1. Home
  2. Stories
  3. Dead of Time 20
Lagablab

Dead of Time 20

By Hunter ·

Dead of Time 20 - evolution of the princess!

tahimik na lumipas ang tatlong araw matapos ang pag kamatay ni ry dahil inaantay nilang gumaling ang operasyon ni erich.

"anong plano fade" tanong ni lord.

"ibibigay ko sayo toh lord ang mga gamit ni ry alam kung walang kang ibang gamit na dala" seryosong sinabi ni fade kay lord.

"talaga teka sigurado ka" tanong ni lord kay fade.

"oo at isasama kana namin naitanong ko na kay irvine eto at pumayag silang lahat" sagot ni fade kay lord.

"maraming salamat hindi nyo alam kung gano ako kasaya na marinig na may masasamahan na ulit ako" nakangiting sagot ni lord kay fade.

"ano pang hinahantay mo kunin mo na ang mga gamit na yan" sinabi ni fade kay lord.

kaya naman masayang kinuha ni lord ang mga gamit ni ry na ibinigay ni fade sa kanya.

at ng makuha nya ay lumabas narin si lord agad sa kwarto.

"hi lord mukang sayo binigay ni fade ang mga gamit ni ry" salubong na sinabi ni krish kay lord pag labas nito ng kuwartong kung nasan si fade.

"krish alam ko hindi mo pa alam ang pangalan ko" pakilala ni krish sa sarili kay lord.

"lordeniel nga pala lord nalang" sagot ni lord kay krish.

"mag ingat ka masama ang ungali ko" sagot ni krish kay lord.

"mas mag ingat ka masmasama ang ugali ko" sagot ni lord kay krish sabay hatak kay krish at bigay dito ng halik sa labi.

mabilis lang ang naging pag halik ni lord kay krish at agad lumayo si lord sa dalaga.

nakangising lumakad palayo sa dalaga si lord.

si krish naman ay napaluhod sa sahig habang pulang pula ang mukha dahil sa ginawang pag halik ni lord.

naramdaman nyang kinagat ng binata ang labi nya.

"kuya bakit ngayon ka lang ulit pumunta" tanong ng bata sa kapatid nya.

"pasensya na may ginagawa kasi akong gamot para sayo" sagot ng lalaki sa batang kapatid.

"oh inumin mo ulit to para lumakas kana ng tuluyan" dagdag pa ng lalaki.

pag kainum ng batang kapatid ay muli nya ulit tinusok ang vial sa braso nito.

"sige mag pahinga ka muna" bilin ng lalaki sa batang kapatid.

"ku..." putol na tawag ng bata.

"panaginip bakit ba un ang parating napapanaginipan ko" sinabi ni irvine sa sarili.

"mephisto" tawag ni erich na nagising na mula sa pag kakatulog galing sa operasyon makalipas ang ilang araw.

"gising kana kamusta kana okay kana ba" tanong ni mephisto kay erich.

"oo okay na ko ano bang ng yari" tanong ni erich kay mephisto.

"binaril ka ni ry" sagot ni mephisto kay erich.

"asan na si..." hindi na natuloy na tanong ni erich ng yumuko si mephisto.

alam nyang wala ni ang kasama alam nyang patay na si ry at alam ni erich na sya ang dahilan ng pag kamatay nito.

"mephisto!" nag mamadaling pag tawag ni leonard.

"bakit?" tanong ni mephisto kay leonard.

"kaya na bang lumakad ni erich" tanong ni leonard.

"anong problema" tanong ni mephisto kay leonard.

"may nakita kaming isang malaking bilang ng mga zombies na pa punta sa direction natin kilangan na nating makaalis dito" paliwanag ni leonard kay mephisto at erich.

"kaya mo naba" tanong ni mephisto kay erich.

"sa tingin ko" sagot ni erich at sinubukang tumayo hindi naman eto nahirapan na makatayo.

"susunod kami mag handa na kayo" sinabi ni mephisto kay leonard.

agad umalis si leonard at tumulong sa pag aayos ng bus.

"kaya mo na bang mag bihis?" tanong ni mephisto kay erich.

"oo sige na mag antay ka nalang sa labas" utos ni erich habang nag bibihis sya.

"Crack Crack" ingay na maririnig mo sa isang bahay na nasundan eto ng pagkabasag ng isang bagay.

mula sa nabasag lumabas ang bagong katawan ni francine na kung dati ay bata ngayong ay dalaga na eto.

"nakakagutom pala ang gawin un" nakangising sinabi ni francine sa sarili habang nag hahanap ng damit sa drawer.

napangiti si francine ng makita ang isang magandang pares ng damit sa drawer ng bahay.

mabilis nag bihis si francine bago lumabas ng bahay na kung saan nya ginawa ang pag papalit ng anyo.

"ooooh maraming zombie sa lugar na un" sinabi ni francine sa sarili ng maamoy ang amoy ang malaking bilang ng zombies na papunta sa lugar kung nasan ang grupo nila mephisto.

" tapos kana erich" tanong ni mephisto kay erich na nag bibihis sa kwartong pinag pahingahan nya.

"oo" sagot ni erich dahilan ng pag bubukas ni mephisto ng pintuan.

"tara na" sinabi ni mephisto sabay buhat kay erich para mapabilis ang pag punta nila sa bus.

na sa mga oras na un ay sila nalang dalawa ang hinahantay ng mga kasam nila para makaalis.

"paandarin muna" utos ni irvine ng makasakay ang dalawa sa bus.

kaya mabilis na pinaandar ni fade ang bus.

sa hindi kalayuan ay nakaharang sa harap ng mga zombies si francine habang dinidilaan ang labi dahil sa dami ng puwede nyang kainin na nasa harap nya.

"kainan na WAAAAAAAAH!" malakas na sigaw ni francine sabay lusob sa mga zombies.

"kamusta kana erich" tanong ni tina kay erich.

"okay na ko salamat" nakangiting sagot ni erich.

"wag kang masyadong mag gagalaw" utos ni tina kay erich.

"okay doc" pang asar na sagot ni erich.

"doc ka dyan " nakangitign sagot ni tina sabay tawa.

"ah teka sino sya" tanong ni erich habang naka tingin kay lord.

"ah si lord nga pala" pakilala ni krish kay erich.

"lord si erich" pakilala naman krish kay lord.

"uuuyyy close sila" pang asar ni erich kay krish.

"alam mo ba nakita ko sila kanina nag ano" pang bitin na sinabi ni irvine.

"teka nag ano nag ki..." putol na sinabi ni zychelle.

"ano ba kayo wag nya nga akong asarin" galit na sinabi ni krish.

"wag kang mapikon kasi totoo naman" pang asar ni lord kay krish.

"teka anong totoo ikaw lang kaya ang humalik sakin" galit na sinabi ni krish kay lord.

tumayo si lord at lumapit kay krish sabay bigay ng halik kay krish.

"wooooh ang lupet mo tol" ang tanging nasabi ni archie.

natulala ang lahat dahil ang matapang na si krish ay nakapikit lang habang mag ka dikit ang labi nilang dalawa ni lord.

" masarap ba" tanong ni lord kay krish.

"oo" bulong na sagot ni krish.

"kayo na sis" tanong ni zychelle kay krish.

"oo kami na nga" sagot naman ni lord kay zychelle.

wala ng nagawa ang dalaga dahil malakas talaga ang datin sa kanya ng mga maangas na lalaki.

"teka tama na muna ang kalokohan saan tayo ngayon" tanong ni irvine sa mga kasama nya.

"tama meron pa tayong kasamang may sugat kilangan natin ng matutuluyan habang nag papagaling si erich" paliwanag ni tina sa mga kasama nila.

"okay lang ako" sagot ni erich.

"oo mukang kilangan natin ng matutuluyan alam kung mahirap gumalaw ng may sugat" paliwanag ni fade.

kaya wala ng nagawa si erich kung hindi ang pumayag nalang sa gusto ng mga kasama nya.

kaya naman huminto si fade sa isang hotel na nadaanan nila.

"mga kasama puwede na ba tong hotel na to?" tanong ni fade sa lahat.

"puwede na yan kaming apat ang papasok sa loob" sagot ni irvine kay fade.

"sino sino kayo" tanong ni mephisto kay irvine.

"kaming apat" sagot ni leonard.

"kasama ako" sagot din ni archie.

"at kasama ka lord" sagot naman ni irvine.

"tara game" nakangiting sinabi lord.

bumaba silang apat dala ang mga sandatang gagamitin.

pumasok ang apat sa loob ng hotal at pag pasok nila ay sinalubong sila ng sampung zombies.

"kaya ba natin toh" tanong ni lord sa mga kasama.

"kaya natin toh kasama natin yang dalawa" sagot ni archie.

"bakit magaling ba yang dalawa?" tanong ni lord.

"manood ka" sagot ni archie.

mabilis na kumilos ang dalawa at pinatay ang dalawang malapit na zombies.

manghang mangha si lord sa nakita dahil hindi na nila kailangang gumalaw si leonard at si irvine lang ay sapat na para ubusin ang zombies na nasa hotel.

ilang minuto lang ay naubos ang sampung zombies na nakakalat sa loob ng hotel.

at kalahatin oras ang lumipas ay naubos ang lahat ng zombies sa loob ng hotel.

"pumasok na daw kayo" sabi ni lord sa mga kasamang nasa bus.

"mauna na kayo mephisto" utos ni fade sa dalawa.

kaya naman agad bumaba si mephisto at erich sa bus at pumasok sa hotel.

"kayo na ni lord krish" tanong ni zychelle sa kaibigan.

"hindi ko alam pero mukang ganon na nga friend" sagot ni krish kay zychelle.

"mamaya na ang daldal hakot muna" sinabi ni irvine kaya naman nag madali ang dalawa sa pag kukuwentuhan.

"ang sarap kumain" nakangiting sinabi ni francine at ang kaninang malaking bilang ng zombies ay wala ng natira.

"kamusta na kaya ang mga favorite kung pag laruan" nakangiting sinabi ni francine sa sarili habang nakatingin sa malayo.

natapos ng mag ayus ang grupo nila fade at nag luluto na si zychelle at si krish habang nakabantay si leonard at si lord sa kanila.

nag papahinga naman ang iba sa kanikanilang kuwarto.

tahimik ulit ang grupo nila sa hotel na napili habang nag papagaling si erich sa natamong sugat nito.

malungkot parin ang lahat dahil sa pag kamatay ni ry pero alam ng lahat na hindi puweding pang hinaan ng loob dahil ang mahina ay puweding mamatay.

itutuloy...