1. Home
  2. Stories
  3. Dead of Time 10
Lagablab

Dead of Time 10

By Hunter ·

Dead of Time - Accident Happens!

tahimik na nakatulog ang lahat ng nakasakay sa bus dahil tago ang pinag lalagyan ng kanilang sasakyan.

"gising na at kilangan na nating makarating sa extraction point"pag gising ni leonard sa mga tao sa bus.

"ha anung oras na ba" tanong ni fade na unang ginising ni leonard.

"6:30 na" sagot ni leonard kay fade.

"wag mo muna silang gisingan tulungan mo nalang akong mag gas ng sasakyan natin" nakangiting sinabi ni fade kay leonard.

"ikaw ang bahala" sagot lang ni leonard kay fade.

bumaba sila ng bus at dumeretso sa para lagyan ng gas ng bus.

si leonard naman ay inutusan ni fade na humanap ng malalagyan ng gas para hindi sila pahinto hinto at isasalin nalang nila pag naubusan.

agad namang sinunod eto ni leonard kaya humanap sya ng malaking container na puweding lagyan ng gas na mabilis naman nyang nagawa.

ng matapos ang lahat ng gagawin nila ay pinaandar na ni fade ang bus.

nagising ang lahat na umaandar na ang bus na sinasakyan nila.

"anung oras na" tanong ni archie kay fade.

"7 na" sagot ni leonard kay archie.

umupo sa tabi ni leonard si archie at nag pakilala.

"ako nga pala si archie leonard ang pangalan mo diba" tanong ni archie dito habang inaabot ang kamay.

"oo leonard nga gusto ko sanang malaman kung ano ano ang mga pangalan ng kasama natin dito" tanong ni leonard kay archie.

"ah ung drivier si fade ung nag tutok sa ulo mo ng baril si krish at ung isang babae na si zychelle ung katabi naman nyang lalaki si ry at ung katabi ng dalawa si tina at si erich" pakilala ni archie sa mga kasama nila.

ilang minuto pa ang lumipas at nag umpisa ng magising isa isa ang ibang tao sa loob ng bus.

puwera sa dalawang tao na mahimbing parin ang tulog at un ay si irvine at mephisto.

maganda na ang naging pag andar ng bus na sinasakyan nila ng bigla nalang ihinto ni fade ang bus.

"bakit anung problema" tanong ni archie kay fade

"problema ba ang tanong mo tignan mo un" sagot ni fade kay archie.

nagulat ang lahat ng makita ang dami ng zombies na nakatayo sa dadaanan ng bus nila.

"gaya ng dati" nakangiting sinabi ni mephisto sa mga kasama.

gulat ang lahat dahil hindi nila eto naramdamang lumapit.

"pero ang aga pa" sagot ni Zychelle kay mephisto.

"oo nga ang aga pa para huminto dito" dagdag pa ni krish.

"wala tayong magagawa kung hindi antayin na umalis yang mga yan puwera nalang kung may naisip kayong paraan para tawagin ang attensyon nila palayo sa daanan" paliwanag ni mephisto sa mga kasama.

"actually meron" sagot ni irvine kay mephisto.

napatingin ang lahat kay irvine dahil sa sinabi nitong merong paraan para mapaalis ang mga zombies sa dadaanan nila.

"pano?" tanong ni fade kay irvine.

"leonard alam ko meron kang c4 na dala" sinabi ni irvine kay leonard.

"wala talaga akung maitatago sayo irvine" sagot ni leonard kay irvine at sabay nilabas ang isang c4 at inabot kay irvine.

"okay yan na ung paraan sino ang mag seset ng time at mag seset ng c4" tanong ni irvine.

"ako na ang mag set turuan nyo nalang ako"sagot ni fade sa mga kasama.

"hindi ata puwede yan fade sasamahan kita" sagot ni archie kay fade.

"hindi archie ako ang sasama kay fade" pag tutol ni leonard.

"ganito nalang dalawa nalang kayong sumama kay fade" opinion ni erich sa kainilang tatlo.

napatingin kay erich ang lahat ng kasama nila sa bus.

"ang talino mo erich" nakangiting papuri ni zychelle.

"oo nga tama si erich bakit hindi nalang kayong tatlo ang mag set ng c4" sinabi ni ry.

un na nga ang napag pasyahan ng tatlo na sila na ang mag seset ng c4 para tawagin ang attensyon ng mga zombies.

bumaba na ng bus si fade si archie at si leonard tahimik ang naging pag baba nila at pag punta sa lugar kung saan nila iseset ang c4.

nakaabot sila sa may kotse na nakaparada sa may di kalayuan sa isang bakanting lugar.

"okay na ba dito" tanong ni fade kay leonard.

"okay na toh mukang makakatakbo na tayo ng malayo layo bago sumabog" sagot ni leonard kay fade.

kaya sinet nya ang c4 habang nag mamasid si archie kung may zombie na palapit sa lugar nila.

"okay na tara na baka abutan pa tayo" sinabi ni leonard kay fade at archie.

pero hindi inaasahang aksidente ang naganap dahil hindi pa sila nakakalayo ay sumabog ang c4 na tinanim nila.

sumabog ang c4 ng masmaaga kisa sa sinet na oras na kinagulat ng lahat.

napababa sa bus si mephisto at irvine para tumakbo palapit sa tatlo.

nagulat ang dalawa ng makalabit dahil may nakatusok na bakal sa binti ni fade kaya pala natigil sila sa pag lakad.

"okay ka lang fade" tanong ni mephisto kay fade.

hinawakan ni leonard ang leeg para pulsuhan si fade.

"buhay pa sya archie mauna kana sa bus at ihanda muna aalis na tayo dito" utos ni irvine kay archie na mabilis naman nitong sinunod.

binuhat ni irvine at leonard si fade at binunot naman ni mephisto ang katana nya para patayin ang haharang na zombies.

hihingal hingal si archie na nakabalik sa bus.

"bakit anung ng yari" tanong ni krish dito ng makapanik sa bus at umupo sa driver sit.

"nasugatan si fade kaya manahimik kana" sigaw ni archie kay krish na nag tatanong sa kanya.

samantalang sa labas naman ay busy si maphisto sa pag linis ng dadaanan ni leonard at irvine na buhat buhat ang sugatang si fade.

"unti nalang fade malapit na tayo" sabi ni irvine kay fade na ngayon ay nanginginig na sa sakit.

ilang minuto pa ay nakarating na sila sa bus at nakasakay dito.

"archie patakbuhin mo na ang bus" utos ni mephisto ng maka sakay sya sa bus.

mabilis pinaandar ni archie ang bus at habang umaandar ay lumapit kay fade lahat ng kasama nya.

"anung gagawin natin" tanong ni krish sa mga kasama.

"kilangan natin humanap ng doctor" sabi ni zychelle kay krish.

"saan tayo hahanap ng doctor sa ganitong kalagayan" tanong ni ry kay zychelle.

"hindi ko rin alam" sagot ni zychelle kay ry.

lumapit si irvine kay archie na nag dridrive ng bus.

"archie huminto ka sa may building na un" utos ni irvine kay archie.

"bakit" tanong ni archie.

"tatangalin natin ung naka saksak sa binti ni fade" sagot ni irvine kay archie.

kaya mabilis nyang niliko ang bus malapit sa building na sinabi ni irvine.

eto ang pinili ni irvine dahil katapat nito ay hospital.

"buhatin nyo si fade papasok natin sya sa building na un" utos ni irvine.

kaya binuhat ni ry at leonard si fade nauna namang bumaba si mephisto at irvine para ubusin ang zombie na nasa loob ng building.

medyo marami ang zombie kaya natagalan silang dalawa sa pag linis nito.

pero hindi rin nag tagal at nalinis ng dalawa ang building kaya ligtas na ang lahat pumasok sa building.

"ilapag nyo sya sa mesa" utos ni irvine.

"anung gagawin natin" tanong ni krish.

hindi na kayang manahimik ni tina kaya lumapit na sya kay fade.

"baka makatulong ako" sinabi ni tina kay krish.

"bakit anung alam mo sa mga ganito" tanong ni archie.

inabot ni tina ang doctors license kay krish at archie.

nagulat sila dahil ang buong akala nila ay kung ano lang si tina isa pala etong doctor.

"anung kilangan natin" tanong agad ni zychelle kay tina.

kumuha si tina ng papel at ballpen at nag lista ng kailangang gamit para sa gagawing operation ni fade.

ng matapos isulat ni tina ay inabot nya eto kay Archie at Krish.

"ang dami naman nito" tanong ni archie kay tina.

"may kalawang ang bakal na tumusok sa binti nya kaya kilangan natin ng mga yan para masiguradong ligtas sya" sagot ni tina kay archie.

"sige ako ang kukuha nito" pa prepresenta ni archie.

nagulat sya ng may kumuha ng papel na hawak nya.

"nag papakamatay ka ba kami ang kukuha nito mag babantay ka dito" galit na sinabi ni mephisto kay archie.

wala ng nagawa si archie sa gusto ni mephisto na ngayon ay pinupunasan ang katana ng panyong nakita sa zombie na pinatay nila sa loob ng building.

"sinong isasama mo" tanong ni erich kay mephisto.

"ako ang sasama kay mephisto" sagot ni leonard sa tanong ni erich.

"sigurado ka"tanong ni erich kay leonard.

"oo dahil kilangan nya ng tiga buhat ng mga gamit na kukunin " sagot ni leonard kay erich.

"mabuti pa kami nalang ni archie at ry ang kukuha nito" sabi ni leonard kay mephisto at sabay kuha ng papel na hawak ni mephisto.

"dito ka lang at mag bantay" dagdag pa ni archie.

"pero sigurado ba kayo" tanong ni mephisto sa tatlo.

"oo dito lang kayo ni irvine kayo ang bantay ngayon kami naman ang lalakad" sagot ni archie kay mephisto.

kaya wala ng nagawa ang lahat dahil sa gusto ng tatlo at mukang walang balak mamatay ang tatlo kaya pumayag narin sila.

nag handan ang tatlo sa gagawin nilang pag kuha sa mga kilangang gamit para sa operasyon ni fade.

"sigurado ba kayong yan na lahat ng kailangan nyo" tanong ni mephisto kay archie.

"oo aalis na kami" sagot ni leonard kay mephisto.

lumabas na sila ng building ang plano ay papasok sa loob ng hospital at pag maraming zombie na nakasunod ililigaw muna nila eto bago bumalik sa building na katapat lang ng hospital.

"tara na" pag aya ni archie sa dalawang kasama.

at lumakad si papuntang hospital na katapat lang ng building.

dahan dahan nilang binuksan ang pintuan ng hospital dahil ang inaasahan nila ay maraming zombies na lulusob sa kanila para patayin sila.

pero ang akala nilang mapapalaban sila ay kabaliktaran ang inabutan nila dahil malinis ang buong hospital.

"teka bakit wala atang zombie" takang tanong ni archie kay leonard at Ry.

"hindi ko rin alam" sagot ni Ry kay archie.

kahit si leonard ay hindi makapaniwala na sa hospital na inaasahan nyang maraming zombies ay walang sumalubong sa kanila.

"tara na ang importante makuha natin ung kilangan" sagot ni leonard sa dalawang kasama kaya lumakad na sila.

hindi namalayan ng tatlo na sumara ang pintuan ng hospital pag lakad na pag lakad nila.

at sa hindi kalayuan ay may isang pares ng mata na nakatitig sa tatlong nag lalakad.

"may bago nanaman akong laruan" sabay tawa ng isang babae na nag mamatyag sa galaw ng tatlo.

itutuloy...