1. Home
  2. Stories
  3. Hot Escapades - Krisha (chapter 14)
PSErotica

Hot Escapades - Krisha (chapter 14)

Written by stalkereyes___ on

(Hello mga ka-PSE!I just want to give a shout out to x_sir_rex_x na lingid sa kaalaman ko, ay isang avid na taga-subaybay ng story na ito.Click this link para makita niyo ang mga stories niya --->https://pserotica.com/?q=stories-by-author/49611/x_sir_rex_x
Enjoy! )

-----------

MidOne Palaro, Day 4.

Tuwing dumarating ang Palaro, usong-uso ngayon ang mga movie house na nagpapalabas ng mga napapanahong mga palabas. May mga love story, may mga kid's movies at maging mga superhero flicks. Halos lahat ng mga departments ay may movie house, kung kaya't ang ibang mga estudyanteng mga movie junkies ay halos nahihirapan sa pagpili.

Nasa loob si Miko ng movie house ng Engineering department at nag-iisa lang ngayon. Hindi niya kasama si Andrea dahil may iba itong inaasikaso. Love story ang tema ng pelikula na pinapalabas. May dalang notebook si Miko dahil pinapagawa sila ng isang reflection paper sa isang subject niya na kailangang ipasa sa susunod na linggo. Armado rin siya ng phone para i-record niya ang mga mahahalagang plot sa naturang pelikula.

Samantala, sa gym ay naglalaban ang koponan ni Daryl at ang Home Economics department. Panalo ulit sila. Dalawang magkakasunod na laro ang naipanalo nila kung kaya't pasok na sila sa finals. Ang saya naman ng coach nila dahil si Daryl mismo ang nagdala ng laro.

"Mukhang energetic ka yata ngayon Daryl, ah," papuri ng kanilang coach.

"Syempre naman, coach; inspired lang talaga ako," sagot ni Daryl. "I do it for the love of the game. At para na rin ito kay Krisha."

"I knew it! I guess na malakas na ang loob mo para kausapin siya, di ba?"

Tumango si Daryl. "Malakas na malakas na. Susuportahan ko siya sa quiz bowl nila ngayon. If okay lang sa iyo, sama na tayo doon."

"Mamaya pa ako makakapunta, Daryl; aasikasuhin ko lang ang mga players."

"Okay, Coach," ani Daryl.

Nilisan ni Daryl ang gym upang magtungo sa auditorium ng Computer Studies department upang suportahan si Krisha. Ito na rin ang magsisilbing outlet para makapag-usap sila ng masinsinan.

Ngunit bumalik si Daryl sa loob at pinuntahan ang coach.

"May plano ako, Coach."

"Ano yun, Daryl?"

------

College of Computer Studies Auditorium.

Nagsimula na ang Quiz Bowl. Katatapos lang ng easy round at leading ang grupo ni Krisha na nakakuha ng 9 points out of 12. Determindo si Krisha na maipapanalo nila ito para sa department nila. Siya ang leader ng grupo nila. Si Irish naman ang taga-sulat ng mga sagot. Specialty naman ni Reymark ang science.

"Now it's about time to begin the Average Round," sabi ng quiz master. Naghanda na ang mga kalahok sa unang tanong.

"Current Events question number one," sabi ulit ng quiz master. Nakahanda na si Krisha.

"Ako ang bahala dito," wika ni Krisha sa mga kasama niya. Tumango ang mga kasama niya at nakinig na sa tanong.

"What is the name of the plant that is seen at the back of the new 10-peso coin?"

Inulit ng quiz master ang tanong at humudyat na na isulat na ang sagot. Alam ni Krisha ang sagot. "Kapa-kapa," bulong ni Krisha kay Irish.

"Oo, kapa-kapa nga iyon," pagsang-ayon ni Irish at sinulat ang sagot sa papel. Matapos ang sampung segundo...

"Time's up! Ballpens up!" sabi ng quiz master. Ibinigay na ni Irish ang papel.

"The correct answer is... Kapa-kapa."

Masaya ang tatlo dahil naisagot nila ang tanong ng tama. Nagpasalamat ang dalawang kasama ni Krisha. Ngumiti naman ito. Leading pa rin sila, at may 11 points na sila ngayon.

"For question number 2, we have Science."

"Reymark, ready ka na?" tanong ni Krisha.

"Readyng-ready na," sabi ni Reymark at nakinig na ang tatlo sa tanong.

"What is the name of the substance found in shrimps that makes flamingoes pink?"

Napa-isip sandali si Reymark. "Naku... Hindi ko alam..."

"Sabihin mo. Kahit ano na," sabi ni Krisha.

"Formaldehyde siguro?" sagot ni Reymark. Tumango ang dalawa at isinulat ni Irish ang sagot. Nang tumunog ang buzzer ay nagsalita ulit si Reymark. "Pagpasensyahan nyo na ako if mali ang sagot ko. Ngayon ko lang kasi narinig ang tanong na iyan eh."

"Okay lang yun," ani Krisha. At naghintay sila kung ano ang tamang sagot.

"The correct answer is... astaxanthin."

Namangha ang tatlo sa narinig. "Sounds like a new word to me," sabi ni Irish.

"Hahaha. Kaya nga eh," dagdag ni Reymark.

"Okay lang if hindi natin naisagot ng tama," sabi ni Krisha. "Ang mahalaga ay maipanalo natin ito. Wag tayong magpakampante." Tumango ang dalawa at handa na sila para sa susunod na tanong.

------

Samantala, pormadong-pormado si Daryl ngayon. May dala siyang rosas at chocolate para kay Krisha. Kasalukuyang nagmi-meeting ang mga teammates niya kasama ang coach nila.

"Okay guys," sabi ng coach, "kaya ko ginawa ang impromptu meeting na ito dahil kailangang makausap ni Daryl si Krisha, ang girlfriend niya. And we will do it in a very special way."

Ipinaliwanag ng coach ang naka-assign na gawin sa mga players. Ang lima sa kanila ay tutulungan si Daryl na hawakan ang mga placard na may nakasulat na mensahe. Ang coach na mismo ang lalapit kay Krisha at ipipiring niya ito.

Kaya nagtungo na ang coach sa loob ng auditorium at sinimulan na ang plano.

Nakapuwesto na si Daryl at ang kanyang mga teammates sa labas ng auditorium. Isa itong malaking surprise.

------

Pumasok ang coach sa loob ng auditorium at na-witness niya ang quiz bowl. Nasa difficult round na at nasa panghuling question na. Leading pa rin ang grupo ni Krisha na kung saan 34 points na ang nakuha nila, na nasundan ng isang department na nakakuha ng 31 points. Masaya naman ang coach tungkol dito.

"Give the name of this chemical formula:Ca3(PO4)2"

Ito ang tanong na naka-flash sa projector. Malaki ang tiwala ng coach na maisagot ito ng grupo ni Krisha. "Calcium phosphate yun," sabi niya sa sarili. "Alam na alam ko yan."

Ilang sandali pa ay tumunog ang buzzer. Nagsitaasan na ng mga ballpen ang mga participants.

"And the correct answer is... Calcium phosphate," ang anunsyo ng quiz master.

Nakasagot ang grupo ni Krisha ng tama. Nakahinga ng maluwag ang coach.

In-announce na ang naging resulta. Leading pa rin ang grupo ni Krisha na nakakuha ng 37 points. Sumunod ang pangalawang grupo na may 35 points, at ang 3rd placer ay may 30 points. Champion ang grupo ni Krisha.

"We really did it, guys," masayang sabi ni Krisha.

"Yes! Naka-champion rin tayo!" sabi ni Irish. Nagyakapan silang tatlo at kino-congratulate nila ang isa't-isa.

Nag-text ang coach kay Daryl na maghanda na sila sa labas.

Matapos ang picture-taking at awarding, lumapit ang coach sa grupo at nilapitan si Krisha.

"Congratulations for being the champion of this year's Quiz Bowl," bati ng coach. "You really deserve it."

"Thank you," sagot ni Krisha. "Ikaw po ba yung coach ng basketball team ni Daryl?"

"Why yes. Nakalimutan mo na ba ako agad? Nagusap pa nga tayo nung isang araw."

"Oo nga pala, ano," pabirong sagot ni Krisha.

"Hmmm... And by the way, I want you to wear this." At nilagyan na ng coach ang blindfold kay Krisha. Namangha si Krisha.

"A-anong meron? Anong meron?" pagtataka ni Krisha.

"You'll wait and see," sabi ng coach. "Tiyak na masisiyahan ka dito. Wag mong tatanggalin hanggang hindi ko pa sinabi sa'yo. Okay?"

Inialalayan ng coach si Krisha palabas ng auditorium. Sumama na rin si Reymark at Irish na na-curious kung ano ang nangyayari. At nang nakalabas na sila ng auditorium ay tinanggal ni Krisha ang blindfold. Namangha siya sa kanyang nakita. Nakaantay sa kanya si Daryl na naka-formal wear at may bitbit pang chocolate at bouquet of flowers.

Naluha si Krisha sa nakita. Maya-maya pa'y sinalubong siya ni Daryl.

"Krisha," sabi ni Daryl. "I just need to apologize sa nagawa kong kasalanan. Inaamin ko, ikaw pa rin ang mahal ko. At hinding-hindi ko kaya na mawawala ka sa buhay ko. Oo, Krisha. Ikaw ang dahilan kung bakit nagkakulay ang buhay ko." Habang sinabi ito ni Daryl ay naluluha na rin ito.

"Sorry if humantong pa sa tampuhan ang naging awayan natin," patuloy ni Daryl. "Sorry if hindi ko sinabi sa'yo ang tungkol sa amin ni Angelita. Sana matanggap mo pa rin ako. Kasi ako, tanggap pa rin kita kahit may mga pagkakamali kang nagawa sa akin."

Hindi pa rin kumikibo si Krisha. Maya-maya pa'y inilahad na ng mga teammates ni Daryl ang mensahe sa mga placard:

"Can we get back together, Krisha?" ang nakasulat.

Napaluha pa lalo si Krisha. Ilang saglit pa'y nagsalita ito. "Daryl, mahal pa rin kita. Ikaw ang tanging nagpapasaya sa akin. Kahit may mga tampuhan tayo minsan, I still love you." Tinanggap ni Krisha ang chocolate at flowers. "I'd really love to rekindle our relationship," patuloy ni Krisha at niyakap ng mahigpit si Daryl.

Nagpapalakpakan ang mga tao. Si Irish naman ay kinilig.

"Awww... Ang sweet pa rin nila," ani Irish. "Ganito katatag ang relasyon nila. Don't you agree, Rey?" Tahimik lang si Reymark nang tinanong siya ng kasintahan niya.

"I love you, Krisha," sabi ni Daryl.

"I love you more, Daryl," sagot ni Krisha at hinalikan ang nobyo niya. Muling nagpapalakpakan ang mga tao.

"Shall we call it a celebration?" sabi ng coach habang nagpapalakpak. Naging masigabo ang palakpakan dahil umubra ang naging plano nila kanina. Naging engrande ang balikan ni Krisha at Daryl. Nilampasan rin nila ang mga pagsubok ng hiwalayan.

Mahal na mahal pa rin nila ang isa't-isa.

----ITUTULOY----

More from stalkereyes___

Related Stories

PSErotica

REVIEW CENTER - 5

joel_reyes

REVIEW CENTER - 5 By Joel Reyes Wala pang isang linggo ay halos kilala na namin ni Jonas ang aming mga...

3 minutes Read Time
PSErotica

REVIEW CENTER - 24

joel_reyes

REVIEW CENTER... 24 By Joel Reyes Nakita nga namin ang pagpasok nina Jonas at Aira na pareho pa ring hubo"t...

4 minutes Read Time
PSErotica

REVIEW CENTER - 15

joel_reyes

REVIEW CENTER - 15 By Joel Reyes Habang hinihimod ko ang puki ni Hatie ng aking dila ay bigla siyang naupo...

3 minutes Read Time
PSErotica

REVIEW CENTER - 23

joel_reyes

REVIEW CENTER... 23 By Joel Reyes Nakadalawa na nga si Myrene pero di pa ako nakapagpapalabas ng akin. Noon si Myrene...

3 minutes Read Time