1. Home
  2. Stories
  3. Hot Escapades - Krisha (chapter 11)
PSErotica

Hot Escapades - Krisha (chapter 11)

Written by stalkereyes___ on

(What's up. mga ka-PSE? I just want to say this very important announcement: in the next 5 chapters or so, magiging minimal muna ang mga sex scenes dahil medyo busy na ang ating mga characters sa Palaro nila. Hope you enjoy!)

---------

MidOne Palaro, Day 1.

Makulay at maaliwalas ang MidOne University. Ang mga estudyante ay punong-puno ng saya at excitement sa isang linggo ng kasiyahan, pagsubok, aliwan at higit sa lahat, ang bayanihan. Sa tuwing dumarating ang Palaro ay samu't-saring mga tindahan ang makikita sa mga pathway ng institusyon. Mayroon ding mga shout-out booth, mga movie house, at ang pinaka-sentrong atraksyon ng Palaro: ang carnival. Sa puntong ito,alamin natin kung ano na ang pinagkakaabalahan ng bawat isa.

Si Krisha ay panay na ang pagre-review para sa nalalapit nilang Quiz Bowl. Hinahagulgol niya ang lahat ng oras sa pagbabasa ng mga libro at mga magasin. At siyempre; kasama niya ang kanyang mga teammates na sina Irish at Reymark. Ilang araw na rin silang magkakasamang nagre-review kasama ang adviser nila na si Ryan. Naroon pa nga ang pagiging malambing ng magkasintahan kahit seryoso sila sa pagre-review.

Si Daryl naman ay nakahanda na sa magiging laro nila sa basketball. Determinado siya na ang college department nila ang magiging overall champion ng torneyong ito. Bilang isang leader, siya ang nagmo-motivate sa mga teammates niya na ibigay nila lahat hanggang sa abot ng kanilang makakaya.

Nagsilbing organizer ng Dota Tournament ang grupo ni Miko. Gaganapin ang nasabing tournament sa computer laboratory ng department nila. Si Miko ang in-charge sa live streaming at sa pagbibigay ng mga snacks sa mga estudyante na maglalaban-laban sa torneyong ito.

Samantala, si Andrea naman ay isa sa mga kalahok sa Pagsulat ng Sanaysay na parte ng Literary Competition ng institusyon. Gaganapin ang nabanggit na contest kinabukasan. Bilang paghahanda, sinulit na ni Andrea ang pagbabasa ng mga balita sa internet dahil ang gagawin ng mga kalahok ay susulat sila ng isang sanaysay tungkol sa isang napapanahong isyu at ibigay ang kanilang opinyon tungkol dito.

Sa gymnasium ay nagumpisa na ang basketball game. Abante ang koponan ni Daryl sa first quarter ng laro. Sa second quarter naman ay lamang pa rin naman ang team ni Daryl. Todo suporta ang mga manonood para sa kani-kanilang mga koponan. Ngunit sa bawat pagtira ni Daryl ng tres ay todo sigawan at hiyawan ang mga taga-suporta niya. Ito ang dahilan ng pag-boost ng self-confidence ni Daryl.

Nang pumatak sa halftime ang laro, pinuri ng mga teammates ni Daryl ang naging laro niya kanina.

"That performance you did earlier was just great!" sabi ni Drake, ang shooting guard ng koponan. "You really nailed it, man. Ang galing mo ding mag-dribble at mag-shoot."

"Hah! Wala yun, tol. Sadyang inspired lang talaga ako ngayon," sagot ni Daryl. "Ginagawa ko naman lahat para sa department natin."

"Siguradong matutuwa si Coach niyan. Keep it up, bro!"

Ngumiti si Daryl sa sinabi ng kanyang kasama. Totoo ngang ginawa ni Daryl ang lahat hindi lang para sa department nila; ginawa rin niya ang lahat ng ito para kay Krisha.

"This is all for you, my baby. I'll do my best," bulong ni Daryl sa sarili. "Kung kami ang magiging champion, I'm going to have a big surprise for you."

"Uyyyy... Anong surprise yan?" sabi ng coach ng koponan na nakarinig sa sinabi ni Daryl.

Nagulat si Daryl nang makita ang coach nila. "Ay! Kayo pala, Coach; wala po yun, secret lang po yun," aniya.

"Hmmmm... Para sa girlfriend mo yan, ano?" tukso ng coach.

"Ay si coach... Chismoso talaga... Wala yun, eh."

"Ano ka ba, Mr. Parungao; biro lang." Nang narinig nila ang silbato ng referee ay nagtungo ang koponan at bumuo ng isang bilog.

"Okay team," wika ni Daryl, "we'll give it our all. We will win."

"GO WIN!" sabayang sigaw ng lahat ng mga teammates niya. Nagtungo na si Daryl at ang iba pa niyang teammates na maglalaro sa loob ng court at simula na ng third quarter.

--------

Sa loob ng faculty room ng Liberal Arts department, magkakasama ngayon si Krisha, Irish, Reymark at ang adviser nilang si Ryan sa pagrereview sa gaganaping Quiz Bowl sa ikalimang araw ng MidOne Palaro. As usual, hindi nawawala ang kuwentuhan at kulitan sa loob, kung kaya't hindi nabo-boring ang mga estudyante. Ang magkasintahang Irish at Reymark ay hindi pa rin tumitigil sa lambingan at harutan. Kaya kung minsan si Krisha ay naiilang na.

"Ay, kayo talaga... Para kayong asukal. Ang sweet-sweet nyo din, eh ano?" pabirong sabi ni Krisha.

"Syempre, trademark na namin yun. Okay lang naman din yan kay Sir Ryan," sagot ni Irish. "Nga pala, kumusta na yung jowa mo?"

"Medyo busy yun sa basketball. Ganyan talaga basta varsity player. And speaking of basketball, why not punta tayo sa gym para manood?"

"Fair enough," sagot ni Irish. "Baka malay natin, nandoon yung jowa mo. Naglalaro."

"Ayoko sana na i-distract siya. Pero sige na nga, game na ako. Samahan mo na rin si Reymark."

"Sige. Tanungin muna natin si Sir."

Tinanong ni Irish kung okay lang kay Ryan na pupunta sila sa gymnasium upang manood ng basketball. Ang naging sagot?

"Of course, you may. Actually kanina ko pa kayo pina-dismiss eh. Natapos naman natin yung review, di ba?"

"Oo nga pala, Sir," wika ni Irish. "Kaya kami hindi muna kami lumabas kasi masaya kaming nagkukuwentuhan ni Krisha."

"Sige. You may go." At nagtungo na ang tatlo palabas ng faculty room upang manood ng basketball sa gym.

Nang nakarating na ang tatlo sa gym ay isangminuto na lang ang natitira sa fourth quarter. Lamang pa rin ang koponan ni Daryl ng 20 puntos. Masaya naman si Irish nang makita ang scoreboard.

"Did you see that, Krisha? Tinambakan na ng Engineering Department ang Criminology Department. Twenty points ang lamang nila!" masayang wika ni Irish.

"Magaling din kasing maglaro yung jersey number 6," dagdag ni Reymark.

Tahimik lang si Krisha. Ngunit sa loob niya, masaya naman siya dahil naipanalo ni Daryl ang unang laro nila. Nakikita kasi ni Krisha sa bawat pagtira at pag-score na motivated nga ito. "You really surprised me, my love. You really did it for me," sabi niya sa sarili.

Narinig ng lahat ng mga manonood ang buzzer na naghuhudyat na tapos na ang laro. Niyaya ni Krisha sina Irish at Reymark na puntahan ang nobyo niya sa ibaba. At sumunod naman ang dalawa.

Habang ang mga iba ay nagsisialisan na, lumapit ang tatlo sa puwesto ng koponan ni Daryl. Nang makita ni Daryl ang girlfriend niya ay agad itong niyakap.

"Love..." sabi ni Daryl. Mahigpit ang naging yakapan na nagdudulot ng pagkakilig kay Irish.

"Awww... Look at them. Sana ganoon din tayo, babe," sabi ni Irish kay Reymark.

"Oo naman, babe. Ganyan man din tayo palagi, ah," sagot nito. Umupo ang dalawa sa may bleacher at ipinagpatuloy ang kanilang usapan.

Samantala, binati ni Krisha si Daryl sa kanilang pagkapanalo sa unang laro nito. "Congrats, my love. You really did it," sabi ni Krisha.

"It's all because of you, my love," sagot ni Daryl. "Ikaw ang naging motivation ko kung kaya't ginawa ko na lahat ng makakaya ko."

Hinawakan ni Krisha ang kamay ni Daryl. "Now isn't that sweet. You did surprise me by your play."

"Yes, my love. Promise ko yan sa'yo. I will really do my best to win this tournament. Para naman magawa kong pasayahin ka."

"Awww... I really wanted to hear that. Kaya mahal na mahal kita." At naghalikan sina Krisha at Daryl ng ilang segundo. Ang mga teammates niya, pati na rin ang coach nila, ay napapahiyaw na rin sa kilig. Maging ang magkasintahang Irish at Reymark ay pinuri rin ang act of sweetness ng dalawa.

"Now this is what I call real love!" sabi ng coach ng koponan. Lumakas pa lalo ang hiyawan sa court. Buti na lang at sila na lang ang mga tao doon. Dahil kung hindi ay malalaman rin ng buong MidOne University ang tungkol dito.

Nang matapos ang halikan ay bumulong si Daryl kay Krisha. "Krisha my love. I really wish you the best to come para sa Quiz Bowl niyo."

"Thank you, Daryl. I'll really do my best."

"Yeah. That's my girl!" sabi ni Daryl sabay yakap ulit kay Krisha. Nagkaroon ulit ng hiyawan sa loob ng court. Ito ang pagmamahalan ni Krisha at Daryl: wagas at walang kilikilingan. Ilang sandali pa ay nagkukuwentuhan ang mga tao sa loob. Ipinakilala na rin ni Krisha ang mga teammates niya sa Quiz Bowl. Ganoon din ang ginawa ni Daryl: ipinakilala niya ang mga teammates niya at ang coach nila kay Krisha, Irish at Reymark.

Nang ipinakilala ni Daryl si Krisha sa coach nila, nasiyahan ito ng husto. "Kayo talaga ng girfriend mo, para kayong wheel and axle. Laging magkasama."

Nagkaroon ng masayang tawanan at kantiyawan sa loob ng court. Nagpapatuloy ang kuwentuhan ng lahat hanggang sumapit ang gabi. Ilang saglit pa'y nagpaalam na ang lahat sa isa't-isa.

----ITUTULOY----

More from stalkereyes___

Related Stories

PSErotica

REVIEW CENTER - 17

joel_reyes

REVIEW CENTER - 17 By Joel Reyes Nang mag-shower si Jonas ay sinamantala ko ang pagkakataon na gisingin si Hatie. Niyugyog...

5 minutes Read Time
PSErotica

REVIEW CENTER - 7

joel_reyes

REVIEW CENTER - 7 By Joel Reyes Nang lumabas kami ng Chowking ay humawak pa si Hatie sa braso ko. Nilakad...

5 minutes Read Time
PSErotica

REVIEW CENTER - 3

joel_reyes

REVIEW CENTER - 3 By Joel Reyes Nakita kong dinaklot ni Jenny ang matigas na titi ni Jonas habang si Jonas...

4 minutes Read Time