1. Home
  2. Stories
  3. Cold Bloods Oath Succubus Chapter 2 -Start of something-
Lagablab

Cold Bloods Oath Succubus Chapter 2 -Start of something-

By angmgakwentonipen ·

II- Starting of something

"HOI KUYA GISING NA BAKA MALATE KA. UNA NA KAMI NI MAMA!!"

Nagulat si Brandon sa tawag ng kaniyang kapatid, Dahilan upang ito ay magising. Bumangon ito sa pagkakahiga at umupo, pinunasan nito ang kaniyang mata, at huminga ng malalim.

"hay, panaginip lang pala"

Muli nanaman itong huminga nang malalim at nagtungo sa may salamin laking pagtataka nito sa kanyang nakita.

"Bakit may sugat ako sa labi?"

Iniisip nalang ni Brandon na baka nakagat niya lamang ito. Tinignan ni Brandon ang orasan at nakita niyang mag aalas otso na kaya't nagmadali itong bumaba at naghanda. Mabilis mabilis tinapos ni Brandon ang kaniyang pagkain at agad na nagpaalam sa kaniyang Ama.

"Pa, papasok na po ako"

"ahh sige anak kailangan mo na ba ng allowance mo?"

"Hindi na po pa bukas nalang siguro kasi may tira pa naman sa allowance ko last week"

"wow anak, talagang pinapahanga mo ako"

"pa ano naman po?"

"marunong ka kasing magtipid hindi tulad ng kapatid mo"

"Pa alam niyo naman na School-Bahay lang ako"

"yaan mo anak may surprice ako sayo"

"hmmm sige po pa, Salamat pos a surprice in advance. Mauuna na ako pa"

"ahh sige anak at ako naman ay maghahanda narin dahil may usapan kami ni tito mo Ryan"

"ahh sige po ingat din po kayo"

Nagmamadali si Brandon na lumabas ng kanilang bahay. Naglalakad si Brandon palabas ng Subdivision ng may humintong kotse sa tabi nito at bumusina.Bumukas ang bintana ng Kotse at may tumawag ka Brandon.

"Brandon! Papasok ka naba?"

Yumuko si Brandon para makita kung sino ang taong kumakausap sa kaniya.

"Ikaw pala Raila, Good morning"

Mahinhinhin parin si Brandon sa pakikipag usap kay Raila

"Good morning din, hmmm papasok ka naba?"

"oo eh at medyo late na ako, kaya mauuna na ako hah"

"san kaba nagaaral?"

"sa UP"

"oh sakto dun din ako eh, Halikana sabay kana saakin"

"ay wag na nakakahiya"

"ano kaba tara na para hindi ka malate"

Binuksan ni Raila ang pintuan sa harap, at pinilit si Brandon na sumabay na ditto, kaya't wala naring nagawa si Brandon.

"sa likod nalang ako"

"ano kaba dito ka na sa tabi ko"

"baka magalit BF mo"

"hah? Ano kaba wala ako bf sa ka kung meron man, wala naming masama kung dalawa tayo dito sa harap"

"ahh sige, nakakahiya naman sayo"

"ano kaba"

Pumasok na si Brandon sa loob ng kotse, halata sa kilos at mukha nito na nahihiya siya kay Raila, at medyo napansin ito ni Raila kaya ito na ang gumawa ng paraan para magkausap sila,

"so anong course mo?"

"Chemistry"

"Ahh, so are you planning to be a doctor?"

"kung papalarin"

"tingin ko naman magiging isang magaling na doctor ka, Tiwala lang "

"salamat"

Nagpatuloy ang kwentuhan ng dalawang magkapit bahay ngunit si Brandon ay sobrang tipid sa mga salitang ginagamit. May na kitang Gas station si Raila kaya dumaan na muna sila dito, habang nagpapakarga ng gas ay lumabas saglit si Raila at nagpunta sa Department Store ng Gas Station. Nang makabalik si Raila ay may inabot itong maiinom kay Brandon.

"Brandon oh Juice"

"ahh wag na ok lang ako"

"Sige na at wala rin naman iinom niyan"

Tinangap ni Brandon ang alok na maiinom ni Raila,

"inumin mo na habang malamig pa iyan, kasi ang tipid mo magsalita para hindi ka din ma panisan ng laway"

"ahh, Pasensya ka na hah, Mahiyain lang talaga ako"

"ano kaba, wag ka na mahiya saakin, Tutal magkapitbahay lang naman tayo, saka Friends naman na tayo diba?"

Nginitian ni Raila si Brandon, at ngumiti din pabalik si Brandon kay Raila

"sige"

Habang tinatahak nila ang daan patungo sa kanilang Skwelahan ay nagpatuloy ang kwentuhan ng dalawa, medyo nagkapalagayang loob narin ang dalawa. Ng makarating na sila sa kanilang unibersidad ibinaba ni Raila si Brandon sa Department nito,

"Hmm, so sabay ulit tayo mamaya?"

"ahh, Nakakahiya naman sayo Raila"

"ano kaba mas gusto ko ngayon kasi hindi ako mabobored sa pagdridrive"

"ahh sige sabay nalang ako sayo mamaya"

"yehey, hmmm kunin ko # mo at kunin mo din # ko para text nalang tayo if saan tayo magkikita"

Iniabot nilang dalawa ang cellphone nila sa isat isa at nag bigayan ng #

"so paano yan mamaya nalang?"

"sige, Thanks ulit Raila hah"

"no problem"

"sige una na ako"

"sige"

Nang papalakad na si Brandon papunta sa kanilang department ay muli nanaman siyang tinawag ni Raila

"Brandon wait"

Tumingin si Brandon kay Raila

"ano iyon Raila?"

Bumaba ng kotse si Raila at lumapit kay Brandon,

"may ibibigay sana ako sayo?"

"ano iyon?"

Kinuha ni Raila ang kamay ni Brandon at isinuot ang isang Bracelet na may pendant na hugis 8

"oh ano yan?"

"bracelet, nakikita mo yang pendant nyan?"

"hmmm hugis 8 or dalawang O na magkadikit"

"infinity symbol ang tawag diyan, itong bracelet na ito ang magiging symbol ng Friendship natin"

"Rai salamat hah"

"basta Friends na tayo"

Tumango si Brandon kay Raila at ni ngitian nito, ngumiti din pabalik si Raila kay Brandon, iniabot ulit ni Brandon ang kanang kamay upang makipag shake hands sana ngunit nabigla ito ng bigla siyang yakapin ni Raila, Ramdam ni Brandon ang higpit ng yakap ni Raila, dama din nito ang galak sa bagong kaibiga, ng kumalas si Raila sa pagkakayakap kay Brandon ay agad itong nagpaalam dito,

"ay late na pala ako, mamaya nalang Brandon. Text mo ako hah"

"Sige mamaya nalang, salamat ulit Raila hah"

"salamat din"

Nagmadaling pumasok ng Kotse si Raila, Pag pasok nito sa Kotse ay binusinahan nito si Brandon, Tanda ng pagpapaalam, kumaway si Brandon kay Raila tanda din ng pagpaalam, ng makaalis na si Raila ay naglakad narin papasok ng Building si Brandon,

.......

Tapos na ang buong araw na klasse ni Brandon, kasama nitong lumabas ng kanilang department ang mga kaibigan nitong sila Alex, Jay, at Jovan.

Si alex ang pinaka matangkad sa kanilang apat, 5'7 ang height nito, matipuno ang pangangatawan nito at mahilig sa sports.

Si Jay naman ang Playboy MVP ng Department nila, toll black and handsome ito, kalog ito at joker ng grupo. Ngunit sa pagiging joker nito medyo may ibang tao sa department nila ang niinis dito.

Si jovan naman ay isang tahimik at loyal type of guy, hindi ito katangkadan ngunit masasabing marami sa department nila ang nagkakagusto sakanya,

Kilala ang grupo nila Brandon sa kanilang department dahil sa mga achievements ng bawat isa.

Ng makalabas na ng department ang mga ito ay may na isip na kalokohan nanaman ang joker ng grupo na si Jay.

"hoy pre pag may isang babaeng maganda na naka kotse na dumaan dito sa harap natin, ako na nagsasabi sainyo siya na ang babae para saakin"

"weh? Hindi nga? Ang sabihin mo idadagdag mo nanaman sa mga koleksyon mo!"

"oo nga Brandon tama ka diyan yan pa si Jay! Magpapakatino?"

"hay nako Jay tumigil ka na nga. Hindi kaba nagsasawa? Ang dapat nating isipin sa ngayon kung paano mag kaka-girlfriend itong si Brandon"

"yan magkakagirlfriend? Himala kung magka girlfriend yan eh supper sa hiya"

"hoy Jay masa ba kung mahiyain ako? Wag mo ako itulad sayo na wala na yatang hiya!"

Pinagtawanan ng grupo ang punch-line ni Brandon kay Jay hangan sa may kotseng huminto sa harap nila at tinawag ang pangalan ni Brandon.

"Hey Brandon! Ano tara na? hindi mo ako tinext so ako na pumunta sayo"

Biglang ang maingay na tawanan ay napaltan ng katahimikan,

"Sorry Raila katatapos lang din ng Class ko"

"ah ok lang so lets go?"

"ahh sure, OH by the way mga friends ko pala si Jay si Alex at si Jovan"

"hi guys"

Tumango lamang ang mga ito kay Raila

"hindi na ako nagtaka kung bakit tahimik ka, eh yang mga kasama mo mahiyain din katulad mo eh"

"hah? Itong mga ito? Tahimik?"

"oh hindi ba?"

Nakita ni Brandon ang mga Barkada nitong tameme kay Raila,

"hoy! Una na ako guys, Bukas nalang hah!"

"ah sige pre bukas nalang"

Pag ka tapos magpaalam ni Brandon sa mga kaibigan ay sumakay na ito sa kotse ni Raila,

...

Habang nasa daan pa sila Raila at Brandon ay masaya ng magkakwentuhan ang dalawa.

"kamusta school?"

"ok naman ikaw Raila?"

"ok rin naman,dami lang research"

"ganun talaga, college na tayo eh"

Kung magusap ang dalawa ay parang matagal na nilang kilala ang isat isa , hindi maitatanging naging maganda kaagad ang bond nilang dalawa.nang makarating sila sa subdivision ay naabutan nila ang ama ni Brandon na si Jong na nagtatapon ng basura sa garbage can sa labas ng Bahay nila,binuksan ni Raila ang bintana at binati ang ama ni Brandon.

"good afternoon Tito Jong"

"Good afternoon din iha"

napansin nI Jong ang anak na si Brandon sa tabi no Raila na kinagulat nito,

"aba kasama mo pals si Brandon"

"ah oho, coincidence nga po kasi sa UP din po ako nagaaral"

"salamat anak at pinasabay mo ang anak ko sayo"

"wala ho iyon tito Jong, mas gusto ko nga po na may ka sama biyumahe at ng hindi ako ma boring sa biyahe"

Bumaba na sina Raila at si Brandon sa kotse matapos itong i-parking ni Raila,

"so Brandon lika tuloy ka muna?"

"ahh sorry Raila need ko na magbihis eh, hmm ok lang if you want tambay tayo maya sa harap? Ng house?"

"hmmm... sa Terrace mo nalang para Presko ang Hangin"

"hah! Ahh"

"Bakit? Ayaw mo?

Hindi alam ni Brandon ang I sasagot, buong buhay nito ay wala pang babaeng pumasok sa kaniyang kwarto. At kabado siya dahil ang daan patungo sa terrace ay ang kwarto niya

"ok lang Brandon if ayaw mo"

"ahh, hindi Raila ok lang"

"talaga?"

Kitang kita ni Brandon ang saya ni Raila, inisip ni Brandon na magisa lang ni Raila sa Bahay kaya't naghahanap ito ng makakausap at makakabonding na kaibigan

"so what time?"

"hmmm Shower lang din ako tapos punta na ako sainyo"

"ahh sige sige, hmm mauna na muna ako"

"sige sige"

"see you later Vincent"

"hah? Ano? Aw sorry Brandon pala"

Matapos mag paalam ng dalawa sa isat isa ay nag medaling umuwi si Brandon,pagpasok nito sa kanialang bahay ay kumaripas ito ng takbo papunta sa kaniyang kwarto,

"tae tae ano gagawin ko"

Hindi makapag desisyon si Brandon kung ano dapat gawin,

"teka teka kalama Brandon kalma lang"

Pinakalma nito ang kaniyang sarili tinignan ang paligid at napansin nitong hindi naman makalat ang kwarto niya.

"bakit ako natataranta? Wala naman dapat ikataranta. Maayos naman room ko"

Napakamot sa batok si Brandon at natatawa sa sarili, umupo lang ito saglit sa kaniyang kama at pumasok sa sarili nitong baniyo para maligo,

.........

Pagkatapos maligo ni Brandon ay todo ayos nito sa banyo, pagkatapos magayos ay lumabas na ito sa banyo ngunit isang hindi inaasan ang nangyari, Nakaupo na si Raila sa may kama ni Brandon na talagang ikinagulat nito.

"Aw Raila!"

Sabay kuha ni Brandon sa tuwalyang nakasabit sa likod ng pintuan ng baniyo

"Grabe Brandon hah, nakakashock ka"

"sorry sorry hindi ko alam na andiyan ka pala"

Pulang pula ang pisngi nito sa hiya,

"ano kaba ok lang"

"Sorry talaga hah"

Lumapit si Brandon sa may Kabinet niya at mabilis na kumuha ng damit at agad pumasok muli sa baniyo

"Bihis na muna ako"

"ok lang"

Habang nagbibihis si Brandon sa Baniyo ay sobrang bilis ng tikbok ng puso nito, hindi maintindihang kaba ang nararamdaman nito, matapos magbihis ni Brandon ay pinakalma niya muna ang sarili bago lumabas ng baniyo,

"tagal mo naman magbihis, daig mo pa babae"

"ahh hindi naman siguro"

"so ano gagawin natin?"

"ahh ikaw ano ba gusto mo gawin natin?"