1. Home
  2. Stories
  3. Huling Paalam (Short Story)
Filipino Sex Stories

Huling Paalam (Short Story)

By SairaAnn ·
Hindi ko inalintana ang pagod. Hindi ko pinansin ang pawis na dumadaloy sa aking pisngi habang minamasdan ang bawat sasakyan dumadaan sa harap ko. Nasa waiting shed ako at inaabangan ang kanyang pagbisita dito sa Agoo. Hindi ko na rin napansin ang oras - may tatlumpong minuto na ako naghihintay sa kanya - pero hindi ko pa rin ininda ang oras, dahil ito na ang huling pag-uusap naming dalawa...

Sabi nila, bawat relasyon, ay may katapusan. Simula palang, lambingan, suyuan, at sa kalagitnaan, magiging kayo. Maraming mga pagkakataon kami'y nagkasama. Sa labas, sa resort, sa kainan, sa bahay-sambahan, at sa bahay ko. Ngunit gaya ng sabi ko, sadyang may katapusan ang lahat. Maaring sa panloloko kung sino man gagawa nun, o dili naman kaya'y kawalan ng tiwala. Maari rin ang posibilidad na sawa na ang bawat isa. Pero kung sinuswerte ka, maari ring dahil sa pumanaw ang iyong irog... Ahhh... Sana iyon nalang ang naging resulta. Pero di ko na mababago ang nangyari - Kailangan ko nang tapusin ito ngayon.

"Nariyan na ako Lei"

Katatanggap ko lamang ng kanyang mensahe. Si Karine ang nagtext. Malapit na sya. Bigla akong kinabahan - ano kaya ang magiging reaksyon ko kapag makita ko sya? Hmm... Ewan... Bahala na. Sa loob loob ko, handa na ako sa magiging usapan namin. Mahigit isang buwan na naming itong pinagdesisyunan na mangyari. Bahala na nga...

Biglang may tumigil na bus sa bandang kaliwa, tatlong metro ang kayo. Agad-agad ko syang nakita, suot ang kanyang 'peach' na kulay ng damit, naka-pantalon. Ang kanyang buhok ay nakaipit at alam ko na agad na sya na yun dahil iisa lang ang pabangong lagi kong naaamoy bawat bisita nya sakin sa bahay.

"Tara na Karine?"

"Sige. Ikaw na bahala..."

Kinakabahan na ako. Ang kalmadong paghihintay ko kanina ay napalitan ng pawis – hindi dahil sa pagod – dala ng pagkanerbyos, sapagkat ito na ang huli naming pagkikita. Wala nang susunod neto.

Kararating naming sa isang resort, Rennie's Ville, dahil ito ang lugar na pwede kaming magusap ng tahimik. Pagkarating namin, kinausap ko ang isang staff roon, at binigyan kami ng kwarto. Pumasok kami sa loob, at ibinaba lahat ng gamit naming dalawa. Naupo ko sa may upuan habang sya ay umupo sa kama. Inilapit ko ang aking sarili upang magkausap kami. Hindi ko napansin na hinawakan ko nalang ang kanyang kamay ng basta basta...

"Karine, heto na. At least nagkita ulit tayo sa huling pagkakataon. Kailangan na nating tapusin itong sinimulan natin..."

"Lei... Patawarin mo ako. Di kita naipaglaban..."

Tagos sa loob ko iyon nang marinig ko ang mga salitang iyon. Kulang nalang ay magwala ako, ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Gusto ko nang matapos ito. Gusto ko nang matapos ang paghihirap ko. Ginusto kong maayos kami ngunit hindi na kaya – mauulit lamang ang mga pangyayari kung magkakaayos lang kami, malamang babalik sa dati. Pero sa pagkakataong ito, desidido na akong tapusin ang lahat... Kahit masakit.

"Alam ko... Pinapatawad na kita... Sadyang ganoon talaga ang tadhana."

"Lei, I am so sorry..."

Namumuo na ang luha sa kanyang mata. Noon, kay ganda nilang masdan. Ito lagi ang nagpapaligaya sakin kada kita namin kapag napapabisita sya sa akin. Ngunit ang kanyang mata ngayon, ay iba – sobrang kalungkutan na parang mayroong mawawala sa kanya. Mawawala? Matagal na nga akong nawala sa piling nya. Ngunit bakit pa nga ba kami nagkita? Kahit ako ay nagtataka... Pero alam ko sa damdamin ko, gusto ko syang makita...

"Maari bang ma-angkin kita sa huling pagkakataon?"

"Sayong sayo ako Lei, nabihag man nya ang aking puso, ngunit ikaw pa rin ang hinahanap hanap ko..."

Sa ikalawang pagkakataon, nasaktan ang aking puso. Ngunit wala na akong dapat pang isipin. Nasa harap ko na sya, at kelangan kong gampanin ang parte ko – na kailangan ko nang magbigay ng huling memorya n gaming pinagsamahan.

Nagsimulang magniig ng aming mga labi. Kay tagal ko na rin itong hindi nalasahan. Kalungkutan nga lang sapagkat ito na ang huling pagkakataon na makakapiling ko sya. Niyapos ko sya ng lubusan habang tumutulo ang luha naming dalawa. Kung maari lamang itigil ang oras, hindi ako mag-aalinlangang masolo sya, panghabangbuhay. Subalit hindi kagustuhan ng tadhana na maging kami. Gayun pa man din, nagpapasalamat pa rin ako sa tadhana dahil binigyan nya ako ng limang oras upang maibigay ko ang pinakahuling paalam ko sa kanya.

Kita ko ulit ang kanyang hubog. Di ko na mabilang kung ilang beses ko na ito nakita. Niyapos nya ulit ako at binigyang pansin ang aming labi. Hindi kami nagpapigil sa nararamdaman namin. Sa aking pakiramdam, kahit papaano, tumigil ang oras namin.

"Lei... Lei"

Hindi ko na inalintana ang nasa pagitan namin, bagkus, kinuha ko na ang pagkakataon upang magniig kaming dalawa. Wala na ako pakialam kahit magalit man ang Diyos sa akin. Ang pinakaimportante para sakin ngayon, ay mabigyan sya ng huling pakiramdam ng tuwa ang ligaya bago sya mapunta sa iba...

"Leeeeei!"

At sa huling pagkakataon, ibinigay ko ang lahat ng pagmamahal. Niyapos ko sya ng mahigpit na parang wala nang bukas pa. Hinalikan sya sa kanyang pisngi at labi. Naroon pa rin ang luha sa aming mga mata, dahil alam namin na oras na upang umalis kami sa kwarto na iyon.

"Lei..."

"Karine, heto na ang huling sayaw natin... Sana sa huling pagkakataon na ito, ay nabigyan kita ng pagpapahalaga... Kahit na may dulo ang ating istorya, kahit papaano ay binigyan mo ng kulay ang aking mundo..."

"Lei..."

Umiiyak ulit sya sa aking harapan. Habang hawak ko ang kanyang kamay, niyakap nya ako ng mahigpit. Hindi nya ininda kahit hubad kami, sapagkat ramdam ko sa kanya na ito na ang magiging wakas naming.

"Karine, napakaganda mo pa rin, kahit ika'y umiiyak..."

Dahan dahan kong pinahid ang kanyang luha sa kanyang mata...

"Basta siguraduhin mo ha... Sya na ang magiging huli mo..."

Tumango si Karine sa akin... At sa huling pagkakataon, tinignan naming ang bawat isa na may pagsuyo sa huling pagkakataon...

Pagkatapos ng aming oras, ay umalis na kami sa kwarto na iyon. Habangbuhay kong tatandaan na iyon ang lugar na kung saan kami ay nagbitaw ng huling paalam sa bawat isa...