1. Home
  2. Stories
  3. Ganti ng DILIM... ( 01 )
Lagablab

Ganti ng DILIM... ( 01 )

By wish_trish ·
" Ganti ng DILIM... " ( 01 ) Inabot sa akin ni Rocky Carino ang cellphone niya na may isang text mula sa 'di kilalang numero. Binasa ko ito, at nabatid na isa itong imbitasyon upang muli siyang mag tungo sa lumang sinehan kung saan siya suki ng mga malalaswang pelikula. Sa likod ng aking isipan ay alam ko na ang ganitong estillo, si manang Chedeng ang madalas nagpapadala ng ganitong mga mensahe sa mga suki ng sinehan namin na labag sa batas ang pag operate. Ibinalik ko kay Rocky ang kanyang cellphone, at ngumiti dito habang tinatanong kung pupunta siya. "Kelangan eh, para masigurado nga natin kung nagpapatuloy pa ulit sila sa ganitong mga gawain. Pag na sigurado ko na, maaari na nating itimbre muli sa mga kinauukulan sa tulong ni Dr. Galuba." Sabi ng binata sa akin. "Sigurado ka 'yun lang ang dahilan mo? Eh matagal ka nang suki dyan, baka naman kasi dahil nag eenjoy ka kaya gusto mo uling pumunta." Pambubuska ko pa dito. "Aaminin ko, nung kabataan ko, oo. Pero sa ngayon, andami ko namang mga chika babes na nag iintay sa akin, so bat kelangan ko pang mag sine para lang magparaos 'di ba?" Kindat nito sa akin. "Lumakas yata bigla ang hangin, mabuti pa mauna na ako sa iyo." Pairita kong sagot dito. "Uy, teka, 'di mo ba ako sasamahan? Parang 'yung dati, ikaw ang mag matyag sa loob, ako naman ang kakabisado sa mga pumapasok na iba pang kliyente." Habol nito sa akin. Sa loob loob ko, ay marahil gusto lang ako muling maisahan nito, at namimis niya ang kanyang ginawang pag kantot sa akin kung kaya't nais niya akong isamang muli. "Naku, hindi na. Baka naman peke lang ang mensahe na 'yan, tapos walang show pag punta natin dun. Ikaw na muna ang pumunta, pag sure na tayo, at saka ako sasama. Ok? Maiwan ka na dyan, may klase pa ako. Magkita na lamang tayo sa canteen mamayang lunch. Ingat." At tuluyan ko na siyang iniwan sa gitna ng library na naka nganga at may sasabihin pa sana. Nang medyo maka layo na ako sa kanya ay agad kong tinext si manang Chedeng. "Pupunta siya, mag handa na kayo. Ayokong maiba ang plano. Ipaalala mo sa anak mong si Naldo." At ipinadala ko agad ito. Wala pang isang minuto ay bumalik ang text mula sa pinadalhan kong numero. "Hu u?" Ang sabi nito. At natawa ako. Nakalimutan ko ang password, at siguradong nag iingat lamang si manang Chedeng kung kaya't hindi ako sinagot ng diretso. Tinext ko ang password ke manang, at sumagot agad ito: "Naka handa na po, alam na ni Naldo ang kanilang gagawin. Nagiintay na lamang po kami sa mga idadagdag niyong bilin." Lumingon ako saglit sa malaking gusali na ilang palapag ang taas, at nagsisilbing library ng aming eskuwela... nagiisip kung paano ako pasimpleng pupunta mamaya sa likod ng punit na kulay pulang kurtina.