1. Home
  2. Stories
  3. Elegante Pt. 2
Lagablab

Elegante Pt. 2

By inhiny_ero ·

May dalawang okasyon na dinaluhan si Ryan at ang kanyang ina pero hindi niya nakita si Karen. Nalungkot pero lalong nanabik ng husto si Ryan at gustong gusto niyang makita muli si Karen. Gusto niya makilala ng husto ang pagkatao ng simple at eleganteng babae.

Sa sumunod na okasyon na pinuntahan nila Ryan at ng kanyang ina ay isang birthday party ng kumare ng kanyang ina. Malapalasyo ang bahay at maraming paintings at iba't ibang koleksyon ng mga antique na naka display sa buong kabahayan nito.

Muli nasa isang tabi si Ryan, marahang umiinom ng alak para magpalipas ng oras. May kumalabit sa kanya, nilingon niya ito at medyo nasorpresa ng makita si Karen at ang asawa nito. "Hi Ryan meet my husband Noel. Noel this is Ryan."

Nagkamayan si Ryan at Noel.

Pinagmasdan ni Ryan ang kinakamayan. Matangkad at malayo siguro ang agwat ng edad sa kanya dahil sa mga puting buhok nito sa gilid. Mahigpit itong kumamay, malamang negosyante o abogado naisip niya.

"Noel Ferrer, Nice to meet you." ... "Ikaw din Noel, good to meet you."

Naglakad sila sa mga hilera ng painting. Napatigil ang mag asawang Noel at Karen, tinignan mabuti at hinangaan. Nagpakita kunwari ng interes si Ryan, sirang istraktura ng isang tulay at building ang painting. Pagkatapos maihambing ang detalye ng painting sa kaalaman niya sa engineering ay nakapalagayan niya ng loob si Noel at kita niya ang pagkatuwa ni Karen.

"Ubos na ata ang iniinom mo Ryan, gusto mo pa ba." ... "Ah eh mamaya na Noel at ako na lang ang kukuha." ... "No its okay Ryan, paubos na din itong inumin ko at balak ko na kasing kumuha."

"If it is okay with you Noel." Sabay inabot ni Ryan ang baso niya kay Noel. Naiwan si Ryan kasama si Karen.

"Lagi ba kayong magkasama ni Noel kapag may okasyon o mga pagtitipon."

"Dapat lagi kaming magkasama pero depende kung may business trip siya. Kapag wala siya ay kailangan ko pa ding pumunta na mag isa sa mga ganitong okasyon para maibalita sa kanya ang mga detalye at mga nangyari."

"Hmmmm"

"Bakit mo naman natanong Ryan." may kapilyahan ang ngiti ni Karen.

"Wala lang, curious only."

*****

Natatawa ang ina ni Ryan dahil sa ipinapakitang pagmamadali niyang makapasok silang mag ina sa isang gallery ng gabing yun.

"Ano ba at nagmamadali ka iho. Hindi ka naman ganyan dati. Ngayon with a smile ka pa ha eh dati hindi maipinta ang iyong mukha kapag sasamahan mo ako."

"Times changed mom."

Pagkapasok sa gallery gaya ng dati ay maghihiwalay na silang mag ina. Si Ryan ngayon ay hindi na sa isang sulok pumuwesto. Sa isang lugar siya pumuwesto na kita nya ang lahat ng tao sa loob ng gallery.

Hindi naman siya naghintay ng matagal. Namataan na niya ang kanyang pinakahihintay na tao. Marahan siyang lumakad tungo sa kinatatayuan ni Karen mula sa likuran nito at tamang tama lang na natapos na ang pakikipag usap nito sa isang bisita din.

"Hi there."

Dahan dahan at pino ang pag galaw na pag ikot niya. Muli ang kanyang nakakahalinang ngiti na nagbibigay ng dagdag liwanag sa buong gallery. "Hello Ryan, kumusta ka?"

"Naisip ko na makikita kita dito ngayong gabi."

"Talaga lang ha." may halong pabiro na pagkutya na dinig sa boses ni Karen. "At inaasahan mo na siguradong makikita mo ako dito."

Namula ang mukha ni Ryan. Dahil sa sinabi ni Karen at ang ngiting lalong nagpatingkad sa kaakit akit na kagandahan nito. "Uh oo, ibig kong sabihin, oo siympre."

Lumiit ang ngiti sa labi ni Karen at marahang sinuklay ang konting buhok na tumatakip sa isang mata nito at inilagay sa likod ng tainga. "Namula ka na naman Ryan, palagay ko lagi na lang kitang naipapahiya sa mga sinasabi ko, hihihi."

"Ah hindi naman." Tinungga ni Ryan ang kanyang inumin.

Ininom din ni Karen ang natitirang inumin sa baso niya.

"Maari ba kitang ikuha na isa pang inumin?" Kita sa mata ni Ryan ang pagsusumamo

"Salamat, ngunit tingin ko, hindi. Ako ay paalis na din."

Ngumuso kunwari si Ryan, at ginawa pa niyang maging mapanukso ang nguso. "Kaagad na? Sa lalong madaling panahon?"

"So sorry pero, oo kailangan ko ng umalis Ryan. Si Noel parating na ang flight ilang minuto mula ngayon at sinabi ko na aalis ako sa gallery para parehong oras kami makarating sa aming bahay."

"Awww wrong timing para sa akin, pwedeng consolation prize ... ummhh pwede kong makuha ang phone number mo Karen?"

Isang matamis at nakakahalinang ngiti ang nasilayan sa labi ni Karen. "Gusto mo sabayan mo ako hanggang sa parking, nandoon ang calling card ko, hindi ko din kabisado ang numero ng cellphone ko kasi."

"Sure, siyempre." ang hindi maitagong pagkasabik sa boses ni Ryan.

Lalakad na sana silang palabas ng marinig ni Ryan ang pagtawag sa kanya ng ina. "Iho, you can go ahead, may pupuntahan pa kami nila mareng Suzie at sila na daw ang bahalang maghatid sa akin pauwi."

Hindi napansin ni Ryan ang patagong pag ngiti ni Karen dahil nasa likuran niya ito. "Ah okay mom, take care."

*****

Sa parking lot, pinindot ni Karen ang remote para maalis ang pagka lock pinto ng kotse niyang Mercedes Benz. Nakangiti lang si Ryan, sobrang elegante pala ng babaeng ito naisip niya.

Ipinagbukas ni Ryan ng pinto si Karen. Pumasok at dahan dahang naupo ang babae, hindi napansin na bumuka na ng husto ang slit sa gilid ng damit na nagpalitaw sa malaking parte ng kanyang maputing hita. Napatingin si Ryan at alam din ni Karen yun. Hinayaan niya lang dahil hindi naman niya talaga inaayos pa ang damit niya kung nasa loob na siya ng sasakyan.

"Eto na ang tignan mo Ryan ang calling card ko." Alam ni Ryan na siguradong namula na naman ang mukha nya dahil sa pang aalaska ni Karen. "Hihihi, palagay ko blushing ka na naman dahil sa sinabi ko Ryan."

"Ah hindi naman, nakakaakit kaya na magnet akong tignan." ... "Sus bolero ka din pala gaya ng asawa ko." Nagkatawanan sila.

Nagpaandar na ng sasakyan si Karen. Binabasa ni Ryan ang nakatala sa calling card "Eh teka Karen, Tagaytay ang address mo. Ibig sabihin ay uuwi ka pa ng Tagaytay eh halos alas nuwebe na ng gabi at mukhang bubuhos ang malakas na ulan."

"Eh saan mo naman ako balak patulugin kung hindi ako uuwi Mr. Ryan." ang ngiti ni Karen ay kaakit akit.

Biglang napakamot ang ulo ni Ryan sabay ngiti din ... "ah eh"

"Hay Ryan, baka napahiya ka na naman ... okay, napag isip ko tama ka. Late na at delikado din magbiyahe kung malakas ang ulan. Tell you what, sundan mo ako ... I think marami kang gusto sabihin sa akin."

*****

Sinusian ni Karen ang pinto ng isang unit sa isang kilalang building ng mga condo. Pumasok silang dalawa.

"Condo unit niyo ito?" mahinang tanong ni Ryan.

"Ahhhh investment sana sabi ni Noel pero mukhang walang akong balak ipagbili. Para may matutuluyan katulad ng mga ganitong situwasyon o gusto naming mag weekend dito sa Manila."

Napataas ang kilay ni Ryan at napahalakhak si Karen. "Alam ko, mukhang luho na lang ito, pero na in love ako sa lugar at sa view na makikita sa balkonahe at sa mga kuwarto."

"Gusto mo ng maiinom Ryan?"

"Anong inumin meron ka?"

Ngumiti ng malambing si Karen at tumalikod at lumakad tungo sa kusina. "Titignan ko, balik ako agad."

Gumala ng marahan sa sala si Ryan, tinitignan ang iba't ibang painting na nakapalibot. Pati mga antique na display sa iba't ibang lugar ng sala at ibang parte ng unit. Napatigil sya sa tapat ng bintana at nakita nya din ang magandang view na sinasabi ni Karen. Pucha, hindi odinaryong collector ang mag asawa na ito, para sa akin sobrang kaluhuan na ito nabanggit ni Ryan sa sarili. Sabagay kung sobra sobra ang pera nila ay bakit hindi.

Narinig nya ang tunog ng takong ng sapatos ni Karen na palapit sa kanya. Lumingon sya at nakitang may dalang bote at dalawang baso ito. "Margarita lang available, yung susi ng cabinet ng alak ay na kay Noel pala."

"Okay lang." Kinuha ni Ryan ang bote, binuksan ito at nagbuhos sa dalawang baso na hawak ni Karen. Inabot ni Karen ang isang baso kay Ryan ng matapos itong magbuhos ng inumin nila. "Cheers." mahinang usal ni Karen. Nag toast sila ng mga baso nila.

"Ang ganda ng condo unit nyo." puri ni Ryan pagkatapos uminom ng maragarita sa baso niya.

"Salamat, gustong gusto naming mag asawa ang pagkaka dekorasyon mg unit. Sana nga lang ay mas madalas kami dito." Lumakad bahagya si Karen, may mga binuksan na switch sabay nag dilim at naiwan ang mga munting spot lights na nakatutok sa mga paintings. Nakapagbigay ito ng romantikong mood sa kapaligiran. Nagpatuloy lumakad si Karen.

"Sa totoo lang ako na lahat ng may kagustuhan nito mula ng magustuhan ko ang hilig ni Noel sa mga arts at wala naman siyang tutol ng nag umpisa akong humiling ng mga ganitong bagay." Sabay pakawala ng mapang akit na ngiti si Karen. Tumigil si Karen sa likod ng sofa malapit sa hagdanan. Gumala ang paningin ng babae sa buong kapaligiran at huminto ang tingin sa mga mata ni Ryan na nakatayo pa din malapit sa bintana.

"Ganito ba talaga ang gusto mo Karen, ang lugar na ito o magkaroon ng lugar sa siyudad." mapanuksong bigkas ni Ryan.

"Mhhmhh. Magaling si Noel ... I mean mabait si Noel, basta gusto ko ay ibinibigay niya." Uminom muli si Karen sa baso niya pero ang mga mata nito ay nakatitig pa din kay Ryan.

"Ahhh ganoon ba." Malakas ang kaba ni Ryan at parang humihigpit ang pakiramdam sa tiyan niya ... wala ng paligoy ligoy naisip niya. "Kung magaling o mabait si Noel sa pagbibigay ng gusto mo, ano ang ginagawa ko dito Karen?"

Gumala muli ang paningin ni Karen kahit wala siyang gustong tignan. Ilang saglit pa, muling ibinalik ang paningin sa mata ni Ryan, ngumiti ng pilya at ibinaba ang baso sa lamesita.

"Narito ka hindi para ibigay ang gusto ko Ryan." halos pabulong na binigkas ni Karen ang mga salita nya. Inabot niya ang zipper ng damit niya sa likod. "Narito ka para ibigay ang pangangailangan ko."

Lumakad si Karen paakyat ng hagdanan at sa ikalawang hakbang pa lang ay nalaglag ng marahan ang damit nito at tuluyang nahulog sa baitang ng hagdanan. Tumambad ang maputi at makinis na katawan ni Karen. Nakasuot ito ng manipis na black na lace na bra na sumasalo sa malulusog nitong mga suso. Dumagundong ang pagkasabik sa puso ni Ryan ng lalo pa pumaitaas ng baitang si Karen, kitang kita ang mabilog at maumbok na puwet nito na suot lang ay black lace na thong.

"Hindi ka din ba aakyat Ryan?" mahina pero malanding bulong ni Karen.

Itutuloy ...