1. Home
  2. Stories
  3. Dead of Time 19
Lagablab

Dead of Time 19

By Hunter ·

Dead of Time 19 - End of Line for Ry

nakarating na si leonard at zychelle sa bahay na tinutuluyan nila ngayon kasama si lord ang bagong nakilala ng dalawa.

"sino sya" tanong ni krish kay zychelle pag pasok nilang tatlo sa bahay.

"si lord" sagot ni leonard at dumiretso kung nasan si fade at si irvine.

"may dapat akong sabihin sa inyo" sinabi ni leonard sa dalawang nakaupo.

"ano un" tanong ni irvine sa seryosong si leonard.

"lord pumasok ka dito" pag tawag ni leonard kay lord.

pumasok si lord kung nasan ang tatlo kasama si zychelle.

"zychelle labas ka muna kung puwede lang paki tawag narin si mephisto" utos ni fade kay zychelle.

ilang minuto lang ay pumasok na si mephisto dala ang dalawang katana at baril na tanging sandata nya.

"bakit nyo ko pinatawag" nakangiting sinabi ni mephisto sa apat.

"oh sino sya bagong kasama" dagdag pa ni mephisto.

"meron pang isang cleaning hound" seryosong sinabi ni leonard.

napatingin kay leonard si irvine at mephisto.

"totoo ba un" tanong ni fade kay lord.

"kung ang cleaning hound na sinasabi nyo ay ung halimaw na umubos sa mga kasama ko oo totoo un" sagot ni lord kay fade.

"kung ganun kilangan natin umalis dito" sinabi ni fade sa mga kasama kaya agad syang tumayo para pag handain ang mga kasama nila.

sa isang bahagi ng kuwarto ay nakatayo si ry at nakasilip sa bintana.

habang ang lahat ang nag hahanda sa pag alis.

"patayin mo silang lahat" naririnig na boses ni ry.

"sinong papatayin ko" sagot ni ry sa boses na bumubulong sa kanya.

"kung sino ang pinaka mahina" sagot ng boses kay ry.

"si erich" sagot ni ry sa boses.

"sige patayin mo si erich" bulong ng boses.

kasama ni mephisto si erich ng mga oras na un kaya hindi makalapit si ry .

tumulong si ry sa pag dala ng mga gamit sa bus.

matagal tagal din ang kinaing oras ng pag aayus nila ng mga gamit sa bus.

pero hindi malapitan ni ry si erich dahil parati etong may kasama.

"kain muna tayo" pag aya ni archie sa mga kasama.

"tama kumain muna tayo bago tayo umalis alam ko mahihirapan tayo humanap ng bagong mag pag papahingahan" sagot ni mephisto.

kaya pumunta silang lahat sa kusina si krish at zychelle ay nag paiwan sa bus kasama si fade para mag ayus ng gamit.

nag sabing susunod nalang sila pag tapos nilang mag ayus ng dadalin nila.

nag lulutong mag isa si erich sa kusina habang nakaupo sa hapang kainan ang apat.

"pag kakataon muna gawin muna" bulong ng boses kay ry.

"pero kaibigan ko sya" sagot ni ry sa boses.

"wala kang silbi ako ba dapat ang gagawa ng lahat" sigaw ng boses kay ry.

"teka anong ginagawa mo" tanong ni ry sa boses na naririnig nya.

"tol okay ka lang?" tanong ni lord kay ry.

tinulak ni ry si lord dahilan para mapaatras eto.

"sira ulo ka ba tol" tanong ni lord kay ry.

pero hindi sya pinansin nito kung hindi ay binigyan sya nito ng isang suntok sa muka.

dahil sa ginawa ni ry ay gumanti si lord ng suntok kay ry malakas ang suntok ni lord alam nya dahil tinudo nya talaga ang pag ganti.

laking gulat ni lord ng hindi man lang natinag si ry sa ginawa nya.

napaatras si lord sa nakita alam nyang hindi normal ang taong nasa harap nya pero huli na ang lahat sinuntok sya ni ry sa sikmura dahilan eto para mawalan si lord ng malay.

"hindi ka tao ano ka" tanong ni lord kay ry bago mawalan ng malay.

tahimik na pumasok si ry sa kusina dinaanan nya ang mesa kung saan nakaupo ang apat na kasama nya.

" saan ka pupunta ry" tanong ni mephisto kay ry.

"iinom lang ako ng tubig" sagot ni ry kay mephisto.

kaya pinabayaan sya ng apat na kumuha ng tubig.

mabilis na solo ni ry si erich.

agad pinunot ni ry ang baril na ginagamit para pampatay ng zombies.

tinutok nya eto sa likod ni erich pilit namang pinipigilan ni ry ang sarili.

hirap na pumasok si lord sa kusina hawak pa ang sikmura.

"si ry hindi na normal si ry asan sya" sigaw ni lord sa apat ng bigla silang makarinig ng putok ng baril.

napatayo ang apat sa narinig pero mabilis ang naging pag takbo ni mephisto pa punta sa lugar kung nasan si erich.

nakita nya si erich na naka dapa sa sahig at may tama ng bala sa likod.

ng makita ni mephisto na mag papaputok ulit si ry ay hindi na sya nag dalawang isip.

binunot nya ang katana na nakuha nila sa bahay na huling pinag tuluyan nila at mabilis nyang tinapos ang buhay ni ry.

pinutol nya ang ulo ng kasamang si ry gumulong sa sahig ang ulo ni ry.

pero ng makitang hindi parin tumigil ang katawan nito sa nalalapit na pag kalabit ng gatilyo ng baril kaya naman sinunod nyang hiniwa ang kamay nito.

binitawan ni mephisto ang katana kasabay ng pag bagsak ng katawan ni ry sa sahig ang pag laglag ng katana ni mephisto.

kitang kita ng apat ang ginawa ni mephisto at nakita rin nila ang balak ni ry na pag kalabit pa sa gatilyo ng baril.

mabilis nyang nilapitan si erich para siguradong buhay pa eto.

sa ulo ni ry lumabas ang isang malaking parang oob mula sa bibig nito mabilis etong tinaga ni irvine.

"anong ng yari" tanong ni fade ng makita ang ulo ni ry sa sahig at si erich na may tama ng baril sa likod.

lumapit si tina kay erich para tignan ang kalagayan nito.

"mephisto tumabi ka titignan ko kung ano ang magagawa ko" utos ni tina kay mephisto na parang wala sa sariling tumabi sa gilid.

"ano toh"tanong ni irvine kay leonard.

"ood mula kay bloody princess" sagot ni leonard.

"pano na punta sa kanya toh" galit na tanong ni irvine kay leonard.

"hindi ko alam siguro ng kagatin sya ng bloody princess" sagot ni leonard.

"kinagat rin ba kayo" tanong ni irvine kay leonard.

"hindi si ry lang ang kinagat ng bloody princess" sagot ni leonard.

"iligtas mo sya" bulong ni mephisto na narinig naman ni tina.

"pangako gagawin ko ang lahat" sagot ni tina kay mephisto.

"archie paki linis ang mesa fade paki kuha ung operating kit na nasa bus zychelle mag painit ka ng tubig krish tulungan mo si fade" utos ni tina sa maga kasama na agad namang sinunod.

"irvine leonard paki buhat naman si erich" utos ni tina sa dalawa na agad namang sinunod ng dalawa.

kinuha ni tina ang katana ang pinunasan ng panyong mula sa bulsa ni ry.

"mephisto kilangan mong maging matapang kilangan kita mamaya para sa dugo" sinabi ni tina habang inaabot ang katana kay mephisto ang katana na tumapos sa buhay ni ry.

mabilis tinignan ni tina ang natamo ni erich dito nya nalamang delikado ang lagay ni tina at marami naring nawawalang dugo dito.

mabuti nalang ay tinest nya ang mga dugo ng kasama at alam nyang match ang dugo ni erich at mephisto.

"eto na ung gamit mo" sinabi ni krish at inabot ang gamit kay tina.

"tignan mo si lord mukang may tama rin sya" utos ni tina kay krish na agad namang sinunod.

mabilis sinimulan ni tina ang operation na gagawin kay erich.

dalawa ang balang kilangan tangalin sa katawan ni erich at mabilis nauubos ang dugo nito.

isang oras ang inabot ng operation bago nagawang matangal ni tina ang bala sa katawan ni erich.

isang oras din na tahimik sa isang sulok si mephisto.

"mephisto halika dito at kilangan ng dugo ni erich" pag tawag ni tina kay mephisto.

mabilis na lumapit si mephisto kay tina para mabigyan ng dugo si erich.

si fade naman at si leonard ay inilabas ang katawan ni ry.

"bakit mo ginawa un" tanong ni fade sa katawan ni ry.

"hindi nya kagustuhan ang ginawa nya" sagot ni leonard kay fade.

"kilangan ba talagang tapusin ang buhay nya" sagot ni fade kay leonard.

"wala tayong magagawa fade kontrolado sya ni bloody princess" sagot ni leonard kay fade.

kasunod nito ang pag tulo ng luha ni fade ng hindi na nya mapigilan.

umiiyak si fade habang nag huhukay ng lilibingan ng katawan ni ry.

sa gilid ay nakatayo si archie umiiyak dahil sa pag ka wala ng kaibigan.

"wag kang umiyak archie" sinabi ni irvine kay archie.

"di mo na iintindihan" sagot ni archie kay irvine.

"ang ano ang mawalan ng kaibigan lahat ng malalapit na kaibigan ko nakita kung mamatay sa mismong harapan ko kaya wag mong sasabihin na hindi ko naiitindihan" sagot ni irvine kay archie.

umiiyak din si zychelle sa tapat ng bahay dahil malapit nyang kaibigan si ry kaya hindi nya mapigilang umiyak.

"friend wag ka ng umiyak" sinabi ni krish kay zychelle.

"pero pero" sagot ni zychelle kay krish sabay iyak ng malakas.

"tahan na hindi natin maiiwasan un sya ang bumaril kay erich at kung di sya pinatay ni mephisto si erich ang mamatay o marami pa" paliwanag ni krish sa kaibigan.

natapos na ang pag sasalin ng dugo kay erich at ang pag libing sa bangkay ni ry.

tahimik ang lahat si mephisto ay binabantayan si erich na katatapos lang ng operahan.

tahimik ang lahat dahil sa pag kawala ng isa sa kaibigan nilang si ry hindi maganda ang araw na toh para sa grupo.

dahil muntik ng dalawang tao ang mamatay at mawala sa grupo pinang hinaan ng loob ang ilan sa kanila pero alam nilang kilangan lumaban para mabuhay.

hindi dapat sayangin ang buhay na nawala kung hindi dapat pang maging liksyon sa kanila ang kapabayaang eto.

isa lang ang alam ng lahat lalaban sila para mabuhay at makaligtas ang mamatay ay wala sa pag pipilian.

itutuloy...