang sila ay papasok na sa loob. Hindi sinasadyang mapa lingon si Brandon sa Papasok na si Raila, at laking gulat nito dahil lumingon din si Raila sakanya muli nanamang nagkatagpo ang tingin ng dalawa. Agad na inilihis ni Brandon ang tingin sa pagkakataong iyon.

"Bagket(Ilocano of Asawa or Wife), Kamusta ang kwentuhan? Napakilala mo ba ang ating anak?"

"OO bagket napakilala ko na at mukhang magiging magkaibigan an gating mga anak sa ating kapit bahay"

"Mabuti naman kung ganun, dahil magisa lamang ni Raila diyan sa bahay nila, ang mga magulang nito ay nagtungo na sa US para doon mamalagi ngunit siya ay naiwan dito dahil sa pagaaral niya"

"paniguradong malungkot ang bahay nila Raila dahil magisa niya lamang doon"

Nakikinig lamang si Brandon sa kwentuhan ng kaniyang ama at ina, patuloy na nagging tahimik si Brandon para itong na hypnotize, na napansin naman ng kapatid nito na si Pat,

"HOY kuya!! Para kang Statwa dyan"

Agad bumalik ang diwa ni Brandon sa ginawa ng kapatid

"hah? Hindi hah! May iniisip lang ako"

"haha mukhang tinamaan ka kuya hah?"

"Tinamaan?"

"oo tinamaan ng pagiging Torpe!"

"oy hindi hah!"

Inaasar ni Pat ang kuya niya na agad naming sinaway ng kanilang ama

"Oh ano yan? Bilisan niyo na kumain at maaga pa pasok niyo bukas"

Agad na sumunod ang magkapatid.

.......

Nang matapos na sila kumain ay agad nagligpit si Marites ng hapagkainan habang sila Brandon at Pat ay nag ayos na ng mga sarili at nag tungo na sa kanya kanya nilang mga kwarto. Mabilis na naka tulog ang kapatid ni Brandon na si pat dahil din siguro sa pagod ngunit. Si Brandon naman ay hirap sa pagtulog sa kadahilanang nangingibang bahay pa ito. Hating gabi na ngunit hindi parin makuha ni Brandon ang kanyang tulog kaya't nag desisyon itong magpunta sa terrace. Umupo si Brandon sa may duyan at i-dinuyan ang sarili habang nakatanaw sa paligid, ng mapatingin si Brandon sa bahay nila Raila ay nakita nito si Raila na naka dungaw sa may bintana at naka tingin kay Brandon. Nakatitig lamang ito kay Brandon medyo na ilang si Brandon kaya nagdesisyon itong pumasok nalang sa loob. Muli nanaman itong lumingon kay Raila upang senyasan itong papasok na siya sa loob ngunit wala na ito sa kaniyang puwesto.

"San na yun?"

Pumasok na si Brandon sa kaniyang kwarto, isinara nito ang lock ng terrace at dumiretso na sa kanyang kama, ipinikit na ni Brandon ang kaniyang mata ngunit ilang segundo palang ang lumipas ay parang may kung ano itong naramdaman, parang may hangin na dumadampi sa kanyang pisngi kaya dahan dahan nitong minulat ang kanyang mga mata, laking gulat nito ng makita ang mukha ni Raila na halos nakadikit na sa kaniyang mukha,

"Matagal na kitang hinintay."

"hah ano? Teka bakit andito ka?"

"daang taon na ang lumipas sa paghahanap ko sayo, pero ikaw din pala ang lalapit saakin"

"ano? Hindi kita maintindihan"

Litong lito si Brandon at hindi maintindihan kung ano ang tukoy ni Raila, at lalo pa siyang nagulohan ng bigla siyang halikan ni Raila. Naghalong pagkalito at sobrang daming tanong ang pumasok sa utak ni Brandon hindi nito maintindihan kung bakit? Kung ano? at kung paano?. Hanggang sa kumalas si Raila sa pagkakahalik nito kay Brandon at binigyan ng isang makahulugang ngiti. Tumayo si Raila sa kama ni Brandon at mabilis na tumakbo patungo sa terrace. Laking gulat ni Brandon ng biglang tumalon si Raila sa Terrace.