1. Home
  2. Stories
  3. Collared - 07
Filipino Sex Stories

Collared - 07

By thedementedprince ·
Author's notes: Non-sexual ang chapters 7 and 8. May parody of characters from FSS Chatrooms para sa chapter 8.

Matapos mag-almusal, napag-desisyunan ni Sheena na umuwi muna sa kanilang bahay sa may Cubao. Ang dahilan nito ay para kumuha ng gamit na pwedeng dalhin sa bahay ng nobyo upang matulog hanggang lunes ng umaga bago makipag-meeting sa bago nitong kliyenteng Amerikano na magpapagawa ng rest house sa Batangas.

"Tita, tito. Uuwi po muna ako sa bahay sa Cubao, kung pwede po sana ay maligo po kayo at susunduin ko po kayo mamayang alas diyes"

"Iha, saan naman tayo pupunta?" ang pagtatanong ng nanay ng nobyo sa babae.

"Igagala ko ho kayo at kung pwede ay isama niyo po sina Marcela at Maki. Si Mark naman po ay hindi ko maisasama dahil mag-re-review po siya para sa finals nito next week at alam kong mahirap yung major exams niya dahil diyan din po ako hirap nung college po ako"

'Aba, nagdesisyun girlfriend ko na di ako kinokonsulta' ang natatawang sabi ni Mark sa kanyang isipan.

Matapos mag-paalam ay bumeso na si Sheena sa magulang ng lalaki at hinatid naman ng lalaki ang nobya sa sasakyan nito at humalik sa labi at tuluyan ng umalis.

Habang nagmamaneho ang dalaga, nag-iisip ito kung ano ang damit na pantulog at pambahay ang dadalhin sa bahay ng nobyo.

BIIIIIIIIIIIP!!!

Dahil sa saya at pagka-sabik ng dalaga, muntikan na itong mabangga sa isang sasakyan sa intersection sa loob ng campus.

"Ano ba! Putangina tumingin ka sa kalsada!" Sigaw ng drayber ng taxi na muntikan ng mabangga ang minamanehong sasakyan ng dalaga.

"Pasensya na kuya" ang sabi ng dalaga pagka-roll down ng bintana nito.

Pagkatapos nito ay dumiretso na ulit ang dalaga sa kalye at iwinaksi muna ang pag-iisip nito sa mga bagay na nagpapasabik sa kanya.

Makalipas ang 20 minutong pag-da-drive ay nakarating na ito sa compound nila sa Cubao.

Dumiretso ito sa kwarto nito at kaagad binuksan ang aparador at naka-titig lang ito dahil iniisip ang mga damit na gusto niyang dalhin sa bahay ng nobyo upang tumira dito hanggang lunes ng umaga.

Matapos mag-impake ay nagtungo ito sa computer nito upang tignan kung may bagong email na dumating. May 2 bagong email na nakuha ang dalaga at tumugon ito sa unang email na nakuha na ito nga ay ang kliyente nitong Amerikano na may nobyang Pinay na kikitain ng lunes.

Nang buksan ng dalaga ang pangalawang email at habang binabasa nito ay nanlaki ang mga mata nito dahil isa itong napakalaking project. Malugod na tinugunan ni Sheena ang email.

Ang paksa ng email na nagpagulat sa kanya ay 3 malaking resort na ipapagawa, sa 2 sa Batangas at isa naman ay sa Bataan. Tumugon ang dalaga sa anyaya ng kliyente na makipag-meeting ng magpapagawa ng resort nito kay Sheena sa Miyerkules ng tanghali at kung maari ay sa Tagaytay makipag-kita.

Matapos ang pag-sagot sa email ay tinawagan ni Sheena ang ate nitong Arkitekto upang sabihin ang 4 na proyekto nila. Nagalak ang magkapatid sa magiging plano dahil siguradong tatabo sila ng kita mula dito.

Bukod sa pagkakaroon ng masaganang buhay pag-ibig kahit bago lamang ito, pakiramdam ni Sheena ay magbubunga ng todo ang career nito bilang isang inhinyero at ang ate naman nitong isang Arkitekto.

9:48AM nang umalis ang dalaga sa bahay nito na may dalang 2 bag ng damit pantulog at pambahay at nakarating sa bahay ng nobyo ng 10:17AM at agad na tumuloy sa loob ng bahay ng nobyo at tinabihan ito.

"Pasensya na Sheena, nagbibihis pa kasi yung mga anak ko dahil di sila makapili ng susuotin" ang salita ng ama ni Sheena.

"Take your time lang po tito" saad ng dalaga.

"Kamusta ang review mo baby? May nahihirapan ka bang topic diyan para sa finals mo?" tanong ng dalaga.

"Ayos lang naman review ko babe. Nalinawan na ako dito sa isang formula na nahihirapan ako at sa tingin ko, medyo nawala na pangamba ko dito sa bagay na ito"

"That's good babe!" at hinalikan sa pisngi ang nobyong lalaki.

Makalipas ang 7 minuto, at lumabas na ang dalawang nakakabatang kapatid ni Mark na sina Marissa edad 15 at si Maki na edad 6 na taong gulang.

"Pogi naman ni Maki" sambit ni Sheena. Biglang nag-posing ang bunsong lalaking kapatid ni Mark ng pogi pose at nagsi-tawanan ang mag-anak.

"Tara na po" ang pag-aanyaya ni Sheena sa mag-anak. "Iwan ka muna namin babe ha"

"Ingat kayo ha" ang sambit ni Mark.

Tuluyang umalis si Sheena kasama ang magulang ni Mark at ang dalawang nakakabatang kapatid ng nobyo.

Makalipas ang 9 na oras ay nakauwi na ang mag-anak at kinarga ng ama ni Mark ang bunsong kapatid na pagod na pagod sa ginawang pamamasyal. Matapos i-higa si Maki ay inutusan ng ama ni Mark na sumunod ito sa sasakyan dahil maraming bubuhating gamit.

Napa-isip ang lalaki bakit ang daming bubuhatin samantalang namasyal lang sila.

Laking gulat ng lalaki na maraming groceries ang ipinamili. Nakita ng binata ang iba't-ibang pagkain at karamihan dito ay chichirya at mga matatamis na pagkain na halata namang pambata.

"Babe, magkano lahat ito? Babayaran kita pag nagka-pera ako"

"Baliw ka babe! You're my boyfriend and I know your family is struggling in life, eto lang magagawa ko para mapasaya ko pamilya mo"

Sa puntong ito, maluha-luha ang binata at niyakap nito ang nobya dahil sa saya at suporta ng nobya nito pati na rin sa pamilya nitong hirap sa buhay.

Nang mahimasmasan ang binata, "babe, sama ka sa akin after ng finals mo. May malaking construction project at magandang edge ito para sa studies mo at mas prepared ka sa OJT kung sakali mang sa iba ka mag-OJT"

"Sigurado ka ba babe?" Gaano katagal? Kasi kada summer break, naglalako ako banana cue, turon, at lumpia sa palibot ng eskwelahan para may pera pag enrollment. Tska kung may construction dito, kinukuha ko rin para may pera din."

"Ano ka ba, may sahod 'to babe at mas malaki kikitain mo dito kasi malaking project at sana pumirma sila sa kontrata. Stay in ka din kung sakali kasi sa Batangas ito"

"Sige, magpapaalam ako kay tatay at nanay. Dito ka ba matutulog?"

"Oo, hanggang lunes ng umaga. May ibang babae bang pupunta dito?!" at kinurot ng babae sa tagiliran ang nobyo na natatawa.

"Walang ibang pupunta dito no!" sabay kuha sa katawan ng babae at niyakap ito.

Pumasok ang dalaga sa loob ng bahay at inabot ang isang plastic ng pagkain sa nobyo at masayang kumain ito dahil ngayon lang ito makakatikim ng pork ribs mula sa Rack's.

Natapos ang buong weekend sa pagsu-sunog ng kilay ang lalaki sa nalalapit na finals.

Lunes 7:42AM. Nagpaalam na si Sheena ng tuluyan sa mag-anak dahil ito ay babalik na sa normal na buhay bilang isang freelance engineer na may sariling construction firm at ihahanda ang pakikipagkita nito sa Amerikanong kliyente at sa asawa nito.

Itutuloy...