1. Home
  2. Stories
  3. Dead of Time 11
Lagablab

Dead of Time 11

By Hunter ·

Dead of Time - Bloody Princess

maingat na hinanap ng tatlo ang supply room para makuha ang kilangan ni tina sa pag operation ni fade.

kaya maingat nilang hinanap ang supply area ng hospital.

nag hahanda para kung may zombies na makasalubong ay walang hirap na mapapatay eto.

"mag ingat kayo baka nasa isang lugar lang ang mga zombies" bilin ni leonard sa mga kasama.

"sige" sagot ni archie at ry.

kaya dahan dahan ang naging pag lakad ng tatlo.

si leonard ang nauuna at nakasunod ang dalawa sa kanya.

maingat na nag lalakad ang tatlo ng mapahinto si Archie sa pag lalakad.

dahil may napansin syang isang batang babae na nakatayo sa isa sa mga kuwarto na dinaanan nila.

"teka lang may bata akong nakita" sinabi ni archie sa mga kasama.

na nag pahinto sa pag lalakad ng dalawa nyang kasama.

"talaga saan" tanong ni leonard kay archie.

"sa huling kuwarto na nadaanan natin" sagot ni archie kay leonard.

"ako na ang titingin" pag presenta ni Ry sabay bunot ng baril.

dahan dahan syang lumapit sa kuwarto na dinaanan nila.

mabilis na sinilip ni Ry ang kuwarto pero walang tao sa loob kaya binalik ni Ry ang baril sa lalagyan nito.

"wala naman tao" sinabi ni Ry kay archie at leonard.

"ha anung ibig mong sabihin kitang kita ko sya kanina" sagot ni archie at pumunta sa tapat ng pintuan para silipin ang kuwarto.

walang nakita si archie ng sumilip sya sa kuwarto.

sumilip din si leonard sinasabi ni archie na kuwarto kung saan nya nakita ang bata.

walang laman ang kuwarto kung hindi isang kama at pintuan na sa tingin ni leonard ay papuntang banyo.

"dito lang kayo" utos ni leonard at pumasok sya sa loob ng kuwarto.

hinanda ni leonard ang combat knife nya at dahan dahang sumilip sa sa gilid ng kama walang tao dito.

kaya umatras sya at pumunta sa pintuan ng banyo hinanda ang sarili para sa kung anung meron sa loob ng banyo.

dahan dahan nyang binuksan ang pintuan ng banyo at nagulat si leonard sa nakita tama nga si archie isang bantang babae.

takot na takot ang batang babae na nginginig pa na naka upo at nakayuko sa banyo.

"archie tama ka may batang babae nga" sigaw ni leonard kaya agad pumasok si archie sa loob ng kuwarto para tignan ang bata.

"anung pangalan mo" mahinahon na tanong ni archie sa batang babae.

"francine po" takot na sagot ni francine kay archie.

"tara sumama ka nalang samin dilikado dito" pag aya ni archie kay francine at sabay abot ng kamay dito.

agad sumama ang batang babae at bumalik na sila sa pag hahanap ng supply room.

"alam mo ba kung nasaan ung lalagyan ng mga gamit dito" tanong ni archie kay francine.

tumango lang si francine at hinatak si archie papunta sa supply room.

agad naman sumunod ang dalawa kay archie at francine at gaya ng inaasahan wala pang sampung minuto narating nila ang supply room.

"hanapin na natin ang kilangan ni tina para makabalik na tayo" utos ni leonard kay archie at Ry na agad sinunod ng dalawa.

habang abala ang tatlo sa pag hahanap ng mga kailangan ni tina ay hindi nila napansin ang pag kawala ni francine sa tabi nila narinig nalang nila na sumara ang pinto.

pero binaliwala nila eto sa pag iisip na kusang sumara eto.

ilang saglit pa ay nakaramdam ng pagkahilo ang tatlo hinanap agad ni leonard si francine pero ng di nya toh nakita dito na sya nag duda.

lumapit sa pinto si leonard para buksan eto pero huli na ang lahat nawalan na sya ng malay.

"ang tagal naman nilang tatlo" naiinip na tanong ni krish sa mga kasama.

"baka maraming zombies sa hospital" sagot ni zychelle.

"susunod ako" sinabi ni mephisto sa mga kasama.

walang nagawa ang apat na babae sa loob kaya mabilis naka alis si mephisto.

pero sa pintuan ng building ay nakatayo si irvine nag babantay at nag aabang sa tatlong kasamang lumabas para kunin ang kilangan na gamit.

"saan ka pupunta" tanong ni irvine kay mephisto na palapit sa pintuan.

"susundan ko sila" sagot ni mephisto kay irvine.

"sigurado kang makakasunod ka" tanong ni irvine kay mephisto.

"alam kung mahihirapan ako pero kung kilangan kitang saktan gagawin ko" sagot ni mephisto kay irvine.

napangiti si irvine dahil alam nyang seryoso ang kaibigang tinuturing nya.

"walang zombies sa hospital na yan" biglang sinabi ni irvine kay mephisto.

nagulat si mephisto at ng laki ang mata natawa naman si irvine sa reaksyon nito.

"sigurado ka" takang tanong ni mephisto.

"oo pero un ang nakakapag taka sa lahat hospital walang zombie" sagot ni irvine kay mephisto.

"may hindi tama sa loob ng hospital na yan"dagdag pa ni irvine.

"pano mo nalaman" tanong ni mephisto kay irvine.

"pumasok na ko sa hospital ng mag isa palang ako at hindi nakakatuwa sa loob nun" sagot ni irvine kay mephisto.


"anung maipapayo mo" tanong ni mephisto kay irvine.

inabot ni irvine ang isa sa baril na ginagamit nya nag taka si mephisto kung bakit ibibigay ni irvine ang baril na gamit gamit nito.

"kunin mo na malakas ang palagay ko na kakailanganin mo yan" nakangiting sinabi ni irvine kay mephisto.

kinuha ni mephisto ang baril at pinadaan na sya ni irvine sa pinto.

"mephisto intayin mo ko" sigaw ni erich kay mephisto na pinigilan naman ni irvine dahil muntik ng lumabas ng pinto si erich.

"bakit" nakangiting tanong ni mephisto at lumapit kay erich.

nagulat ang binata ng bigla syang bigyan ng halik sa labi ni erich at sabay umatras eto.

"ibalik mo silang tatlo okay" nakangiting sinabi ni erich kay mephisto sabay pasok ulit sa loob.

"narinig mo ang sabi ng princess mo ibalik mo sila mephisto" nakangiting sinabi ni irivine kay mephisto.

"masusunod" nakangiti namang sagot ni mephisto kay irvine.

sa loob ng hospital kagigising palang ng tatlo.


"nasan kami teka francine" takang tanong ni archie ng makita nyang nakaupo si francine sa upuan sa harap nila.

pilit ginalaw ni archie ang kamay nya pero hindi nya eto magalaw dito nya lang nalaman na nakatalo ng kadina ang kamay nya.

"wag ka ng pumalag archie useless din" sabi ni leonard kay archie si Ry naman ay hindi parin nagigising.

"tama sya wag ka ng mag pumiglas" sabi ni francine kay archie.

"sino ka" sigaw ni archie kay francine na gumising kay Ry.

"teka asan tayo" tanong nito ng magising.

"nandito kayo sa kaharian ko" sagot ni francine kay Ry.

"wag ka ngang mag biro waaah!" sigaw ni Ry ng maramdaman nya ang pag saksak ni Francine ng hamak nitong scalpel sa kanyang hita.

"project blood princess" tanong ni leonard kay francine.

"oooh may nakakakilala pala sakin dito" sagot ni francine kay leonard.

"teka anung ibig mong sabihin bloody princess" takang tanong ni archie kay leonard.

"isang mutated unit na pinapakawalan o binibinta sa mga gustong bumili ng super soldier" paliwanag ni leonard.

"pero mukang infected ang isang eto" dagdag pa ni leonard at kitang kita nya ang pag papalit ng kulay ng mata ni francine.

"natutuwa naman ako at may nakakakilala sakin dito"sabay titig ng masama kay leonard ni francine.

lumapit si francine kay archie at aabang sasaksaking ang hita nito pero natigilan eto ng mag salita si leonard.

"pano na infect ang isang gaya mo ng virus na gaya nito nakagat ka?" tanong ni leonard kay francine.

"interesting" sagot ni francine kay leonard sabay buka ng bibig nito at lumabas ang matatalim na ngipin na parang sa isang halimaw.

"hindi ako na infect leonard infected na talaga ako mula ng umpisa" sagot ni francine kay leonard.

"anung sabi mo" gulat na tanong ni leonard.

"tama ang sinabi ko infected na ang mga gaya ko umpisa palang" nakangiting sagot ni francine sabay balik ng bibig nya sa normal.

gulat na gulat si leonard sa nalaman dahil kung infected na ang mga gaya nya ibig sabihin pati ang kapitan nya ang infecterd rin.

binuksan ni mephisto ang pintuan ng hospital at pumasok.

dito nya nalamang totoo pala ang sinabi ni irvine na walang zombies sa hospital na toh.

pero dahil masama ang kutob nya ay hinanda nya ang katana para kahit anung oras ay puwede nyang patayin ang makikita nyang zombie.

nakakatakot ang katahimikan para kay mephisto pero kilangan nyang hanapin ang tatlong kasama kaya dali dali nyang pinuntahan ang supply room.

pag datin ni mephisto sa supply room ay nakalagay na sa bag ang mga pinakukuha ni tina na gamit para kay fade.

mabilis nya etong sinilid sa bag at inisip muna nya ang pangangailangan ni fade bago nya hanapin ang tatlo.

tinakbo ni mephisto palabas ng hospital at inabot kay irvine ang bag na may laman ng pinahahanap ni tina.

"pakibigay kay tina at may masama akung kutob na may ng yaring masama sa tatlo" seryosong binilin ni mephisto kay irvine at agad bumalik sa hospital.

nilibot ni mephisto ang buong hospital para lang hanapin ang tatlong kasamang nawawala.

ang huling pinuntahan ni mephisto ay ang morgie ng hospital at pag bukas palang niya ng pintuan ay kitang kita na nya ang katawan ng tatlo.

nakasabit at duguan at walang mga malay.

hirap man si mephisto ay pinilit nyang ilabas ang tatlong walang malay na kasama.

isa isa nyang nilabas ng morgie at inakyat ng hagdan ang tatlong sugatan ng kasama.

buti nalang ay nakakita sya ng stretcher na nag padali ng pag labas nya sa tatlong sugatang kasama.

"malapit na tayo makalabas kunting tiis nalang" sinabi ni mephisto sa tatlong sugatang kasama.

"salamat" pasalamat ni leonard na may pinaka grabing sugat na tinamo.

"wag kang mag salita malapit natayo" pag awat ni mephisto na pilit pang binibilisan ang pag tulak sa stretcher ng na pinag lalagyan ng tatlo.

narating ni mephisto ang pintuan at binuksan nya eto napalabas ng building si irvine ng makita ang dala dala ni mephisto.

ang sugatan ang tatlong unang pumasok sa loob ng hospital.

agad lumapit si irvine para tulungan si mephisto na ipasok ang tatlo.

mabilis nilang naipasok ang tatlo at dahil sa ng yari ay naging malaking katanungan sa mga naiwan sa building.

pano at sino ang may gawa nito sa tatlo at lalo silang nag taka na pati ang magaling sa pakikipag labang si leonard ay sugatan.

"anung ng yari" tanong ni krish kay archie.

"halimaw!" ang naisagot ni archie kay krish bago mawalan ng malay.

"mag iingat kayo hindi sya tao" bulong ni Ry kay irvine.

"wag kang mag alala ligtas na kayo" sagot ni irvine sa kasama.

lumabas silang apat at iniwan si krish at tina para gamutin ang tatlong sugatan at ng masimulan na ang operation na kailangan ni fade.

"anung nakita mo sa loob" tanong ni irvine kay mephisto pag labas na pag labas nila ng kuwarto.

"wala akung nakita nilibot ko ang buong hospital bago ko sila nakita pero wala talaga" paliwanag ni mephisto kay irvine.

"buti nailigtas mo sila" sagot naman ni zychelle.

"pero sino kaya ang may gawa sa kanila nito" dagdag pa ni zychelle.

"hindi na mahalaga un ang importante ngayon ay maliligtas pa natin sila" sagot ni erich kay zychelle.

pumasok ang dalawang babae sa loob para tumulong.

"kinakabahan ako" sabi ni mephisto kay irvine.

"alam ko ang nararamdaman mo" sagot naman ni irvine kay mephisto.

"hindi tayo ligtas sa building na toh" sabay na sinabi ng dalawa.

sa labas naman ay nakatingin si francine sa building na pinasukan ni mephisto at ng tatlong sugatang tao.

itutuloy....