1. Home
  2. Stories
  3. Harapin Ang Liwanag! Chapter XX
Filipino Sex Stories

Harapin Ang Liwanag! Chapter XX

By anino ·
Chapter XX: The First!

Tahimik lang kaming apat habang nakatayo kami sa gitna ng gubat, naririinig namin sa malayo ang ingay ng mga taong naglalaban "Lorenzo" naunang nagsalita si manang na lumingon ito sa kanya. "Ba... bakit ka nagbalik?" tanong ni manang sa kanya "binuhay muli ako ni Olivia, Zora. Hindi ko gusto ang mabuhay muli lalong-lalo na gagamitin niya ang buong Bailan sa dilim" sagot ni Lorenzo. "Kaibigan, pwede ka namang umayaw sa inuutos niya hindi ba?" tanong ni Haring Narra sa kanya na hinila ni Lorenzo ang damit niya sa me leeg at ipinakita niya sa amin ang dibdib niya. "Ito ang marka ni Olivia, pag-iisip lang ang hawak namin pero hindi ang galaw ng aming mga katawan" paliwanag ni Lorenzo "pag-inuutos niya susundin namin kahit labag ito sa kalooban namin wala kaming magagawa dahil sa markang nakalagay sa dibdib namin" dagdag niya.

"Kilala niyo ako, ayaw ko ng gulo o kumitil ng buhay ng walang dahilan, kaya, maaari sundin niyo nalang ang hinihiling ko" sabi ni Lorenzo sa kanila na nagkatinginan si manang at si Haring Narra. "Hindi maari Lorenzo, kung makuha ni Olivia ang Aklat ng Dilim hindi lang buhay namin ang malalagay sa peligro pati narin ang buong sambayanan ng mortal" paliwanag ni Haring Narra "tingin mo ba hindi ko alam ito? Wala akong magagawa dahil kontrolado ako ni Olivia" sabi ni Lorenzo sa kanya. "Narra, hindi tayo makakapagrason sa kanya dahil hindi niya hawak ang katawan niya" sabi ni manang kay Haring Narra na lumingon sila sa akin.

"Isabella, tumabi ka huwag kang sumali dito" sabi ni Haring Narra sa akin na tumayo sa tabi niya si manang Zoraida at hinubad nito ang mahabang damit niya at nagulat ako nung makita ko ang pang-ilalim na suot niya. "Manang suot-suot mo yan?" tanong ko sa kanya dahil parang naka pangdigma na siya "oo, sinuot ko na ito noon pa nung nagkita kami muli ni Julian" sabi ni manang sa akin "Julian!" narinig namin galing kay Lorenzo. "Nasaan nga pala ang anak ko?" tanong niya sa amin "nawawala si Julian, hindi namin alam kung nasaan siya" sagot ni Haring Narra na lumingon si Lorenzo sa direksyon ng dating Kuro at pinikit niya ang mata niya "hmmm... ganun pala" sabi niya.

"Anong, ganun pala?" takang tanong ni manang sa kanya "hindi na importante, tila ayaw niyong isuko ang aklat ng walang laban" sabi ni Lorenzo sa kanila "gaya ng sinabi ko kanina Lorenzo, malalagay sa peligro ang lahat kung isusuko namin ito" sabi ni Haring Narra sa kanya. Nakahanda na si manang Zoraida at biglang nagkaroon ng armour ang katawan ni Haring Narra "Zora, naalala mo pa ba nung mga bata pa tayo?" tanong ni Haring Narra sa kanya "oo" sagot ni manang "kung ganun, alam mo narin ang dapat nating position" sabi ni Haring Narra "oo" sagot ni manang. "Hindi naman dapat tayo umabot sa ganito, ayaw kong kalabanin kayo" sabi ni Lorenzo sa kanila.

"Naiintindihan namin Lorenzo, pero sa ganitong paraan lang namin mapipigilan ang plano ni Olivia" sabi ni Haring Narra na sumang-ayon si manang Zoraida "Isabella, lumayo kana dito" utos sa akin ni manang. "Teka, pwede ko kayong tulongan" sabi ko "ISABELLA!" sigaw niya "ha... si.. sige po.." sabi ko na tumakbo ako palayo at nagtago sa isang puno at iniwan silang tatlo "hmm.. kung ito ang gusto niyo" sabi ni Lorenzo na dinampot niya ang espada niya sa lupa na agad namang umabante si Haring Narra dala ang espada niya habang yumuko si manang at binaba ang mga kamay niya sa lupa. Nung nakita ni Lorenzo ito agad siyang tumalon at bigla nalang me lumabas na itim na kadena sa kinatatayuan niya kanina at hinabol siya nito "NARRA!" sigaw ni manang "OO!" sagot ni Haring Narra.

Sinaksak ni Haring Narra ang espada niya sa lupa at pinagdikit niya ang mga palad niya at biglang me malaking puno na lumabas mula sa lupa at humarang ito sa tumatalong si Lorenzo. Napalingon nalang ito nung napasandal siya sa puno dahilan kaya inabot siya ng mga kadena ni manang Zoraida at ginapos siya nito sa puno. "NARRA HINDI PA SAPAT YAN!" sigaw ni manang Zoraida "ALAM KO!" sagot ni Haring Narra na pinagdikit pa niya lalo ang mga kamay niya at lumabas mula sa lupa ang mga makakapal at naglalakihang mga puno na pinalibutan nito si Lorenzo. Kinulong nila si Lorenzo sa loob ng maraming puno at pinalibutan din ito ni manang Zoraida nang naglalakihang kadena na kasing laki ng kotse ang bakal nito at hinigpitan pa niya ito lalo.

Nakita kong parang naghihintay silang dalawa sa susunod na mangyayari "tapos na ba?" tanong ko sa kanila na nakatayo lang silang dalawa sa harapan sa nakakadenang mga puno "Isabella, manatili ka lang dyan" sabi ni manang sa akin. "Narra, tingin mo ba?" tanong ni manang "kilala mo si Lorenzo, Zora. Ginawa na natin sa kanya ito noon at nakahanap parin siya ng paraan para makatakas" sabi ni Haring Narra. "Pero mas makapangyarihan ito sa ginawa natin noon" sabi ni manang "alam ko Zora, manatili kang alerto iba na ngaoyn si Lorenzo" sabi ni Haring Narra na napalingon ako sa likuran ko nung marinig ko ang sigawan at alolong ng mga Lobo sa malayo.

"Manang, Haring Narra!" tawag ko sa kanila "alam namin Isabella, hindi kami pwedeng...." natahimik nalang si manang nung marinig naming nag-ingay ang mga puno at gumalaw ang kadenang binalot ni manang sa malalaking puno. "Humanda ka Zora" sabi ni Haring Narra na biglang gumalaw ang mga puno at dahan-dahan itong umikot sa harapan nila "Lorenzo..." bigkas ni manang Zoraida nung bumilis ng bumilis ang pag-ikot ng mga puno. Biglang lumuwang ang pagkabalot ng kadena sa mga puno at bigla nalang itong bumagsak sa lupa at napatalon sina manang at Haring Narra nung nahati ang malalaking puno na binalot ng Hari at natumba ito at naiwan sa gitna si Lorenzo na nakatayo lang ito at nakangiti sa kanila.

"Hindi ba ginawa niyo na ito noon sa akin?" tanong niya sa dalawa "wala ba kayong bago man lang?" nakangiting tanong ni Lorenzo na tiningnan niya ang espada niya "hmmm ayaw ko sa espadang ito" sabi niya na binitawan niya ito at nahulog ito sa lupa. Napansin kong nagulat si Haring Narra "ZORAIDA, HUMANDA KA!" sigaw niya kay manang na biglang nalang umabante si Lorenzo at hahampasin na sana siya ni Haring Narra ng mahawakan nito ang kamay niyang me hawak na espada at tinaas ito ni Lorenzo sabay tadyak niya sa tyan ng Hari. Napaatras si Haring Narra at nabitawan nito ang espada niya na binato naman ito ni Lorenzo sa isang puno at nasaksak ito.

Pumorma si Lorenzo kagaya kanina nung nagsuntokan sila ni Haring Narra na ganun din ang ginawa ng Hari at naglaban sila "NARRA!" sigaw ni manang na umabante din ito at sumali sa dalawa. Sinalo ni Lorenzo ang kamao ni Haring Narra na sumuntok naman siya gamit ang isa pa niyang kamay na nasalo din ito ni Lorenzo at saktong tumalon sa gilid nila si manang at tinadyakan niya si Lorenzo na umilag ito. Binitawan ni Lorenzo ang mga kamay ni Haring Narra at inilagan niya ang mga suntok at tadyak ni manang Zoraida na tumalon palayo si Lorenzo sa kanila at hinabol siya ng dalawa at nung naabutan na nila ito sabay nilang inatake si Lorenzo.

Pareho ang galaw ng dalawa habang mabilis namang inilagan at nadepensahan ni Lorenzo ang sarili niya na nung nasuntok nila sa dibdib si Lorenzo napaatras ito at pumorma agad silang dalawa at naghanda. Napangiti si Lorenzo sa teamwork nila ni manang at Haring Narra "kahit matagal ng panahon ang lumipas hindi parin talaga kayo nagbago" sabi ni Lorenzo sa kanila na kita kong hinihingal na silang dalawa. Umatras sila manang at Haring Narra para bigyan distansya ang sarili nila kay Lorenzo "Zora, maghanda ka" sabi ni Haring Narra sa kanya "alam ko" sagot ni manang na dinikit nilang dalawa ang mga likod nila at naghanda kay Lorenzo.

"Ako naman" sabi ni Lorenzo na dahan-dahan lang itong naglakad papunta sa dalawa na agad namang pinagdikit nilang dalawa ang mga palad nila at naglabasan ang maraming kadena at puno sa paligid ni Lorenzo. "Hmp!" lang si Lorenzo na tinaas lang niya ang kamay niya at lumapit sa kanya ang binitawan niyang espada niya kanina at pinaghahampas niya ang mga kadena at punong humarang sa kanya. Kalmado lang siyang naglakad palapit sa kanila na ngayon ay umaatras narin sina manang at Haring Narra habang tuloy parin sila sa pag-atake kay Lorenzo "hindi makakatulong sa inyo ito" sabi ni Lorenzo sa kanila na nag-iba ng stratehiya si manang at biglang binuka nito ang palad niya at tinutok ito kay Lorenzo sabay sigaw "TORTA NEGRU LANT (Black Torch Chain)" na mabilis inilagan ni Lorenzo.

"Bago ito!" sabi ni Lorenzo na hindi niya napansin si Haring Narra sa gilid niya at natamaan siya nito sa mukha nung sinuntok siya at napagulong siya sa lupa at napasandal sa puno na ginapos naman siya nito gamit ang ugat. "HAHAHAHA" natatawa lang si Lorenzo na biglang napaluhod sa lupa si manang dahil sa pagod "Zoraida!" tawag ni Haring Narra "maayos lang ako, Narra" sagot ni manang na tinulongan niya itong tumayo at hinarap nila si Lorenzo. "Itigil mo na ito Lorenzo" sabi ni manang sa kanya "bakit? hindi ba kayo natutuwa at nasisiyahan sa labanan natin?" nakangiting tanong ni Lorenzo sa kanila na biglang binuhat ni Haring Narra si manang at tumalon siya paatras palayo kay Lorenzo.

Biglang lumiwanag ang katawan ni Lorenzo at naging abo ang ugat na bumalot sa katawan niya at lumutang siya at tumayo "gaya ng sinabi ko, ako naman!" sabi ni Lorenzo sa kanila. Parang kidlat kung kumilos si Lorenzo nung sumulpot siya sa harapan nilang dalawa at sabay silang napatapon ni manang at si Haring Narra nung sabay silang sinuntok ni Lorenzo. Napabalanse nila ang katawan nila kaya napatayo sila agad at hinugot nila ang mga espada nila. "Hindi makakatulong sa inyo yan" sabi ni Lorenzo na lumipad ang espada niya sa kamay niya at umabante siya sa dalawa at nag espadahan silang tatlo. Sa sobrang lakas at bilis ni Lorenzo hindi nila nadepensahan ng mabuti ang sarili nila "Zora... LUMAYO KANA!" sigaw ni Haring Narra sa kanya nung nasalo ng espada niya ang espada ni Lorenzo.

"HINDI!" sigaw ni manang na balak niyang saksakin si Lorenzo pero tumalon lang ito sa ibabaw nila at nung dumapo ito sa likuran nila nahampas sila nito at na sugatan silang dalawa sa likod. Nakita kong delikado na ang buhay nila kaya lumabas agad ako sa likod ng puno at hinugot ang baril ko "HUWAG ISABELLA!" sigaw ni manang. "TUTULONGAN KO KAYO!" sigaw ko na hindi ko napansin nasa harapan ko na si Lorenzo at tinadyakan niya ako sa tiyan kaya napatumba ako at nanlumo sa sakit ng tadyak niya. Nakita kong me lumabas na kadena sa palad ni manang papunta kay Lorenzo na agad naman niyang inilagan at nung nahawakan niya ito hinila niya si manang palapit sa kanya sabay tadyak niya sa mukha ni manang Zoraida dahilan kaya nawalan ito ng malay.

"ZORAIDA!" sigaw ni Haring Narra na umatake siya pero nailagan ni Lorenzo ang espada niya at nahawakan pa siya nito sa leeg at inangat siya ni Lorenzo at binagsak sa lupa. Gumulong si Haring Narra palayo at nung tatayo na sana siya parang kidlat si Lorenzo'ng umatake kay Haring Narra na napalipad siya papunta sa isang puno at bumagsak sa lupa "HARING NARRA!" tawag ko sa kanya dahil nakita kong sumuka ito ng dugo. Dinampot ni Lorenzo ang espada ni Haring Narra at nilapitan niya ito na ngayon ay nahihirapang tumayo dahil sa lakas ng pagtadyak ni Lorenzo sa dibdib niya. Pinilit ko ding bumangon pero sa tuwing gagalaw ako parang me maraming karayum ang tumutusok sa tiyan ko kaya napasigaw ako sa sakit "MANANG ZORAIDA! MANANG ZORAIDA GUMISING KAYO!" sigaw ko sa kanya na ngayon ay nakadapa sa lupa at wala ng malay.

Nakatayo na sa gilid ni Haring Narra si Lorenzo "patawad kaibigan" narinig kong sabi niya "HUWAAAAGGG!" sigaw ko na pinilit kong tinuon ang baril ko sa kanya at nung binaril ko siya bigla niya itong inilagan at binato sa akin ang isang patalim na tumama sa balikat ko. "AAAAHHHHHH!!!" napasigaw ako sa sakit at nabitawan ko ang baril ko "Isa.. Isabella!!!" tawag sa akin ni Haring Narra na ngayon ay nanghihina narin "Narra" sabi ni Lorenzo sa kanya na tinaas na niya ang espada ni Narra para patayin siya. "Patawarin mo ako" sabi ni Lorenzo na binagsak niya ang espada para saksakin sa dibdib si Haring Narra ng biglang me espadang sumalo nito.

Isang binata ang pumigil kay Lorenzo na sa gulat niya napatalon siya palayo sa kanila at pumorma agad siya para sa bagong dating na kalaban "si...sino ka?" nanghihinang tanong ni Haring Narra na hindi siya nito sinagot. Hinawakan lang niya sa balikat si Haring Narra at biglang nagbago ang paghinga niya na parang nawala ang bara sa dibdib niya "ha..." lang si Haring Narra at tumayo na yung binata na tumulong sa kanya at naglakad ito papunta kay manang. Hinawakan niya sa ulo si manang at maya-maya lang ay nagising na ito at napatingin sa paligid "si.. sino..." lang ang nabigkas ni manang, tiningnan siya ni Lorenzo habang naglakad ang binata palapit sa akin at hinawakan niya ako sa balikat at nawala ang sakit sa tiyan ko at inalis ang patalim na nakasasak sa akin at nakahinga na ako ng maayos at hindi na ako nasaktan nung bumangon ako.

Tumayo siya at humarap kay Lorenzo, tinaas ni Lorenzo ang espada ni Narra sa me ulo niya na parang aatake siya ng biglang tumalon ang binata papunta sa kanya at naglaban silang dalawa. Mabilis ang galaw nilang dalawa, tumayo ako at tinulongan ko si manang Zoraida at nung naitayo ko na siya pumunta kami kay Haring Narra at tinulongan din namin siyang tumayo. "Kilala mo ba siya, Narra?" tanong ni manang sa kanya "hindi.. ngayon ko lang siya nakita" sagot niya. Nakita naming napaatras si Lorenzo at tila nakahanap na siya ng katapat niya "sino ka?" tanong ni Lorenzo sa kanya na ngumiti lang ito at hindi ito sumagot.

Umabante si Lorenzo pati din ang binata na binato siya ng patalim ni Lorenzo at ganun din ang ginawa ng binata na nag-abot ang mga patalim nila at bumagsak ito sa lupa bago sila nag-abot sa gitna at nag-espadahan silang dalawa. Kapareho ng kapareho ang galaw nilang dalawa na para bang iisa lang ang nagturo sa kanila at tingin ko ako lang ang nakapansin nito "manang, Haring Narra wala na ho bang ibang nabubuhay na Bailan maliban kay Julian?" tanong ko sa kanila na nagulat sila sa tanong ko "wala na, bakit?" tanong ni manang "hindi niyo ba napapansin?" tanong ko na napatingin silang dalawa kay Lorenzo at sa binatang kalaban nito.

"Nakita ko ang sinasabi mo, Isabella" sabi ni Haring Narra sa akin pati din si manang Zoraida dahil kapareho nga talaga sila ni Lorenzo, pagnagkaroon sila ng distansya bumabato sila ng patalim at pagnag-abot ang mga espada nila pareho din ang tayo at ang porma nilang dalawa. Naitulak nung binata si Lorenzo at pareho silang nakiramdaman kung ano ang susunod na gagawin "parang, kakambal ni Lorenzo ang binatang ito" sabi ni manang na bigla itong lumingon sa amin at nginitian kami. "Nakita niyo yun?" tanong ko sa kanila na napatango silang dalawa, maya-maya lang ay bumalik na ang limang tauhan ni Lorenzo bitbit na nila ang Aklat ng Dilim "Lorenzo, nakuha na namin ang pakay natin" sabi ng isang tauhan niya "magaling, sige gawin niyo na" utos ni Lorenzo sa kanila na me kinuha ang isang tauhan niya at tinutok ito sa ere at kinalabit niya.

"Flare gun!" sabi ko na parang me tinatawag pansin sila at maya-maya lang ay me narinig kaming ingay ng helicopter na papalapit sa lokasyon namin "manang!" tawag ko sa kanya "Narra!" "alam ko!" sagot ng Hari. "Huwag niyo hayaang maitakas nila ang Aklat ng Dilim" sigaw ni Ingkong Romolo sa amin kaya umabante kami papunta sa kanila ng biglang tumalon silang anim paakyat sa mga puno na parang ginawa nila itong stepping stone papunta sa nag-aabang na helicopter sa taas. Dinikit nila manang at Haring Narra ang mga palad nila at naglabasan ang maraming kadena at gumalaw ang mga puno na mabilis nakailag ang mga Bailan at pinaghahampas nila ng mga espada nila ang kadena ni manang.

"Paano sila nagkaroon ng..." nagulohan si manang Zoriada "ang papa" sagot ko na mabilis umakyat sina Ingkong Romolo at ibang lobo para habolin sila Lorenzo pero huli na sila nung nakasakay na sila sa helicopter at bago sila umalis binugahan ng apoy ni Lorenzo si Ingkong Romolo kaya napatigil ito at umilag at mabilis lumipad palayo ang sinasakyan nila. "GRAAAAAAHHHHHHH!" sigaw ni Ingkong Romolo nung nakalayo na sila "paano nagkaroon ng kapangyarihan bumuga ng apoy si Lorenzo?" tanong ni Haring Narra "hindi ko alam" sagot ni manang. Napatingin lang kami at hindi makapaniwala sa nangyari kanina na doon lang siguro bumigay ang mga tuhod ko nung hindi ko na mapigilang mangatog ito at pinagpawisan ako, ngayon alam ko na ang ibig sabihin ng takot. Lumapit sa amin ang binatang tumulong sa amin kanina "maayos lang ba kayo?" tanong niya sa amin "oo, maraming salamat ginoo" sagot ni Haring Narra.

"Pwede bang malaman kung ano ang pangalan mo?" tanong ni manang sa kanya na ngumiti ito "Una" sagot niya na bigla nalang itong naging abo at lumipad ito sa ere at nawala na ito. Nagulat kaming lahat "mahiwaga ang taong yun" sabi ni Haring Narra "pero kung sino man siya malaki ang pasalamat natin sa kanya" sabi ko na sumang-ayon sa akin ang dalawa. "Kamahalan" tawag ng mga tauhan ni Haring Narra "maayos lang ako, kumusta ang kaharian?" tanong niya na nalungkot ang mga tauhan niya "bweno bumalk na tayo at gusto kong unahin niyo ang mga sugatan" utos niya sa mga tauhan niya. "Narra!" tawag ni Ingkong Romolo "sa palasyo na tayo, hindi maganda ang araw na ito sa atin" sabi ni Haring Narra na bumalik na kaming lahat sa palasyo niya at nakita namin ang maraming patay na taong puno at mga lobo.

Samantala sa Isla, nagsisimula naring mag ensayo si Julian habang nakatingin lang sa kanya ang matanda "hmm... itaas mo ang ulo mo huwag mong ibaba" utos sa kanya ng matanda na sinunod niya ito. Napatingin sa itaas ang matanda nung napansin niya ang abong lumipad sa ibabaw nila ni Julian at naging espada ito nung dumapo ito sa pinakamataas na tuktok ng Isla "hmmm... hindi mo din pala matiis na hindi tumulong ano, Una?" tanong ng matanda sa sarili niya na napangiti ito. "Ano ho ang sabi niyo?" tanong ni Julian sa kanya "ah..wala itaas mo ang ulo mo at huwag mong ibaba ang balikat mo, kaya mahina ang mga atake mo dahil dyan" sabi ng matanda sa kanya na inayos ni Julian ang porma niya at sinunod ang utos ng matanda.

Nung nakapasok na kami sa palasyo agad akong umakyat sa taas para hanapin ang kapatid ko "ELIZABETH! ELIZABETH!" tawag ko nung pumasok ako sa kwarto niya "ate! Nandito ako" tawag sa akin ni Elli na nagtatago ito sa likod ng kama. "Wala bang nangyari sa'yo?" tanong ko sa kanya "walang nangyari sa kanya Isabella, itinago namin siya nung tumunog ang alarma ng palasyo" sabi nung isang nagbantay sa kanya. "Maraming salamat sa inyo!" sabi ko sa kanila na nginitian lang nila ako "maiiwan namin muna kayo dahil tutulong lang kami sa mga sugatan sa labas" sabi nila "sige, ako na ang bahala dito" sabi ko na niyuko nila ang mga ulo nila at lumabas na sila.

"Ano ba ang nangyayari sa labas ate?" tanong ng kapatid ko "sis, inatake ang palasyo at nakuha nila ang Aklat ng Dilim" balita ko sa kanya "oh no!" sabi nito na napatakip siya sa bibig niya. "Sis, ano ba talaga ang balak nila papa sa librong yun?" tanong ko sa kanya "kelan ba ang a kwatro?" tanong niya nag-isip ako dahil pati ako di ko na alam ang araw ngayon. "Limang araw simula ngayon" sagot ni Jasmine na nakatayo sa me pintoan "Jasmine" tawag ko sa kanya na pumasok ito at lumapit sa amin "bakit, ano ang meron sa a kwatro?" tanong niya sa kapatid ko. "Gabi ng eclipse yan" sabi niya "tama pala ako" sabi ni Jasmine "ano ang mangyayari sa gabing yan, sis?" tanong ko.

"Hindi ako detelyado sa plano pero ang alam ko lang me dapat silang buhayin sa gabing yun at kung hindi nila ito magagawa maghihintay nanaman sila ng dalawang daang taon bago nila ito maulit" kwento niya sa amin. "Me bubuhayin? Sino?" tanong ko "hindi ko alam kung sino, sis" sagot ng kapatid ko "kung ganun, dapat pigilan natin sila" sabi ni Haring Narra na nakatayo sa labas ng kwarto "mahal na Hari" sabi naming tatlo. "Patawad kung nakinig ako sa pag-uuusap niyo" sabi niya sa amin na pumasok narin ito sa kwarto kasunod niya si manang Zoraida na pareho silang me mga bandahe sa mukha at mga braso nila. "Inay, dapat nagpahinga kayo" sabi ni Jasmine sa kanya "wala ito anak, me mas importante pa tayong gagawin kesa magpahinga" sagot ni manang sa kanya.

"Haring Narra!" narinig namin si Ingkong Romolo sa labas "nandito ako sa loob, Romolo" tawag niya na dumungaw si Ingkong sa me pinto at pumasok ito "kailangan nating pagplanohan ang pagbawi natin sa Aklat ng Dilim" sabi niya. "Alam ko at sa nakikita kong posibilidad na mahirapan tayong bawiin ito oras na siguro para hingin natin ang tulong niya" sabi ni Haring Narra "siya? HAH! nakalimutan mo na siguro ang sinabi niya noong huling natin siyang nakausap" sabi ni Ingkong Romolo. "Sino ho ba ang tinutukoy nila, manang?" tanong ko sa kanya "ang mga engkanto" sagot ni manang na tumingin ito kay Jasmine.

"Alam kong aayawan niya tayo, kilala mo si Helius, Narra" sabi ni Ingkong Romolo "wala siyang magagawa kundi tulongan tayo dahil parte siya ng mundong ito" sagot ni Haring Narra "sinabi na niyang ayaw niya tayong tulongan pagkatapos ang nangyari noon" sabi ni Ingkong Romolo. "Siguro, noon nasabi niya yun dahil nagluluksa siya sa pagpanaw ng anak niya, pero kung ipagbigay alam natin sa kanya ang natitirang kamag-anak niya" sabi ni Haring Narra na tumingin sila kay Jasmine. "Hindi!" sabi bigla ni manang Zoraida "hindi ko gagamitin si Jasmine para tulongan nila tayo" dagdag ni manang Zoraida. "Zora, ito lang ang paraan para pakinggan nila tayo" sabi ni Haring Narra.

"Binilin siya sa akin ng mga magulang niya bago sila namatay kaya responsibilidad ko si Jasmine" sabi ni manang sa kanila "Zoraida hindi ito ang tamang oras para.." pinutol ni manag si Ingkong Romolo "walang oras o panahon Romolo basta hindi ko ibibigay si Jasmine kay Helius" sabi ni manang sa kanya. "Hindi naman natin ibibigay si Jasmine kay Helius, Zoraida" sabi ni Haring Narra "kahit na, ayaw kong magkaroon siya ng ugnayan sa engkantong yun!" sabi ni manang sa kanila na natahimik nalang silang dalawa. "Alam ko ang buong kwento sa likod nito Zora, alam kong matagal narin ang panahong lumipas siguro naiintindihan na ito ni Helius" sabi ni Haring Narra.

"Kung naiintindihan na niya ito, bakit nasa mundo parin ng mga mortal si Jasmine? Sabihin mo sa akin Narra" sabi ni manang sa kanya "nay" sabi ni Jasmine na humawak siya sa balikat ni manang Zoraida. "Inalagaan ko ng mabuti ang batang ito" sabi ni manang sa kanila "nay, ok lang po nasa ganitong sitwasyon na tayo alam kong makakatulong sila sa atin, siya sa atin" sabi ni Jasmine sa kanya. "Pero anak, ayaw kong.." "alam ko nay, kailangan natin sila" sabi ni Jasmine sa kanya na nagyakapan silang dalawa "ate, alam ko ang buong gusali kahit papaano tutulong din ako" sabi ng kapatid ko sa akin. "Kung ganun, kikilos na tayo bago pa nila magawa ang ritwal na binabalak nila" sabi ni Haring Narra.

Nakabalik na sina Lorenzo at mga tauhan niya at pinresenta na nila kay Olivia ang Aklat ng Dilim "magaling, magaling Lorenzo" sabi ni Olivia nung kinuha niya ang Aklat ng Dilim sa kanya at natutuwa itong niyakap ang aklat. "Ngayong nakuha mo na ang aklat pwede mo na kaming palayain, Olivia" sabi ni Lorenzo sa kanya "palayain? HAHAHAHAHA" natawa lang ang Reyna ng mga aswang na nagkatinginan ang mga Bailan. "Bakit ko kayo palalayain kung nagagawa niyo ang hindi nagagawa ng mga tauhan ko, hindi Lorenzo kayo ang magiging tulay sa pagbalik ko sa kapangyarihan" sabi ni Olivia sa kanya.

"Ibig sabihin nito magiging alipin mo kami habang kami ay nabubuhay?" tanong ni Lorenzo na tumalikod ang Reyna "oo, hahaha" natatawang sagot nito na biglang hinugot ng mga Bailan ang espada nila at inatake si Olivia. "HALIMAW!" sigaw nila na bigla nalang silang napahinto nung humarap sa kanila si Olivia at tinaas ang kamay nito "nakakalimutan niyo na ata na kontrolado ko kayo" sabi nito sa kanila. Biglang umilaw ang marka sa dibdib nila at lahat sila napatumba sa sahig at nakaramdam ng pagkapaso dahil nagbabaga ito "AAAAHHHH!!!" nagsigawan silang lahat habang gumugulong sa sahig. "WAG NA WAG NIYONG UULITIN ITO!" sigaw ni Olivia sa kanila na iniwan na sila nito at doon lang nawala ang nakakapasong sensasyon na naramdaman nila.

Unang tumayo si Lorenzo na hinihingal ito at tumayo narin ang mga tauhan niya "Lorenzo.... haahh.. kailangan nating... makatakas sa kamay niya.." sabi ng tauhan niya "alam ko... wag..wag kayong mag-alala... makakahanap din tayo ng paraan..." sabi ni Lorenzo sa kanila. "Julian... anak... sana matulongan mo kami" sabi niya sa isipan niya na naglakad na sila at sumunod kay Olivia sa pinakababang parte ng building at doon nakita nila ang nakalinya ng mga Bailan na ginising ni Olivia. "Amang bathala, tulongan niyo po kami" sabi ng isang tauhan niya nung nakita niya ang mga Bailan na nakasuot na itong pandigma.

"Ano ang plano natin?" tanong ko sa kanila na nagtitipon kami sa malaking dining hall ni Haring Narra "nagpadala na ako ng sulat sa mga kasamahan naming mga Lobo sa iba't-ibang lugar" balita sa amin ni Ingkong Romolo. "Darating na sila bukas ng tanghali" balita ni Dante sa amin na nakabalot ang isang braso nito habang naka bandahe naman ang ulo niya "matindi talaga ang mga Bailan na yun" sabi niya. "Kaya kailangan natin ng tulong ng buong angkan ng mga Lobo" sabi ni Ingkong Romolo "nagpdala narin ako ng sulat kay Haring Helius para ihingi ang tulong nila" sabi ni Haring Narra "Narra" tawag siya ni manang "alam ko Zora, hindi ko nilagay ang pangalan niya" sagot ni Haring Narra sa kanya.

"Elizabeth, ikwento mo na sa kanila ang nalalaman mo" sabi ko sa kapatid ko na nakaupo ito sa tabi ko at tumayo na siya kaya naupo na ang lahat at nakinig sa kanya. "Limang araw simula ngayon ay me malaking magaganap sa gusali namin" pasimula ni Elizabeth "dahil sa gabing yan mangyayari ang full lunar eclpise na pinakahihintay ni Olivia" dagdag niya. "Ano ba ang binabalak nila?" tanong ni Haring Narra "di ko alam kung ano pero ang narinig ko lang galing sa papa ay me bubuhayin silang Reyna" sagot ng kapatid ko "teka, sinong Reyna?" takang tanong ni Ingkong Romolo "ang nauna daw sa kanila" sagot ng kapatid ko na napatigil silang lahat nung sinabi niya ito.

"Teka... ibig sabihin nito si.." putol ni Dante na tumayo si Haring Narra at tinawag ang isang tauhan niya na me inutos siya nito at mabilis itong umalis "imposible ang iniisip nila" sabi ni Ingkong Romolo "sino ho ba ang tinutukoy niyo?" tanong ko sa kanila. "Si Hilda" sagot ni manang Zoraida na bumalik na yung tauhan ni Haring Narra at me binigay ito sa kanya "si Hilda ay ang unang Reyna ng mga aswang" paliwanag ni Haring Narra na me nilagay siya sa gitna ng mesa at biglang lumiwanag ito at me imaheng lumabas mula nito. "Isa siya sa pinakaunang nilalang na nabuhay dito sa mundo" sabi ni Haring Narra "si Inang Gaia ng Kalikasan, si Reyna Liwayway ng mga Engkanto, si Reyna Lucille ng mga Bampira, si Reyna Luna ng Lobo at si Hilda ng mga Aswang" sabi ni Haring Narra.

"Silang lima ang unang nilalang sa mga angkan namin at sa kanila nagsimula ang lahat ng ito, kung balak buhayin ni Olivia si Hilda hindi lang pala ang bansang ito ang nanganganib, kundi buong mundo" sabi ni Haring Narra. "Noon paman hindi na nila gusto ang takbo ng iniisip ni Hilda kaya sa tuwing nagtitipon sila hindi nila sinasali si Hilda" sabi ni Ingkong Romolo "kaya siguro ito ang dahilan kaya siya nagrebelde" sabi ng kapatid ko. "Hindi, balak kasing mamuno ni Hilda noon, ang totoo niyan silang lima ay magkakapatid" sabi ni Haring Narra na kinagulat naming dalawa ng kapatid ko. "Kung magkakapatid sila, ibig sabihin nito meron pang mas mataas sa kanila?" tanong ko "oo, at yun ang kinatatayoan nating lahat" sabi ni Haring Narra.

"Ang mundo ang nagluwal sa kanilang lima, binigyan sila ng tig-iisang bahagi dito sa mundo pero gusto ni Hilda ang mamuno sa lahat" kwento ni Ingkong Romolo "muntikan ng mamuno ni Hilda noon buti nalang nagbuo ng hukbong ang apat na magkakapatid laban sa kanya at napigilan nila ito" kwento sa amin ni Haring Narra. "Nilagay nila sa dilim si Hilda at sa dilim na ito nagsimulang mabuhay ang mga aswang na binayayaan niya ng kapangyarihan niya dito sa mundo" dagdag niya. "Sa araw ding yun nabuo ang angkan ng mga Lobo pati narin ang ibang mga lahi" sabi ni Ingkong Romolo "masaya na sana ang lahat pero sa katigasan ng ulo niyo, binuhay niyo uli ang gyerang yun" sabi bigla ni Haring Helius na naglalakad ito palapit sa mesa. "Helius.. dumating kana pala" gulat na sabi ni Haring Narra.

"Oo, at narinig ko ang lahat ng pinag-uusapan niyo. Hindi ba sabi ko sa inyo noon na kalimutan niyo na ang mga aswang kagaya ng paglimot ng mga ninuno natin" sabi ni Haring Helius. "Hindi maari Helius, iba na ang mundo ngayon" sabi ni Ingkong Romolo "oo, alam ko na iba na ang mundo, me mga makabagong teknolohiya na, pero di ba nag-umpisa ito nung panahon pa natin?" tanong ni Haring Helius sa kanila. "Alam namin na nag-umpisa ito sa panahon natin kaya kailangan natin itong ayosin at ituwid" sabi ni Ingkong Romolo sa kanya na parang me naamoy si Haring Helius at sabing "naiintindihan ko noon na dinala ni Lucia ang mortal sa pagpupulong pero sa mismong palasyo mo Narra?" sabi niya na lumingon siya sa amin ni Elizabeth.

"Eh ano ngayon kung nandito kami, ha?" tumayo ako at tiningnan ko siya na kita kong nagulat ito nung tumingin ito sa akin "... sino ang babaeng ito.." tanong ni Haring Helius "Isa siyang mortal, siya si Isabella at ang kapatid niyang si Elizabeth" pakilala sa amin ni Haring Narra. "Ano ang problema mo sa kanila, Helius?" tanong ni Ingkong Romolo sa kanya "wala... me naalala lang ako" sabi niya na tinawag nito ang tauhan niya at me binulong siya nito at tumango ang tauhan niya sabay alis nito. "Bakit Helius?" tanong ni manang Zoraida sa kanya "ang mangkukulam ni Lucia, nandito ka din pala" sabi ni Haring Helius na napatingin siya kay Jasmine na agad naman nagtago ang dalaga sa likod ni manang.

"Alam ko ang lahat" sabi ni Haring Helius sa kanila "wag kana magtago sa likod niya Jasmine" sabi niya "wala kang karapatan sa kanya, Helius" sabi ni manang sa kanya "meron Zoraida, dahil ako ang lolo niya" sagot ni Haring Helius. "NGAYON AANGKININ MO SIYA?! MATAPOS MONG IPAGTABUYAN ANG INA NIYANG SI MARIA?!" sigaw ni manang sa kanya "Zora, huminahon ka" sabi ni Haring Narra sa kanya. "Hindi, hindi niyo kasi naiintindihan ang pinagdaanan ng batang ito" sabi ni manang sa kanya "Zoraida, nagpapasalamat ako na kinupkop mo ang apo ko pero.." "pero ano? ano ha?! kukunin mo siya sa akin?" tanong ni manang sa kanya "wala kang karapatan sa kanya" sabi ni Haring Helius.

"Dahil sa akin binilin ni Maria si Jasmine, kaya wag na wag mong sasabihin sa akin na wala akong karapatan dahil me mas karapatan pa ako kesa sayo!" sabi ni manang sa kanya. "Nagkamali ako noon, hindi ako dapat humosga nung nagmahal ng mortal ang anak ko" sabi ni Haring Helius "huli kana, hindi na matatanggap ng anak mo ang pagsisisi mo dahil wala na siya" sabi ni manang sa kanya. "Alam ko, kaya babawi ako sa anak niya" sabi ni Haring Helius na lumapit si Haring Narra kay manang at hinawakan siya nito sa balikat "Zora, hayaan mong si Jasmine ang magdesisyon sa puntong ito" sabi ni Haring Narra sa kanya.

"Jasmine, ikaw lang ang makakapagdesisyon sa kinabukasan mo" sabi ni Haring Narra sa kanya "anak.." tawag ni manang sa kanya "nay, ok lang po ako" sagot ni Jasmine sa kanya na lumabas siya sa likod ni manang at humarap kay Haring Helius. "Alam niyo bang namatay ang nanay ko dahil sinalakay kami ng mga aswang" sabi ni Jasmine sa Hari ng mga Engkanto "alam ko, ikinalulungkot ko ang nangyari kung..." "wag" sabi ni Jasmine sa kanya "wag kayong magsalita na naiintindihan niyo ang lahat" sabi ni Jasmine sa kanya. "Apo, patawarin mo ako" sabi ni Haring Helius "hindi kayo dapat humingi ng tawad sa akin, sa nanay at tatay ko po dahil sa kanila kayo nagkasala" sabi ni Jasmine sa kanya.

"Alam mong wala na sila" sabi ni Haring Helius sa kanya "kaya po, wala na sila" sabi ni Jasmine sa kanya na kita kong titig na titig si Jasmine sa kanya "apo ko, patawarin mo ako sa ginawa ko sa nanay at tatay mo" sabi ni Haring Helius sa kanya. "Kung gusto niyo po talagang patawarin ko kayo, gawin niyo nalang po ang nararapat" sabi ni Jasmine sa kanya na napatingin si Haring Helius sa dalawang Hari na napangiti sa kanya. "Kung yun ang kagustohan mo apo" sabi ni Haring Helius na naglakad ito papunta sa terrace at tumayo ito sa gilid "sapat na ba ito, apo?" tanong niya na pumunta kaming lahat sa terrace at nakita namin ang maraming engkanto na nakapila sa labas ng palasyo.

Napatingin silang lahat sa amin at bigla niyuko nilang lahat ang ulo nila at pagkatapos tinaas nila ang mga sandata nila at sabay sigaw na "MABUHAY ANG PRINSESA NG MGA ENGKANTO!". Napatingin si Jasmine sa lolo niya "umpisa ito" sabi ni Jasmine na napangiti si Haring Helius "haayy.. sa ganitong paraan lang pala mapapayag si Helius noon pa sana natin ginawa ito" sabi ni Ingkong Romolo na siniko siya ni manang Zoraida. Bumalik kami sa loob at ginuhit namin ni Elizabeth ang area ng gusali namin at mga posibilidad na pwede naming daanan "me apat na kanto pala ito na pwede nating magami" sabi ni Ingkong Romolo.

"Oo, ang mga kantong ito ay pwedeng maging entrance at exit ng gusaling yun dahil merong mga gates ang mga ito sa apat na kanto" paliwanag ko sa kanila. "Tatlong hukbong meron tayo, ang mga Lobo sa kanan, ang Engkanto ang sa kaliwa at pwede kami sa pangatlong kanto" sabi ni Haring Narra. "Hmmm.. maganda sana kung me pang apat tayo para magbantay sa ika apat na kanto" sabi ni Haring Helius na lumingon sila kay manang Zoraida. "Bakit?" tanong niya "Zora, wala ka na bang balita sa iba pang mga bampira dito sa bansa?" tanong ni Haring Narra sa kanya na nag-isip si manang Zoraida ng sandali "merong tumiwalag na grupo noon sa palasyo, ang grupo ni Benson" sabi ni manang.

"Me balita ka pa ba sa kanya?" tanong ni Ingkong Romolo "wala, noong gabing umalis sila sa palasyo ay yung gabing nagkaroon sila ng hidwaan ni Lorenzo" sabi ni manang sa kanila. "Bakit ano ang nangyari?" tanong ko "di nagustohan ni Benson ang pagdala ni Lorenzo sa mga bampira, para daw kasing naging nakakatawa para sa kanya na ang dating mabangis na angkan ay naging mahina na ito at maunawain" paliwanag niya. "Hindi ba niya alam na si Lucia mismo ang nag-utos nun?" tanong ni Haring Narra "hindi ko lang alam, ang pagkakaalam ko naglaban sila ni Lorenzo noon at muntik pa siyang mapatay ni Lorenzo sa ginawa niyang pagrebelde" kwento sa amin ni manang.

"Hmmm.. naiisip niyo ba ang naiisip ko?" tanong ni Haring Helius sa amin "hahaha" natawa nalang si Ingkong Romolo sa kanya "ikaw talaga Helius pagdating sa ganitong bagay mabilis ka talaga" sabi ni Ingkong Romolo sa kanya. "Me paraan na tayo para lumapit sa atin at sumapi sa atin si Benson" sabi ni Haring Helius "dahil kay Lorenzo?" tanong ni manang "tumpak!" sabay sabi ni Haring Helius at Ingkong Romolo. "Kailangan nalang natin hanapin sila kung nasaan sila ngayon" sabi ni Haring Narra "sa palasyo, baka me mahanap akong paraan para ma kontak ko siya" sabi ni manang Zoraida "sige, samahan na kita manang" sabi ko sa kanya "sasama din ako sis" sabi ng kapatid ko. "Sige dahil me kukunin din ako doon" sabi ni manang Zoraida.

Nadaanan namin ang maraming sundalo ng Engkanto at ng mga Lobo na binigyan pa kami ng daan nung sumakay kami ng kabayo papunta sa palasyo ni Reyna Lucia "sasamahan kayo ng mga tauhan ko, Zoraida" sabi ni Ingkong Romolo sa amin. "Salamat Romolo" sabi ni manang na nagpaalam na kami sa kanila at umalis na kami na nasa gilid lang namin ang mga Lobo nung nasa daan na kami. "Manang, malayo ba dito ang palasyo?" tanong ko sa kanya nung nasa daan na kami "medjo, pero me mabilis kaming daanan para makarating agad tayo sa palasyo ni Reyna Lucia" sabi niya sa amin na lumiko kami papunta sa makapal na gubat na kusa itong bumukas sa amin at pumasok kami sa loob.

Makalipas ang ilang sandali nakita na namin ang dulo ng gubat at pagkalabas namin nakita namin ang malaking palasyo ni Reyna Lucia at ang kagandahan ng lugar dahil malapit lang ito sa dagat. "Ate!" tawag sa akin ng kapatid ko at tinuro ang palubog na araw "ang ganda sis!" sabi ko sa kanya na kita kong napangiti ang kapatid ko at nakatingin lang doon. Pumasok kami sa nakabukas na gate ng kaharian at huminto kami sa harapan ng malaking pintoan ng palasyo. "Magbabantay kami dito sa labas, Zoraida" sabi nung isang Lobo "sige, mabilis lang din kami sa loob" sabi ni manang sa kanya na agad umalis ang anim na Lobo para magbantay sa paligid at pumasok na kaming tatlo sa loob.

"Manang saan ho ba nakatira si Julian dito?" tanong ko sa kanya "nasa likod ng palasyo, doon siya pinatira ng Reyna" sagot niya "bakit hindi dito sa loob?" tanong ng kapatid ko. "Haayyy.. sumama kayo sa akin" sabi ni manang sa amin na sumunod kami sa kanya sa pangatlong palapag at huminto kami sa isang pinto sa pinakadulo ng hallway. "Dito dati natutulog si Julian" sabi ni manang na binuksan niya ang pinto at nakita namin ang makarang kama at me lumang aparador sa loob at maraming lumang laroan sa tukador nito. "Wow, ang ganda ng kwartong ito" sabi ni Elizabeth "dito dati natutulog si Julian pero inilipat siya ni Reyna Lucia sa kubong yan" turo ni manang sa me bintana.

"Ang liit niyan kumpara dito" sabi ni Elizabeth "siya lang kasi mag-isa dyan at me dahilan ang Reyna kaya niya ito ginawa" sabi ni manang "ano ang dahilan?" tanong ko "si Morietta" sagot ni manang na natawa lang ito. "Yung, magandang bampira na sumusunod lagi kay Julian?" tanong ko "oo, me gusto kay Julian yun eh at nabanggit pa niya sa amin noon na tinadhana daw silang dalawa at nagpaalam na siya kay Lorenzo" kwento ni manang. "Hehehe muntik palang pikutin nung Morietta si Julian?" natatawang tanong ng kapatid ko "oo, naabutan kasi isang beses ni Reyna Lucia si Morietta na dumaan sa bintana at muntik ng sunggaban si Julian habang natutulog ito" kwento niya.

"Eh, dun sa kubong tinirhan niya?" tanong ng kapatid ko "nilagyan yan ng ritwal ni Reyna Lucia na siya lang si Julian at si Guillermo ang pwedeng pumasok sa loob" kwento ni manang na natawa nalang kaming dalawa ng kapatid ko. "Bakit hindi niya nilagyan ang kwartong ito?" tanong ko "hindi pwede, kasi kung lalagyan niya ang kwartong ito kakalat kasi yun sa buong palasyon dahil konektado ito" paliwanag ni manang. "Hali kayo, doon tayo sa dati kong silid" yaya sa amin ni manang na sumunod lang kami sa kanya "ang laki talaga ng palasyong ito" sabi ng kapatid ko na tumayo bigla ang balahibo ko nung makita ko ang malaking painting sa pader ng hallway.

"Manang, sino ho ba siya?" tanong ko "siya si Haring Voltaire ang lolo ni Reyna Lucia" pakilala niya "kahit matanda me dating pa din" sabi ng kapatid ko na kinurot ko siya sa tagiliran na tumawa lang ito. "Magmadali tayo malapit ng lulubog ang araw" sabi sa amin ni manang kaya nagmamadali kaming pumunta sa kwarto niya "ano ho ba ang hinahanap mo manang?" tanong ng kapatid ko "maliit na libro na kulay itim" sabi ni manang. Tinulongan namin siyang hanapin ito at maya-maya lang ay nahanap ito ng kapatid ko "manang!" tawag niya na inabot niya ang maliit na libro at agad itong binuksan ni manang at me hinanap ito.

"Heto!" sabi niya na lumapit kami sa kanya at tiningnan namin ito at nung binasa namin ito wala kaming naiintindihan "tara" yaya sa amin ni manang na sumunod lang kami sa kanya at bumaba kami sa ground floor at pumasok sa isang silid. Me salamin ito sa loob at tumayo sa harap si manang at binasa ang nakasulat sa maliit na libro "sis, ang gara ng damit oh" turo ng kapatid ko sa damit na nakabitay lang sa aparado. Maya-maya lang ay biglang lumiwanag ang salamin at biglang me nakita kaming tao na nakatayo sa loob nito "Zoraida" tawag nito sa kanya "Benson, kay tagal ng panahon hindi tayo nagkita" sabi ni manang sa kanya.

"Hahaha.. matagal na nga, Zoraida ano ang kailangan mo sa akin?" tanong niya "alam mong me gulong nangyayari ngayon, hindi ba?" tanong ni manang sa kanya na biglang tumingin sa amin si Benson. "Tila me mga dalaga ka atang kasama dyan, Zoraida" sabi ni Benson "mga kaibigan ko" sagot ni manang "kaibigan o regalo mo yan sa akin?" nakangiting sabi ni Benson na biglang sinundot ni manang ang salamin at nakita nalang namin na napahawak sa noo si Benson. "Manang... hindi ka naman ma biro, alam mo naman na sinusunod parin namin ang utos ng Reyna" sabi ni Benson "mabuti kung ganun" sagot ni manang.

"Tungkol sa tinutukoy mo, pasensya na Zoraida nananahimik na kami, ayaw na naming sumali pa sa gulo" sabi ni Benson "kayo lang ang alam kong natitirang angkan ng bampira na maaaring tumulong sa amin" sabi ni manang. "Patawarin mo ako Zoraida, pero simula nung nawala na ang Reyna pinutol na namin ang koneksyon namin sa ibang mga lahi" sabi ni Benson "kahit man lang sa ngalan ni Reyna Lucia ikaw ang tatayo sa angkan ng mga bampira" kumbinsi ni manang. "Patawad talaga Zoraida, teka, nasaan ba ang batang Bailan yung anak ni Lorenzo? Hindi ba siya ang binigyan ng kapangyarihan ni Reyna Lucia? Bakit hindi siya ang tumayong representante ng mga bampira?" tanong ni Benson.

"Sa ngayon, hindi namin alam kung nasaan si Julian at tungkol sa kapangyarihan" putol ni manang "nawala?" tanong ni Benson "..oo" sagot ni manang na akala namin tatawa ito pero "natural lang yan Zoraida" sabi bigla ni Benson na kinagulat naming tatlo. "Ano.. ano ang natural lang, Benson?" tanong ni manang sa kanya "ginamit niya ang kapangyarihan ni Luthero no?" tanong ni Benson "o..oo... teka bakit mo alam?" takang tanong ni manang. "Matagal ko din silang nakasama Zoraida kaya alam ko, yung kapangyarihan ni Luthero na nag-aalis ng masamang espiritu sa katawan ng sinuman ay bumabalik din ito sa kanya" paliwanag ni Benson.

"Ano ang ibig mong sabihin na bumabalik ito sa kanya?" tanong ni manang "kung baga mag back-fire ito kay Luthero, ginawa na niya ito noon sa isang bata doon sa barrio malapit sa kaharian ni Reyna Lucia, akala nga namin nawala na ang pagiging bampira ni Luthero pero pansamanatala lang pala ito" kwento ni Benson. "Ibig sabihin nito babalik ang kapangyarihan ni Julian?" tanong ko agad "oo, pero kailangan niya ng jump start!" sagot ni Benson "anong, jump start?" tanong ko "hahahaha pasensya na, nakuha ko ang mga lengwaheng ito sa pagtira namin ng matagal kasama ang mga mortal" natatawang sabi ni Benson.

"Ganito yan, si Luthero ay hindi ipinanganak na bampira, nakagat lang siya noon kaya naging bampira siya" paliwanag ni Benson "ang nagpabalik lang sa kanya sa pagiging bampira ay ang mismong sugat niya noon sa leeg" tuloy niya. "Hindi bampira si Julian nung ipinanganak siya, hindi rin siya nakagat, naging bampira lang siya dahil sa mga kaluluwa ng mga bampirang pumasok sa kanya" sabi ni manang sa kanya. "Hmm.. hindi ko alam kung ano ang isasagot ko dyan Zoraida, basta ang maipapayo ko lang ay hanapin niya ang connection niya sa kanila, yun lang ang masasabi ko" sabi ni Benson sa kanya.

"Patawad Zoraida, nananahimik na ang pamilya ko kung me darating mang dilim sa bansa o sa mundo mas gugustohin kong kasama ang pamilya ko kesa malayo sa kanila" sabi ni Benson kay manang na kita kong nalungkot nalang siya. "Salamat sa payo mo Benson, nga pala binuhay muli nila ang mga Bailan" sabi ni manang na nakita naming napatayo nalang bigla ang ulo ni Benson at natulala ito ng sandali. "Zoraida, payong kaibigan, huwag kang sumali sa gulong ito alam kong kilala mo si Lorenzo pero kung binuhay muli sila gamit ang kapangyarihan ng aswang, walang sino man kahit sino sa mga ibang lahi ang makakapagpigil sa kanila" sabi ni Benson sa kanya.

"Bakit mo nasabi yan?" tanong ni manang "dahil ako mismo nasaksihan ko ang nangyari sa kanila noon bago sila naubos" sabi ni Benson na kinagulat ni manang "a... alam mo?" tanong niya "oo, nagmasid ako dahil nung nalaman kong bumalik na muli sa Kuro si Lorenzo pupuntahan ko sana siya para makipag-ayos" kwento ni Benson. "Pero nung malapit na ako at ng mga kasamahan ko sa Kuro me bigla nalang kaming narinig na putok ng mga kanyon at ingay ng mga espada" kwento niya. "Sa malayo kami pumwesto at nakita namin ang hindi ko mabilang na aswang ang sumalakay sa Kuro at hindi kapanipaniwala ang ginawa ng mga Bailan sa kanila dahil sa dami ng aswang na umatake nabibilang nalang namin ang hindi umabot sa isang daan ang umalis kasama ang mga sundalong kastila nunng natapos na sila" kwento ni Benson sa amin.

"Ganun ka galing ang mga Bailan?" tanong ng kapatid ko "oo, kaya payo ko sa inyo kung aswang lang hindi ako magbibigay ng babala sa inyo pero kung Bailan, huwag na kayong tumuloy" sabi ni Benson sa amin na makikita sa mata niya ang takot. "Naalala ko pa noon nung naglaban kami ni Lorenzo sa palasyo ni Reyna Lucia, kilala ako sa pagiging matapang at magaling pagdating sa labanan" kwento ni Benson "pero doon ko lang naramdaman ang takot nung muntikan na akong mapatay ni Lorenzo, maamo ang mukha ng taong yun pero kung titigan mo siya sa mata makikita mo ang bangis na kaluluwa niya" kwento ni Benson. "Kaya Zoraida, habang me oras ka pa lumayo kana huwag kana sumali pa sa gyerang ito" sabi ni Benson.

"Maraming salamat sa payo mo Benson pero hindi ko hahayaang gagamitin ng mga aswang ang kaibigan ko lalong-lalo na ang angkan niya" sabi ni manang sa kanya na ngumiti lang si Benson. "Iparating mo sa kanila ang paumanhin ko, Zoraida" sabi ni Benson kay manang na niyuko niya ang ulo niya kay manang at sa amin at maya-maya lang ay nawala na si Benson sa salamin. "Haayyy... Lorenzo" sabi ni manang na nilapitan namin siya at hinawakan namin siya sa balikat "makakahanap din tayo ng paraan manang" sabi ko sa kanya "sana nga Isabella, Elizabeth" sabi ni manang sa amin. Lumabas na kami ng silid at naglakad na kami palabas ng palasyo ng biglang me naalala si manang kaya dinala niya kami sa taas sa silid mismo ni Reyna Lucia.

"Ano ang gagawin natin dito?" tanong ni Elizabeth sa kanya "dyan lang kayo me hahanapin lang ako dito" sabi ni manang sa amin na nakatayo lang kami sa gitna ng kwarto at tumingin sa paligid. "Ang gara nung damit ate" sabi ni Elizabeth nung nakita niya ang damit na nakabitin sa gilid ng aparador "ah damit yan ni Reyna Lucia, sinuot niya noon yan nung kokoronahan na sana ang papa niya" kwento ni manang sa amin. "Nahanap ko na" sabi ni manang na lumapit ito sa amin at binigyan kami ng tig-iisang kwentas "ano ito manang?" tanong ko sa kanya "amulet yan" sabi ni manang na tiningnan ko ito ng mabuti at me naka engraved na pyramid at sa gitna nito me mata at sa likod naman me nakasulat.

"Deflectorul intu-ne-ca-te" basa ng kapatid ko "deflectorul intunecate, ibig sabihin niyan panangga sa dilim" paliwanag ni manang sa amin "kay Reyna Lucia ba ito?" tanong ko "oo, yang hawak ni Elizabeth kay Lorenzo yan at yang sa'yo kay Julian" kwento niya. "Sa mag-ama ito?" gulat na tanong ng kapatid ko "oo, noong nandito pa sila sumasama kasi sila sa pagroronda sa border ng kaharian kaya sinsuot nila yan sa tuwing lumalabas sila" kwento ni manang sa amin. Biglang me narinig kami sa labas at bumukas ang pinto at dumungaw ang isang Lobo "Zoraida, patawad kung na istorbo ko kayo" sabi nito "walang anuman yun Lizaro" sagot ni manang "pasensya na pero kailangan na nating bumalik" sabi nito.

"Sandali nalang me kukunin lang kami" sabi ni manang sa kanya "sige, hihintayin namin kayo sa labas" sabi ni Lizaro "salamat" sabi ni manang at umalis na si Lizaro at iniwan kami sa loob "me kukunin pa tayo?" tanong ng kapatid ko. "Oo, hindi ko kayo hahayaang pumunta sa gyera na walang gamit" sabi ni manang sa amin na sumunod kami sa kanya pbaba sa armory nila at nakita namin ang maraming armas na naiwan ng mga bampira. "Ang dami nito" sabi ko na napamangha ako sa mga gamit nila "ate, kasya sa akin ito" sabi ni Elizabeth na sinuot nito ang armor at tama nga siya kasya nga sa kanya ito. "Isabella, halika" yaya sa akin ni manang an sumunod ako sa kanya "ito ang isuot mo" sabi niya sa akin na binuksan niya ang isang aparador at nakita ko ang itim na armor sa loob nito.

"Kaninong armor ito, manang?" tanong ko sa kanya na kinuha niya ito at binigay sa akin "isuot mo" sabi niya na hinubad ko ang jacket ko at sinuot ang armor na bigay ni manang na napatingin sa akin ang kapatid ko at napangiti ito. "Bagay sa'yo ate" sabi niya "talaga?" tanong ko na wala akong makitang salamin sa paligid "manang, kaninong armor ba ito?" tanong ko sa kanya "regalo dapat yan kay Lala ang nanay ni Julian" sabi ni manang sa akin. "Talaga ho?" gulat na tanong ko "oo, ibibigay dapat namin yan sa araw ng kapanganakamn ni Julian, offering namin sa nanay niya para magamit ni Lala para maprotektahan niya si Julian ng maayos" kwento ni manang.

"Wala bang gamit gaya nito ang mga Bailan?" tanong ng kapatid ko "wala, mga baliw kasi yun" natatawang sabi ni manang "bakit baliw?" takang tanong ko "mas gugustohin pa nilang maghubad kesa mag suot ng ano mang proteksyon sa katawan" natatawang kwento ni manang. "Hubo't-hubad?" natatawang tanong ng kapatid ko "hahaha isang beses ko lang naman siya nakitang hubad nung maliit pa kami ni Lorenzo" nakita naming parang nagblush si manang. "Manang Zoraida!" tawag ko sa kanya na natawa nalang kaming tatlo at narinig namin na umingay ang pinto kaya napatingin kami dun "Zoraida, palubog na ang araw" paalala sa amin "pasensya na, sige nakuha na namin ang kailangan namin" sabi ni manang sa kanya at lumabas na kami ng palasyo at sumakay sa mga kabayo namin.

"Magmadali tayo, nagpadala ng babala si Haring Narra na me namataan silang mga taong umaaligid sa gubat niya" balita sa amin ni Lizaro kaya pala ito parang balisa at gusto na niya kaming bumalik. "Pasensya na kung natagalan kami" sabi ni manang sa kanya at umalis na kami ng palasyo, habang nasa daan di ko maiwasang tingnan ang sarili ko habang suot ang armor na dapat sa nanay ni Julian. "Ate, tingnan mo naman ang daan baka mabangga ka" nakangiting sabi ni Elizabeth sa akin na nahiya ako at napangiti narin "wag kayong magkulitan at magmadali tayo, lulubog na ang araw marami pa tayong gagawin pagdating natin sa palasyo ni Narra" sabi sa amin ni manang "opo" sabay naming sabi ng kapatid ko at binilisan namin ang pagtakbo ng mga kabayo namin.

Habang sa Isla nagpapahinga na si Julian pagkatapos ang buong araw ng pag-eensayo niya na binigyan siya ng pagkain ng matanda "matagal-tagal narin akong di nakakain" sabi ni Julian sa kanya "kumain ka kahit hindi na pamilyar sa'yo ang panlasa" sabi ng matanda sa kanya. Sumubo ng pagkain si Julian at nginuya niya ito na parang bata itong nilasahan ang pagkaing binigay ng matanda sa kanya. "Hindi ho ba kayo kakain?" tanong niya sa matanda "hindi, isa nalang akong espiritu" sagot ng matanda sa kanya "teka, saan galing ang pagkain na ito kung.." takang tanong ni Julian "wag kana magtanong, basta kumain ka nalang para bumalik na ang lakas mo para bukas" sabi ng matanda sa kanya kaya tinuloy nalang niya ang pagkain niya.

"Kanina, narinig ko kayong binanggit ang panagalan ni Una" sabi ni Julian sa kanya na napatingin sa kanya ang matanda "sino ho ba talaga si Una?" tanong ni Julian na inayos ng matanda ang kahoy at lumiwanag lalo ang apoy sa pagitan nilang dalawa. "Una... siya ang unang naging pinuno ng Kuro, hindi lang yun siya ang pinakaunang Bailan" kwento ng matanda na napatigil sa pagsubo si Julian "unang Bailan?" tanong niya. "Oo, walang nakakaalam kung saan siya nanggaling basta nalang siya sumulpot sa gubat ng limang magkakapatid na espiritu" kwento ng matanda "limang magkakapatid?" tanong ni Julian.

"Oo, me limang magkakapatid na nakatira sa isang gubat, mga espiritu ng gubat na namumuno sa buong kagubatan noon" panimula ng matanda "si Gaia ng Kalikasan siya ang inatasang mamuno sa mga puno, halaman at mga pananim sa buong kapuloan, sa kanya nanggaling ang mga Taong Puno". "Si Liwayway, ang espiritu ng dimensyon na inatasang humawak sa mga portal at ibang daanan na pwede kang maglakbay ng mabilis kahit gaano pa ito kalayo, sa kanya nanggaling ang mga Engkanto". "Si Luna, ang espiritu ng buwan at hayop na siya ang inatasang magbigay liwanag sa gabi, sa kanya nanggaling ang mga Taong Lobo". "Si Hilda, ang espritu ng dilim na nagbibigay balanse sa liwanag ni Luna at sa amang araw, sa kanya nanggaling ang mga Aswang" kwento ng matanda kay Julian.

"Sino naman po yung panglima?" tanong ni Julian "si Lucille, ang pinakabata sa kanila" sagot ng matanda "espiritu ho siya ng ano?" tanong ni Julian "hindi siya binigyan ng ano mang responsibilidad dahil nabalanse na ng apat niyang kapatid" kwento ng matanda. "Ibig sabihin parang pabigat nalang siya?" tanong ni Julian na tumawa ang matanda "hahahaha, hindi pa kasi niya alam kung ano talaga ang rason bakit siya niluwal sa mundong ito" kwento ng matanda. "Mahal siya ng mga kapatid niya at bunso din kasi kaya di nila ito binigyan ng ano mang responsibilidad at hayaan lang siyang magliwaliw at gawin ang gusto niya basta naaayun ito sa patakaran nila" kwento ng matanda.

"Silang lima lang noon sa gubat ni walang mortal o ano mang mga ibang lahi ang sumali sa kanila" kwento ng matanda "teka kung sila lang lima noon paano nabuhay ang mga ibang lahi?" tanong ni Julian. "Nangyari kasing nagkaroon sila ng hidwaan dahil narin kay Hilda na nakaramdam ng pagseselos sa nakababata nilang kapatid na si Lucille" kwento ng matanda. "Nagselos siya kay Lucille dahil wala itong responsibilidad?" tanong ni Julian "hindi, nagseselos siya sa relasyon ng kapatid niya sa isang mortal" kwento ng matanda "teka, sino namang napakamalas na mortal na ito ang pinagseselosan niya?" natatawang tanong ni Julian "si Una!" sagot ng matanda na napatigil nalang si Julian sa pagkain niya at natahimik ito.

"Aaahhh.. hehehe... si.. Una?" nahihiyang tanong ni Julian "oo, gaya ng sinabi ko, walang sino man sa ating mga Bailan ang nakakaalam kung saan naggaling si Una basta lang ito sumulpot sa gubat isang araw at doon niya nakilala si Lucille" kwento ng matanda. "Nung una hindi sila magkasundo dahil magkaiba nga silang dalawa pero kalaunan nung nakilala na nila ang isa't-isa naging malapit na sila at naging sila na" kwento ng matanda. "Binaliwala lang ito ng mga kapatid ni Lucille pero lingid sa kaalaman nila lihim palang nagkakagusto si Hilda kay Una, noon kinaibigan siya ni Hilda at naging malapit ito kay Una pero ang atensyon niya na kay Lucille lang kaya ikinagalit ito ni Hilda" kwento ng matanda.

"Dahil sa selos ni Hilda hindi niya na kontrola ang kapangyarihan niya at bigla nalang nagmanifesto ang selos niya at doon lumabas ang itim na nilalang" kwento ng matanda na nagulat si Julian sa kinwento niya. "Dahil wala na sa isip ni Hilda ang lohikal at rasyonal hinayaan niya ang kapangyarihan niyang magwala at ang dating isa dumami na ito, sa takot ng mga kapatid niya binalak nilang kausapin si Hilda pero hindi na nila ito maabot" kwento ng matanda. "Dumami ang itim na nilalang na tinawag niyang Aswang at ginamit niya ito para atakihin sina Una at Lucille na ngayon ay masayang naglalakad sa gubat" kwento niya. "Dahil pala sa selos kaya nabuhay ang mga Aswang" sabi ni Julian na tumango naman ang matanda.

"Nalaman ni Gaia ang balak ni Hilda kaya wala siyang nagawa kundi buhayin ang mga punong nasa paligid nina Una at Lucille para bantayan sila at pigilan ang mga Aswang na pinadala ni Hilda" kwento ng matanda. "Naging alerto din si Luna nung nalaman niyang inaatake ng mga aswang ang mga hayop na nasa pangalaga niya at nakita niya kung paano ito patayin ng mga Aswang kaya tinawag niya ang limang asong kasama niya palagi, binigyan niya ito ng mga kapangyarihan para lumaban sa mga aswang at yung limang yun ang naging mga Taong Lobo" kwento ng matanda. "Wow, tapos ano pa po?" tanong ni Julian "si Liwayway naging alerto din ito at sa hiling narin ng dalawa niyang kapatid wala siyang nagawa kundi sumunod sa kanila pero hindi niya kayang pumunta sa dalawang lugar ng sabay kaya gamit ang kapangyarihan niya nagbuhay siya ng isang nilalang at binigyan din niya ito ng kakayahang magbukas ng portal" kwento ng matanda.

"Nag-abot ang apat na magkakapatid kasama si Una at pinigilan nila ang mga aswang na pinadala ni Hilda" kwento ng matanda "teka, parang me kulang ata" sabi ni Julian "ang mga Bampira?" tanong ng matanda "oo" sagot ni Julian. "Darating ako dyan" sabi ng matanda "marami pang pinadala si Hilda para salakayin si Una at si Lucille at dahil narin sa pagiging mortal ni Una siya ang mas lubhang nasugatan at unang natumba sa kanila" kwento ng matanda. "Akala ko ba ang unang Bailan ang pinakamagaling na mandirigma sa kasaysayan natin?" tanong ni Julian "oo, pero walang kakayahan si Una na tumagal di kagaya sa magkakapatid at sa mga nilalang na binuhay nila" sagot ng matanda.

"Nung nakita ni Lucille ang sinapit ng mahal niyang si Una agad niya itong tinulongan at binuhat si Una palipad sa ibabaw at dumapo sila sa pinakamataas na tuktok ng puno" kwento ng matanda. "Tapos ano pa po ang nangyari?" tanong ni Julian na tumigil na ito sa pagkain "dahil sa matinding sugat na dinanas ni Una sa kamay ng mga aswang walang ibang naisip si Lucille para iligtas si Una" kwento ng matanda. "Ano po?" tanong ni Julian "saktong palubog na yung araw, nanghihina na si Una at naririnig ni Lucille ang dahan-dahang humihina ang tibok ng puso ni Una kaya wala na siyang ibang maisip na paraan kundi gawin ang pinagbabawal sa kanya ng mga kapatid niya" kwento ng matanda. "Ang ano?" tanong ni Julian "ang ipasa ang kalahati ng kapangyarihan niya kay Una" sabi ng matanda "teka.. hindi.. ibig mong sabihin.. nagmula tayo sa...." "oo, si Una.... ang unang bampira ng kasaysayan" kwento ng matanda.

Itutuloy.....