1. Home
  2. Stories
  3. Dead of Time 15
Lagablab

Dead of Time 15

By Hunter ·

Dead of Time - Mutation of the Hound.


maagang nagising si zychelle at krish para mag handa ng makakain para maaga rin silang makaalis.

"oi gising na pala kayo" nakangiting sinabi ni erich kay zychelle at krish.

"teka bakit ang aga mo atang gumising" tanong ni zychelle kay erich.

"at ang ganda ng ngiti mo teka nga" dagdag pa ni krish.

"may ng yari sa inyo" nakangiting tanong ni zychelle at krish kay erich.

"wala ah hinalikan nya lang ako kagabi bago matulog" sagot ni erich sa dalawang kasama nya sa kusina.

"ikaw na ang maganda girl" pang asar ni zychelle kay erich.

namula ang muka ni erich pero natigila ang tawanan ng makarinig sila ng ingay mula sa labas.

"ssshhh" ang sabi ni krish at inutusan nyang yumuko ang dalawang kasama.

"RAAAAAAWR" sigaw na ng galing sa labas na gumising sa lahat ng natutulog pa sa loob ng bahay.

"ssshhh" pag awat ni irvine kay tina sabay takip ng bibig nito.

"Cleaning Hound " bulong ni leonard sa sarili at dahan dahang lumakad pa baba.

nakasilip lang si mephisto sa bintana at nag tatago pag na papatingin ang cleaning hound sa bahay.

"erich" nasabi ni mephisto sa sarili at dahang dahang bumaba para hanapin si erich.

ganun din ang ginawa ni fade archie at ry dahan dahang bumaba.

"bakit nandito yan" tanong ni archie kay leonard ng maka baba silang tatlo.

"hindi ko alam pero malamang nag lilibot lang at napadpad lang dito" sagot ni leonard kay archie.
"
"RAAAWR!" muling sigaw ng halimaw at meron ditong bumaril mula sa malayo.

"may lumalaban sa kanya" tanong ni erich kay mephisto.

"muka nga" sagot ni mephisto at sumilip sa bintana.

may nakita syang isang anino ng lalaki na nag pahabol sa halimaw.

mabilis nahuli ang lalaking nakita ni mephisto pero nagulat ang lahat ng biglang may sumabog sa hindi kalayuan.

malakas ang naging pag sabog nagulat ang lahat hindi nila alam kung saan ng galing.

tumakbo palabas si mephisto na agad namang sinundan ng iba nilang kasama.

"saan ka ba pupunta mephisto" tanong ni fade habang humahabol kay mephisto kasama si archie at ry.

huminto si mephisto sa tapat ng sugatang halimaw.

ilang sandali lang ay nakasunod na agad si fade si archie at si ry.

"teka yan na ba ung cleaning hound" tanong ni ry kay mephisto.

"oo kilangan na nating patayin toh habang mahina pa" sagot naman ni mephisto kay ry.

bununot ni mephisto ang katanang bagong kuha nya sa bahay na tinutuluyan nila ngayon.

ng hihiwain na sana ni mephisto ang halimaw na hinang hina na sa sahig ay bigla etong sumigaw.

"RAAAAAWR!" malakas na sigaw ng halimaw at unti unti etong nag mumutate lumalaki ang halimaw na kanina ay halos mamatay na.

tumakbo ang apat pa punta sa bahay kung nasan ang mga kasama nila.

nag handa na ang mga kasama nila sa loob ng bahay kinuha ang kayang dalin at akmang sasakay sa bus ang mga kasama nila sa bahay.

"Takbo!" sigaw ni mephisto ng makitang sasakay sa bus ang tao sa bahay.

kaya tumakbo ang mga pero nag paiwan si irvine at leonard.

na una na ang tatlong kasama ni mephisto at huminto sya sa bus kung nasan si leonard at irvine.

huminto ang mga kasama nila sa hindi kalayuan.

"anung plano mo mephisto" tanong irvine kay mephisto.

"meron pa ba kayong C4 jan" tanong ni mephisto sa dalawa.

"meron akong nakuha sa loob ng kabinet" sagot ni leonard kay mephisto.

"talaga asan" tanong ni mephisto habang nakatingin sa halimaw na dahan dahang lumalaki at nabubuo.

"ano bang plano mo" tanong ni irvine kay mephisto.

"papasabugin natin yang halimaw na yan" sagot ni mephisto kay irvine.

"anong sabi mo" tanong ng dalawa kay mephisto.

"oo para matapos na ang buhay ng halimaw na yan" sagot ni mephisto habang naka ngiti.

"hayop ka seryoso ka noh" tanong ni irvine kay mephisto.

"oo seryoso ako" sagot ni mephisto.

"ikakabit ko na ba toh sa gasoline tank ng bus" tanong ni leonard.

"sige ikabit muna" utos ni mephisto kay leonard.

agad sinunod ni leonard ang utos ni mephisto at ng maikabit na ay binaba nilang tatlo ang mga gamit sa loob ng bus na naiwan.

"handa na ba kayo" tanong ni mephisto sa dalawang kasama.

"babasagin naba namin toh" tanong ni leonard kay mephisto na pumuwesto sa driver sit.

malaki na ang halimaw na kanina lang ay halos mamatay na dahil sa pag sabog.

"Tapos na ba kayo" tanong ni mephisto sa dalawa.

"oo tapos na kami" sagot ni irvine at sabay silang pumunta ni leonard sa tabi ni mephisto.

"RWAAAAR!" isang malakas na isaw ng halimaw na nasa harap nila.

"grabe ang dami sigurong nakain ng halimaw na yan" sagot ni leonard.

"basta ang alam ko patay sya dito" sagot ni mephisto sabay pinaandar ang bus.

naging mabilis ang pag banga ng bus sa halimaw.

"tara na" sigaw ni irvine kaya naman tumakbo sila pa punta sa likod ng bus para tumakas.

rinig nila ang unti unting pag kasira ng bus ilang sigundo lang ang lumipas ay naka baba na ang tatlo sa bus.

mabagal ang pag lakad ng tatlo papalayo sa halimay na mabagal din ang pag galawa.

"ilang minuto ba ung nilagay mo" tanong ni irvine kay leonard.

"sampung minuto" sagot ni leonard kay irvine.

"ilang minuto pa" tanong ni mephisto.

"tatlo" sagot ni leonard.

"ano pang hinahantay natin takbo na" nakangiting sinabi ni mephisto sa dalawa.

kaya mabilis silang tumakbo palayo sa bus at halimaw.

malapit na sila sa bahay ng biglang sumabog ang C4 na naka tanim sa bus.

sa lakas ng pag sabog ay gutay gutay ang halimaw na kanina lang ay sinisira pa ang bus.

napa dapa ang tatlo dahil sa pag sabog ng bus at nanatili silang naka dapa.

lumapit sa kanila ang mga kasama nilang nasa hindi kalayuan.

"teka buhay pa ba kayong tatlo" mapang asar na tanong ni fade.

"hayop kala mo samin madaling mamatay" sagot ni irvine.

"kung buhay pa kayo tumayo na kayo dyan muka kayong tanga eh" sagot ni tina.

kaya mabilis tumayo ang tatlo mula sa pag kakadapa nila.

"masama bang mag pahinga" tanong ni mephisto kay tina.

"hindi naman pero sa loob may higaan" sagot ni erich kay mephisto.

ngiti nalang ang nagawa ni mephisto at pumasok sa loob ng bahay.

sumunod agad si irvine at tina kasunod naman nila si leonard na sinundan ni zychelle.

"tara pumasok muna tayo at kilangan natin mag isip kung saan kukuha ng masasakyan para makaalis" sinabi ni fade sa mga kasama.

pag pasok ni fade ay nakaupo ang mga kasama nya ang si erich zychelle at krish naman ay pumunta na sa kusina para tapusin ang pag hahanda ng pag kain.

"ano ng plano" tanong ni fade sa mga kasama.

"mag hahanap ng bagong sasakyan" sagot ni irvine.

"sinong kukuha" tanong ni archie.

"ako" sagot naman ni mephisto.

"marunong kang mag drive" tanong ni ry.

"hindi eh" nakangiting sagot ni mephisto.

"pero sasama ako sa pag kuha" dagdag pa ni mephisto.

"sige pero sino ang marunong mag drive na sasama sayo" tanong ni ry.

"ako ang sasama sa kanya" sagot ni fade.

"so its decided kayo ni fade ang kukuha ng bus para masakyan bukas" sagot ni tina.

walang tumutol na ipag pa bukas ang pag kuha ng sasakyan para makaalis sa lugar kung nasan sila ngayon.

"tara kain muna tayo" pag tawag ni zychelle sa mga kasama,

"tara na kumain na tayo at matutulog ulit ako pag tapos" sinabi ni irvine at tumayo hinatak si tina para sumama sa kanya.

"anong plano mo" tanong ni fade kay mephisto.

"ang plano ko kukuha tayo ng masasakyan bukas at gasolina" sagot ni mephisto kay fade.

"sasama ako sa inyo" singit ni krish sa pag uusap ng dalawa.

"hindi puwede" sagot ni fade kay krish.

binunot ni mephisto ang katana at tinutok sa leeg ni krish na kinagulat ng lahat.

nilapitan ni erich si mephisto para awatin pero hinawakan sya ni tina at zychelle bago makalapit kay mephisto.

"hindi mo ba alam na dilikado ang gagawin namin bukas" tanong ni mephisto kay krish.

"alam ko kaya nga sasama ako" sagot ni krish.

"alam mo naman pala bakit gusto mong sumama" tanong ni mephisto.

"dahil gusto ko" sagot ni krish kay mephisto.

binalik ni mephisto ang katana sa lalagyan nito.

lumakad si mephisto pa punta sa kainan at umupo.

"tara kain na tayo" nakangiting sinabi ni mephisto sa mga kasama nya.

mabilis lumipas ang araw at dumating ang oras ng pag kuha ni mephisto at fade ng bus.

dala ni mephisto ang dalawang katana ang bokken at ang baril na nakuha nya.

si fade naman ay dala ang lahat ng gamit na meron sya.

palabas na ng pinto ang dalawa ng humabol si krish sa kanilang pag alis.

"antayin nyo ako sasama ako" sigaw ni krish.

kaya napahinto si mephisto at muling pumasok sa bahay pero binulungan nya si fade na mauna ng lumabas.

"bilisan mo iiwanan ka namin sige ka" nakangiting sinabi ni mephisto kay krish.

ng makalapit na si krish kay mephisto ay nagulat ang lahat ng bigla etong mawalang ng malay.

"pasensya na hindi talaga puwede" sinabi ni mephisto at sabay lumabas ng pintuan.

"mag iingat kayo" bilin ni zychelle sa dalawa.

na sinagot lang nito ng pag taas ng kamay.

"anong ginawa mo" tanong ni fade.

"sinikmuraan ko lang sya para mawalan ng malay" sagot ni mephisto.

"wag ka ng mag tanong malayo layo ang lalakarin natin" dagdag pa ni mephisto

kaya tahimik silang dalawang nag lakad hindi alam kung makakabalik pa sa naiwang kasama.

itutuloy....