1. Home
  2. Stories
  3. Hot Escapades - Krisha (chapter 12)
PSErotica

Hot Escapades - Krisha (chapter 12)

Written by stalkereyes___ on

(Hi everybody! Just a reminder, minimal pa rin ang sex scenes in the coming chapters, but don't worry; magkakaroon na ulit ng mga iyon after the Palaro chapters. Enjoy!)

----------

MidOne Palaro, Day 2.

Masaya at makulay pa rin ang MidOne University. Karamihan sa mga estudyanteng babae ay naka-mini skirt, habang yung mga iba nama'y naka-sleeveless. Laganap kasi sa institusyon ang mga nabanggit na kasuotan sa mga babaeng estudyante, lalo na sa tuwing darating ang Palaro. Mayroon ding mga lalaking naka-shorts maliban sa mga ibang naka-pantalon naman. Kumbaga, may "skin show" na nagaganap tuwing Palaro ng MidOne.

Sa ngayon ay abala si Miko sa livestreaming ng Dota tournament. Katatapos lang ng Game 1 na pinaglabanan ng Engineering at Liberal Arts Departments na kung saan nanalo ang huli. Kasalukuyang kumakain si Miko ng omelet sandwich na binigay sa kanila ng mga organizers ng torneyo. Nabalitaan din ni Miko na ngayon ang literary competiton kung saan isa sa mga kalahok para sa Pagsulat ng Sanaysay si Andrea, ang girlfriend niya.

Naisipan ni Miko na tawagan ang kasintahan.

Nag-ring lang ito. Maya-maya pa'y may tinig sa kabilang linya. "Hello Miko?"

"Hi Andrea my loves. Balita ko ngayon ang competition mo. Kaya ako napatawag because I want to wish you the best for that."

"Thank you talaga, my love. You really inspired me a lot."

"You're always welcome, mahal ko. Sige na, magla-livestream muna ako dito. Usap tayo ulit mamaya. Good luck to you!"

"Same to you, mahal. Good luck."

Nakahinga ng malalim si Miko nang matapos ang conversation nila. "I definitely hope that she will win this," sabi niya sa sarili. Nagpatuloy si Miko sa paghahanda para sa livestreaming for Game 2.

--------

Samantala, mag-isasi Krisha dahil wala silang review ngayon. Napaka-seksi ni Krisha. Naka-blue sleeveless top at naka-denim microskirt ito. Kung kaya't karamihan sa mga kalalakihan ay panay ang titig sa kanya. Nahihiya ng husto si Krisha dahil pakiramdam niya'y binobosohan siya.

Habang kumakain ito ng lunch, may lumapit sa kanya na isang lalaki. "Hi Miss, ang ganda mo today. Pwede ko ba makuha yung number mo?" anang lalaki.

"I'm sorry, pero hindi ko ibinibigay ang number ko sa mga hindi ko kakilala," sagot ni Krisha.

"Sige na, please? I want to be your friend."

"I don't even know you. Will you please get out of my sight?"

"Ang sungit mo naman. Kahit FB mo na lang."

In a flash, agad rumesponde si Daryl at lumapit kay Krisha. "What do you want with my girlfriend?" wika niya sa lalaking nang-haharass kay Krisha.

Kinilabutan ang lalaki at nagsabing, "Sorry pare, akala ko single pa kasi siya. Ang seksi din naman niya kasi."

"I don't care. NOW STAY AWAY, OR I'LL BEAT YOUR FUCKING ASS!" sabi ni Daryl na mataas na ang boses. Agad tumakbo palayo ang lalaki sa takot.Nakahinga na rin ng maluwag si Krisha.

"Love, thank you. You really saved my life," sabi ni Krisha sa kasintahan niya.

Hinalikan ni Daryl si Krisha sa noo. "Never fear, my love. Nandito lang naman ako kung kailangan mo ng tulong."

"Thank you talaga, huh," ani Krisha. "Di ba may laro ka pa?"

"Yes. Pero di pa nag-start yung fourth quarter."

"Ganoon ba? Tara, kain ka," yaya ni Krisha at inalok niya yung kalahati ng hamburger na kinain niya.

"Uy thank you," sabi ni Daryl sabay abot ng pagkain."Nga pala, ba't ka mag-isa ngayon?"

"Wala kasi kaming review ngayon."

"I see. Balik na ako doon, love. Mag-start na yung laro."

"O sige. Good luck!" sagot ni Krisha. Tiningnan muna ni Daryl si Krisha bago umalis.

------

Sa loob ng Social Hall ng College of Education, nagsimula na ang literary competition. Busy ngayon si Andrea sa pagsusulat ng sanaysay. Ang nakuha niyang paksa ay tungkol sa Rice Tarrification Law. Nasiyahan naman si Andrea dahil marami siyang alam tungkol dito.

"It's going to be a breeze for me. Just you wait," sabi ni Andrea sa isip niya.

------

Ilang minuto pa ang nakalipas, natapos na ang laro sa gymnasium. Kalaban ng koponan ni Daryl ang External Studies Department. Sa kasamaang palad, nabigo ng koponan ni Daryl na ipanalo ang laro. Lamang kasi ng 8 puntos ang kalaban nila. Ngunit okay lang kay Daryl dahil ibinigay naman niya ang lahat, katulad ng mga larong nagdaan. Maliban doon, magaling din kasi talaga sila sa depensa.

"Sorry, my love. I tried my best but it wasn't good ebough," bulong ni Daryl sa sarili. Di nagtagal ay lumapit ang coach kay Daryl.

"Mr. Parungao, I'm not mad for this loss. In fact, I feel happy. Happy kasi you give it your all. You pushed yourself hard in that game. Your performance was great, indeed," sabi ng coach.

"I really liked your determination," patuloy ng coach. "That's what I really like to see from a varsity player like you. Kahit natalo man tayo, at least ginawa mo na ang lahat hanggang sa abot ng makakaya mo."

"Thank you, Coach," wika ni Daryl. "Na-realize ko na ang pagkatalo natin ngayon ay siyang nagsilbing confidence booster to do more, to play harder. And I really do it not only for the love of the game, but also to aim for the championship."

"Exactly," sagot ng coach. Di nagtagal ay biglang sumulpot si Krisha.

"Hi, Love," bati ni Krisha. "I heard that natalo kayo sa laro niyo."

"Yes. I'm very sorry for that," sagot ni Daryl.

"There's no need to apologize, Daryl. Sometimes, okay lang na matatalo ka. Kasi yun ang magiging motivation mo to do more."

"Thank you talaga, love." At nagpatuloy ang kanilang usapan nang may biglang tumapik sa likod ni Krisha. Tumayo ang dalaga at nagulat siya kasi sinampalan siya. Agad tumayo si Daryl at tiningnan kung sino ang sumampal kay Krisha.

Si Angelita!

"Angelita? What are you doing here? Bakit mo sinasampal ang girlfriend ko?" inis na tanong ni Daryl.

"Kainis ka, Daryl!" galit na wika ni Angelita. "Bakit ba kasi siya ang minahal mo, hindi ako? Maganda naman ako, seksi naman ako; tapos ang chaka-chaka niya! Hoy ikaw, babae; kung ako sa'yo, layuan mo ang mahal ko!"

Nainis si Krisha sa narinig. "Excuse me? AKO ang unang minahal ng boyfriend ko! At least ako, tunay na babae. Ikaw, bakla ka lang! Isaksak mo yan sa utak mo!"

"Tama na, Krisha," awat ni Daryl tapos tumingin kay Angelita. "What the hell are you saying? I already told you that we're through, right? Please, Angelita. Makaalis ka na. At isa pa, sinabi ko na sa'yo na mahal ko ang girlfriend ko."

"The hell I care kung mas mahal mo ang babaeng yan. Aminin mo na kasi, Daryl. Mahal mo rin ako, di ba?"

"What are you talking about? It was just a one-time thing."

"Bakla ka lang! Bakla! Bakla! Bakla!" sigaw ni Krisha. Inawat naman siya ni Daryl.

"Please, Krisha. Let me handle this," sabi nito sa dalaga.

"Angelita, like I said earlier, it was just a one-time thing. Nadarang ka lang sa mga nangyayari sa atin noon. Hindi ko yun ginusto, sa totoo lang. Kaya please. Let's end this bullsh*t. Just move on, okay?" sabi naman ni Daryl kay Angelita.

"Eh paano ako makaka-move on kung sasabihin ko sa'yo na mahal kita?" sagot ni Angelita. "I just can't let you go."

"Angelita naman, should I need to tell you a million times about this? I already told you. We're through! I never loved you!"

"Ganyan talaga kayong mga lalaki. Mahilig manloko!" sigaw ni Angelita sabay walk-out. Nang sila na lang dalawa ang matira ay agad tinulak ni Krisha si Daryl.

"Tama nga talaga ang hinala ko. May iba ka talaga, eh!" inis na wika ni Krisha na naiiyak na.

"No, my love. It's not like that. Hindi ko siya minaha---"

"Hindi mo minahal?! Eh kitang-kita ko kayo last time sa may fire exit ng mall. Naglalaplapan pa nga kayo eh."

"Krisha..."

"Mas mabuti pang mag-break na tayo! Bwiset!" Akmang lalakad na si Krisha palayo ngunit pinigilan siya ni Daryl.

"Krisha! Mag-usap tayo. Please."

"I don't want to talk to you. Wala na tayong ibang pag-uusapan. Let go!"

"Ang totoo kasi---"

"I HATE YOU! WE'RE THROUGH!" naiiyak na wika ni Krisha at lumakad na palayo at iniwan si Daryl na nag-iisa. Nasaktan ng husto si Daryl dahil nabuking pa rin ni Krisha ang secret relationship nila ni Angelita. Nagsusumikap siyang huwag ilahad ang kanyang sikreto ngunit pumalya lahat ng efforts niya.

"RAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH!!" malakas na sigaw ni Daryl sabay suntok sa pader ng gym. Depressed na siya ngayon dahil iniwan din siya ng taong tunay na minahal niya. Sa totoo lang ay si Krisha lang talaga ang totoong mahal niya. Tila nawalan na siya ng pag-asa na sila'y magkakabalikan pa.

----ITUTULOY----

More from stalkereyes___

Related Stories

PSErotica

REVIEW CENTER - 6

joel_reyes

REVIEW CENTER - 6 By Joel Reyes Komo Sabado noon kaya pareho kaming umuwi ni Jonas - siya sa Bataan at...

5 minutes Read Time