1. Home
  2. Stories
  3. Dead of Time 35
Lagablab

Dead of Time 35

By Hunter ·

Dead of Time 35 - Deep Trouble 1 Ace and Lord

pinasabog ni irvine ang mga IED na tinanim ni mephisto at naging mabilis ang pag andar ng sinasakyan nilang sasakyan.
nakarating ang grupo sa lugar kung nasaan ang helicopter.

mabilis nilinis ni irvine at mephisto ang mga zombies na malapit sa helicopter para mabilis makasakay si archie sa loob ng helicopter.

"sinong mag papalipad nito" tanong ni irvine sa mga kasama.

"ako ang mag papalipad marunong ako mag palipad nyan" sagot ni art kay irvine.

kaya agad sinakay ni fade at leonard ang sugatang si archie at sumakay rin agad si tina.

pati si art ay sumakay sa helicopter para pag handaan ang pag alis nilang lahat.

"art isara mo ang pintuan" utos ni irvine kay art dahil nakita nya ang isang halimaw na may sungay sa likuran ang Arms na nag mutate naka tingin sa kanilang lahat.

apat palang ang naka sakay sa helicopter si art si tina at si archie kasama si fade ang naka sakay ng isara ni art ang pintuan ng helicopter.

"mga kasama takbo" sigaw ni irvine ng mapansin nya ang di mabilang na zombies ang naka pasok na kung nasaan ang helicopter.

nag ka hiwa hiwalay ang grupo si lord at si ace ang mag kasamang tumakbo pa puntang kanan.

si leonard at si krish naman ay tumakbo pa puntang kaliwa.

si erich at irvine ang mag kasama pa puntang kanan pero sa ibang lugar sa kanan sila tumakbo.

si francine at si zychelle ang mag kasamang tumakbo ng pa diretso.

si mephisto tumakbo palapit sa halimaw na nakatayo sa itaas ng building.

mabilis ang naging pag takbo ni ace at lord at habang tumatakbo ay pinapatay nila ang mga zombies na nakakasalubong nilang dalawa.

"lord dito" sinabi ni ace kay lord ng bigla etong pumasok sa isang pintuan.

sumunod si lord kay ace hingal na umupo ang dalawa sa sahig dahil sa napagod sila sa ginawa nilang pag takbo hindi nila alam kung anong gagawin.

sa likod ng pintuang sinasandalan nila ay hindi mabilang na zombies ang nag aantay para kainin sila sa oras na bumukas ang pintuan.

"mukang kung kilan paalis na tayo tsaka pa tayo mamatay" nakangiting sinabi ni ace kay lord.

"wala akong balak mamatay sa lugar na to" sagot ni lord kay ace habang hinahanda ang kamay na nakuha nya sa kahon.

"teka ano bang ginagawa mo" tanong ni ace kay lord na kinagabit ang bagong braso na nakuha nya mula sa kahon.

"tatakas ako dito dahil ayoko pang mamatay sa lugar na eto hindi dito hindi sa ganitong paraan" sagot ni lord kay ace.

ngayon ay natauhan na dahil tama si lord mali ang inaasal nyang matakot na lumaban at isipin nalang ang kamatayan.

"ano mag papakamatay ka nalang ba o tutulong ka sakin" tanong ni lord kay ace habang inaayos ang nakuha nya sa kahon.

"teka ano ba yang nakuha mo sa kahon" tanong ni ace kay lord na nag simula ng tulungan si lord sa ginagawa nya.

hindi sumagot si lord sa tanong ni ace dahil wala ng oras para mag paliwanag si lord kung ayaw nilang mamatay kailangan nilang bilisan ang pag ayos sa nakuha ni lord.

natapos nilang ayosin ang nakuha ni lord sa kahon at dito nila nakita na isa pala etong rocket luncher na puweding ikabit sa ginawang kabitan ng itak ni krish na nag sisilbing kamay ni lord.

"teka ilan naman ang bala nyan" tanong ni ace kay lord.

dito pinakita ni lord na meron apat na bala ang nakuha ni lord sa kahon.

"astig" nasabi ni lord sa sarili dahil sa bagong puweding ikabit sa kamay nya.

"astig nga ang problema madadamay tayo sa pag sabog" sagot ni ace kay lord.

dito lang na pansin ng dalawa na nasa storage room pala sila nakapasok maraming gamit ang nasa storage na napasok nila iba ibang gamit ang nandito.

"gagawa tayo ng pang proteksyon satin" sagot ni lord kay ace.

"pero pano" tanong ni ace kay lord nakaharang parin sila sa pintuan.

"tumingin ka sa paligid mo" sagot ni lord kay ace.

ngayon ay nakuha na ni ace ang ibig sabihin ni lord na gumawa ng pang proteksyon.

kaya tumayo si ace atnag simulang gumawa ng gagamitin nilang pang proteksyon para sa pag sabog ng rocketluncher na kamay ni lord.

mabilis ang naging pag gawa ni ace ng proteksyon na gagamitin nila hindi nila alam kung kakayanin nito ang magiging pag sabog pero ang gusto lang nila ay mabuhay.

agad pumuwesto si lord at ace sa likod ng ginawang proteksyon ni ace.

nag katinginan ang dalawa at sabay nag dasal na sana mabuhay sila sa magiging pag sabog sa pamamagitan ng ginawa ni ace.

"handa kana" tanong ni ace kay lord sabay tutok ng sniper sa doorknob at ng tumango si lord bilang sagot sa tanong nya ay pinaputok ni ace ang sniper rifle na naging dahilan ng pag bukas ng naka lock na pintuan.

"ngayon na" sigaw ni lord ng makita ang mabilis na pag pasok ng mga zombies sa loob ng storage kung nasaan sila.

pinaputok ni lord ang rocket luncher at ng tumama eto sa zombie ay naging malakas ang ginawa nitong pag sagot.

"AAAAAAAAAAAAAAAHHH!" sigaw ni lord dahil sa sakit na naramdaman sa ginawang pag gamit sa nakuha nya sa kahon.

alam ni ace na naging masakit ang pag gamit ni lord sa bagong sandata nya pero dahil dito ay ligtas sila ngayon at makakabalik ng buhay sa helicopter.

agad kinuha ni ace ang mga bala ng rocket luncher ni lord at inalalayan si lord para makatayo.

ubos ang lahat ng zombies sa lakas ng pag sabog na sanhi ng rocketluncher ni lord kaya naman alam ni ace na eto na ang pag kakataon nilang makaalis sa storage room na eto.

tumayo si lord sa tulong ni ace kahit masakit pa ang braso nya ay pinilit ni lord na tiisin ang sakit para makabalik sila sa helicopter.

mabilis ang ginawang pag takbo ni lord at ace pero hindi pa sila nakakalayo sa pinag taguan nila ay hinarang sila ng cleaning hound.

"inaasar mo ba talaga kami" tanong ni lord na nag titiis parin sa sakit na gawa ng unang pag gamit nya sa bagong kamay.

mutated ang hound na humarang sa dalawa hindi normal ang laki nito kaya naman ang bagal nitong kumilos.

alam ng dalawang hindi sila mabubuhay kung lalabanan nila ang malaking hound pero nag handa si lord ng bala.

kung sakaling mapilitan silang harapin ang malaking halimaw.

tinuloy ng dalawa ang pag takbo palayo sa malaking halimaw mabilis ang palayo ng dalawa sa malaking halimaw.

kitang kita ng dalawa ang pag habol ng halimaw sa kanilang dalawa mabagal man pero dahil sa laki nito ay mabilis parin silang nahahabol nito.

pero isang bagay ang tumigil sa pag galaw ng humahabol na halimaw sa dalawa at ng lingunin ni ace at lord isang malaking bakal na hugis cross ang nakatusok sa likod ng halimaw.

nag tataka si lord at ace kung saan galing ang bakal na eto na tumusok sa halimaw na humahabol sa kanilang dalawa.

ay napatakbo sila ng makila ang nasa gitna ng bakal na cross ay may naka tanim na C4 at hindi lang isa ang nakita ni ace at lord kung hindi anim na mag kakadikit na C4.

mabilis ang naging pag takbo ni ace at lord palayo sa malaking halimaw at ng matantya ni ace na malapit ng sumabog ang bomba ay mabilis nyang binuksan ang pintuan na pinaka malapit sa kanila.

pumasok sila sa unang pintuang nabuksan ni ace at dipa nila nasasara ang pintuan ay sumabog na ang mga C4 na nakatanim sa halimaw.

malakas ang naging pag sabog tanda nito ay ang biglang pag sara ng pintuan ng kwartong pinasok nila.

"muntik na tayo dun" sinabi ni ace kay lord.

"oo nga buti nalang may bumukas na pintuan" sagot ni lord kay ace.

hingal na hingal ang dalawa sa ginawang pag takbo kaya napag pasyahan nilang mag pahinga muna sa loob kahit na ilang minuto lang.

ilang minutong nag pahinga ang dalawa sa loob ng kwarto.

ng makapag pahinga ay lumabas sila ng kuwarto pinalitan ni lord ng itak ang rocket luncher na gamit nya kanina.

dahan dahan ang ginawang pag balik ni lord at ace sa helicopter dahil sa umiwas silang may makasalubong na zombie.

walang tao sa paligid ng helicopter at unti lang ang zombies na naka palibot dito kaya naman madali silang naka balik at naubos nilang dalawa ang zombies na naka palibot sa helicopter.

kumatok ang dalawa sa helicopter sinilip muna sila ni art bago binuksan ang pintuan ng helicopter.

ng makitang si lord at ace ang nasa labas ay binuksan ni art ang pintuan ng helicopter para makasakay ang dalawa sa helicopter.

"kamusta nasan na ung iba" tanong ni tina kay ace.

"hindi ko alam nag ka hiwa hiwalay kaming lahat" sagot ni lord kay tina.

"hindi na namin nakita kung saan sila tumakbo" dagdag ni ace sa sagot ni lord.

natahimik ang lahat dahil lahat sila ay umaasang makaligtas sa pag punta nila sa lugar na eto.

"mag antay nalang tayo sa pag balik nilang lahat" sinabi ni archie sa mga kasama nya sa helicopter.

"takbo bilisan mo" sigaw ni leonard kay krish habang tumatakbo sila palayo sa mga zombies na aso na kanina pa sila hinahabol.

"napapagod na ako" sagot ni krish kay leonard na pilit paring tumatakbo para makalayo sa mga zombies na aso.

kumuha ng bomba si leonard sa bulsa nya isang granade na tinatabi nya kung sakaling kailanganin ay gagamitin nya.

mag hahandana sana si leonard na ibato ang granade na tinatabi nya ng may sumabog mula sa likuran nila.

isang IED na naka kabit sa kamay ng zombie na napulot ni krish kanina ng tumakbi sila palayo sa helicopter.

nag bukas ng pintuan si leonard at hinatak nya si krish papasok sa loob ng kwarto para makapag pahinga kahit na sandali.

sa loob ng kuwarto ay may isang zombie na mabilis napatay ni leonard gamit ang combat knife na dati pa nya dala dala.

hingal na hingal ang dalawa na umupo sa sahig nag iisip ng paraan kung pano makakabalik sa helicopter.

natatakot na bakaiwanan sila ng mga kasama nila at umalis ng wala silang dalawa ng hindi nila alam ay isang pares palang ang nakakabalik sa helicopter.

"RAAAAWWR" malakas na sigaw mula sa labas ng pintuan kung saan sila pumasok tila galing sa isang malaking halimaw na nag aabang ng pag bukas ng pintuan.

itutuloy...