1. Home
  2. Stories
  3. Dead of Time 3
Lagablab

Dead of Time 3

By Hunter ·

Dead of Time 3 - Irvine and Tina

nag pasya si irvine na isama si tina sa kanya dahil sa tapang ng babae ng hamunin sya nito ng eto ay takutin nya.

"aalis na tayo" sabi ni irvine kay tina na katatapos lang kumain ng binigay na pag kain ni irvine.

"saan tayo pupunta" tanong ni tina kay irivine.

napaisip si irvine sa tanong ni tina kaya naupo sya sa kama para mag isip.

tahimik na nag aayos si tina ng mga gagamitin nilang dalawa dinala lahat ng puweding pakinabangan at lahat ng puweding mainom.

"alam ko na" nakangiting sinabi ni irvine.

"ano? saan" tanong ni tine kay irvine.

"pupunta tayo kung nasan ang presidente" nakangiting sagot ni irvine kay tina,

"doon" gulat na tanong ni tina kay irvine.

"oo doon nga" nakangiting sagot ni irvine.

tumayo si irvine at binuksan ang pintuan pero nagulat sya ng sumilip sya sa may parting hagdan maraming zombie ang nandun.

mabilis at dahan dahan nyang sinara ang pinto.
"shit naloko na" nasabi ni irvine pag kasara ng pintuan.

"bakit anung ng yari" tanong ni tina kay irvine na nag tataka dahil bumalik ang kasama.

"napapalibutan tayo" sabi ni irvine kay tina.

"ano?" takot na tanongn i tina kay irvine.

"ang daming zombies sa labas" nakangiting sagot ni irvine.

sinilip ni tina at totoo nga ang daming zombie sa labas.

dahan dahan uli nilang sinara ang pinto ng kuwarto.

"anong gagawin natin" tanong ni tina kay irvine.

"teka nag iisip ako" sagot ni irvine kay tina.

napagiti si irvine sa naisip na plano na kinatuwa naman ni tina alam nyang hindi sya ipapahamak nito.

"anong gagawin natin" tanong ni tina kay irvine.

"ganito ang gagawin mo dadalin mo ang mga gamit natin at susunod ka sakin" sagot ni irvine kay tina.

kinuha ni irvine ang tubo na binigay kay tina at hinawakan ang palakul na matagal tagal narin nasakanya.

"handa kana ba" tanong ni irvine kay tina.

tumango lang ang babae na nag pangiti kay irvine.

"wag kang babagal bagal at ayoko na maiwan ka" nakangising bilin ni irvine kay tina.

pinabuksan nya ang pinto kay tina at nakangiting lumabas.

"its party time" sigaw ni irvine na tumawag ng atensyon ng mga zombie.

lumakad ng dahan dahan si irvine at nasa likod nya si tina.

mabagal ang pag lakad nilang dalawa habang palapit naman ang dalawang zombies sa kanila sasalubungin sila nila.

winasiwas ni irvine ang palakul na hawak ng kaliwang kamay nya sakto sa ulo ng zombie ito na nag pa bagsak dito at mula sa ilalim ay hinampas nya eto ng pataas na ang pa atras sa zombie na nasa kanan.

mabilis kinuka ni irvine ang palakul na nakabaon pa sa ulo ng zombie at muling ginamit sa isa pang zombie.

"ang galing" puri ni tina napa ngisi lang si irvine pero nalula sya ng makarating sila sa may hagdan at sinilip ang ground floor.

halos manginig naman ang tuhod ni tina ng makita ang dami ng zombie na nasa ground floor.

"shit naipit tayo dito" sabi ni irvine.

"oo nga pero pano sinara ko naman ung pinto kanina" sabi ni tina.

nag iisip si irvine ng makita nya ang isang bangkay na kinakain parin ng mga zombies.

"parang alam ko na kung pano" sagot ni irvine at napansin ni tina ang tinitignan nito.

may pumasok palang ibang tao sa hotel na kinaroroonan nila kaso mukang hindi na umabot at nahuli na eto.

napaisip si irvine dahil hindi sila makaka alis at hindi nya kaya ang ganito karaming zombies.

pagod na sya ay hindi pa nya makakalahati ang mga eto.


"tara babalik tayo sa kuwarto" inis na sinabi ni irvine kay tina.

wala ng nagawa ang babae kung hindi sumunod ng biglang may dumaang motor na lumikha ng matinding ingay.

hinatak ng ingay na toh ang mga zombie eto ang nakitang pag kakataon ni irvine at hinatak nya si tina papuntang kusina alam nyang may daan dito pa labas.

pag pasok nila ng kusina ay pulang pula ang paligid dahil sa dugo at merong nakakasukang amoy na bumabalot sa buong lugar.

kaya tinakip ni irvine ang isang panyo sa ilong ng dalaga.

hindi kita dahil sa panyong nakatakip sa muka nya pero namula ang dalaga sa ginawa ni irvine.

napaisip naman si tina dahil mula ng pumasok sila sa kusina ay hindi pa binibitawan ng binata ang kanyang kamay.

nag lalakad sila papunta sa pintuan ng mapansin ni tina ang isang lumang model ng butcher knife.

bumitaw si tina sa pag kakahawak ni irvine para kunin ang nakita at maibigay kay irvine.

napansin eto ni irvine at agad pinigilan ang dalaga.

"wag tumingin ka sa baba" sabi ni irvine kay tina.

nagulat si tina ng makita nyang isang zombie walang paa pero buhay pa eto kaya pinigilan ni irvine si tina.

pinalakul ni irvine ang ulo ng zombie at tsaka hinayaang kunin ni tina ang gusto nitong kunin.

kinuha ni tina ang isang old model na butcher knife at inabot kay irvine.

"gamitin mo" hindi man kita ay nakangiting inabot ni tina kay irvine ang nakuhang magagamit na sandata.

"hmmm maganda toh sigurado ka" nakangising tanong ni irvine.

"oo gamitin mo" sagot ni tina inabot naman sa kanya ung tubo na ginamit kanina.

"hawakan mo muna palo mo narin sa zombie kung kinakailanga basta sa ulo lang ang palo" bilin ni irvine at sabay tabi ng palakul at ung binigay ni tina na butcher knife,

ilang minuto pa ay nakalabas na sila ng hotel gamit ang pinto mula sa kusina.

merong apat na zombie ang nakatayo sa may nagiisang daan kaya binitawan ni irvine ang kamay ni tina at hinanda ang gagamitin para patayin ang nakaharang.

tigpas ang ulo ng unang zombie na nalapitan ni irvine dahil sa bagong sandata ng gamit gamit nya.

mabilis bumagsak ang apat na zombie putol lahat ang ulo ng mga eto.

"wow ang galing mo" puri ni tina kay irvine pero hinihingal na ang binata.

napansin eto ni tina kaya hindi nya naiwasang mag tanong.

"mukang napagod kana" alalang tanong ni tina kay irvine.

"okay lang ako tara humanap tayo ng kotse na magagamit" hingal na sinabi ni irvine kay tina.

inisa isa nila ang bawat kotse na nakita nila at sa pang anim na kotse ay nahanap nila ang puwede nilang magamit isang malaking van nakasaksak ang susi halatang balak gamitin ng may ari pero mukang nahuli na ang lahat.

"sumakay kana" utos ni irvine kay tina.

"teka marunong ka bang mag drive" tanong ni tina kay irvine.

napaisip si irvine at naalala na hindi pala sya marunong mag drive.

"patay tayo jan hindi" sagot ni irvine kay tina.

"ako oo kaso student license palang ang meron ako" nahihiyang pag mamalaki ni tina.

sinigurado muna ni irvine na walang zombie at pinasakay nya si tina sa driver side ng kotse.

sumakay sya sa tabi nito at nilagay ang bag sa likod.

pinaandar na ni tina ang kotse.

habang umaandar ay tinignan ni tina ang gasolina at napangiti sya ng makitang fulltank eto.

"kung sinusuwerte ba naman talaga tayo" sabi ni tina.

"bakit" takang tanong ni irvine.

"full tank ung kotse na toh" sagot ni tina kay irvine.

nag tawanan sila habang umaandar ang kotse.

dahil alam nilang ligtas sila ngayong habang umaandar ang kotse at magiging ligtas sila hanggat malalagyan nila ng gas eto.

habang nag mamaniho sila ay may nadaanan silang isang maliit na sari sari store may tatlong zombie's pero walang tao at maraming laman ang tindahan.

"ihinto mo tina" utos ni irvine kay tina.

"bakit" tanong nito kay tina.

"mag shoshoping tayo" nakangiting sagot ni irvine kinuha nya ang palakul pinabalik nya ang kotsing gamit nila.

bumaba si irvine sa kotse at mabilis nyang pinalakul ang isa sa zombies sa mismong ulo nito.

pero nagulat si irvine ng biglang bumagsak din ang isa sa zombie na dapat sya rin ang papatay.

pero mabilis nyang sinunod ang huling zombie na natitira hindi muna pinansin ang kusang bumagsak na zombie.

"Irvine sa likod mo" sigaw ni tina sa kasamang lalaki.

may kasamang pag wasiwas ng palakul ang pag lingon ni irvine.

pero sablay ang ginawa nya dahil naharang eto ng lalaking nag pa tumba sa isa sa tatlong zombie na dapat sya ang papatay.

nag ka titigan sila mata sa mata walang kumukurap walang gustong mag patalo sa sukatan ng lakas at tapang.

pero napansin ni irvine na may kasama ang lalaki isang babae na may hawak na bag at isang baril.

"sino ka anong kilangan mo" tanong ni irvine sa lalaki.

ngumiti ang lalaki at tinabi ang hawak nitong espadang gawa sa kahoy.

dito lang napansin ni irvine ang katana na dala ng lalaki alam nyang kaya syang tapusin nito kanina kung gugustuhin nya.

kaya napa ngiti si irvine at muling tinitigan ang nakangiting lalaki habang pinalalapit ang kasama niton babae.

at ng makalapit ang kasama nitong babae ay muli syang tinignan nito ng mata sa mata.

itutuloy....