1. Home
  2. Stories
  3. hercules
PSErotica

hercules

By bigberto ·

Sa mga mambabasa humihingi po ako ng paumanhin duon sa unang yugto ng kwento kung hindi natuloy.

Sa malayong bayan ng Aklan ako nakabili ng isang maliit na lupaing napagtirikan ng aking bahay bakasyunan.Maganda ang kapaligirang malapit sa dalampasigan.Kasama ko ang aking nobyang si Queeny at ang alaga kung asong boxer na crossbreed ng rotweiller si Hercules.

Kumo malayo kami sa kabayanan ay nag-ari ako ng isang 9mm na baril at isang de-sabog na double barrel .Marunong humawak ng baril si Queeny sya pa nga palagi ang naglilinis nito at alagang-alaga sa langis at palaging kargado ng bala.Parehong sa kabayanan ang aming mga trabaho at wala pa kaming balak na gumawa ng pamilya kayat si herc ang nagging anak-anakan naming dalawa.Kulang na lamang ang magsalita sa katalinuhan ni herc.

Ako ang kadalasang nadedistino gawa ng aking trabahong real state samantalang isang mahusay na abugada naman si Queeny.Hindi pa kami gaanong nagtatagal sa lugar na iyon nang mangyari ang isang pagsalakay ng mga pirata sa aming kalapit na baryo at sinasabing may mga napatay daw sa mga pirata gayun din sa mga taga baryo at nagbanta ang mga piratang muli raw silang babalik.

Nagdulot ito ng malaking pangamba sa akin gayun din kay Queeny .Lalong-lalo pa't madalas nga kasi akong nasa malayo at tanging cellphone lang ang aking inaasahang kumunikasyun at ang aking laptop.

Isang gabing nasa destino na naman ako ng mabalitaan kay Queeny ang isang pagtatangkang looban kami ng dalawang katao .Nabaril ni Queeny ang isa at ang isa ay nakatakas subalit nabaril din daw si Hercules at pareho sila ngayung nasa hospital.

Mabuti na lamang daw at nagising si Quenny sa malakas na tahol ni Hercules kaya agad syang nakapaghanda .Naiwan pa ang isang baril ng magnanakaw na puro dugo ,puro dugo rin daw ang bunganga ni Herc akala nga raw ni Queeny ay sa bibig ito tinamaan subalit sa tagiliran lamang ito tinamaan mabuti na lamang at malayo sa kanyang mga vital organ naglagos ang bala.

Dinatnan ko sa ospital si Queening umiiyak pa rin sa pag-aalala kay Herc.Sa paputol-putol nyang salay ko nalamang sa kanya raw sana ang balang tumama kay Herc.

itutuloy