1. Home
  2. Stories
  3. Dead of Time 26
Lagablab

Dead of Time 26

By Hunter ·

Dead of Time 26 - A Secret and Tragedy!

"gano katagal tayong tatagal sa lugar na to" tanong ni mephisto kay krish at zychelle na namamahala ng pagkain.

"kung kakain tayo ng dalawang beses isang araw mga tatlong araw siguro ang itatagal ng mga pagkain na nasa mall na to" sagot ni krish kay mephisto.

"eh anong mga mapapakinabangan natin dito zychelle" tanong ulit ni mephisto.

"marami rami tayong puweding pakinabangan dito ang problema lang ung pagkain natin" sagot ni zychelle kay mephisto.

"krish tara dito may pagagawa ako sayo" pag tawag ni irvine kay krish habang nag lalakad palapit sa tatlo.

"ano yun" tanong ni krish kay irvine.

"gusto ko sanang gumawa ka ng improvised explosived device" sagot ni irvine kay krish.

"teka hindi ko alam kung pano..." putol na sinabi ni krish kay irvine dahil bigla sumingit si irvine at nag salita.

"wag kana tumangi alam kung ikaw ung sikat na bomb maker" nakangising sinabi ni irvine kay krish.
"
saan mo naman napulot yang kalukuhan na yan" naka ngising tanong ni krish kay irvine.

nilabas ni irvine ang isang papel sa bulsa nya at nandun ang article na sinasabing si krish ay isang mahusay na bomb maker.

"grabe kilan lumabas ang bagay na yan" tanong ni krish kay irvine.

"matagal na yan lumabas dapat itutumba na kita dati pero buti nalang hindi ko ginawa" nakangising sinagot ni irvine kay krish.

"ano ba kasing trabaho mo" tanong ni krish kay irvine.

"sabihin na nating kung nalaman mo mamatay kana" sagot ni irvine kay krish.

alam na ni krish ang ibig sabihin ni irvine dahil alam na nyang hired hitman si irvine kaya hindi eto ng hihinayang na tumapos ng buhay.

"lord samahan mo naman ako may hahanapin lang ako sa hardware store" pag aya ni krish kay lord na nakasilip lang sa transparent na salamin ng mall.

"anong gagawin natin" tanong ni lord kay krish.

"may hahanapin lang ang unting mga gamit para sa pinagagawa ni irvine" sagot ni krish kay lord na may kasamang matamis na ngiti.

walang nagawa si lord dahil ngayon lang nya napag masdan si krish at dito nya lang napansin na maganda pala ang dalagang nag papasama sa kanya.


"anong ba ang kailangan natin krish" tanong ni lord.

napaisip si krish at inalala ang isa sa malakas na IED na ginawa nya na nabili lang nya sa mall ang lahat ng ginamit nya.

"ah eto ang kailangan natin" sinabi ni krish at sabay sabi kay lord ng kailangan nilang mga gamit.

makalipas ang dalawang oras ng pag hahanap ay nakumpleto na nila ang kailangan ni krish.

nag aya ng bumalik si krish dahil nga sa kumpleto na ang kailangan na gamit para gawin ang IED.

"tara na bumalik na tayo at nag aantay na si irvine" sinabi ni krish kay lord.

ng hatakin sya ni lord dahilan para mapigilan ang balik ni krish kung nasan ang ibang kasama nila.

"sabihin mo nga sakin ang gagawin mo sa mga gamit na kinuha natin" seryosong tanong ni lord kay krish.

"sabi ko sayo may pinagagawa lang to ni irvine" seryosong sagot ni krish kay lord.

napikon si lord dahil sa sagot ni krish sa tanong nya.

bubunutin na sana ni lord ang baril nya ng bigla syang tutukan ng baril ni irvine sa likod ng ulo ni lord.

"wag kang makulet tatapusin kita" sinabi ni irvine kay lord.

"masama bang alamin kung ano ang ipagagawa mo" sagot ni lord kay irvine.

"sige na sabihin nalang natin" sinabi ni krish kay irvine.

"ikaw ang bahala" nakangiting sinabi ni irvine kay krish at sabay balik ng baril nya sa lalagyan nito.

ng makalayo si irvine ay binulong ni krish kay lord ang pinagagawa ni irvine.

naging sanhi eto ng sobrang pagka gulat ni lord dahil hindi nya maisip at malaman kung pano gagawa ng isang pampasabog sa mga kinuha nilang gamit.

umabot ng kalahating oras ang pag papaliwanag na kailangan para maintindihan ni lord kung bakit si krish.

pag kabalik na pag ka balik ng dalawa sa mga kasama nila ay pumunta agad si krish sa lugar kung saan nya gagawin ang IED na hinihinge ni irvine.

"lord sasama samin para linisin ang huling floor nitong mall" sinabi ni irvine kay lord ng makabalik eto kasama si krish.

"di ba si art ang kasama mo sa taas" tanong ni lord kay irvine.

"ayaw ng sumama di kinaya ang katutuhanan na mamatay ka pag nakagat ka" sagot ni irvine kay lord.

"ilan tayong papanik" tanong ni lord kay irvine.

"anim gaya ng dati" sagot ni mephisto kay lord.

"tama tayong anim lang" dagdag ni erich habang nakayakap sa braso ni mephisto.

nakangiting lang si mephisto habang naka yakap sa braso nya si erich.

"tara na ng maaga tayong matapos"pag aya ni leonard sa apat na kasam sa pag panik sa huling floor.

nag handa ang anim para sa pag panik nila sa huling floor ng mall.

sa baba palang ay nag pares pares na sila gusto sanang pumares ni lord kay mephisto pero nakita nya na nakayakap dito si erich.

nag taka ang apat dahil iba ang dala ni erich at mephisto.

dala parin nila ang mga katana nila pero ang hawak nila ngayon ay kutsilyo lang ang hawak ng dalawa.

meron silang hawak na tag dalawang kutsilyo ang hawak nila na talagang nag paisip kay lord.

"teka yan lang ang gagamitin nyong dalawa" tanong ni lord kay erich.

"oo naman" nakangiting sagot ni erich kay lord.

umakyat na ang grupo sa huling floor ng mall gaya ng inaasahan nila maraming zombies ang nandito dahil nga sa etoy ay sinehan.

gaya ng dati hiwahiwalay silang anim dalawang tao sa isang grupo.

"mukang matatagalan pa tayo sa lugar na to" sinabi ni fade sa mga kasama.

"mukang ganun na nga pero mukang may plano na si irvine" sagot ni tina kay fade.

napatingin sa kanya ang lahat dahil hindi nila talaga alam kung pano sila aalis sa lugar na ganon kung mabilis pa sa kanila ang mga puweding pumatay sa kanila.

"anong plano un" tanong ni archie kay tina.

"hindi ko pa alam pero mukang may kinalaman eto sa ginagawa ni krish" sagot ni tina sa tanong ni archie.

"teka ano ba ung ginagawa ni krish" tanong ni art kay tina.

"grabe na uubos ba sila" tanong ni lord kay irvine habang sunod sunod ang pag papatumba nila sa mga zombies.

hindi biro ang dami ng zombies sa huling floor ng mall dahil narin siguro eto ay ang sinehan ng mall.

tinaga ni irvine ang zombies na malapit kay lord.

"mag ingat ka hindi kita dinala dito para bantayan" seryoso na sinabi ni irvine kay lord.

natulala si lord dahil sa nalamang muntik na syang makagat ng zombies na nasa likod na nya buti nalang ay tinulungan sya ni irvine.

"mas madami ata sila dito" tanong ni ace kay leonard.

"hindi ko alam pero bakit dito tumakbo tong mga taon to" sagot ni leonard kay ace.

kaya binilisan ng dalawa ang pag patay sa mga zombies sa lugar na kinuha nilang linisin.

"ang dami naman nila" angal ni erich kay mephisto.

"wag kang mag alala ako bahala sayo" sagot ni mephisto habang tag iisang saksak sa nuo ang ginagawa ni mephisto.

habang si erich naman ay mula sa ilalim ang ginagawang pag patay sa mga zombies.

isang oras na ang lumipas at hindi parin ubos ang mga zombies sa huling floor ng mall.

pagod na ang lahat dahil sa dami ng zombies na napatay nilang anim.

kaya nag pasya silang mag sama sama na dahil mas ligtas ang pag sasama sama sa ganitong sitwasyon.

"ayus natapos ko rin" nakangiting sinabi ni krish sa sarili ng matapos ang IED na pinagagawa ni irvine.

isang remote trigger na IED ang pinagawa sa kanya ni irvine sa hindi rin alam ni krish na dahilan.

basta ang alam lang ni krish ay kailangan nyang gawin eto kung gusto nyang mabuhay.

lumipas pa ang isang oras at tuluyan ng naubos ang mga zombies sa huling floor ng mall.

"naubos din sila" hingal na sinabi ni irvine.

"oo nga akala ko wala na silang katapusan" dagdag pa ni erich.

habang si mephisto naman ay tumitingin ng bagong gloves sa isang sportware shop na nasa huling floor ng sinehan.

at si ace at leonard ay nakaupo at nag papahinga dahil sa dami ng zombies at sa pagod.

"teka may isa pa oh" sinabi ni lord sa mga kasama.

binunot ni ace ang kutsilyo nya pero inawat sya ni lord.

"akin na tong isang to" nakangising sinabi ni lord sa mga kasama.

kaya naman pinabayaan si lord ng mga kasama nya na gawin ang gusto nya.

palapit na si lord sa natitirang isang zombies binunot nya ang itak na para tigpasin ang ulo nito.

nagawang tigpasin ni lord ang ulo ng zombie na nakatayo sa harapan.

pero hindi nya inaasahang may isa pang zombie na lumabas mula sa isang sinehan at nakagat si lord sa mismong braso.

pinatay ni leonard ang zombies na nakagat sa braso ni lord.

"ang sakit grabe" angal ni lord.

nakaramdam ng takot si lord dahil hinahanda na ni irvine ang palakul at masama ang tingin sa kanya nito.

"teka irvine anung gagawin mo" takot na tanong ni lord kay irvine.

"papatayin ka" sagot ni irvine kay lord

"wag maawa ka wag" takot na sagot ni lord kay irvine.

naka angat na ang palakul ni irvine sa eri handa na etong tapusin ang buhay nya ng hawakan ni mephisto sa balikat.

tumingin si irvine kay sa umiiling na si mephisto at binaba ang palakul.

"gusto mong mabuhay" nakangiting tanong ni mephisto na sinagot ni lord ng pag tango.

"patingin nga ng kagat mo" nakangiti paring sinabi ni mephisto kay lord.

inangat ni lord ang kamay na merong kagat malapit eto sa kanang kamay ang kagat ng zombie.

"diba ang sabi mo gusto mong mabuhay" seryosong tanung ni mephisto kay lord.

"oo ayoko pang mamatay" sagot ni lord kay mephisto.

naging mabili ang pangyayari ang alam lang ni lord ay hinawakan ni mephisto ang katana at ang sumunod na ngyari ay ang pag baksak ng kanang kamay ni lord sa sahig ng mall.

mabilis namang ang naging reaksyon ni irvine at tinalian ng mahigpit ang braso ni lord.

at mabilis binuhat ni leonard at ace ang nawalang malay na si lord pababa kung nasaan si tina.

itutuloy...