1. Home
  2. Stories
  3. Hayok pt.7
Filipino Sex Stories

Hayok pt.7

By Eroticus ·
Isang umaga, pumasok ng bahay si Beth mula sa pagligo niya sa likod-bahay. Nabigla siya nang may kamay na tumakip sa kanyang bibig.

"Beth, 'wag kang maingay. Si Paulo 'to."bulong ng binata.

Naging agresibo ang isang kamay ni Paulo. Pinisil niya ang isang suso ni Beth habang tila hayok na sinisiil nang halik ang batok ng ginang. Pumalag si Beth. Nanlaban siya sa kapangahasan ni Paulo. Hindi nagustuhan ng binata ang ginawa ni Beth. Sinampal niya ang babae.

"Hayup ka. Malandi ka 'di ba? Ito naman ang gusto mo 'di ba? Bakit ayaw mo na akong pagbigyan ngayon?"galit na wika ni Paulo. Itinulak niya si Beth. Natumba sa sahig ang babae. Sinundan siya roon ng binata at muli nitong itinuloy ang makamundo nitong balak sa babae.

"Hayup ka, Paulo... Napakawalanghiya mo..."nanlalabang wika ni Beth. Pilit niyang itinutulak palayo ang lalake subalit sadyang mas malakas ito sa kanya.

"Puta ka! Wag kang magmalinis. Alam ko ito ang gusto mo. Gusto mong sabihin ko sa mister mo ang mga milagrong ginagawa mo kapag wala siya?"ani Paulo.

"Hayup ka, Paulo. Hayup ka."umiiyak na wika ni Beth. Nagtangka siyang sumigaw subalit agad tinakpan ni Paulo ang bibig niya.

Nabigla si Paulo nang may humila nang malakas sa kanyang likuran. Si Gudo. Nagkalat malapit sa paanan nito ang mga gulay at prutas na ibibigay sana niya kay Beth sa umagang iyon. Halos mag-apoy ang mga mata ni Gudo sa galit kay Paulo.

"At dumating na rin sa wakas ang lalake mong puta ka."tila nang-iinis na wika ng binata.

Bago pa man makapagsalitang muli si Paulo ay sinuntok siya nang malakas ni Gudo sa kanyang panga. Parang trosong nabuwal si Paulo sa sahig. Nawalan nang ulirat ang binata. Makalipas ang ilang saglit, nahimasmasan si Paulo. Nalasahan niya ang dugo sa loob ng kanyang bibig. Sinubukan niyang bumangon subalit umiikot ang kanyang paningin. Nakita niya si Beth na nagtatago na sa likuran ni Gudo.

"Kayo ang hayop." ani Paulo habang pinipilit niyang bumangon. "Isusumbong ko kayo sa mister mo, Beth. Mga putang ina nyo. Magbabayad kayo sa ginawa nyo sa'kin."

"Tigilan mo na kami, Paulo." ani Beth, "Oras na gawin mo 'yan ay idedemanda naman kita ng attempted rape sa ginawa mo sa akin ngayon."

"Ako pa ang idedemanda niyo ng attempted rape?" ani Paulo, "Ang kapal naman ng mukha niyong gawin sa'kin 'yan sa kabila nang mga naitulong ng lolo ko sa inyo. Mga wala kayong utang na loob."

"Wagas ang utang na loob namin sa lolo mo. Isa siyang mabuting tao."ani Gudo, "Pero sa demonyong kagaya mo dapat sa'yo hindi na lumalabas ng impiyerno."

"Ah, ganun ba. Impiyerno pala, ha. Sige tingnan natin kung sinong mauuna satin sa impiyerno. Diyan ka lang Gudo at babalikan kita. "wika ni Paulo. Umalis ito ng bahay ni Beth.

"Gudo, umalis ka na. Baka patayin ka ni Paulo." umiiyak sa takot na wika ni Beth. Ipinagtutulakan niya palabas ang lalake, "Parang awa mo na, Gudo. Umalis ka na baka patayin ka niya,"

Hindi na napigilan ni Beth ang sarili, niyakap niya nang mahigpit si Gudo.

"Wag kang mag-alala, Beth. Ako nang bahala. Pinapangako ko sa'yo na maaayos din ang lahat."ani Gudo. Lumabas siya ng bahay ni Beth. Haharapin niya si Paulo malayo sa bahay nito. "Isarado mong mabuti ang pinto ng bahay mo. Kahit anong mangyari huwag kang lalabas."

Halos hindi makakilos si Beth dahil sa matinding takot.

"Gudo..." iyak ni Beth, "Hindi ko inaasahang aabot ang lahat sa ganito."

"Kung anuman ang mangyari mamaya, Beth. Kung kinakailangan mong umalis sa lugar na ito, kunin mo ang pera ko. Nasa ilalim ng isang kahon sa ilalim ng kama. Gamitin mo para magsimulang muli."

Humagulgol na si Beth. Magkahalong takot at pagkalito ang nararamdaman niya.

"Parang awa mo na, Beth. Isara mo na ang pinto."pakiusap ni Gudo.

Labag man sa kalooban ni Beth ay dahan-dahan niyang isinara ang pinto. Habang isinasara niya ito ay nakita niya sa kalayuan ang muling pagbalik ni Paulo. Nagmamadali ito. Kinabahan si Beth para kay Gudo. Tunay ang pag-aalalang nararamdaman niya para rito. Sa maikling panahon ay malaki ang ipinagbago ni Gudo dahil kay Beth. Napalingon din si Gudo sa kinaroroonan ni Paulo. Muli siyang tumingin kay Beth. Bago tuluyang isara ni Beth ang pinto ay muli siyang tumingin kay Gudo. Ngumiti ang lalake sa kanya at tsaka ito naglakad papunta sa direksiyon ni Paulo.

"Diyos ko... Diyos ko..."umiiyak na wika ni Beth. Matapos niyang mai-lock nang mabuti ang pinto ay napasalampak siya sa sahig.

Dumaan si Paulo sa isang malawak na bakanteng lote upang mas mapabilis ang pagpunta niya sa bahay ni Beth. Humahangos siyang naglakad doon nang salubungin siya roon ni Gudo na dumaan sa gilid. Huminto si Paulo nang makita niya sa kanyang harapan si Gudo. Ilang metro ang layo nila sa isa't-isa. Halata na ang pamamaga ng pasa ni Paulo sa panga.

"Tang ina mo ka, Gudo. Ipakita mo sa'kin ngayon ang tapang mo." ani Paulo sabay bunot ng baril na nakasuksok sa kanyang shots. Itinutok niya iyon sa mukha ni Gudo.

Isang magsasaka na papunta sa bukid ang nakasaksi sa nangyayari. Agad itong umatras palayo nang makita nito ang apo ni Kabesa na akmang babarilin si Gudo. Tumalikod lang ito at naglakad palayo sa takot na baka madamay siya sa gulo.

"Nakita mo 'yun, Gudo? Kami ang batas dito. Ngayon sino ang mauuna sa'ting dalawa sa impiyerno?"

Nakilala ni Gudo ang baril na gamit ni Paulo. Ang revolver na iyon ang isa sa baril na madalas dalhin ni Kabesa kapag nagroronda sila sa gabi.

"Tang-ina mo ka, Gudo. Nasaan ngayon ang tapang mo? Nasaan"sigaw ng binata.

Hindi natinag si Gudo sa sinabi ng binata.

"Matapang ka lang dahil may baril ka." ani Gudo, "Magtuos tayo bilang lalake sa lalake. Oras na matalo kita ngayon, titigilan mo na si Beth. Hindi mo na siya guguluhin o iisakandaluhin."

"Pagbibigyan kita, Gudo. Pero magtutuos kayo ng baril ko. Oras na mapatay kita ngayon, ako na ang makikinabang kay Beth habang nasusunog ka sa impyerno gaya nang pagsunog ko sa bahay mo"

"Ukinam."galit na wika ni Gudo kay Paulo.

Nagpanting ang tenga ng binata nang murahin siya ng lalake.

"Tang-ina mo rin."aniya sabay kalabit sa gatilyo ng baril.

Umalingawngaw ang malakas na putok ng baril sa lugar na iyon. May ilang tao na nagsilabasan sa kanilang mga bahay at nang makita nila si Paulo na may hawak na baril ay muli silang nagsi-pasukan sa kanilang mga bahay dahil sa takot na madamay. Narinig rin iyon ni Beth at mas lalong lumakas ang kanyang paghagulgol para kay Gudo.

Nanatiling nakatayo si Gudo. Ramdam niya ang pagbaon ng bala sa kanyang balikat. Umaagos ang dugo sa tama niya roon.

"Ano, Gudo? Wala ka pala eh. Ipakita mo sa'kin ngayon ang tapang mo at 'di ka sasantuhin ng baril ko."

Nabigla si Paulo sa biglang pagkilos ni Gudo papunta sa kanya. Muli niyang itinutok ang baril kay Gudo pero nabitawan niya iyon nang hampasin ni Gudo ang kamay niya. Tumilapon ang baril sa lupa. Nagpambuno silang dalawa sa maalikabok na lupa. Sa kabila nang panghihina ng sugatang si Gudo, buong lakas niyang sinuntok ni Paulo. Diniinan nang husto ng daliri ni Paulo ang sugat ni Gudo. Halos manlambot si Gudo sa matinding sakit. Pilit niya iyong ininda at patuloy niyang pinagsusuntok sa mukha si Paulo. Sa bawat suntok niya ay siyang pagbaon pang lalo ng daliri ni Paulo sa tama niya ng baril. Sumirit pang lalo ang dugo mula roon. Sa sandaling iyon nang panghihina ni Gudo ay mas nanaig na ang lakas ng binata sa kanya. Tinuhod ni Paulo sa sikmura si Gudo. Hindi pa nakuntento ang binata. Sa pagkakahiga ni Gudo ay tinadyakan niya ito nang malakas sa mukha.

Humihingal na hinanap ni Paulo ang baril. Nang makita niya iyon ay agad niya iyong pinuntahan para tapusin si Gudo. Nang damputin ni Paulo ang baril ay siyang damba naman sa kanya ni Gudo. Duguan na ang bibig at ilong nito. Muli silang nagpambuno sa pagkakayuko habang nag-aagawan sa baril. Buong lakas na inilalayo ni Gudo ang baril na unti-unting itinututok sa kanya ni Paulo.

Naisip ni Gudo si Beth. Nabigla si Paulo nang unti-unting napupunta ang dulo ng baril sa kanya. Sinakyod ng kanyang balikat ang sugat ni Gudo subalit hindi ito natinag. Bagkus ay tila mas lumakas pa ito.

"Tang-ina mo, Gudo. Ikaw ang mamamatay sa'ting dalawa."ani Paulo habang pilit niyang inilalayo ang pagkakatutok ng baril sa kanya.

Umalingawngaw ang isang malakas na putok ng baril. Nabigla silang dalawa. Hindi sa baril na hawak nila galing ang putok. Di-kalayuan sa kanila ay nakita nilang dalawa si Kabesa. Hawak nito ang isang .45 na pistola. Nakatutok ang baril nito sa kanila. Umuusok pa ito. Bumitaw ang kamay ni Paulo sa baril nang maramdaman niyang siya ang binaril ng sarili niyang lolo. Nanlalambot na bumagsak si Paulo mula sa tama niya sa dibdib. Nagsidatingan ang mga tanod ni Kabesa gayundin ang maybahay niyang si Lourdes. Nahabag ang matandang ginang sa sinapit ng kanyang apo. Agad niya itong nilapitan at niyakap habang umiiyak.

"Bakit mo ginawa sa apo natin 'to, Melchor?"aniya

"Kailangan kong gawin, Lourdes. Kailangan kong gawin."ani Kabesa kasabay nang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.

Agad nilang dinala sina Paulo at Gudo sa pinakamalapit na pribadong ospital sa bayan. Kritikal ang lagay ni Paulo sa loob ng Intensive Care Unit. Si Gudo naman ay ligtas na at nagpapahinga sa isang pribadong kuwarto na kinuha ni Kabesa.

Kinagabihan, kasalukuyang nagpapagaling si Gudo sa higaan ng kanyang private ward nang bisitahin siya ni Kabesa.

"Kamusta na ang lagay mo, Gudo."ani Kabesa nang lumapit siya sa lalake.

"Mabuti naman po, Kabesa."

Saglit na natigilan si Kabesa. Tila kumukuha siya nang tiyempo sa gusto niyang sabihin kay Gudo.

"Kwan kasi. Nahihiya kasi ako sa'yo dahil sa ginawa ng apo ko. Kung alam ko lamang na magkakaganoon siya rito ay hindi na sana ako pumayag na pagbakasyunin siya ng magulang niya rito."

Hindi kumibo si Gudo at hinayaan niyang ipagpatuloy ni Kabesa ang nais nitong sabihin.

"Matigas kasi talaga ang ulo ng apo kong 'yan. Hindi ko alam kung saan niya namana ang ugali niyang iyan. Maraming kalokohan 'yan sa Maynila kung kaya't naisipan ng mga magulang niya na dito na siya sa akin magbakasyon habang nagrereview siya. Sumasakit na kasi ang ulo nila sa apo kong 'yan kaya pinadala na siya sa akin para tumino. Sa unang linggo niya sa poder ko ay naging matino naman ang batang iyan. Hindi kasi uubra sa akin ang kalokohan niya. Humihingi ako nang pasensiya sa'yo sa ginawa ng apo ko. May ugali daw kasi 'yan na basta't magustuhan niya ay kailangang mapasakanya. Siyang kabaligtaran naman kung ayaw niya sa isang tao. Gagawin naman niya ang bagay na gaya nang ginawa niya sa'yo."
Isang malalim na buntong-hininga ang lumabas sa bibig ni Kabesa. Mayroon pa siyang nais sabihin kay Gudo.

"Yung nangyaring pagkasunog ng kubo mo, kanina isang di-nagpakilalang kapitbahay mo ang nagkumpisal sa akin. Nakita raw niya sa umagang iyon kung sino ang sumunog ng bahay mo, pero dahil sa takot na baka madamay siya at ang kaniyang pamilya, inilihim niya ang nasaksihan niyang iyon sa akin dahil baka balikan siya ng apo ko. Hindi ko kailanman kinunsinte ang isa mali lalo pa sa kadugo ko dahil matagal kong iningatan ang reputasyon ko at ng aking angkan."

May pagpapakumbabang tumingin si Kabesa kay Gudo. Nakita ni Gudo ang dignidad sa mga mata ng matanda.

"Gudo, kung nanaisin mong kasuhan ang apo ko, hindi kita pipigilan. Tutulungan pa kita para makulong siya. Kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya. Nasa sa'yo ang pagpapasya. Anong desisyon mo?"

Hindi agad nakakibo si Gudo. Nag-iisip siya sa kanyang magiging desisyon. Naunawaan naman iyon ng matanda.

"O sige, Gudo. Anuman ang maging pasya mo ay agad mong sabihin sa akin."wika ni Kabesa at nagpaalam na siya kay Gudo.

Hindi pa man nakakalabas ng silid si Kabesa ay nagsalita si Gudo.

"Kabesa, nakapagdesisyon na po ako."

"Ano iyon, Gudo?"

"Hindi po ako magsasampa ng kaso sa apo niyo. Ang kondisyon ko lang po ay hindi na po siya muling tatapak sa lugar na ito o manggugulo sa mga taong nakatira rito."

"Sigurado ka, Gudo? Ang inaasahan kong pasya mo ay kakasuhan mo ng arson at attempted murder ang apo ko. Hindi ako hahadlang na makulong siya. Sigurado ka ba talaga o baka naman lasing ka na naman?"nakuha pang magbiro ni Kabesa.

Ngumiti si Gudo sa birong iyon ng matanda.

"Bueno, igagalang ko ang pasya mo, Gudo. Lahat nang kondisyon mo ay masusunod."

"Salamat po, Kabesa."

"Alam mo, Gudo. May napapansin ako sa'yo. Parang malaki ang ipinagbago mo nitong mga nakaraang buwan. Parang hindi na ikaw ang Gudong nakilala ko. Ang nakikita ko sa'yo ngayon ay isang lalakeng maginoo na may matibay na prinsipyo sa buhay. Anong nagpabago sa'yo?"

"Masaya lang po ako sa buhay ko ngayon, Kabesa."

"Kung ganon, sana ay patuloy kang maging masaya. Masaya ako para sa'yo, Gudo."

"Salamat po, Kabesa."

"Pero umiinom ka pa rin ng alak?"

"Paminsan-minsan na lang, Kabesa."

"Magaling. Hayaan mo't mag-iinuman tayo minsan sa aking bahay oras na maayos ang lahat ng ito."

Nagkamay silang dalawa. Nagpaalam na si Kabesa at lumabas na ng kwarto.

* * *

Mas maagang dumating nang gabing iyon si Rogelio sa bahay nila ni Beth.

"Mahal, nabalitaan ko dyan sa labas na may nagkabarilan daw kaninang umaga."

"Oo, Mahal."tipid na sagot ng ginang.

"Grabe, binaril pala ng apo ni Kabesa si Gudo. Si Kabesa naman ang bumaril sa apo niya. Nalaman ko mula sa mga tao diyan sa labas na ligtas na raw ang lagay ng dalawa ngayon sa ospital. Na handa rin daw ipakulong ni Kabesa ang apo niya."

Hindi kumibo si Beth. Ipinagpatuloy lang niya ang paghahanda sa kakainin ng mister.

"Mahal, 'wag ka nang mag-abala. Pinakain na kasi kami sa trabaho. Birthday kasi ng 'bisor namin. Tsaka aalis din ako agad. May duty kasi ako ulit ngayong gabi dahil hindi na naman dumating ang karelyebo ko."

"Mahal, 'wag mo masyadong pagurin ang sarili mo roon. Baka naman makasama na sa kalusugan mo ang palagian mong pag-oovertime."

Hindi kumibo si Rogelio. Kumuha siya ng ilang piraso ng bagong labang damit niya na nasa upuan. Inalis niya ang mga iyon sa pagkaka-hanger at tsaka niya iyon inilagay sa dala niyang backpack.

"Siyanga pala, Mahal. Maaga kaming pinasahod ngayon."

Ibinigay ni Rogelio kay Beth ang isang sobre. Binilang ng babae ang laman niyon.

"Ang laki naman nito. Mahal."

"Di ba madalas akong nag-oovertime nitong mga nakaraang linggo? Natuwa sa akin yung boss ko kaya dinagdagan niya ang sahod ko."

"Nakakatuwa naman, Mahal, Hayaan mo, bukas na bukas bibilhan kita sa bayan ng mga bagong damit. Marami kasi akong nakitang naka-display doon na bagay sa'yo."

"Sus, Mahal. Okey lang ako. Ibili mo 'yan ng gusto mo."

"Ang mabuti nating gawin dito ay itabi ang pera nating ito sa bangko para may pagkukuhanan tayo sa oras nang kagipitan. Tsaka wala naman akong masyadong luho sa katawan."

"Dyan ako bilib sa'yo, Mahal." ani Rogelio, "Magaling kang humawak ng pera. Kahit noong maliit lang ang kinikita ko ay nagagawa mong pagkasyahin ang budget natin."

Ngumiti ang ginang sa sinabi ng mister.

"Paano, Mahal, aalis na ako. Mag-iingat ka rito, ha. Isara mong mabuti ang pinto sa pag-alis ko."ani Rogelio. Humalik siya sa pisngi ni Beth at tsaka siya umalis. Hindi pa man nakakalayo si Rogelio ay huminto ito. Nilingon niya ang maliit nilang bahay. Pinagmasdan niya saglit ang kubo nilang iyon. Huminga siya nang malalim at tila mabigat ang loob niyang umalis.

* * *

Kinaumagahan, hindi pa man sumisikat ang araw ay bumangon na si Beth, hindi siya nakatulog nang mabuti buong magdamag. Nasa isip niya ang gulong nangyari kahapon. Magulo ang isip ni Beth at balot nang pangamba. Hindi pa siya kumakain simula kahapon dahil doon..

Idinaan ni Beth sa pagwawalis sa labas ang kanyang mga pangamba. Ibinaling niya ang atensyon sa mga gawaing-bahay. Nilinis niya ang kulungan ng mga alaga niyang kambing. Nagtaka ang ginang nang makita niyang may naglagay ng sapin para sa mga kambing niya. Naisip niya si Gudo. Tiyak niyang ito ang naglagay niyon. Hiniling niya na sana ay nasa mas mabuting kalagayan ngayon si Gudo. Matapos pakainin ni Beth ang mga alaga niyang kambing ay bigla siyang nakaramdam nang bahagyang pagkahilo. Minabuti na ni Beth na pumasok sa loob ng bahay.

Sadyang masipag si Beth, bagaman iba ang kaniyang pakiramdam sa umagang iyon ay nagawa pa rin niyang tupiin ang mga naka-hanger nilang damit ng kanyang mister na nakalagay sa upuan. Ibinaling ni Beth sa paglalaba kahapon ang mga pangamba niya sa nangyaring gulo.

Habang isa-isa niyang inaalis sa pagkaka-hanger ang mga damit, nakita niya roon ang isang makapal na sobre. Nakalimutan iyong dalhin ni Rogelio. Nang tingnang mabuti ni Beth ang sobre ay nakita niyang nakapangalan ito sa kanya. Sulat-kamay iyon ni Rogelio. Binuksan niya ang sobre. May lamang pera iyon. Medyo makapal na tig-lilibuhing piso ang naroon. Tinantiya ni Beth ang halaga niyon. Nabigla siya kung saan kukuha si Rogelio nang ganung kalaking halaga. Napuna ni Beth na bago rin ang mga perang iyon na tila galing pa sa bangko. Nakita rin niya ang isang libreta sa bangko. Nang buklatin niya iyon ay nakita niyang nakapangalan iyon sa kanyang mister. Nang basahin niya ang laman niyon ay nakita niya na may mga perang ipinasok doon ang kaniyang mister. Hindi niya alam na medyo matagal na rin pala itong nag-iimpok ng pera sa bangko. Malaki-laki ang suma total ng halagang nakalagay doon. Alam niyang hindi kayang ipunin ni Rogelio ang ganun kalaking halaga nang basta na lamang. Napuna rin niya ang isang atm card na nakasingit sa loob ng bank book.

Nakita ni Beth ang isang piraso ng papel. Nakatupi iyon. Nang buklatin niya iyon ay nalaman niyang iyon ay isang sulat sa kanya ni Rogelio. Kinabahan si Beth dahil ngayon lamang iyon ginawa ng mister sa kanya. Binasa niya ang laman ng liham sa kanya ni Rogelio.

Beth,

Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang sulat na ito. Unang-una, gusto kong sabihin sa'yo na naging isa kang mabuting asawa sa akin. Hindi ka nagkulang sa akin. Ako ang may malaking pagkukulang sa iyo. Alam mo kung saang bagay ako nagkulang.

Mahal, ang pagkukulang kong iyon ay bungsod ng isang malaking pagkakasalang nagawa ko sa iyo. Halos hindi na nga ako makatingin nang diretso sa iyo sa tuwing uuwi ako sa atin. Hindi mo lang alam kung gaano ko sinisi ang sarili ko. Beth, natukso ako sa ibang babae. Sa isang kliyente ng kumpanya namin. Naging mahina ako nang sandaling iyon dahil sa tukso. Ako ang may pananagutan sa nangyari. Hindi niya alam na may asawa ako. Nagbunga ang pagkakasala kong iyon. Ngayon ang kabuwanan niya.

Hindi na ako nararapat pang mahalin, Beth. Hindi ko kayang ibigay ang pangangailangan mo sa gabi dahil ako na mismo ang nasusuklam sa sarili ko. Mahal kita at wala akong ibang hangad kundi ang para sa kapakanan mo. Wala pa tayong anak. Pwede kang magsimula muli sa halagang iniwan ko sa'yo. Alam kong mapapaunlad mo ang perang iyan. Sana'y makatagpo ka ng lalaking nararapat para sa'yo.

Tanggap ko na kung hindi mo ako mapapatawad. Gabayan ka nawa lagi ng Diyos.

Paalam, Beth!

Rogelio.

Basang-basa ng luha ang mga mata ni Beth matapos niyang basahin ang liham ni Rogelio. Niyakap niya ang sulat sa kanyang dibdib. Humagulgol si Beth. Ang hindi alam ng kanyang mister, pareho lamang silang may nagawang pagkakasala. Pareho silang naging mahina sa tukso.

Sa pag-iyak ni Beth ay bigla siyang nakaramdam nang kakaiba. Agad siyang tumayo at tinungo ang lababo at doon ay naduwal siya. Nitong mga nakaraang araw ay nakakaramdam siya na mas mabilis siyang mapagod at bigla na lang siyang parang nahihilo. Kahapon pa sana sana siya dinatnan ng buwanan niyang dalaw subalit hanggang ngayon ay wala pa rin. Naghilamos si Beth. Nakaalis na siya ng lababo nang muli siyang bumalik doon at naduwal siyang muli.