1. Home
  2. Stories
  3. Dead of Time 12
Lagablab

Dead of Time 12

By Hunter ·

Dead of Time - irvine and project gluton

"okay na si fade pero hindi talaga ako makapaniwalang nag kaganun silang tatlo" sinabi ni tina sa mga kasama nya.

"nakita ko silang tatlo na naka kadina ang kamay at naka sabit" sagot ni mephisto kay tina.

"teka sinong may kayang gumawa sa kanila ng ganung bagay" tanong ni krish.

"hindi natin alam pero mukang hindi sya normal" sagot ni tina kay krish.

"hindi tao anung ibig mong sabihin" tanong ni zychelle kay tina.

"may halimaw sa loob ng building na un" sagot ni irvine kay zychelle na kinatakot nito.

"wag na muna kayong mag takutan at may pakukuha akong gamot sa inyo" sagot ni tina sa mga kasama nya.

"gamot yan diba" sagot ni irvine kay tina.

ngumiti ang dalagang doctor at inabot kay irvine ang papel.

"tama gamot yan para sa sugat na tinamo nilang apat sino ang kukuha" tanong ni tina sa mga kasama.

"ako ang kukuha" sagot ni irvine at sabay basa ng papel na binigay ni tina.

"ikaw lang mag isa sigurado ka" tanong ni zychelle kay irvine.

"oo para mabilis at mas tahimik pag isa lang ang kikilos" sagot ni irvine kay zychelle.

"irvine" tawag ni mephisto at sabay abot ng baril na pinahiram ni irvine sa kanya bago sya pumasok sa hospital at hanapin ang tatlo.

"salamat sa pag papahiram mag ingat ka" naka ngiting sinabi ni mephisto kay irvine.

"salamat" sagot ni irvine at kinuha ang mga gagamitin para sa pag kuha ng gamot.

pag bukas ni irvine ng pintuan ng building ay may mga zombies na nag lalakad sa labas kaya dahan dahan nya ulit sinara ang pintuan.

"bakit bumalik ka" tanong ni tina na sumunod pala sa kay irvine.

hinatak ni irvine si tina at pinasilip ang nasa labas maraming zombies ang nakakalat.

"ang daming zombies ganun na ba tayo katagal sa lugar na toh" tanong ni tina na natahimik ng makita ang isang halimaw na may hawak na malaking panaksak.

at lahat ng madaanan nitong zombies ay sinasaksak nito ng hawak nya at sinusubo sa malaking bibignito sa may tyan nya.

"teka anu un" takot na tanong ni tina kay irvine.

kaya napasilip si irvine at nakita nya ang tinatanong ni tina isang halimaw na malakas kumain.

"mamaya kana lumabas" utos ni tina at nagulat sya ng bigla syang yakapin ni irvine at dito nya naramdaman na natatakot rin pala si irvine.

"irvine na nginginig ka" tanong ni tina kay irvine pero imbes na sumagot ay hinigpitan lang nito ang pag kakayakap sa kanya.

ilang minuto silang nanatiling mag kayakap bago natauhan si irvine at bumitiw sa pag kakayakap kay tina.

"babalik ako pangako" bulong ni irvine kay tina at sumilip ng makitang wala na ang halimaw ay dahan dahang lumabas ng pintuan.

naiwan si tina sa likod ng pintuan na nakatulala at dahan dahang tumulo ang luha.

"mag ingat ka irvine" bulong ni tina sa sarili at pinunasan ang luha at bumalik sa loob.

maingat na pumasok si irvine sa hospital gaya ng dati malinis ang hospital ng pasukin nya eto.

dahan dahan ang naging pag lakad ni irvine sa loob ng hospital.

nahinto si irvine ng may marinig na mabigat na hakbang na palapit na ng palapit sa kanya.

kaya nag tago si irvine sa malapit na kuwartong katabi nya.

kitang kita ni irvine ang halimaw na kumakain ng zombies kanina may hawak na bangkay mukang ka gagaling lang sa morgie.

"anong klasing halimaw un" tanong ni irvine sa sarili.

ng masigurado nyang malayo na ang halimaw ay dahan dahan syang lumabas ng kuwarto para hanapin ang butika ng hospital.

"sigurado akong hindi un ang gumawa ng ganun sa tatlo dahil kung yun ang gumawa sa tatlo malamang wala ng nakita si mephisto" bulong ni irvine sa sarili habang nag lalakad papuntang butika.

"salamat sa pag tulong sakin" pasasalamat ni fade kay tina.

"wag ako ang pasalamatan mo silang apat ang kumuha ng kilangan para maoperahan ka" nakangiting sagot ni tina.

"teka archie Ry Leonard anung ng yari sa tatlo" tanong ni Fade na pinili maupo sa pinupuwestuhan nyang mesa.

"wag kang gumalaw bubuka ang sugat mo" utos ni tina kay fade.

"fade wag ka ng malikot para di na bumuka ang sugat mo" sinabi ni krish kay fade at sabay tulong dito para makaupo.

"okay ka lang fade" tanong ni zychelle dito.

"okay lang ako pero ang gusto kung malaman anung ng yari sa kanilang tatlo" tanong ni fade kay zychelle.

"hindi ko rin alam inabutan ko sila sa morgie ng hospital ganyan na" sagot ni mephisto sa tanong ni fade habang nag hahasa ng katanang ginagamit nya.

nagising si leonard mula sa pag kakatulog at dahan dahang tumayo na inalalayan naman ni zychelle.

"salamat" nakangiting pasalamat ni leonard kay zychelle.

namula ang dalaga sa ginawang pasalamat ni leonard sa kanya dahil di naman maipag kakailang magandang lalaki si leonard.

"sino may gawa sa inyo nyan" tanong agad ni fade ng makaupo si leonard.

napahinga ng malalim si leonard at sabay napahawak sa may tyan nya na may hindi kalalimang sugat.

"si project blood princess" sagot ni leonard sa mga kasama.

"anung blood princess" takang tanong ni tina kay leonard.

"isang experimental human project na ginawa para ibenta sa military" sagot ni leonard.

"ibig mong sabihin pumunta dun si irvine ng nag iisa habang nakakawala ang halimaw na un" galit na sinabi ni tina kay leonard.

napa tingin si leonard kay tina na parang natakot sa narinig.

"ilang project ang meron" galit na tanong ni mephisto.

"ang alam ko merong limang project na nakakalat sa buong bansa" sagot ni leonard kay mephisto.

"anu anung project ang nandito" tanong ni mephisto kay leonard.

"si Perpect arms ung hinarang nila captain ng unang tayong mag ka kilala" sagot ni leonard.

"ung may malaking kamay" takot na tanong ni zychelle.

"oo un na nga" sagot ni leonard.

si krish naman ay nasa labas at nag babantay kung may makapasok na zombie ay madaling mapapatay.

"ang alam ko nandito rin ang project gluton" dagdag pa ni leonard.

"ung may bibig sa tyan" tanong ni tina kay leonard.

"oo un na nga bakit mo natanung" sagot ni leonard kay tina.

"andito sya ngayon sa labas" sagot ni tina kay leonard.

"kaasar naman panu nya ako napansin" inis na sinabi ni irvine sa sarili habang tumatakbo palayo sa halimaw.

kumpleto na ang mga gamot na pinakukuha ni tina pero naipit sya sa alanganit ng magulat sa dahil nasalikod na nya ang halimaw na kanina lang ay akala nyang naka lagpas na.

mabagal lang ang halimaw ang problema lang ay wala syang iikutan para makatakas sa halimaw.

kaya napaisip si irvine ng paraan kung panu makakatakas sa halimaw na humahabol sa kanya.

at biglang pumasok sa kanya ang fire exit ng mga hospital.

kaya tumakbo sya at pilit hinahanap ang fire exit hindi naman nag tagal ang kanyang pag hahanap at natagpuan nya rin eto.

"binibiru mo ba ako" nasabi ni irvine sa sarili ng makitang putol ang hagdan ng fire exit.

"andito din ang project cleaning hound ung gawa sa aso na pinang lilinis nila ng zombie" paliwanag ni leonard sa mga kasama.

"bahala na" sinabi ni irvine sa sarili nya at bumaba sa putol na hagdan.

ng malapit na sa baba ay tumalon sya at nag tago para makaiwas sa humahabol na halimaw.

ilang minuto syang nag antay na pumasok ulit ang halimaw sa loob ng hospital na ngayon ay nag mamasid sa paligid at alam nyang hinahanap sya nito.

"pumasok kana sige na" bulong na pakiusap ni irvine sa halimaw.

ilang minuto pa ang lumipas at pumasok na ulit eto sa loob ng hospital.

kaya naman nakahinga si irvine ng malalim dahil alam nyang makakabalik na sya sa mga kasama.

"andito na ko" hingal na sinabi ni irvine sa mga kasama habang inaalalayan ni krish.

"buti naman at nakabalik ka" alalang sinabi ni tina kay irvine sabay yakap dito.

napangiti naman si irvine sa ginawa ni tina pero napayuko ng makitang nakangisi si mephisto.

"eto na ung gamot" bulong ni irvine kay tina na nag pabitiw sa pag kakayakap nito.

kinuha ni tina ang bag ng gamot na dala ni irvine at hinanda ang gagamitin para sa apat na sugatan.

tumulong naman si zychelle at erich sa ginagawa ni tina si krish naman ay nag balik sa pinto para mag bantay.

"kamusta" tanong ni mephisto kay irvine ng umupo eto sa tabi nya.

"ang hirap di ko alam kung pano pero nakita ako ng halimaw na un" sagot ni irvine kay mephisto.

"ung may malaking bibig sa tyan" tanong ni mephisto.

"oo" sagot ni irvine.

"salamat naman at naka balik ka ng buhay" nakangitin sinabi ni mephisto at sabay tayo sa kina uupuan nya.

"saan ka pupunta" tanong ni irvine kay mephisto.

"papalitan ko na si krish sa pag babantay sa pintuan" sagot ni mephisto kay irvine.

mabilis nakapag palit ang dalawa bumalik si krish sa loob para tumulong sa ginagawa ni tina.

si mephisto naman ay nakatitig sa labas mula sa salaming pintuan ng building na tinutuluyan nila ngayon.

"alam ko makakasalubong din namin ang halimaw na un at pag datin ng oras na un kilangan na namin patayin un" bulong ni mephisto sa sarili habang nakatitig sa labas.

"mephisto kain muna tayo" sinabi ni erich na pumutol sa pag iisip ni mephisto.

nakangiting humarap si mephisto kay erich at kinuha ang inaabot nitong pag kain.

"wow ang sarap naman" nakangiting papuri ni mephisto kay erich.

ngiti lang ang sinagot ni erich kay mephisto at sabay silang kumain ng pag kaing meron sila para sa araw na un.

alam ng lahat na hindi siguradong makakaligtas pa sila bukas pero ang alam nila lalaban sila para mabuhay.

itutuloy...