1. Home
  2. Stories
  3. Curfew Series No. 1: Subdivision (Part 2)
Filipino Sex Stories

Curfew Series No. 1: Subdivision (Part 2)

By sarahgee ·
Magandang araw mga ka-FSS! Narito ang karugtong ng aking kwento. Sana'y magustuhan ninyo.

Naging maayos ang takbo ng aking pamumuhay kasama ang aking inay sa subdivision na ito. Sa tatlong buwan na pagtatrabaho ko dito ay masasabi ko naman na magaan ang naging takbo ng aking buhay. Imbes kasi na tulungan sa lahat ng trabaho si inay ay madalas na siya pa din ang gumagawa ng mga gawaing bahay. Sa akin niya kasi ibinigay ang toka sa paghatid at sundo sa dalawang bunsong anak ng aming pinagsisilbihan.

Gusto pa din kasi ni inay na may oras akong makapag-aral upang hindi pumurol ang aking utak para sa aking "entrance exam". Bukod pa riyan ang paghahanap ko ng "apartment" o "boarding house" at "part time job" kung sakali man na mag-umpisa na akong mag-aral.

"Bhesasama ka ba mamaya?" ang tanong sa akin ni Ate Inday habang nasa gazeebo kami ng eskwelahan. Hinihintay kasi namin na matapos ang klase ng mga anak ng aming amo.

"Tignan ko mamaya ate. Hindi pa kasi ako nakapag paalam kay inay. Kinakabahan ako baka hindi ako payagan. Bubwelo lang ako." ang sagot ko naman sa kanya. Inimbitahan nya kasi ako sa salu- salo para sa kanyang kaarawan. Gaganapin ito mamayang alas- nuwebe ng gabi sa isang bakanteng bahay na may limang kanto ang layo mula sa amin.

"Ano ba yan! Biyernes naman ngayon at bukas wala namang pasok ang mga bata. Papayagan ka nyan oh kung gusto mo naman eh ako ang magpaalam sa nanay mo." ang dismayadong tugon ni Ate Inday.

"Wag na te! Alam mo naman na ayaw ni inay sayo. Iniisip nga nya na masama kang halimbawa sa akin eh. Paano nalaman nya na karelasyon mo ngayon si Fred eh ang bata bata pa daw nun." ang natatawa kong sagot sa kanya.

Si Fred ay ang bagong security guard sa aming subdivision. Sa tingin ko ay nasa 20 anyos lamang sya at nasa 5'11 ang kanyang taas na binagayan naman ng kanyang katawan. Moreno sya at halatang batak sa gym kaya masasabi kong may itsura sya.

"Ewan ko ba dyan sa nanay mo. Masyadong naglilinis linisan akala mo naman walang bahong tinatago. Kung alam mo lang! Atsaka hindi naman halatang may edad na ako noh at ano bang pake nya kung may boyfriend ako!" ang inis naman na sabi sa akin ni Ate Inday.

Ako naman ay natatawa. Kasi sa edad na 45 anyos ay halata mong may edad na si Ate Inday. Maputi siya na may taas na 4'11 at may katabaan. Kahit may mga kulubot na sa mukha ay masasabi mo namn na malakas ang dating niya. May kalakihan din kasi ang kanyang dibdib at mahilig pang magsuot ng spaghetti strap top at mag shorts na halos 6 na dangkal lang. Maswerte sya kasi mas bukas ang pag-iisip at hindi istrikto sa kanya ang amo nyang lalaki. Single father kasi ang amo ni Ate Inday kaya walang babae sa pinapasukan nito na magseselos o malalaswaan sa kanya.

"Sige na! Pumayag man o hindi si inay ay pupunta ako. Basta i chat na lang kita mamaya." ang nasabi ko na lamang sa kanya habang natatawa. Ngunit ang utak ko'y naguguluhan sa huling sinabi nya.

Bandang alas- singko ng hapon ay nasa kusina ako at kinausap ko si inay. Nagpaalam ako na aalis upang dumalo sa kaarawan ni Ate Inday. Nasabi ko na din na bago ako nakapagpaalam sa kanya ay nagpaalam na din ako kay Maam Sonia at pinayagan naman ako. Hindi na din nakatutol si inay.

Alas- nuwebe na ng gabi. Pinasadahan ko sa salamin ang aking sarili na suot ang t-shirt na puti at paldang mahaba na may floral prints. Kahit pang "manang" ang aking suot ay bumagay naman sa akin ang suot kong t-shirt na hapit na hapit sa aking dibdib. Paano naman kasi medium talaga ang pinakasaktong sukat na damit para sa akin pero ng dahil sa 36C ko na dibdib eh parang puputok na ito sa aking katawan. Bago ako umalis ng bahay ay nag chat na ako kay Ate Inday at dumiretso na sa bakanteng lote na pag gaganapan ng kanyang kaarawan.

Halos kinse minutos akong nahuli sapagkat nilakad ko lamang ang pagpunta rito. Sa labas ay makikita mong maayos pa din ang bakanteng bahay na paggaganapan ng kaarawan ni Ate Inday. Lumipat na kasi pa Amerika ang dating may- ari ng bahay na ito at si Ate Inday ang naging caretaker nitong bahay. Ang amo kasi niyamg lalaki ay kapatid ng may- ari nito.

Pagpasok ko sa pinaka "main door" ay nakita ko sa sala ang mga bisita ni Ate Inday. Ang mga naka upo sa sofa ay ang amo nya na si Sir Rex at ang mga guard na sina Fred, Greg at Anton. Bale si Nato lang ang wala sa isip isip ko. Mukhang sya lamang ang naiwan sa "main gate" upang magbantay.

Binati nila ako at bumalik din agad sa panonood sa TV. Doon ko napansin ang mga bote ng alak na nasa ilalim ng kanilang inuupuan. Ako naman ay dumiretso pa kusina upang kausapin si Ate Inday at makikain na din.

Abala sa pagsandok ng sisig si Ate Inday ng madatnan ko siya sa kusina. Nagulat pa nga sya ng magsalita ako at ako'y natawa. Ako ay umupo sa high chair paharap sa kanya.

"Te di mo naman sinabi sa akin na puro lalaki lang ang inimbitahan mo. Tayong dalawa lang pala ang babae dito." ang sabi ko kay Ate Inday habang nag sasandok ng macaroni sa aking platito.

"Niyaya ko kaya sina Rose at Tere kaso di sila pinayagan. Atsaka okay lang yan. Parang hindi mo naman kilala sila Sir Rex at Fred." ang tugon ni Ate Inday sa akin habang abala sa paglalagay ng yelo sa ice bucket.

Kilala ko naman si Sir Rex dahil minsan ay tumatambay din ako sa bahay nito tuwing day off ko at nakakabiruan ko din. Sa totoo lang ay crush ko sya kasi sa edad na 25 ay may taas ito na 6'0 at may katawan na pang swimmer. May pagka "slim" ang kanyang katawan at malapad na braso. Kung titignan mo sya sa kanyang likuran ay hugis V ito dahil na rin sa maliit nyang bewang. Moreno sya at magaganda ang kanyang ngipin na isa sa kahinaan ko. Bukod sa anak mayaman sya at matalino ay napakabait pa ni Sir Rex. Hindi iba ang trato niya sa amin ni Ate Inday. Yun nga lang ay may anak ito sa pagkabinata. Hindi naman na ako magtataka dahil gwapo si Sir Rex, "fuckboy" nga ang sabi ng iba.

Samantala si Fred ay nakilala ko ng dahil kay Ate Inday. Limang buwan na kasi silang magkasintahan bago ako napadpad pa Maynila. Mabait si Fred at may pagkamahiyain. Kung hindi nga lang sya kasintahan ni Ate Inday ay masasabi kong crush ko din si Fred. Unang kita ko pa lang kasi ay alam ko ng nasa loob ang kulo nya. Minsan nakikita ko din yung mata nya na lumilikot ang tingin sa dibdib ko kahit nasa tabi lang namin si Ate Inday. Natatawa na lang din ako sa isip isip ko. Pero kahit alam kong may epekto ako sa kanya ay ni minsan di ko naringgan na humihingi siya ng pera kay Ate Inday.

Sina Greg at Anton naman ay hindi ko gaano kakilala. Nagkakangitian lamang kami sa tuwing napapadaan ako sa guard post. Si Greg ay ka baryo ni Ate Inday sa Surigao. Sa pagkaka- alam ko ay may asawa't anak na ito sa edad na 30. Maputi si Greg at halos kasing tangkad ko lang at may pagka malaman ang katawan. Si Anton naman ang pinaka matandang guard sa edad na 40. Papasa naman syang ka edad ni Greg sapagkat di mo kababakasan ng kulubot ang mukha at may kaitiman pa din ang kanyang buhok. May kapayatan sya at may taas na 5'8. Mukha naman silang mababait ngunit naiilang lang akong makipag- usap sa tuwing napapadaan ako sa kanila ng dahil na din sa layo ng agwat ng edad namin.

"Sa'yo okay lang. Eh paano ako? Mamaya malaman ni inay at mayari ako." ang pag- aalinlangan kong sagot sa kanya.

"Isang beses sa isang taon lang ako mag- birthday Sarah. Atsaka sa tingin mo ba may manlalaglag sa'yo dito?" ang inis naman na tugon sa akin ni Ate Inday.

Dala dala ko ang platito ko na may lamang macaroni ay sumunod ako kay Ate Inday papuntang sala. Nasa mahabang sofa kaharap ng t.v nakaupo sila Sir Rex, Greg at Anton. Si Ate Inday naman ay kumandong sa hita ni Fred na nakaupo sa "single seater" sofa. Ako naman ay naupo sa "single seater" sofa kaharap na inuupuan nila Fred at Ate Inday.

Tawanan at kwentuhan ang ingay na maririnig mo habang nakabukas ang t.v sa aming harapan. Ako naman ay pabalik balik sa kusina upang kumain ng mga handang niluto ni Ate Inday. Nang mabusog na ako ay kumuha ako ng juice at muling bumalik sa aking inuupan. Doon ko napansin na mag aalas- onse na pala ng gabi.

"Ate Inday mag aalas- onse na pala. Uuwi na ako." ang sabi ko kay Ate Inday na halatang "tipsy" na sa dami ng nainom na alak. Namumula na ang pisngi at tila hilong hilo na sa kanyang pagkaka upo.

"Huwag ka na munang umuwi. Shot ka na din Sarah. Sabado naman bukas at wala ka namang gagawin." ang tila nasisinok na turan ni Ate Inday sa akin.

"Oo nga Sarah. Miminsan lang naman tong okasyon na ito. Hayaan mo ako na din ang magsasabi bukas sa inay mo at kay Tita Sonia para di ka makagalitan." ang sabi naman ni Sir Rex sa akin.

"Atsaka sabi mo iinom ka din eh. Di ba umiinom ka sa probinsya ninyo dati. Di ba?" ang lasing na tugon ni Ate Inday.

"Sige na pero pag sinabi kong ayaw ko na wag niyo na akong patatagayin ha? Baka mamaya nyan pilitin nyo pa ako." ang pagpayag ko naman sa pamimilit nila.

Bakas sa mukha nila Sir Rex, Greg at Anton ang pag ngisi ng hindi na ako tumutol pa. Siguro hindi nila nahahalata pero ako'y nagtataka sa ekpresyon ng kanilang mukha.

ABANGAN...