1. Home
  2. Stories
  3. Dead of Time 2
Lagablab

Dead of Time 2

By Hunter ·

Dead of Time 2 - The Good The Bad and The Worst.

maagang nagising si Irvine anong oras na walang nakakaalam matagal ng walang nag tatanong ng oras at matagal narin syang walang orasan.

ang alam lang ni irvine ay gutom na sya at kilangan na nyang mag hanap ng makakain.

"gutom na ako wala bang makakain dito" galit na sinabi ni irvine kahit wala syang kasama.

may lalapit sa kanyang zombie pero hindi sya natakot dito at hinampas nya ang ulo nito ng palakul na hawak sa ulo ng palapit na zombie at ng bumagsak na eto ay di na nya pinansin.

"istorbo" bulong ni irvine at nag lakad na ulit para mag hanap ng makakain.

habang nag lalakad si irvine ay nakakita sya ng limang taong nag lalakad at sa palagay nya ay mag kakagrupo eto.

kaya nag tago si irvine sa gilid ng pader para titigan ang grupo na nag lalakad.

"mukang mapapakinabangan ko ang grupo na toh" nakangiting bulong ni Irvine sa sarili.

balak na nyang dahan dahang lumabas sa pinag tataguan ng makita nya ang isang kumpol ng zombies kaya nabago ang plano nya at panunuorin nalang nga ang lima kung ano ang gagawin nito.

"fade tignan mo" sabi ni Archie kay fade ng makita ang maraming zombie na makakasalubong nila.

samantalang si irvine ay mabilis na naka alis ng di napapansin ng lima.

"anong balak mong gawin fade" tanong ni krish kay fade.

"hindi natin kaya ang dami nyan tara mag tago nalang tayo" sagot ni fade kay krish.

"mabuti pa nga" gatung pa ni archie kay fade.

"pero saan tayo mag tatago" tanong ni Zychelle sa apat.

"doon" turo ni RY sa isang Building na naka bukas.

"teka safe ba sa loob" tanong ni krish.

"hindi natin alam pero mukang mas safe dun kisa dito" sagot ni fade kay krish.

kaya mabilis silang pumasok sa loob ng building pag tapos sumagot ni fade.

gusto mang umangal ni krish pero wala na syang nagawa kung hindi ang sumunod.

pag pasok nila ay agad nilang sinara ang pinto at nag tago ilang minuto pa ay tsaka lang nila naamoy ang amoy ng na bubulok na laman o tao.

"grabe ang baho naman dito" sabi ni zychelle sa apat na kasama.

"oo nga mabuti pa ay tignan natin kung may mapapakinabangan tayo sa lugar na toh" sabi ni fade.

"sige at linisin narin natin toh mukang magandang mag tago dito hanggang wala pa tayong plano" dugtong naman ni archie.

nag simula na silang mag linis ng building na pinasok nila.

nag lalakad si irvine at na asar parin dahil wala paring mahanap na pag kain.

"grabe ilang oras na kung nag lalakad at wala paring makakain" asar na sinabi sa sarili ni irvine.

patuloy syang nag lalakad ng may nakita syang isang lalaki na may dalang isang kahon na alam nyang pagkain.

kaya dahan dahan nya etong nilapitan at ng makita nya ang hawak nito at masiguradong pag kain ay mabilis nya etong tinutukan ng baril sa likod ng ulo.

"mukang masarap ang dala dala mo baka puwede naman makahingi" nakangising tanong ni irvine sa lalaki.

"pasensya na hindi puwede kasi bilang to sa grupo namin" sagot ng lalaki kay irvine.

napikon si irvine sa sagot ng lalaki.

"anong mas mahalaga yang pag kain o buhay mo" tanong ni irvine sa lalaki.

napaisip ang lalaki pero huli na ang lahat pinalakul na ni irvine ang leeg nya na kinamatay agad ng lalaki bagsak ang bangkay nito sa lupa.

"ang damot mo kasi ng hihingi lang ng kahit dalawang peraso ayaw mo pa" kinuha ni irvine ang lahat ng pagkaing dala ng lalaki at ang patalim na dala nito.

nag lakad si irvine para mag hanap ng matataguan na nakita nya isang hotel alam nyang mas mabilis at madaling linisin ang isang kuwarto kisa isang buong building.

pumasok sya dito at kumuha ng susi at pumunta sa first floor sa unang pinaka magandang kuwarto may ref at may ilaw kaya masarap ang naging pahinga at pag kain ni irvine.

"saan tayo pupunta mepish" tanong ni erich kay mepishto.

"pupunta tayo sa kung saan tayo makakakuha ng bala para sa baril mo" nakangiting sinagot ni mephis sa tanong ni erich.

"teka saan un" tanong ni erich kay mephisto.

"hay naku pasalamat ka maganda ka" bulong ni mephisto sa sarili nya na hindi naman narinig ni erich.

"teka anong sabi mo" tanong ni erich kay mephisto.

"ah wala ang sabi ko sa police station tayo pupunta" nakangiting sagot ni mephisto kay erich.

"ah satingin mo may naiwan pang bala" tanong ni erich.

"sana nga at may baril pa rin sanang naiwan dun" sagot ni mephisto kay erich.

nag lakad ang dalawa at sinusubukan ni mephisto ang lahat ng makitang motor na pinag tataka ni erich kung anong ginagawa ng kasama.

sa pang anim na motor ay tuwang tuwa si mephisto na gumana eto.

"oi Erich tara dito ng mas mabilis tayong makarating sa police station" nakangiting tinawag ni mephisto ang dalaga.

"bakit parang masaya ka" tanong ni erich pag lapit kay mephisto.

sumakay si mephisto sa motor at pinag pagan ang upuan sa likod.

"sakay" nakangiting utos ni mephisto kay erich.

"teka ano" gulat na tanong nito sa binata.

"sabi ko po sakay" pag ulit ni mephisto.

"ayoko nga alam mo bang natatawag ng ingay ung mga bagay na un tapos mag momotor tayo" paliwanag ni erich kay mephisto.

"ah ganun kaya pala lumalapit na sila tignan mo" sagot ni mephisto kay erich.

tinignan ni erich ang paligid tama nga si mephisto lumalapit na sa kanila ang mga zombies sa paligid.

"sasakay kaba o iiwanan kita" pabirung tanong ni mephisto kay erich at sabay paandar ng kunti ng motor habol naman ang dalaga at nag mamadaling umangkas sa motor.

"kumapit kang mabuti ayoko namang mahulog ka" nakangiting bilin ni mephisto kay erich.

"teka ba..." putol na tanong ni erich ng mabilis na pinatakbo ni mephisto ang motor.

mabilis nilang naiwan ang mga zombie na dapat ay pupunta sa puwesto nila.

"grabe ang daming bangkay sa building na eto at may ilang zombies pa" reklamo ni krish.

"ano linis na ba lahat ng floor" tanong ni fade sa mga kasama.

"oo linis na ung mga floor" sagot ni ry.

"merong ilang process meat at mga dilata sa freezer" sabi ni zychelle.

"okay may kuryente tayo dito at may water supply may mga damit rin sa ilang office room" sabi naman ni archie sa apat.

"payag ba kayong dito muna tayo mag lalagi hanggat wala pang plano" tanong ni fade sa mga kasama.

"puwede na tayo dito ng ilang araw" sagot ni krish pag tapos tignan ang freezer.

"siguro ng mas mabuti na dito muna tayo mamalagi" sagot ni archie.

"so anong plano" tanong ni Krish sa apat at umupo sa upuan.

naupo rin ang apat at napaisip pero sa ngayon ay wala silang maisip.

"oooh ang sarap kumain" sabi ni irvine sa sarili nya habang kumakain.

sarap na sarap si irvine sa pag kain nya ng may mag bukas ng pinto.

kaya naman mabilis nyang tinutok ang baril sa ulo nito kaya gulat na gulat ang babae na nag bukas ng pinto.

"anung kilangan mo" tanong ni irvine sa babae.

"tulungan mo naman ako" pakiusap ng babae kay irvine.

"sige pumasok ka" utos ni irvine sa babae.

kaya agad etong pumasok at sinara ang pintuan.

tumayo si irvine pero naka tutok parin ang baril sa ulo ng babae.

"hubad" utos ni irvine sa babae.

"anong sabi mo" mataray na tanong ng babae kay irvine.

"ang sabi ko hubad o babarilin kita ngayon" pag uulit ni irvine.

kaya walang nagawa ang babae kung hindi ang mag hubad maganda ang babae kaya hindi maiwasan ni irvine na mapatitig.

"ikot" utos ni irvine na sinunod naman agad ng babae.

ng makita nyang walang kahit anong sugat ang babae ay inutos na nya na mag damit na eto.

"anong kilangan mo" tanong ni irvine sa babae.

"isama mo ako sayo please sawa na akong mag tago at tumakbo" pakiusap ng babae kay irvine.

napa isip si irvine sa sinabi ng babae.

"alam mo bang masama akong tao at baka pag samantalahan kita" panakot ni irvine sa babae.

tumayo ang babae at umupo sa hita ni irvine.

"ganito ba" sabi ng babae kitang kita ni irvine ang kagustuhan ng babae na mabuhay.

"tumayo kana di muna kilangan gawin yan" utos ni irvine sa babae.

agad naman etong sinunod ng babae.

"anong pangalan mo" tanong ni irvine.

"Tina" sagot ni tina kay irvine.

"ganito yan tina pag ako ang kasama mo at nakagat ka o nasugatan ng mga un ako na mismo ang papatay sayo" paliwanag ni irvine kay tina.

hindi makasagot si tina sa sinabi ni irvine alam nyang seryoso eto sa sinabi nya kaya alam nyang hindi dapat sya masugatan kahit maliit lang.

"bakit mo naman ginagawa un" tanong ni tina kay irvine.

"dahil isang kagat o isang kalmut lang sa mga un puwede ka ng maging kagaya nila" paliwanag ni irvine at natulala si tina.

napa isip ng malalim si tina dahil sa sinabi ni irvine at dun nya naalala kung bakit makalipas ang ilang oras ay biglang namatay ang boyfriend nya at muling bumangon.

nanginig sa takot si tina ng maalala ang pang yayari pero andito na sya ay may kasama na syang puweding mag tangol sa kanya.

napangiti naman si irvine ng makita ang panginginig ng babae at dito nya inabot ang isang tubo na dala dala nya para kung sakaling magipit sya ay may iba pang magagamit.

"gagamitin mo yan at dapat puro sa ulo ang hampas mo" bilin ni irvine kay tina na sumagot lang ng pag tango.

itutuloy...