1. Home
  2. Stories
  3. Dead of Time 17
Lagablab

Dead of Time 17

By Hunter ·

Dead of Time 17 - Time to move Fast!


"anung sinasabi mo" sagot ni leonard kay mephisto.

"Fade sabihin mo ang nakita mo" utos ni mephisto kay fade.

kaya nag simula ng mag kuwento si fade kung ano ang nakita nya at itsura ng humabol sa kanya.

"naka itim at may maskara ba kamo at talawang kamay ang malaki" tanong ni leonard.

sabay napaluhod si leonard sa sahig.

"captain" bulong ni leonard sa sarili.

"anung captain" tanong ni irvine.

"si captain un kaya pala ang sabi ng nag radio sakin halimaw daw si captain" sagot ni leonard.

"ibig mong sabihin perfect na talaga si perfect arms" tanong ni mephisto kay leonard.

"oo" maikling sagot ni leonard.

kinilabutan ang lahat dahil sa sagot ni leonard.

"kilangan na nating umalis dito" ang agad na nasabi ni irvine sa mga kasama nya dahil alam nya na alam ng mga kasama nya na delikado na sa lugar na un.

kaya hinakot nilang lahat ang gamit na dadalin nila.

naging mabilis ang pag alis nila sa bahay na tinuluyan nila ng dalawang araw alam nilang matatagalan ulit bago sila makahanap ng ganung bahay.

mabilis ang andar ng bus natutulog ang lahat habang si fade at si archie ang palitang nag dridrive ng bus.

"totoo ba ung nakita mo" tanong ni archie kay fade.

"oo archie sinuwerte lang ako at buhay pa ako ngayon" sagot ni fade kay archie.

niliko ni fade ang bus sa gasolinahan umaasang may gas pa silang makukuha.

"anung problema fade" tanong ni irvine.

"wala na tayong gas" sagot ni archie.

bumaba si leonard at irvine para bantayan si archie at fade habang nag kakarga ng gasolina.

"umamin ka saking leonard" sinabi ni irvine.

"anu un" tanong ni leonard kay irvine.

"sino ang pinaka delikadong project ang nakakalat dito" tanong ni irvine kay leonard.

"si..." putol na sagot ni leonard ng tawagin sila ni fade dahil aalis na ang bus.

pumanik na ulit ng bus ang dalawa.

naging tahimik ang bus dahil lahat ay takot parin sa narinig na kuwento ki fade.

"saan tayo tutuloy" tanong ni fade sa mga kasama.

pero walang puweding tuluyan kung nasan sila ngayon walang bahay walang building o ano man.

"ituloy mo lang" utos ni mephisto kay fade wala ng nagawa si fade.

"ako naman fade" sabi ni archie kay fade kaya hininto ang bus at nag palit sila ng upuan.

mabilis lumipas ang oras kahit gabi ay hindi sila tumigil sa pag byahe.

"ihinto mo muna archie" sigaw ni irvine dahil may nadaanan silang bahay.

"bakit tayo huminto" tanong ni zychelle.

"kakain na tayo" sagot ni leonard kay zychelle.

namula ang muka ni zychelle ng makitang nakayakap sya kay leonard sabay layo ng kunti dito.

"oh bakit lumayo ka" nakangiting tanong ni leonard kay zychelle.

"wa wa wala naman" sagot ni zychelle kay leonard.

tumayo agad si zychelle at agad hinanda ang dadalin nyang gamit pero inagaw eto ni leonard.

"ako na ang mag dadala nyan" nakangiting sinabi ni leonard kay zychelle.

"salamat" namumulang mukang sagot ni zychelle kay leonard.

"grabe ang tamis sa bus natin ngayon" parinig na sinabi ni mephisto habang nakangiting nag lalakad pababa ng bus.

"lalangamin tayo tara na erich" dagdag pa ni tina sa pang asar ni mephisto.

"bawal ako sa matamis antayin nyo ko" dagdag pa ni ry sa mga pang asar ng dalawang na una na.

"ako ng mag dadala nyan" pang asar na ulit ni irvine sa sinabi ni leonard.

"kung wala kayong magawa wag kayong mang istorbo ng nag liligawan" nakangiting sinabi ni krish.

namula lalo ang muka ni zychelle dahil sa mga narinig.

"oi tama na yang ligaw ligaw na yan kain muna tayo para may lakas kayo" nakangising sinabi ni fade.

dito na nagalit si zychelle.

"ano ba kayo ang lakas nyong mang asar nahihiya na nga ako" galit na sinabi ni zychelle sa mga ng aasar na kasama.

"wooooh kilig na kilig ka nga oh" sagot naman ni archie.

binato sila ng bag ni zychelle dahil sa pag ka pikon nito.

sinalo naman ng mga nasa baba ang bag na hinagis ni zychelle sa kanila.

"oi salamat" pang asar ni mephisto ng mausbos na ang bag.

nag tatawanang pumasok sa loob ng bahay silang lahat ilang segundo lang ay nag hahakot na sila ng patay na zombies.

"nakakaasar" nakangusong bulong ni zychelle na nasa bus parin.

"wag ka ng mapikon sa kanila" mapanuyong sinabi ni leonard kay zychelle.

hinawakan ng binata ang kamay ng dalaga at sabay silang bumama sa bus.

"kayo na zy" tanong ni erich.

tumingin lang si zychelle kay leonard at sumagot eto ng ngiti.

kaya tumango na si zychelle napangiti namang si erich at yumakap sa braso ni mephisto.

"pinge kiss" sinabi ni erich kay mephisto.

yumuko si mephisto at binigyan si erich ng malambing na halik.

"gusto mo nun" tanong ni leonard kay zychelle.

napayuko lang si zychelle sa tanong ni leonard.

"zychelle" pag tawag ni leonard at ng pag angat ng ulo ng dalaga ay binigyan nya eto ng halik sa labi.

napangiti lang si zychelle ng mag hiwalay ang labi nila.

pumasok na sila sa loob ng bahay na nilinis na ng apat na naunang pumasok.

masayang kumain ang lahat dito narin nila napag pasyahan mag pahinga.

"leonard" tawag ni irvine kay leonard na naka upo sa labas.

"ikaw pala anong kailangang mo" tanong ni leonard kay irvine.

umupo si irvine sa tabi ni leonard.

walang nag sasalita sa dalawang nakaupo sa labas.

nakikiramdam sila sa paligid at sa bawat isa.

"anong kailangan mo" seryosong tanong ni leonard.

tinignan lang ni irvine si leonard alam nyang hindi eto nag sisinungaling kanina na hindi nya alam ang ng yari.

"tignan mo may zombie" tinuro ni irvine kay leonard.

nilapitan eto ni irvine at sinipa ang tuhod kasunod nito ay ang pag tapak ni irvine sa ulo ng zombie.

"wala ka paring awa" sinabi ni leonard kay irvine.

"pero nag bago kana" dagadag pa ni leonard.

"anong ibig mong sabihin" tanong ni irvine.

"lumalambot kana nainlove kana sir irvine" seryosong sagot ni leonard.

"wag mo akong tawaging sir retired na ako" sagot ni irvine kay leonard.

"ang bata mong nag retire bakit?" tanong ni leonard kay irvine.

"dahil sa isang taong na matay" sagot ni irvine.

natahimik ulit ang dalawa dahil alam ni leonard kung sinong tao ang tinutukoy ni irvine ang unang kasintahan nito.

namatay eto ng dahil sa isang misyon ang sabi ng leader ng grupo nila.

"napansin ko rin lumalambot kana rin leonard" nakangising sinabi ni irvine kay leonard.

"wala akong magagawa ngayong ko lang nalaman tao rin pala ako" nakangitign sagot ni leonard kay irvine.

nag tawanan ang dalawa dahil sa takbo ng usapan nila.

"alam mo nakakatuwa ka palang kausap" sinabi ni leonard.

"baliw ka lang na kausap" nakangising sagot ni irvine kay leonard.

matagal pa nilang tinitigan ang madilim na paligid.

"tara na at matulog na tayo maaga ang alis natin bukas" sabi ni irvine kay leonard.

"ang alam ko dito muna tayo ng dalawang araw" sagot ni leonard kay irvine.

napangisi lang si irvine at pumasok na sa loob ng bahay.

naiwanang mag isa si leonard na pinag mamasdan parin ang paligid.

"bukas ko nalang siguro iisipin ung nakita ni fade" sinabi ni leonard sa sarili.

pumasok na si leonard sa loob ng bahay.

lahat sila ay walang kaalam alam na may nag mamasid sa kanilang isang pares ng mata sa hindi kalayuan.

"matulog kayo ng mahimbing at darating din ang oras at papatayin ko kayong lahat" nakangising sinabi ni francine.

lumipas na ang buong gabi na tahimik para sa grupo nila mephisto lahat sila ang nag dadasal na sana mahaba pa ang buhay at sana maging maayos na ang lahat pag gising nila.

pero tanging sa panaginip nalang nila makikita ang kaayusan ng mundo.

itutuloy...