1. Home
  2. Stories
  3. Dead of Time 6
Lagablab

Dead of Time 6

By Hunter ·

Dead of Time - A Group or not?

"wag kayong mag papaputok" sigaw ng bumabang lalaki na nakataas ang kamay.

binaba ni mephisto ang baril nya at binalik kay erich pero imbes na ibalik ni irvine ang baril sa lalagyan nito ay mabilis nyang binunot ang isa pang baril at tinutukan si mephisto.

"sino ka" tanong ni irvine kay mephisto.

"relax ka lang" sagot ni mephisto kay irvine.

"sino ka" tanong ulit ni irvine kay mephisto.

"Mephisto tol si erich ung kasama kung babae" pakilala ni mephisto.

"hoy ikaw sino ka" tanong ni irvine kay fade.

"wag kang mag papaputok ako nga pala si fade eto si krish si Ry si Archie at si Zychelle" pakilala ni fade sa sarili at sa mga kasama.

"puwede paki baba nalang ung baril baka mangalay ka makalabit mo pa yan" pakiusap ni mephisto kay irvine.

nagulat si irvine sa sinabi ni mephisto at binalik ang dalawang baril sa lalagyan nito.

lumapit sa kanila ang limang tao na nakasakay sa bus.

"ano bang ginagawa nyo dito sa gitna ng daan" tanong ni fade.

"kukuha lang kami ng pagkain" sagot ni irvine kay fade.

"kami napadaan lang" sagot ni mephisto kay fade.

"bakit kayo mag papatayan kung napadaan lang at kukuha lang pala kayo ng pag kain" tanong ni krish sa dalawa.

hindi sumagot ang dalawa si mephisto ay pumunta na sa motor para umalis at si irvine naman ay pumunta sa tindahan para kumuha ng makakain.

"teka mephisto baka gusto nyong sumama nalang samin" alok ni fade kay mephisto.

tinignan ni mephisto si erich na parang nag tatanong dito.

"ano gusto mo bang sumama sa kanila" tanong ni mephisto kay erich.

"puweding pag isipan muna" tanong ni erich.

tumingin si mephisto kay fade at naintindihan eto ni fade.

"sige antayin ko ung sagot nyo kakausapin ko lang ung isa" sagot ni fade sa dalawa.

lumapit si fade kay irvine para mag pakilala at alok ang parehong bagay na inalok nya kay mephisto.

"ah puwede bang makipag kilala" tanong ni fade kay irvine.

"irvine ang pangalan ko si tina naman ung kasama ko" sagot ni irvine ng hindi humaharap kay fade.

"baka gusto nyong sumama samin irvine" tanong ni fade kay irvine.

"mukang maganda ang inaalok mo pero may rules ako" sagot ni irvine.

"teka ano ung rules mo" tanong ni fade.

"ganito un ang rules ko ay pag may nasugatan sa kasama natin kung sakaling sumama ako sa inyo ang gusto ko iwanan na natin sya" sagot ni irvine kay fade.

"pero kung hindi eto sugat na gawa ng zombie ang sugat nya puwede natin syang isama" dagdag pa nito sa sagot nya kay fade.

napaisip si fade sa gusto ni irvine may point ang lalaki at magiging malaking tulong sa kanila eto kung sakaling sumama eto.

"puwede ko bang sabihin muna sa mga kasama ko ang gusto mo" sagot ni fade kay irvine.

"sige lang 5 minutes" sagot ni irvine kay fade.

lumapit si fade sa mga kasama nya sa bus at sinabi ang pinag usapan nila ni irvine.

"guys gusto kong isama satin ung lalaking nakasakay sa van at ung kasama nya pati ung dalawang naka motor" pag bungad ni fade sa mga kasama.

"kaso may kundesyon si irvine" dagdag pa ni fade.

"ano naman un" tanong ni archie kay fade.

"ganito un" sagot ni fade at pinaliwanag ang kundisyon ni irvine.

"tama sya dapat iwanan ang nasugatan ng zombies dahil magiging ganun din sila" pag sang ayon ni krish.

"sira ulo ba sya ano papayag ka fade" galit na tanong ni archie.

"sa tingin ko tama si irvine dun dahil kitang kita naman natin diba ry" sagot ni zychelle kay archie.

"oo kitang kita namin kung pano maging zombie ung mga taong nakakagat ng o nakakalmot ng zombies" dagdag pa ni Ry.

"mga baliw ba kayong apat" tanong ni archie.

"hindi sila baliw archie" sagot ni irvine na papalapit sa kanilang lima.

"anong sabi mo" galit na tanong ni archie kay irvine.

susuntukin nya sana si irvine pero mabilis ang naging pag kilos ni irvine at nabigyan si archie ng suntok sa sekmura ni irvine.

malakas ang naging suntok ni irvine kaya napa luhod si archie sa sakit na naramdaman nya mula sa suntok ni irvine.

sisipain pa sana ni irvine si archie ng bigla syang awatin ni mephisto mula sa likod.

"oops tol cool ka lang tao yan di zombie" pag awat ni mephisto kay irvine habang naka yakap si mephisto sa kanya.

"bitawan mo ko" utos ni irvine.

"ano para patayin mo sa gulpi si archie" sagot ni mephisto kay irvine.

huminto sa pag piglas ni irvine akala ni mephisto ay humupa na ang galit nito kaya dahan dahan nya etong pinakawalan.

pero nagulat si mephisto ng bigla sya nitong suntukin sa muka buti nalang ay mabilis na nakaiwas si mephisto sa suntok ni irvine.

gumanti naman ng suntok si mephisto pero nasalag eto ni irvine at nagulat ang lahat ng mag tawanan ang dalawa.

"alam mo gusto kita mag kakasundo tayo" sabi ni irvine kay mephisto.

"muka nga ano sasama ba kayo ni" tanong ni mephisto kay irvine.

"tina ang pangalan ng kasama ko" pakilala ni irvine kay tina sa bago nilang makakasama.

"bakit" tanong tina kay irvine.

"sasama tayo sa kanila para makapag pahinga tayo ng maayos at mukang maluwang ung bus nila" sabi ni irvine kay tina.

"ikaw ang bahala basta susunod lang ako sayo" sagot ni tina kay irvine.

pumunta si tina sa van para kunin ang mga gamit nila sumunod si irvine para tulungan eto.

"fade sasama rin kami sa inyo pero isa lang ang hiling namin" sinabi ni mephisto kay fade.

"ano un?" tanong ni fade kay mephisto.

"puwede ba nating dalin ung motor namin" sagot ni erich sa tanong ni fade.

napaisip si fade sa hiling ng dalawa mukang mas madali kisa sa hiningi ni irvine.

"sige puwede pero saan natin ilalagay yang motor nyo" tanong ni fade kay mephisto.

napaisip si mephisto pero napangiti sya ng makita ang lubid na nasa loob ng tindahan.

kinuha nya eto at dinala ang motor sa likod ng bus at tinali sa bintana.

habang nag tatali si mephisto at erich ng motor sa bintana ay tinulungan naman ni fade si archie na makasakay sa bus.

ilang minuto lang ang lumipas ay natapos si mephisto at erich sa pag tatali ng motor sa likod ng bus.

sumakay na silang dalawa sa bus para makaalis na sa lugar na un.

kalahatin oras na sila sa byahe ng maisipan ni tina na mag tanong tanong sa mga tao sa bus.

"puweding mag tanong" tanong ni tina kay zychelle.

"oo naman ano un" sagot ni zychelle.

"pano kayo nag kasama sama" tanong ni tina.

"tinulungan namin silang tatlo" sabat na sagot ni krish.

"tama tinulungan kami nila fade" sagot ni ry.

"ah ganun ba eh kayo miss" tanong ni tina kay erich.

"ah erich nalang ah..." sagot ni erich sa hindi pa kilalang kausap.

"tina nice to meet you erich" sagot tina kay erich.

"ah nice to meet you too tina" sagot naman ni erich kay tina.

"pano kayo nag kakilala ni mephisto" tanong ni tina kay erich.

namula ang pisngi ni erich ng maalala ang unang pakikita nila ni mephisto.

"bakit ka namumula siguro romantic noh" pang asar ni zychelle kay erich.

"hindi ah nahihiya lang ako kasi ng una kaming mag kakilala kalam ng sekmura ang binungad ko sa kanya" paliwanag ni erich.

tulog si mephisto ng mga oras na un dahil narin siguro sa ilang araw na etong walang tulog di gaya ni irvine na nakakatulog.

pero sa hindi malamang kadahilan ay tulog rin si irvine.

nag tawanan ang apat ng malaman ang dahilan ng pamumula ng muka ni erich.

si fade at si archie ang mag kasama sa harap ng bus pero pasimple na nakikinig sa usapan ng mga kasama.

masayang nag mamaniho si fade pero habang si archie naman ay tulog sa katabing upuan ng driver.

ang akala ng lahat ay magiging matagal pa ang pag papahinga nila pero nag kamali sila ng pumasok sila sa isang kilalang lugar.

masaya pa ang ibang gising na tao sa likod ng bus ng bigla etong huminto.

"bakit ka huminto fade" tanong ni krish sabay tayo sa upuan at lapit dito.

"sssshh wag kang maingay tignan mo un" sabi ni fade kay krish natulala eto sa nakita ng buksan ni fade ang ilaw.

ang daming zombies ang nasa harap nila ngayon walang dadaanan ang sasakyan.

lumapit pa si zychelle at ry sa harap dahil sa nakitang pag ka tulala ni krish.

kahit sila ay natulala sa nakitang maraming bilang ng zombies na nakaharang sa daan.

"anong gagawin natin" tanong ni zychelle kay fade.

"hindi ko rin alam" sagot nito sa tanong ng dalaga.

napansin ni erich at ni tina na parang nag karoon ng problema sa harap dahil hindi na bumalik ang mga kausap nila.

"mephisto gising" pag gising ni erich kay mephisto na masarap ang pag kakatulog.

"ha? bakit" tanong nito kay erich sabay hikab.

"may problema ata tayo" sagot ni erich sa tanong ni mephisto.

tumayo si mephisto para silipin ang problemang sinasabi ni erich.

nagulat rin si mephisto ng makita ang dami ng zombie na nakaharang sa daan nila.

"wag kayong gagawa ng ingay fade patayin mo ung ilaw" utos ni mephisto kay fade at sa iba pa.

"tama si mephisto wag kayong gagawa ng kahit na anung ingay kung gusto nyo pang mabuhay" pag sang ayon ni irvine.

nagulat ang lahat dahil ang alam nila ay tulog si irvine.

napangiti naman si mephisto at tinignan si irvine.

"ang galing mo talaga" nakangiting papuri ni mephisto kay irvine.

"ikaw rin biruin mo alam mo un" sagot na papuri rin ni irvine kay mephisto.

"mabuti pa matulog nalang tayo bukas wala na yang mga yan" utos ni irvine sa mga kasama.

"oo kasama ka dun" dagdag pa ni irvine ng matapat sa kinauupuan ni archie.

pinuntahan ni mephisto ang pinto ng bus at nilagyan eto ng harang parahindi mabuksan ng zombies kung sakaling lumakad na ang mga eto.

sinunod ng lahat ang payo ng dalawa pinatay ni fade ang ilaw at pumuwesto ng higa sa isa sa mga upuan.

nag dasal ang lahat na sana tama ang dalawa na mawawala rin ang mga zombies na nakaharang sa daan bukas ng umaga.

lahat sila ay naging mababaw ang tulog pero si mephisto at irvine ay tulog na tulog katabi nila si tina at erich na panatag rin na natutulog dahil sa tiwala sa dalawang nakasama nila ng solo.


itutuloy...