1. Home
  2. Stories
  3. Hot Escapades - Krisha (chapter 20 - katapusan)
PSErotica

Hot Escapades - Krisha (chapter 20 - katapusan)

Written by stalkereyes___ on

(Hello mga ka-PSE! Ito na ang final chapter ng story na ito. Maraming salamat sa inyong walang sawang pagsubaysay sa story na ito. Don't worry; hindi pa naman ito ang huling story na gagawin ko. Enjoy the ending)

----------

"Daryl? Daryl?"

"Krisha."

"Hmm?"

"Krisha, this is your mother."

"Mama?"

"Yes, ang mommy mo ito."

"Where am I?"

"You should take a rest first, my child. The doctor will come para tingnan ka ulit. Masaya ako at nabuhay ka ulit, Krisha."

"Nabuhay ako? Bakit parang lumalabo ang paningin ko? Bakit sobrang tamlay ng katawan ko?"

"Relax, Krisha. Magpakalakas ka muna."

Naramdaman ni Krisha ang paghagod ng kamay ng mommy niya sa kanyang noo.

"Mama..."

MAKALIPASang ilang araw...

"Krisha? Gising ka na ba?"

"Whose voice was that? Andrea?"

"Yes, this is Andrea. Kumusta ka na bes?"

"Heto, medyo lumalakas na ng kaunti ang pakiramdam ko. Pero medyo lumalabo pa rin ang vision ko," sagot ni Krisha. "Si Miko ba ang nasa tabi mo?"

"You're getting better, indeed. Of course, it's me."

"Hi Miko, Andrea," bati ni Krisha pagkatapos ay tila may hinahanap ito. "Si Daryl? Hindi niyo ba siya kasama?"

Nagkatinginan ang mag-fiance pagkatapos ay nilinga ang mommy ni Krisha na umiiling naman sa kanila.

"Daryl is not with us today, Krisha," sagot ni Andrea. "It would be better if mag-focus ka muna sa pagpapalakas ng katawan nang sa gayon ay madalaw natin siya."

"Saan na siya?" tanong ni Krisha. "Nasa ibang ospital ba siya?"

"Sa ibang ospital siya dinala ng pamilya niya, Krisha," usisa ni Andrea. "O siya, tama na muna ang mga katanungang yan;ibang topic muna ang pag-uusapan natin."

Nagkuwentuhan ang tatlo sa tabi ni Krisha habang ang dalaga nama'y pumikit na lang. Sobrang matamlay pa rin si Krisha at halos hindi pa rin siya makagalaw ng maayos. Kailangan niyang magpapalakas ng katawan kung gusto niyang makita si Daryl.

ILANG araw pa ang nagdaan ay unti-unti nang lumalakas ang pakiramdam ni Krisha. Malinaw na rin sa wakas ang paningin niya at natuklasang parang lumulobo ang tiyan niya. Dahil hindi na niya maikakaila ang naging kundisyon niya'y napilitang sabihin na rin ng ina niya ang katotohanan kasama si Andrea.

"I'm five months pregnant?!" gulat na sagot ni Krisha sa sinabi ng mommy niya.

"Exactly, Krisha," wika ni Andrea.

"But... I was in this hospital for just one month!"

"Krisha, you've beenin a state of comatose for four months," kuwento ng ina niya. "If you'll remember, natamaan ka ng bala ng baril sa dibdib mo. Mabuti na lang at hindi natamaan ang puso mo, kung nagkataon..."

"Krisha, you hit your head hard when you fall down the floor," salaysayni Andrea. "That's the reason why na-comatose ka. Mabuti na lang at very skilled ang doktor mo and he was able to save the baby."

"Four months..." bulong ni Krisha, "pero para sakin parang umabot lang ng isang buwan."

"You're indeed a lucky girl, Krisha," ani Andrea. "Yung ibang na-comatose, hindi na nila magawang magising."

"Si Daryl!" sambit ni Krisha. "Sa dibdib din siya nabaril, di ba? Comatose ba din siya?"

Hindi agad makasagot ang dalawa sa naging tanong ni Krisha. Ilang sandali pa'y lumapit si Andrea at tumabi sa kaibigan.

"Well, it's more like that," sagot ni Andrea. "As soon na malakas na malakas na ang loob mo, agad nating puntahan si Daryl."

Ngumiti si Krisha at natuklasan niyang lumalaki na rin ang tiyan ni Andrea. Tiningnan rin ni Andrea ang tiyan niya at kinapa ito. "Pareho na tayong buntis ano?"

Nagpatuloy si Andrea sa pagkukuwento. Nalaman ni Krisha ang nangyari kay Ryan. Naging biktima ito ng hit-and-run at dead on arrival ito nang isinugod siya sa ospital. Ganoon din ang nangyari kayAngelita. Nanlaban siya sa mga pulis at napilitan silang pagputukin ito. Binawian rin ito ng buhay nang nakarating ito sa ospital. At ayon sa naging follow-up investigation ng mga pulis, nalaman ni Krisha na si Angelita ang driver ng sasakyan na ginamit umano sa pagbangga kay Ryan.

"Oh my god..." sabi ni Krisha. "I couldn't believe this..."

"Kaya nga ang suwerte mo pa rin," wika ng ina niya. "Krisha, nagawa mo bang ipaalam kay Daryl na buntis ka?"

Hindi sumagot si Krisha. Tinapik siya ng ina niya sa balikat. "O siya, magpahinga ka na."

DUMAAN ang ilang linggo. Nakalabas na rin ng ospital si Krisha kasama ang mommy niya at si Andrea. Sinundo silang tatlo ng daddy niya sa ospital dala ang sasakyan. Nang nasa daan na sila ay nag-request itong si Krisha na dalawin sa ospital si Daryl.

"Ba't hindi ka muna magpahinga sa bahay, anak?" tanong ng ama niya.

"Pa, alam niyo naman na matagal na akong puro pahinga ang inaatupag. I want to see Daryl na."

"Sasamahan kita," sabi ni Andrea. "Pero meron muna tayo dadaanan."

TUMIGIL ang sasakyan sa loob ng isang sementeryo. Inalalayan ni Andrea si Krisha sa paglalakad hanggang tumigil sila sa isang puntod. Dito ay umaagos ang mga luha ni Krisha na tilang naglalahaw ito nang mabasa ang pangalan ng may-ari ng puntod na yun.

Si Daryl.

Nagyakap si Andrea kay Krisha. "Hindi na rin siya umabot ng buhay sa ospital, Krisha."

"DARYL!" palahaw ni Krisha. Ilang saglit pa'y naramdaman din ni Krisha ang pagyakap ng kanyang ina.

"Krisha, ang baby mo," wika ng mommy niya. "You need to be strong."

"Mahal na mahal ko si Daryl, Ma!"

Tumango ang ina niya at hinigpit pa ang yakap kay Krisha.

"Pasensya ka na, anak. Ganito talaga ang buhay sa mundong ito. May kanya-kanya tayong landas na ating tinatahak. Even though you loved each other to bits, it just happened na naging maigsi ang kahihinatnan ng landas ni Daryl. Pero ikaw, Krisha, ay binigyan ng mahabang buhay, sa awa ng ating Panginoon. Binibiyayaan ka pa nga ng anak. Kaya ang maipapayo ko is you need to be strong because you are not alone anymore. Kasama mo na ang anak mo."

Nagtagal pa sila sa puntod ng ilang minuto. Matapos nito'y nagyaya na si Andrea.

"Krisha, halika na," ani Andrea. "Pwede mo naman siyang dalawin ulit next time."

Tumingin si Krisha sa kanya at tumango ito. Nang nakalakad na siya ay tinanong nito kung saan nakalibing si Ryan.

"Dito din sa sementeryong ito nilibing ang mga labi ni Ryan," wika ni Andrea. "Malayo nga lang."

"Puntahan natin," usisa ni Krisha. Kaya't sumakay na ulit ng sasakyan ang tatlo at pinuntahan ang lugar ng pinaglibingan ni Ryan. Sina Andrea at Krisha na lang ang bumaba ng sasakyan.

Nakatayo na sila sa puntod ni Ryan. Tahimik si Krisha at nakatingin sa litrato ni Ryan na nakapatong sa ibabaw ng nitso. Bigla na lang naramdaman ni Krisha ang paggalaw ng kanyang tiyan.

"Sabi ko na nga ba," sabi ni Krisha kay Andrea.

"Bakit?" tanong ni Andrea.

"Sumipa ang anak ko sa tiyan ko," nakangiting sabi ni Krisha.

"Ganoon ba?" wika ni Andrea. "Kaya lang parang lagging reaction naman ang baby, dapat sa puntod ng daddy niya siya sumipa."

Tumango si Krisha sa kaibigan. "Alam ng baby ko, kaya dito siya sumipa." Napanganga naman si Andrea sa naging inasal ni Krisha.

"Did you mean that---"

"Si Ryan ang ama ng anak ko," wika ni Krisha."I told my doctor about this and he told me that I'm five months pregnant already. Five months ago, nag-sex kami ni Ryan and for the first time I allow him to pop inside of me."

"You and Ryan?" gulat na sagot ni Andrea. "I couldn't believe it! Alam ko na close kayo ni Ryan, but I never knew about it all this time..."

"It's ironic, indeed," wika ni Krisha. "You know,I told him that day that he's the first boy na nilabasan sa loob ko. Sobrang masaya siya that time. He even wrote me a love letter na kung mabubuo ang ginawa namin, gusto niya maging junior niya ito."

"Siya nga ba talaga ang una?"

"Hindi, 'no! Si Daryl ang una. Pero sinabihan ko si Ryan anyway na siya ang first kasi nakikita ko ang saya niya sa kanyang mukha. But on the contrary, nadala ako sa passion ng pagtatalik namin because I didn't realize that I was fertile already. Yun ang dahilan ng pagka-horny ko that time."

"That was puzzling, ha!" ani Andrea. "So, ano ang magiging plano mo ngayon?"

"Mabuhay," sagot ni Krisha. "I'll get behind all this and live my life with my child. Katulad mo, magiging mommy na rin ako. Nawala man ang dalawang lalaking nagbibigay ng kulay sa buhay ko, nagpapasalamat naman ako sa Diyos na nabiyayaan ako ng baby."

"That's the best answerI've ever heard," tugon ni Andrea. "O paano, halika na; masyado nang naglalagablab ang sikat ng araw. Bawal pa naman sa mga buntis ang masyadong naiinitan."

Ngumiti si Krisha sa kanya ngunit hindi muna ito sumunod sa kanya. Sandaling hinaplos muna ni Krisha ang litrato ni Ryan. Matapos nito'y sabay na sila ni Andrea na lumakad pabalik ng sasakyan.

--------------

-------------------------------EPILOGUE--------------------------------------

Ipinanganak ni Krisha ang isang sanggol na lalaki makalipas ng ilang buwan. Pinangalanan niya ang bata na Daryl Ryan Miquiabas as a tribute to Daryl and Ryan. For one semester ay tumigil muna ito sa pag-aaral upang mas bigyan ng time ang anak niya. Lumipas ang semestreng yun at nakapag-aral na ulit si Krisha at fourth year college na siya ngayon. Dito niya nakilala ang classmate niya na matagal nang single. Matamis ang naging samahan ng dalawa at two months after ng graduation ni Krisha ay nagpakasal din sila. Di nagtagal ay nakahanap din ng trabaho ang magkasintahan: public school teacher si Krisha at ang asawa naman nito'y chief operations officer ng isang kilalang kumpanya.Ilang buwan pa ang nakalipas ay nanganak ulit si Krisha at this time, babae na ang ipinanganak niya. Masayang-masaya na ngayon si Krisha sa bagong role niya na asawa at ina ng dalawang bata.

Matapos ang ilang buwan na mag-fiance ay nagpakasal na rin ang magkasintahang Andrea at Miko. Sinuwerte si Miko na makapag-abroad and after three years ay naisama din niya si Andrea at ang anak nitong babae. Even though anak ito ni Daryl kay Andrea ay minahal ito ni Miko na parang tunay na anak niya. Nabuntis ulit si Andrea at muling nagsilang ng isang sanggol na babae.

Lingid naman sa kaalaman ni Miko ay nabuntis pala niya ang kilalang nobya ng bayan na si Sophia sa edad na 19. Pero dahil umasenso na si Sophia sa buhay ay hindi na ito pinaalam ang pagbubuntis niya na lingid din kay Miko ay isang batang lalaki.

Ilang taon ang nakalipas nang nag-graduate na sa kolehiyo sina Reymark at Irish,nagpakasal na rin ang dalawa. Inimbitahan nila si Krisha bilang matron of honor nila. Naroon din si Miko at Andrea bilang principal sponsors nila. Ilang linggo pa ang nakalipas ay nagsilang ng batang babae si Irish. Umasenso na rin ang buhay nila gayong may kani-kanila na silang trabaho: si Irish ay naging Certified Public Accountant, habang si Reymark nama'y technical operations head ng IBM sa Amerika.

----WAKAS----

More from stalkereyes___

Related Stories

PSErotica

REVIEW CENTER - 23

joel_reyes

REVIEW CENTER... 23 By Joel Reyes Nakadalawa na nga si Myrene pero di pa ako nakapagpapalabas ng akin. Noon si Myrene...

3 minutes Read Time
PSErotica

REVIEW CENTER - 4

joel_reyes

REVIEW CENTER - 4 By Joel Reyes Nakatulog kaming apat sa kamang iyon na nakabariga kaya lawit ang mga paa namin...

3 minutes Read Time